USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Mga tugon ng pamahalaan kaugnay ng ating pagbangon mula sa mga kalamidad at paglaban sa COVID-19 iyan ang ating pag-uusapan ngayong araw ng Sabado.
ALJO BENDIJO: Magandang umaga, Usec. Kasama ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya din ng pamahalaan, samahan ninyo kaming muli para sa isa na namang oras ng makabuluhang talakayan. Ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar mula sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakasama natin sa programa sina DILG Undersecretary Jonathan Malaya; Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire; at DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao.
ALJO BENDIJO: Makakasama rin sa paghahatid natin ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.
Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
USEC. IGNACIO: Una sa ating mga balita: Sa gitna ng kalamidad, ang bawat lokal ng pamahalaan ang palaging nangunguna sa pagsiguro sa kaligtasan ng ating mga kababayan. Kaugnay diyan, isang risk reduction and coordinator mula sa Marikina ang pinapurihan dahil sa ipinamalas nitong kabayanihan noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, para alamin ang update sa mga isinasagawang operasyon at pagtugon sa mga pangangailangan ng LGUs na lubhang naapektuhan ng bagyo, makakausap natin si DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang araw po, Usec.
USEC. MALAYA: Magandang araw din sa’yo, Usec, Aljo at sa lahat po ng ating tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. May available na raw po ang DBM na 16.8 billion pesos na calamity fund na na-release at na-download na po ba ito sa ating mga LGUs?
USEC. MALAYA: Opo. Dahil nga po doon sa deklarasyon ng state of calamity sa buong Luzon at dahil na rin sa kautusan ng Pangulo ay nailabas na po iyong SARO and NCA amounting to 1.5 billion para po doon sa mga LGUs na lubhang nasalanta ng sunud-sunod na bagyo natin. Karamihan po dito ay nasa Region V, Regions IV-A, IV-B, at kasama na rin po ang Region II.
Ngayon, doon naman po sa mga ibang LGUs na apektado rin ng kalamidad, mayroon din pong pondo na augmentation na ibinigay ang DBM sa disaster funds natin kaya mayroon po tayong total na 16 billion kasi may naiwan pong six billion at mayroon pong supplemental na 10 billion na total. So dito po kukunin iyong ibibigay sa mga select LGUs na siyang lubhang nasalanta ng bagyo at gaya nga ng sinabi ko kanina, na-issue na po ng DBM ang SARO at ang NCA.
Ngayon, doon naman po sa mga LGUs na kapos na rin ang kanilang pondo [garbled] nasalanta din sila ng bagyong ito, puwede rin po silang kumuha doon sa pondo ng National Disaster Risk Reduction Management Council. Kailangan lang po nilang gumawa ng request sa Office of Civil Defense para makapag-tap sa pondong ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman po doon sa mga reports ng illegal logging at mining sa Region II. Ano po ang naging tugon na ng DILG at PNP dito?
USEC. MALAYA: Opo. Napag-usapan nga po namin iyan kahapon sa management committee ng DILG na ipinatawag ni Secretary Eduardo Año. At si Secretary Año po ay nagbigay ng kautusan kay General Debold Sinas, ang pinuno ng Philippine National Police, na mag-crackdown sa lahat ng uri ng illegal logging at mga illegal mining sa mga lugar na nasalanta ng bagyo partikular po diyan sa Cagayan, Isabela, kahit na rin po sa Kabikulan dahil isa nga po ito sa mga sinasabing dahilan kung bakit nagkaroon ng widespread flooding, unprecedented widespread flooding dahil nga po dito sa mga illegal acts na ito.
So ang ibig pong sabihin, in addition doon sa ating war on drugs, sa ating war on criminality kasama po sa mga priorities na iyon ng ating PNP ay ang war on illegal logging. And kasama rin po diyan sa naging kautusan ni Secretary Año ay simulan na rin po [garbled] suporta ng ating kapulisan, Bureau of Jail at ng lahat ng mga LGUs iyong pagpapalakas sa national tree planting natin, ang goal po nito ay makapagtanim tayo ng two hundred million trees. At ang target po ni Secretary Año nito ay masimulan itong programang ito next year.
Maglalabas po ng mga memorandum circulars at department orders ang DILG para hikayatin ang malawakang tree planting in support of the national greening program mula sa barangay hanggang sa pinakamataas na antas ng local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pero sa inyong pagtaya, mayroon na po ba kayong na-identify dito sa Region II na illegal loggers po talaga?
USEC. MALAYA: Opo. Hindi naman po nawala ang mga illegal loggers sa Cagayan. Every now and then, even before pandemic [garbled] po ng illegal logging diyan sa probinsiyang iyan. So kasama po sa naging kautusan ni Secretary Año ay ang mas maigting na illegal logging campaign na pangungunahan ng Philippine National Police.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman daw po iyong joint efforts ng DILG at iba pang government agencies sa pagsasagawa naman ng disaster response operation sa Isabela at Cagayan, at kasama na rin po iyong iba pang mga lugar na naapektuhan ng bagyo?
USEC. MALAYA: Opo, Usec. Sa totoo po, we commend our Philippine National Police and the Bureau of Fire Protection, kasama na rin po ang mga local government unit response teams because they have been working so hard without much media fanfare or publicity. Nakapag-deploy po tayo ng 3,267 Philippine National Police personnel, kasama na rin ang mga search and rescue and disaster response ng Bureau of Fire sa Cagayan at Isabela, at kahit din po dito sa Metro Manila and sa Kabikulan as a result of our disaster response to Typhoon Ulysses. At naka-rescue po tayo at nakapag-evacuate ng 163,532 families sa buong bansa – ang iba po diyan ay nami-media, ang iba po ay hindi; ngunit nandiyan po ang ating kapulisan on red alert prior to the onslaught of the typhoon. Mayroon din po tayong binantayan na mga 1,861 evacuation centers across the country.
So again, in behalf Department of Interior and Local Government and Secretary Eduardo Año, we must commend our men in uniform particularly the PNP, the BFP, isama ko na rin po ang Philippine Coast Guard at ang Philippine Army and the rest of the Armed Forces of the Philippines dahil po sa kanilang heroism ‘no, kabayanihan sa panahon ng Bagyong Ulysses.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman daw po ang reaksiyon ng DILG patungkol sa pagkuwestiyon ni Attorney Garrido kay Secretary Año kung saan ito noong kasagsagan daw po ng kalamidad?
USEC. MALAYA: Usec. Rocky, nakakasakit po kasing basahin iyong post noong statement ni Attorney Garrido dahil siya lang po ang hindi nakakaalam ‘no kung ano ang ginagawa ng DILG partikular po ng aming DILG Secretary. Kilala naman po natin si DILG Secretary Año, he is a bemedaled public official of so many years and a former Armed Forces Chief.
So masakit po sa amin sa DILG na sasabihin niya nasaan si Secretary Año. Kahit po kayo, Usec., sa Channel 4, alam ninyo po kung nasaan siya because as early as November 9 ay nagpalabas na po siya ng advisory sa lahat ng mga LGU. Wala pa pong storm signal ang Bagyong Ulysses ngunit mayroon na po siyang advisory sa lahat ng LGU na simulan na ang Oplan Listo para mapaghandaan ang parating na bagyo.
So iyong kaniya pong sinasabi na nasaan si Secretary Año, masakit po sa amin iyon sa DILG kasi wala po iyong katotohanan. In fact as I said, November 9 pa lang nag-issue na siya ng advisory. Araw-araw nag-i-issue siya ng advisory sa mga LGUs ‘no and then sa lahat ng meetings ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo kung saan ito ay pinangungunahan ni Chairman ng NDRRMC, si Secretary Lorenzana, nandoon siya. And immediately after the typhoon, siya po ang nag-utos sa BFP at sa PNP for search and rescue operation. Siya din po ang nagsalita sa media at nagsabi na paparating na ang tulong ng ating pamahalaan.
So, hindi po namin maintindihan kung bakit sasabihin ni Attorney Garrido na missing in action ang DILG. Gusto ko lang pong i-remind sa kaniya ito pong taong ito ay dalawang beses nang nagka-COVID ngunit never po niyang pinabayaan ang kaniyang trabaho. At dahil po sa kaniyang dedikasyon sa kaniyang trabaho ay mataas ang morale ng DILG kaya po nakakaresponde nang maayos ang ating kapulisan, ang ating mga DILG field offices kasama na rin po ang Bureau of Fire Protection.
USEC. IGNACIO: Usec., naging sunud-sunod nga po iyong pagdating ng mga kalamidad. Ano po iyong assessment ninyo sa naging aksiyon ng ating mga LGUs before, during and after typhoon?
USEC. MALAYA: Tama po kayo, I think this is the hardest time to be a public official. May mga nakakausap po akong mga mayor and iyong mga first time mayors ay pabirong nagsasabi bakit pa daw sila tumakbo. Dahil hindi po nila inaasahan ang ganitong sitwasyon sa ating bansa at sa mundo, ito pong 2020. Mayroon po tayong pandemya na walong buwan na, ngunit medyo maganda na po ang ating sitwasyon compared to other countries right now. Ngunit noong gumanda naman iyong sitwasyon natin sa pandemya, ito naman iyong sunud-sunod na bagyo. Iyong isa ngang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo na tumama sa atin at itong napakataas na baha sa Cagayan.
So it’s really a big challenge to our local government unit, ngunit ang masasabi ko lang po sa panahon ngayon, they did their best. Nakita naman po namin ang ginawa ng ating mga LGUs, marami po sa kanila, the vast majority of them rose up to the challenge from pre-disaster to post-disaster relief and rehabilitation. At ang mensahe ko po sa kanila at nandiyan naman po ang national government na tumutulong sa inyo, nandiyan ang DSWD namimigay ng mga food packs, nandiyan iyong additional funding mula sa Department of Budget and Management and lahat naman po ng LGUs in our assessment have done the best of their ability given these circumstances.
USEC. IGNACIO: Usec., alam naman po natin iyong talagang ginawang pagsisikap ng ating mga local leaders ano po kasi bukod sa pandemic, talagang nagsunud-sunod po iyong sama ng panahon. Sakali lang po, kasi hindi maiiwasan na magkakaroon at magkakaroon po ng ilang magrireklamo. Pero sakali pong mapapatunayan nagkaroon ng pagkukulang ang mga local officials sa kanilang mga nasasakupan tuwing may kalamidad, ano po ba iyong pupuwedeng papanagutan nila at puwede nilang kaharapin?
USEC. MALAYA: Kasama po sa tungkulin ng DILG na siguraduhing nandoon ang mga mayors natin on-site, na sila po mismo ang nagpapatakbo ng pre-disaster and post-disaster relief and rehabilitation effort. At kung sakali man pong may mga magrireklamo ay nandiyan po ang DILG para umaksiyon sa mga reklamong ito at kung mayroon pong ebidensiyang maipapakita po sa amin ay nakahanda po kaming mag-file ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa kanila. Ang mga kaso pong ito ay puwedeng dereliction of duty or negligence o kaya naman po ay misconduct at sa lahat po ng mga reklamo naman po namin na isinusumite sa Office of the Ombudsman ay kaagad-agad naman po nilang inaaksiyunan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa kasalukuyan Usec., wala pa naman kayong natatanggap na mga reklamong ganiyan ano po?
USEC. MALAYA: Mayroon na po. Mayroon po kaming mga natanggap at may mga sagot na rin po sa amin ang ilang mga local government unit at ito po ay nasa tanggapan na po ng aming legal at ito po ay ina-assess na namin kung katanggap-tanggap itong mga paliwanag nila kung bakit mayroon silang mga pagkukulang o kaya naman, bakit wala sila doon sa kanilang munisipyo o lungsod noong kasagsagan ng bagyo.
USEC. IGNACIO: Usec., anong region daw po ito na mga local leaders?
USEC. MALAYA: Nasa Region II po ito.
USEC. IGNACIO: Usec., bilang paghahanda po sa mga kalamidad, mayroon tayong tinatawag na Operation Listo. Ano po ba ang mga nakapaloob dito?
USEC. MALAYA: Opo. Ito pong Operation Listo ay pangmatagalan nang programa ng DILG. Ito po ay mga checklist o mga kailangang paghahanda or iyong tinatawag po namin sa DILG na ‘Critical Disaster Preparedness Initiative’. Mayroon po itong 48-hour lead time, kami po ay directly connected to PAGASA, so kahit wala pa pong mga storm signal ay kaagad-agad po naming ipinapaalam sa LGU na may parating na mga bagyo o mga masamang panahon na nakikita ang ating weather service.
At kina-classify po namin itong mga advisories namin based on the gravity of the possible impact of the incoming weather disturbance. So mayroon po kaming Alpha, Charlie at Bravo categories at in each category mayroon pong mga paghahandang kailangang ginagawa ang ating mga LGUs. Ngunit kahapon po doon sa aming meeting, sa management committee meeting ng DILG led by Secretary Año, ipinag-utos po niya na magkaroon ng revision or amendment ang Oplan Listo at ang gusto po ni Secretary Año ay hindi na lamang warning ang gagawin ng DILG sa mga LGUs or hindi na lamang advisory ang gagawin ng DILG kundi ang Oplan Listo ay mismong actual preparedness initiatives na.
Meaning kahit po ibig sabihin na ang first responder ay ang LGU ay sisiguraduhin na po ng DILG na hindi lamang reminder ang aming gagawin ngunit sisiguraduhin namin ang actual preparedness ng mga local government unit during times of calamities. So ito po ang aming gagawin moving forward, we will make some adjustments and revisions of Oplan Listo para po mas handa ang ating mga local government unit sa mga sakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ngayong linggo ay balik naman iyong road clearing operations ng DILG. Kumusta na po ang implementasyon nito?
USEC. MALAYA: Opo, wala nga pong tigil sa trabaho ang ating mga local government units dahil sunud-sunod may pandemya, and then may bagyo, tapos may road clearing.
Opo. Tuloy na tuloy po ito, there was a suggestion kung puwedeng i-delay muna ito, ngunit nakita po ni Secretary Año na mas magandang ituloy dahil kailangan nga isaayos natin ang ating mga kalsada dahil nga sa nagdaang bagyo and especially in Marikina and parts of Rizal, who were severely affected by the typhoon.
So, tuluy-tuloy po iyong ating road clearing 2.0 hanggang January po ito, there is a 60-day period for us to remove all types of obstructions and very soon magpapatawag po ang DILG ng meeting sa mga partner agencies namin gaya ng MMDA, DPWH, Department of Transportation at iba pong mga ahensiya ng gobyerno para pagplanuhan po namin iyong—and of course ang mga Mayors at LGUs para po mapagplanuhan namin iyong mga mabibigat na mga obstruction na nasa mga kalsada.
For example po, iyong mga naiiwang mga poste ng Meralco o ng mga electric cooperatives, marami pa pong mga ganiyang sitwasyon sa pangunahing lansangan sa ating bansa. So, kailangan po naming kausapin ang mga electric cooperatives at ang Meralco para within the 60-day period maialis po itong mga posteng ito at mailagay sa tamang lugar.
Kasama rin po sa pinag-aaralan na ngayon ng mga local government units ay iyong kanilang mga tricycle route plan, dahil nga po bawal nga po ang mga tricycle sa pangunahing mga lansangan sa buong bansa. So, we expect all local government units to complete their tricycle route plan para po magkaroon ng alternative route para sa mga tricycle na hindi dadaan sa mga pangunahing mga lansangan. We expect them to finish this within 60 days at makapagpasa po sila ng ordinansa, because batid po namin na may mga lugar tayo sa bansa na walang ibang madaanan ngunit iyong national highway.
So, for those areas temporarily puwede pong padaanin ang mga tricycle doon. But that must be authorized by an ordinance from the local government units at kung mayroon naman pong mga alternative routes, kailangan doon po padaanin ang mga tricycle natin. At lahat po ito ay nakalagay sa tricycle route plan which will be part of the items which will be validated by the DILG pag natapos na po itong ating 60-day road clearing program.
USEC. IGNACIO: Napakaabala ninyo naman, Usec., ang dami ninyong ginagawang trabaho.
USEC. MALAYA: Wala nga pong tigil. Wala nga pong tigil ang trabaho ng DILG sa pamumuno ni Secretary Ed Año.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero quick update na po muna tayo, Usec, tungkol naman sa COVID-19. Ilan na daw ang na-hire na contact tracers ng DILG at na-deploy na po ba sila sa mga LGUs?
USEC. MALAYA: Opo, magandang balita po, we are now at 96.15% of our target of 50,000 contact tracers nationwide. Nakapag-hire na po tayo ng 48,074 contact tracers. They have been hired, trained and deploy. Ibig pong sabihin nandoon na po sila sa mga LGUs at sila po ngayon ay nagku-contact trace na.
And kung maidadagdag ko lang po, Usec. Rocky. Isa po sa mga dahilan kung bakit pababa ng pababa ang numero ng COVID-19 cases natin sa tingin po ng DILG ay dahil nga po mayroon ng mga contact tracers na ang trabaho lamang ay mag-contact trace. Kasi dahil dati nga po, iyong mga contact tracers natin were also doing other things. Ngayon mayroon po tayong 48,000 contact tracers na ang trabaho lamang is to cut the transmission of COVID-19 in the community.
So, ito pong mga contact tracers na ito have now been deployed and kasama po sa budget na ibinigay ng DBM sa DILG under the Bayanihan Act ay iyong Personal Protective Equipment nitong mga ito ‘no; ongoing pa po kasi iyong procurement ng mga PPEs nila, alam naman po ninyo matagal ang procurement process under Republic Act 9184. So, ang amin pong pakiusap sa mga LGUs, habang ginagawa pa po iyong procurement process para sa PPEs nitong mga contact tracers ay sila na po muna ang magbigay ng mga PPEs sa kanila. Kasi ito naman pong mga contact tracers ay under their control, kami po sa DILG ay nagpapasuweldo lamang. So, para po naman maprotektahan ang kalusugan ng ating mga contact tracers, we request the LGUs to provide them with the necessary PPEs sa kanila pong performance of their duties.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sabi ni Mayor Magalong, ang ideal daw pong contact tracers natin dapat ay more than 100,000. So, magha-hire pa po kayo ng contact tracers, Usec?
USEC. MALAYA: Hindi na po, USec. Rocky, dahil ito pong 50,000 na quota na ibinigay ng Bayanihan Act, this is addition already to our existing contact tracers. Bago pa man po tayo nag-hire nitong mga contact tracers na ito, starting October 1 ay mayroon na po tayong mga contact tracing teams, which were organized way back in March of this year. Ngunit iyong mga contact tracing teams po kasing iyon, they were a composite team composed of the MESU or the SESU and then the Philippine National Police, the Bureau of Fire and the Barangay Health Workers.
Ngunit noong pinagsama-sama po natin ito ay nakita po natin na kulang pa, kasi nga po based doon sa DOH recommendation, there must be one contact tracer to 800 persons. So, in order for us to meet the quota set by the Department of Health, kailangan po nating mag-hire ng 50,000. So, with the 50,000 quota given to us, kumpleto na po ang contact tracing army ng ating bansa. We now have this army deployed to all local government units in the country.
USEC. IGNACIO: Okay. Ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, Usec, alam ko pong sobrang abala kayo?
USEC. MALAYA: Iyon lamang po. Humihingi lang po kami ng tulong muli sa ating mga kababayan na isabuhay po natin iyong panawagan ng DILG for disiplina muna. Dahil ang pangunahin at ang pinakamalakas na sandata po natin laban dito sa COVID-19 ay ang personal or tinatawag nating self-discipline. Kung susundin po natin iyong mga pamantayan ng Department of Health, face mask, face shield, maghugas ng kamay at wala na po munang mass gatherings especially in areas under ECQ, MECQ and GCQ ay matatalo po natin ang COVID-19.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong oras, Usec. Jonathan Malaya ng DILG.
USEC. MALAYA: Maraming salamat din po at mabuhay din po kay, Usec. Rocky.
BENDIJO: At samantala patuloy ang pagpapaabot ng tulong naman ng pamahalaan sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, alamin natin ang update sa kanila pong relief operations, makakausap natin si DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao. Magandang araw po, Director Irene?
DSWD DIR. DUMLAO: Magandang araw po, sir Aljo, gayun din po kay Usec. Rocky at sa lahat po ng sumusubaybay ng inyo pong programa.
BENDIJO: Kumusta po ang pamamahagi natin ng pagkain, gamot at iba pang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo, sunud-sunod ito Director from DSWD. At napaabot na natin iyong tulong sa mga kababayan natin sa mga liblib na mga barangay na lubhang naapektuhan po ng bagyo na nangangailangan po ng tulong, Director Irene?
DSWD DIR. DUMLAO: Yes, sir Aljo, being the DSWD is the lead in camp coordination and camp management of the NDRMMC, gayun din being the lead and non-food items clusters, patuloy ang pamamahagi ng ating departamento at pamamahagi ng tulong sa mga lugar nasalanta ng bagyong Ulysses. Ang ahensiya po ay nakapagpahatid na po ng mahigit 77 milyong piso worth of relief assistance sa mga lokal na pamahalaan, sa Regions I,II, III, CALABARZON, MIMAROPA, sa Region V, CAR at sa National Capital Region.
Gayun din po nais nating banggitin na nakapamahagi na rin tayo ng financial assistance sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Sta. Cruz, Laguna kahapon po ito, pinangunahan din po ng ating butihing Secretary Rolando Bautista. Dahil nga po marami pa sa ating mga kababayan doon ay nakatira po sa mga evacuation centers.
Gayun din po sa Region CALABARZON nakapamigay na rin ang DSWD nang mahigit 13 milyong piso worth of assistance as augmentation support sa mga probinsya po ng Laguna, Quezon at Rizal.
Sa Region II naman na lubhang naapektuhan ng pagbaha, nakapamahagi na ang DSWD Field Office II nang mahigit 29 milyong pisong halaga ng food at non-food assistance sa mga pamilya pong nasalanta ng bagyo. Ganoon din po, Sir Aljo, banggitin na rin natin na sa Region II nag-umpisa o nasimulan nating mamahagi ng burial assistance sa pamamagitan po ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa mga 24 na pamilya na nawalan po ng kanilang mahal sa buhay dahil nga po sa nagdaang bagyo. Sila po ay nakatanggap ng P10,000 kada pamilya.
Ganoon din po sa Bicol Region, mahigit 18 milyong piso na po worth of assistance ang naipamahagi natin sa mga naapektuhang lugar. And of course sa National Capital Region, umabot na po sa mahigit 7 million iyong naibahaging tulong sa mga pamilya mula sa Lungsod ng Mandaluyong, sa Manila, sa Marikina, sa Pasig, Taguig at Quezon. At kagaya nga po ng nabanggit ko Sir Aljo, patuloy pa rin iyong ating isinasagawang pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na nabanggit.
BENDIJO: Iyon pong Region II lang ang naitala ninyong may namatay Director at nabigyan ninyo ng tulong/burial assistance? How about po sa ibang rehiyon?
DSWD DIRECTOR DUMLAO: Yes, Sir Aljo. Nauna na po nating napahatiran ng financial assistance, especially in the Bicol Region. Nabanggit lang po ito just recently na nabigyan natin iyong mga naapektuhan naman sa Region II.
BENDIJO: Opo. Director, paano po natin sinisiguro na hindi po expired o sirang pagkain, sariwa ang ipapamahagi po nating mga pagkain sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo?
DSWD DIRECTOR DUMLAO: Yes Sir Aljo, tama po kayo. Tinitiyak ng DSWD particularly doon sa ating National Resource Operation Center na fit for consumption itong mga family food packs na ipinapamahagi natin and that these are culturally sensitive. Mini-maintain po, may imbentaryo po tayo sa ating National Resource Operation Center at sa mga warehouses po ng mga iba’t ibang field offices natin. So binabantayan po at tinitiyak na iyon pong mga ipinapamahagi ay talaga naman pong nasa maayos na kondisyon.
BENDIJO: Iyong bigas po natin Director, iyon ba ay magandang kalidad na naibigay natin sa ating mga kababayan?
DSWD DIRECTOR DUMLAO: Yes, Sir Aljo. Ito pong bigas na nagsu-supply sa atin from the NFA, when we pack it para sa mga food packs, vacuum sealed po iyan at tinitiyak naman po na, kagaya nga ng nabanggit ko, nasa maayos na kalagayan.
BENDIJO: Opo. Mayroon din kayong ibinabahaging emergency shelter assistance Ma’am ‘no, sa mga nasira’t nawalan ng tahanan. Papaano po sistema po nito, Director Irene?
DSWD DIRECTOR DUMLAO: Tama po kayo. Kung matatandaan, nabanggit ng DSWD that we conduct Rapid Damage Assessment and Needs Analysis katuwang po iyong mga lokal na pamahalaan sa mga areas na naapektuhan. Isa nga po sa tulong na ipinapabahagi natin ay iyong emergency shelter assistance because from the RDANA na naku-conduct natin, nakikita natin sino ho ba iyong mga pamilya ang mga may tahanan ang partially or totally damaged. So the DSWD provides financial assistance para matulungan po sila na maipatayo muli o maisaayos iyong kanila pong mga tahanang nasira.
BENDIJO: Maiba po tayo, Director. Kinukuwestiyon sa Senado iyon pong walumpu’t tatlong bilyong pisong hindi nagamit na pondo mula sa DSWD. Puwede ninyo bang ipaliwanag po ito? Ano po ang dahilan at bakit hindi po ito nagamit, Director?
DSWD DIRECTOR DUMLAO: Sige po, Sir Aljo. Unang-una gusto pong bigyang-linaw ng DSWD na naka-earmark na po itong pondo na ito. Naka-program siya for various programs and services of the department. Let me cite as an example: 48 billion o mahigit 48 billion pesos of that ay naka-program po for the cash grants of our Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries dahil kung inyo pong matatandaan, ang cash grant ay pinapamahagi natin on a periodic basis. So kung nakalaan na po diyan iyong tatanggapin na cash grant for the month of August, September, October, November and December.
So tinitiyak po ng DSWD na itong cash grant ng ating mga beneficiaries ay mapupunta sa kanila, sa schedule na nai-set po ng programa. Ganoon din po, more than 3 billion of that also ay allotted for the social pension for indigency [garbled] at ongoing naman po, Sir Aljo, iyong isinasagawa nating pagdi-distribute ng ayuda sa ating mga senior citizens. Tinitiyak po natin that given this current situation, ang ating mga Special Disbursing Officers kahit na medyo nalilimitihan po tayo ng mga SDOs ay dinadala po sa mga bahay po o tahanan ng mga senior citizens ang kanilang pensiyon.
Likewise mayroon din pong nakalaan na diyan, mahigit 2 billion nakalaan for the sustainable livelihood program. Mayroon din pong nakalaan diyan for the supplementary feeding program for children and kagaya nga po ng nabanggit ko, these are programs and are being implemented and tinitiyak naman pong DSWD as we are expediting all the processes for the implementation of these particular programs. Likewise, mahigit 13 billion pesos ang allotted for Assistance to Individuals in Crisis Situation at ito naman po iyong ibinibigay natin sa mga pamilya o indibidwal na sumasailalim nga po o nakakaranas ng krisis especially during these trying times.
Kung matatandaan din po, itong nabanggit ko, these are programs, projects and services of the department indicated in the General Appropriations Act. Likewise kung matatandaan po natin, for this year, the Congress passed Bayanihan I and we were given the mandate together with the budget to implement the Social Amelioration Program which we did naman po. Likewise mayroon rin pong Bayanihan II and we were given an additional 6 billion budget again to distribute as emergency subsidy to target beneficiaries and livelihood assistance grant at ganoon din po to continue implementing the other programs and services of the department.
So, what are we trying to explain here po? Naka-program po itong mga pondo na ito. Mayroon po siyang target beneficiaries, mayroon po siyang intended purpose and the DSWD commits to implement all of these [garbled] with the local government units.
BENDIJO: So, sa madaling salita eh talagang magagastos at gagastusin, gagamitin po itong pondong ito lalo na doon pa rin sa mga kababayan natin, mga jeepney drivers, mga operators at ilan pang mga qualified naman na tumanggap ng SAP na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabigyan, itong Social Amelioration Program, Director Irene?
DSWD DIRECTOR DUMLAO: Yes, Sir Aljo. Again for the Social Amelioration Program for the two tranches, nais po nating sabihin na more than 200,000 families of drivers of TNVS and PUV drivers who were given naman po their emergency subsidies. Likewise, mayroon na rin po tayong nakita mga drivers whose family members ay kabilang na po sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
So you see Sir Aljo, nabigyan na po natin nang karampatang tulong itong ating mga kababayan who belong to the sector just mentioned. And kung mayroon pa naman pong mga pamilya, low income families na hindi naman po nabigyan ng tulong under the Social Amelioration Program but are eligible and certified by their local government units na sila po ay kuwalipikadong makatanggap, we also have the Bayanihan II, under the Bayanihan II, puwede po nating bigyan ng tulong iyong mga pamilya na nasa ilalim ng granular lockdown areas as certified by their RIATF.
Ganoon din po, puwede naman iyong tinatawag nating waitlisted of the waitlisted o iyong mga hindi po nakatanggap ng SAP 1 and 2. So, there are also other programs and services of the department na maaari naman po nating i-extend doon sa ating mga kababayang nangangailangan and who were not able to receive assistance under the SAP.
What we would like to point out nga po is marami po tayong programs and services kagaya nga po ng pagbibigay ng family food packs, other non-food items, especially during this disaster, na mga series of typhoons na atin pong kinaharap.
BENDIJO: Opo. Mensahe na lang Director sa ating mga kababayan na may mga katanungan pa at concerns from DSWD.
DSWD DIRECTOR DUMLAO: Sir Aljo, Usec. Rocky, unang-una, nagpapasalamat po tayo sa inyong programa at binigyan ninyo po ng pagkakataon ang DSWD na maipaliwanag at ma-address itong mga issues na atin pong kinakaharap at upang maipaliwanag din sa publiko that the DSWD is implementing various programs and services to cater to the poor, the marginalized and the vulnerable.
Sa dami po ng mga pinagdadaanan nating mga pagsubok with the numerous typhoons ‘no, iyong series of typhoons na atin pong nai-encounter at hinarap, ang DSWD Angels in Red Vest ay patuloy po na nandiyan at umaalalay sa mga lokal na pamahalaan upang matugunan iyong mga pangangailangan po ng kanilang mga nasasakupan.
Nais po nating ipaliwanag din and give assurance to the public that the DSWD commits and will continue to commit to provide the necessary assistance po sa ating mga kababayan. Maaari pong makipag-ugnayan kayo sa mga field offices po ng DSWD kung nais ninyo pong magpahatid ng inyong specific concerns, at iyan po ay tutugunan po namin.
So muli, ang DSWD ay nandito para magpahatid ng maagap at mapagkalingang serbisyo. Magandang umaga po.
ALJO BENDIJO: Maraming, maraming salamat po, Director Irene Dumlao, ang tagapagsalita ng DSWD. Magandang araw.
USEC. IGNACIO: Samantala, pag-ban sa mga frontliners na umalis ng bansa nais na ipahinto ni Senator Bong Go; at isang mag-anak na bumabangon pa lang matapos matupok ng apoy ang kanilang tahanan, nasalanta naman ng bagyo kamakailan ang pinaabutan ng tulong. Narito po:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa kabila ng sunud-sunod na mga sakuna, hindi pa rin nawawala ang banta ng COVID-19 sa bansa. Kaya naman po para makibalita sa update tungkol sa pandemic at vaccine at clinical trials, makakausap naman natin si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang umaga po, Usec.
USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin na po natin iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Rida Reyes ng GMA 7: Ano na po ang update ng DOH kung napirmahan na daw po ni Secretary Duque ang price freeze sa presyo ng mga gamot?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am, we are already finalizing. Last week po ay nagkaroon tayo ng consultations sa ating mga stakeholders, with the laboratories, with the manufacturers at saka iyong industry and of course, the patients’ organization. And inipon po natin iyong mga komento nila, pagkatapos in-analyze po natin uli. Nag-final draft po tayo at pipirmahan na lang po ni Secretary Mon Lopez at Secretary Duque iyong ating joint admin order para po mailabas natin maybe early part of the week next week.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin mula kay Rida Reyes ng GMA 7: Reaksiyon po ng Department of Health sa pagpapatupad ng border restriction sa Baguio to control further spread of COVID? Puno na raw po ang mga ospital.
USEC. VERGEIRE: Ito naman po ay isang bagay na may authority ang ating mga local governments. When we analyzed the cases in the City of Baguio, kasama po ang mga officials ng Baguio, nakita po natin na medyo tumataas po ang mga kaso specially doon sa mga barangay nila na nasa border. So tiningnan po natin iyan na isang factor na maaari ‘no, na because people are going in and out of the City, iyong mga karatig-lugar. Kaya isa po iyan siguro sa naisipan nina Mayor Magalong na i-implement para magkaroon po ng kabawasan dito sa mga nakikita nating mga numero ng kaso sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. From Madz Recio po ng GMA News Desk: Aside from Marikina City, may natatanggap po ba kayong report na may mga nag-positive sa mga evacuation centers mula sa ibang lugar?
USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po ay nagsasagawa ‘no ang kaniya-kaniyang local governments na may mga evacuation centers ng mga kanilang testings. So malalaman po natin iyan in the coming weeks. So as for now, it is only Marikina City pa lang ho ang nagbibigay sa atin ng ganitong report.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up po niya: Sa ginagawang antigen test sa evacuation centers, ilan na po ang nag-positive?
USEC. VERGEIRE: Iyon pa rin ho ang inaantay nating mga report galing dito sa mga areas na nabigyan ng ganitong klaseng testing kits.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Madz Recio GMA 7 on leptospirosis: Mayroon na bang update kung ilan na po ang naitalang kaso o cases one week after po ng pananalasa ng Bagyong Ulysses at mga nakaraang bagyo?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec., alam ninyo ang amin nga pong pinapaliwanag ‘no, ang leptospirosis also has that incubation period. It can be as early as two days until mga 30 days po na puwedeng mag-incubate ang sakit na iyan sa isang tao bago magpakita ng sintomas. So sa ngayon po ay wala pa ho tayong nakukuha na mga talagang datos na concrete regarding this; related symptoms pa lang ho, we still need to confirm. Magbibigay po tayo ng ganiyang impormasyon maybe in the coming days.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may epekto po ba sa ating procurement plan itong pagsasagawa ng Moderna vaccine ng kanilang clinical trials sa bansa?
USEC. VERGEIRE: Ma’am, kapag sinabi nating clinical trial, wala pong epekto sa procurement plan natin iyan. It’s a separate pathway. We are looking at two pathways currently. Isa po, iyong mga bakunang magki-clinical trials dito sa bansa; iyong isa naman po ay iyon talagang ipu-procure na natin at hindi na magsasagawa ng clinical trial dito.
So kung sakali ho ang isang manufacturer would have their clinical trial here, ito po ay open tayo kasi mas gusto natin iyon. And it’s not going to affect our procurement plan. It is going to be part of that plan kung saan kung matapos ang clinical trial and ito naman ay maganda ang naging resulta, maaari pong isama natin iyan doon sa mga bakunang tinitingnan natin na bibilhin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., palagi po kasi nating naririnig itong clinical trials ano po. Para sa kaalaman po ng manunood, ano ba talaga iyong purpose nito sa paggawa at paggamit ng epektibong bakuna?
SEC. VERGEIRE: Yes, Usec. So ang clinical trial po ay isinasagawa iyan sa mga bagong teknolohiya katulad ng mga gamot, mga bakuna. Ito po ay para masubukan kung ang isang technology o katulad ng bakuna ay safe and efficacious. When we say it’s efficacious, ibig sabihin binibigay niya doon sa katawan ng tao iyon talagang intended purpose nito.
So nag-uumpisa po ang clinical trial na sinusubukan muna ang bakunang ito sa mga hayop, and that is the pre-clinical phase. Tapos mayroon po tayong Phase 1, 2, 3 and 4 ng clinical trial kung saan sinusubukan na po sa mga tao at tinitingnan na po sa bawat stage kung ito talaga ay ligtas, it is safe and if it is efficacious.
So ito po iyong ating pinagdadaanan para kapag talagang finished product na siya, nakita sa clinical trial na ito ay safe, ito ay efficacious, puwede na po nating ibigay sa ating mga mamamayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., paano ba natin nalalaman kung ilan ang dapat mag-participate sa trial at sinu-sino at anu-ano ba iyong mga factors na dapat tingnan pagdating sa pagpili ng population sample?
USEC. VERGEIRE: Yes, kapag clinical trial ang pinag-uusapan, ginagawa po iyan, may mga statistical basis kung gaano kadami ang dapat na isama sa mga trials na ito. Kapag ikaw ay nasa phase 3 clinical trial, ito na po iyong sinusubukan na iyong produkto sa libu-libong tao. So katulad po ng mga ginawang clinical trial sa ibang bansa like Pfizer, Moderna, iyong mga clinical trials po, ito po ay mga more than 20,000 na ang mga sinusubukan na mga tao para sa mga bakunang ito. Ito po ay makikita natin ang resulta, after how many months na inilagay doon sa protocol na iyon. So, kung para naman po sa prioritization kung sino po dapat, naglabas na po ang WHO ng kanilang recommendation kung sino dapat ang uunahin ng mga bansa para mabigyan ng bakuna. At ito po iyong ating mga healthcare workers because they are frequently exposed at kailangan po natin sila, because they the ones going to take care of us.
Pangalawa diyan, sinasabi rin, katulad dito sa ating bansa, gusto nating unahin iyong ating mga nakakatanda, iyong ating mga indigent population, kasi alam po natin na sila po ay vulnerable din dito po sa ganitong sakit at para ma-prevent na po natin ang further na pagkaapekto sa mga ganitong sektor.
So kapag tiningnan po natin kung sino dapat ang mga mabibigyan, tinitingnan po natin iyong dami ng kaso sa isang lugar. Tinitingnan po natin iyong mga population ng mga tao na nandoon sa lugar – may mga vulnerable, mayroon pong mga healthcare workers, nasa mga facilities and all. So, kasama po iyan sa lahat ng pinag-uusapan. Pero ang importante, kapag clinical trial dapat may informed consent po ang bawat individual na tatanggap nitong bakunang ito.
USEC. IGNACIO: Opo, Usec, iba’t ibang pharma companies po ang naglabas ng kanilang success rate sa clinical trials kung magiging available na ito. Puwede rin ba na mag-procure ang mga private hospitals o clinic or tanging estado lamang ang magbabakuna?
USEC. VERGEIRE: Usec., kapag once na ang isang bakuna ay pumasok sa ating bansa at pumasa sa regulatory process na sinasagawa natin through our Food and Drugs Administration, ito po ay magiging available na sa market, so ito po ay maaari na ring ma-access ng ibang mga pribadong kumpanya at saka mga ospital kapag nakapasa na po sa FDA.
USEC. IGNACIO: Tinatayang aabot daw po sa 3 billion pesos ang halaga na kakailanganin para sa COVID-29 vaccine at cold storage nito, gaano karaming vaccine ito at may sapat bang pondong nakalaan para dito, Usec?
USEC. VERGEIRE: Usec., iyon pong lumabas na P3 billion na iyan, iyan po iyong pinakauna pa nating mga estimates, noong hindi pa ho natin nakikita iyong ibang information regarding the other vaccines. So we have estimated that we are going to procure about 22 million doses, times two, para po dito sa 22 million population. So iyan po iyong estimate natin and a part of the P3 billion would be the P1.3 billion which will be allocated for the cold storage. But that is an initial plan and an initial estimate.
So binabago na po natin lahat ngayon, dahil dumami na po iyong nakikita nating bakuna na maaari tayong makapag-negotiate with other manufacturer. So we will be informing the public on this revised estimation. Kung sa pera naman po, mayroon po tayong 2.5 billion na na-approved dito po sa aming General Appropriations Bills at nag-commit naman po ang ating mga legislators that they will be adding some more, dito sa budget ng DOH for the vaccine.
USEC. IGNACIO: Usec., sa inilabas din na listahan ng Department of Health na mga prayoridad na mabigyan ng bakuna, nasa ikalabindalawang puwesto po sa listahan na makakatanggap ang mga estudyante. So, ano po ang paliwanag po dito ng Department of Health?
USEC. VERGEIRE: Katulad po ng sinabi natin ano, we did the prioritization aligned with the recommendations of WHO, that’s why frontliners and healthcare workers talaga po nauuna. Tiningnan din po natin iyong mga vulnerable sector dito sa ating populasyon and ito pong mga estudyante naman ay kasama din sa vulnerable, although nandoon po sila sa medyo panghuli na listahan natin, pero it doesn’t mean na hindi sila mabibigyan. Katulad ng laging sinasabi ni Secretary Galvez, ayaw po natin na we will just confine doon lang po sa 20% ng population na mabibigyan. Ang gusto natin at least 50 to 60% of the population will be given. So, if that would be the case mabibigyan po natin itong mga nasa listahan na ito.
USEC. IGNACIO: Kaugnay naman po doon sa inirireklamo ni Sorsogon Governor Escudero na mga frontliners na hindi nakakatanggap ng kanilang sahod, kumusta na po itong imbestigasyon ng DOH tungkol dito?
USEC. VERGEIRE: Unang-una, Usec., gusto po naming iparating that we would not take this lightly, gusto naming maimbestigahan, gusto naming makita kung ano po iyong naging pagkakamali. Dahil ayaw po natin na nagkakaroon nang mga disadvantage situations ang ating healthcare workers at this time of the pandemic, because they are really working hard and they deserved their salary. So atin pong binigyan na ng utos ang regional director natin diyan para imbestigahan, makita kung ano iyong cause of delay at maibigay na iyong mga salaries ng ating mga healthcare workers diyan.
USEC. IGNACIO: Usec., ngayon kumukonti na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19, nandoon na ba tayo sa tinatawag na flattening of the curve? Ano na po ang assessment ninyo sa COVID cases sa bansa sa mga nakalipas na araw?
USEC. VERGEIRE: Usec, ayaw na po nating gamitin itong flattening of the curve. Ang masasabi lang po natin na nakikita natin talaga na mayroong downward trend itong mga numero ng kaso natin na naitatala araw-araw. Nakikita rin po natin na ang ating mga facilities naman doon sa critical care utilization ay natanggal na po tayo doon sa sinasabing danger zone.
We are at moderate risk already at nakikita natin na nakaka-accommodate na tayo ng mga pasyente, ngunit nakakakita rin po tayo ng mga pagtaas ng kaso sa ibang lugar. So, atin pong binabantayan lahat iyan and we are trying to assist, ito pong mga areas na nagkakaroon ng pagtaas pati po iyong kanilang mga facilities ay medyo napupuno – so titingnan po natin in the coming days. Ang amin lang pong laging sinasabi, kahit po nakikita nating bumababa ang kaso, hindi po ito ang panahon para maging complacent tayo. We need to remain to be vigilant and cautious dahil nandito pa rin naman po iyong virus sa ating environment.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Ano na lang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan Usec. Vergeire?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec., gusto lang po nating ipaalala sa ating mga kababayan, bagama’t nakikita na natin na bumababa ang mga kaso, nandiyan na rin po iyong sinasabi natin na magkakaroon na tayo ng bakuna hopefully, in the next year, pero kailangan po ipagpatuloy pa rin po natin itong ating pagiging cautious, pagiging aware and pagiging vigilant. Dahil ito pong virus ay kasama natin and it’s going to take long bago po mawala ito sa ating buhay. So, kailangan lang pong patuloy na ipatupad ang minimum public health standards and kailangan lang po na alamin natin na tayo ay may responsibilidad, each one here in the country has a responsibility to help government para po masugpo na natin ang sakit na ito.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Usec Maria Vergeire ng Department of Health.
ALJO BENIDJO: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling mga balita mula sa ibang panig ng bansa, labas po ng Metro Manila. Makakasama natin si Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service. Aaron?
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Aaron Bayato. Samantala, para po maghatid ng mga balita mula naman sa PTV Davao, naruroon si Clodet Loreto. Clodet, maayong udto nimo diha.
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Daghang salamat, Clodet Loreto.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of November 20, 2020, naitala ang 1,639 newly reported COVID-19 cases kaya naman ang total number of confirmed cases ngayon sa bansa ay 415,067. Naitala din kahapon ang 27 na katao na nasawi kaya umabot na sa 8,025 ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa bansa. Ngunit patuloy din naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 375,247 with 305 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 31,805.
ALJO BENDIJO: Patuloy tayong magtulungan po na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsailalim sa COVID-19 tests kung kinakailangan, at siyempre katuwang din ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito ang mg hakbang na dapat ninyong gawin:
[VTR]
USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw ng Sabado. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
ALJO BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO (Presidential Communications Operations Office) sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic o anumang sakuna.
Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
ALJO BENDIJO: Samantala, 34 days na lang, Pasko na! Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19 at mga sakuna sa bansa, lagi nating tandaan: Ang pagmamahal at pagtulong sa kapuwa ang tunay na diwa po ng Pasko. Ako po si Aljo Bendijo. Usec., thank you so much.
USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Aljo. Mula po sa PCOO at sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo ulit sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)