LIWANAG:
Nasa linya na po natin si Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar. Sir, good morning.
SEC. ANDANAR:
Good morning, Benjie. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig ng programa mo dito sa DZBB.
LIWANAG:
Okay. Sir, number one, ang katanungan ko: What do we expect this week? Ano ang mga inaasahan na gagawin ng Pangulong Rodrigo Duterte?
SEC. ANDANAR:
Magkakaroon po ang Pangulo ng isang espesyal na Cabinet meeting bukas. At bukas po ay magre-report ang Pangulo sa kaniyang mga naging meeting na nangyari sa Laos pati sa Indonesia, at lahat po ng accomplishments na nagawa po ng ating Pangulo doon sa kaniyang special working visit sa Indonesia at doon sa iba pang mga bilateral meeting doon naman sa Laos.
LIWANAG:
Okay. Sir, dito sa … itong bukas ano, mayroon pa bang mahalagang topic na pag-uusapan maliban po doon sa mismong napag-usapan doon sa Laos pati doon sa Indonesia? Dahil dito sa Pilipinas, mayroon tayong mga tinututukan pa rin especially iyong paglaban dito sa droga. Kakamustahin ko lang ho, ano pa ho ba iyong nakalatag na programa ninyo within the week?
SEC. ANDANAR:
Iyong meeting po namin bukas, Benjie, bukod sa report ng Pangulo sa mga naging accomplishments sa biyahe po ay pag-uusapan din po iyong Presidential Agrarian Reform Council. Ito po ay isa sa mga tutukan bukas ng hapon.
LIWANAG:
Okay, Presidential Agrarian Reform Council. Sir, dito tututok na tayo, dito sa—especially pinagbawal na iyong demolition, pinagbawal na iyan. Ito iyong pamamahagi ng lupa, kumbaga, ito ho ba iyong isa sa mga agenda nito?
SEC. ANDANAR:
Lahat po ng issues patungkol sa pamamahagi ng lupa, comprehensive agrarian reform program, iyon pong mga issues na kinakaharap ngayon ng DAR ay pag-uusapan po dito, bukas po sa Malacañang.
LIWANAG:
Okay. Maliban doon, sir, mayroon pa ba? I believe may mga na-appoint nang bagong mga opisyal ng Pangulong Duterte?
SEC. ANDANAR:
Hinihintay ko lang, Benjie iyong listahan mula kay Executive Secretary Bingbong Medialdea dahil iyon din po iyong balita ko, mayroon nang mga na-appoint. Pero until matanggap ko po iyong listahan mula kay Executive Secretary ay hindi ko po ma-confirm.
LIWANAG:
Ah, okay. Maliban dito, Secretary, mayroon tayong … dito sa paglaban natin sa … itong DOLE, itong Department of Labor and Employment, itong contractualization. Ito ho ba’y natalakay din dahil marami hong nag-aantabay nito?
SEC. ANDANAR:
Isa ho ito sa nabanggit ng ating Pangulo doon ho sa kaniyang speech sa Davao. I just can’t recall kung ito po’y—iyong arrival ‘no, iyong arrival speech, iyong contractualization na they are giving a stern warning sa mga negosyante po na kailangan ay sumunod sa batas at kailangang matigil na itong mga endo o end of contract ‘no. So hindi ko lang ho alam kung pag-uusapan ito bukas, pero ako po’y nakakatiyak na pag-uusapan po ito this week.
LIWANAG:
Okay. So this will be another busy week para sa ating Pangulo, Secretary.
SEC. ANDANAR:
Yes, magiging busy week ho. Of course, noong pag-uwi po natin galing sa working visit ng Pangulo sa Indonesia, it ended up very positively, on a very high note ‘no. Naging maganda po iyong usapan ni President Duterte and President Widodo, at nagkaroon po ng pirmahan ang dalawang kampo pagdating po doon sa maritime security dito sa Sulu at Sulu West Sea. At nagkasundo rin po ang dalawang pangulo na kailangan nang masawata ang piracy diyan po sa Sulu at Sulu West Sea.
Ganoon din iyong human trafficking, napag-usapan din po iyon, magtutulungan ang dalawang bansa. At iyong security around the area, lalung-lalo na pagdating po sa problema natin sa kidnapping, iyong mga ginagawa ng grupong Abu Sayyaf ay makakaasa po ang bansa natin na tutulong ang Indonesia ‘no pagdating sa—at marami pa hong pinag-usapan doon na hindi na ho sinabi sa atin ng Pangulo dahil silang dalawa lang, President Widodo at Duterte, ang nakakaalam.
LIWANAG:
Okay. Napag-usapan ba iyong Abu Sayyaf, basically, mayroon, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Well, napag-usapan ho iyong piracy, iyong kidnapping so napag-usapan ho iyon and that’s precisely the context of the signing of the maritime security ‘no. Ito iyong mga pagtutulungan ng dalawang bansa para sa seguridad doon sa Sulu at sa Sulu West Sea.
LIWANAG:
So inaasahan natin na mas dadami ang security forces natin lalo na doon sa karagatan. I believe doon sa Sulu ay mayroon na tayong mga … mayroon na kayong pinadala na mga karagdagang puwersa para bantayan iyong mga karagatan para hindi raw makatakas iyong bandidong grupong Abu Sayyaf. Is that true, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Oho, totoo ho iyan. Ito ho iyong naging pangunahing hakbang ng Armed Forces of the Philippines, at gaya nung nabanggit noong mga nakaraang linggo ay all out na ho iyong pagtugis sa Abu Sayyaf. Kaya nga nagkaroon ng trilateral meeting iyong mga defense ministers ng Malaysia, Indonesia at ng ating bansa para pag-usapan nga itong sea lane ‘no o authorized sea lanes between three countries para kung anybody who sails outside of the authorized sea lanes will be deemed hostile ‘no. Iyon po iyong napag-usapan diyan ‘no. Isa lang ho iyan sa mga hakbang para masolusyunan ang problema diyan sa area na iyan sa Sulu at Sulu West Sea.
At napag-usapan din, Benjie, iyong mga illegal fishermen ano, illegal fishermen ng both countries na kailangan ho ay magkasundo na ho iyong dalawang bansa na mayroon ho tayo kaniya-kaniya fishing areas ‘no. Tapos kung mayroon hong mga mangingisda mula sa bansa natin na napadpad ho doon sa dagat ng Indonesia, nabanggit po ng ating Pangulo na nirerespeto natin ang batas ng Indonesia.
LIWANAG:
Okay. Secretary, today is September 11, 9/11 attack, 15 years ago. At ang Pilipinas ngayon kagaya noong mga nangyari before, itong bombing sa Davao. Ngayon, kumusta iyong security preparations ng bansa, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Benjie, alam mo naman na we join the entire nation, that we join the United States in remembering the fallen and the victims of 9/11. Napakadami hong namatay at marami doong Pilipino na nandoon ho, nag-opisina sa Twin Towers na nadamay ho dito sa paghahasik ho ng lagim ng mga terorista; and that really opened up a Pandora’s box with the terrorists ‘no. Iyong mga plano ay naglabasan ho at lalo hong dumami iyong terorista after that attack, and it only proved to everyone in the world, lalo na iyong mga miyembro po ng allied forces na ang ating kinakaharap ay mga taong walang mukha. Hindi ho natin alam kung sino ho kalaban natin. Mayroon ho silang ipinaglalaban na kanilang mga pilosopiya, idolohiya na hindi ho nasa atin sa ating idolohiya at sa ating paninindigan.
Kaya dumami ho sila, dumami ho iyong mga terorista. At siguro dahil ho—nabanggit mo iyong nangyari sa Davao, that’s already one of their works ‘no, evil works. So when we commemorate that, it also reminds us na kaya nga tayo nagkaroon ng state of lawless violence sa bansa dahil diyan sa mga gawain ho ng mga terorista. And the more that we should cooperate with our government, with our forces, and the more na tayo po bilang mamamayang Pilipino ay dapat magtulungan. We should be part of a neighborhood watch, mga bantay-bayan para ho mas mapadali ang trabaho ng mga awtoridad para mahuili at mapigilan ho iyong mga anumang mga plano ng mga terorista, Benjie.
LIWANAG:
With the existence of Abu Sayyaf and also Maute Group ano, ibig sabihin ho, sir, nagkukumpirma na may selda rito ang ilan sa mga international terrorist group?
SEC. ANDANAR:
Iyong dalawang grupo ho na iyon ay nakita naman ho natin sa mga pahayagan at sa kanilang mga releases na mayroon silang bandila ng ISIS, (unclear) nila iyong ISIS so we cannot take this lightly at the more that we should be wary and we should be alert ‘no sa kanila at sa ating lipunan. And exactly the reason why mayroon tayong state of lawless violence dahil nga para mas mapadali po iyong trabaho ng ating kapulisan na mapanatili ang kapayapaan, law enforcement sa pamamagitan ng tulong ng Armed Forces of the Philippines.
LIWANAG:
Secretary, while you’re out sa country, palagi hong lumalabas dito ‘no—ewan ko ba bakit ipinapasa ito—text messages, mga e-mails at saka kung anu-ano pa, pati direct messages sa Facebook, pasasabugin iyong ganito, iyong ganyan. Marinig nga po namin from the government, ano po bang dapat gawin sa mga ganitong pagkakataon, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Kung mayroon pong mga natanggap na mga reports, mga e-mail, mga sulat, mga text, we do not take that lightly, Benjie. Kailangan tawagan po natin iyong 911 or 117, i-report po natin ito dahil hindi na ho natin alam kung alin iyong totoo, alin iyong hindi, ‘di ho ba? So para sigurado ho na safe talaga, it’s better for us to report all of these text messages, warnings, etc., para mapag-aralan, ma-imbestigahan ho agad ng awtoridad. Marami naman ho tayong mga kawani ho diyan sa ating Intelligence, sa Armed Forces of the Philippines, National Police na kaya ho itong i-trace kung ano po iyong mga text messages or e-mails na natanggap ng ating mga kababayan. At para din po sa ating mga kababayan na wala hong magawa, sana huwag na ho tayong magkalat ng mga kung anu-anong mga prank calls o iyong mga hindi ho tamang balita dahil nakakadagdag ho kayo sa problema.
BENJIE:
Secretary, kailangan bang ipasa pa iyong mga text messages?
SEC. ANDANAR:
Iyong mga text messages, we should take that seriously, Benjie. Report that right away, and even kung sino po iyong source nito. Kasi what if totoo, we don’t want to be regretting the fact that tama pala iyong pinadalang mensahe tapos hindi natin pinansin. Now, mayroon ho tayong mga kasama sa gobyerno na ang trabaho ho nila is to verify such information.
BENJIE:
Oo, sir, Pero ang tanong ko, kailangan bang ipasa pa ito, padamihin ito? Kasi ang daming nakatatanggap ng ganito eh.
SEC. ANDANAR:
Hindi naman, basta—
BENJIE:
Huwag na, huwag nang—
SEC. ANDANAR:
Kung sinong nakakatanggap, well, kasi usually naman kapag dumadami—just as a responsible citizen practicing your civic responsibility, itawag ninyo pa rin sa 911 para lang ho, at least, it’s on record ‘no na mayroon ho kayong natanggap at kung saang number ninyo ho natanggap. It is better safe than sorry.
BENJIE:
But can you assure us of a security talagang is in place right now, especially in the metropolis at saka iba pang cities at saka mga lugar, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Yes, iyon po iyong trabaho ng ating AFP at ng Philippine National Police. The reason why the President signed the state of lawless violence para nga mas mapadali iyong trabaho. But it is easier if the community at iyong ating mamamayan ay makipag-cooperate po sa ating kapulisan at sundalo.
Ngayon, alam ho natin na our country is a very porous country ‘no. By ratio, talagang kulang ho iyong ating kapulisan at ang Armed Forces – we are hundred million Filipinos. But imagine, with the Armed Forces at the policemen tapos isama na ho natin iyong mga responsableng Pilipino, and I guess, siguro naman ang mga responsible Filipinos would be 99% ‘no. Ilang pursiyento lang po diyan iyong iresponsable at may isip-terorista dahil siguro kapag tayo po lahat ay nakipagtulungan at we cooperate and we work together, mas madali ho nating mabantayan ang ating bayan.
BENJIE:
Secretary, thank you very much for your time. Alam kong napaka-busy ng Sunday din ninyo, at keep in touch at marami pang dapat itanong, marami pa kaming dapat malaman. Thank you po.
SEC. ANDANAR:
Maraming salamat, Benjie. At nais ko lang ding ipaabot sa inyong himpilan at sa mga kasamahan natin sa MPC, nagkaroon ho ng kaunting problema (unclear) iyong ating Presidential News Desk (unclear) releasing information particularly the seating arrangement of the President without even checking the facts ‘no. So I take full responsibility for that boo-boo. But I’d like to assure the MPC that I’ve already ordered an investigation, doon po sa Presidential News Desk kung bakit itong klaseng impormasyon went out without my approval. It’s very ano … it’s not a matter to laugh about. It’s very serious because iyong mga seating arrangements na mga ganito, it should be exclusive eh. It should not be released to the media until the day na mangyari ho iyong event ho na iyon, so I take full responsibility. I’d like to say that I regret what happened sa ating mga kasamahan. It was an unintentional (unclear). We’re looking into the problem, Benjie.
BENJIE:
Actually, that was the story that day until the night.
SEC. ANDANAR:
Oo.
BENJIE:
We covered—ako, I covered from Malacañang hanggang gabing-gabi iyon. Ang sinabi ko lang bagama’t ganito iyong inilabas nung sa inyo nga ‘no, from your office, pero siyempre kukumpirmahin pa rin natin iyan kapag nakita natin. Naku, marami po iyong talagang … ano ba ito, marami hong nasuya dahil bakit ganoon, may inilabas na ganitong ulat tapos hindi naman pala. Now you are confirming, hindi po, wala po kayong authorization para ilabas ito, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Yes, I’m confirming that, Benjie. In fact, that day – that was a Wednesday, I remember before the ASEAN gala – ako po ay natanong ng international press at ng ating kasamahan sa MPC. I remember saying these words that it’s difficult to speculate, kasi nagulat ako noong sinabi sa akin ni Maricel Halili na mayroon ngang lumabas from my office. And what I did was, I just said that it’s difficult to speculate the seating arrangement but for sure I can tell you that they will be eating and drinking together ‘no.
Kasi if you were to ask me, I will never relate such information ‘no because kung mayroon man kaming natanggap na mga impormasyon about the seating arrangement that’s really minister to minister information that—actually, unofficial eh, ito iyong mga posibleng mangyari. And we all know also for a fact, Benjie, that even if there are seating arrangements during these times or talking arrangement – when I say talking arrangement, sino iyong unang magsasalita – I saw it for myself na hindi lalabas, but I thought also na nababago po iyong listahan. This is the prerogative of the hosting country.
So we take the problem seriously. I’ve had ordered Undersecretary Enrique Tandan to look into it – Undersecretary Tandan now is the person looking over, managing the Presidential News Desk – what happened there ‘no. But from my office, I’d like to say that we regret that that happened and I take full responsibility for what happened. I’m also a media person, I understand what happened and the effects of ano … may bomb or kapag nakuryente ho tayo, hindi ho maganda iyan.
BENJIE:
Oo, totoo iyon, Secretary. At ilang araw pagkatapos noon, ilang araw pa rin pinag-uusapan pa rin iyan. Well, maganda ito nilabas ninyo, at least naliwanagan tayo. And kami po ay aantabay doon naman po sa magiging resulta nitong imbestigasyon, Secretary.
SEC. ANDANAR:
Yes, Benjie, salamat po. Salamat sa pagkakataon na magsalita dito sa program ninyo, sa DZBB. Mabuhay po kayo.
BENJIE:
Mabuhay po kayo. Maraming salamat. |