Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga, Pilipinas. Malaki na po ang pinagbago ng ating pang-araw-araw na pamumuhay dahil sa COVID-19

USEC. IGNACIO:  At upang mapigilan ang pagdami ng kaso nito, ang pamahalaan po ay nagpatupad ng batas at mga ordinansa sa bansa.

SEC. ANDANAR:  Ngayong umaga, Rocky, ating sasagutin muli ang mga katanungan at agam-agam ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO:  At titiyakin na ang lahat ng mga ito ay bibigyang-linaw kasama pa rin po ang mga kawani ng ating pamahalaan. Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po makakausap natin via VMIX sina Department of Science and Technology Secretary Boy Dela Peña, Philippine National Police Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, at si Albay Representative Joey Salceda. Maya-maya rin po ay makakasama natin ang ating mga PTV Correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya.

USEC. IGNACIO:  Kanina nga, Secretary, nagpahayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na iyong hinihintay po ng napakarami na kung mae-extend ba o hindi ang ating ECQ. At inaprubahan na nga po ng Pangulo ang extension nito hanggang May 15 sa mga ibang lugar po na mataas pa rin po ang kaso ng nagpopositibo sa COVID-19.

SEC. ANDANAR:  Kasama ang NCR, nandiyan sa inyong mga TV screens ang mga kasama sa pagpapanatili ng enhanced community quarantine. So ang maganda dito, Rocky, is that mayroon ng mga rehiyon, mga probinsiya dito po sa Luzon na kumbaga back to normal na iyong kanilang activities, iyong economic activities. At least man lang ay kahit papaano ay tumaas muli o pumasok muli iyong inaasahan natin na mga gross domestic product, at least tumakbo na iyong ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO:  At malinaw din po ang sinabi ng Pangulo na kung magkakaroon talaga ng vaccine, wala nang sabi-sabi, wala nang tanong-tanong, agad niya itong ili-lift. Pero dahil wala pa, pinag-iingat pa rin po niya ang lahat. Mula po sa 10 million pesos na sinasabi niyang ibibigay niya sa sinuman pong makakabuo ng vaccine, ginawa po niya itong 50 million pesos.

SEC. ANDANAR:  Okay. Samantala sa naging public address din po ni Presidente kanina ay binigyang-diin ni Presidente iyong pag-lift nga dito sa enhanced community quarantine sa oras na magkaroon ng vaccine na tulad po noong sinabi ni Usec. Rocky.

[VTR OF PRESIDENT DUTERTE]

SEC. ANDANAR:  Iminungkahi naman ni Senador Bong Go sa gobyerno na paghandaan ang balik-probinsiya program sa pamamagitan ng pagbibigay ng incentives at livelihood opportunities sa mga Pilipino na gustong umuwi ng probinsiya pagkatapos ng ECQ. Kaugnay niyan, sinabi ni Go na kulang ang bansa sa urban planning at rural development na isa rin sa naging dahilan kung bakit mabilis kumalat ang virus kaya naman dapat aniya magkaroon nang maigting na pagpaplano sa tinatawag na ‘new normal’ kapag na-lift ang ECQ dahil hindi ito magiging madali.

Ayon pa sa Senador, bukod sa pagresponde sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan sa panahon ng krisis na ito ay kailangan din aniya na magkaroon nang pangmatagalang solusyon sa mga kasalukuyang problema ng bansa dulot ng COVID-19.

[VTR OF SENATOR BONG GO]

USEC. IGNACIO:  Samantala, Secretary, umapela rin si Senator Bong Go sa Department of Agriculture na suportahan naman po ang ating mga magsasaka sa pamamagitan ng patuloy na produksiyon ng mga pagkain at hindi po pag-delay sa food deliveries. Matatandaan na naging problema ng mga magsasaka iyon pong mga panindang hindi maibenta dahil sa pagpapatupad ng ECQ na agad naman pong inaksiyunan ni Agriculture Secretary William Dar. Kaugnay diyan ang “KADIWA na Ani at Kita” ng Department of Agriculture po ay isinagawa upang i-link ang mga mamimili at nagbebenta sa pamamagitan ng KADIWA On Wheels, KADIWA Online, Oh My Gulay at Isda on the Go.

Dagdag ng Senador, dapat aniya patuloy na i-update ng Department of Agriculture ang database ng farmer-producers para po maisaayos ang demand and supply chain mula po ito sa mga lokal hanggang nasyonal. Sa kabilang banda, kasalukuyang namamahagi na po ang DA ng P5,000 sa ilalim ng Financial Subsidy for Rice Farmers sa halos 600,000 na magsasaka po sa buong bansa na apektado ng COVID-19.

SEC. ANDANAR:  Upang alamin ang mga hakbang naman na ginagawa ng kanilang departamento laban sa COVID-19, sa puntong ito makakausap po natin si Department of Science and Technology Secretary Fortunato ‘Boy’ Dela Peña. Magandang umaga po sa inyo, Secretary Boy.

SEC. DELA PEÑA: Magandang umaga, Secretary Andanar, at sa ating mga tagasubaybay.

SEC. ANDANAR:  Sec. Boy, isa sa mga existing projects ng DOST ay ang tinatawag na RX Box telemedicine. Gaano po ba kahalaga ang pagkakaroon natin nito sa ngayon at accessible na ba ito para sa lahat?

SEC. DELA PEÑA: Ito pong RX Box ay aming ginawang proyekto, siguro mga more than two years na ngayon at ang initial objective namin dito ay para magamit sa mga rural areas na kung saan walang mga espesyalistang doktor. At ito ay kinakabit sa pasyente at namo-monitor ang mga vital signs including po diyan iyong temperature, blood pressure, iyong pulse rate, iyong oxygen saturation, puwede rin pong electrocardiogram or ECG, at nagagamit din po iyan na ma-detect iyong pregnancy.

Pero iyan po ngayon ay inire-repurpose namin at ang initial 200 po out of the 1,000 na aming pinroduce sa aming proyekto ay hahatiin sa PGH at sa isang ospital dito sa Laguna para natin matulungan naman ang ating mga healthworkers. Ang objective po nito ay maipakita na pupuwedeng ma-monitor ang ating pasyente nang hindi madalas nilalapitan ng health worker dahil iyon pong vital signs na iyon ay nairi-relay via computer sa nurse’s station, kaya alam nila kung sino iyong mga pasyente na stable naman at sino iyong nangangailangan ng urgent attention.

Bukod doon, mas marami silang puwedeng i-manage na pasyente, so iyon po ngayon ang sitwasyon ng ating RX Box. Fortunately, iyong hinihintay naming mga bagong batteries para diyan ay dumating na po at anytime ay mag-i-start na iyong pag-deploy nito para ma-monitor ang ating mga pasyente.

SEC. ANDANAR:  Malaki ang naitutulong ng rapid pass system upang mas mapabilis ang pagdaan ng mga frontliners at essential goods sa mga quarantine checkpoints sa Metro Manila. Sa ngayon ay ilan na ba ang users nito at nagagamit na ba natin ito sa ating mga checkpoints, Secretary Boy?

SEC. DELA PEÑA: Tayo po ay mayroong 180 checkpoints sa Metro Manila, pero ang inuna po nating lagyan ng rapid pass ay iyong mga entrance from the provinces. So nagsimula kami noon pang Monday na italaga doon sa boundary ng Bulacan at Maynila, diyan sa may Caloocan, dito sa Marcos Highway sa may Marikina kung galing ng Rizal, dito rin sa may Payatas area, diyan sa Montalban-Rodriguez boundary at mayroon din siyempre sa NLEX at doon sa south side.

Ngayon mahigit na sigurong mga dalawampu ang checkpoints na under rapid pass. At tayo naman ay natutuwa dahil may private sector po na nag-donate ng kailangang mga smart phones para ma-scan iyong QR code na ini-issue sa mga nag-a-apply. Iyon pong mga nag-a-apply ay ito iyong under the category of Allowed Persons Outside of Residence na may taga-approve po sa bawat category. Ang mga taga-approve po ay mga taga-government department katulad ng DTI, ng PCOO for the media, of course ng DOH at ng DOTr halimbawa.

At iyan po ay binibigyan ng QR code na unique sa bawat taong nag-a-apply na puwede niyang i-store sa kaniyang cellphone o puwede rin niyang i-print para ipaskil sa sasakyan niya o kaya naman ay gawin niyang parang ID na nakasabit sa leeg. At pagdaan doon, hindi na siya kailangan lapitan mostly ng checkpoint basta i-scan iyong kaniyang code at kapag nagtugma po iyon doon sa central database ay go na siya, oo. Kaya iyan po, ngayon siguro baka mahigit—kahapon ay mahigit 20 na; siguro ngayon ay nasa 30 na tayo. Hindi ako sigurado with the exact figures pero padami na nang padami iyang nako-cover ng ating rapid pass.

At nagpapasalamat kami sa private sector volunteers, ito po iyong mga asosasyon ng mga software developers under the name DevConnect or DevCon na ginawa po nila iyang sistema na iyan bilang mga volunteers. Sinu-supervise din po ito ng DICT for quality assurance, for cyber security and for data management purposes.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, kamakailan po nag-launch kayo ng pinakabagong programa na TANOD COVID, isa pong SMS reporting platform na maaring gamitin ng ating mga kababayan, anong numero po iyong puwede nilang i-text para po makapag-report at ano naman po iyong maitutulong dito ng ating mga LGUs?

SEC. DELA PEÑA: Siguro po ay ibibigay ko later iyong numerong iti-text ano po. Pero iyon po kasing TANOD COVID ngayon ay intended para mai-report lalo na sa ating mga local government iyong mga mayroong sintomas o kaya naman iyong mismong mga tao na nakakaramdam at nakakaalam kung sino iyong mayroong sintomas o sinuman iyong mga infected. Kasi po ito ay magiging mabisa para sa contact tracing at nang sa ganoon ay talagang maging handa at nang hindi kumalat iyong infection.

So ito pong TANOD COVID na ito ay marami na po ang mga LGU na nagpakita ng interes at nag-a-adopt. Kasi, simpleng-simple lang po, paggamit lang ng social media o ng cellphone para i-communicate sa ating LGUs.

USEC. IGNACIO:  Secretary marami pong nagtatanong nito, iyon daw pong paggamit ng virgin coconut oil ay isa sa tinitingnan ng DOST bilang food supplement para po sa mga COVID-19 patients. So paanong paraan po ito makakatulong o makakabuti po sa mga nagpositibo sa COVID-19?

SEC. DELA PEÑA: Ito po ay aming isasagawa, iyong tinatawag na VCO, virgin coconut oil na VCO clinical trials ay ang intention po dito ay maipakita na iyong mga pasyente na nag COVID-19 o kaya naman iyong mga naka-quarantine na may mga signs ay bibigyan niyan, dagdag sa kanilang menu sa bawat araw, at titingnan… comparing a group of randomize sample ng mga magti-take ng VCO compare doon sa mga pasyente na hindi magti-take ng VCO.

Ang hangarin po namin ay maipakita na mas mabilis ang recovery noong mga magti-take ng VCO dahil mayroon po tayo namang mga scientific publications at even earlier researches noon pang panahon pa noong si Dr. Conrado Dayrit na nagsasabing may anti-viral properties ang virgin coconut oil. Kaya iyan po, naibigay na po sa atin kahapon lamang ang approval ng Ethics Committee, mahalaga po iyon sa bawat clinical trial kailangan mayroong approval ang Ethics Committee, so handa na po na ito ay implement.

Ang grupo ng pagsusubukan ng coconut oil ay sa PGH at ang isa naman ay sa Sta. Rosa Community Hospital sa Laguna. Dito po, kailangan ang consent ng mga pasyente na bibigyan ng VCO bagamat ang pagkakaalam po naman natin ay wala namang harmful effects o kaya toxicity ang VCO.

Malaking bagay po kung maipakita na nakakapagpabilis ng recovery ito dahil abundant po siya dito sa atin at affordable naman siya at iyon nga po, puwede siyang i-apply na bigyan ng approval bilang health supplement ng ating FDA at kung talagang magandang, maganda ang resulta ay puwede pang ituloy for further clinical trials bilang medicine.

At tayo rin po sinasabayan natin iyan ng pagpapa-test ng lauric acid which is actually derived from coconut oil at iyong iba pang derivatives niya para tingnan naman sa loob ng laboratory kung ano ba ang action ng virgin coconut oil o ng lauric acid at derivatives sa COVID-19 virus kasi po iyan ay puwedeng isagawa sa laboratoryo dangan nga lamang at kinakilangan naming ipadala ito sa abroad dahil nandoon ang mga pasilidades para dito.

At balak din naming isabay na rin iyong ibang mga tinatawag na therapies or medicines na may strong evidence na magkakaroon ng anti-viral action sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Secretary, sa ngayon gaano po talaga kasi kahalaga iyong science and technology sa kabila po ng paglaban natin sa COVID-19?

SEC. DELA PEÑA: Napakarami pong anggulo na ginagamitan ngayon natin ng science and technology at kami po sa Department of Science and Technology ay nasisiyahan naman dahil iyong mga inumpisahan naming proyekto noon pa, wala pang COVID-19, ay madaling nai-shift para dito sa COVID-19.

Unang-una na halimbawa iyong aming diagnostic kits, naunang idinevelop iyan para sa dengue at sa leptospirosis pero ngayon, noong Enero, nag-shift ang attention sa COVID-19 at kaya naman madaling i-develop iyong diagnostic kit using PCR technology, iyong polymerase chain reaction at gaya po ng tinarget natin na magkaroon ng FDA approval – ito ay ibinigay noong April 3 – kaya ngayon po ay nandoon na tayo sa implementation phase noong DOST project na kung saan 26,000 tests are going to be delivered to our participating hospitals katulad halimbawa ng PGH, ng RITM, ng ating Makati Medical, Medical City, Baguio General, Vicente Sotto at ang Southern Philippines Medical Center sa Davao.

At ito po iyong 26,000 na test na ito ay naka-allocate na po sa kanila at aming isasagawa ang paggamit nito hanggang May 15, tamang-tama doon sa ating May 15 petsa, at beyond that po iyong mga production po niyan, actually kahit ngayon ay puwede na ring tumanggap ng orders iyon pong Manila Health Tek Incorporated, iyong kompanya na itinayo ng ating mga researchers, iyan naman po ay pinapayagan under the Technology Transfer Act. Kaya iyong iba po nagsisipag-order na ngayon.

May mga LGUs po na nag-order na noong test kit na iyan based doon sa PCR technology at mayroon din pong mga private companies na ang intesyon ay i-donate naman sa mga testing centers at sa mga hospitals or LGUs para magamit. So, iyan naman po ay pinadaan sa period of validation na kung saan tsinek ang resulta using genome sequencing para po tayo makasiguro.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Department of Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña. Mabuhay po kayo!

SEC. DELA PEÑA: Siguro po, maihabol ko lang na tayo naman ay naghahanda na ngayon sa WHO Solidarity Trials both in terms of the therapies that they are recommending and hopefully also doon sa vaccine na ire-recommend ng WHO.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Dela Peña.

SEC. ANDANAR: Okay, maraming salamat po. Kaugnay naman sa bilang mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa. Base sa tala ng Department of Health as of 4:00 P.M, April 23, 2020, umabot na po sa 6,981 ang dami ng kasong naitalang nagpositibo sa COVID-19; 462 na po ang kabuuang bilang ng nasawi; habang patuloy po naman ang pagtaas ng bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 na umaabot na sa 722.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman ang 26 na mga probinsiya na nananatiling COVID-19-free.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kaya naman po mahigpit naming ipinapaalala pa rin sa lahat ang physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay. Hangga’t maaari po huwag po tayong lumabas ng bahay. Sabi nga ng ating mga frontliners, we stay at work for you so please stay at home for us. Bahay muna, buhay muna.

SEC. ANDANAR: Ngayon ay makakausap natin si PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac. Magandang umaga po sa inyo, General Banac, Sir!

PBGEN. BANAC: Magandang umaga, Sec. Martin at USec. Rocky; at sa ating mga tagasubaybay ng Laging Handa, magandang umaga po!

SEC. ANDANAR: Sir, isa po sa bagong mandato na ibinigay sa PNP kaisa ang DOH kaugnay sa COVID-19 ay ang contact tracing. Ano po ang magiging estratehiya ninyo upang mapadali ang pag-trace nitong mga nagpositibo at iyong mga probable cases?

PBGEN. BANAC: Tama po iyon, Sec. Martin. Kaagad po ay nagpalabas ng direktiba ang ating PNP Chief, PGen. Archie Francisco Gamboa sa atin pong CIDG upang gampanan ang panibagong iniatas na tungkulin sa Philippine National Police upang tulungan po ang DILG at ang Department of Health sa gagawing contact tracing ng lahat pa na mga posible na mga probable at mga suspected patients sa lahat po ng dako ng ating bansa.

At makikipag-ugnayan po tayo sa lahat ng ating mga regional and local health officials at ganoon din sa ating mga regional and local government officials para po mapabilis natin ang atin pong paghahanap at pag-identify ng mga probable at mga suspected patients, maging iyong mga positibo rin para po sila agad ay mabigyan ng paunang lunas at iyong iba naman ay madala rin kaagad sa mga nakahanda na na mga quarantine facilities, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Pagdating naman sa ating mga jail facilities, may mga nabalitaan po tayong mga preso na nag-positibo sa COVID-19 tulad na lang po sa Cebu Jail. Paano po natin ito mino-monitor at ano po iyong mga hakbang na ginagawa natin dito para tugunan ito, General Banac? Alam ko this is for the BJMP pero as the spokesperson of the Philippine National Police, paano po ang inyong koordinasyon, sir?

PBGEN. BANAC: Tama iyon, Sec. Martin. Pansamantala ngayon ang lahat ng mga may commitment order galing sa korte ay iniuugnay natin iyan kaagad sa pamunuan ng BJMP nang sa gayon ay maganda po ang ating coordinations at hindi po manganib ang kalusugan ng mga inmates na nasa pangangalaga ng BJMP.

At lahat din naman ng mga nasa custodial facilities ng Philippine National Police sa ating mga police stations ay mahigpit din ang ating pagpapatupad ng mga biosafety measures nang sa gayon lahat ng mga nakadetine ay hindi po mahawaan at maprotektahan po sila sa sakit na COVID-19.

At lahat ng mga ito ay patuloy natin na isinasagawa alang-alang po sa ating kampanya na mapababa ang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19, Sec. Martin.

USEC. IGNACIO: Sir, isa po sa programa ng PNP na layong makatulong sa ating mga kababayan na tinatawag na Kapwa Ko Sagot Ko, kung saan po iyong bawat kawani ng PNP po [ay] hinihikayat na tumulong sa mga mahihirap nating kababayan. So, paanong paraan po ba makakatulong ang PNP sa ilalim ng programang ito?

USEC. IGNACIO: Tama po iyan, USec. Rocky. Sa ngayon po, mahigit na isandaang libo na ng mga pamilya ang naging benepisyaryo ng ating Kapwa Ko Sagot Ko. At alam ninyo naman, ang ating mga police units na naka-deploy sa lahat ng mga sulok ng ating bansa ay mayroon po tayong mga existing na mga programa na kung saan tayo po ay umaalalay, umaayuda sa ating mga kababayan at lahat po ng mga dumarating na mga tulong, mga donation na alam naman natin na mas kailangan ng ating mga kababayan ay itsina-channel na po namin kaagad maliban pa iyan doon sa mga personal na tulong ng mga pulis natin dahil tayo po ay nakababad sa ating komunidad at kilala po natin ang mga pamilya na talagang hikahos at nangangailangan talaga ng tulong sa mga panahong ito.

In fact, tayo po ang kasamang nag-i-identify katulong ang mga social workers ng mga dapat na mabigyan ng mga ayuda lalo na ng mga relief items. So, iyon pong ating Kapwa Ko Sagot Ko na programa ay mayroon na pong naipamahagi ng mahigit P50 milyon na halaga na lahat ng mga relief items at tulong sa mahigit na isandaang libo na mga pamilya nationwide, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sa kabila nang mahigpit na pagbabantay ng PNP sa komunidad, naku eh napakarami pa rin po iyong lumalabag sa ipinatutupad na ordinansa. Ano po ba iyong mga pinakamaraming uri ng paglabag na naitala ng PNP at saka saan po iyong pinakamaraming kaso nito? Kasi may panawagan po iyong ating mga kababayan na sa kabila daw po ng intensified enforcement ng ECQ sa Luzon, paano ba ginagawa talaga ng PNP sa mga pasaway para  mabawasan naman siguro, General?

GEN. BANANC:  Well, sa ngayon ay patuloy ang ating mahigpit na pagpapatupad nitong Enhanced Community Quarantine natin at may nalalabi pa tayong mga araw up to April 30. At katulad ng naipahayag na ng ating PNP Chief, Police General Archie Francisco Gamboa ay diretso na po ang booking ng lahat ng mga maaaresto dito sa lumalabag ng ating ECQ. At lahat po nga maaaresto ay dadalhin po sa mga temporary  holding facility, maaaring diyan po sa covered court na na-identify natin  o kaya naman sa gymnasium  o iyong pinakamalapit na holding area diyan sa ating mga police stations, at doon po sila ipo-proseso.

Alam po ninyo, Usec. Rocky, mahirap po ang may kaso ngayon ano – hindi lamang magpipiyansa ka ng P20,000 ay mayroon ka pang mga hearing na dapat asikasuhin pagkatapos nitong ECQ na ito. At kapag ikaw po ay kumuha ng police clearance ay mayroon ka pong hit, may hits ka doon sa record, nangangahulugan na may mga violations kang ginawa. Ibig sabihin, maaapektuhan nito ang iyong application ng iyong trabaho.

Kaya po talagang patuloy tayong na nananawagan sa lahat, sa ating publiko:   Dapat maging laging handa. Huwag po nating hayaan na tayo ay mapabilang dito sa maaaresto na ito. So, muli, iyon pong dapat lumabas ay iyon lamang mga awtorisado po.

USEC. IGNACIO:  General, kasi nga nagdesisyon na ang Pangulo na magkaroon ng extension hanggang May 15 sa mga ilang lugar na mataas ang kaso ng COVID-19. So ano po ang mensahe ng PNP sa ating mga kababayan, particular po doon sa, naku, talagang napaka-matigas ang ulo?

GEN. BANANC:  Tama iyan, Usec. Rocky. Sa mga pagbabago na magaganap after April 30 ay mayroong mapapasailalim pa rin sa ECQ, mayroon naman sa General Community Quarantine lamang. Well, iyong mga nandoon sa mga lugar na iyan ay makakahinga nang medyo maluwag dahil maaaring hindi na po sila manganib na maaresto.Pero kapag mayroon pa rin diyang mga pasaway ay patuloy pa rin natin iyan na masisita.

Pero dito po sa ating patuloy na ECQ na gagawin sa mga   na-identify na mga lugar katulad ng kalakhang Maynila, patuloy pa rin po ang ating mahigpit na pagpapatupad nito.

Alalahanin po natin na ang atin pong ginagawa ay iyong pagkalinga at pagmalasakit natin sa ating mga kababayan. Hindi po natin sila hinuhuli for the sake lamang na galit tayo sa ating mga violators ‘no – hindi po. Tayo po ay nanghuhuli dahil nais po nating ipadama ang ating malasakit at pagkalinga sa ating mga mamamayan na ayaw nga natin na magkasakit at baka umabot pa sa mamamatay nga sila dito sa COVID-19. So patuloy po ang ating gagawing iyan hanggang sa matapos po ang period ng extension nitong ECQ at gagawin po natin iyan alang-alang po, para malabanan natin ang COVID-19, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Okay. Maraming salamat po sa inyo, General Bernard Banac.

SEC. ADNANAR:    Makakausap po naman natin ngayon sa puntong ito si Albay Representative Joey Salceda. Magandang umaga po sa inyo, Congressman.

REP. SALCEDA:  Good morning.

SEC. ADNANAR:  Yes, Congressman, the first time that we talked about this, itong Enhanced Community Quarantine ay during the first or second week while this ECQ was being implemented. At marami kang nakuwento doon at marami din sa mga prognosis mo  at iyong mga inasahan mo ay  nangyayari na like for example ay itong mga modified ECQ. Mayroon kang term na kailangang i-lock in, although iba naman iyong term pero parehas lang iyong ibig sabihin. Iyong ginagawa na mayroong mga probinsiya na pinipili natin na iyon lamang po ang nasa ECQ, like for example, the National Capital Region, itong Calabarzon. So, ano po ang inyong masasabi, sir, tungkol doon sa naging pahayag ni Presidente Duterte kani-kanina lamang?

REP. SALCEDA:  Maganda po iyong desisyon ng ating Pangulo (unclear) kasi iyon talaga ang pinakamalapit sa puso ng ating Pangulo na kahit ano pang mangyari, kahit anong klase pong galaw mula po sa lockdown [unclear] health standard. So ang ibig pong sabihin niyan mas binibigyan po ng prayoridad ng gobyerno ang paggastos po, unang-una sa kalusugan po, sa mga health infrastructure upang, unang-una, mayroon tayong testing and tracing. Pangalawa, na kung saka-sakaling buksan, mas kaya po ng gobyerno na sila po ay maospital na hindi kailangang pumasok po ng isang crisis mode at maapektuhan iyong iba na mga non-COVID.

So, sa ginawa po ng ating Pangulo kung titingnan ninyo, ang desisyon po ay base po sa populasyon ng Luzon. Ang natitira po sa loob po ng ECQ ay nasa 79%, pagdating po sa total infection, 92% po ng  lahat ng infection nandito po sa mga areas under ECQ. At in terms of GDP po nasa 91%. Pero kapag kinalculate (calculate) po ninyo at least mga isa at kalahating mga milyon na mga workers ang madadagdag po sa existing na 9 million workers na ngayon ay kasama doon sa essential workers. So at least mga 1.5 million non-essential workers na po ang makakaluwag at makakapagtrabaho.

SEC. ADNANAR:  Okay. Sa ngayon, may mahigit 200 kaso na ng COVID-19—dito naman tayo, dumako tayo sa Albay ‘no. Paano po mas pinahihigpitan ng inyong probinsiya ang pagpapatupad po sa ECQ?     

REP. SALCEDA:  Ang importante po kasi dito may kakayahan po tayong mag-test and trace iyan at ma-isolate po iyan. Kasi iyan ang importante (unclear) kaya habang po may nasa labas, ang ginagawa po ng ECQ tumabi ka diyan kasi may mga criminal pa po na nandoon po at large. So, mapapababa ito dahil habang ito ay inuospital mo na o kinu-cure at nilalabas mo na po out of society at iyong mga tao naman po ay nasa loob ng kanilang mga bahay. So, makikita mo po na magpa-flatten at puwede mo nang i-hammer o ibaba iyong pagbilis o ang paglawak po ng infection sa isang lugar.

USEC. IGNACIO:  … kanilang mga tao and at the same time  iyon pong kalusugan ng ating mga mamamayan. Pero kayo po, paano po ba ninyo tinutugunan iyong mga pangangailangan ng COVID-19 na patients? Iyong mga dapat na ibigay sa kanila? At ano po iyong mga hakbang na ginagawa ninyo para po sa kanila at paghahanda sa mga pasilidad na kailangan nila?

REP. SALCEDA:  Definitely po, ako po kasi bilang congressman, pero inaalalayan ko po iyon pong aming national na ospital po dito. So, ano po ba iyong nakapaloob po sa programa kung bakit tayo po ay nagkaroon po ng extension? So, basically po ito po iyong plano ng ating Pangulo. Pagdating po sa frontline protection, ang balak po ng gobyerno po ngayon po mayroon tayong 20,000 cover-alls at 500,000 mask. Iyong face mask, imported every day. So ang threshold pa po ay magkaroon tayo ng 140,000 and one million na facemask na ini-import natin every day. So, ang ibig pong sabihin niyan by May 15, para po mabuksan natin, kailangan mayroon tayo niyan. Pagdating po sa treatment, iyan po ay para sa frontliner protection.

Ang pangalawa po na tinatawag natin minimum health standard ay iyong mechanical ventilators. Ngayon po ang Pilipinas, naparami na po natin ito; umaabot po ng 1,000 ang ating mechanical ventilators, at sinusubukan natin na sana makarating tayo ng tatlong libo.

Pagdating po sa ICU, sa ngayon po ay mayroon tayong 1,500 na puwedeng i-expand sa 2,000 ang kailangan po natin (garbled). Nakikita naman natin na ginagawa ng National Task Force na maparami po ito, kasama na po iyong quarantine na dati [ay] konti lang; ngayon po ay mayroon tayong quarantine facilities na umaabot po sa 150 to, I think, above 150,000 [1,500]. At sana makaabot tayo ng 3,000 by repurposing iyong mga tinatawag nating mga ibang COVID beds.

Pagdating po sa (garbled) beds, ngayon po ay mayroon na tayong limang libo na hospital beds for COVID. So ang balak po ng atin pong Pangulo kaya po in-extend natin iyong ECQ, between April 23 up to May 15, para by May 15, ito pong tinatawag natin na mga minimum health standard ay mayroon na pong kakayahan ang atin pong sistema, ang health system, na kung buksan mo at sakali pong may mangyari, kaya po natin silang hulihin at i-test, i-trace at dalhin po sa hospital na hindi po natin naiistorbo iyong serbisyo po ng atin pong—

So naglaan po ang atin pong gobyerno ng 58.5 billion para po sa mga gawain ito. So ang ibig sabihin talaga, ginagawa lahat ng ating Pangulo na mapasiguro na mayroon po tayo nung tinatawag na minimum health standard kasi lahat po ng usapin tungkol sa opening or (garbled) opening ay magsimula ng minimum health standard na mapapasiguro, unang-una (garbled) … na tinatawag na general community quarantine.

Dito po sa general community quarantine, ang una pong naka base po diyan ay sila po ay mayroong new normal. At ano ang ibig pong sabihin ng new normal na iyan? Unang-una, na sila po ay magso-social distancing; na sila po ay maghuhugas ng kamay; na sila po ay gagamit po ng facemasks kahit sila ay babalik na sa normal. Pangalawa, na sila ay makakapasok na ng trabaho; mayroon silang public transport; at may curfew between 8 to 5. Pero dito mo po makikita dahil po dito sa ginawa ng ating Pangulo na mayroon po tayong tinatawag na general quarantine dito po sa mga lugar na masasabi nating binitiwan natin, pero doon makakita natin kung talaga ang Pilipino ay handa na na mag-reopen ng ating ekonomiya kung makita natin na tayo ay nakakapag-practice nang wala naman talagang gastos. Kasi ito ang solusyon eh, iyong bridge, ito po ay tulay habang wala pa po iyong vaccine. Puwede pong napakahabang tulay.

Pero the bridge to a vaccine is/are low cost: One, wash hands; two, wear facemasks; three, huwag kayong masyadong malapit sa iba kahit po sa loob ng iyong pamilya. Ito po ang mga low cost na sinasabi.

Kaya kung iyan ay napapatupad natin ay mas kokonti po ang disruption sa ekonomiya pero makakamit pa rin po natin ang tinatawag nating pag… makakamit pa rin natin—na mapuproteksyunan pa rin po natin ang ating mga populasyon lalung-lalo na po ang mga elderly o ang mga vulnerable.

SEC. ANDANAR: All right. Congressman, bilang ekonomista, kanina nabanggit ni Secretary Wendel, the DBM Secretary, na more than 300 billion pesos ang nagastos na out of the 4 trillion budget ng Pilipinas. Nabawas po iyong iba sa mga ibang proyekto. Na-realign po ito, itong COVID-19 budget na wala naman talaga sa original budget natin for 2020. At the same time, you also mentioned na iyong under ECQ, 79% ng nasa ECQ sa ngayon ay—actually, 91% of the GDP of the market. Now, how far are we from a recession, Congressman?

REP. SALCEDA: Unang-una, aminin na natin na ang buong mundo talaga ay babagsak. So kahit hindi po, wala po tayong COVID dito sa loob ay apektado po iyong mga OFW, apektado po iyong atin pong ibang mga export o iyong atin pong ibang pinagkukunan po ng demand para sa serbisyo ng atin pong mga negosyante at ng atin pong laborers.

So maximum po na—ang talagang ang pinaka-the best case po natin ay between negative one to negative two percent ay hindi po iyan natin maiiwasan. Dahil po ikumpara mo sa ibang mga lugar, siguro nagne-negative four, in fact, mayroon po diyan mga nagne-negative ten percent. So ang Pilipinas (garbled) mabuting … we’re in one of the best places in order to prevent a major recession, at the same time na we have the necessary (unclear). Number one (garbled) … para sa pangalawang SAP. So mayroon po tayong pangalawang (garbled) para po doon sa (garbled) empleyado ng mga small business. Iyan po ang pinakaimportante. Kasi ang gusto ng ating Pangulo, 87% ng lahat ng populasyon ay dapat masuportahan, na mayroon silang supisyenteng pera para po maitawid lang natin po itong COVID hangga’t mayroon na po tayong tinatawag (garbled).

 One, mayroon na po tayong lowest debt to GDP – 41%, lowest po iyan. Pangalawa, we have the lowest FOREX debt to GDP – 23%. Dati kay Marcos, nasa 140% iyan. Pangatlo, maganda po ang ating FOREX reserve. Pang-apat, mayroon tayong monetary space, nakapaglabas na po ng pera nang halos 840 billion para po ma … na in liquidity ang atin pong Bangko Sentral ng Pilipinas. At pagdating po sa labas, iyong World Bank at saka ADB nagsisimula na silang makiusap sa atin para pautangin tayo ng six billion dollars.

Pero more than that, kasi makikita mo talaga kung ano ang tingin sa’yo ng mga credit markets. Ang Pilipinas, ang atin pong premium na interes ay nasa 3.79% over ten year. Iyan po ay puwede kong i-explain pero—iyong iba po, pumapalo po ng onse hanggang dose porsiyento iyong atin pong mga tinatawag na mga –  hindi naman kalaban – kung hindi mga katulad.

So ang Pilipinas po ay may kakayahan na masasabi natin na kahit tayo ay pumasok sa recession dahil sa unang bugso ay talagang natanggal, nag-uuwian ang mga OFW, nawawalan po ng negosyo iyong ating ibang mga produkto, pero ang Pilipinas po ay isa sa mauuna—in fact, tama po ang strategy ng Pilipinas, ng Duterte administration: Wala hong recovery if you don’t control the virus. Kaya ginagawa po ni Pangulo – control the virus, then makakapag-recover tayo. Tayo po ay nabiyayaan ng kakayahan na talagang diinan ito hanggang ito ay makontrol ng atin pong gobyerno at ng ating lipunan.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Albay Representative Joey Salceda. Mabuhay po kayo, sir.

REP. SALCEDA: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Oras po natin, alas onse singkuwenta na ng umaga. Pasalamatan din po natin ang mga kababayan natin na nanunood ngayon sa ibang bansa. Of course, Rocky, iyong KBP member stations na naka-hook up sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat din po sa DZRH na alam po namin na sa simula pa lang po ay nakasama na rin po kayo ng Laging Handa. Nagpapasalamat po kami sa inyo. Basta nabigyan kami ng pagkakataon, ng panahon, kami po ay personal na magpapasalamat po sa inyo. At siyempre, Secretary, kasama natin po iyong iba pa nating mga kaibigan sa radyo – sa DZBB, DZMM, RMN, Bombo Radyo, Star FM, at lahat po ng regional stations na naririnig po. Mayroong nagtext sa akin na aking kaibigan na nagulat daw sila na bigla nilang narinig sa FM station ang Laging Handa. Kami po ay nagpapasalamat din sa KBP. At siyempre, gusto daw po kayong kumustahin ng ating kaibigan na si Julius Babao ng DZMM.

SEC. ANDANAR: Si Sir Julius Babao at kay Christine Bersola, magandang umaga po sa inyo.

USEC. IGNACIO:  Opo. Hanggang ngayon po ay nananatiling COVID-19 free ang apat na lalawigan ng Cordillera Region. Ang ayon po sa pinakahuling rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force ay isasailalim sa General Community Quarantine simula po May 1st, 2020. Sa bahagi pong ito, puntahan natin ang ating kasamahan na si Jorton Campana live po sa PTV Cordillera.

 [NEWS REPORTING BY JORTON CAMPANA]

 USEC. IGNACIO:  Salamat sa iyo Jorton Campana ng PTV Cordillera.

SEC. ANDANAR:  Samantala, Davao City Mayor Sara Duterte nag-anunsiyo ng Modified Community Quarantine sa Davao. Para sa iba pang detalye, narito si Regine Lanuza live mula sa PTV Davao.

[NEWS REPORTING BY REGINE LANUZA]

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat Regine Lanuza ng PTV Davao. At kinukumusta rin po natin, naka-live sa atin ang RPN Network Surigao City at RPN Network sa buong Pilipinas – Sir Jun Clerigo, maayong buntag kanimo!

USEC. IGNACIO:  Opo. Kasama rin po natin ang SMNI News Channel at lahat po ng Sonshine Radio stations sa buong bansa naka-hookup sa atin Secretary. At Happy Birthday daw po kay Pastor Apollo Quiboloy, April 25, bukas po. Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama natin si Czarinah Lusuegro.

[NEWS REPORTING BY CZARINAH LUSUEGRO]

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro. Mga kababayan, isang makabuluhang diskusyon at mahalagang impormasyon na naman po ang ating nakalap. Muli po kaming nagpapasalamat sa ating mga nakausap, sa paglaan po ng kanilang oras para sa kanilang programa at sa atin ring programa dito po sa Public Briefing. Asahan ninyo po na patuloy po naming ihahatid ang mga importanteng impormasyon na kailangan nating lahat.

Mahigpit po naming ipinapaalala ang physical distancing – Oh, tingnan mo kami ni Rocky oh, physical distancing, talagang ang layo oh – at ang kooperasyon. Oh kami ni Rocky nagko-cooperate din kami, ‘di ba, sa mga ipinapatupad ng mga awtoridad.

USEC. IGNACIO:  Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan po ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga kay Glen Tiempo(?) ng Radyo Agila diyan po sa Dagupan. Ngayong panahon ng krisis, mas lalong dapat nating ipadama ang tunay na pagmamahal sa ating bayan, sa ating kapwa-Pilipino. Magkaisa po tayo at sumunod, maging maalam at mapagmatyag. Tandaan, sa ating pagtutulungan at pagkakaisa, malalagpasan natin ang lahat ng ito. Together, we heal as one.

Muli po, ako si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  At mula pa rin po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Magkita-kita po tayo muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)