Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #87
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Isang araw na naman na punung-puno ng balita at impormasyon ang aming ihahatid sa inyo.

USEC. IGNACIO: Isang oras na naman na siksik sa mga napapanahong usapin ang ating pagtutuunan ng pansin kaya naman makiisa at makialam sa mga ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan.

SEC. ANDANAR: Kasama pa rin ang mga resource persons mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, ating bibigyang-linaw at kasagutan ang mga katanungan ng ating mga kababayan kaugnay sa COVID-19 pandemic.

USEC. IGNACIO: Mula po sa PCOO, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Good morning, Rocky – ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat; PCG Commander, Vice Admiral George Ursabia, Jr.; Philippine Ambassador to Egypt Sulpicio Confiado.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin Secretary, si Presidential Adviser, Secretary Joey Concepcion at OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang Philippine Broadcasting Service. Para naman sa inyong mga katanungan, maaari po kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Samantala para sa pinakaunang balita, umapela si Senator Bong Go kaugnay pa rin sa Department of Overseas Workers Bill na tutugon sa mga pangangailangan ng mga OFW. Aniya, marami ang kasalukuyang stranded at hindi makauwi dahil sa paghihigpit sa biyahe sa iba’t-ibang bansa. Bukod pa diyan, marami sa ating mga OFWs ang nakakaranas ng psychological stress na dulot ng naturang suliranin.

Matatandaang taong 2017 nang maitayo ang OFW Bank sa pamamagitan ng Executive Order No. 44 na nag-aalok ng pinansiyal na serbisyo para sa mga OFW. Ayon kay Senator Go, ang bangko ay maaaring makapagpahiram sa mga OFW, lalo na sa panahon ng pandemya kung saan apektado ang kanilang trabaho sa ibang bansa. Bukod sa OFW Bank, mayroon na ring itinatayong kauna-unahang OFW Hospital sa San Fernando City, Pampanga.

Kaugnay naman sa mga kinakaharap na problema ngayon ng OFW, patuloy ang pagsulong ni Senator Go sa Department of Overseas Filipino Workers’ Bill upang tulungan ang mga kababayan natin abroad. Panawagan ng senador sa concerned agencies na mas pagbutihin pa ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga ahensiya upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga OFW.

SEC. ANDANAR: Bukod diyan, nanawagan din si Senador Bong Go sa mga government agencies na tulungan ang documented at undocumented migrant workers in distress dahil sa COVID-19 pandemic. Aniya, dapat na tulungan ang mga Pilipino abroad, documented man o hindi.

Samantala ayon kay Secretary Bello, inuuna muna ng ahensiya ang pagpapaabot ng tulong sa mga documented OFW ngunit sinisiguro ng Kalihim na magpapaabot din sila ng tulong sa mga undocumented OFWs. Umapela si Sec. Bello sa mga mambabatas na tulungan ang Labor Department na i-secure ang funding kaugnay sa cash assistance para sa mga migrant workers na nangangailangan ng ayuda mula sa gobyerno dahil, aniya ay lumagpas na ang ahensiya mula sa target nitong 250,000 ay umabot na po sa mahigit 500,000 migrant workers ang nangangailangan ng assistance.

Dahil sa ipinatutupad na community quarantine sa bansa, isa rin ang sektor ng turismo sa lubhang naapektuhan ng COVID-19. Kaya upang makibalita kaugnay diyan, makakausap natin sa programa sa kauna-unahang pagkakataon si Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat – magandang umaga sa iyo, Sec. Puyat.

SEC. ROMULO-PUYAT: Yes, magandang umaga Sec. Martin and Usec. Rocky. Thank you for inviting me.

SEC. ANDANAR: Dahil sa COVID-19, maraming pagbabago ang inaasahan sa sektor ng turismo sa bansa at ngayon ay unti-unti nang binubuksan ang iba’t ibang economic activities. Anu-ano ba iyong mga implementing guidelines and programs ng DOT para sa mga accommodating establishments, restaurants at tourist spots at kaugnay sa ating pag-adopt po sa tinatawag natin na new normal?

SEC. ROMULO-PUYAT: Yes. Of course under Modified GCQ, puwede nang magbukas ang tourism – 50%, pero like for example sa Palawan, under Modified GCQ pa rin siya pero under sa IATF guidelines natin, kailangan ding may concurrence of the local government unit. Ibig sabihin, for example let’s say sa Baguio, June 1 pa Modified GCQ na ang Baguio pero noong nakausap natin si Mayor Magalong, gusto pa niya munang magbukas September kasi gusto niya iyong kaniyang sariling safety protocols within Baguio ay ayos.

With regard to establishments, kailangan may certificate of authority to operate ang lahat ng establishments, so that we have the prescribed minimum health standards. Mabilis lang naman ito, kung DOT-accredited ka, kailangan ka lang naman magbigay ng letter of intent, lahat po ito are online and then we sometimes even make muna visual or virtual tour and then saka na lang magbi-visit.

Ang mga health and safety guidelines would require, for example lahat naka-face shield, naka-face mask; for example, pagpunta mo sa front desk, lahat contactless na at mayroon nang parang glass in front and there’s always physical distancing. In fact, for example sa floor, what a lot of the resorts do, they have mga foot markings. Kasi dapat one meter apart ka, but sometimes hindi nga alam kung ano iyong one meter apart so may mga foot markings, so doon ka na lang tatayo.

Now, binibigay ngayon ng mga establishments are hand sanitizer, face mask – iyon na iyong new normal now, of course iyong physical distancing, palagi iyong nandoon. We know, with all Filipinos ‘di ba, we like touching pero as of now habang walang vaccine, the new norm would be physical distancing, wearing a mask and laging naghuhugas ng kamay or laging nagha-hand sanitizer.

SEC. ANDANAR: Ano po ang plano ng DOT kaugnay sa promotional plans para sa muling pagbubukas ng tourist destinations sa mga lugar na nasasailalim po sa MGCQ or GCQ?

SEC. ROMULO-PUYAT: Actually Sec. Martin, even before nagka-MGCQ—actually during ECQ, we’ve never stopped promoting. We have the video called ‘Wake Up in the Philippines,’ that’s actually all the different regions. We showed this not only here in the Philippines but also abroad.

Prior also to nagka-Modified GCQ, ang importante ay iyong close coordination with the local government units; of course all the establishments, iyon isa-isa na namin, kahit naka-GCQ, kinakausap na para for them to be able to follow iyong health and safety protocols. Iyon, tuluy-tuloy naman iyon but as we know when we are—magkasama tayo sa IATF, iyong mga hotels lalo na dito sa NCR, never naman siyang nagsara eh kasi it was open to OFWs, healthworkers, bank employees, BPOs. But of course for tourism, puwede lang siyang magbukas sa Modified GCQ but at 50%.

Now with regard to restaurant establishments, we are in close coordination with the Department of Trade and Industry and also with the DOLE. Ang pag-accredit for restaurants ay voluntary but we find that marami ang nagpapa-accredit para lang for, I guess, ‘seal of good housekeeping’ at lahat ng DOT-accredited na establishment whether hotel, restaurants or any establishment, binibigyan namin ng libreng app – kasi ngayon contactless na – we give them a ‘Safe Pass Express’ or an ‘Eat in Express’ para makatulong sa mga maliliit na establishments na makapag-business na contactless.

USEC IGNACIO: Sa palagay ninyo Secretary, gaano katagal iyong bago maka-recover ang tourism industry natin and sa palagay ninyo kakailanganin ninyo ba ng subsidies or assistance sa gobyerno at kung kailangan ninyo magkano naman po ang puwedeng abutin nito?

SEC. ROMULO-PUYAT: Pumasa na sa House third and final reading iyong P58 billion subsidy para sa mga stakeholders ng Department of Tourism. This requires either zero percent loans, working capital for… mga loan guarantees, etcetera. So, iyon lahat ay pinag-uusapan at pumasa na ito sa House. We talked about this with the private stakeholders, with the Tourism Congress of the Philippines at patuloy at—ginawa na rin namin, nag-waive na kami like for example kasi lahat ngayon kailangang maging accredited ng Department of Tourism, libre na po ito. So, hindi na kailangan silang mag-aalala na may bayad ang pag-accredit, wala na po, libre na po.

Of course, during the ECQ humingi kami ng tulong sa DOLE para sa CAMP at sa Department of Finance para sa kanilang Small Business Wage Subsidy, pero siyempre mas masaya kami na finally under Modified GCQ magbubukas na ang turismo. Actually, we just got the latest statistics for tourism, nag-increase ang tourism by 10.8% from the previous year. Ang employment na ng tourism as of 2019 is 5.7 million compared to the previous year. So talagang… gaya ng sinabi mo, Sec. Martin at Usec. Rocky, ang laki ng tama sa amin. So, ngayon ang ginagawa na lang namin ay we are preparing all the establishments under the new normal. We are closely coordinating with each local government unit para pagdating doon ng mga turista ay… iyong mga domestic tourist, magdo-domestic tourism muna tayo, para pagdating nila ay safe.

Nabukas na natin ang Boracay as of June 16, pero ang gusto ng governor at mayor, magbukas sa Western Visayas. Noong bumisita kami ni Sec. Cimatu at ni Sec. Año, we were very impressed, kasi contactless na. Kapag pumasok ka sa Boracay, magpapakita ka na lang ng isang QR code at nandoon na iyong health declaration form mo online na. Tinanong namin sa governor at mayor kung bakit gusto muna nilang magbukas sa Western Visayas, gusto daw nila slow but sure ang pagbukas.

Next week pupunta po ako sa Palawan, under Modified GCQ na sila, kakausapin natin si Governor Alvarez at pag-uusapan din natin ang protocols. Noong kausap ko siya, gusto niya muna kagabi na domestic tourism muna. Si Governor Yap, bibisitahin ko na rin one of these days kasi ipini-prepare na namin, under Modified GCQ na ang Bohol, ang gusto rin niya ay domestic tourism muna. But we are also looking at the—for example like Bohol at saka Boracay and even Palawan, halos wala silang COVID. In fact, Boracay is COVID free. We are looking at in the near future what we call travel bubbles or travel corridors. Ibig sabihin, we are talking to different countries na halos walang COVID cases na puwede na silang lumipad diretso sa tourist destination, like for example Bohol at saka Boracay, mayroon silang international airport.

So, for example magi-start muna tayo sa domestic tourism and since zero COVID naman sila, we are looking at from their country up to let say Boracay or Bohol na puwede na tayong magka-travel bubble or travel corridor. So, at least, hindi lang tayo limited to domestic tourism but international tourists as well.

USEC IGNACIO: Opo. Secretary, kung na-determine na daw po ng inyong tanggapan iyong total loss sa tourism sector and iyong projected total loss for this year po ng Department of Tourism?

SEC. ROMULO-PUYAT: Well, when we looked at it from January to May, mga negative 60% already ang loss. Noong January actually, positive tayo ba 8%. Noong February na-decrease na siya by negative 45% dahil sa mga travel ban. Ngayon—March also ganoon ang nangyari, pero April and May because of the different travel bans not only around the country, but also all over the world, may mga kaniya-kaniyang travel restrictions. So, mga naka negative 60% na tayo na bawas.

Now, it’s very hard to predict, iyong mga next steps, kasi as I was saying, marami na sa ating mga tourism destinations na puwede na ang domestic tourism. Of course, kailangan nating kausapin ang different local government units and hopefully if this goes well, we will finally be able to accept countries wherein practically zero or low cases of COVID.

So, because ang COVID di ba very fluid. So we are taking it day per day, but ang masaya kami, finally in a lot of the tourist spots like Palawan and Boracay, puwede na ang Modified GCQ, puwede na ang turismo. Ang Palawan nga lang, kailangan lang i-establish iyong mga protocols, it’s more of iyong readiness ng local government unit. Pero under Modified GCQ puwede na nga talaga ang turismo.

USEC IGNACIO: Opo. Secretary dahil sa ipinatupad na community quarantine maraming local and international tourist ang na-stranded po sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Pero ano po iyong assistance na ipinaabot natin sa kanila at kumusta rin po iyong ating sweeper flights. May bilang na ba tayo kung ilan pa iyong kailangang mabigyan ng tulong, Secretary?

SEC. ROMULO-PUYAT: With regard to foreign tourist, noong first two weeks pa lang ng ECQ nag-stage kami ng sweeper flights for all our foreign tourists; lahat kasi kaniya-kaniyang ECQ. So noong first two weeks, we already assisted all the foreign tourists. Tapos noong first week of May, ina-assist na rin natin lahat ng domestic stranded tourist.

Iyong ibig sabihin ng domestic stranded tourist, iyong nasa tourist spots sila, tapos may return tickets sila. So, we have already actually assisted and we are continually assisting both foreign and domestic tourists. Iyong mga ibang foreigners, kaya nandito pa rin sila, because they actually chose to stay in the country. Ang sabi nila ay they chose not to go home, kasi parang mas gusto naman nila nagigising daw sila sa El Nido or nagigising daw sila sa Siargao or even Dumaguete.

But iyong mga domestic stranded tourists, we have staged sweeper flights for the first week of May from Siargao, Palawan, Boracay and even from Davao and Cebu. We have already ano… but we continually, iyong mga by land, we have continually. Mayroon kasi siyempre hindi namin napi-pick-up. We are continually helping them iyong by land, by sea and by air; pero iyong lahat ng na-stranded by air napauwi namin.

Iyong mga ibang stranded pa rin ngayon, they actually chose to stay even for domestic tourists. They actually chose to stay, but siyempre dahil GCQ na, we are quite happy nakakauwi naman na sila on their own, because nagkaka-commercial flights na.

SEC. ANDANAR: Ang bansa natin, Sec. Puyat, ay talagang isang malaking tourist destination at umaasa tayo sa dami ng turista. And of course sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Duterte ay pataas ng pataas ang ating mga bisita mula sa ibang bansa. Pero dahil sa COVID-19 ay ito nga ngayon. Can you give us, just the visualization, a picture of, ilan ba iyong nawalang turista sa atin, iyong nawala at ilan din iyong nawala sa buong mundo at kailan kaya tayo makakabangon, kailan kaya ang mundo makakabangon mula dito sa ating dinadanas na pagbagsak ng tourism?

SEC. ROMULO-PUYAT: Actually, what is interesting di ba 12.7% of GDP ang turismo. Pero 10.8% noon ay galing sa domestic tourism. So, everybody thinks that it’s more of foreign tourists; it’s actually 10.8% out of the 12.7% ay galing sa domestic tourism.

In fact, domestic tourism expanded from 2.85 trillion pesos to 3.14 trillion pesos. So sa domestic tourism pa lamang – kaya masaya nga ako na marami nang nagmo-Modified GCQ, at ang mga LGUs ay gusto na nilang magbukas – puwede na, unti-unti nang magkakatrabaho ang ating mga tourism stakeholders at mabubuhay ang turismo.

Last year, may record tayo with regard to international tourist arrivals. That was a record of 8.26 million. That was the first ever in the history of tourism. But of course, it’s very hard to predict for this year because of all the different travel restrictions all over the world. Like for example, even let’s say gusto mo man or allowed ka man pumunta sa ibang bansa, mayroon nga silang … kailangan magpa-test ka ng RT-PCR – mag-swab, tapos kailangan kang mag-quarantine ng 14 days.

Kaya nabanggit ko iyong travel corridor or travel bubble kasi tinitingnan lang din namin na iyong mga countries, let’s say, Australia or New Zealand na halos walang COVID, may option sila to fly, kasi we have 7,641 islands, may option sila to fly to the islands na may international airports – we have 12 international airports – ay option sila to fly there na zero COVID naman para i-match lang natin ang, for example, Australia or New Zealand, let’s say to Bohol na halos walang COVID cases. But kung sa domestic tourism pa lang, ito ay talagang malaking tulong sa ating turismo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano na lang ang inyong mensahe o paalala sa ating mga kababayan, katulad namin din na talagang gusto na rin naming mamasyal at puntahan iyong magagandang lugar sa Pilipinas?

SEC. ROMULO-PUYAT: Ang mensahe ko lang is, for example iyong social media, keep posting all your pictures all around the country. Ngayon, lagi naming sinasabi is, stay home first habang nasa GCQ pa tayo; dream and wake up in the Philippines. Just continue—right now, buy local; support local. And kapag kunwari Modified GCQ na iyong tourist spot at pumapayag na iyong local government tumanggap ng mga turista from all over ay please visit and travel local.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa inyong panahon, Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Stay safe, Secretary.

SEC. ROMULO-PUYAT: Thank you.

SEC. ANDANAR: Para kumustahin naman ang lagay ng ating mga kababayan sa Egypt, makakausap natin si Philippine Ambassador to Egypt, Ambassador Sulpicio Confiado. Magandang umaga po sa inyo, Ambassador.

AMBASSADOR CONFIADO: Magandang umaga rin po, Mr. Secretary, and to all your viewers and listeners. Good morning.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon po, kumusta na ang kalagayan ng ating mga OFWs sa Egypt? May mga kababayan ba tayo riyan na nagpositibo sa virus?

AMBASSADOR CONFIADO: [Garbled] undergoing recovery. We received very positive news from the medical team that she is doing better. Unfortunately, in Sudan, we got one case [garbled] still confirming the autopsy and final medical result to determine if it is COVID related or not. So sa ngayon po ay dalawang confirmed cases pa lang tayo dito sa Egypt, at doon sa atin pong four other jurisdictions which is Djibouti, Eritrea, Ethiopia and Sudan.

SEC. ANDANAR: Ambassador, ilan na po ba iyong na-repatriate? At kailan darating iyong iba pang iri-repatriate sa mga susunod na araw?

AMBASSADOR CONFIADO: [Garbled] international airport [garbled] on the preparation to be able to repatriate them in small groups. So [garbled] by last April [garbled] mayroon po tayong na-repatriate na 312 Filipino workers from … working in Turkish shop which had railway development project in Ethiopia. But this was funded by their company, but the DFA and the embassy acted with the documentation.

[Garbled] mayroon tayong in-organize na [garbled]

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, last June po ay nagbalik operasyon na iyong ating embahada diyan sa Cairo. Para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, ano po ba iyong contact o website na dapat nilang kontakin para po makapag-request ng repatriation assistance at iba pa pong consular concerns?

AMBASSADOR CONFIADO: Doon po sa ating FB page, Philippine Embassy in Egypt. Naka-indicate po doon, mayroon po tayong dalawang hotline 24/7: Isa pong consular hotline for those who have emergency consular applications that they have to undertake; at mayroon tayong ‘assistance to national’ hotline na 24/7 po for those distressed Filipinos who would need immediate assistance.

USEC. IGNACIO: Ambassador, para po sa mga kababayan naman natin na nagtatanong, paano naman daw po iyong magiging proseso para makauwi sila lalo na po iyong mga undocumented OFWs, saan po sila maaaring lumapit? At anu-ano po iyong mga certificates at iba pang mga kailangang dokumento, travel documents na dapat po nilang i-provide para makauwi na sa Pilipinas?

AMBASSADOR CONFIADO: Sa ngayon po ay mayroon tayong pina-process na 60 undocumented overseas Filipinos. [Garbled] exit clearances po. Sa ngayon, we’re doing [garbled] so we have made representation with the immigration department to facilitate the processing of their exit clearances.

Kasi po [garbled] individual would have to obtain a clearance. So [garbled] call anytime during the day. And of course, we will [garbled] as far as documentation is concerned, those with passport and those without passport.

SEC. ANDANAR: Ambassador, paano naman po iyong ibang may immigration cases? Patuloy rin ba iyong pag-aasikaso natin sa mga ito sa gitna ng pandemya?

AMBASSADOR CONFIADO: Opo. Kamukha po ng sabi ko, iyong mga nagpalista po for repatriation, sinasamahan po namin sa Immigration because immediate representation and we will inform them that we will be repatriating our nationals [garbled] to be able to facilitate the process.

So tingin ko po itong proseso na ito at iyon naman ibang may cases mayroon naman po tayong, aside from our [unclear] staff, mayroon po tayong legal retainer which represent them kung may mga cases filed before.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon ay may schedule na ba iyong pamahalaan ng Egypt para sa pagbubukas ng kanilang airports?

AMBASSADOR CONFIADO: Sang-ayon po sa latest announcement po ng [garbled], bubuksan po iyong international airport dito sa Cairo at iba pang major [garbled] after … from July onwards.

They will provide us with details kung anong mga airlines na po iyong ang lilipad in and out of Egypt.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, kumustahin naman po natin iyong natatanggap ng ating mga kababayan diyan sa ilalim po ng DOLE-AKAP cash assistance. Kumusta na po ito? At ilan na po ba iyong mga nag-apply o napagkalooban nitong tulong ng pamahalaan na ito sa kanila?

AMBASSADOR CONFIADO: [Garbled] Egypt at iyong ating four other jurisdictions are not under the priority country for the DOLE-AKAP at the embassy has received the request from our Overseas Filipino Workers who … and we have forwarded the same to DFA, so [garbled] Department of Labor and Employment. But nevertheless, mayroon po tayong initiatives na ginawa for those who are really in need at nakapag-distribute na po tayo ng around 100 food packs. [Garbled] and then mayroon po tayong second wave for about 200 plus in coordination po with the international organization for migration.

And then we are working closely also with the IOM, International Organization for Migration Office in Sudan wherein they have already distributed about 340 food packs assistance to our nationals.

And then mayroon po tayong third wave for those who are really most in need, those who have been displaced, those who lost jobs so we will continue to provide them with food assistance po.

And then lately, we also made representation with a private charity hospital by which we could refer some of our nationals in case they will need medical assistance. But for COVID related assistance po, iyong Egyptian government has designated about 26 hospitals and 10 laboratories, lahat po ng charges will be shouldered by the Egyptian government.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Ambassador Confiado. Baka mayroon po kayong mensahe sa ating Filipino community sa Egypt, Ambassador.

AMBASSADOR CONFIADO: Unang-una po, marami pong salamat sa pagkakataon na maibahagi natin iyong latest information about our Filipino nationals here in Egypt and in our four other jurisdictions. And—so we have continuously reminded our nationals, we continue to say po to follow all the protocols prescribed by our host government and the Philippine government [garbled] of course everyone’s safety.

As I said, kung mayroon po tayong mga pangangailangan huwag pong mag-atubiling kontakin po iyong ating assistance to national hotline at gagawin po namin ang lahat upang matulungan natin ang ating mga kababayan.

At mayroon din naman pong ibang good news, even in Ethiopia po may mga kababayan tayo na [garbled] ‘no to defy the pandemic. Mayroon po tayong grupo ng mga technical local workers who designed the hand washer, mayroon pong nag-design ng disinfectant cabin. Dito naman po sa Cairo, mayroon [garbled] iyong mga frontliners po natin, about a 100 of them have been, you know, been recognized for their services especially during this pandemic. At the same time, patuloy din po iyong [garbled] for our Filipino overseas dito sa Cairo.

Marami pong salamat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Ambassador Confiado mula po sa Egypt. At para naman alamin ang updates sa mga isinasagawang operasyon ng kanilang tanggapan sa gitna ng COVID-19, makakausap natin sa puntong ito si Philippine Coast Guard Commandant Vice Admiral George Ursabia, Jr. Magandang araw po, sir.

VICE ADMIRAL URSABIA: Magandang araw sa’yo Usec. Rocky at saka kay Secretary Martin.

USEC. IGNACIO: Opo. Una po, nagpadala po ng tanong si Robina Asido po ng Daily Manila Shimbun, ito po iyong tanong niya: Can you give an update on the number of the cruise ships staying at the Manila Bay anchorage area and the current status of the Filipino seafarers on board these ships?

VICE ADMIRAL URSABIA: Okay. Sa ngayon we have 32 cruise ships ano, a total of 32 cruise ships. Iyong mga seafarers niyan karamihan naibaba na, iyong iba of course, waiting for the result of the RT-PCR na kinonduct sa kanila. So marami nang naibaba, we have been very responsive in doing our job in ensuring that these Filipino seafarers can integrate with their family. So we have been very effective on such effort.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta naman po iyong nagpapatuloy na operasyon ng Philippine Coast Guard kontra COVID-19? Ano po iyong mga pagbabago na isinasagawa natin para mas mapabilis po iyong proseso partikular po doon sa repatriation ng mga returning overseas Filipinos?

VICE ADMIRAL URSABIA: Well doon sa airport, mayroon na tayong one-stop shop ‘no, ini-integrate iyong mga efforts ng different agencies concerned na involved dito sa processing ng OFW. Ang Coast Guard is, we are observing iyong lead agency concept; Coast Guard is there to assist and support these lead agencies kaya mapapansin ninyo Coast Guard is everywhere, anywhere but it is because we are supporting and assisting concerned lead agencies.

Ang kagandahan ngayon doon sa airport, mayroon ng software or automated na ang pag-process ng returning OFWs. Doon pa lang sa country of origin, puwede na silang mag-register online ‘no, they will just go to the website of Red Cross at fill-up-an nila iyong Red Cross Case Investigation Form, online iyan para pagdating nila dito sa Pilipinas, dahil mabibigyan iyan sila ng QR code, iyong QR code lang ipakita nila doon sa Coast Guard na mag-process sa kanila, scan-in iyong QR code nila and all the information will already reflect doon sa computer or laptop.

Then they will be given a corresponding barcode. Iyong barcode nila will be their identity already so hindi na nila po kailangan pang mag-fill up ng mga forms na mano-mano, iyong ginawa dati kaya naiiwasan natin ngayon mga errors or mga, you know, iyong mga hindi mababasang mga pag-fill up ng forms kasi automated na lahat. Through the barcode, ito na iyong identity nila throughout ‘no pag-process.

At ang kagandahan pa nito, maximum of 5 days na lang iyong pag-quarantine sa kanila. Kung before it will take 20, even 22 days, ngayon 5 days na lang, ang iba nga 3 days ‘pag negative sila they can already leave the quarantine facility and be able to join their family. So malaki talaga ang ano ngayon, ang pagbabago, a lot of improvement, a significant improvement at that.

SEC. ANDANAR: Sa kalagayan sir ng libu-libong Locally Stranded Individuals sa Metro Manila, ano ba ang mga hakbangin ng PCG para masigurong ligtas na makakauwi ang mga ito sa kani-kanilang mga probinsya?

VICE ADMIRAL URSABIA: Sec. Martin, sa lupa, we are deploying our buses ‘no kasi ang Coast Guard, we have 6 buses dedicated for such purpose kaya tumutulong kami sa pag-transport nitong mga LSI by land. Sa dagat naman, we are using our new French vessel ‘no, iyong OPV natin, iyong BRP Gabriela Silang na pangalawang sortie na niya ngayon; the first one was last week and this week, kaaalis lang niya kahapon all bound for Mindanao iyong mga LSIs na karga niya. So we are using our new offshore patrol vessel for such purpose. Pagbalik niya, another sortie hanggang maubos natin iyong mga LSIs nandito sa Manila bound for Visayas and Mindanao.

SEC. ANDANAR: Anu-ano naman po ang mga inisyatibo na isinasagawa ng Coast Guard para masiguro ang kaligtasan din ng mga PCG frontline personnel laban sa COVID-19?

VICE ADMIRAL URSABIA: Well talagang—number one, kami, we are observing iyong biosafety protocol. We have our own biosafety protocol at of course ini-strengthen din namin iyong mga psychosocial support through debriefing at saka distressing programs at nagko-conduct din kami ng regular RT-PCR testing sa mga frontliners namin to make sure that they are also free from COVID.

At saka mayroon din sa amin tinamaan, there are… as of yesterday, 52 of our personnel ay nag-positive—54 pala iyong nag-positive pero 42 ay naka-recover na, so konti na lang iyong ano—there are 12 still recovering. Ang kagandahan dito, puro sila asymptomatic eh, asymptomatic sila Sec. kaya we are positive na—or optimistic na makaka-recover lahat ito.

So iyon, talagang strict observance of wearing of PPE at saka sina-subsidize din namin iyong mess nila, iyong pagkain nila para naman magkaroon sila ng nutritious diet, then binibigyan din namin sila ng vitamins, iyong vitamin C with zinc para naman tumibay iyong antibodies nila kasi nga itong COVID ay virus nga po ito. So iyan po iyong mga ilan sa mga ino-observe namin na proteksiyon para sa mga tao namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa mga lugar po kung saan nakataas ang Modified General Community Quarantine o MGCQ, balik-operasyon na po ba iyong mga pampasaherong barko at ano po iyong mga regulasyon na ipinatutupad natin para naman po masiguro iyong kaligtasan ng publiko sa mga sasakyang pandagat habang nagpapatuloy pa rin po ang banta ng COVID-19?

VICE ADMIRAL URSABIA: Well, iyong sa passenger vessel, ang ano diyan is they are only allowed to carry 50% of their full capacity, and they are to observe also strictly iyong mga prevention ano, preventive measures such as wearing of mask at all times, iyong paghugas ng kamay, pagdadala at paggamit ng alcohol and social distancing or physical distancing at all times. Iyon po, at kailangan ipatupad on board sa mga passenger vessels.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Philippine Coast Guard Commandant, Vice Admiral George Ursabia, Jr. Stay safe po, sir.

VICE ADMIRAL URSABIA: Thank you very much po for giving us this opportunity as well.

SEC. ANDANAR: Ngayon ay makakausap natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Magandang araw po sa inyo, Sec. Joey.

SEC. CONCEPCION: Good afternoon, Martin.

SEC. ANDANAR: Last April 23 nang i-launched ninyo iyong Project ARK bilang parte ng massive at targeted testing sa bansa, sa ngayon po kumusta na ito, Secretary?

SEC. CONCEPCION: Well, mula noon, when we launched it, halos about 350 companies joined Project ARK. Halos 1.3 million rapid test kits ang dumating in the last – one month now, so marami na ang nati-test at halos marami na rin ang natapos at iyong mga data na galing sa mga private companies ay dumarating na sa amin and we are going to include this in a data pool and eventually ang gagawin namin dito, ibibigay namin iyong data sa ibang grupo na mag a-analyze nito.

Kasalukuyan rin nagti-test din kami ng mga LGUs – iyong Manila, Quezon City, Pasig, Marikina, Antipolo lahat iyan. About close to 70 cities and municipalities, a number of private sector companies donated to these LGUs and [unclear] this point in time. So close to mga 1.3 million rapid test kits, iyong halaga noon is about almost 400 to 500 million pesos.

On top of that Martin, iyong grupo ng Project ARK tumulong rin sa mga 11 government hospitals, iyong Tala, iyong Jose B. Lingad, iyong TLMC, iyong Perpetual, etcetera, Cebu, Zamboanga – so, ang tulong namin dito iyong RT-PCR equipment at automatic extractions.

So, Congresswoman Janet Garin, former Health Secretary noong panahon ni President Aquino ay iyong siyang Chief Private Sector Implementer namin dito sa Project ARK. At malaking bagay rin ito, kasi buong week eventually, they are being installed. Some are installed, some were running already and iyong total additional capacity nito ay aabutin ng mga 12,000 swab test on a daily basis ‘no.

And if I can add, you know, itong full testing na we are now starting, the Philippine Society of Pathology is conducting the research. We are funding the research, itong full PCR testing ay malaking bagay, ito ang parang big game changer, kasi iyong research is going to be a research between 5, 10 and 20 samples per kit ‘no. In other words, five people, ten people, twenty people in one kit. Now depende sa research, we will see which is more effective. Assuming na lang ten will pass, that means kung iyong capacity per day, that’s—and you go on full testing, that’s 300,000 that you can test ‘no on a daily basis.

So, that is the big game changer now. Sinusuportahan din ito ng Philippine Children Medical Center, sila ang gagawa ng research and we are funding them. And hopefully in the next two weeks, the preliminary results of the research will come out and we will now implement certain sectors, iyong manufacturing sector, iyong mga dumarating na mga OFWs, mga construction workers, so iyan ang gagawin namin. And the moment ang DOH rin will eventually get involved and looked into the research and hopefully the protocols will come out. So, we can implement this immediately.

USEC. IGNACIO: Secretary, may bago pong programang ginagawa ang Project ARK na tinawag po na Pooled PCR. Tungkol saan po itong proyektong ito at iyong kahalagahan at maitutulong nito doon sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kaugnay po sa ating testing capacity?

SEC. CONCEPCION: Well, sinasabi ko kanina na iyong research na ginagawa namin together with PSP, the Philippine Society of Pathology at Philippine Children’s Medical Center, depende sa sample size na magreresulta dito, ‘cause we are testing between five, ten and twenty ‘no.

So let say ten samples sa isang test kit, so isang makina na automatic extraction, mga 96 iyan test kits puwedeng ilagay. Now, you only have 96 people that are—but with assuming ten samples per test kit, that will become 960 samples than can be your output – so, mas mabilis, mas maraming tao ang mangyayari dito na capacity increase.

Now, the only difference here is one test kit comes out positive, then all of those in that test kits have to be tested individually. That’s the only difference. Pero sa nakikita natin iyong infection level natin sa Pilipinas is about 2 to 5% of the population. So China is doing this, UK is doing this – many other countries are already doing this.

If you will exceed infection rate, beyond 5% then full testing will not work, but we are way below that at this point in time.

USEC. IGNACIO: Secretary, kahapon nabanggit po ni Secretary Vince Dizon sa virtual presser na nalagpasan na po iyong 50,000 target testing natin, bago matapos iyong June. Bukod po dito dumating na rin iyong mga test kits natin na nag-set din ng bagong goal na within July ay makapagsagawa po ng 1 million test, ano po ang masasabi ninyo dito?

SEC. CONCEPCION: Well, ang kagandahan nito, kasi kaming—we introduced Vince sa isang zoom meeting with Chairman of Sansure, kasi bumili kami ng, iyong private sector bumili ng maraming testing equipment sa Sansure na PCR at automatic extraction and it pave the way for the Philippine government to really directly negotiate with the chairman himself ‘no.

And I think they brought in a lot of test kits. So, I think this is gonna happen under Secretary Vince, definitely Deputy Chief Implementer siya and he has having supporting arm, the entire private sector, iyong grupo namin sa Project ARK, iyong of course Red Cross nandiyan rin iyan and may mga iba pang sumasali dito. So mahalagang bagay ito, kasi iyong challenge natin sa ekonomiya talagang matindi ito. I mean, its’—now nakikita natin iyong mga micro and small entrepreneurs, medium sized pagbukas nila medyo disappointed sila kasi iyong traffic daw talaga mahina.

So, we have to bring back confidence to the Filipino people that we are in control of health situation. The Philippines together with Indonesia and Singapore were not there yet. We are one of the three countries that are still struggling in controlling the level, of course the Philippines is doing quite well. But still, we are looking at the other ASEAN countries they have it under better control.

So we really have to test more people. Yes, once we test there will be more infections, you can see it. There will be more cases, that’s because we are testing more. So, but at least we can control it. We will know and identify where the problem is and isolate, trace and control the infection. So, without testing, we will not be able to control our health situation in the country and that is why it’s very important.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Joey Concepcion.

SEC. CONCEPCION: Salamat rin Rocky at Martin.

USEC. IGNACIO: Samantala sa puntong ito makakausap natin si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac – magandang araw po.

ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang araw Usec. Rocky, sa iyong tagapakinig, tagapanuod, magandang araw din po.

USEC. IGNACIO: Administrator ito po iyong una nating tanong: Sa kabila po kasi ng mga balitang natatanggap kaugnay sa mga hinaing ng maraming OFWs na apektado ng COVID-19 mula sa iba’t-ibang bansa, paano po mas pinaiigting at tinitiyak po ng inyong ahensiya na matutugunan po iyong kanilang mga concerns sa lalong madaling panahon?

ADMINISTRATOR CACDAC: Opo. Sa ngayon po, mayroon tayong mga health lines at Facebook pages para madali silang makasangguni. In fact, bago kayo tumawag, I was going over the inbox of our Facebook page at sinusubukan kong tugunan ang lahat ng mga tanong doon.

Of course, mayroon tayong mga hotlines sa kaniya-kaniyang POLOs (Philippine Overseas Labor Offices), at doon naman, puwedeng idulog din iyong concern ng ating mga OFWs.

Siyempre, when it comes to overseas, mayroong certain restrictions or limitations kasi depende sa regulasyon ng movement doon sa host country. Halimbawa, sa Saudi at sa Kuwait, medyo mahigpit pa rin; UAE, medyo mahigpit pa rin. Kaya in that sense, limitado iyong movement ng mga tao natin; but nevertheless, through phone calls at saka iyong food assistance ay mayroong tayong naisasagawang tulong.

Doon sa pagsasagip, ang mga tao naman natin ay nakahandang sumagip ng mga kababayan natin na nangangailangang dalhin sa shelter. Iyong mga may COVID-related concerns ay dinudulog natin sa health authorities ng host country para matugunan iyong kanilang concern. Although, aaminin ko, may limitasyon din dito kasi ang host country ay may sarili ding medical protocols patungkol sa pag-address ng COVID cases.

So by and large, we try our best, Usec., na matugunan ang lahat. But may kaniya-kaniyang proseso, may kaniya-kaniyang stage ng kaso o sitwasyon. But eventually, nasasaayos naman iyong kanilang pagpapauwi, ma-grant ang exit visa, repatriation kaya nga araw-araw ay may tinatanggap tayong mga OFWs na nangangailangan ng tulong.

Noong isang araw lamang ay nasa airport ako para gabayan iyong kaanak ng mga dumadating ng namatay…namatayan sila ng OFW nilang mahal sa buhay, na dumating ang mga labi.

SEC. ANDANAR: Administrator, paano natin tinutulungan, halimbawa, iyong mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19? Mayroon po bang tumututok na medical health workers sa kanila sa mga quarantine areas? Kasi may ilang cases sa Middle East na matapos daw pagsama-samahin sa isang gusali iyong mga positive cases ay hindi na sila gaanong nabibigyan ng assistance.

ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, Sec. Mart, mayroon naman tayong mga teams, iyong ating welfare officers na pilit pa ring kinu-coordinate sa local health authorities sa host country iyong kani-kanilang mga sitwasyon.

Of course, maselan ang sitwasyon kasi hindi naman—iyong sa medical protocol, hindi naman dapat din sumugod o magpunta iyong mga tao natin doon kung mayroon ng COVID positive situation. Halos kapareho din ang sitwasyon dito – it is better left to the medical authorities.

So iyong pagdulog, may mga nadadala sa doktor at sa ospital, sa klinika, pero mayroon pa talagang kailangang tulungan in terms of medical attention kasi nga, ito iyong sinasabi ko po kanina, na bukod sa medical protocols ng host country ay mayroon ding mga issues na katulad ng volume at dami ng tao na nangangailangan ng tulong. Kaya’t paisa-isa, dahan-dahan silang dinudulog sa mga medical authorities para mabigyan sila ng kaukulang medical attention.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon, kumusta po iyong mga labi ng mga OFW na pumanaw sa ibang bansa dahil sa COVID-19 pati na rin iyong mga non-COVID-19 cases?

ADMINISTRATOR CACDAC: Oo, ito iyong kakatapos lang na pulong namin dito na idinaos ni Secretary Bello at ng Department of Health, may Undersecretary ng DOH na nandito kanina, at iyon nga ho ang napag-usapan. Dahil also in coordination with the DOTr ay mayroong pagpapauwi ng mga labi ng mga kababayan nating nasawi, sa kinasamaang-palad, lalo na sa Saudi. So isinasaayos na itong kanilang pagpapauwi.

In due time, they will be home. We assure you that. Si Sec. Bello mismo ang nagpapasinaya ng prosesong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Administrator, follow up lang po, tanong ni Tuesday Niu ng DZBB. Kailan nga daw po mapapauwi iyong remains ng OFWs na namatay sa Saudi? Inaprubahan na raw po ito ng IATF. Ilang remains ang pinag-uusapan po dito at kasama ba sa maiuuwi ang mga OFWs na namatay sa COVID-19 o iyong mga non-COVID deaths? Via chartered flights po ba ito at kailan sila uuwi?

ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, I think nasagot na iyong tanong na iyan, at mayroong anunsiyo patungkol diyan. At lahat po ng mga nasawi na OFWs sa Saudi ay iyon na nga ho ang sinasagawa nating effort ayon din sa kapasyahan ng IATF. At whether COVID or non-COVID po ay isinasaayos na iyong kanilang pagpapauwi.

Hindi ko lang po mabigay ngayon ang tukoy na araw. Mayroon na siyempreng napapag-usapan na takdang araw pero hindi ko pa maanunsiyo sa panahon na ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po OWWA Administrator Hans Cacdac. Alam po namin na kayo po ay abalang-abala. Mabuhay po kayo and stay safe, Administrator.

ADMINISTRATOR CACDAC: Salamat, Sec. Mart. Salamat, Usec. At salamat din po sa inyong mga tagapakinig/tagapanood.

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito ay dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORTING BY CZARINAH LUSUEGRO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Czarinah Lusuegro.

Samantala, dumako naman tayo, COVID-19 cases sa bansa. Sa huling tala po ng Department of Health as of June 25, 4 P.M., umabot na po sa 33,069 ang dami ng mga nagpositibo sa COVID-19 kahapon; nadagdagan ng walo ang mga nasawi kaya umabot na ito sa 1,212.

Samantala, patuloy pa rin ang dami ng nadagdag na kaso ng mga nakaka-recover. Kahapon po ay naitala ang additional 255 recoveries na umabot sa 8,910 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.

At iyan po ang ating mga balitang nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako naman si Secretary Martin Andanar, magkita-kita tayo bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)