Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Isang oras na naman na siksik sa makabuluhang impormasyon at napapanahong balita ang aming ihahatid sa inyo.

MR. BENDIJO: Magandang umaga, Usec.

Ngayong umaga kasama pa rin ang mga kawani mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, ating bibigyan po ng linaw ang mga issue at mga katanungan kaugnay sa mga hakbangin ng pamahalaan sa ating laban sa COVID-19; ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Commissioner Greco Belgica, Presidential Anti-Corruption Commission; Ambassador Jose Santiago Sta. Romana, Philippine Ambassador to China; at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

MR. BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman sa inyong mga katanungan at concerns, maari kayong mag-comment sa livestreaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Samantala sa panahon ngayon ng COVID-19, kailangan pang mas palakasin ang pakikipagtulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan sa isa’t isa para mapunan ang pangangailangan nga taumbayan sa ilalim ng Republic Act No. 1194 o ang Bayanihan to Recover as One Act o mas kilala bilang Bayanihan II. Ito rin ang pakiusap ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sa national agencies na alamin ng mga ito ang kani-kanilang mga responsibilidad at mandato sa panahon ng krisis.

Kamakailan ay nakiusap ang Senador sa Department of Budget and Management o DBM na ibigay na sa mga ahensiya ang budget na hindi pa nila nakukuha para mapabilis ang serbisyo sa mga tao. Pumayag naman si DBM Secretary Wendel Avisado at sinabing mayroon na siyang marching order sa DBM at mailalabas na ang pondo within 24 hours basta’t makapagpasa sila ng kaukulang requirements. Binigyang-diin ng Senador na nakikita niya ang sitwasyon ng mga tao at totoong hindi madali ang pinagdaanan ng ilan dahil sa pandemyang ating nararanasan.

Kaugnay nito ay nagkaroon ng sariling distribution of assistance ang opisina ng butihing Senador Bong Go sa mga nasunugan sa Cainta, Rizal at Tondo, Manila. Sa Barangay San Andres, Cainta bukod sa tulong ni Senator Go ay dumating din ang national agencies gaya ng DSWD at DTI para mamigay ng ayuda.

Sa Barangay 210 Zone 9 sa Tondo naroon din ang National Housing Authority para tulungan ang pamilyang nawalan ng tirahan.

Hindi lang sa mga nasunugan kundi pati ang mga nasalanta ng baha ay binigyan din ng assistance ni Senator Go sa Lucena, Quezon kasama rin diyan ang mga biktima ng storm surge sa Sultan Kudarat sa Mindanao. Namahagi si Senator Go ng financial assistance, grocery packs, mga bitamina, face masks at face shields. Ilan sa mga biktima ng mga naturang trahedya ay nabigyan niya ng tablets para sa online class ng kanilang mga anak at bisikleta para sa mga nahihirapang mag-commute papasok ng kani-kanilang opisina.

USEC. IGNACIO: Alam mo Aljo, talagang mahalaga ito lalo na sa panahon ng pandemya. Kailangan ay magbayanihan tayo!

MR. BENDIJO: Opo, Usec. Salamat naman at nagtutulung-tulong ang ahensiya ng pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Ito ang isa pang istorya ng pagbabayanihan: Magkatuwang ang Department of Social Welfare and Development at Department of Trade and Industry sa pagbibigay dagdag na tulong at dagdag kapital sa mga nagninegosyo. Kahapon sa Caloocan City nagpadala ng financial assistance at food packs ang DSWD at livelihood assistance ang DTI sa walondaan at pitumpu’t pitong market vendors sa Maypajo Public Market at Larangay Public Market sa lungsod.

Bukod sa ayuda ng gobyerno, may hiwalay ding tulong na ipinaabot si Senator Bong Go sa mga market vendors. Namahagi siya ng food packs at pinayuhan ang mga vendors na makipagtulungan sa gobyerno ngayong may COVID-19. Mahalaga aniya na gamitin ang ipinamigay na face mask at face shield at sumunod sa social distancing protocol lalo na’t marami ang mamimili sa mga palengke. Inalam din ng Senador ang ilan sa mga hinaing ng mga market vendors.

Kaugnay nito, gusto pang palakasin ng Senador ang agricultural sector ng bansa dahil malaki ang kontribyusyon nito sa pagbangon ng ekonomiya sanhi ng pandemya. Sa kaniyang manifestation speech sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, nanawagan si Go na protektahan ang local farmers sa bansa laban sa sindikatong rice trader at illegal rice importers para mapalakas na rin ang programang Plant, Plant, Plant ng Department of Agriculture. [VTR of Sen. Go]

Usapin sa COVID-19 vaccine at sitwasyon ng ating mga kababayan sa China ang ating aalamin kasama si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana, Philippine Ambassador to China. Magandang araw po, Ambassador.

AMBASSADOR STA. ROMANA: Magandang araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador una po sa lahat, kumusta po ang kalagayan ng ating mga kababayang nandiyan po sa China?

AMBASSADOR STA. ROMANA: Sa kabuuan naman ay mahusay at hinggil sa COVID-19 pandemic situation dito sa Tsina ay halos kontrolado na iyong domestic—local community transmission is basically down to zero. Ang problema na lang talaga dito iyong tinatawag na imported cases o iyong mga Chinese citizens na galing sa labas na pagdating sa airport, pagkatapos mag-swab test ay lumalabas na mayroong dalang virus – kasali na rin diyan ang mga dayuhan ‘no.

Ngayon sa hanay ng mga Pinoy, iyong mga dito nakatira at nagtatrabaho dito, sa ngayon ay mahusay ang kalagayan nila.

Ang mayroon lang ilang kaso na nagkaroon, mga Filipino seamen na working on Chinese or foreign ships na nagda-dock sa [garbled] tapos pagkatapos ma-subject sa swab test ay mayroong ilan na nagta-test nang positive kaya sila ay nilalagay kaagad sa quarantine at dinadala sa ospital. As of now, though the situation is quite good, naka-recover na ang halos lahat or karamihan sa kanila.

So overall mahusay ang sitwasyon naman ng mga Pinoy dito sa Tsina and I’ll explain in a while kung ano ang ilang problema na mayroon pa.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, sa ngayon po may mga kababayan pa rin po ba tayong humihingi ng repatriation assistance sa ating embahada?

AMBASSADOR STA. ROMANA: Yes, yes! Iyon ang gusto ko nga ipaliwanag eh. Ngayon karamihan ng humihingi ng repatriation flight ay itong mga Filipino seamen na stranded dito. Ibig sabihin they’re working on Chinese ships or foreign ships pero nagkaroon ng economic problems or financial problems iyong kumpanya kaya nandoon lang sila sa laot. I mean they’re off the ports of China kasi nag-iingat ang Tsina na… against imported cases at saka ang patakaran dito ay huwag pababain sa barko iyong mga naghihintay na mga dayuhang seaman.

So in cases of these Filipino seamen, they want [garbled]—some of them have been waiting for days, for weeks. So they want to disembark and they’ve been asking for help to be repatriated back kasi either tapos na iyong kontrata nila or hindi na—wala nang trabaho! Kaya iyon ang pinaghahandaan namin at all the consulates around China are preparing for a repatriation flight that is being planned by DFA particularly the Migrant Workers Affairs at hinahanda nga ito, baka sa susunod na mga linggo.

Ang plan ngayon ay sa early November or mid-November at the latest to organize another repatriation flight. As you probably know, there were before, ang kaso, iyong mga Pinoy na nawalan ng trabaho na naghihintay lang dito at nahihirapan kaya they wanted to go home, naayos na iyon; at noong Agosto, mayroong isang grupong nanggaling sa Beijing ‘no; August, September, there was another group in Shanghai, as well as in Guangzhou ‘no. So naayos iyong ganoong problema.

Ang problema ngayon ay iyong mga stranded seafarers na nahirapan na dahil naghihintay lang sila sa barko at walang plano iyong may-ari dahil because of financial problems cannot pay them or their contracts are over. So that’s the one we’re focused on right now.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, aside from doon sa mga stranded na seafarers, ilan pong mga Pilipino iyong nais, estimate lang po na nais makabalik, nagpahayag na nais nilang makabalik na o repatriation dito sa Pilipinas?

AMBASSADOR STA. ROMANA: Actually, it used to be in the hundred ‘no, but most of them have gone home. Ang natitira na lang ngayon, I think, is less than a hundred or a little more. Pero ano na, one flight will suffice for now – one repatriation flight, and we hope this will be it.

Ang lumalabas na isa pang problema ay iyong mga nagtatrabaho sa China na mga Pinoy na umuuwi noong bago nag-lockdown dito tapos hindi na makabalik. Ngayon, gusto nilang bumalik. Mga ano iyan over 300. At [unclear], it was around 500. But the DOLE is now organizing a charter flight or two charter flights for around 300, at iyon din ang pinagtutulungan namin na clearance from the Chinese authority para matuloy ito. Kung matuloy ito, baka sa linggong ito or sa susunod na linggo, magawa na ito. Ang plan nga ay we are really trying hard to get the clearance for this.

So dalawang klase ang problema: Isa iyong repatriation mula dito, mga stranded seafarers, pauwi; at mayroon ding mga stranded Pinoy na nagtatrabaho dito pero nasa Pilipinas na hindi makabalik dahil halos walang airline, no flights available or kung mayroong man, kaunti lang at mahal pa ang tiket. One-way ticket, [garbled] hundred pesos. [Garbled] looking for low cost or the usual airline flight kaya tinutulungan din ng gobyerno, particularly iyong DOLE at saka DFA para maka-charter ng flight para makabalik sila at makatrabaho uli.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, kumusta po naman ang status sa development naman po ng bawat vaccine na pinag-aaralan ng China? At anu-ano po ba iyong uri ng COVID-19 vaccines, iyon daw pong posibleng maaprubahan na for distribution?

AMBASSADOR STA. ROMANA: Okay, the Chinese authorities announced this week that they are close to the regulatory approval for general use of [unclear]. Four vaccines na ngayon ay nandoon sa final phase na tinatawag na Phase 3 ‘no, kasi iyong Phase 1 ay nag-umpisa na iyan noong June 5. It’s started with several dozen volunteers; Phase 2, several hundreds. Ngayon they are in Phase 3, the final phase. One vaccine over 60,000 iyong kanilang volunteers. Another vaccine, they are talking of 50,000.

Kaya one Chinese official, during the press conference, actually announced that perhaps as early as next month, coming soon, in November, there could be the regulatory approval or a Chinse FDA would announce which of the four or all of the four whichever, they are now being evaluated kung puwede na for general use.

So that is what we are waiting for. Now, the Chinese pharmaceutical company are already producing, of course, these vaccines on a limited scale. Kapag nagkaroon ng approval by the Chinese FDA and then they plan to ramp up production, during their announcement of this, the Chinese health officials, as well as the Chinese pharmaceutical companies and from the reports in the Chinese official media, they’re talking of possibly ramping up production by the end of the year to as much as – they’re talking of hundreds of millions of dosage – as much as 600 million dosage once there is approval.

And after approval, next year, they’re talking of as much as one billion dosages of these vaccines. So, we will know soon kasi ini-evaluate iyong data at iyong results ng Phase 3, the final phase. So far, the initial report, according to these Chinese officials, walang adverse reaction sa clinical trials.

So the prospects are quite bright. And the question now, of course, is you know the Philippines is one of the priorities for China in terms of the distribution and deployment of the vaccines. Of course, madami pang pag-uusap diyan. What our embassy is doing is facilitating the communication between, of course, DFA and then the lead agencies sa vaccine – DOST, DOH at saka of course [unclear] in terms of procurement. So we’re facilitating the communication but there are still a lot of contacts, of exchanges that have to be made. We’re in the initial or the preliminary stage.

So right now, the important thing is to wait for the final announcement by the Chinese of which vaccines are going to be approved. And then when they start the production, when they are ready for distribution, then there are more, obviously, more diplomatic talks that will have to be conducted. So iyon ang outlook as of now.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, may ipinadala pong tanong ang ating mga kasamahan sa media, if I may, Ambassador. Tanong po mula kay Athena Imperial ng GMA News. Ang tanong po niya: May chance po ba na magdagsaan ang turista sa China for a chance to get experimental vaccine shot?

AMBASSADOR STA. ROMANA: I’m sorry, magdagsaan ang Chinese tourist …?

USEC. IGNACIO: Ang mga turista po, pupunta sa China.

AMBASSADOR STA. ROMANA: To get experimental shots?

USEC. IGNACIO: Opo. Para daw po magkaroon ng chance—

AMBASSADOR STA. ROMANA: Na bumalik ang tourism sa Pilipinas, ganoon ba?

USEC. IGNACIO: Hindi po. Iyong pupunta po sa China, magtu-tourist papuntang China—

AMBASSADOR STA. ROMANA: [Laughs] I see. Okay, first of all, the Chinese are not encouraging international tourism at the moment kasi nga ang pinakamalaking [garbled] nakatutok sila sa international arrivals kasi halos zero na ang community transmission dito kaya hindi pa bukas ang pintuan ng China for tourism. Unfortunately, you cannot join the tour and come here and get a vaccine ‘no. However, the Chinese government recently just announced, sarado rin ‘no, they won’t allow their Chinese tourist to go abroad right now kasi tuloy pa rin iyong global pandemic. Kapag lumabas iyong mga Chinese tourist tapos ma-infect at dalhin nila dito iyong virus, ito na naman ang problem. Kaya the doors are closed for tourism, both from outside as well as Chinese tourists going abroad, rare ang pinapayagang lumabas.

But domestic tourism in China is booming. They just had, you know, their national holiday. Iyong national day nila, iyong tinatawag na Golden Week, isang linggo iyan. And in this case, it was eight days kasi mayroon pang isang Chinese festival na dinagdag. The reports were 600 million Chinese were travelling within the country. And so far, naiwasan nila na magkaroon ng [garbled] nagkaroon ng cluster.

So back to your question: Unfortunately, that is wishful thinking right now. Hindi basta-basta sa China. Ang pinapayagan lang ngayon ay iyong mayroong mga work visas na iyon nga, stranded nga iyong mga three to four hundred diyan sa Pilipinas na bumalik dito. And of course, mga diplomatic assignments. But ordinary tourists, unfortunately, the doors are still closed right now.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ambassador, may tanong pa rin po iyong ating mga kasamahan sa media if I may Ambassador. Tanong po mula kay Bella Cariaso ng Daily Tribune: Ilan po iyong mga stranded na seaman sa China?

AMB. STA. ROMANA:  Still flexible and we are still trying—but right now, we counted at least 70 but you know, mayroon pa rin dumarating minsan na barko and we get reports that there are Filipinos there. So, it’s a flexible that why I said it’s roughly less than a hundred.

Mayroon ng nakauwing isang grupo just last month and in the case of some of the seafarers, they were waiting for several months off the coast of Southern China. Because ang policy ng China noon was not to allow iyong mga seafarers to get down, to disembark their boats, because pinag-iingatan nila iyong tinatawag na imported cases.

So pumayag rin on an emergency cases, nakababa na iyong mga seafarers na iyon na nagsuot ng PPE at saka of course nag-swab test and then diretso sa eroplano and then papauwi sa Pilipinas and some of the others, they were able… the company, some of the shipping companies were able to put them together in one boat, tapos hinatid sa port sa Manila.

So there have been cases already. The only ones remaining are now several dozens and that is what we are preparing for. But we are prepared for a roughly a hundred or so. We will see if it will grow further, pero one repatriation flight should do it.

USEC. IGNACIO:  Ambassador, last question na lang daw po: Gaano po karami, in case lang po na vaccine na ipapamahagi at kung libre daw po itong ibibigay sa Pilipinas ng China?

AMB. STA. ROMANA:  We are not there yet. Hindi pa malinaw iyong kasagutan diyan, pag-uusapan pa iyan; pero the Chinese have put us in a priority basis and I think kasali diyan iyong mga ASEAN countries and I think the Chinese is certainly will not be for—you know, for provision, at most it will be at cost. Pero exactly the price and all that is still subject to negotiations and more talks. So, stay tuned.

USEC. IGNACIO:  Ambassador, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan lalung-lalo na po iyong ating mga kababayan na nandiyan sa China.

AMB. STA. ROMANA:  Well, sa mga nandito sa Tsina, we have asked them, you know if they have any problems, keep in touch with the nearest consulate or with the Philippine Embassy. Malaki ang Tsina kaya we have several, you know the Philippine Embassy in Beijing, basically takes care of northern China, pero [garbled] Sichuan in the west to Shandong in the north and Jilin.

Then there is a consulate in Shanghai for those in Eastern China, mayroon tayong consulate sa Xiamen, mayroon din tayong consulate sa Southwest China sa [unclear]. We ask the Filipinos in China to contact the nearest… keep in touch with the nearest consulate if you have any problems.

As for the seafarers or kung sino iyong nasa barko na dumating sa Tsina, hindi pa namin alam, feel free to contact us right away, we have both online or through cellphone or direct to the nearest ano and we will provide assistance. Of course the Chinese have been very helpful, the Chinese authorities.

Gusto ko lang iliwanag ulit na mahusay naman ang kondisyon ng mg Pilipino dito, ang problema lang nga ay madaming nagtatrabaho dito, pero hindi makauwi dahil kulang ang flights or mahal ang ticket and because iyong mga quarantine protocol on both side. Kung umuwi ka two weeks sa Pilipinas na quarantine, pagbalik mo dito two week ka ring quarantine, so halos isang buwan kaagad maubos.

So, iyon lang hinihintay namin sanang umusad—mahusay ang kondisyon sa Tsina in terms of the pandemic, pero hinihintay humusay din sa Pilipinas at sa ibang bansa para naman maka-achieve ng normality.

Dito sa China mismo, I think the Filipinos are actually in a safe condition, they can now move around. Of course they are still have to observe the basics – wear the mask, social distancing.

So ang overall message ko lang sa mga Filipinos dito, mag-ingat pa rin, while the conditions have improved in China we still have to maintain our vigilance so that we can stay safe and in good condition. Maraming salamat sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat po sa pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon, Ambassador Jose Santiago Sta. Romana.

Sa gitna po ng pandemya, isa rin sa matinding problema na ating kinakaharap ang laganap na korapsyon, kaya naman po upang alamin ang update sa mga imbestigasyon kaugnay sa katiwalian, makakausap po natin si PACC Commissioner Greco Belgica. Magandang araw po, Commissioner.

PACC COMMISSIONER BELGICA:  Magandang raw po, Ma’am Rocky. Magandang araw po sa lahat ng nakikinig sa atin sa buong bansa.

USEC. IGNACIO:  Opo. Commissioner, unahin na po muna natin iyong mga katanungan ng mga kasamahan natin sa media.

Tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Representative Mike Defensor said Commissioner Belgica should reveal the names of congressmen allegedly involved in DPWH’s corruption instead of making blanket accusations that are unfair to the lawmakers. What can you say about Defensor’s statement?

PACC COMMISSIONER BELGICA:  Tama po iyong sinasabi ni Congressman Mike Defensor, na hindi po lahat ng congressman involved sa corruption; pero hindi lahat malinis. Ito po ay based doon sa mga investigations namin, unang-una.

You know ang iniimbestigahan kasi namin DPWH, pero hindi naman kami puwedeng magbulag-bulagan sa mga nakikita namin pag nag iniimbestiga kami; ang jurisdiction po namin DPWH at Congress.

So in our reports nakukuha po namin iyan and binibigay po namin iyan sa appropriate agency at sa Pangulo. Doon po kami nagbibigay ng report.

Now, as to the names, ganito po iyan eh.  Para kong—I don’t wanna do blind items or I make a bulletin board or noise board of our investigation. Dahil kung sasabihin ko kung sino ang aming mga inimbestigahan, bago sa inquiry or kung sino ang aming mga suspects bago po sa inquiry, di para ko pong sinabi doon huhulihin na huhulihin na siya and that will compromise the investigation. Our reports I said will be submitted to the President and to the appropriate agency and courts to conduct the investigation.

Number two, the President already said that he will create a task force to investigate DPWH. Kasi nga po ang PACC is being intent to be presidential appointees. So it needs a different body, maybe NBI or the Ombudsman to conduct the investigation.

The Congress itself, pero sabi nga po ni Congressman Mike Defensor, na it will be self-serving kung they will investigate themselves which I agree. Based on my experience, a third party or an external auditory investigator is always the most effective investigation or will always produce the most effective/efficient investigation.

So iyon po ang amin pong report at amin pong mga information na nakukuha so not to compromise the future and ongoing investigation will be submitted to the President and shall be finished by the commission and be submitted to appropriate agencies also.

Since we are at this topic, we have our hotlines and we have our Facebook pages and social media platform. Nasa atin pong mga kababayan who wants to help out dito po sa imbestigasyon na ito sa DPWH. You can send pictures or briefers or reports doon po sa mga platforms po na iyan. Sana po mai-show ninyo mamaya iyong numbers namin, nasa Facebook po ang aming hotline.

You know, the President is serious sa laban pong ito sa corruption. Sinabi niya na wala siyang patatawarin, wala siyang palalagpasin sa korapsyon and iyon lang po ang ginagawa namin, iyon po ang trabaho namin, iyong magbigay sa kaniya ng mga ebidensiya. So, I think that covers the question, Ma’am. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, tanong pa rin po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Is the PACC looking into specific complaints concerning lawmakers who are receiving, allegedly, kickbacks from DPWH or are involved in other forms of corruption in the agency, and what is your basis daw po for saying that congressmen are involved in DPWH anomalies?

COMMISSIONER BELGICA: First of all Ma’am if you will remember, in 2013 I’ve filed a case against the pork barrel system – PDAF. The court declared this unconstitutional and according sa COA audit report, the power that is being exercised by Congress to choose NGOs has compromised the system to corruption, iyong mga Napoles NGOs. So based from that napanalunan po natin iyon. Pangalawa sa atin pong mga reports na natatanggap mula sa contractors, iyong sinasabi ko kanina iyong COA audit report, sa Supreme Court decision, reports ng mga contractors.

And then following the decision sa Belgica case – ako po ang lead petitioner doon eh – following that, the same power na binibigay o ini-exercise po ng ilang congressmen, ilang congressmen sa nakikita namin in the course of our investigation, dito sa mga specific cases na natanggap namin sa aming opisina, iyong kapangyarihan nila to influence the choice of district engineers and to influence the choice of contractors compromises the whole system to corruption. Kasi because of that power, sila ang may kapangyarihan or naia-assert nila iyong pagpili kung sino ang district engineer na ilalagay sa kanilang distrito o kung sinong contractor ang dapat manalo or favored contractor, nagiging beholden po sa kanila ang mga taong ito and that exposes the system to corruption.

Ang amin pong nakikita na dapat gawin ay palakasin ang kapangyarihan ng Secretary of Department of Public Works and Highways na talagang siya lang ang walang puwedeng makapag-iimpluwensiya sa kaniya sa pagpili ng district engineers dahil sa ganitong paraan po walang katatakutan na iba ang mga district engineers maliban sa kaniya although nagri-recommend, again I say na iyong power to influence. Kailangan kapag iyong district engineer inilagay diyan, kaniya talaga iyan para kapag inimbestigahan iyan, walang ibang sisisihin maliban sa kaniya.

So iyon po iyong sinasabi ko, iyong similarly doon sa findings namin or sa findings ng COA doon sa case na inilatag namin sa Supreme Court eh iyon din po ay parang phase 2. Phase 1 we won that, you know, iyong pagpili ng NGOs ng mga legislator mali, sinabi na ho ng Supreme Court iyan. Iyong pagpili din o iyong pag-influence, iyong kapangyarihan na nai-influence mo na pumili ng district engineer sa iyong distrito at contractor sa iyong distrito can also and is also compromising the entire system to corruption.

So yes, we have specific cases and yes we have specific districts and yes we are coordinating and we have been working with appropriate government agencies to push further the investigations or the information that we have received lalo na iyong mga wala sa aming jurisdiction.

And lastly gusto ko lang ho ipaalala Ma’am at saka sa lahat po ng nanonood na noong 2018 pa lang po, dalawa na pong district engineer ang napatanggal namin. Ito po ay in-expose namin, nahulihan po namin iyan ng videos, mga tauhan po namin na iyong isa, apat na milyong pisong cash, ang dinala doon sa opisina ng isang district engineer at inilatag sa mesa para makuha niya at masigurado na makukuha niya iyong proyekto.

Pangalawa, nakunan din namin ng video iyong isang district engineer na nakipag-negotiate doon sa isang contractor ng sampung milyong piso. So ito po ay isinumite namin sa Office of the President at binigay din po namin sa media at ibinigay din kay Secretary Villar. Si Secretary Villar naman po kaagad na sinibak ang mga district engineers po na ito at hanggang ngayon hindi pa nakakabalik kahit anong pilit na bumalik. Ang kaso pong iyan ay sinumite na rin po namin sa Ombudsman.

So matagal na po kaming nag-iimbestiga sa DPWH and as I’ve said, you know, in investigating, hindi naman ho kami puwedeng magbulag-bulagan at pumikit na lang sa aming mga tunay na nakikita. That’s why iyong mga reports po namin ay isa-submit namin sa Pangulo at sa tama pong ahensiya at hindi para pagpiyestahan at gawing blind item.

USEC. IGNACIO: [Off mic] Leila Salaverria ng Inquirer: Ano po ang specific actions will the PACC take about the President’s allegations na the DPWH is riddled with corruption?

COMMISSIONER BELGICA: Yes, we have been at the forefront of revealing this. If you will remember, I can present to you iyong mga previous na mga ulat sa bayan namin. The DPWH has always been there at the top, of course tinalo siya ng PhilHealth today kasi nga talaga namang alam ng lahat na mahirap, ang dami-dami ho kasi nila eh – 250 districts tapos iba-iba ho ang kausap, so mahirap i-monitor.

So, ano po ang mga specific cases? You know, the President has been talking about the DPWH I think for almost two weeks. So last week nag-usap po kami sa commission at sabi ko nga probably we should submit our report and recommendations already to the Office of the President. Puwede ba tayong mag-hold ng special en banc session next week dahil po as far as I’m concerned at my level as a commissioner, natapos ko na po iyong fact-finding doon sa isang specific case sa DPWH and DENR, nagtatawiran po iyan eh.

So after my inquiries, pinasa ko na po sa commission for formal investigation. So sa akin tapos na iyan, ironclad na iyan eh so iyon nga po ang sabi ko baka puwedeng tingnan na natin kung saan na iyang kasong iyan as to the part of the commission at kung matapos na natin at tapos na po, ang sabi nga, ang huli kong balita kahapon, “Sir puwede na nating i-agenda next week.” So pag-uusapan na po namin iyan sa commission kung ano ang aming irirekomenda sa Pangulo.

So ito po ang initial na iaabot namin sa Office of the President para pagdesisyunan ng Pangulo. Iyan lang naman po ang trabaho namin eh and the decision will always be with the President.

MR. BENDIJO: Commissioner, magandang tanghali. This is Aljo Bendijo. Pag-usapan po natin iyong mga katiwalian naman sa nangyaring pamamahagi o distribution ng Social Amelioration Program o SAP. Gaano po karami ang nakasuhan na? Sa ngayon marami pa rin po bang mga opisyal mula sa mga local government units ang inirireklamo dahil sa katiwalian?

COMMISSIONER BELGICA: As far as our records are concerned, I passed it to Jack kanina po para makita ninyo. We received 7,000 reports/complaints doon po sa social amelioration. Ito po ay inendorso na namin for investigation and for appropriate action sa DILG and sa DSWD. Hayan po 7,601 SAP complaints, doon naman po iyan for this year. So mayroon na—ang kaso po ay ang DILG po ang nag-file, tumulong lang po kami sa pagga-gather ng reports at facts sa kanila na ginagawa rin po namin up to now. This number to me is a lot, but I’ve also checked the numbers of beneficiaries ng SAP which amounts into millions and I think iyong second tranche improved or is better than the first tranche, dahil as to systems that were used.  However, hindi naman perfect.

Pero ipagbigay-alam lang po ninyo sa amin para makatulong kami at ito po ay every time na binibigay po namin iyan sa DSWD at sa DILG nakakatanggap naman po kaagad talaga. It’s just sinu-sort out lang talaga kasi minsan wala sa record, iyong mga ganoon po ba. And I understand nakakainis, if you feel that, kapag ikaw iyong nandoon, pero iyan po ang numbers namin.

BENDIJO:  Ano po ang ginagawang hakbang naman ng inyo pong ahensiya, ang PACC Commissioner para masiguro na wala pong korapsyon or corruption-free, ligtas sa korapsyon ang 2021 national budget?

PACC COMMISSIONER BELGICA:  Opo. We are looking into it, sir. Ang problema po kasi, ang limitation po ng aming ahensiya is to investigate Presidential Appointees. However, because of the decision we won in the Supreme Court, noong the Belgica ruling against the pork barrel system and PDAF. We continue to remind our lawmakers both the Congress and Senate of the decision na bawal ang pork barrel system. Ibig sabihin po nito, iyong mga lump sum and discretionary funds given to legislators na walang detalye and to other offices na hindi nakadetalye, hindi naka-itemize ay pinagbabawal.

Pangalawa, iyong pakikialam po ng mga legislators sa implementation ng budget after passing the budget ay ipinagbabawal din po at sinabi ng Supreme Court na illegal. So, nandoon po iyong binabanggit kong posibleng pinanggagalingan ng korapsyon dito naman sa mga distrito or sa mga infrastructure project.

Ulitin ko lang sir, mabilis lang, noong una sa Belgica ruling sa PDAF case, ang sabi ng Supreme Court iyong pakikialam doon sa NGOs, pagpili ng NGOs ang nag-i-expose sa system ng korapsyon, iyon po iyong Janet Napoles cases.

And ito naman po, it’s the same—iyong pakikialam naman po sa district engineer – iyon nga po iyong kanina sinasabi ko – sa mga contractors iyong pagpili nila at kung sino sila ay again, nagiging source sa amin pong nakikita na posibleng mga corrupt activities na mga nangyayari.

You know, one thing, sir, wala nang bolahan ano and this is an open secret naman eh, maraming nagsasalita diyan na mga contractors, mga media alam po iyang isyu iyan. Kaya tama rin iyong sinabi ni Senator Lacson na, the real challenge is to bring out the evidence. So, iyon aming pong mga hawak ay ibibigay namin sa—we are already coordinating and working – matagal na po – with appropriate government agencies. And again, after finishing our report, we will submit this to the President because that is the mandate and the authority that was accorded to us.

As much as we want to give this to the media right at once, hindi po kami authorized to do that, sorry po.

BENDIJO:  Kasagsagan po ngayon ng pagdinig sa budget ng Pilipinas at ito na po nalalapit na rin iyong eleksiyon 2022. Ano po ang nais ninyong sabihin lalo na sa may mga balak i–take advantage o samantalahin ang kaban ng bayan at gamitin ito sa kani-kanilang interest o pansariling interest, Commissioner?

PACC COMMISSIONER BELGICA:  Sa amin po, doon sa masasama ang balak hindi sa lahat, especially not to Congress as an institution, pero doon sa masasama ang balak. You know, we are dead serious in ridding the government of corruption. The President will not allow that these monies or public funds will be going to private persons and for personal interest. So, I hope that we just abide by the rule, by the law. So that, you know hindi pagnakawan iyan and nakikiusap din po ako at umaapela sa ating taumbayan na makipagtulungan sa amin sa PACC at sa kampanyang ito na labanan ang korapsyon.

You can do that by sending us pictures, you know, you go the PACC Facebook page, padalhan po ninyo kami ng mga pictures doon, may number po kami mamaya naka-post na dito. Send us text messages, we will not reveal your names. Makipagtulungan po kayo sa amin so that we can—the other evidence na makakatulong po sa ating investigation. You can also send it to my Facebook page just post it there, tingnan po natin and then, iba-validate po namin iyong mga information. You don’t have to reveal yourselves and we don’t want you to be revealed in public, para magkatulungan po tayo. Ito po ang aming numbers, email address, you can contact us there.

BENDIJO:  Maraming salamat sa inyong panahon PACC Commissioner Greco Belgica.

USEC. IGNACIO:  Upang alamin ang pinakahuling update sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa makakausap natin sa puntong ito si Department of Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire. Good morning po, Usec. Okay babalikan po natin si USec. Vergeire.

Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of October 23, 2020 naitala ang 1,923 newly reported COVID-19 cases kaya naman ang total number of confirmed cases ngayon sa bansa ay 365,799. Naitala rin kahapon ang 132 na katao na nasawi kaya umabot na 6,915 ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa; ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 312,691 with 424 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 46,193.

BENDIJO:  Maaari po ninyong i-dial ang atin pong mga telepono (02) 893-COVID o kaya (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang mga numerong 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO:  Samantala, upang bigyan daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ng mga nasa stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panuorin po natin ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Balikan po natin sa puntong ito si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po, Usec.

USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyan-daan po muna natin ang tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Athena Imperial ng GMA News: Ano na po ang update sa COVID-19 vaccine?

USEC. VERGEIRE: Hanggang sa ngayon patuloy po tayong nakikipag-usap sa iba’t ibang mga manufacturers at saka mga bilateral partners para po atin pong mai-push forward ito pong ating kagustuhan na magkaroon ng bakuna. So mayroon ho tayo ngayong tatlo na na manufacturers na nakapag-apply na po dito sa ating regulatory process. Iyan po iyong bakuna na Gamaleya, iyon pong Sinovac at saka po iyong Janssen. Ito pong tatlong bakuna na ito ay nag-a-undergo ng mga evaluations at saka mga proseso na ginagawa natin for regulation. Iyon pong Sinovac, iyan po iyong nasa medyo advanced stage na, sa ethics review na po siya ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mula pa rin po kay Athena Imperial, kaugnay naman po sa mga cold storage facilities: May audit na po ba ng cold storage facilities ang government? Ang RITM po ang designated na storage facility ng mga vaccines ng bansa, kakayanin ba nila iyong supply po nito?

USEC. VERGEIRE: Kailangan nating maintindihan na aside from the vaccines na gusto nating mabili para sa COVID-19, mayroon po tayong mga existing or current na mga bakuna na kailangan din natin ng facility.

So sa ngayon po ay nakikita natin na talagang hindi po [garbled] kulang po kaya nakikipag-usap na po tayo sa iba’t ibang grupo so that we can expand our storage facilities in preparation for the COVID-19 vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong sunod na tanong niya: Ilan ang target po na mabakunahan? At ito naman pong cold storage facilities ang kakailanganin, ilan po ang kakailanganin for that?

USEC. VERGEIRE: Well, ideally, for the cold storage facilities, gusto natin na bawat region ay mayroon tayong mga hubs o storage facilities. And kung mamarapatin nga at kung possible, sana per province para kapag nag-roll out tayo ng implementasyon, ating masisiguro na iyong ating bakuna ay mapapanatili natin iyong kaniyang effectiveness because of that.

Ang ating target ngayon for vaccinating, katulad ng sinabi ng ating Presidente, is 20% of the population at [garbled]. So tinitingnan pa rin natin ano kung paano pa natin mapapalawig itong target na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano daw po ang distribution sa probinsiya? Kailangan din po ba ng storage facilities doon?

USEC. VERGEIRE: Depende, kasi iyong mga bakuna ngayon na nasa market, iyong mga nasa advanced stages, iba-iba ang mga requirements for cold storage. May mga bakuna na kakailanganin talaga ng ultra-low ‘no na freezers. Ito iyong mga bakuna na kailangan ng negative seventy na mga storage facilities. Mayroong mga bakuna na iyong usual lang na mayroon tayo ngayon na 48 degrees ay okay na siya ‘no.

So titingnan natin kung ano ang papasok sa ating market, kung ano ang maaprubahan para ma-determine natin kung anong mga klaseng storage facilities ang kailangan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. According po sa paper ng The Journal Dental Research, sinasabi po na a bottle of mouthwash could help curb coronavirus transmission. Ano po ang masasabi ng Department of Health dito?

USEC. VERGEIRE: Marami nang lumalabas na [garbled] noong una pa lang, Usec. Rocky ‘no. At tayo naman, hangga’t hindi naman makakaapekto o makakapag-cause ng harm sa ating mga kababayan, hindi po natin iyan inu-oppose. Kaya lang, ang kailangan lang nating maalala lahat, wala pa hong may ebidensiya na gamot o ‘di kaya ay bakuna o ‘di kaya ay kahit na anong mga technology ‘no na masasabi natin that can definitely prevent or cure COVID-19. So kung gumagamit tayo niyan at ito naman ay nakakabuti sa ating pakiramdam, okay lang po. Pero kailangan alalahanin pa rin na hindi tayo puwedeng maging complacent because we are using that.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong pa rin po mula kay Athena Imperial ng GMA News. Twenty-five of 126 hospitals in metro are under danger zone. Anu-ano po ang mga ospital na ito? At paano po natutugunan ng Department of Health ang problema ng mga ospital natin?

USEC. VERGEIRE: Kapag tiningnan po natin, Usec. Rocky, for these past weeks, nakikita natin na iyong utilization natin ng critical care for COVID-19 ay bumababa na talaga. So makikita ho natin na mayroon lang pailan-ilan na mga areas dito sa ating bansa na nagkakaroon talaga ng mga additional cases. At kaya po nagkakaroon din ng parang danger zone doon sa kanilang utilization, kasi kakaunti lang po ang ospital doon sa area o hindi kaya ay kakaunti lang ang allocated for COVID-19.

Kailangan ho ay cautious tayo sa interpretation kapag ganiyan. Minu-monitor po ng DOH iyan at nagbibigay tayo ng assistance.

USEC. IGNACIO: Opo. Babawasan muna daw ang pagdating ng mga OFWs habang hindi pa naaayos ang pagbabalik ng testing ng Philippine Red Cross. Ano po ang effect nito sa figures ng reported COVID-19 cases natin?

USEC. VERGEIRE: Kapag tiningnan ho natin who among the OFWs, mababa lang po ang positivity rate nila. So sa ngayon po, currently, ang positivity rate ng returning OFWs ay mga nasa [garbled] percent.

So kung sakali nga po na nagkakaroon po ng pagtigil ng pag-test ng mga OFWs, this is not giving so much [garbled] sa daming positibo natin o ‘di kaya dito sa positivity rate natin. Although, we consider na siyempre importante pa rin na sektor iyan, pero kailangan lang po maintindihan ng ating mga kababayan ‘no na iyong binibigay ng OFWs o ‘di kaya ay iyong kanilang positivity rate ay hindi na rin po ganoon katas.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., reaksiyon din daw po ng Department of Health sa hindi raw muna tatanggap ng manganganak sa Fabella Hospital dahil sa COVID positive na mga doktor. Baka po may update ang ilang na nag-positive? At paano po sila tutulungan ngayon ng Department of Health?

USEC. VERGEIRE: Yes, gusto ko lang pong ipaalala and to just inform the public. Ito pong mga ospital natin, kung sakaling magkaroon ng mga ganitong instances na magsasara ang isang unit, this is because they are disinfecting at saka nagka-quarantine po ang ating mga doktor pero hindi naman po totally sinasara ang ospital. Tumatanggap pa rin po sila lalung-lalo na iyong mga emergency cases natin.

So we are now discussing [garbled] said hospital. Of course, our [garbled] kung saan puwede tayong [garbled] sa pagdi-disinfect nila ngayon.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., ano na lang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan?

USEC. VERGEIRE: Iyon pa rin po, Usec. Rocky, bagama’t nakikita natin ang pagbaba ng mga kaso [garbled] po natin ang ating mga ospital ay medyo nakakahinga nasa ngayon, gusto pa rin po naming ipaalala na hindi pa rin po tapos ang laban. The virus is still here, we cannot be complacent. Wala po tayong [garbled] sa ngayon, kailangan pa rin po nating patuloy na mag-ingat.  So let us all BIDA Solusyon. Iyon pa rin po ang gagawin natin naka-mask, naka-face shield.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Aaron Bayato. Samantala, mula naman sa PTV Davao, may ulat din si Clodet Loreto. Clodet, maayong adlaw.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Daghang salamat, Clodet Loreto.

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

ALJO BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP)

USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

ALJO BENDIJO: Samantala, 62 days na lang Pasko na! Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, lagi pa rin nating tandaan na ang pagmamahal at pagtulong sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Maraming salamat pong muli, ako si Aljo Bendijo. Usec., thank you.

USEC. IGNACIO: Salamat sa’yo, Aljo. At mula pa rin sa PCOO, sa ngalan ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)