Press Briefing

Virtual Presser with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo


Good day! Again we have our Virtual Presser for today, April 8, 2020. We have some questions from the Malacañang Press Corps and we’d like to read them so that we can appropriately respond to them.

Number one, from Joseph Morong of GMA-7 and Mela Lesmoras, PTV: “How will the President observe the remaining days of Holy Week?”

– Ang atin pong Presidente has decided to cancel his trip to Davao yesterday. Sana po’y pupunta siya doon para makasama niya sana ang pamilya niya. Apart from that, birthday po ni Kitty, iyong kanilang anak ni Madam Honeylet Avanceña. We’d like to greet you Kitty a Happy Birthday, although iyong selebrasyon mo hindi nasa magandang panahon. Kaya si Presidente po ay mananatili dito sa Bahay Pagbabago, itutuloy niya po ang kaniyang trabaho bilang Pangulo ng bansa habang siya’y nasa loob ng kaniyang opisyal na residence at tuluy-tuloy po ang kaniyang pag-monitor sa mga kaganapan dito sa ating pakikibaka sa coronavirus. Kaya ngayong Holy Week, unless na mayroong pagbabago, siya po ay mananatili dito sa Maynila.

And then we have number two, question from Jocelyn Balancio of DZMM at ganoon din kay Mela Lesmoras ng PTV: “Tapos na ang quarantine ni PRRD, so uuwi ba siya sa Davao or he’ll be staying in Bahay Pagbabago?”

– Nasagot na po natin iyon kanina. Mananatili po siya ngayon dito sa Maynila.

Number three, from Joyce Balancio of DZMM: “Ano ang message ng Palasyo for the observance of the Holy Week?”

– Gaya nga po ng sinabi Presidente noong isang gabi, tayo po ay manalangin sa Dakilang Lumikha upang tayo’y gabayan, bigyan ng karunungan, ng pamamaraan kung papaano natin masusugpo itong coronavirus na nakaumang sa atin at nailagay po tayo sa bingit ng kamatayan. Ang mensahe po ni Presidente ay kahalintulad pa rin ng mga dati niyang mensahe, kung maari po tayo ay manatili sa bahay, stay at home, upang tayo po ay hindi magkahawaan. At kung maari po ay magtulungan po tayo sa isa’t isa, magbigay po tayo ng proteksiyon sa bawat isa sapagkat ang pagbibigay ng proteksiyon sa bawat isa ay nagbibigay tayo ng proteksiyon sa ating kapwa-tao. At pinapanalangin po ni Presidente Duterte na sana po, tayong lahat ay makaahon dito sa ating malaking problema at maibalik tayo sa normal na pag-inog ng ating buhay sa araw-araw.

Number four question, from Rosalie Coz ng UNTV: “Ano po ang inaasahan natin kay Pangulong Duterte pagkatapos ng kaniyang 14-day self-quarantine? May plano ba ang Pangulong lumabas ng Palasyo after nito?”

– Well gaya nga po ng sinabi natin kanina, si Pangulo ay mananatili sa kaniyang official residence. He will continue to function and perform his duties as President. He will continue to monitor and then give directives/directions sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno sa anumang kaganapan na nangangailangan ng kaniyang pagtugon. Dito lang po siya sa Maynila upang madalian na mabigyan ng katugunan ang anumang uri ng suliranin na ipapaaabot sa kaniya.

– Siya po ay araw-araw nagmo-monitor ng mga kaganapan natin. Gaya nga ng sinabi niya, nanonood siya ng lahat ng istasyon all over the world, kung ano nangyayari sa ibang bansa. Nagmo-monitor din siya dito sa atin, tumatanggap po siya ng halos isang libong mensahe yata sa pamamagitan ng kaniyang mga aides. Kahit ako nagpapadala rin sa kaniya, pino-forward ko rin iyong mga nakakarating sa akin, kung anong suliranin ng anumang sektor ng ating lipunan at mababasa niya po lahat iyon.

And then we have question from… number 5: “Hinggil po sa mga pinasalamatang bilyonaryo ni Pangulong Duterte sa pagresponde kontra sa COVID-19, magkano po ang dinonate ng bawat isa? Saan po partikular na gagamitin ang mga donasyon?”

– Hindi po natin exactly how much, but mayroon po tayong mga ideya na galing na rin sa mga pahayag ng mga kinauukulan na nababasa natin sa pahayagan at sa mga palabas po nila na pino-post. Ang pagkakaalam po natin, like for instance ang National Grid Corporation, sila po ay magbibigay ng isang bilyon na worth ng pagkain, groceries at kasama na rin po iyong cash. At iyon po ay idi-distribute nila sa mga kababayan natin na mas nangangailangan ng kanilang tulong.

– Ito naman pong si Andrew Tan Group of Companies, nagmamay-ari ng MegaWorld, siya po ay nag-donate sa mga ospital ng mga medical supplies, pagkain sa mga iba-ibang komunidad; maliban pa doon sa nauna niyang dinonate na one million liters or worth 150 million pesos na mga disinfectant/alcohol sa ospital at mga care centers. Nagbigay din po siya ng 13 million pesos na magiging bahagi doon sa programa ng ADB, Asian Development Bank, Food for the Poor Program.

– Ito naman pong negosyanteng William Gatchalian, ang pagkakaalam po natin ay nagbigay siya ng isang milyon na surgical masks na in-order niya pa sa Tsina. Katunayan, nakatanggap po tayo ng maraming boxes containing 2,000 surgical masks at pinamamahagi na natin sa mga iba’t ibang ospital. Nakatanggap na po diyan iyong Asian Hospital, ganoon din po ang Delgado Hospital, ang Villaflor Hospital – ang Villaflor Hospital po ay sa Dagupan City – at ang Malvar General Hospital. At nagbigay din po tayo ng donasyon sa distrito ni Congressman Manny Lopez, iyon po ay donasyon na binigay ng pamilyang William Gatchalian at ni Mayor Rex Gatchalian.

– Maliban pa po doon, ay nagbigay din po siya ng—kung hindi tayo nagkakamali, mahigit sa isang libong sako ng bigas at ito’y pinamudmod niya diyan sa bahagi ng Mandaluyong at sa ibang lugar pa. Ganoon din po iyong mga delata at mga pansit bihon. Marami po siyang ipinapakalat ngayon. Maliban pa po doon, siya po ay um-order ng sampung libong kumpletong set ng PPE. ‘Pag sinabi po nating kumpleto, eh mayroon po iyon surgical mask na N95, iyon po ang ginagamit ng mga frontliners sa loob mismo ng emergency room at saka mismo doon sa kuwarto ng mga COVID patients.

– Iba po kasi iyong mask na ordinaryo at mask na ginagamit sa ordinaryong mga operasyon, at doon po sa—para sa mga COVID patients, ang kailangan doon N95. At iyon pong set ay kasama na doon iyong goggles, mayroong face shield, mayroong protective gown, mayroong head gear, mayroong foot gear. At ito pong lahat ay marami na ring dumarating sa atin gaya po noong nabanggit na ng ilan sa mga kasamahan natin, iyong galing po kay Jack Ma. I think that’s half million also, baka isang milyon na surgical masks at maraming mga kasamang PPE.

– Marami po ang nagbibigay ng mga donasyon, kahit na mga ordinaryong mamamayan kagaya po halimbawa, mayroon po tayong mga kaibigan diyan sa Philippine Airlines na mga piloto, sapagkat wala po silang ginagawa ngayon, nasa bahay lang sila. Ang ginawa po nitong dalawang ito, si Stella Posadas at si Carmen Sepe(?), sila po ay gumawa ng mga face shields at marami na po silang nagawa at pinamigay nila sa mga ospital. Nakita po natin iyong mga photos/pictures na kung saan sila mismo ang nagpupunta sa mga ospital at dini-deliver nila iyong kanilang mga ginawa.

– Ganoon din po itong kaibigan din natin, dating Congressman Antonio Florendo at ang kaniyang partner na si Cathy Binag. Marami din po silang mga binili, pinagawa at ginagawang mga PPE at kung anu-ano pang mga groceries na pinamimigay po nila sa iba’t ibang lugar dito sa Metro Manila.

– Mayroon po ngang mga sikat nga designer gaya ni Rajo Laurel na ginagamit po ang kaniyang shop upang gumawa ng mga PPE. Ganoon din po iyong mga ibang hindi na natin maalala iyong mga pangalan nila. Pati nga ho itong Kamiseta, isang garment factory ay nagsimula na ring gumawa ng mga PPE at pinamimigay nila. Binigyan po nila ang UERM ng… kung hindi tayo nagkakamali, mga isang libo na protective gowns.

– So marami po ang nagbibigay, nagko-cooperate at lahat po ng mga kababayan natin ay bukas naman ang palad, ang puso nila upang makiisa at makipagtulungan. Sapagkat gaya nga po ng sinasabi ni Presidente, hindi kaya ng pamahalaan natin na sagutin lahat ang pangangailangan ng ating bayan. Sa panahon ngayon, eh kailangan po talaga tayong—bawat isa ay magbigay ng kanilang tulong; iyong mga mararangya sa atin ay gawin ang kanilang pagbibigay ng kung anuman ang puwede nilang ipamigay sa ating mga kababayan.

Now we have number 7 question: “Kailangan ba registered sa DOLE ang kumpanya para maka-avail ng government assistance?”

– Kausap lang po natin si Secretary Bello ng DOLE, at ang sabi po sa atin eh iyon pong mga private companies na ito, alam na nila na talagang kailangan magparehistro sila ‘pagkat mayroon talagang programa ang DOLE na magbibigay ng assistance para doon po sa formal employees, na ito po raw ay makukuha nila sa pamamagitan ng kanilang mga ATM at ang iba naman ay mukhang dini-deliver sa kanila.

– Mayroon din po iyong tinatawag na informal workers, kung saan no-work, no-pay kaya sa bahay sila nagku-quarantine. At the same time, kung anong gagawin nila sa kanilang bahay, mag-disinfect… anything na masasabi nilang nagtatrabaho sila. At iyon pong iyan sang-ayon sa kaniya, kanina ko lang po siya nakausap, mga 700 million na raw ang naibibigay niya, mga 30% na raw ng kabuuan ang naibigay na sa mga formal workers at informal workers.

– Iyon naman pong sa DSWD eh nagsimula na rin po. Gaya ng sinabi natin kahapon, ang kanilang pamimigay at dumarating po iyong mga listahan pa ng mga iba’t ibang barangay upang masimulan na ang kanilang pamimigay. Two days na po silang nag-start ng pamimigay. Medyo magpasensya na lang po muna tayo at maging patient na ito pong mga ito ay darating.

– And habang naghihintay tayo, iyon namang mga kababayan nating mayayaman, mga pribadong companies ay nagbibigay din gaya na nga ng sinabi natin sa inyo para punuan kung anuman ang pangangailangan natin sa ngayon.

And then we have question from Pia Gutierrez ng ABS-CBN: “The President is being criticized for his claim that he warned early on that COVID-19 will be devastating to the country. However, his previous statements during the beginning of the crisis say otherwise. The President downplay the gravity of the new coronavirus disease when he said that there is really nothing to be extra scared of that coronavirus thing. Although it has affected a lot of countries, one or two cases in a country is not really that fearsome. The President was even very reluctant to suspend flights from China. When did the President make the warning?”

– Ang sinasabi po rito ni Pia Gutierrez, kini-criticize daw po si Presidente dahil iyong salita niya raw noong isang gabi na nagbigay na siya ng babala tungkol sa panganib. Subalit daw iyong mga una niyang salita ay pinagwalang-bahala niya.

– Eh ganito po iyon. Hindi naman po pinagwalang-bahala, ang katunayan gaya ng sinabi ko sa inyo kahapon, noong mga araw ng Pebrero, ang World Health Organization ay nagbigay din ng mga advisory sa atin na huwag tayong mangamba dahil hindi pa pandemic. At mayroon silang mga advisories na, like for instance, bigyan natin ng halimbawa iyong sabi nila na kailangan ng safe distancing ay one meter. Ngayon hindi na po one meter, it’s 2 meters na.

– Mayroon din silang advisory na hindi daw kailangan tayong maglagay ng surgical mask kung wala naman tayong ubo, wala tayong lagnat, wala tayong sipon, hindi kailangan. Iyon po ang kanilang advisory noon at katunayan iyon ang ginawa natin. Subalit ngayon hindi na po, mandatory na. Madaling sabi, depende po kasi sa sitwasyon kaya si Presidente noon, sumusunod lamang siya sa takbo ng patakaran ng World Health Organization at sa mga nakikita niya sa kaniyang kapaligiran.

– Noong sinabi niya po iyon ay dadalawa pa lang ang namamatay sa atin, kaya ayaw niya po na lumikha nang masyadong anxiety o pagkatakot ang ating mga kababayan kaya sinabi niya iyon. Subalit, immediately after that, noong makita niya na dumarating na iyong unos nitong coronavirus, gumawa na po siya ng lahat ng kaparaanan. At nakita po natin, bigla siyang nagkaroon ng lockdown noong—kung hindi ako nagkakamali March 15 ba iyong umpisa natin.

– At immediately after that, eh nagkaroon na po ng pagmi-meeting ang IATF at nagkaroon na tayo ng mga established rules, mga protocols, mga dapat nating gawin. Lahat ng mga maaaring magawa po natin upang pahintuin natin ang paglaganap o ma-delay natin ang pagpapalaganap nito ay ginawa po ng Pangulo, pati na nga po iyong pagpapahinto ng pagdating ng mga foreigners dito at iyong pag-alis sa iba’t ibang lugar. Iyon pong lahat ay ginawang paraan ng Presidente.

– Eh ang sa akin naman po, sana at this time of our crisis, iyon pong mga pagpuna natin sa pamahalaan eh huwag na muna tayong maging masyadong mainit doon. Kumbaga, nakaraan na iyon at ginagawan na ng paraan. Maaari ho tayong magbigay ng mga mungkahi; siguro mas maganda magbigay po tayo ng mungkahi na lang. Iyong nakita natin na hindi maganda na hindi nagawa, ipasa po kaagad natin.

– Alam po ninyo, iyong lahat ng mga mungkahing tinatanggap ko, pinapasa ko lahat sa IATF o kay Presidente at ginagawan kaagad ng paraan. ‘Pag may nagreklamo doon na, halimbawa walang checkpoint sa ganito, maraming tao… immediately binibigay ko sa PNP o kay DILG Secretary Año, at respond naman kaagad. ‘Pag sinabing doon sa lugar na iyon hindi pa nakakatanggap, sa Antipolo… binigay natin kaagad kay Mayor Ynares. Mayroon naman kaagad reply at sinabi na inimbestigahan niya eh nakatanggap naman.

– Eh lahat po ng uri ng text message relative—in connection with anything, na maaring maka-respond kaagad po tayo ay ginagawan natin ng paraan. So ang atin pong pakiusap sa mga kababayan natin, lahat po ng problema na nakita po ninyo sa inyong lugar, ipaalam ninyo lang po sa amin, kahit na sinong Cabinet member diyan na kaibigan ninyo o lokal na opisyal – at iyon po ay makakarating sa amin at tinutugunan po natin iyan.

– At kung anuman po ang magandang mungkahi ninyo, kahit na anong klaseng mungkahi na makakatulong sa pamahalaan at sa ating mga sarili, ibigay po ninyo. Kagaya nga po noong… alam po ninyo iyong paggawa ng face shield? May nakaisip lang noon na sana gumawa rin siya. Iyon kumalat na, marami na ring gumaya, kaya ngayon ang dami na pong gumagawa ng face shield. Iyong ating mga garments factory, nag-umpisa na ring mag-shift ng kanilang mga manufacturing; ngayon ay puro PPE na ngayon ang mina-manufacture nila.

– Ito po ang mga hinahanap po natin na mga mungkahi. Iyon pong mga kritisismo, eh kung anuman ang iki-criticize natin, eh gawin na po nating mungkahi. Kung nakakita tayo ng… ‘hindi maganda iyong ginawa mo’; ‘o ito ang magandang gawin natin,’ para lahat po tayo ay makakatulong sa isa’t isa.

Tingnan po natin iyong sumunod na katanungan kung mayroon pa. O mayroon nga palang tanong noong isang araw, tinatanong po ng isang reporter, “Eh kumusta na ba talaga si Presidente?”

– Sa totoo lang po nakita naman natin ang itsura niya. He’s actually fit and healthy, but gaya nga ng sinabi niya eh hindi siya makatulog nang wasto sapagkat iniisip niya ang problema ng ating bayan. So other than lack of sleep, eh mukha namang okay si Presidente at maingat naman ang PSG natin diyan na ang Presidente ay mailagay sa safe place kung saan hindi po siya mahahawaan at iyong mga kasama niya ay hindi makakahawa sa kaniya. Kaya nasa mabuti pong kalagayan si Presidente at tamang-tama po ngayon ay Holy Wednesday, sabi niya’y magkaroon daw po tayo ng collective prayer sa Dakilang Lumikha.

– May nabasa po ako sa pahayagan na kahit ang Simbahan natin, mukhang magpapatunog sila ng mga kampana, kung hindi ako nagkakamali alas tres ng hapon upang tayo ay sabay-sabay na manikluhod at tayo’y magdasal sa ating Dakilang Lumikha na tayo po’y gabayan. And ‘pag nagawa na po natin ‘to at ginagawa natin ang lahat ng mga protocols on personal hygiene, gaya ng paghuhugas ng ating mga kamay sa tuwi-tuwina, iyon pong pagiging malayong agwat natin sa kapwa natin para hindi tayo magkakahawaan, iyon pong pagsuot ng mga surgical mask… ‘pag iyon po ay nagawa natin, palagay po natin ay mabibigyan natin ng proteksiyon ang ating mga sarili at ang ating bayan ay makakaahon po rito sa krisis na ating hinaharap.

Marami pong salamat. Siguro po sa susunod, dahil Holy Week ngayon, eh sa Lunes na po tayo magkikita. Have a blessed Holy Week at sana po ay gabayan tayo ng ating Dakilang Lumikha sa araw-araw nating pagharap dito sa nakausong na panganib, ang coronavirus.

Marami pong salamat sa inyong lahat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource