SEC. ANDANAR: Magandang araw sa lahat ng nakasubaybay ngayon sa ating programa sa loob at labas ng bansa. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office. Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Magandang araw din sa iyo, Secretary Martin. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin po sa PCOO at kasama ninyong magbabalita sa mga pinakasariwang balita tungkol pa rin po sa COVID-19.
Lagi po naming paalala sa lahat na ugaliing magsuot ng face mask, mag-sanitize at i-observe ang physical distancing sa mga kasama. At kung wala naman pong importanteng lakad, manatili na lamang po tayo sa ating mga bahay.
SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHanda.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, as of 4 P.M. po kahapon, September 7, 2020 ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 1,383 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan po ay umabot na sa 238,727 na kaso; 49,931 po sa bilang na iyan ang nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 230 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umabot na sa 184,906 habang labinlima naman po ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan po ay nasa 3,890 na.
Kahapon ay malaki ang ibinaba ng reported cases mula sa mahigit 2,800 ay nangalahati ito at umabot na lang sa 1,383 – ito na po iyong pinakamababa sa mga nakalipas na linggo.
Ang National Capital Region pa rin po ang pinanggagalingan ng mataas na kaso na nakapagtala na kahapon ng 525 new cases. Ang Laguna naman po ang nasa ikalawang puwesto na may 137 cases. Sumunod naman po ang Batangas na mayroong 99 cases. Samantala, mula sa ikalawang puwesto kahapon ay bumaba na sa ikaapat ang Negros Occidental na may 77 na bagong kaso, at Cavite naman po ay nakapag-report ng 69 cases. Nasa 20.9% naman po ang total cases ang nananatiling aktibo na may kabuuang bilang na 49,931.
SEC. ANDANAR: Sa bilang ng mga aktibong kaso, 88.3% ang mild cases, 8.3% ang asymptomatic, samantalang nasa 1.4% ang severe at two percent naman ang nasa critical condition.
Samantala, muli po naming paalala sa lahat na maging BIDA Solusyon sa laban kontra COVID-19. Ugaliin po ang pagdi-disinfect ng inyong kapaligiran. Siguraduhin na malinis at virus-free ang mga bagay na madalas na hinahawakan. I-disinfect ang mga ito gamit ang .5% bleach solution. Madali lang po ito gawin: Ihalo lamang ang isang bahagi ng bleach solution sa siyam na bahagi ng malinis na tubig. Gamitin ito sa pagdi-disinfect ng mga door knobs, susi, cellphone, ibabaw ng mesa at iba pa. Mga simpleng paraan lang po iyan pero malaki po ang maitutulong para labanan ang COVID-19.
Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari pong i-dial ang 02-894-26843. Para po sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Secretary, para naman po sa ating mga balita: Muling binigyan-diin ni Senator Christopher “Bong” Go na nararapat lamang na tulungan ang mga nabibilang sa vulnerable sector ng ating lipunan gaya po ng mga mahihirap nating kababayan. Kaugnay niyan ay namahagi ito ng ayuda sa mga residente ng Barangay Pila-Pila, Binangonan, Rizal at Barangay Matimbo, Malolos, Bulacan kagaya po ng food packs, masks at bisikleta.
Katuwang din ng Senador ang DSWD sa pamimigay ng financial assistance sa ilalim po ng Social Amelioration Program. Para naman po sa non-SAP beneficiaries ay inabutan sila ng tulong sa pamamagitan ng Crisis Situation Program ng ahensiya. Patuloy din niyang hinikayat na maaaring sumangguni sa mga Malasakit Center na matatagpuan sa kanilang lugar.
Pinayuhan niya rin ang lahat na patuloy pong makiisa sa mga patakaran ng pamahalaan upang tuluyang masugpo ang krisis na ito.
SEC. ANDANAR: Samantala, upang tuluyang maiahon ang bansa sa krisis na ating kinakaharap habang sinusubukang ibangon ang ekonomiya ng bansa, muling nanawagan si Senador Bong Go sa pamahalaan para sa mas mahigpit na health protocols sa mga pampublikong lugar.
Dagdag pa ng Senador, para maisakatuparan ito ay kailangang palakasin ang face mask wearing-policy, at kung kinakailangan ay mamigay ng face masks sa mga taong hindi kayang makabili nito. Ang mga LGUs ay hinihikayat ding magbigay ng libreng hand washing facilities sa mga pamilihan.
Nanawagan si Senador Go sa publiko na ugaliing linisin ang mga kagamitan na madalas na mai-expose sa dumi kagaya ng mga barriers sa mga motorsiklo. Matatandaan na inanunsiyo nang UP OCTA Research team na tuluyan nang bumaba ang reproduction rate ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila at CALABARZON. Kaya naman maliit na bagay kagaya ng pagsusuot ng face mask ay labis na makakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Kasama nating magbabalita mamaya sina Ria Arevalo mula sa Philippine Broadcasting Service, Danielle Grace de Guzman mula sa PTV-Cordillera, at si Jay Lagang mula naman sa PTV-Davao.
Samantala, makakapanayam po natin sina Secretary Carlito Galvez, Jr., ang Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19; Usec. Orlando Ravanera, ang chairman ng Cooperative Development Authority; Regional Director Pedro Defensor ng CDA-NCR; at si General Manager Marlon Roño ng Magsaysay Multi-purpose Cooperative.
USEC. IGNACIO: At kung may mga nais po kayong linawin sa ating mga resource person, i-comment ninyo po iyan sa ating livestream at sisikapin po nating maipaabot sa kanila ang inyong mga katanungan.
SEC. ANDANAR: Upang muli tayong bigyan ng updates sa mga hakbangin ng pamahalaan para masugpo ang COVID-19 ay muli nating makakapanayam ang Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19, si Secretary Carlito Galvez. Magandang umaga po sa inyo, Secretary Galvez.
SEC. GALVEZ: Magandang umaga po, Secretary Andanar at mabuhay po kayo.
SEC. ANDANAR: Sec., isa sa mga inanunsiyo ni Pangulong Duterte noong nakaraan ang pagsagot ng gobyerno sa food at lodging ng mga health workers na pinaalis sa kanilang mga tinutuluyan. Sinabi rin niya na sa inyo mismo lumapit para agad silang matulungan. Higit isang linggo matapos itong inanunsiyo, may mga lumapit ba sa inyong mga health workers? At ano naman ang proseso para sila ay mabigyan ng assistance?
SEC. GALVEZ: Iyon po, mayroon pong mga lumapit po sa atin at sinabi po natin na magkaroon po sila ng ugnayan sa ating National Incident Command Center. At iyon po ay pinag-usapan na rin po namin kahapon sa pamumuno po ni Secretary Vince Dizon na magkaroon po ng tinatawag na iyong ating Task Group on Logistics ay sila po ang titingin sa pangangailangan po na iyon, kasama po ang ating OCD.
At ito pong ano, ito pong pondo po na inilaan po natin sa Bayanihan II ay ito po ang gagamitin po natin para sa mga libreng pasakay at libreng accommodations ng ating healthcare workers po.
SEC. ANDANAR: Bilang bahagi po ng patuloy na pagtugon ng gobyerno kontra COVID-19 ay inyong inihayag kamakailan na may 117 accredited COVID-19 testing laboratories sa buong bansa kung ikukumpara noong Pebrero na mayroon lamang isa. Kumusta po ang capacity ng mga ito, Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon po, iyong 117 laboratories ay kaya na po ng more than 41,000 po iyong kaniyang test capacity noong last August 25. At noong tiningnan ko po ang kaniyang capacity noong September until today, nakikita po natin na pumapalo na po talaga sa 30,000 to 31,000 ang kaniya pong capacity every day. So, ibig sabihin po nakuha na po natin iyong talagang target natin and it’s moving forward dahil marami pa po tayo na mga laboratory na nag-a-apply at nasa level 3, level 4 na po sila ng kanilang application.
Sa ngayon po, umaabot po ng mga more or less 15,000 ang nati-test po natin sa Metro Manila at nakita rin po natin iyong testing natin sa Cebu at saka sa mga lugar na ni-lockdown po natin ay tumataas din po. Sa ngayon po ang isang challenge po natin ay dahil iyong sa laboratory po natin na 117, mayroon po tayong more or less more than 25 na GenXpert na mga laboratories. At alam po natin na iyang GenXpert iyong supply po noon ay talagang napakahirap. We are getting only 5,500 a week and we are now negotiating with the US kung puwedeng madagdagan po tayo ng supply ng GenXpert.
SEC. ANDANAR: Noong nakaraang buwan po ay mayroong mahigit dalawang milyong Pinoy ang sumailalim sa COVID-19 tests na nalampasan iyong target na two million. Ano po ang implications nito, Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Ang magandang implication po nito ay nakikita natin, nadi-detect na po natin iyong mga unseen carriers. Ang kagandahan po dito ay madali na po natin kaagad silang ma-contact trace at the same time ang implication noon is ma-isolate po natin kaagad. So, kapag nagra-ramp-up tayo ng testing kailangan tingnan po natin iyong sistema ng contact tracing at saka po iyong end to end na isolation po at saka treatment po natin.
So, iyon po, maganda na dahil tumaas na po, 2.7 na po ang na-test na na-conduct natin at 2.6 na po na mga tao ang ating na-test. Maganda pong implication iyon na talagang iyong unseen enemy natin ay nakikita na po natin, iyong tinatawag nating variance between iyong apparent COVID-19 positive at saka po iyong true positive numbers ay lumiliit na po.
So, sa ngayon po maganda po talaga iyon kasi from testing, we can ramp-up iyong ating contact tracing at saka iyong ating isolation phase and also we can have iyong tinatawag nating early detection. We can have also early treatment at mapapababa po natin ang ating mga severe at saka critical cases. Iyon po ang nagiging implikasyon kapag maganda po ang testing natin.
SEC. ANDANAR: Ayon po sa UP OCTA Research Team ay na-flatten na ng Pilipinas ang COVID-19 curve as of September na sinasabing less than 1% na lang ang reproduction rate. With that, may posibilidad po ba na mas luwagan na ang quarantine measures specifically dito po sa Metro Manila at mga karatig probinsiya sa mga susunod na buwan?
SEC. GALVEZ: Iyon pong balita po ng ating UP OCTA ay napakagandang balita po iyon at ito po ay nag-i-indicate lang na iyong pinaghihirapan ng ating IATF, NTF, mga local government units at saka iyong private sector ay nagbubunga na po. Nakita natin dahil siguro tumaas na rin ang consciousness ng ating mga mamamayan ay talagang nag-a-ano na sila ng face shield at saka face mask kaya bumaba po ang nakita nating reproduction.
Pero iyon po, tinatawag nating optimism with caution, dapat i-caution pa rin natin na huwag tayong magkumpiyansa. Though mataas pa rin po kasi iyong kaso ng NCR at saka iyong ibang lugar, huwag po tayong magkumpiyansa.
Nakikita po namin itong September po na ito maganda po ito na maging transition kasi nakita po natin—natutuwa nga po ang ating mahal na Presidente noong ini-report ni Secretary Duque na almost 30% sa buong Metro Manila ang bumaba ang active cases at nakita natin iyong ating new cases na tumaas ng almost 7,000, ngayon bumababa na po, nag-a-average na po ng 1,900, 2,000, malaking improvement po ito.
At ito po ay talagang isa sa nakikita natin na pagbaba ng mga new cases. Gusto naming i-congratulate ang ating mga local government units lalo na dito sa NCR at ang ating mga health workers at saka ang ating mga tinatawag nating mga pathologists at saka mga microbiologists na talagang tulong-tulong na ginagawa po natin na iyong talagang pagbaba po nito ay nakikita po natin napakaganda.
Isang critical po na nakita namin dito iyong aggressive isolation natin, iyong Oplan Kalinga na pinamumunuan ni Secretary Vince Dizon at saka ni Mike Salalima ng MMDA. Isa rin po na nakikita po namin na… noong nagbukas po tayo ng mga hotel para makuha po natin iyong mga ating mga kababayan na naka-home quarantine at na-isolate po natin kaagad ay nabawasan po natin ang contamination within the family.
SEC. ANDANAR: Sinabi ninyo po na mas malaki iyong tiyansa ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa isinasagawang home quarantine ng mga asymptomatic at may mild cases at iyan nga po ay narinig ko rin sa inyo sa ilan sa mga lakad natin sa Cotabato, sa Iligan, sa Cagayan de Oro. Ano po ang mairirekomenda ninyo para masolusyunan ito, Sec. Galvez?
SEC. GALVEZ: Nag-usap po kami ni Secretary Año dahil kasi mayroon po tayong Joint Memorandum ang DOH at saka DILG na ina-allow natin ang home quarantine. I believe nakita natin iyong ating ano… I strongly agree sa sinasabi ni Valenzuela Mayor na mahirap iyong magkaroon ng home quarantine; kaya iyong Valenzuela at saka Bulacan ay nagpapa-implement sila ng no home quarantine policy.
So, talagang kailangan po iyong isolation phase natin is very aggressive at saka absolute na lahat po ng positive kailangan po talaga nating i-isolate kasi nakita po natin even iyong mayayaman po na nagho-home quarantine nagkakahawaan po iyong kanilang mga kamag-anak.
So, ang ano po namin nina General Año ay magkaroon po ng IATF Resolution na talaga pong i-discourage po natin or i-disallow na po natin iyong home quarantine kasi nakita po natin sa Region III, sa Region IV-A, sa Manila and nakita natin iyong experience natin sa Navotas at saka sa Pateros, noong tinanggal po natin iyong home quarantine doon sa area na iyon talagang nakita natin bumaba nang napakalaki ang mga kaso po doon sa area po na iyon.
At nakikita po natin na talagang kung magkakaroon po tayo ng aggressive isolation ng mga positive cases at maihihiwalay po natin iyan sa community, malaki po ang chances na… pati po iyong first contact ng mga positive cases maihiwalay po natin kaagad, malaki po ang tiyansa na talagang bababa, hindi lang po magpa-plateau but magbababa po. Hindi lang magpa-flatten ng curve kung hindi bababa po ang ating cases into single digit number.
SEC. ANDANAR: At dahil po sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bacolod City ay inirekomenda ng DILG na isailalim sa MECQ ang lugar. Samantala, hiniling rin ng gobernador ng Lanao del Sur na ilagay din sila sa MECQ. Tama po ba ito? Ano po ang tugon ng task force dito?
SEC. GALVEZ: Noon pong gumawa po tayo ng presentation kahapon sa IATF, isa sa mga rekomendasyon po ng National Task Force ay i-escalate po natin ang quarantine control ng Lanao del Sur at saka po ng Bacolod. Dahil po ang Lanao del Sur as recommended by Governor Mamintal Adiong, ang sabi niya talagang tumataas na rin iyong kaniyang kaso.
And then ganoon din po, nag-usap din kami ni Bacolod Mayor na talagang tinitingnan namin, talagang napakataas ng kaniyang rate of increase, iyong attack rate napakataas po mas mataas pa po sa Iligan. So, ang ginawa po namin ay talagang pinag-usapan po namin ni General Año, ni Secretary Año, na iangat po ng MECQ ang Bacolod dahil kasi ang Bacolod din po, iyong critical care capacity niya ay talagang nagiging critical na po.
Sa ngayon po, papunta po kami bukas sa Bacolod para po matulungan ang paggawa ng mga quarantine facilities kasama po namin si USec. Sadain ng DPWH at ang ating Testing Czar, na nandoon din si Sec. Vince at kasama rin po natin si Mayor Magalong. Iyong buong team po natin na ang ating istratehiya na test, treat, isolate and trace ay kasama po natin para at least makumpleto po natin iyong mga tinatawag nating interventions para mapabilis po mapabilis po na before the end of September ay maging normalized na po iyong ating Bacolod City and Negros pati iyong Iloilo.
Nandoon din po sa area sila Secretary Cimatu at saka si Major General Feliciano na siyang bumuo ng team dito sa Cebu, so iyong experience po nila sa Cebu ay dadalhin po nila doon sa Iloilo at saka po sa Bacolod.
Sa ngayon po, iyong 117 laboratories ay kaya na po ng more than 41,000 po iyong kaniyang test capacity noong last August 25. At noong tiningnan ko po ang kaniyang capacity noong September until today, nakikita po natin na pumapalo na po talaga sa 30,000 to 31,000 ang kaniya pong capacity every day. So, ibig sabihin po nakuha na po natin iyong talagang target natin and it’s moving forward dahil marami pa po tayo na mga laboratory na nag-a-apply at nasa level 3, level 4 na po sila ng kanilang application.
Sa ngayon po, umaabot po ng mga more or less 15,000 ang natI-test po natin sa Metro Manila at nakita rin po natin iyong testing natin sa Cebu at saka sa mga lugar na ni-lockdown po natin ay tumataas din po. Sa ngayon po ang isang challenge po natin ay dahil iyong sa laboratory po natin na 117, mayroon po tayong more or less more than 25 na GenXpert na mga laboratories. At alam po natin na iyang GenXpert iyong supply po noon ay talagang napakahirap. We are getting only 5,500 a week and we are now negotiating with the US kung puwedeng madagdagan po tayo ng supply ng GenXpert.
SEC. ANDANAR: Noong nakaraang buwan po ay mayroong mahigit dalawang milyong Pinoy ang sumailalim sa COVID-19 tests na nalampasan iyong target na two million. Ano po ang implications nito, Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Ang magandang implication po nito ay nakikita natin, nadi-detect na po natin iyong mga unseen carriers. Ang kagandahan po dito ay madali na po natin kaagad silang ma-contact trace at the same time ang implication noon is ma-isolate po natin kaagad. So, kapag nagra-ramp-up tayo ng testing kailangan tingnan po natin iyong sistema ng contact tracing at saka po iyong end to end na isolation po at saka treatment po natin.
So, iyon po, maganda na dahil tumaas na po, 2.7 na po ang na-test na na-conduct natin at 2.6 na po na mga tao ang ating na-test. Maganda pong implication iyon na talagang iyong unseen enemy natin ay nakikita na po natin, iyong tinatawag nating variance between iyong apparent COVID-19 positive at saka po iyong true positive numbers ay lumiliit na po.
So, sa ngayon po maganda po talaga iyon kasi from testing, we can ramp-up iyong ating contact tracing at saka iyong ating isolation phase and also we can have iyong tinatawag nating early detection. We can have also early treatment at mapapababa po natin ang ating mga severe at saka critical cases. Iyon po ang nagiging implikasyon kapag maganda po ang testing natin.
SEC. ANDANAR: Ayon po sa UP OCTA Research Team ay na-flatten na ng Pilipinas ang COVID-19 curve as of September na sinasabing less than 1% na lang ang reproduction rate. With that, may posibilidad po ba na mas luwagan na ang quarantine measures specifically dito po sa Metro Manila at mga karatig probinsiya sa mga susunod na buwan?
SEC. GALVEZ: Iyon pong balita po ng ating UP OCTA ay napakagandang balita po iyon at ito po ay nag-i-indicate lang na iyong pinaghihirapan ng ating IATF, NTF, mga local government units at saka iyong private sector ay nagbubunga na po. Nakita natin dahil siguro tumaas na rin ang consciousness ng ating mga mamamayan ay talagang nag-a-ano na sila ng face shield at saka face mask kaya bumaba po ang nakita nating reproduction.
Pero iyon po, tinatawag nating optimism with caution, dapat i-caution pa rin natin na huwag tayong magkumpiyansa. Though mataas pa rin po kasi iyong kaso ng NCR at saka iyong ibang lugar, huwag po tayong magkumpiyansa.
Nakikita po namin itong September po na ito maganda po ito na maging transition kasi nakita po natin—natutuwa nga po ang ating mahal na Presidente noong ini-report ni Secretary Duque na almost 30% sa buong Metro Manila ang bumaba ang active cases at nakita natin iyong ating new cases na tumaas ng almost 7,000, ngayon bumababa na po, nag-a-average na po ng 1,900, 2,000, malaking improvement po ito.
At ito po ay talagang isa sa nakikita natin na pagbaba ng mga new cases. Gusto naming i-congratulate ang ating mga local government units lalo na dito sa NCR at ang ating mga health workers at saka ang ating mga tinatawag nating mga pathologists at saka mga microbiologists na talagang tulong-tulong na ginagawa po natin na iyong talagang pagbaba po nito ay nakikita po natin napakaganda.
Isang critical po na nakita namin dito iyong aggressive isolation natin, iyong Oplan Kalinga na pinamumunuan ni Secretary Vince Dizon at saka ni Mike Salalima ng MMDA. Isa rin po na nakikita po namin na… noong nagbukas po tayo ng mga hotel para makuha po natin iyong mga ating mga kababayan na naka-home quarantine at na-isolate po natin kaagad ay nabawasan po natin ang contamination within the family.
SEC. ANDANAR: Sinabi ninyo po na mas malaki iyong tiyansa ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa isinasagawang home quarantine ng mga asymptomatic at may mild cases at iyan nga po ay narinig ko rin sa inyo sa ilan sa mga lakad natin sa Cotabato, sa Iligan, sa Cagayan de Oro. Ano po ang mairirekomenda ninyo para masolusyunan ito, Sec. Galvez?
SEC. GALVEZ: Nag-usap po kami ni Secretary Año dahil kasi mayroon po tayong Joint Memorandum ang DOH at saka DILG na ina-allow natin ang home quarantine. I believe nakita natin iyong ating ano… I strongly agree sa sinasabi ni Valenzuela Mayor na mahirap iyong magkaroon ng home quarantine; kaya iyong Valenzuela at saka Bulacan ay nagpapa-implement sila ng no home quarantine policy.
So, talagang kailangan po iyong isolation phase natin is very aggressive at saka absolute na lahat po ng positive kailangan po talaga nating i-isolate kasi nakita po natin even iyong mayayaman po na nagho-home quarantine nagkakahawaan po iyong kanilang mga kamag-anak.
So, ang ano po namin nina General Año ay magkaroon po ng IATF Resolution na talaga pong i-discourage po natin or i-disallow na po natin iyong home quarantine kasi nakita po natin sa Region III, sa Region IV-A, sa Manila and nakita natin iyong experience natin sa Navotas at saka sa Pateros, noong tinanggal po natin iyong home quarantine doon sa area na iyon talagang nakita natin bumaba nang napakalaki ang mga kaso po doon sa area po na iyon.
At nakikita po natin na talagang kung magkakaroon po tayo ng aggressive isolation ng mga positive cases at maihihiwalay po natin iyan sa community, malaki po ang chances na… pati po iyong first contact ng mga positive cases maihiwalay po natin kaagad, malaki po ang tiyansa na talagang bababa, hindi lang po magpa-plateau but magbababa po. Hindi lang magpa-flatten ng curve kung hindi bababa po ang ating cases into single digit number.
SEC. ANDANAR: At dahil po sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bacolod City ay inirekomenda ng DILG na isailalim sa MECQ ang lugar. Samantala, hiniling rin ng gobernador ng Lanao del Sur na ilagay din sila sa MECQ. Tama po ba ito? Ano po ang tugon ng task force dito?
SEC. GALVEZ: Noon pong gumawa po tayo ng presentation kahapon sa IATF, isa sa mga rekomendasyon po ng National Task Force ay i-escalate po natin ang quarantine control ng Lanao del Sur at saka po ng Bacolod; dahil po ang Lanao del Sur as recommended by Governor Mamintal Adiong, ang sabi niya talagang tumataas na rin iyong kaniyang kaso.
And then ganoon din po, nag-usap din kami ni Bacolod Mayor na talagang tinitingnan namin, talagang napakataas ng kaniyang rate of increase, iyong attack rate napakataas po mas mataas pa po sa Iligan. So, ang ginawa po namin ay talagang pinag-usapan po namin ni General Año, ni Secretary Año, na iangat po ng MECQ ang Bacolod dahil kasi ang Bacolod din po, iyong critical care capacity niya ay talagang nagiging critical na po.
Sa ngayon po, papunta po kami bukas sa Bacolod para po matulungan ang paggawa ng mga quarantine facilities kasama po namin si USec. Sadain ng DPWH at ang ating Testing Czar, na nandoon din si Sec. Vince at kasama rin po natin si Mayor Magalong. Iyong buong team po natin na ang ating istratehiya na test, treat, isolate and trace ay kasama po natin para at least makumpleto po natin iyong mga tinatawag nating interventions para mapabilis po mapabilis po na before the end of September ay maging normalized na po iyong ating Bacolod City and Negros pati iyong Iloilo.
Nandoon din po sa area sila Secretary Cimatu at saka si Major General Feliciano na siyang bumuo ng team dito sa Cebu, so iyong experience po nila sa Cebu ay dadalhin po nila doon sa Iloilo at saka po sa Bacolod.
So, iyon pong kampanya po natin na iyon ay patuloy po nating gagawin at saka bibigyan po natin ng ayuda din iyong ating mga local producers ng masks.
Ang maganda po dito ay ang ating DOST at saka DTI at saka ang DOH at ang DBM ay nagtulung-tulong na po para at least iyong reproduction po ng mga mask, reusable mask ay maging maayos at talagang mapaganda para at least iyong ekonomiya po natin, iyong mga small and medium enterprise ay magkaroon po ng tinatawag natin na pagkakataon na makabangon. Kasama po dito ang TESDA sa paggawa po ng masks po natin.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa pagpapaunlak, Secretary Carlito Galvez Jr., ang Chief Implementer ng National Task Force against COVID-19. Mabuhay po kayo, sir.
SEC. GALVEZ: Mabuhay po tayo. Maraming salamat sa pagsama po ninyo po sa akin.
USEC. IGNACIO: At sa punto pong ito ay makakausap natin ang chairman ng Cooperative Development Authority, walang iba po kung hindi si USec. Orlando Ravanera. Kasama sina Regional Director ng CDA-NCR na si Ginoong Pedro Defensor at ang General Manager po ng Magsaysay Multipurpose Cooperative na si GM Marlon Roño. Magandang umaga po sa inyo.
USEC. RAVANERA: Magandang umaga, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Para po kay USec. Ravanera, ito po iyong tanong: Sa matinding epekto po kasi ng pandemya, kumusta naman po iyong ating mga kooperatiba sa pagtugon sa krisis na ito?
USEC. RAVANERA: Salamat sa maganda mong tanong, USec. Rocky. Sa kadilimang dulot ng pandemya, ang spirit of compassion and service of the cooperative is true. Alam po ninyo marami po kaming maibabahagi sa inyo tungkol sa magandang ginagawa ng ating mga kooperatiba sa buong bansa.
Ibig ko pong ipaalam sa inyo na ang mga kooperatiba po ay tumulong lalo na sa mga pagkain, sa PPEs at sa mga libreng sasakyan at totally po, sa amin pong data, masasabi po natin ang kabuuang tulong ng 18,481 cooperatives sa buong bansa ay umabot na po sa P1.3 billion in cash na ang nagbenepisyo nito mga 790,000 cooperative members and about 653,000 non-members sa buong bansa po. At a total po ng mga 433,615,000 worth of donation in kind and in form of relief goods, food packs and PPEs binigay na po sa mga coops across the country na nag-benefit po ng mga 801,000 coop members at 182,000 non-members. At mayroon pong ginawa din ang ating mga kooperatiba na mga voluntary activities including free transport, provided shelter to first responders and medical staff, employment and training among and served some 83,535 coops and government employees, constructions workers, urban poor, PWDs.
Ito po ang magandang nangyari dahil gusto ko rin pong magpasalamat kay Senator Bong Go, dahil sa kaniya pong panawagan din na ang mga kooperatiba ay i-allocate po nila iyong kanilang community development fund at ito po ang tugon ng ating mga kooperatiba sa panawagan ng ating mahal na Senador Bong Go.
So, iyon po ang gusto naming ibahagi na talaga pong tumindig ang kooperatiba. Kaya nga po, USec. Rocky, gusto ko lang ipakita rin na mayroon po kasing ginawang study, research study, claimant study ang international cooperative research group na US International Cooperative Development Council headed by Dr. Judith Hermanson supported by the United Nation Assistance for International Development.
So iyon po ang gusto naming ibahagi, na talaga pong tumindig ang kooperatiba. Kaya nga po USec. Rocky, gusto ko lang ipakita rin na… mayroon po kasing ginawang three month study ang international cooperative research group na US International Cooperative Development Council headed by Dr. Judith Hermanson supported by the UN Assistance for International Development. Ang sabi po nila, iyong sa study nilang ‘what difference that cooperatives make.’ Ang sabi po doon, kung mayroong kooperatiba, doon po maunlad ang kabuhayan ng komunidad; at ito pa po ang sinabi sa study – at ito po ay pinatunayan ng ating mga kooperatiba sa buong bansa – na ang Pilipinas daw po ay nangunguna sa kooperatiba sa Asia and the Pacific. Ang ibig nilang sabihin, the Philippines is the cooperative leader in Asia and the Pacific. At iyon po napakita nila because ang mga prinsipyo po talaga ng kooperatiba ay pagserbisyo at iyon po ay pinakita ng kooperatiba during this crisis.
Kaya nga po nagbibigay po kami ng isang taimtim na pagpupugay sa lahat ng kooperatiba sa buong bansa na ipinakita po ninyo ang inyong pagmamahal, ang inyong pagtulong at nakita po natin.
Alam po ninyo, USec. Rocky, pumunta po kayo dito sa Bukidnon, kawawa po ang ating mga Lumads, itong mga indigenous people halos sila wala po makain. Alam po ninyo by the trucks po mga pagkain, pinadala po ng mga kooperatiba doon po sa Talacad, Bukidnoon, para tulungan ang ating mga katutubo na nagugutom, so iyon po. At marami po kaming maibabahaging mga istorya, pero because of the problem of time, siguro po hanggang dito na lang po ako. Marami pong salamat, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. Ravanera, inyo pong iniutos nga sa mga kooperatiba na gamitin iyong kanilang CDF o Community Development Fund para po makatulong sa mga miyembro ninyo. Kumusta na po, ano po ang update dito, USec?
USEC. RAVANERA: USec. Rocky, maganda nga po eh dahil iyon pong panawagan namin by law, iyon po ay tinugunan ng ating mga kooperatiba. At ang total po ng naitulong nila, kung ating bibigyan sa aming data po ano sa may bahaging ito, umabot po ng 1.3 billion po galing po sa kanilang Community Development Fund na natulungan ang mga miyembro nila at iyong mga non-members na nagkaproblema during this time of crisis. At ang donation din po nila, including po sa Community Development Fund, umabot din po ng 433 million po worth of donation – relief goods, food packs, PPEs – sa mga komunidad po, ito po iyong kanilang naitulong. At ang sinabi ko po kanina, iyon po numero ng mga individuals po na kanilang natulungan.
USEC. IGNACIO: Salamat po, USec. Ravanera. Punta naman po ako kay Director Defensor ng CDA-NCR. Director, tungkol po dito sa Community Development Fund, paano po ito na utilize ng inyong kooperatiba na hawak po ang naturang pondo?
DIR. DEFENSOR: Magandang umaga po sa lahat, kay Secretary Andanar, USec. Rocky.
As mentioned by the chair po, kooperatiba po as provided under Article 85 of the Republic Act 9520, every year inaatasan po sila na mag-set aside at least 3% ng kanilang kita under the Community Development Fund. So dito po, ang pondo na ito ay dapat gamitin nga po nila para sa kapakanan ng komunidad.
So, madali lang po sa paggamit noon, all they need to do is to disburse the cash and use it for the purpose and intent ng community development po. Tulad po ng sinabi ni Chair Orly, in most cases po, hindi lamang po pagtulong sa mga miyembro ang ibinigay nila, ganoon din po sa pagtulong sa ating mga frontliners in terms sa sasakyan, food packs, accommodations and financial assistance, lahat po iyon ginamit ng ating mga kooperatiba. And ayon nga po sa datos namin, Metro Manila alone, baka po umabot or pumalo na siya sa mga 120 million in terms of assistance extended by our cooperatives using this particular fund. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat po, Director. Para naman po kay GM Marlon ng Magsaysay Multipurpose Cooperative. GM, when it come po with Community Development Fund, anu-ano po iyong mga proyekto na isinagawa ng Magsaysay Multipurpose Cooperative para naman po makatulong sa ating mga miyembro like po iyong sa seafarers na isa po sa naapektuhan ng pandemya?
GENERAL MANAGER ROÑO: Magandang umaga sa inyo, USec. Rocky at sa lahat.
Ang masasabi po namin sa tinatawag naming MAGCOOP, Magsaysay Multipurpose Cooperative, karamihan po diyan ay mga seafarers po. At alam po natin na noong nag-umpisa iyong pandemic noong katapusan ng Marso, napakarami pong mga seafarers, lalo na iyong mga cruise personnel na mga kasapi po namin ay mga napauwi at nagkaroon ng repatriation.
So iyong aming kooperatiba po dahil sila po ay aming mga kasapi, una, iyong mga may outstanding loan, ang ginawa po namin ay for three months, winaive [waived] po namin ang pagbayad nila ng kanilang bayaran sa koop. At gayunman, iyong interest on interest po ay aming winaive [waived] po iyan.
So iyan ang aming ginawa. At saka marami po rin na nangangailangan ng financial assistance, kami po ay nagbigay ng tinatawag naming emergency loan, at napakarami pong nabigyan namin ng tulong at umabot po iyon ng mga about 15 million. So iyon po ang aming unang ginawa.
At pangalawa po, dahil po ito ay isang bago at ang karamihan sa atin na hindi pa masyadong nai-educate, so ang aming ginawa po ay nagkaroon po kami ng webinar sa lahat ng mga kasapi namin at ng mga dependents nila. Ang seminar on what is all about the COVID-19 at paano natin mapi-prevent ito.
So napakarami pong natulungan namin at marami pong sumama at nag-participate. In fact, umabot po ng mga about 5,000 na mahigit ang nakasali na, at we keep on educating them. So iyon ho ang una naming ginawa.
Pangatlo po ay nag-conduct po kami ng webinar at saka online orientation at saka seminar on financial management during this pandemic dahil iyan po ay napakahalaga sa panahong ito upang sila ay maintindihan kung paano sila financially can be sustainable. So katulong po kami diyan. Nag-i-invite po kami ng mga financial experts upang ihatid sa kanila kung paano tayo magiging financial … iyong literacy ng bawat isa during this time dahil itong panahong ito ay medyo mahirap sa bawat isa.
So iyan po ang aming ginawa. At, of course, iyong aming cooperative po ay dinesisyunan po rin namin na i-distribute na iyong kinita ng kanilang share capital at patronage refund dahil ito ang panahon na kinakailangan nila ng tulong financially.
So iyon po ang aming pangunahing ginawa. At, of course, ang ginawa rin namin ay sa aming barangay, dalawang barangay na kung saan ang MAGCOOP ay nandoon, barangay dito sa Maynila, ay nag-donate po kami ng mga tulong sa mga barangay LGUs na bigas at saka iyong mga face masks at saka iyong mga alcohol para tulong na rin sa aming komunidad.
Iyan po so far ang nagagawa namin. At ang mahalaga po, kami ay kinu-connect namin ang bawat isa na kung paano ang mga kasapi namin ay maging sustainable during this very hard time.
USEC. IGNACIO: Opo. GM Marlon, nabanggit ninyo nga po itong emergency loan. So paano po ang proseso nito para sa ating mga miyembro? Kasi napakahalaga dapat hindi sila nai-expose o sabihin na natin dapat contactless iyong dapat ibigay para po hindi sila nai-expose or napapangalagaan nila iyong kanilang safety. Binigyan ninyo rin daw po sila ng grace period at extended pa rin po ba iyong pagbabayad ng loans?
GENERAL MANAGER ROÑO: Ganoon po. With the use of technology, ngayon po kami ay online. Lahat po ng mga miyembro namin ay nakapag-apply ng loan through online. At we also give the financial assistance through the banking network. So, hindi na ho sila kailangang pumunta sa aming opisina sa Maynila; may opisina rin po kami sa Cebu, sa Bacolod, sa Iloilo at sa Davao. Hindi na ho namin ginagawa iyon na face to face dahil kailangan ho nating pangalagaan ang bawat isa sa atin. So online po kami at mayroon kaming platform na ginagawa, at every day ho we are in touch with our members.
USEC. IGNACIO: Opo. Babalik po ako kay Director Defensor. Sir, pansamantala raw pong ipinasara iyong inyong opisina para po sa kapakanan ng inyong mga empleyado. So paano po kayo maaabot o mari-reach out ng mga stakeholders para po doon sa mga transactions and inquiries?
REGIONAL DIRECTOR DEFENSOR: Tama po, ma’am. Kasi po isa sa mga empleyado namin ay nag-positive sa COVID, kaya to protect our employees, pansamantala po naming isinara ang aming opisina effective hanggang September 14 po. Pero mayroon naman po kaming ipinaskil na anunsiyo doon sa office namin at ganoon din po sa Facebook and other platform na kung saan ay patuloy pa rin po kaming magsisilbi sa kanila sa pamamagitan ng e-mails or sa Facebook na kung saan anuman po ang kanilang nila ay puwede nila kaming ma-reach by e-mailing us at [email protected]. At patuloy po kaming nakikipag-communicate sa kanila.
Kasi ang ginawa po namin, nagkaroon po ng group chat ang aming cooperative development specialists na kung saan doon po nila naipahahatid ang lahat ng mga information at katanungan na gusto ng ating mga kooperatiba po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat po, sir. Usec. Ravanera, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo para sa mga kooperatiba sa ating buong bansa. Usec?
USEC. RAVANERA: Ito po ay isang pagkakataon na ang amin pong opisina, ang Cooperative Development Authority ay taimtim na nagpupugay po sa ating mga kooperatiba. So, isa pong taimtim na pagpupugay sa inyong lahat!
Alam po ninyo, Usec. Rocky, sa buong Pilipinas, mayroon po tayong 18,451 active cooperatives with about 11.6 million members. Ang masasabi po natin na sa panahon po ng kadiliman na dinulot ng COVID-19, kayo po ay nagsilbing liwanag sa lahat. Kaya po naipakita po natin talaga ang tunay na diwa ng kooperatiba. At iyon po, sabi po natin, na ang mga kooperatiba po ay talagang nagkaisa at tumulong, at iyon po ang aming ikinagagalak dahil napatunayan po natin ang kasabihan, Usec. Rocky: “Transformative Cooperative for People, Planet, Prosperity and Peace.”
At alam po ninyo, ang dami na po ngayong gustong sumali sa kooperatiba. At nakikita po natin, lalo na po ang ating mga katutubo ‘no, sumali na po sila, nagkooperatiba na. Pati nga po iyong mga doon po sa Munai, [unclear] Lanao del Norte, at alam ko po nakikinig ang aking mga kasamahan doon ngayon, sina Asec. Sam. Kasi po na-organize din po natin sila into cooperatives about three months ago na sila po, mga 15,000 of them, I think prior to that crisis, prior to the quarantine, pumunta po ang ating mga staff doon sa kanilang lugar sa Camp Bilal, 15,000, Usec. Rocky, 15,000 former combatants of the Moro Islamic Liberation Front, nagkooperatiba po sila. At ang panawagan po nila “Mangapagari akon, sama-sama na tanok kooperatiba”. Isa lang armas natin ngayon – kooperatiba lang. At ito po ay sinundan ng pag-surrender ng another force doon po sa Maganding, Lanao del Sur under the command of Abdul Ayungan Amoran na ang kuwan po doon, nag-organize din po sila ng cooperative special forces – 1,500 of them.
At dito po sa buong Mindanao ngayon, ang panawagan po, nag-ikot po kami halos araw-araw para ipakita sa mga IPs natin na piliin nila, kooperatiba. So, Usec. Rocky, ito po ang maganda eh, sa kadiliman ng gabi, ang naging daan pala sa kapayapaan ay kooperatiba. So masasabi po natin, ang kooperatiba ay hindi lamang laban sa number one enemy of the country which is poverty and social injustice, it is also a fact, a counter-revealing force against climate change and against violent extremism.
So iyon po, marami pong salamat at naibahagi namin ang tunay na diwa ng kooperatiba, Usec. Rocky. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, USec. Orlando Ravanera ang Chairman ng CDA; Regional Director Pedro Defensor, CDA-NCR; at General Manager ng Magsaysay Multipurpose Cooperative na si GM Marlon Roño. Mabuhay po kayo. Ingat po. Stay safe.
Samantala, puntahan na po natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo. Alamin naman natin ang pinakahuling balita mula sa PTV Cordillera kasama si Danielle Grace De Guzman, Danielle.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Danielle Grace De Guzman ng PTV Cordillera. Magbabalita naman po mula sa Davao City si Jay Lagang. Go ahead, Jay.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jay Lagang ng PTV Davao. Pasalamatan natin ang ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.
Diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, ako po si Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.
USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si USec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Samahan po ninyo kami muli bukas para sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)