Photos

Trabaho at murang pagkain ang hatid ng job fair at Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa na binuksan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
May 150 na business owners ang lumahok sa aktibidad upang makapagbenta ng mura at dekalidad na mga produkto sa ating mga kababayan.

Malugod na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ayon sa Pangulo, layunin ng pamahalaan na pagtibayin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga maliliit na negosyo. Ibinahagi din ni PBBM na patuloy ang suplay ng mga produktong ibinibenta sa KNP para makapamili ang lahat. Sa ngayon, mayroon nang mahigit Php 415 milyon na kita ang nasabing proyekto na napapakinabangan na ng lagpas 1 milyon na magsasaka at 26,000 na mga mangingisda.

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Bataan nitong Biyernes, bilang bahagi ng mga pagsisikap ng administrasyon na isulong ang abot-kayang presyo. Ipinahayag ni PBBM ang kahalagahan ng pag-suporta sa mga magsasaka, mangingisda, at mga maliliit na negosyo, na kritikal sa food supply chain ng bayan. Dagdag pa ng Pangulo na mas pararamihin pa ng pamahalaan ang KNP sa bansa para mas marami kababayan natin ang makinabang sa programang ito.

Inilunsad ngayong araw, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Kadiwa ng Pangulo sa Pili, Camarines Sur. Ipinagpapatuloy ng programa ang mga naunang inisyatiba na Kadiwa Store, Kadiwa Pop-up Store, at Kadiwa on Wheels, na naglalayong tulungan ang mga magsasaka, mangingisda, kooperatiba, at maliliit na negosyante sa pagtinda ng kanilang mga produkto. Ang Kadiwa ng Pangulo ay inilunsad din para makapagbigay ng mas murang alternatibo para sa mga mamimili sa gitna ng pandaigdigang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Tinupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako nitong maglulunsad ang pamahalaan ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) na nakalaan para sa mga manggagawang Pilipino kung saan mabibili nila na may diskuwento ang mga sariwang gulay, karne, prutas, bigas, at mga produktong mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Pinangunahan ng Pangulo ang paglulunsad ng KNP para sa mga Manggagawa ngayong araw, Marso 8, sa Quezon City kasama ang mga opisyal ng DTI Philippines, Department of Labor and Employment - DOLE, at iba pa. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo na isa lang ang KNP sa mga programa ng pamahalaan para sa mga manggagawa bilang bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Dagdag pa niya, marami pang KNP ang bubuksan para na rin tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa komunidad.

President Ferdinand R. Marcos Jr. vowed Wednesday to further increase the number of Kadiwa ng Pangulo outlets in the country to help small businesses and producers recover from the impact of the pandemic and at the same time provide the public with affordable basic products.

Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inilunsad ngayong araw ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Kadiwa’y Yaman (KAY) Plants for Bountiful Barangays Movement (PBBM) na proyekto ng DILG Philippines at Department of Agriculture - Philippines (DA).

Personal na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 'Kadiwa ng Pangulo' sa Cebu Province ngayong araw, Pebrero 27, bilang pagtupad sa kaniyang pangako na magbigay ng abot-kaya at dekalidad na pagkain at produkto sa bawat pamilyang Pilipino. Nakausap din ng Pangulo ang mga magsasaka at mga miyembro ng mga kooperatiba sa rehiyon at nangakong patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang kanilang kabuhayan lalo na't maglulunsad din ng 'Kadiwa ng Manggagawa' sa iba't ibang dako ng bansa. Sa Kadiwa ng Pangulo, mabibili ang isang kilo ng NFA rice sa halagang Php 25 kada kilo, habang Php 200 kada kilo ng pulang sibuyas, bawang na Php 90/kilo, at mas murang karne, prutas, at gulay.

Pagkatapos makilahok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pasko site sa Valenzuela, siya naman ay nagtungo sa isang NFA warehouse sa nasabing lungsod upang magsagawa ng inspeksyon at matiyak na sapat ang suplay ng bigas para sa mga Kadiwa programs ng pamahalaan.
Kasama niya sa nasabing inspekyon si OPS OIC Atty. Cheloy Garafil at iba pang opisyal ng gobyerno.