News Release

EPD, nagkasa ng simulation exercise bilang paghahanda sa unang SONA ni PBBM


Nagsagawa ng simulation exercise ang Eastern Police District (EPD) bilang bahagi ng paghahanda para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa susunod na Lunes.

Pinangunahan ng Mandaluyong City Police ang ikinasang SIMEX sa bahagi ng EDSA/Ortigas Avenue Flyover na malapit sa EDSA Shrine na itinuturing na critical area dahil madalas itong pagdausan ng mga kilos protesta.

Bahagi ng simulation exercise ang pagpapakita ng mga tauhan ng EPD ng mga posibleng scenario sa araw ng SONA kabilang ang civil disturbance management o kung paano haharangin at tutugunan ng Kapulisan ang mga indibidwal o grupo na magsasagawa ng kilos protesta.

Samantala, ngayong araw nakatakda namang pangunahan ni EPD Chief Jerry Bearis ang send-off ceremony sa mga personnel na ide-deploy sa araw ng SONA.

http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/epd-nagkasa-ng-simulation-exercise-bilang-paghahanda-sa-unang-sona-ni-pbbm

###