SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang umaga sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng Pilipinas. Isang panibagong linggo na naman ng pakikibaka ang ating kahaharapin sa gitna ng banta ng COVID-19, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Good morning sa iyo, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio kasamang maghahatid ng tamang impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa ating bansa na may kaugnayan sa pandemya.
SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
COVID-19 count muna tayo, as of 4 P.M. kahapon ay lumampas na sa 30,000 mark ang kabuuang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa matapos itong madagdagan ng 653 cases kahapon; 415 sa mga bagong kasong ito ang tinaguriang fresh cases habang 238 naman ang late cases. Nasa 20,600 naman ang kabuuang bilang ng active cases sa bansa.
Kapansin-pansin na sa nakalipas na isang linggo, tuluy-tuloy ang naging pagtaas ng reported cases kada araw. Naitala ang pinakamataas na bilang nitong Sabado, June 20 na umabot sa 943. Bahagya naman itong bumaba kahapon na umabot sa 653 cases.
Kapansin-pansin rin na sa nakalipas na isang linggo ay sa NCR nagmula ang pinakamaraming kaso na umabot sa 36%, sumunod naman ang Region VII na umabot sa 35% at ang nalalabing 29% ay nagmula sa iba’t ibang rehiyon.
Samantala, umabot na rin sa 1,169 ang mga nasawi sa bansa matapos itong madagdagan ng labingsiyam kahapon, habang nasa 7,893 ang mga gumaling na nadagdagan ng 243.
USEC. IGNACIO: At para po sa inyong katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay ang (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang source ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Maya-maya po ay kasama nating magbabalita si John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service.
SEC. ANDANAR: Para sa ating mga balita, pagbibigay ng allowance para sa mga manggagawa ng gobyerno na nag-volunteer sa mga mega swabbing at iba pang COVID related facilities, isinusulong ni Senador Bong Go. Sa ilalim ng Congressional Joint Resolution No. 4 Series of 2009 ay maaari umanong payagan ng Pangulo ang pagbibigay ng duty allowance sa mga government employee na nagbo-volunteer sa mga COVID-19 facilities sa bansa sa halagang papayagan ng Department of Budget and Management. Aniya, nararapat lang na bigyan ng importansiya ang sakripisyo ng mga volunteer-frontliners na naglalaan ng kanilang oras at lakas para makatulong sa kapwa.
USEC. IGNACIO: Proposed guidelines para sa back riding, pinag-aaralan na: Senator Bong Go, may apela sa mga commuters. Sa isang pahayag, sinabi ni Senator Bong Go na malaking tulong sa ating mga kababayan kung papayagan na ang back riding sa mga motorsiklo lalo pa’t limitado pa rin ang public transportation hanggang ngayon.
Pero aniya, mahalaga na siguruhin munang gagawin ito sa ligtas na paraan. Dapat umano pag-aralan muna ang health and safety protocols para masiguro ang kaligtasan ng rider at pasahero, kagaya na lang ng paglalagay ng plastic dividers para maiwasan ang hawahan ng sakit. Umapela pa rin ang Senador sa bawat commuter na sumunod sa mga patakarang ipatutupad ng pamahalaan para hindi na umano dumami pa ang bilang ng mga nahahawahan ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, tuluy-tuloy pa rin po ang pag-iikot ng aking kasama po dito, si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, sa buong bansa para tulungan ang displaced media workers dulot ng COVID-19 pandemic. Sa pangunguna nga po ni Secretary Martin Andanar, ang itinuturing pong ama ng lahat ng mamamahayag sa buong bansa, nagtungo ang ahensiya sa Quezon (Province) para personal na kumustahin ang mga manggagawa ng media sa probinsiya at mahatiran ng kaunting ayuda mula sa kanilang media counterpart sa pamahalaan.
Dito po ay binalita rin ng Kalihim na maaari nang mabigyan ng ayuda ang mga media workers na naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng second tranche ng COVID-19 Adjustment Measurement Program o CAMP 2 ng DOLE. Sa kasalukuyan ay hinihintay na lang umano ang approval ng Department of Budget and Management para sa programang ito.
SEC. ANDANAR: Oras po natin, alas-onse y nueve na po ng umaga at tuluy-tuloy po ang ating pagbabalita dito sa ating Public Briefing #LagingHandaPH. At iyon nga Rocky, tayo ay nagtungo doon sa Quezon, sa Lucena, at bukod doon sa pamimigay natin ng kaunting ayuda sa ating mga kasamahan sa media, ay tayo din ay nagpunta sa mga farms nila doon at iyong kanilang mga hanapbuhay doon para sa ating Balik Probinsiya Program, makuhanan natin ng video at para maipakita natin sa buong Pilipinas kung gaano kaganda ang lalawigan ng Quezon.
USEC. IGNACIO: Opo, at saka iyong ginagawa ninyo po Secretary, isa rin po talagang malaking tulong sa ating mga kasamahan sa mamamahayag dahil alam po natin na talaga namang sobrang lahat po ay apektado ng COVID-19. At iyon naman pong sa Balik Probinsiya, napakahalaga pa rin po nito para nga po ma-spur iyong economic activities sa mga kanayunan, na talaga naman pong dapat i-decongest na rin ang Metro Manila.
SEC. ANDANAR: Correct iyan. Nagpapasalamat tayo kay Governor Danny Suarez at sa kaniyang anak na si Jenny Suarez sa mainit na pagtanggap, kasama rin si Vice Governor Sam Nantes at ang ating mga kasamahan sa Philippine Information Agency at Radyo Pilipinas. Thank you so much.
Samantala, makakasama natin ngayong araw sa ating Public Briefing si Assistant Secretary Celine Pialago, ang Tagapagsalita ng MMDA. Nandiyan din po ang Presidente at CEO ng PhilHealth, Retired Brig. Gen. Ricardo Morales; si Ambassador Adnan Alonto mula sa embahada ng Pilipinas sa Kingdom of Saudi Arabia; si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac; at si Chargé d’Affaires Mary Ann Padua mula naman sa embahada ng Pilipinas sa Thailand.
Una nating makakapanayam ang Tagapagsalita ng MMDA, si Asec. Celine Pialago. Magandang umaga sa inyo, Asec.
ASEC. PIALAGO: Magandang umaga, Secretary Martin at kay Usec. Rocky at sa lahat po. Magandang umaga sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Ma’am, ngayong araw na ito, June 22, ay inaasahang bibiyahe na sa ating mga kalsada ang dagdag na bus at ilang modern jeepneys sa Metro Manila. Ano ang magiging major change na ipatutupad sa ruta ng mga ito sa ilalim po ng second phase ng rollout ng public transportation sa Metro Manila?
ASEC. PIALAGO: Secretary, all over Metro Manila mayroon po tayong 4,600 city buses pero nauna na pong bumiyahe iyong nasa mahigit 1,200 noong phase 1 po ng GCQ. So more or less, 3,400 po ang inaasahang madadagdag for the phase 2 ng GCQ, sa usapin po ng public transportation. Para naman po sa mga ilan po nating modernized jeepneys, nasa 1,500 po iyong inaasahan na bibiyahe simula po ngayong araw.
Ngayon, sir, mayroon tayong adjustment sa mga ruta dahil noon ho, 96 ang routes all over Metro Manila pero nabawasan po iyan at naging 31 routes na lang po iyan. So kung dati Secretary halos lahat ng city buses na nasa 2,500 out of 4,600 sa EDSA iyan nadaan, ngayon po, maiiba na po iyong mga ruta nila. Iyong dati pong jeepney route, magiging bus route na rin po iyan, iyong iba namang mga bus route na konti iyong unit, madadagdagan po ng ilang mga bus unit.
SEC. ANDANAR: How about the safety protocol inside these public utility vehicles? Paano natin masisiguro na masusunod ang health and safety protocols sa mga PUV na ito at all times?
ASEC. PIALAGO: Secretary, sa pakikipagpulong po sa mga bus operators, naging maliwanag po sa kanila na dapat po ay 50% capacity lamang ang mga nasabing city buses. Ganoon din po ang mga modernized jeepneys kung saan po pinaghandaan talaga po at nagkaroon po ng divider na plastic, sa mga pasahero. Mayroon din pong mga traffic marshals, kaya nga sir dito sa ating bus route, for example sa kahabaan ng EDSA, apat na bus stops po iyong mama-maximize natin kung saan mamo-monitor po iyong mga buses na magsasakay dahil mayroon po tayong mga traffic marshals diyan.
Sa kahabaan naman po ng Commonwealth, mayroon pong 19 bus stops, kumpleto po ng signages. May mga traffic enforcers din po para tiyakin na nasusunod po iyong mga safety health protocols ng mga nasabing city buses. Sila po ay mayroong mga sanitizers, alcohol sa loob po ng city buses; mayroon din po silang mga foot pad doon po sa mga modernized jeepneys lalo na ho sa mga ruta na panggagalingan ng mga nasabing public transportation.
So iyon naman, Secretary, ngayon po ay bigyan lang ho—iyong iba ho nating mga kababayan, I’m very sure malilito po sila dahil iyong mga dati hong nakasanayan nila na jeepney ang nakikita, ang makikita na po nila diyan ay mga city buses. For example po, iyong dating Rizal Avenue going to Monumento, jeepneys po ang bumibiyahe diyan; sa ngayon po ay city buses na po iyong makikita natin diyan.
So para po sa mga katanungan, sir, doon sa mga routes, since 15 routes po ang bibiyahe ngayon para sa mga modernized jeepneys, pagpasok po ng June 24, madadagdagan po ng siyam na routes; pagpasok po ng June 26, madadagdagan naman po ng sampung ruta. Available po iyan sa mga Facebook page ng iba’t ibang transport agencies, Secretary.
USEC. IGNACIO: Okay. Asec. Celine, marami sa ating mga kababayan na po iyong bumili ng mga bisikleta para maging service nila papasok sa trabaho. Kumusta na po iyong ginagawang bike lane ng MMDA along EDSA sa pakikipagtulungan po ng DOTr; ito daw po ba ay nahahati sa dalawang phase?
ASEC. PIALAGO: Tama, Usec. Iyong first phase po natin last week, Saturday, naglagay na ho ng mga markings, white markings para ho maging bike lane. So iyan na ho ang designated bike lane para sa ating mga siklista.
Ngayon, ma’am, mayroon po iyang sukat na minimum na 1.22 meters, maximum po na two meters. Since hindi po talaga kakayanin, ma’am, na 1.5 o uniformed po iyong sukat para sa mga bike lanes, nagkaroon po ng markings. May plano po ang aming ahensiya at Chairman Danny Lim po namin, ang together with Secretary Art Tugade, na lagyan po iyan, of course, ng proteksiyon. So iyang bike lane po na iyan, hindi na po muna elevated sa ngayon. Pero ang long-term plan po talaga dapat ay elevated iyan. Pero sa ngayon po, para ho ma-designate na at ma-identify na po iyong linya para sa mga siklista, lalagyan po iyan ng proteksyon – puwede pong bollards, puwede pong concrete barriers, puwede pong metal separators. Sa ngayon po, iyon na lang po iyong pinag-uusapan, kung ano po iyong ilalagay na proteksiyon para sa ating mga siklista.
SEC. ANDANAR: Additional safety feature ang paglalagay ng barriers nga para sa bike lanes, para protektahan ang bikers along EDSA. But these barriers are also causing accidents especially at night dahil marami umanong mga sasakyan na nababangga sa mga ito dahil hindi pa sanay sa modified EDSA scheme. Ano po ba ang ating gagawin para masanay po ang ating mga kababayan diyan?
ASEC. PIALAGO: Tama, Secretary. Simula po nang nakapaglagay ng mga concrete barriers sa kahabaan ng EDSA, which was June 1, nakapagtala po ng 18 accidents – iyong dalawa po dito ay aksidente po doon sa mga plastic barriers, pero po iyong 16 ay sa concrete barriers. Pero, Secretary, sad to say ‘no na iyong 16 po na aksidente na iyon ay self-accident o tinatawag po na driver’s error – apat po doon, sir, nakainom; iyong apat po ay pumasok po ng bus lane, nagkaroon ng miscalculation at bigla pong lumabas doon sa mga nasabing concrete barriers. So iyon po iyong mga insidente.
Noong nakaraan lang, sir, may namatay pong rider dahil nadulas po siya sa loob ng bus way at nauntog po siya, it’s either po doon sa concrete sa barrier o doon po sa bangketa. So hindi naman po kasalanan per se ng concrete barriers dahil po ito po ay reflectorized na. Hindi po tayo naglagay ng mga concrete barriers na hindi po reflectorized, at the same time po ay maglalagay po ang MMDA ng additional marker. Ito po iyong… parang kahawig po ito ng traffic light, para ho malayo pa lang ay makikita na ng ating mga motorista.
So, Secretary, paalala lang po, hindi po natin mababangga ang mga concrete barriers kung sila po ay mananatili lamang sa kanilang mga linya at hindi po sila mag-o-overspeeding which is nangyayari po tuwing madaling araw. Iyong 16 na aksidente na iyon, Secretary, 14 po doon ay madaling araw nangyari; apat po doon ay nakainom; apat po doon ay miscalculation. So iyon po iyong mga dahilan kung bakit po nakapagtala ng mga concrete-related barrier accidents.
USEC. IGNACIO: Asec., may mga dagdag ka bang paalala sa ating mga commuters ngayong Monday, back to work na?
ASEC. PIALAGO: Napakaimportante lang, Usec., na malaman po nila iyong mga routes na itinalaga po ng DOTr at LTFRB para alam din nila kung saan po sila sasakay. Iyong dati po nating nakasanayan na isang sakay, paumanhin po pero magkakaroon na po tayo ng adjustment sa usapin na iyan, it’s either po dalawang sakay tayo o tatlong sakay.
Ang kahabaan po ng EDSA na nakasanayan natin, ang ruta po diyan ay EDSA carousel. Sa ngayon po, habang tinatapos po iyong mga bus stops na nasa gitna po at nasa ilalim po ng MRT, apat na istasyon pa rin po ang magagamit natin sa ngayon – North Avenue, Quezon Avenue, Taft Avenue and Ayala Avenue po.
For the meantime po, mag-ingat po tayong lahat at huwag po nating kakalimutan iyong mga safety heatlh protocols na inilatag po ng IATF at DOH lalo na po social distancing para po sa mga pampublikong sasakyan. Iyon lang po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa inyong panahon, Assistant Secretary Celine Pialago, ang tagapagsalita ng MMDA. Stay safe po.
ASEC. PIALAGO: Salamat, ma’am.
SEC. ANDANAR: Sunod nating makakapanayam, ang Presidente at CEO ng PhilHealth, Retired BGen. Ricardo Morales. Magandang umaga po sa inyo, General Morales.
PHILHEALTH PRES. MORALES: Magandang umaga sa’yo, Secretary Martin at Usec. Rocky. Magandang umaga.
SEC. ANDANAR: It’s good to see you again, sir. Isa sa pinakaimportante sa gitna ng health crisis na ito ay ang pagkakaroon po ng komprehensibong health care system para sa lahat ng mamamayan, at ito ay sa pamamagitan ng Universal Health Care Law. But PhilHealth appealed to delay the roll out of said program. Bakit po sa tingin ninyo ay dapat na pansamantalang i-delay muna ito, General?
PHILHEALTH PRES. MORALES: Iyong isyu na iyon ay still under discussion. At hindi naman … hindi ko magiging desisyon iyan; desisyon iyan ng ating mga policy makers in the future. Ang dahilan niyan because tinitingnan natin ang cash flow natin at nakikita natin na mayroong pag-decline ng collection dahil nga tumigil iyong ating ekonomiya, walang pumapasok, hindi nakakatrabaho iyong ating mga directly paying members, so nagsa-suffer iyong ating collection. So iyon ang dahilan kung bakit minabuti nating ipaalam sa ating mga policy makers na baka mayroon tayong hinaharap na problema. So hindi pa desisyunan iyon.
SEC. ANDANAR: In PhilHealth’s projection, kailan sa tingin ninyo po, sir, ang pinaka-feasible time to start the roll out of this law considering that this was also certified as urgent by the President?
PHILHEALTH PRES. MORALES: It’s already in effect. Pagpasok ng taon, immediately eligibility na tayo eh. Lahat ng mga mamamayan ay entitled sa health care whether nakapagbayad siya ng premium o hindi. So in effect na iyan.
May two-year window naman tayo sa pag-i-execute ng Universal Health Care. So nasa first six months pa lang tayo ng two-year window na iyan so may panahon pa naman, may panahon pa tayo para i-execute uli iyong Universal Health Care. It’s already in effect.
USEC. IGNACIO: General, bigyan-daan ko lang po iyong tanong ni Arianne Merez ng ABS-CBN. Ito po iyong tanong niya para sa inyo: Sabi daw po ni Secretary Roque, magse-set siya ng meeting with Presidente Duterte and sa iyo daw po over the alleged corruption in PhilHealth. Were you informed of this; and are you willing to attend? Have you discussed Secretary Roque’s allegation of corruption in PhilHealth with the President?
PHILHEALTH PRES. MORALES: Unang-una, I think it’s premature to go to the President without a solution. Noong pumasok ako dito, iyang isyu na iyan was already in existence lalo na iyang 154 billion na nawawala raw na pondo.
Recently, we got an opinion of the Commission on Audit telling us that they could not find, they could not substantiate this 154 billion loss in the financial statement submitted by PhilHealth from 2013 to 2017. In effect, hindi totoo na may nawawalang 154 billion.
Ngayon, tungkol sa korapsiyon sa PhilHealth. You know, we are a very large corporation; every day we process about 50,000 claims in about 16 regional offices, about 120 branches local health insurance offices, some of them manually; some of them hindi integrated, minamanu-mano iyong lipat, hindi ano … so iyong iba naman automated na. So sa laki ng number, volume of transactions na iyan, may mga inefficiencies iyan but I can assure you that there is no group of people colluding with each other to defraud PhilHealth in this scale, reported – wala.
Mayroon tayong mga inefficiencies, mayroong mali ang pasok ng dokumento, mali ang pag-fill-up ng form but walang syndicate or group of people colluding to defraud the corporation at that scale.
USEC. IGNACIO: Pero General, ano po ang masasabi ninyo na bukod daw po doon sa alleged overpayment and alleged corruption in PhilHealth, may accusation din na unpaid claims hanggang ngayon, ano po ang masasabi ng Philhealth tungkol dito?
PHILHEALTH PRES. MORALES: Ano iyan eh, account reconciliation iyan eh. Actually, kinakausap namin iyong asosasyon ng mga hospital, mga doctors, ang sinasabi namin sa kanila, dalhin ninyo libro ninyo dalhin namin iyong libro natin at iyong mga accountants natin at their levels – sa regions, sa city, sa province – mag-usap para magkasundo kung magkano ang may utang; sino sa kanino at babayaran kung sino magbabayad kanino. That is the way to solve this problem.
Ngayon, ang ginagawa kasi ng isang organisasyon, susulat siya sa mga newspaper, media, instead of discussing with us directly. Actually, pinagharap kami ni Sen. Bong Go ng Presidente ng PHAP, dalawang beses at ang pinag-usapan namin, napagkasunduan namin mag-a-account reconciliation process kami at sinabihan namin iyong aming mga regional offices, branches, go to the hospitals – hospital by hospital – account reconciliation at ginagawa namin iyan.
So, this is just a matter of reconciling our books. Hindi totoong eighteen billion ang utang ng PhilHealth sa kanila at sinasabi nila… Sinasabi nila eighteen billion, kami naman sinasabi namin, hindi. So, dapat mag account reconciliation, that’s the only way to solve this problem.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po—or marami pang mga isyu o kontrobersiya ang lumalabas ngayon patungkol sa PhilHealth at nagkaroon nga kayo ng sagutan ni Sec. Harry Roque sa time kung kailan importante ang undivided attention ng ating ahensiya para tugunan ang pangangailangan. Why do you think this is happening, sir?
PHILHEALTH PRES. MORALES: Well, unang-una, kami ni Sec. Roque we all serve the same boss – the Filipino people and the President, so wala namang issue. Ano lang iyan… that is just a… let’s say different frequency but pointing at the same direction.
OP (Office of the President) interest naman talaga because this is a health emergency – public health emergency and PhilHealth is at the center of this public health emergency. Very prominent ang PhilHealth ngayon although dating prominent na nga dahil dito sa mga allegation ng corruption, but more so ngayon because everybody is looking towards PhilHealth.
So, it’s just expected that people will be more—it will scrutinized the corporation well. But we are ready for this, we are ready to answer all allegations; we have provided information, data top the investigative agencies, to the National Bureau of Investigation, the Presidential Anti-Corruption Commission, the Ombudsman, and the Commission on Audit and we continue to cooperate with them. So, open kami sa lahat ng nagtatanong.
USEC. IGNACIO: General, with the COVID benefit package of PhilHealth, magkano na daw po iyong total amount na nailabas ng ahensiya as of ngayon? Kaya ba ng PhilHealth na i-sustain daw po iyong pangangailangan ng ating mga kababayan?
PHILHEALTH PRES. MORALES: Oh, yes. We started the year with the reserve of about 130 billion. Ang estimate namin na price tag sa COVID-19 is about forty billion. And so far, ang nababayaran namin – actually nabayaran up to end of April this year is about 52.5 billion.
Yes, we have money. We’ll be fine for the year, for the year 2020 and then maybe up to the middle of next year, so there’s nothing to worry about. We will continue the same level of services, immediate eligibility – iyong mga magpapa-dialysis, magpapa-chemo therapy, manganganak, kung anong dating natatanggap ninyo galing sa PhilHealth, patuloy ho iyan at iyong immediate eligibility kahit iyon mga hindi nakabayad ng premium makakatanggap ng healthcare. So, we are fine for this year.
SEC. ANDANAR: As the head of the national health insurance program of the Philippine government, paano po kayo rumeresponde sa mga sinasabi ninyo na rin pong kanilang inefficiencies at iba pang problema sa loob po ng inyong ahensiya, sir?
PHILHEALTH PRES. MORALES: Well, sinabi ko nga kanina, sa laki ng operation ng Philhealth, only a working information system, integrated, harmonized information system is going to solve a problem of this size.
Now, there is no healthcare system in the world na hindi fraud-free. Walang fraud-free kasi hindi natin maaalis iyong person-to-person transaction between the physician and the patient. But puwede nating i-reduce iyan if we have a perfectly integrated and harmonizing information system.
But iyong information system is not going to happen overnight, it will take some time before that will come into effect. Pero iyon lamang ang nakikita naming solution para sa mga inefficiencies at sa mga… iyong mga imperfections dito sa sistema natin, iyon ang solusyon diyan., in the meantime, mano-mano ang solution natin. We have certain processes that are automated, may ibang manual, hindi integrated, so iyon… ano ito… slow [unclear]. But we’re moving towards automation, we have a 2.5 billion budget for information technology this year.
USEC. IGNACIO: Opo. General, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan partikular po sa lahat po ng mga PhilHealth member.
PHILHEALTH PRES. MORALES: Well, sa mga kababayan natin, wala hong binabawas na serbisyo ang PhilHealth, patuloy pa rin ho ang level ng serbisyo na ibinibigay ng PhilHealth sa lumipas na taon at sa ngayon at under ng Universal Healthcare lahat ho tayo entitled to healthcare, ke sa nagbabayad tayo ng premium o hindi.
Additionally, commitment po ng Philhealth na alagaan at babantayan ang inyong binabayaran na premium. Hindi ho natin pababayaang mawawala ito sa walang kuwentang gastos – iingatan ho natin ang inyong pera, huwag ho kayong mag-aalala, iyan ho ang commitment ng PhilHealth.
Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa inyong panahon, Ret. B/Gen. Ricardo Morales, ang presidente at CEO ng PhilHealth. Salamat po.
PHILHEALTH PRES. MORALES: Than you, Usec. Rocky at Sec. Martin, thank you.
SEC. ANDANAR: Kumustahin naman natin ang kasalukuyang kalagayan ng Filipino community sa Kingdom of Saudi Arabia, makakapanayam po natin si Ambassador Adnan Alonto.
Magandang araw po sa inyo mula dito sa Pilipinas, Ambassador.
AMB. ALONTO: Magandang tanghali po, Sec. Martin at Usec. Rocky. Magandang tanghali po sa inyong lahat diyan.
SEC. ANDANAR: Sir, sa 282 OFWs na nasawi sa Saudi Arabia, 50 dito ang hindi iuuwi dahil COVID-related ‘di umano ang ikinamatay ng mga ito. How is the embassy coordinating with the Saudi Arabian government para masigurong mabigyan ang mga ito ng proper burial?
AMB. ALONTO: Very closely [static audio] ang embahada with the [static audio] actually, the number ranging daily, ngayon po ay mayroon po tayong naitala na total na 353 human remains for disposition; 107 po dito ang COVID infected and 246 po iyong non-COVID.
So, iyon po iyong ina-address natin with the Saudi authorities, and dito kasi if ordinarily, ang body dito ay inililibing ho within 24 hours because iyon po iyong custom, the Islamic custom. Pero doon po sa non-Muslims, nirerespeto po nila iyong disposition ng remains, so ito po ay talagang in-assure kami na they would respect the customs.
So, given that mayroon po kasing over… kumbaga nag-over capacity na po iyong morgues at saka po iyong hospitals dito. Nag-issue po kasi ng requirement and regulation ang Saudi authorities na kapag COVID-related iyong cause of death, iyong body po should be disposed within 72 hours from the time that – in our case – from the time the embassy is informed or the consulate is [static audio].
Iyon po ang—So, kailangan maayos kaagad iyong mga dokumento para mailibing kaagad. So, iyon po iyong po iyong coordination namin. Nagkaroon po tayo ng request na kung puwedeng magkaroon po tayo exemption doon. Pero, I understand the IATF has already made a pronouncement, COVID-related deaths natin will have to buried here in Saudi Arabia, iyon po iyong nadinig ko at napakinggan ko, I think earlier.
SEC. ANDANAR: Ano po ang ikinasawi ng ilan pang mga kababayan nating non-COVID related diumano ang ikinamatay na puwede iuwi po dito sa Pilipinas?
AMB. ALONTO: Iba-iba po, natural cases po mostly. Kakaunti naman po iyong tinatawag nating mayroong controversy. Mayroon din kasing mga crime-related na kakaunti, pero most of the non-COVID deaths are natural causes.
SEC. ANDANAR: Mayroon po ba kayong uganayan sa DOLE and OWWA kung paano naman makikipag-coordinate ang ating pamahalaan sa pamilya ng mga nasawing ito sa Saudi Arabia?
AMB. ALONTO: Yes, Sec. Martin very close po ang coordination namin with DOLE and OWWA. As you know, the POLO office, which is the Philippine Overseas Labor Office under DOLE is actually under my administrative supervision as well as the OWWA. So pagdating dito sa Saudi Arabia, iisa po kami, hindi po kami magkahiwalay at bagama’t iyong office po ng ating POLO ay nasa labas ng diplomatic quarter, which means that is about 10 to 15 minutes away from the embassy, very close po iyong aming coordination dito. Iyong kanilang Labor Attaché at iyong mga welfare officers ay lagi po nating kapulong iyan on a weekly basis, if not on as needed basis.
USEC. IGNACIO: Ambassador, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan na si Celerina Monte ng Manila Shimbun. Over a period of what daw po iyong pagkamatay ng mga iyan, kasi daw po nakakapagtaka na napakarami, especially iyong non-COVID?
AMB. ALONTO: Yes, alam po ninyo noong nagkaroon po tayo ng almost three months na lockdown dito, walang gumagalaw, walang lumilipad, so nagkaroon po tayo ng backlog, so iyon po iyong largely ang naging cause. Even up to now the flights are very limited and I understand, a plane full of passengers can only accommodate not more than three human remains, dahil napakainit po dito sa Saudi Arabia and kapag mainit na mainit talaga kailangang medyo may balance din iyong load ng eroplano, kasi ang pagkaka-alam ko kapag masyadong mabigat iyon, with passengers and cargo, eh maaaring ikasabog ito nung makina; kasi napakainit talaga ngayong mga panahon na ito.
So, iyon iyong cause ng backlog noon, almost three months tayong walang flight dito ngayon na lang talaga tayo nakakabawi-bawi, pero limited pa rin po.
USEC. IGNACIO: Ambassador, ang tanong naman po ni Arianne Merez ng ABS-CBN. Ito po iyong mga namatay na hindi dahil sa COVID. Kung naipaabot na daw po ng ating embahada sa mga pamilya iyong pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay diyan sa Saudi Arabia at ano raw po iyong tulong ng gobyerno na naibigay na ninyo sa kanila?
AMB. ALONTO: Well, alam po ninyo kapag ang OFW ay documented ‘no, usually kapag sila ay namatay dito, mayroon po silang karampatang tinatawag nating End of Service Benefits, iyon po ay nakukuha sa kumpanya. Depende po iyan kung ilang taong nanilbihan iyong ating kababayan, iyon po may computation po iyan doon ESB nila at kung mayroon silang insurance policy ay iyon din po ang inaasikaso ng embahada para makolekta iyan.
As much as possible, we do it within the time frame na sana pagpadala ng mga labi. Pero kung hindi man, iyan po ay isusunod namin iyan at ang coordination po namin diyan ay through OWWA, DFA. At iyong pamilya naman ay maaring makipagtulungan sa OWWA o makipag-coordinate doon para mabigyan sila ng updates doon sa mga benefits ng kanilang love ones.
USEC. IGNACIO: Ambassador, tanong naman po mula kay Naomi Tiburcio ng PTV. May ilang OFW daw po ang nagsasabing priority sa mga ospital ang mga Saudi Arabia citizen. Paano po tinutugunan ng ating embahada ang pangangailang medikal ng atin pong mga OFW diyan?
AMB. ALONTO: Gusto ko lang sabihin, nakipagpulong po ang inyong lingkod sa MOH officials, sa Ministry of Health ganoon na rin sa Ministry of Foreign Affairs nila upang idulog nga itong mga allegations na mayroong discriminations na nangyayari. I was assured by our Ministry of Health and Ministry of Foreign Affairs officials na wala naman pong ganoong triaging or based on race.
What is true and I can attest to this is that talagang overloaded, over capacity ang hospitals nila ngayon, lalung-lalo ngayon that we have almost 160,000 infection cases nga sa buong kaharian. And you could imagine talaga iyong mga hospital, even the clinics are full. So, gumagawa naman sila ng hakbang and we were given list of small clinics. Kasi ito iyong ginawa nila, nag-contract sila ng mga small clinics that they put under their wing, para gamitin as additional medical facilities to treat all the infected patients, irrespective of nationality, libre naman po iyon based on royal decree. So I am taking the word of our host government na wala naman pong discrimination ang nangyayari at iyong mga iba na hindi napapayagang ma-admit, dahil lang talagang punung-puno iyong ano… And I have also talked with my counterpart Ambassadors ng mga labor sending countries, India, Bangladesh, iyon po sinabi din nila na talagang nangyayari din sa kanilang mga nationals doon na talagang minsan hindi sila naa-accommodate.
So that is what can I assure our people na idinulog po natin iyon sa host government natin and I’m taking their word for it na walang discrimination na nangyayari. Ang nangyayari lang talaga talagang puno and that is why we are concentrating now doon sa giving our people some self-help measures, turuan natin iyan kasi marami naman kaming nakikilala dito na hindi nagpunta ng ospital. They did some self-help measures at home at nabigyan ng gamot doon at gumaling. So, mataas po ang recovery rate natin dito, it’s now more than 60% po.
SEC. ANDANAR: Ambassador, mayroon po tayong question mula po kay Joyce Balancio ng ABS-CBN: Kumusta po ang sitwasyon sa POLO office after mag-positive sa COVID-19 ang ilang kawani nila?
AMB. ALONTO: Yes, luckily po mayroon po tayong 16 POLO and embassy staff na nag-positive from COVID. They were confined, lahat po sila na-confine and in fact, mayroon po tayong mga ibang empleyado embassy na expose dito sa infected staff natin dahil very close po iyong coordination ng POLO at saka embassy. So, ang POLO po cut in half po, kalahati na lang po iyong functioning, pero iyon nga under quarantine. Ganoon din po sa embahada, mayroon po kaming at least more than ten staff namin na na-expose dito sa ating mga POLO officers na kailangan nating i-require ng self-quarantine.
So, the embassy actually is going to conduct the second wave of testing. Ako po pangalawang beses na po akong nag-test. Sa kabutihang palad, negative. There are more than 20 who took the test last week, this week po continuing po iyong test ng ating mga kawani just to make sure na hindi ma-compromise iyong transacting public, kasi nag-open na po ang embassy for a very limited transactions dahil kailangang-kailangan na po ngayon itong ating consular services.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon at mag-ingat po kayo diyan Ambassador Adnan Alonto mula sa Kingdom of Saudi Arabia.
AMB. ALONTO: Maraming salamat po Sec. Martin, Maraming salamat, Usec. Rocky – mabuhay po.
SEC. ANDANAR: Kumustahin po natin ang ating mga kababayan po naman sa Thailand, Makakapanayam natin si Charge d’affaires, Mary Anne Padua mula sa Embahada ng Pilipinas sa Thailand. Magandang raw po sa inyo, ma’am kumusta po kayo?
CHARGE D’AFFAIRES PADUA: Magandang araw, Secretary Andanar, Usec. Rocky at sa nakikinig po sa programa ninyo. Nais kong ipaalam na maganda na ho ang sitwasyon dito sa Thailand, 28th day, hinihintay na lang namin kung may report ng local transmission, kung wala po considered na po ang Thailand na low risk (garbled) So, para sa ating mga kababayan, ang concern actually nila ngayon, ang main concern nila ay ang repatriation. So far nag-repatriate na po kami ng 306 Filipino nationals plus 8 infants and mayroon pa kaming 668 sa aming listahan. So, that was in April and 14th of May.
So itong June po, tina-target namin ang 25th June at saka 29th June. Iyong 29th of June government funded, DFA funded, iyong 25th of June po ay through a private charter na in-encourage namin sila mag-organize ng charter flights kasi po medyo kinukulang na rin po ang pondo ng ating DFA at marami po ang nangangailangan all over the world for repatriation – so, iyon po repatriation.
Tapos, noong una po ang concern nila was actually iyong green visas po nila. So, in three-week period from March at April nagmadali po talaga kaming makalabas ng 1,162 visa endorsement letters para sa ating mga kababayan through data capture. Magaling po ang ating Consul General kasi sa computer skills, may kaalaman sa IT. So nagawan niya ng paraan iyon na paspasan po iyon until nag decide ang immigration ng Thailand na magbigay na lang po ng blanket extension hanggang 31 July po, so, hanggang 31 July po ang mga bisita dito may blanket extension sa kanilang visa.
SEC. ANDANAR: Ma’am nabanggit po ninyo na 28 days po na walang local transmission diyan po sa Thailand pero mayroon namang naitalang imported case mula sa isang 6 year old boy na galing South Africa. How did the Thai government react to this?
CHARGE D’AFFAIRES PADUA: Yes, sir. Ganito po, Secretary, maingat na maingat po ang Thai government authorities. Ang kanilang ginawa ay iyong pag-repatriate ng kanilang mga nationals, staggered talaga – noong una 200 a day lang, tapos naging 400, tapos naging 500.
So, ang ginagawa ho nila talaga is pagpasok pa lang nila sa [garbled] nila tapos ite-test nila ho ng [garbled] day at saka [garbled] na na-limit nila ang transmissions doon sa mga foreign [garbled]
So, local [garbled] maganda ho ang pagpapalakad sa hygiene, sa social distancing, nag-curfew din po sila [garbled] wala hong nangyaring [garbled] pati death ho nila 19 days na ho na walang namatay dahil sa COVID. So, pati po iyong recovery, mataas po ang recovery. So, three thousand plus ang kanilang infections, ang recovery halos sumasabay ho doon sa number of infections.
Multi-viral approach ang mga medicines ang approach nila at saka po nag-de-develop po sila ngayon ng [garbled] marami silang efforts [garbled] ng vaccine para makatulong din sa efforts ng mundo na tugunan itong problemang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, dahil po iyong turismo nga ang isa sa major industry ng Thailand, paano po naapektuhan ng COVId-19 at paano po ang ginagawa ng Thai government para po mapanatiling matatag iyong industriya ng turismo sa kanilang bansa?
CHARGE D’AFFAIRES PADUA: Talaga hong napakalaking problema sa kanila kasi last year ang kanilang visitors parang 39.8 million ang kanilang mga bisita tapos noong Marso, noong pumutok ito, parang bumagsak ho sa something like 75%. Tapos they recorded [garbled] actually parang [garbled] na bumagsak ang kanilang turismo.
So, nag-recalibrate sila, sabi nila mukhang this year 14 to 16 million visitors lang talaga ang matatanggap nila. At [garbled] iyong tinatawag na travel [garbled], so parang gusto nilang magkaroon ng agreement with [garbled] cities na ang COVID or na-manage ang COVID nang maayos tapos kung saan mayroon ding [garbled] pumunta sa Thailand.
Pero ang kanilang center for COVID-19 situation administration, ingat na ingat pa rin ho kasi ang ganda ho ng progress nila so ayaw nilang maunsyami ang [garbled] dito. Pero talagang malaki ho ang tama sa tourism nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta naman po ang koordinasyon ng ating embahada sa Filipino community diyan para po naman matugunan ninyo ang pangangailangan nila lalo na sa trabaho ng mga nag-decide na manatili po sa Thailand?
CHARGE D’AFFAIRES PADUA: Opo. Nakikipag-ugnayan [garbled] Filipino community organizations even individuals po iyon nga pagdating sa food aid at saka iyong financial needs nila, nili-link up po sila sa POLO [garbled].
At saka mayroon din po iyong ano—issue kasi karamihan dito mga teachers eh, so iyong mga teachers magbubukas ang school year nila, iyong delayed school year nila sa first of July. So, iyong mga nandito, mas pinili ang kanilang [garbled] pero mayroon din tayong mga teachers na umuwi sa Pilipinas at gustong bumalik dito, so dahil nga mayroong ban sa commercial flights, hindi sila makapasok. So iyon ho iyong malaking issue kasi may trabaho na sila [garbled] trabaho.
So, nakikipag-ugnayan kami doon sa Filipino community leaders na gustong tumulong at saka mga [garbled] nakiusap kami sa kanila na we will raise this issue with them and last week po, [garbled] feedback na they want the information on the teachers, they’re trying to do something kasi kailangan din nila ng ating mga teachers dito.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Charge D’affaires Mary Anne Padua mula sa Thailand. Ingat po kayo.
CHARGE D’AFFAIRES PADUA: Salamat po.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, pansamantalang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program para naman po bigyang-daan ang pagtulong sa mga local stranded individuals sa bansa sa ilalim po ito ng Hatid Tulong Program.
Iisa lang naman po ang layunin ng parehong programang ito – ang matulungan ang mga kababayan natin na nais makapiling ang kani-kanilang pamilya.
Panoorin po natin ito.
[VTR]
SEC. ANDANAR: Samantala, alamin po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan kasama si John Mogol.
[NEWS REPORT BY APRIL JANE SALUCON]
[NEWS REPORT BY SHORA SABDULLAH SARIGALA]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Pasalamatan din po natin ang ating mga naging panauhin ngayong araw gayundin po ang ating partner agencies sa kanilang paghahatid ng mga balita at impormasyon. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para po sa inyong suporta sa ating programa. Mabuhay po kayo!
SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Sec. Martin Andanar mula sa PCOO.
USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si USec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas po muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)