Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
RMN / STRAIGHT TO THE POINT by Rod Marcelino and Einjhel Ronquillo
15 September 2016

EINJHEL:
Magandang umaga, sir. Welcome po to the Straight to the Point.

SEC. ANDANAR:
Good morning.

ROD:
Opo, Secretary. Maayong buntag. Welcome po sa Straight to the Point.

EINJHEL:
Secretary, kasi ngayon nakakakuha po ng iba’t-ibang reaksiyon ano especially nga po may payo po itong si Senador Lacson na kung saan iba’t-iba daw po ang paglalabas ng official statement ng tagapagsalita nitong si Pangulong Duterte na nagdulot naman po ng iba’t-ibang impresyon. So ano po ang masasabi ninyo dito?

SEC. ANDANAR:
Kagabi po nilinaw ko sa Gabinete at tinanung ko po ang ating mahal na Pangulo about—sabi ko sa kanya, “Mr. President we have been under fire and we have been heavily criticized, our government, because of having too many spokespersons.” At ang sagot po sa akin ng Pangulo sa harap pa po ng Gabinete, eh sabi niya, “ O ‘di lahat naman ng tao ko sa Gabinete, hinahayaan kong magsalita,” at sabi niya, “iyong media bahala sila kung maniwala, kung sino ang paniwalaan nila.” So, kasi alam mo, Rod and Einjhel, ang inyong lingkod at ang opisina namin ay sumusunod naman sa libro ng public relations. Kami ay sumusunod sa mga nakagawian natin lahat. Pero alam n’yo po, prerogative at iba ho ang istilo ng ating Presidente. So, kami ho ay sumusunod lamang sa istilo ng Presidente.

EINJHEL:
Pero, Secretary ano, paano po ba ang sistema na ipinapatupad diyan po sa Communications Group po ni Pangulong Duterte. Halimbawa, meron pong isang statement ang ating Pangulo: Ano po, nagga-gather po ba muna ang Communications Group ng ating Pangulo and then saka po magbibigay ng statement o kahit sino kumbaga? Ang sinasabi kasi magkakaibang interprestasyon, magkakaiba ng pakahulugan. So, ngayon in the end, nagkakaroon ng pagkalito at in the end din nasisi ang ating media dahil tila tini-twist daw po iyong istorya?

SEC. ANDANAR:
Opo naiintindihan ko iyong dilemma ng media ngayon, naiintindihan ko, ako man ay galing sa media. Pero ganito po, as far as I know and as far as I am concerned, there is only one Presidential Spokesman. Ang Presidential Spokesperson po natin, Einjhel at Rod, ay si Presidential Spokesperson Ernesto Abella. Malinaw po, kaming dalawa ni Ernie we work hand and hand, halos araw-araw magkausap kami at halos araw-raw nagtatawagan din. We work hand and hand at kaming dalawa ang aming arrangement ay ganito: Ang first option na magsasalita sa media ay si Ernie.

ROD:
Secretary Abella, opo.

SEC. ANDANAR:
Yes, oo. Para malinaw po ito, puwede po ninyo itong sabihin sa mga kasamahan natin at alam ito ng MPC. Si Ernie iyong magsasalita, kaya nga kung mapapansin ninyo sa Malacañang News Brief halos siya palagi ang nagsasalita.

Tapos ako naman ay papasok lamang kapag wala si Ernie. Eh kasi siyempre iyong mama ay kailangan ding magpahinga ‘no. So kapag umaga, mga ganito, mula alas-singko hanggang alas-diyes, ako kung mapapansin, I’m very available sa radio, puwedeng tumawag sa akin at ma-interview ako. So that is the only time that I set in and speak on the behalf of the President. At meron pang ibang mga pagkakataon, mga boss na halimbawa, wala talaga si Ernie may sakit o bumiyahe, talagang ako ang magsasalita. So malinaw iyon.

So, any presidential pronouncement na ang nagsalita ay galing sa Presidential Communications Office consider that official, official po iyan. Now, ang sinabi ni Presidente, “iyong mga Secretary dito, pare-parehas lang kayong Secretary,” sabi niyang ganoon ‘no. “Puwede kayong magsalita, I am giving you the order and the authority to speak” lalo na kung iyong mga… halimbawa, pag-uusapan sa mga joint patrol sa West Philippine Sea, di DND ang magsalita, eh natural lamang na DND and pinaka-credible dito; at iyong Foreign Affairs.

You know, nasa media na po iyan. Kung merong isyu ang Presidente at lumabas na kailangang na klaruhin—basta pag Office of the Presidential Spokesperson, iyan po ay directly coming from the Office of the President. Meaning, the OPS is the alter ego of the President pagdating sa komunikasyon. So, malinaw po iyon. Now ang problema po natin ngayon ay ganito, iba ang interpretasyon ni Ernie halimbawa, iba rin ang interpretasyon ni Sal Panelo. Doon talaga nagkakaproblema eh, kasi siyempre—

EINJHEL:
Korek, magkakaiba tayo.

SEC. ANDANAR:
Oo, sasabihin iyong media, na ano, hindi alam kung ano ang ire-report, di ba? Basta ganito na lang ho iyan: Basta as far as the Office of the Presidential Spokesperson and the Presidential Communication Officer are concerned, hindi ho official line ang sinabi ng ano… halimbawa, ni Secretary Sal. Ang official line ng Presidente ay iyong sinabi ng PCO.

ROD:
Oo, kasi kagaya po sa isyu ni Mary Jane, eh pati is Secretary Piñol meron din po siyang ibinigay na statement.

EINJHEL:
Kasi sabi niya malapit lang daw po siya kay Pangulong Duterte, kaya ngayon nagpa-interview riin siya kumbaga parang narinig daw niya iyong pinag-usapan.

SEC. ANDANAR:
Oo.

ROD:
Ano ho ba iyong protocol diyan, Secretary?

SEC. ANDANAR:
I brought it up already last night. Malinaw po ang sinabi ni Presidente, Einjhel at Rod, na ganito ‘no — Iyon nga lahat puwedeng magsalita. So I asked the President again, “Mr. President puwede ho ba ganito na lang, kapag meron hong pronouncement ang inyong opisina, puwede ho ba kami muna sa PCO ang puwedeng mag-interpret noon. Puwede ho ba kami muna, kasi kami ang napupuluan eh. Puwede ho ba kami muna, tapos kami na ang magdedesisyon kung sino sa mga miyembro ng Gabinete ang maaring mag-clarify nito dahil meron siyang specialization tungkol dito sa area na ito.”

EINJHEL:
Ayon, clear iyon.

SEC. ANDANAR:
Clear yun. So halimbawa meron… iyong kay Mary Jane. Takbo iyong media sa amin, sasabihin namin sa media, sandali lang tatawagan muna namin si DFA Secretary Yasay and then kapag sinabi ni Yasay ganito, ganito, ganito, okay. Sasabihin ko, “Secretary Yasay puwede bang patakbuhin namin iyong MPC.” “Oh sige puwede sabihin mo tawagan ako ngayon.” And then we go back to the MPC, “O puwede na is Secretary Yasay magsalita. Siya iyong official ngayon.”

ROD:
So iyan po ang napag-usapan ngayon, Secretary, para hindi magkaakaroon ng problema.

EINJHEL:
At iyan ma-implement po starting po today?

SEC. ANDANAR:
Iyan ang i-implement natin starting last night, nung nakausap ko po ang Pangulo.

EINJHEL:
Kasi ito nga po, gusto rin namin marinig po mismo sa inyo, Secretary Andanar, kung ano po ba ang totoo. Kasi nitong mga nakalipas na araw, medyo… ang daming ano eh, kumbaga interpretasyon katulad nga po noong kay MJ Veloso, as well as iyong sa US troops natin ‘no; sinasabi ni Pangulong Duterte na mag-pull out na. Tapos nung isang araw ang sabi warning lang daw ay hindi naman daw talaga pinapaalis iyong tropa ng Amerikano sa Mindanao. So ano po ba ang totoo doon sa dalawa?

SEC. ANDANAR:
Hello?

EINJHEL:
Hello, Secretary naririnig n’yo po kami, Sec? Naputol.

(communication line cut)

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)