USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Tuloy pa rin po ang ating laban sa COVID-19 kaya naman narito pong muli kami upang ihatid ang mainit na balita’t impormasyon ukol sa mga hakbang ng pamahalaan para tuluyang masugpo ang krisis na ito.
BENDIJO: Magandang umaga, Usec. Kaya naman ngayong Sabado ng umaga sasamahan tayong muli ng ating panauhin mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang sagutin at linawin ang ating mga katanungan maya-maya lamang kasama na diyan ang updates sa binabantayan nating Bagyong Rolly. Ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Usec. Ricardo Jalad, Administrator ng National Disaster Risk Reduction and Management Council; Governor Gerardo Noveras ng Aurora Province; makakasama rin natin si Usec. Rosario Vergeire ng Department of Health; at Engineer Victor Balba ng National Housing Authority.
BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa livestreaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
At para po sa mga balita ngayong umaga, nakalaang pondo sa mga ahensiya ng pamahalaan na gagamitin sa COVID-19 response and economic recovery sa ilalim ng Bayanihan II, naibigay na; tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Samal Island agarang naihatid; market stall owners at vendors sa Bulacan binigyan po ng ayuda; at COVID-19 survivors sa Samar nakatanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go. Narito ang buong detalye: [NEWS CLIP]
Samantala, hindi pa man nakakabangon ang iba nating mga kababayan mula sa pananalanta ng Bagyong Quinta, pumasok na sa bansa ang Bagyong Rolly kaya muling nanawagan si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa agarang pagpasa ng iminumungkahi niyang Department of Disaster Resilience o ang Senate Bill No. 205. Sa ilalim nito’y pag-iisahin na lamang ang mga ahensiya na may kaugnayan sa pagtugon sa anumang sakuna o kalamidad na darating tulad ng bagyo, lindol, sunog o pagbaha upang mas maging mabilis at epektibo ang aksiyon at solusyon ng pamahalaan sa pagligtas sa mga Pilipino.
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang mga balita sa sektor ng pambansang tanggapan para sa pagtugon ng sakuna. Makakausap po natin si Usec. Ricardo Jalad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC. Magandang umaga po, Usec.
USEC. JALAD: Magandang umaga Usec. Rocky Ignacio at saka Aljo Bendijo. Magandang umaga sa ating mga kababayang nakasubaybay sa PTV-4 ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano na po ang update natin sa Bagyong Rolly at gaano po ba kalaki iyong impact na ini-expect natin kapag ito po ay nag-landfall na?
USEC. JALAD: Well sinasabi ng PAGASA na ang radius nitong si Typhoon Rolly ay 240 kilometers. So meaning, ang dayametro nito ay aabot sa 480 kilometers; malawak ano. And sa ngayon siya ay may lakas na 215 kilometers per hour at sinasabi ng PAGASA posibleng maging super typhoon ito. So malawak na pinsala ang nakikita natin kung mangyayari ito kahit na hindi siya mag-super typhoon dahil kung typhoon level lang ay ibig sabihin aabot tayo ng typhoon signal number 4 at magkakaroon iyan possibly ng lakas ng hangin na 171 to 220 kilometers per hour at aasahan natin ang heavy to very heavy na damages doon sa lugar na kaniyang dadaanan.
Kaya puspusan ang paghahanda ng mga local government units ngayon at saka mga ahensiya ng gobyerno. Ang ating local government units ay tinututukan natin, ang preemptive evacuation na kanilang ginagawa simula pa kahapon. And inaasahan din natin na iyong ating mga local government units ay kasama ring ihahanda siyempre iyong mga evacuation centers lalo na diyan sa mga nandiyan sa malapit sa sentro ng bagyo. Kailangan hindi iyan magiba, kung kinakailangan i-reinforce ay dapat gagawin na nila ngayon habang parating pa lamang ang bagyo. So hopefully hindi magiging super typhoon ito but ito lang iyong ano, iyong 171 to 220 kilometers per hour na hangin ay napakalakas nito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. kasi katatapos lang ng Bagyong Quinta at hindi naman lingid sa ating kaalaman iyong malaking pinsala nito at ito nga po parating na si Rolly at may kasunod pa po ito na tatawaging Siony. So paano po natin mas pinalakas ang ating disaster response o preparedness ng bansa sa pagdating po ng kalamidad gaya nga ng mga bagyo ngayon pong may pandemya tayong kinakaharap?
USEC. JALAD: Well, kinakailangan talaga gamitin natin lahat ng resources ng gobyerno ano and kasama na diyan iyong resources ng local government units. Iyong pagpapadala ng mga augmentation ng respondents, mayroon tayong konting restriction at saka pag-iingat diyan. So meaning, iyong ating mga local government units ay dapat talaga gamitin iyong available resources diyan sa kani-kanilang lugar.
And susundin pa rin natin iyong mga protocols na pinapairal ng DOH. Halimbawa diyan sa mga evacuation centers, kailangan iyan ay hindi punung-puno; mayroon pa ring maayos na physical distancing para hindi magkakaroon ng outbreak ng COVID diyan sa mga evacuation centers.
So, mahirap talaga dahil na nga dito sa naranasan nating COVID pandemic pero wala tayong magagawa kung hindi kinakailangan lang talaga natin na gawin talaga ang lahat ng kaya nating gawin; gamitin natin ang lahat ng resources ng gobyerno available diyan para harapin itong si Typhoon Rolly.
And ang DSWD at saka iba pang mga national government agencies na mayroong mga relief goods ay tinitingnan na rin iyong naka-prepositioned stocks diyan sa regional centers at saka even doon sa mga local government units. Kung kinakailangang dagdagan ay dadagdagan na habang papalapit pa lang ang bagyo. At iyong DSWD nga, noong si Typhoon Quinta, ay nakapag-augment diyan sa mga areas dito sa Quezon, CALABARZON and Bicol na sa tingin naman natin ay hindi pa rin nagagamit dahil iyong pagresponde kay Typhoon Quinta ay local government unit level lang naman ang nakikita natin. Except lang doon sa mga local government units na medyo nahihirapan na sa kanilang resources dahil depleted na.
But mostly ay sinagot ng ating mga local government units, iyong mga pangangailangan ng ating mga kababayan diyan. So meaning, nandiyan pa rin iyong resources ng mga national government agencies na magagamit.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta po iyong pakikipag-ugnayan ninyo sa ating mga LGUs partikular po doon sa mga lugar na tatamaan ni Rolly? Handa na po ba iyong mga evacuation centers natin sa buong bansa para naman po doon sa mga kababayan natin na talagang kailangan pong lumikas? At paano po iyong mga lugar na gagamiting evacuation centers bilang isolation facilities naman po?
USEC. JALAD: Well, nakatutok ngayon ang DILG central office at saka mga regional offices nila, ganoon na rin ang Office of Civil Defense para tutukan ang paghahanda ng ating mga local government units. And, naiintindihan natin may mga evacuation centers na ginagamit as isolation facilities kaya sinasabi natin na gamitin iyong mga schools kasi hindi naman ginagamit ang mga schools para sa klase ngayon.
So, kailangan din iyong pakikipagtulungan ng DepEd. Dapat available iyong schools. Kung kinakailangan sila na rin ang magkumpuni niyan, mag-prepare ng mga schools para maayos na matanggap iyong ating mga kababayan na tumuloy diyan.
And, nakatutok na nga tayo ngayon at iyong ating mga regional directors ay may kaniya-kaniyang mga pagpupulong; kinakausap iyong mga local chief executives sa mga munisipyo at saka probinsiya para sa maayos na pag-evacuate habang mayroon pang panahon. Bukas expected natin na mag-landfall iyan diyan somewhere sa Camarines Norte o sa diyan sa mga isla ng Quezon, so mayroon pa tayong panahon para gawin ang lahat ng ating dapat gawin upang ilikas iyong ating mga kababayan na, at least, dito sa pananalasa ng Typhoon Rolly.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kasi ang alam po natin ay may mga ilan din sa ating mga residente na medyo mahirap po palikasin, ano po. So paano po ang gagawin ng LGU dito at ng NDRRMC?
USEC. JALAD: So enforcement talaga ang kinakailangan dito at kailangan gamitin ng ating mga local chief executives iyong kanilang power. Kung nakikita nila na delikado iyong kinalalagyan ng ating mga kababayan ay magsagawa sila ng forced evacuation and sa suporta naman ng ating Philippine National Police at iba pang uniformed services.
So enforcement, see to it na kapag nandiyan na iyong bagyo ay maiwasan na mayroon pang mga tao sa labas. Dahil sa experience natin dito kay Typhoon Quinta, typhoon levels iyan na medyo mababa pero nag-iwan pa rin ng about 20 plus na patay na puwede naman sanang maiwasan dahil mostly iyon ay drowning na tumawid pa sa mga ilog; may mga tinamaan ng mga puno ng kahoy, mga branches na minalas naman sila iyong tinamaan. So mostly avoidable sana naman iyong mga casualties, at dapat iwasan natin iyan ngayon.
Kaya maagap, maaga na paghahanda upang kapag nandiyan na, nananalasa na si Typhoon Rolly ay nandoon tayo sa safe na lugar at mailigtas tayo sa kaniyang hagupit.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kasi nga talagang palagiang target ng pamahalaan tuwing may mga ganitong sakuna ay iyong tinatawag natin zero casualty, ano po. Pero anu-ano po iyong mag restrictions na inyong ipapatupad ngayong may Bagyong Rolly lalo na po at may mga nasawi noong nakaraang Bagyong Quinta?
USEC. JALAD: Well, nasa ano talaga, nasa power talaga ng mga local chief executives iyan. Mag-enforce sila ng liquor ban, curfew, at kapag nandiyan na ay i-impose talaga na wala nang pakalat-kalat diyan na mga tao sa mga lansangan; kailangan nandoon sa safe na lugar. So, law enforcement, nandiyan na iyan sa local chief executives. At tayo naman dito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, kami ay tagapag-facilitate ng assistance at augmentation of resources na kinakailangan ng ating mga local government units. Sila ang first responders, sila ang mag-manage ng sitwasyon doon sa kanilang lugar, tutulungan ng mga national government agencies sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., gamitin ninyo na po itong pagkakataon na magbigay po ng paalala sa ating mga kababayan ngayon na kung maaari po ay talagang lumikas na. Sige po, go ahead, Usec.
USEC. JALAD: So, sa ating mga kababayan diyan sa Bicol partikular diyan sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte. At diyan sa Albay na malapit sa sentro ng Bagyong Rolly at diyan din sa CALABARZON na susunod na tatahakin ni Typhoon Rolly. Iyong mga maliliit na islands diyan sa Bicol and Quezon at iyong mga coastal areas diyan sa Quezon na siyang unang tatamaan dahil may mga panganib din na gale force at saka storm surge – kinakailangan po nang maagang paglikas. Sa ngayon ay puspusan ang pag-manage ng ating mga local government units sa maagang paglikas o preemptive evacuation. Tayo po ay sumunod sa pinapatupad ng ating mga local government units at tumuloy sa mga designated na evacuation centers na bubuksan ng ating mga local government units.
Kayo po ay bibigyan ng tulong diyan. Ang ating mga local government units ay may mga resources para ang inyong mga pangangailangan ay mabigyan. And asahan natin na sa tulong na rin ng ating mga kababayan sa pagsunod ng ipinapatupad ng ating government agencies ay zero casualty tayo rito sa pananalasa ni Typhoon Rolly na isang malakas na bagyo, maaaring mag-super typhoon ito, maaaring pinakamalakas na bagyo simula ng kay Typhoon Yolanda.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., maya’t maya po ba ang NDRRMC ay magpapalabas ng mga anunsiyo?
USEC. JALAD: Mayroon kaming updating. Sa ngayon, iyong ating mga regional disaster risk reduction management council ay nagkakaroon ng kani-kanilang pagmi-meeting at pagtawag sa mga local government units. Tayo naman dito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ay may updating, may pagmi-meeting din mamayang 2 o’clock, and kasunod niyan ay magkakaroon tayo ng press briefing para sa update naman natin.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Usec. Ricardo Jalad ng NDRRMC.
Samantala, isa po ang Probinsiya ng Aurora sa dadaanan ni Bagyong Rolly kaya alamin po natin ang kasalukuyang sitwasyon doon mula sa aming kasamang si Mela Lesmoras. Mela?
[NEWS REPORTING]
LESMORAS/PTV4: At para i-update mismo tayo sa kanilang mga napag-usapan, makakasama natin ngayon si Aurora Governor Gerardo Noveras para sa iba’t ibang updates. Governor, kayo na po ang magbigay ng update anu-ano po ang iyong mga napagpulungan?
GOV. NOVERAS: Kanina pong umaga mga 9:30 ay nagpatawag po ako ng council meeting para po pag-usapan iyong mga gagawin naming paghahanda at magbigay pag-asa dito sa Baler, Aurora.
At maganda po iyong naging attendance namin, bunga siguro ito ng lakas ng bagyong darating at lahat po ng members ng disaster council ng Aurora ay dumalo at nagbigay po ng report ang bawat agency particular ang DPWH, Philippine Army, ang Philippine National Police, ang Philippine Coast Guard at nabanggit po nila na lahat ng kanilang designated responsibilities ay nakahanda na po at particular doon sa part po ng DPWH ay naka-preposition na po iyong kanilang mga heavy equipment doon sa mga strategic part ng national road upang kung sakaling magkaroon po ng landslides at hindi maging passable ang national road coming and going to Nueva Ecija at iyon pong papunta doon sa aming northern towns, tatlo po ang bayan ng Aurora na nasa northern part ng Aurora at ito po ay—ang mga pagitan po nito ay mga bundok at prone po ito sa landslide kung sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan. At in-assure na po ng DPWH na nandoon lahat iyong kanilang equipment at kung sakaling magkaroon ng landslide ay agad nilang gagawin. Ganoon din po iyong electric cooperative—
LESMORAS/PTV4: Governor, maraming salamat po sa mga impormasyon, may ilang katanungan lamang sa atin mula sa studio.
BENDIJO: Governor Noveras, magandang umaga. Ito po si Aljo Bendijo, kasama din natin si USec. Rocky Ignacio, live po tayo ngayon sa public briefing laging handa.
Kumusta po ang lalawigan ng Aurora ngayon matapos manalanta ang Bagyong Quinta—mayroon ba tayong mga balitang inilikas na ang mga kababayan natin diyan matapos manalanta ang bagyong Quinta at tuluy-tuloy ba ang plano nating i-evacuate sila at ilagay sa mga safe na mga lugar, Governor?
GOV. NOVERAS: Magandang umaga rin po sa inyong lahat. Doon po sa Bagyong Quinta, hindi po masyadong naging malaki ang epekto dito sa aming lalawigan, iyong nakaraang bagyo. At kung nagkaroon man po ng mga evacuation ay hindi po nagtagal iyong mga kababayan naming napunta sa evacuation centers, sapagkat kagaya po ng nasabi ay hindi po naging malaki ang epekto dito sa aming lalawigan ang naidulot ng bagyong Quinta. Bagama’t mayroon pong mga pailan-ilan na mga nasirang pananim, iyon pong mga palay na mapalit ng anihin, gawa po ng malakas na pag-ulan ay dumapa po sila, pero ako’y ikukumpara po sa mga [garbled] tungkol sa bagyo dito sa aming lalawigan ay minimal po ang mga damage na dinala ng bagyo. May mga ilang infrastructure projects po ang mga nasira, pero ito rin po ay hindi masyadong malaki kumbaga ay tolerable po iyong mga damage na dulot ng bagyong Quinta.
At sa ngayon po, kaugnay ng paghahanda namin sa bagyong Rolly ay wala pa po kaming report na mayroon na pong mga evacuees buhat sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Aurora. At alam ko po na lahat ng mga Municipal Disaster Risk Reduction Council ng walong munisipyo ay nagkaroon na po ng pagpupulong kahapon at kagaya po ng nakasanayan namin dito, kapag may darating na bagyo ay nakahanda na po lahat ang aming mga LGUs, aming mga kababayan. Lahat po ng agencies involved ay nakahanda na po sa pagdating ng bagyong Rolly bukas po sa aming lalawigan.
BENDIJO: Opo. Governor, sunud-sunod ang kalamidad ang tumatama diyan sa Aurora. Update naman tayo sa COVID-19, Gov. ‘no. Kumusta po ang situation ng pagtugon natin sa COVID-19 diyan po sa Lalawigan ng Aurora, Gov.?
GOV. NOVERAS: Well, patuloy pa rin po iyong ginagawa nating contact tracing doon po sa mga close contacts noong mga kababayan po naming nag-positive. Bagama’t ang talagang epicenter po ng COVID-19 dito sa aming lalawigan ay iyong bayan ng Dipaculao, sapagkat around 90% po noong mga nag-positive ay mga taga-Dipaculao at iyon pong mga reported positive cases sa ibang bayan, sa tatlong bayan ay nag-emanate po nanggaling po sa bayan ng Dipaculao at mayroon pa po kaming iilang nakapending na result for swab test, sana naman po ay hindi… mas kumonti po ang mga mag-positive dito.
At patuloy po iyong aming ginagawang contact tracing at umaasa po kami na hindi na po sana ito lumaganap pa at makarating pa po sa ibang bayan ng Aurora.
BENDIJO: Opo. May mga naihanda ba tayong mga evacuation centers diyan, Gov., para sa ating mga kababayan kung kinakailangang lumikas dulot ng bagyong Rolly?
GOV. NOVERAS: Mayroon na po kaming mga designated evacuation centers. Ang bawat munisipyo po ay mayroon silang mga na-construct through DPWH na mga evacuation centers at kung sakali pong kukulangin ito ay base po sa report ng DepEd kanina sa aming meeting ay mayroon pong mga memorandum of agreement ang DepEd and iyong mga barangays na kung saan nag-designate po ang DepEd ng mga school buildings na puwedeng gamitin na evacuation centers in case na hindi po kayang i-accommodate ng mga evacuation centers ng bawat munisipyo ang kanilang mga constituents na kailangang ilikas sa ligtas na lugar.
BENDIJO: Opo. Katulad ng aming katanungan sa NDRRMC kani-kanina lamang, Gov., papaano po natin sinisiguro na maipapatupad pa rin ang mga COVID-19 protocols, mga health protocols katulad ng social distancing sa mga evacuation centers lalo na kung marami sa ating mga kababayan kung saka-sakaling ililikas po sila?
GOV. NOVERAS: Iyon pong pagpapatupad ng physical distancing ay malaking challenge po dito sa aming lalawigan kung papaano po namin strictly maipapatupad ito, sapagkat may mga factors naman po na hindi natin kayang saklawan o kayang remedyuhan kagaya po kung maliit lang ang space sa mga evacuation centers at marami po ang kailangang i-house doon ay hindi po natin mapapanatili iyong physical distancing.
Pero sisiguraduhin naman po namin doon sa mga ganoong sitwasyon na mayroon namang mask iyon pong mga evacuees na dadalhin doon upang sa ganoon ay magkaroon pa rin po sila ng protection in case na mayroong isang asymptomatic doon o mayroong unreported positive case ay hindi po sila basta-basta mahahawa.
BENDIJO: Opo, panawagan po ninyo para po sa ating mga kababayan diyan sa Aurora ngayong papalapit na ang bagyong Rolly diyan sa probinsya po ng Aurora, Gov.?
GOV. NOVERAS: Maraming salamat po. Bilang Punong Lalawigan po ng Aurora, ako ay nakikiusap sa aming mga kalalawigan partikular po doon sa bayan ng Dingalan na kung saan base po sa huling forecast ay kayo po ang tatamaan diyan sa Dingalan.
Nakikiusap po tayo na alam naman ninyo kayo diyan sa bayan ng Dingalan at bahain po iyong inyong lugar, mayroon na po kayong karanasan diyan na noong nakaraang [garbled] marami pong namatay diyan sa Barangay Paltic, kaya ngayon pa lang po ihanda na po ninyo ang mga sarili, igayak na po ninyo iyong mga pangunahing gamit na kailangan ninyong dalhin sa evacuation center at ilagay na po ninyo sa safe na lugar iyong mga maiiwanan ninyo at huwag po kayong matakot na iwanan ang inyong mga gamit sa inyong tahanan, sapagkat ang ating Philippine National Police naman po ay nangako na kanilang babantayan ang inyong mga bahay upang masiguro na kung ano po ang inyong iniwanan doon ay siya rin ang inyong dadatnan pagkatapos po ng pananalasa ng bagyong Rolly dito po sa ating lalawigan.
MELA LESMORAS/PTV-4: At iyan nga po si Governor Gerardo Noveras ng Probinsiya ng Aurora. At iyan muna ang latest mula rito, Mela Lesmoras para sa bayan.
BENDIJO: Maraming salamat, Mela Lesmoras. Maraming salamat, Governor Gerardo ng Probinsiya ng Aurora.
USEC. IGNACIO: Upang alamin ang ating pinakahuling updates sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa, makakausap po natin sa puntong ito si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin ko na lang po iyong mga katanungan ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Red Mendoza ng The Manila Times: Ano na po ang mga preparasyon na ginagawa ng Department of Health ngayong papalapit na po ang Bagyong Rolly? Handa po ba ang mga ospital natin to cater sa mga mabibiktima at ano po ang support na gagawin ng DOH sa calamity effort?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Actually ngayon po we are having this massive information drive para po sa ating mga facilities, para po sa ating mga communities. Unang-una sa ating mga facilities, nagkaroon na po ng mga pagta-transfer ng ating mga naka-quarantine sa mga iba’t ibang lugar na nasa tent lang at itina-transfer natin sa mas secured na place.
Pangalawa po, iyong mga equipment natin na nasa mga facilities na medyo hindi secure, tinatanggal na ho natin iyan at inilalagay na ho muna natin sa mga ospital natin. Pangatlo po, iyon atin pong komunidad ay pinaghahanda na rin po natin kung saka-sakaling mangyari ito. Local governments has to be able to setup evacuation sites that can be able to abide by the principles and protocols of minimum public health standards.
So ngayon po, amin pong pupulungin ang mga tao from the ground ngayong hapon, para po mabigyan natin ng guidance para ho magkaroon nang massive drive for information para sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Red Mendoza: Kung hindi maiiwasan ang siksikan sa mga evacuation center, ano po ang dapat gawin ng mga LGU para po maiwasan na magkaroon ng COVID cluster sa mga lugar na ito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Iyan ho ang ating ina-anticipate, na alam po natin na talagang may mga LGUs na wala po silang sapat na mga facilities at baka magkaroon ng pagsisiksikan. Ang amin pong binibigay na paalala, lahat po dapat naka-mask, lahat dapat po may mga handwashing stations o kaya mga alcohol and ang pinakaimportante po dapat may safety officer. Iyong safety officer would be regularly monitoring all of those people inside that evacuation site para nakikita natin kung may nagkakaroon ng sintomas, nakikita natin kung mayroong kailangang tanggalin at ilagay sa ibang facility para hindi po magkaroon ng pagkahawa-hawa.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Athena Imperial ng GMA-7: So paano po gumagana ang necklace air purifier? Bakit hindi po kasalukuyang inirirekomenda ng Department of Health ang paggamit nito bilang panlaban sa COVID-19?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, apparently itong purifier na ito ma’am, Usec. Rocky, sinasabi mayroon siyang mechanisms, parang mga ions ang sinasabi na nakakapag-control daw sa paglanghap ng isang tao sa virus. So ito naman po ay atin pong pinag-aaralang maigi. Sabi po ng Department of Health, hanggang wala po tayong sapat na ebidensiya para masabing it is going to be effective against the virus ay hindi muna ho namin mairi-recommend ang paggamit sa necklace na purifier na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Athena ng GMA-7: Marami na rin po ang nagpapa-misting at fogging ng bahay. Bakit hindi rin po inirirekomenda ito ng Department of Health?
DOH USEC. VERGEIRE: Katulad ng lagi naming paalala Usec. Rocky mula pa noong umpisa at nakapagbigay din ang WHO ng kanilang rekomendasyon dito. Misting ang purifying the air, iyong mga sinasabi natin na pini-filter daw ang air because of these mechanisms ay baka mas magkaroon tayo ng harm rather than good. Kasi itong mga ganitong pamamaraan maaaring makapag-aerosolize noong virus and the virus can stay longer in the air at magkakaroon tayo nang mas magka-risk para magkahawa-hawa ang mga tao kaya hindi po talaga nirirekomenda ng Department of Health ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung may plano po ba ang Department of Health na magtayo ng freezer farm para sa pagdating ng mga COVID vaccine dito sa Pilipinas? Kung sakali pong may plano, may budget po ba para dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, nag-commit na ang ating mga legislators. Sinasabi ng ating legislators ay sila ay tutulong sa atin kung saka-sakaling magkakaroon tayo ng mga pangangailangan especially for this vaccine. So ngayon po kung iminamapa lahat po ito, ito pong mga pangangailangan natin sa vaccine especially these freezers that we are talking about para po pagdating ng bakuna mayroon na ho tayong appropriate na distribution mechanism and storage mechanisms para dito.
USEC. IGNACIO: Opo. RITM daw po announces they will shut down laboratories temporarily on November 1 and 2 as a precaution for Typhoon Rolly. Will the shutdown affect Department of Health’s data analysis on COVID-19?
DOH USEC. VERGEIRE: When it comes to data analysis, it’s not going to affect. Although, of course, makikita natin na medyo bababa ang ating output for laboratories. Pero kailangan po nating maintindihan with this kind of calamity, maaari pong masira nito ang mga mamahaling equipment, maaari pong masira nito ang mga facilities natin kaya po nagkakaroon na ng mga preventive measures ang ating facilities sa ngayon at nag-a-announce na po tayo. Para kasi kapag nagkaroon po tayo ng mga ganiyang effects, nasira or something, mas magkakaroon tayo ng delay sa output natin for laboratory. So these are preventive measures that we support dahil kailangan nga po nating maghanda dahil sa parating na sinasabing malakas na bagyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Posible po bang tumaas ang COVID cases kung magsasama-sama ang mga lilikas sa kani-kanilang bahay sa evacuation center? Paano po ito tutugunan naman ng Department of Health?
DOH USEC. VERGEIRE: [Garbled] Usec. Rocky, dahil alam naman natin ang virus is transmitted through droplet infection kaya nga po tayo may protocol na physical distancing of at least one meter. Kaya sinasabi nga ho natin sa local governments, kung talagang hindi maiiwasan iyong pagka-maramihan ng tao sa isang lugar dahil wala naman tayong ibang facility na pagdadalan, we must be very vigilant na kailangan bantayan po nila, magkaroon po tayo ng safety officers na palagiang maghihikayat at saka mag-a-advice sa ating mga komunidad na nasa loob ng evacuation center na kailangan laging naka-mask, kailangan laging naghuhugas ng kamay at kailangan iyong safety officer madi-determine nila o madi-detect kung sino ang mga nagkakasintomas para nai-extract nila agad doon sa ating mga evacuation sites.
USEC. IGNACIO: Opo. How ready daw po ang Department of Health for leptospirosis and dengue during typhoon season?
DOH USEC. VERGEIRE: Ayos naman ho. Pinaghandaan, tulad ng sabi naming. Ang pathway po namin para sa aming mga pagma-manage ng mga kaso ngayon ay hindi lamang for COVID. We have non-COVID pathways at ito naman ay matagal na nating pinapatupad at sa ating mga ospital, handa po ang ating mga ospital na makapag-admit ng non-COVID patients. So makikita ho natin [garbled] natin, bumaba na po ang mga pangangailangan for COVID, so mas nagkakaroon tayo ngayon ng spaces and units sa ating mga ospital at iyong mga healthcare workers natin mas nagkakaroon ng parang oras ‘no, para matugunan din ang mga non-COVID services natin. So, handa po tayo para diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nanatili po sa GCQ ang Metro Manila at ilang bahagi pa ng lalawigan ngayong buwan ng Nobyembre. Sa inyo pong assessment, gaano po katagal bago mag-ease ang quarantine restrictions sa mga lugar na ito? Magtutuluy-tuloy po ba ito hanggang December?
DOH USEC. VERGEIRE: Nagtalaga na po tayo nang targets and milestones natin. Napag-usapan na rin sa Inter-Agency Task Force na kailangan mayroon po tayong mga safeguard na kondisyon para masabi natin if a local government is already capable of shifting into this MGCQ. At isa po diyan iyong ating tinatawag na indicators for gatekeeping sa local government. Ibig sabihin kailangan iyong inyong mga surveillance system, iyong inyong contact tracing is sufficient.
Kailangan kayo ay nakakapagpatupad ng mga sinasabi natin na mga basic na pangangailangan ng isang local government para nakakapag-prevent, nakakapag-detect, nakakapag-isolate and treat tayo ng mga pasyente. Kapag narating na ng local government, na-achieve nila iyong target natin na iyan and then we can very well say na puwede na silang mag-shift to MGCQ. So doon targets and milestones na ating inilatag, aming tinitingnan na baka by first quarter of 2021 hopefully all local governments will be able to shift to MGCQ already because they have achieved their gatekeeping indicator.
USEC. IGNACIO: Okay. Opo. May mga iilang lugar pa rin po kasi na considered high risk areas sa loob at labas ng Metro Manila. So ano naman po ang efforts ng ahensiya para makatulong pa rin sa pag-control ng COVID situation sa mga lugar na ito, Usec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ganoon pa rin Usec. Rocky. We are constantly monitoring at katulad nga ng sabi natin bagama’t bumababa talaga in general ang mga kaso, makakakita po tayo ng mga lugar sa ating bansa na mayroon talagang mga pagtaas ng kaso. So katulong po natin ang National Task Force at saka ang DILG para talagang puntahan at saka talagang ma-monitor at ma-guide ang ating local government dito sa mga lugar na ito.
Atin pong pinapatupad iyong ating barangay level na mga actions katulad ng if you need to do your lockdown, you are authorized to so. Gumagawa tayo ng pagbabahay-bahay para [garbled] sino talaga ang may sintomas at ma-extract sa community, and this CODE strategy. At lahat po ng tulong galing sa national government ay naibibigay po natin para hindi magtuluy-tuloy ang pagtaas ng kaso sa mga lugar na ito.
USEC. IGNACIO: Opo, Usec. Kunin na lang po namin ang inyong paalala sa ating mga kababayan ngayong may papasok po tayong malakas na bagyo?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, nagpapaalala po tayo sa ating mga kababayan, unang-una, may parating po tayo na malakas na bagyo. Iyon po ang sinasabi sa atin, sana po maging vigilant tayo, maging aware, maging cautious. Alam po natin kung ano ang mga risks na dulot ng mga pagsasama-sama ng tao. So sa mga sari-sarili po nating pamilya, individual persons ‘no, tayo po ay magkaroon na ng responsibilidad para gawin ang mga minimum public health standards para po hindi magtuluy-tuloy kung sakali na tumaas ang mga kaso dito sa mga lugar na maaapektuhan.
Ang isa pa hong gusto naming ipaalala, bagama’t sinarado po natin ang mga sementeryo sa Undas alam po namin na marami pa ring gusting umuwi sa kani-kanilang probinsiya sa mga panahong ito. Sana po kung kayo ay uuwi, sasakay kayo sa mga bus o kaya kung ano pa hong ibang mga transportation mechanism, sana po ay ipatupad ang minimum public health standards. And we remind the local governments na sana po ay ma-screen nating maigi ang ating mga kababayan para po hindi na ho tayo magkaroon ng pagtaas ng mga kaso.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Vergeire ng Department of Health.
ALJO BENDIJO: At samantala, upang bigyan po ng daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil po sa umiiral na community quarantine, pansamantala munang sinuspinde ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang mga detalye, panoorin natin ito.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa punto pong ito ay makakausap natin si Senator Christopher “Bong” Go. Magandang araw po, Senator.
SENATOR BONG GO: Magandang umaga, Ma’am Rocky; magandang umaga, Sir Aljo. Sa mga kapatid nating Pilipino na nakikinig, magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Senator, ano po ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang paghahanda po sa pag-landfall ng malakas na Bagyong Rolly?
SENATOR BONG GO: Sa mga kababayan ko po, lalo na diyan sa Bicol, CALABARZON, MIMAROPA at Central Luzon, kailangan na naman nating maghanda sa bagong Bagyong Rolly. Kalalabas lang po ng Bagyong Quinta, ito na naman po, inaasahan na mas malakas ang bagyong ito. Patuloy naman po ang monitoring namin ni Pangulong Duterte sa status ng bagyong ito. Sinisigurado ng Pangulo na laging handa ang mga ahensiya ng gobyerno na magbigay ng immediate assistance sa mga lugar na maapektuhan po ng bagyo.
As usual po, ang importante kay Pangulong Duterte ay maibalik kaagad sa normalcy ang sitwasyon. Iyon naman po ang parati niyang pinapaalala sa lahat po ng ahensiya ng gobyerno, kasama na rito ang gagawing pagri-repair sa masisirang infrastructures, of course, trabaho po ng DPWH iyan. Ang pag-restore ng kuryente, trabaho po ng Department of Energy iyan; pagsasagawa ng mga search and rescue operations, pamimigay ng mga relief goods at iba pang mga kailangang asikasuhin, dapat po ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at dapat parati tayong handa. At patuloy pong nakatutok at nakipag-ugnayan ang mga ahensiya ng gobyerno.
Nakausap ko rin po si Secretary Delfin Lorenzana, ang buong National Disaster Risk Reduction and Management Council ay nakatutok down to the barangay level. Narinig ninyo naman po kanina si Usec. Jalad, since Wednesday po ay nagpapatuloy ang NDRRMC sa assessment at meetings with national agencies. At naglabas na rin po sila ng mga advisories sa mga nasa eastern seaboard na huwag na munang bumiyahe ang mga barko, pati po ang mga mangingisda ay huwag munang pumalaot dahil inaasahan na malalakas po ang alon.
Ang Armed Forces naman po ay naka-red alert status sa lahat po ng military assets ng gobyerno po gaya ng barko, eroplano ay naka-evacuate na sa ligtas na lugar. At ako po ay inaasahan ko rin po ang ating mga engineering brigade ng Armed Forces na puwedeng tumulong rin po sila kung saka-sakaling may mga kalye po na nasarado dahil may bumagsak na mga kahoy. Kumpleto naman po ang ekwipo (equipment) ng ating mga militar.
Ang PAGASA po ay tina-track na po ang galaw ng bagyo every ten minutes. At alam ninyo po bukod sa Bagyong Rolly ay may kasunod pa ito, ito iyong sinasabing Bagyong Siony. Magdasal po tayo, magtulungan po tayo na sana po ay lumihis ito sa direksiyon at huwag naman sanang manalasa pa sa ating bansa. Naghihirap na nga tayo dito sa COVID-19, ito pa pong panibagong disaster, itong bagyo ‘no.
At ayon po kay Usec. Jalad ng Office of Civil Defense, magsasagawa sila ng mga preemptive na evacuation sa piling lugar at tinutulungan din po ng DWSD sa kanilang mga relief goods sa Bicol, CALABARZON, MIMAROPA Region. Nakikiusap po ako kay Secretary Rolly na maghanda po ang DSWD sa pagdating ng Bagyong Rolly – pareho pa kayo ng pangalan. Pero dapat pong paghandaan natin ito.
At ayon sa DSWD, nag-preposition na sila ng kanilang mga family food packs sa mga lugar na dadaan ng bagyong ito at hinahanda na rin nila ang kanilang tulong pinansiyal. Ang DPWH naman po ay handang umalalay sakaling may masirang daan o infrastructure. Ang DOE o Department of Energy naman ay nakabantay, nakaantabay din sakaling may mawalan ng kuryente sa mga pamilyang maapektuhan. And of course, iyong mga signal po ng cellphone, importante po ang komunikasyon.
Bukod po sa bagyo, mayroon tayong pandemic na hinaharap kaya dapat ma-normalize kaagad ang sitwasyon upang hindi madagdagan pa ang hirap na pinagdadaanan ng ating mga kababayan.
At kinausap ko rin po si Secretary Avisado kanina, alam ko po na karamihan po sa ating mga local government units ay mayroon silang tinatawag na calamity fund. Ito po iyong 5% ng budget ay nakalaan po diyan sa calamity fund, LDRRM fund ang tawag po diyan. Subalit, iyong 5% na ito po puwedeng gamitin, 70% of that para po sa disaster program, while 30% of that 5% ay gagamitin as calamity fund. Subalit, sa pagkaalam ko dahil po sa nangyaring pandemya natin ay karamihan po sa mga local government units natin ay nagamit na po ang kanilang calamity funds at ang iba po ay, I’m sure, naubos na po.
Noong kinausap ko si Secretary Avisado, baka naman po kung saka-sakaling puwedeng mag-apela sa executive na matulungan po iyong mga lugar na tatamaan ng bagyo para makatulong kaagad sa kanilang calamity fund, makabili ng mga pagkain at makatulong kaagad sa mg apektadong mamamayan natin sa kanilang lugar po, sa mga local government units.
Napakaimportante po noong na maka-recover kaagad tayo kung saka-sakaling tatamaan talaga iyong mga lugar nila. Ako naman po, ang aking opisina ay patuloy po akong tumutulong in coordination nga po with Governor Danny Suarez, tuluy-tuloy po ang tulong natin sa mga nakaraang pag-ulan, pagbagyo rin po diyan po sa Lucena, sa Gumaca and up to today po sa Lopez, ay nagbibigay tayo ng tulong sa mga naging biktima po noong bagyong Quinta.
Ang apela ko lang po, bilang chairman po ng Senate committee on Health, sa mga LGUs at saka sa mga regional offices ng ahensiya ng gobyerno, siguraduhing maging COVID-free po ang mga gagawing mga evacuation centers, ayaw natin na magkahawaan pa po sa loob ng evacuation centers. Siguraduhin natin nasusunod iyong minimum health protocol katulad ng pagsuot ng mass, social distancing at paghugas po parati ng kamay at kung kailangan po mamimigay tayo ng libreng mask at magtalaga ng hand washing station sa evacuees. Lalung-lalo na po sa evacuation centers, iyong sanitation, iyong mga bata po kawawa po lalung-lalo na malamig pa ngayon dahil umuulan.
Sa mga kababayan ko naman, patuloy po tayong mag-cooperate sa mga otoridad bilang po pakiusap natin. Sila po ang mas nakakaalam kung ano ang dapat gawin, buhay ninyo ang nakasalalay dito. So, i-monitor ninyo ang mga anunsiyo ng mga opisyal at huwag maniwala sa mga nagpapakalat ng fake news. Kapag sinabing mag-evacuate at preemptive evacuation na ay gawin natin ito. Kapag sinabing bawal munang pumalaot ay sundin po natin ito dahil buhay po ang nakataya dito at kapakanan po ninyo ang parating nasa isipan ng ating mga opisyales.
Inaasahan kong magdadala ng malalakas na ulan po ang Bagyong Rolly, posibleng magdulot po ito ng pagbaha na naman, landslide at saka storm surge kaya kinakailangang laging handa po tayo parati dito. Nandito po ang gobyerno ninyo na may malasakit naman po na handa pong tumulong sa inyo sa abot po ng aming makakaya. At tuluy-tuloy po ang coordination natin. Ako, kagaya ng sinabi ko noon na patuloy rin po ninyo akong maging tulay kay Pangulong Duterte o sa executive po at kung ano po ang pupuwede naming maitulong, magtulungan lang po tayo.
Kukunin ko na lang po ang pagkakataon na ito pong aking isinusulong sa Senado, ito pong Department of Disaster Resilience Act of 2019 kailangan na po talaga nating i-scale ang mga preparedness to resiliency against disaster, napapanahon na talagang magkaroon ng sariling departamento na nakatutok talaga rito sa mga ganitong pangyayari. Madalas po ang tamaan ng bagyo, lindol at iba pang kalamidad and even noong pumutok po iyong Taal Volcano, dapat po mayroon na tayong isang ahensiya na nakatutok dito na mas maayos, mabilis at maaasahang serbisyong maibibigay ng gobyerno para rumesponde.
Katulad po ng isang secretary level na ready na pong makipag-coordinate sa mga ganitong pangyayari. Bago dumating ang bagyo, mayroon na pong isang departamentong nakatutok, prepare na kaagad na maging mas mabilis ang pagtugon even after lumabas po iyong bagyo ay mayroon pong mag-aasikaso. Mayroong regional office, mayroon pong makikipag-coordinate sa local government units para po sa recovery at hindi lang po recovery, iyong pag-deliver po ng mga pagkain ay mabilis po dahil mayroong departamentong nakatutok talaga sa kanila. Iyon po ang aking pakiusap na sana po ay maipasa na namin ng mga kapwa ko mambabatas.
USEC. IGNACIO: Senator, pinakilos na po ni Pangulong Duterte ang buong puwersa ng gobyerno para po sa paghahanda sa Bagyong Rolly. Kayo po ba ay magkasama ng Pangulong magmu-monitor po ng bagyo at kayo po ay nandito ba sa Metro Manila, Senator?
SENATOR GO: Ngayon po ay nasa Mindanao po ang ating mahal na Pangulo at naka-monitor po siya at any time naman po iyon, ang ating Pangulo ay puwedeng bumalik sa Maynila at kung papayagan po ng magandang weather na po ano, makakalipad po ang eroplano. Pero rest assured po ang ating Pangulo po ay nakatutok po sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, ang kaniya pong gustong mangyari, kung may mga ganito ay maibalik kaagad, ma-normalize kaagad ang sitwasyon.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong oras at panahon, Senator Bong Go.
SENATOR GO: Maraming salamat po, mag-ingat po tayo, sa mga kababayan ko, lalung-lalo na po diyan sa Luzon. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan po ng pagsailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan at siyempre katuwang pa rin natin dito ang Philippine Red Cross. Kung nais po ninyong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang hakbang na dapat ninyong gawin.
[VTR]
BENDIJO: Ngayong panahon po ng pandemya, nagsisilbing panlaban ng mga mamamayan ang ligtas at maayos na tahanan. Para alamin natin ang mga proyekto ng National Housing authority, upang tugunan ang pangangailangan ng atin pong mga kababayan. Para talakayin iyan, makakausap natin si Engineer Victor Balba, Assistant General Manager ng National Housing authority. Magandang umaga po, Engineer Balba, magandang tanghali.
Ayusin lang po natin ang linya ng komunikasyon diyan po sa tanggapan ni Engineer Balba ng NHA.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVId-19 cases sa buong bansa. Sa tala po ng Department of Health as of October 30, 2020, naitala ang 2,006 newly reported COVID-19 cases. Ang total number of confirmed cases ngayon y 378,939. Naitala rin kahapon ang 38 na katao na nasawi kaya umaabot na sa 7,185 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 330,457 with 636 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 41, 291.
Dumako naman po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa makakasama natin ang Philippine Broadcasting Service.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Aaron Bayato.
BENDIJO: Samantala, puntahan muna natin si Clodet Loreto mula diyan sa PTV Davao. Clodet maayong ugto.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Balikan natin mamaya-maya si Clodet Loreto. Samantala sa ibayong dagat, second lockdown muling ipinatupad sa bansang France ang detalye sa ulat ni Dick Villanueva.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Yes, Aljo. Katulad nga ng naging pahayag ni Senator Bong Go at ni USec. Jalad ng NDRRMC, sana naman po sa ating mga kababayan na dadaanan ng bagyong Rolly kayo po ay sumunod sa mga guidelines o sa mga patakarang ipatutupad po ng inyong LGUs para po sa inyong kaligtasan. Kasi po ang target po natin talaga siyempre iyong buhay po ninyo, ang kaligtasan po ninyo ang isinasaalang-alang ng pamahalaan at katulad po ng sinabi ni Senator Bong Go pinakilos na po ni Pangulong Duterte ang buong puwersa po ng gobyerno para po sa paghahanda at pagresponde sa mga pangangailangan sa pagtama po ng bagyong Rolly.
BENDIJO: Tama ka, diyan Usec. Samantala, balikan natin si Engineer Victor Balba, Assistant General Manager ng NHA, National Housing Authority. Engineer, magandang tanghali po.
Gaano po kalaki ang naging effect o impact po ng COVID-19 sa mga proyekto ng NHA?
ENGR. BALBA: For NHA po, malaki po talaga ang naging impact ng COVID-19 dito sa NHA. Dahil nga po ang mga proyekto natin dito ay kalat po sa buong Pilipinas. That is why nag-suspend po kami ng operation, dahil nga dito. During the ECQ and MECQ suspended po ang operations, dahil alam naman po ninyo hindi puwedeng lumabas ng mga tao lalo na ang workers natin.
Sa NHA din naman po, sa opisina naman namin po, ang ginawa na lang po namin, alternative work assignment na lang, work from home iyong iba at minimal na tao na lamang po ang pumapasok sa opisina during that time.
BENDIJO: Tama po ba, Engineer, na dalawang buwan na suspension pagdating sa amortization or lease payments ng lahat po ng mga proyektong nakapailalim sa NHA? Maari ba ninyong mas maipaliwanag po ito sa ating mga manunuod, Engineer?
ENGR. BALBA: Opo. During the period po ng March 16 hanggang June 16 nagkaroon po tayo ng moratorium on loan amortization sa lahat po ng aming inventories, sa mga awarded units namin maging residential, commercial and industrial. Dahil nga po siyempre para makatulong din naman po sa paghihirap ng ating mga tao at ngayon po ulit dahil nga po dito sa Bayanihan to Recover as One, nagkaroon na naman po ng panibago kaming moratorium at ito ay magti-take effect this November and December, parang iyon na po ang Christmas gift ng NHA sa aming mga benepisyaryo.
Hindi na po sila kailangang mag-apply, automatic na talagang hindi na sila kailangang magbayad during those period at ang collection po namin mag-uumpisa na naman January 2021 na po.
BENDIJO: Opo, magandang balita po iyan. Samantala, Engineer, kinuwestiyon po ni Senator Ralph Recto ang pagpapagawa ng mga pabahay, housing projects para po sa ating mga pulis o PNP, sa ating mga sundalo, ng NHA dahil para daw po iyan sa mga informal sector ang serbisyo ng NHA. Ano po ang reaksiyon ninyo diyan?
ENGINEER BALBA: Noong itinanong po sa amin ni Senator Recto iyan, pinaliwanag po namin, sumulat po kami sa kanila, ipinaliwanag po namin na ang proyekto ng AFP/PNP Housing ay hindi po bago dahil ito po ay ipinatupad na natin noong last administration pa po, sa administration pa po ni Presidente PNoy. Ito po ay itinuloy ng ating bagong administration, kaya lang po ang pagbabago nito, dahil nga po ang naging reklamo sa atin noon ay maliit, pangit at hindi kaaya-aya, so ang ginawa po ng bagong administration, kung maliit siya, pinalakihan po namin; kung pangit, pinaganda po namin. Iyon po.
ALJO BENDIJO: Opo. Engineer, nag-a-adjust po tayo sa tinatawag na new normal. Ano na po iyong mga pagbabagong ipinapatupad ninyo pagdating sa operasyon ng NHA?
ENGINEER BALBA: Yes, opo. Ngayon po we have to be strict with all operations. Even sa pag-iimplementa po ng ating project, mayroon po kaming inisyu na mga health protocols na dapat ang mga developers natin ay sundin ito, katulad ng pagsusuot din ng mga facemasks at magpu-provide po ng mga quarters na medyo hindi po sila magkadikit-dikit. At the same time, may age bracket na po ang puwedeng pumasok lang dito, also we require regular check-up ng kanilang mga workers. Iyon po ang pinatutupad namin.
ALJO BENDIJO: Dahil pa rin po sa COVID-19, maraming mga proyekto ang natigil pero ngayon po ay unti-unti nang bumabalik. Ano po iyong mga proyektong prayoridad ninyong matapos bago po matapos ang taong 2020, Engineer?
ENGINEER BALBA: Actually po, lahat ng proyekto namin, we can say they are all a priority. Kasi nga po ang pinu-provide namin ay pabahay. Ito po talaga ang isa sa mga pangangailangan ng tao lalung-lalo na itong COVID-19 dahil nga po ito lang po ang pinakaligtas na lugar ng mga mamamayan na hindi sila pinalalabas at kailangan nila ng bahay na matitirhan. So we’re trying our best to make sure na kung ano iyong puwede naming matapos po lahat, like the AFP/PNP, iyong housing for informal settler families, iyong resettlement assistance namin sa local government units, IP housing, iyan pong lahat ay pina-prioritize po namin; naghahabol po kami.
ALJO BENDIJO: Opo. Mensahe na lang po, Engineer, sa atin pong mga televiewers, maging sa ating mga nakikinig.
ENGINEER BALBA: Opo. Ang NHA po naman ay ginagawa po ang lahat para ma-ensure namin na quality service po ang maibibigay namin sa aming mga benepisyaryo. Umasa po kayo na gagawin po namin ang lahat para makatulong po kami sa mga taong nangangailangan ng mga pabahay.
ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Engineer Victor Balba ng NHA.
ENGINEER BALBA: Maraming salamat din po.
ALJO BENDIJO: Balikan natin si Clodet Loreto, PTV-Davao.
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Daghang salamat, Clodet Loreto.
Samantala, Usec. Rocky, Undas na bukas, konting trivia lamang po: Alam ninyo bang ang Undas na local term natin, ito iyong November 1 to November 2 ay isang Spanish abbreviation na ang ibig sabihin po niyan, Undas – Un Dia para todos los Almas y los santos. Ang ibig sabihin po niyan ay “Day for all souls and saints.” Hindi po tayo maaaring bumisita ngayon sa atin pong mga namayapang mahal sa buhay, pero maaari po nating patuloy na ipagdasal ang kanilang mga kaluluwa, ng atin pong mga mahal sa buhay sa loob ng ating mga tahanan, para na rin po iyan sa ating kaligtasan ngayong panahon ng pandemya.
USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
ALJO BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa ma updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
ALJO BENDIJO: At samantala, 55 days na lang po at Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19 lagi nating tandaan na ang pagmamahal at pagtutulungan sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Maraming salamat. Muli, ako po si Aljo Bendijo. Usec., thank you.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din sa iyo, Aljo. Sa ating mga kababayan, mag-ingat po tayo. At mula pa rin po sa PCOO, sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)