Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Secretary Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #48
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. At pagpupugay sa lahat ng ating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo, gayun din sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa ating online streaming. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: At ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio, kasama ninyong magbabalita patungkol sa health crisis na kasalukuyan natin nararanasan hindi lamang dito sa bansa kung hindi sa buong mundo.

SEC. ANDANAR: Basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Kaya naman, bayan, halina’t inyong samahan po ang aming mga production crew at buong PTV at Radyo Pilipinas dito po sa Public Briefing #LagingHandaPh.

Ngayong araw po na ito ay ipinagdiriwang natin ang International Nurse’s Day, kaya para po sa lahat ng mga nurse, midwife at iba pang healthcare workers, nagpapasalamat po kami sa inyong kabayanihan.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin nating magbabalita si Dennis Principe mula sa Philippine Broadcasting Service-Radyo Pilipinas. Magandang umaga po sa inyo.

At para naman po sa pinakaunang balita, Pangulong Rodrigo Duterte muling nagbigay paalala sa pagharap ng bansa sa COVID-19 crisis. Pinaalalahanan ng Pangulo ang publiko na patuloy na sumunod sa mga quarantine guidelines at protocol na inihanda upang makatulong na masugpo ang COVID-19 crisis na patuloy nating nararanasan. Ang pagsusuot ng face mask, physical distancing at paghihigpit sa mga checkpoint ay magpapatuloy pa rin.

Inatasan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na i-enumerate ang approved guidelines para sa GCQ at mga lugar na sasailalim din sa General Community Quarantine mamayang alas dose ng tanghali sa kaniyang press briefing.

SEC. ANDANAR: Samantala, pagtatatag ng National Academy of Sports niratipika ng Senado.

Niratipika na ng Senado ang bicameral committee report para sa panukalang magtatag ng National Academy of Sports. Batay sa bill na ito, ang National Academy of Sports ay magbibigay ng full scholarship sa mga natural born Filipino citizen na may potensiyal na mahasa ang kanilang husay sa larangan ng sports. Bukod sa special training, hindi mawawala ang secondary education curriculum sa pag-aaral ng mga batang atleta. Nagpasalamat naman si Senador Bong Go sa mga kapwa niya mambabatas sa pagsuporta sa nasabing bill.

[VTR of Senator Go]

USEC. IGNACIO: Kaugnay pa rin ng pagsuporta sa mga Pilipinong mag-aaral, inihahanda na rin ngayong pamahalaan ang Hatid Estudyante para makabalik sa probinsya. Ang programang ito ay isasagawa upang matulungan ang mga estudyanteng na-stranded po sa Metro Manila dahil sa travel restrictions dulot ng banta ng COVID-19. Dito ay ihahatid ang mga mag-aaral na nais nang makauwi sa kani-kanilang probinsya habang naghihintay sa muling pagbubukas ng klase.

Nananawagan naman si Senator Bong Go sa Department of Transportation na ihanda ang mga kakailanganing sasakyan ng mga estudyante pabalik ng probinsya, mapa-air, sea o land travel. Ang programang ito po ay itinuturing na ring paghahanda ng bansa para sa “new normal”.

SEC. ANDANAR: Bayan, simulan po natin ang ating siksik na talakayan ngayong araw. Una nating makakapanayam si Secretary Eduardo Del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Ed.

SEC. DEL ROSARIO: Magandang umaga, Sec. Martin and USec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Isa sa tututukan ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program ay ang pagbibigay po nang maayos na tirahan sa mga benepisyaryo na pipiliing manirahan sa kanilang mga probinsya. Eh paano po ito pinaghahandaan ng Department of Human Settlements and Urban Development?

SEC. DEL ROSARIO: Well, alam mo, Sec. Martin, USec. Rocky, napakaganda ng Balik Probinsya Program na inilunsad ng ating pamahalaan at it is just the tip of the iceberg so to speak dahil ang problema talaga natin dito sa Pilipinas ay internal migration. Fortunately, because of the effects of COVID sa highly dense cities or areas, nakita natin ang bunga ng malaking density of population in a very small area; because internal migration will be a big problem in all cities in the world. And in fact, by 2050, 65% of Filipinos will be living in cities and that is around 102 million of about 175 million Filipinos.

So itong programa na ito ay forward looking and it is just about time na inilunsad ng ating pamahalaan ang Balik Probinsya Program.

For the Department of Human Settlements and Urban Development, through the National Housing Authority na isang ahensya …key shelter agency ng department, ay mayroong inilaan ngayong available na mga housing units na hindi pa naa-award at bakante sa different regions. It is more than 3,000 housing units, at ito ang puwede nating ibigay doon sa mga gustong umalis kaagad from Metro Manila at umuwi sa kanilang mga probinsya.

I know this will be discussed further by the General Manager of National Housing Authority Jun Escalada. So for the details of that, I will ask GM Jun during his portion to explain further about this program. But for us, it’s more in the shelter program because it affects the housing sector here in Metro Manila because of too much density in population. So we really have to farm out so that we can construct housing units in the provinces and spark economic development by creating townships in those areas.

USEC. IGNACIO: Nauna ninyo na pong inanunsiyo na magkakaroon po ng tatlong buwan na moratorium sa pagbabayad po ng loan at amortization ang mga Pag-IBIG members at beneficiaries po ng housing programs ng GOCC. Kuwentuhan ninyo ho … sabihin ninyo po sa amin, Secretary, kung ano po iyong sakop nito at hanggang kailan ito puwedeng mapagbigyan o tumagal po?

SEC. DEL ROSARIO: Actually, iyong moratorium na inanunsiyo ng Department of Human Settlements and Urban Development, iyong apat na key shelter agencies na under sa department – Pag-IBIG Fund, the National Housing Authority, National Home Mortgage Finance Corporation at Social Housing Finance Corporation – ay nagbigay ng tatlong buwang moratorium sa lahat ng nagbabayad sa apat na ahensya ng kanilang housing loan at short term loans na tinatawag natin na Multi-Purpose or Calamity Loan sa Pag-IBIG Fund.

Simula sa March 16 hanggang June 15, tatlong buwan na suspended ang bayad ng kanilang buwanang hulog sa Pag-IBIG, sa NHA, sa SHFC at saka sa National Home Mortgage Finance Corporation. So nagkaroon tayo ng suspension para iyong ating mga kababayan na naghihirap ngayon sa panahon ng COVID ay hindi na sila maghanap ng pera para magbayad ng hulog, pambayad sa bahay o sa kanilang mga short term loans, at instead magamit nila ito sa kanilang pangangailangan ngayon sa pagkain at iyong basic needs na kailangan nila instead of paying housing loans and multi-purpose loans.

SEC. ANDANAR: Secretary, kasama po ba sa 3-month moratorium ang in-house financing scheme ng private real estate developers?

SEC. DEL ROSARIO: Nagbigay tayo ng panibagong department order for the in-house financing program na ginagawa naman ng ating mga developers. Ito iyong mga bumili ng bahay, hindi nag-loan sa bangko, hindi nag-loan sa Pag-IBIG ng housing loan. So ang ginawa nila, iyong developer na nagpagawa ng housing project, doon sila nagkaroon ng financing para sa buwanang bayad sa kanilang bahay na kinuha.

So ang ginawa natin dito, habang mayroong ECQ sa isang lugar, kunwari dito sa Metro Manila, kung aabot ito ng katapusan ng Mayo for a 2-month period plus 1 month thereafter na grace period, iyong three months total na hindi nagbayad o nagkaroon ng suspension of payment ay babayaran naman noong dapat magbayad in six months’ time or any agreement mutually agreed upon by the beneficiaries, iyong kumuha ng housing loan at ng developer. So hahatiin nila—ang basic design, hahatiin nila sa anim na buwan iyong tatlong buwan na hindi nila binayaran because of the moratorium.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, talaga naman pong malaking ginahawa sa mga Pag-IBIG members itong three-month moratorium para sa kanilang loan at amortization. Pero marami rin po – hindi mo maiiwasan, Secretary – iyong nadidismaya sa mga balitang kailangan naman po nila itong mabayaran in full payment po pagkatapos ng June 15 or sa unang araw po pagkatapos ng ECQ. Totoo po ba ito, Secretary?

SEC. DEL ROSARIO: Hindi totoo iyon, Usec. Rocky. Actually, hindi natin sila pagbabayarin ng three months, iyong pagdating na ng July magbabayad sila iyong July payment. Iyong hindi nabayaran ng April, May, June, babayaran iyan sa dulo parang um-adjust na. Ibig sabihin, kung mayroon silang 20-year loan program, 2oth year plus three months dahil hindi ka nagbayad ng three months. So hindi totoo iyon na babayaran lahat iyong three months isang bulto; nasa dulo na, 20 years, or 30 years after for a 30-year amortization period.

SEC. ANDANAR: Balita po namin ay naglaan kayo nang mahigit 261 million pesos na pondo para sa mga programa ng pamahalaan kontra COVID-19. Tell us more about this, sir?

SEC. DEL ROSARIO: Yes, Sec. Martin, mayroon tayong pondo sa ating department about 261 million na ibabalik at hindi natin kukunin at gagamitin ng department, para magamit ng national government to finance our funding requirements to address our COVID concerns. Napakalaki ng ating pangangailangan, by the hundreds of billions even trillion, kaya ang lahat ng mga departamento ay ni-require ng national government na magbalik ng 35% to the national coffer.

So we are giving actually 40%, a total of 261 million, that’s 40% of our budget ay binabalik natin at hindi natin gagamitin para magamit naman ito ng national government to address our COVID concerns.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development – Mabuhay po kayo, sir.

SEC. DEL ROSARIO: Salamat, Sec. Martin at kay Usec. Rocky. Mabuhay din kayo. Salamat…

SEC. ANDANAR: Ang susunod po nating makakapanayam ay si NHA General Manager Marcelito “Jun” Escalada, Jr., ang executive director ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Magandang umaga po sa inyo.

NHA GM ESCALADA: Good morning, Sec. Martin. Good morning din, Usec. Rocky, as well as kay Secretary Ed Del Rosario – good morning…

SEC. ANDANAR: Sir, malaki po ang, you know, gagampanan po ninyo bilang executive director ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Pero para po sa kaalaman ng lahat, can you explain to us briefly kung ano po ang layunin at mga nilalaman ng programang ito?

NHA GM ESCALADA: Thank you, Sec. Martin, Usec. Rocky. The Executive Order 114 was very clear when the President signed it last May 6, so pinirmahan niya, upon the suggestions as well or recommendation by a Senate resolution sponsored by Senator Bong Go. I think it’s about time na itong Balik Probinsiya will take the lead in trying, unang-una, is to decongest Manila. Sabi ni Secretary Ed Del Rosario kanina, the migration of people to urban centers such as Manila had become very attractive in the past.

In the Executive Order, Sec. Martin, it says there, something like 12.5 million already living in Manila – 2015 pa iyon. So apparently right now, it can already soar as high as around 18 to 20 million already – population of Metro Manila alone. So that’s a very big number in terms of the density, land density distribution per family, per person over sa kaniyang space na tinitirahan. So the very reason, basic talaga, Secretary Martin, is we will try to decongest Metro Manila and other urban centers. The Balik Probinsiya naman Bagong Pag-asa as it is named and popularly called today because it gives hope. Sabi nga ni Presidente, ito ang bagong pag-asa natin, hope, kasi we will be able to utilize the resources available in the countryside.

So that the promise of looking up north normally is something that people should begin to realize ngayon na hindi naman nandito sa north lahat; hindi naman nasa urban centers lahat.

We need to spread regional development, and balance this development by providing other opportunities for the people in the countryside. So that is the basic framework of Balik Probinisya, Bagong Pag-asa.

Hindi lang siya puwede na ibalik natin sila probinsiya; the second objective of our program is for us to be able to empower, develop, establish mga bagong opportunities in the regional districts natin or provincial sites natin. Because it will be the same story, Sec. Martin, that 20 years ago, 15 years ago, people have come to Manila. And right now, if we don’t provide the same opportunities in the regional urban centers natin or regional rural centers natin, the same thing is happening.

But one thing for sure, Secretary Martin, we have inventoried already our economic zones. Our economic zones in the country is close to 490, and these are not all located in Metro Manila; these are located in the rural areas kasi there is vast opportunities for land, as well as for labor. So we need to decentralize economic opportunities, as well as government operations para maibalik natin sila sa probinsiya. I think those are the two basic principles, and government will be able to provide na ngayon the necessary infrastructure for the agriculture, for roads and utilities, and even schools, universities and colleges will also be provided.

And the better option right now, Sec. Martin, for regionalization is practically after COVID and even during the COVID times is wala na eh. Iyong tourism natin, iyong establishments natin for food and beverage, restaurants, hotels.., talagang—sino bang pupunta ng isang urban centers na you will be quarantined for 14 days, wala kayong gagawin… you have nothing to do there. So the best option right now in our council is to, more or less, look into the potentials of agricultural production and all other opportunities awaiting for our people in the province.

USEC. IGNACIO: So far po, sir, kumusta na po iyong pag-usad ng programa na ito at kailan po mag-uumpisa? At ano pong aksiyon na po ang nagagawa o gagawin ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council?

NHA GM ESCALADA: Thank you, Usec. Rocky. We have divided our strategies into three. The first is the immediate action. Iyong immediate action, sinasabi natin is that all persons, individuals, families na gustong aalis today until the end of the year, puwede silang aalis or makaalis. They can go home to their province already because government such as TESDA, DOLE, DTI, DSWD, DHSUD, DAR at saka DA, there are eight major departments that will help them carry the transition from Manila to the province. So it means to say that lahat ng mga programa ng DOLE, ng TESDA, ng DSWD, ng DTI, ng DHSUD, ng DAR at saka DA will be consolidated in order to receive any family or any individual who would like to enroll in the Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program right now. And according to DBM, we will be allowed to use our own regular funding with approved cash backup to support the necessary assistance to this Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa.

The second approach, Usec. Rocky, is the midget. Ito iyong mga bagong programa, ito iyong mga innovations, ito iyong mga bagong suggestions that would be incorporated in the 2021 programs with new appropriations.

Ang pangatlo is a long-term. Ito iyong mga sinasabi ng karamihan sa atin, I have consolidated all of the suggestions coming from the private sector, from the NGOs, from our Congress, from the Senate, from the departments. Most of the suggestions actually, Usec. Rocky and Secretary Martin, fall under the long term because this is more of policies, as well as legislation. For example, government decentralization, opening new economic zones, regionalizing or increasing tax incentives for those corporations that would locate in the provinces. So this will fall in the long term.

In fact, sabi namin, dapat lahat ng mga departments ngayon, dapat tataya. We put all our cards together on the table so that kung ano iyong resources na ma-harness galing from DENR, from DA, from DAR, land resources at that they should, as the experts in urban development, should be able to already infuse the mix use development for future opportunities and township programs in the long term.

So, that would be anytime today until the next ten years. So, iyon iyong tatlong strategies that we have laid down for our people.

SEC. ANDANAR: Mayroon ba tayong update, GM, sa ilang mga probinsya na ang handa para sa pilot testing ng Balik Probinsiya? At nabisita ko nga iyong website ng Balik Probinsiya at mayroon tayong more than 5,000 who are interested to be resettled.

GM ESCALADA: Thank you, Sec Martin, tama iyon. Imagine the 5,00o enrollees, Sec Martin, that was only last Friday. We started out online application last Friday. So Friday, Saturday, Sunday, then Monday and Tuesday, in a matter of four days, we are able to get 5,000 enrollees already. So sobrang dami.

Sabi ko nga doon sa meeting natin, Sec. Martin, if this will be the figure, there will be exponential enrollees every now and then, perhaps we can hit a figure in the next six months one million of residents of Metro Manila who would like to enroll.

But basic to this, sabi natin doon sa ating (unclear) Sec Martin, that this is voluntary in nature, willing and you are informed. So sabi nga natin, according to Senator Bong and the Mayor himself, si President Rudy Duterte, na hindi ito puwersahan.

So, in short, this is a voluntary action by anybody living in Manila right now na talagang—after a year or two or even ten years na gusto nilang bumalik. So we will facilitate the returns of this kababayan natin from Metro Manila to the regional urban centers or rural centers that they would like to choose.

Now sabi mo, mayroon bang readiness iyong mga LGUs? That’s correct. I think this is one model, Sec. Martin, that probably in the previous Balik-Probinsya Program, reasons of failure. Kasi it was a one way communication lang, so it was a bogged down program by government.

But right now, this is a two-way or even multi-sectoral approach to solving the problem. So, there are already eight, mga walo na nag-signify ng ating pilot projects. Number one is Leyte, we have CamSur, we have Zamboanga Del Norte, Bukidnon, Lanao Del Norte. We also have Pangasinan, and we also have Quirino.

Even the Governor of Quirino who is also the President of ULAP is also trying to put forward their interest, as well as the Governor of Marinduque who is also the president of another league are on board with us. So there will be discussion, coordination between the council as well as the receiving LGUs para all other standards, particularly the protocols of the Department of Health will be observed and at the same time, whether or not, hindi sila pabigat doon sa probinsya nila. Because two ways: Iyong mga government agencies natin will be providing individual benefits sa mga enrollees, but we will also provide institutional benefits and incentives to LGUs.

I think in the case of DHSUD [Department of Human Settlements and Urban Development] and NHA, mayroon tayong 50 million na rough LGU, mayroon tayong 25 million na IP housing. Si DSWD will also provide – DTI and DOLE – institutional incentives for receiving LGUs so that both collectively, the individual as well as the institution, are able to provide the necessary intervention para sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, GM Marcelino “Jun” Escalada Jr., ang Executive Director ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program. Kami po sa PCOO ay magiging katuwang ninyo sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa publiko patungkol po sa magandang layunin ng programang ito.

GM ESCALADA: Salamat, Sec. Martin. Gusto ko lang ipaabot sa lahat ng mga interesado: Sa mga kababayan natin sa Pilipinas, sa Metro Manila, if you want to go the provinces already of your first love, the province. Our platform, mayroon tayong balikprobinsya.ph, all you need to do is just enroll and click the button ‘apply’; then you will be guided para naman we will be able to make the assessments already. Then pagkatapos provide the necessary transportation upon your return, as well as the allowances that will be provided by the DSWD.

So those are the incentives, preliminary incentives that we can provide via the BP Council Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Council.

SEC. ANDANAR: Salamat po muli. Ngayon naman ay muli nating makakapanayam dito sa ating programa si Senator Imee Marcos, ang chairperson ng Senate Committee on Economic Affairs. Magandang araw po sa inyo, Senador Imee.

SEN. MARCOS: Yes, magandang araw rin, Martin. Kumusta na kayo diyan? Talaga namang walang humpay ang pagbibigay ng balita. Thank you very much. Kami naman nasa Ilocos at ako iyong tindera at dispatsadora ng gulay at mangga dito sa amin.

SEC. ANDANAR: Maganda po iyan, eh talagang—at saka sariling produkto ng inyong mga magsasaka ang inyong ipinamimigay diyan po sa inyong lalawigan.

Dahil sa high tariffs na ibinibingay nga pala ng US at China, may ilan pong mga Chinese manufacturers na ang gustong mag-relocate sa ibang mga bansa. Paano po ninyo ito nakikita bilang isang magandang oportunidad para sa mga unemployed Filipino citizens?

SEN. MARCOS: Yes, that is right, Usec and Sec. Andanar, dahil talagang—para sa atin, sa kabila ng masamang balita – nawalan ng trabaho, nagsasara iyong mga negosyo – may magandang balita at talagang pagkakataon ito, this is a big opportunity dahil nag-aalisan itong mga iba’t ibang bansa. Iyong kanilang mga pabrika, iyong mga European, mga Amerikano, mga Japanese, gusto nila na hindi na lang sila umaasa lagi sa China, sa iisang bansa. So they want to diversify lalung-lalo na iyong supply chains nila. As a result, I think pagkakataon ito para sa atin na sana maakit natin dito sa Pilipinas ang mga trabaho at pabrikang ito.

Kaso medyo kailangan, kumbaga sa basketball kailangang full court press tayo, kaunting hassle. Kulang tayo sa hassle katulad ng Vietnam, Thailand, Malaysia doon nagsisipunta eh itong mga investments na lumalabas ng China. Sayang naman, dapat mapunta dito sa Pilipinas. Kaya medyo kabado ako dito sa CITIRA na papasok dahil mayroon diyan nababawasan at tatanggalan na naman ng tax incentives iyong mga investor. So, dapat balansehin natin nang maigi dahil kailangang makuha natin ito, huwag nating masyadong gipitin ang ating mga korporasyon, na lahat naghihikahos; at higit sa lahat bigyan ng trabaho ang marami.

USEC. IGNACIO: Mabuti naman po, Ma’am. Kayo rin po, kumusta kayo diyan? Ma’am, may tanong lang din po si Leila, follow-up lang din po doon sa sinabi ninyong—

SEN. MARCOS: Well, mga taba, lahat kami tumataba in quarantine.

USEC. IGNACIO: May tanong po si Leila, ang ating kasamahan dito sa Daily Inquirer para sa inyo. Kung pabor daw po kayo sa bill na ito oras na maipasa before June? Kung hindi daw po, ano daw po iyong dapat baguhin doon sa proposed bill na ito, sa CITIRA po?

SEN. MARCOS: Ah … iyong CITIRA… Oo, sabi nga … Kasi tapos na iyan kung tutuusin sa Kongreso sa Lower House, tapos na iyan. Pero doon sa amin marami pang debate. Ang problema kasi at this point in time, kung magdadagdag ka ng buwis parang wala naman sa tono. Hirap na hirap na iyong mga korporasyon at pilit nating tinutulungan, bigla mong tatambakan at pipigain naman ng buwis. Parang ano ba ito, hindi yata puwede? Tax reduction puwede para sa corporate income tax. Pero tax increase, parang malabo yata at this point in time, although iyan ang inaasahan ni Secretary Dominguez, ang ating DOF at economic cluster. Naku! Talaga naman, palagay ko ang income tax talaga kahit anong piga ang gagawin mo wala tayong mapapala.

So, I think kinakailangan i-revisit natin iyong CITIRA at huwag masyado nating asahan na ito ay makakapagbigay ng mas maraming tax at koleksiyon, kasi hirap talaga lahat. Sa palagay ko hanggang fourth quarter, hanggang bandang September baka naghihikahos pa ang maraming negosyo, kaya dahan-dahanin, hinay-hinay lang tayo

USEC. IGNACIO: Ma’am, isa po sa pinaka-naapektuhan ng health crisis na ito iyong mga kapatid nating manggagawa sa industriya ng turismo kasi po tinatayang nasa five million workers ang posible pong mawalan ng trabaho dahil dito, ano po iyong nakikita ninyong dapat solusyon at paano natin po sila matutulungan?

SEN. MARCOS: Yes, talagang sa tingin natin ito iyong long suffering. Sa lahat ng sektor natin, ang pinaka-long suffering iyong travel and tourism. Makikita mo naman sa Boracay, sa Cebu maski dito sa Ilocos, iyong mga Chinese tourists na marami yata ang pumupunta sa atin at inaasahan natin dati ay ngayon talagang hindi nagsipuntahan mula pa noong December. So, hindi pa tumatama iyong COVID dito medyo talagang humupa, talagang dumalang iyong pagdating nila at hirap na hirap itong mga grupo ng tourism.

Isa pa, ang nakakalugmok ay wala ka namang hope kumbaga, walang pag-asa na babalik pa. Kasi ang travel natin mukhang talagang new normal eh, ibang-iba na iyong hitsura. Hindi na siya magiging travel and tourism katulad dati. So, talagang hinihingi ko na sana i-realign na lamang iyong ibang infrastructure projects at iyong ibang sinasabing sa TIEZA, sa tourism. Higit sa lahat, tigilan na muna iyong mga CNN International na advertising. 100% zero naman ang international travel, ibigay na lang natin sa tao; sa lahat na arawan na mga tourist sites; sa mga namamasadang jeep at tricycle at nagdadala ng mga tourists; iyong mga travel agency, kaunting wage subsidy, sagipin natin ang sahod nila para wala masyadong ma-layoff. Hirap na rito sa Ilocos pati na rin ang Cebu sector, iyong hotel and restaurant. Marami na yatang hotel at mga bar na hindi na magbubukas muli… napakalungkot.

SEC. ANDANAR: Ano po ang ginagawa po ninyo, Ma’am bilang aksiyon para magkaroon ng proper disposal ang mga COVID-19 related waste?

SEN. MARCOS: Yes, that’s right. Secretary Martin, alam natin na iyong DOH nagbigay talaga ng mga protocols, may maayos silang patakaran. Ang problema palibhasa walang karagdagang budget, iyong mga LGU, iyong mga maliliit na hospital, iyong mga nasa bukid, kung saan-saan na lang tinatapon iyong PPE. Ganoon din iyong ating mga face masks eh lahat naman gumagamit na ng face mask, pagkatapos iyong goggles, iyong gloves, saan ba nagla-landing iyan?

Sa totoo lang, nandiyan sila sa ilog, nakakalat sa mga open dumpsite eh hindi naman puwede iyan dahil iyong ating Clean Air Act, hindi naman puwedeng sunugin, bawal ang incineration. So, I think we need to revisit all these and at the same time start to talk to the LGUs na magko-comply na kung papaano itong toxic and infectious waste disposal. We have to allocate some amount of money also dahil bagong sistema ito.

At kung maaalala ninyo, iyong SARS at lalung-lalo na itong ASF, iyong sa mga baboy, noong na-cull iyong mga baboy sa iba’t ibang piggeries, tinapon lang sa ilog. Doon nagkalat iyong sakit sa Bulacan, nagkalat iyong sakit sa Tarlac, eh hinahagis lang natin sa ilog at pinagtatapon lang kung saan, hindi pupuwede iyan dahil diyan nagsisimula ang hawaan.

USEC. IGNACIO: Senator, marami talagang mga negosyo iyong naapektuhan talaga ng krisis na ito. May mga nalugi po, iyong iba naman po talaga patuloy na bumabangon, kaya naman po isinusulong ninyo iyong Liability Shield Bill bilang proteksyon po ng mga negosyo, Senator.

SEN. MARCOS: Iyong Liability Shield, sa America iyon. Sa palagay ko mahirap mag-work pero dito sa atin, dahil tayo wala naman tayong tinatawag na Tort Law masyado at hindi naman masyadong uso iyong ihahabla mo iyong malalaking kompanya.

Ang sina-suggest ko, itong sina Senator Pacquiao at iyong iba pang Congressman may bagong bill tungkol sa new normal, para kung magkasakit ka halimbawa dahil sa trabaho eh talagang may responsibilidad iyong employer, may responsibilidad din ang gobyerno. Kailangang i-sanitize iyong workplace, tapos good work practices at saka compensation. Balik na naman tayo sa PhilHealth at Universal Healthcare.

Iyong Liability Shield sa Americano lang iyon, kasi sila magaling maghabla sa mga korporasyon at saka iyong Tort Law nila very well developed, sa atin bitin pa eh ang Pilipino madaling makausap kaya alagaan na lang natin sa new normal na bill. Sana gumawa tayo nito at palawakin pa at higit sa lahat siyempre, ang sagot po niyan ang Universal Healthcare pondohan na natin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Senator Imee Marcos, mabuhay po kayo. Yes, ma’am?

SEN. MARCOS: Yes, thank you very much! Hihirit lang ako, narinig ko kanina si Jun Escalada tungkol sa Balik-Probinsiya. Dati kasi nagkaprograma na iyong tatay ko, Balik-Barangay, ganoon din eh! Ganoon din iyong sistema na ma-disperse pero hihingin ko lang sana, na sana isama iyong mga gobernador, walang gobernador eh! Kaya nagulat ako bakit Balik-Probinsiya walang nakaupo ni isa doon sa ating Balik-Probinsiya Council.

Isama natin iyong gobernadora kasi sila ang magpaplano niyan; Sila ang mag-i-identify kung saan talaga iyong mga bakante at available na lupa kung mayroon pang mga tax grant na maibibigay; at kung puwede mag-partner sa sino-sinong pupunta sa mga liblib at magtatayo ng factories – so, isama natin ang local government, huwag nating kalimutan iyong mga probinsiya mismo at isama iyong gobernador.

SEC. ANDANAR: Yes, Ma’am, ipaparating po natin iyan kay GM Jun Escalada. Mabuhay po kayo muli, Senator Imee Marcos.

SEN. MARCOS: Mabuhay din kayo! At ang Senate magkakaroon kami ng briefing mula sa economic cluster at sa health cluster at sana maumpisahan na iyong recovery and stimulus package. Binibiro ko nga sila, hindi ito panahon mag-kuripot kahit Ilokana ako, kasi i-todo na natin ang tulong sa ating mga mamamayan. Thank you.

SEC. ANDANAR: Thank you po. Alas onse treinta y otso na po ng umaga. Ngayon naman ay makakapanayam natin si Ambassador Jesus Domingo ng Embassy of the Republic of the Philippines sa Wellington, New Zealand. Magandang araw po sa inyo, Ambassador!

AMB. DOMINGO: Que Ahora! Magandang araw po from Wellington, New Zealand!

SEC. ANDANAR: Sir, kapansin, pansin ang unti-unting pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa New Zealand. Ano po ba ang naging strategy ng government sa pag-handle ng COVID-19 crisis.

AMB. DOMINGO: Sa New Zealand, maganda ang management, in fact, it’s cited as one of the world’s best kasi we moved here in New Zealand to an early lockdown noong March pa. And the good thing here, the government and the opposition were in cooperation, iyong mga Kiwis or iyong mga New Zealanders mismo ay masunurin and they accepted iyong mga conditions ng lockdown. People stayed at home pero makakalabas ang mga tao for shopping or buying of medicines.

So far, mababa ang infection rate and the deaths in New Zealand umabot lang po ng 21. Pero since the COVID situation has quite improved, lalabas kami sa lockdown situation to what we call, tinatawag na alert levels. So, we went from level four, level three, we will go to level two which allows basically people to go, in most cases makabalik sa trabaho, makabalik sa eskwela.

Also, the Philippine Embassy will be reopening next week po pero para maka-avail ng services kailangang mag-register for appointment to our embassy Facebook page and website.

USEC. IGNACIO: Ambassador, ilan pong mga Pilipino diyan sa New Zealand iyong nagpositibo sa COVID-19? At kung mayroon man po, ano iyong tulong na kanilang natatanggap mula po sa pamahalaan ng Pilipinas?

AMB. DOMINGO: Sa awa ng Diyos po, walang naapektuhan na Pinoy. Walang na-report sa amin at walang report galing sa New Zealand government or sa Filipino community.

So walang naapektuhan in terms of iyong sakit mismo, pero ang effect was mainly, one, many of the frontliners, the nurses, essential workers are Filipino. Pangalawa, maraming mga layoffs sa trabaho. So in that case mayroon tayong—mula sa DOLE, iyong AKAP assistance of 200 dollars. So pino-process iyong mga applications for that assistance through our embassy, POLO or Philippine Overseas Labor Office at iyong mga iba lumalapit sa amin regarding immediate assistance like pagkain, sa tirahan. So we’re coordinating also with mga New Zealand authorities, mga food banks, civil defense.

And also, iyong mga stranded na mga Filipino tourists and students, noong April 20 naka-coordinate kami ng repatriation flight with the New Zealand—our counterpart, the New Zealand Embassy in Manila and also Philippine Airlines, so nakauwi kami ng 60 Filipinos noong April 20 from Auckland to Manila. So ngayon, also mayroon kaming online registration for ating mga kababayan kung kailangan nila ng tulong. So we are actively assisting those kababayan who want to go home and also other forms of assistance po.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon ay maluwag na ang restrictions diyan sa New Zealand. Kumusta po ang mga kababayan nating OFW? Sila ba ay nakabalik na sa kanilang trabaho?

AMBASSADOR DOMINGO: Well iyong iba nasa health sector sila, so wala silang pahinga. They were working throughout, pero iyong ibang categories, iyong mga hindi frontliners or hindi essential service, unti-unti nakabalik sila. Pero ang problema ngayon is marami ring na-layoff, hindi lang mga Pinoy pati mga New Zealanders citizens mismo. So iyong iba po, naghanap ng ibang trabaho or naghihintay na mabalik sila sa mga trabaho nila. So right now, medyo hindi pa masyadong klaro ang sitwasyon but the embassy is doing the best we can to assist our kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, panghuling mensahe ninyo na lang po para sa mga kababayan nating Pilipino na nandiyan sa New Zealand.

AMBASSADOR DOMINGO: Okay. Mga mahal na kababayan, magbubukas uli ang embassy next week po pero kailangan ninyo mag-register para maka-avail ng serbisyo ng embassy mainly renewal of passport or notarials. So far hindi pa reopen ang NBI processing, naghihintay pa kaming go ahead from Manila. At in any case kung anumang klase ng kailangan ninyong tulong, paki-check lang iyong website o iyong Facebook page ng Philippine Embassy Wellington para maka-register kayo and you can inquire and we can assist po. Otherwise kayang-kaya natin ito at ang kasabihan ng salitang—ang wikang katutubo ng New Zealand, iyong Te reo Māori ay ‘kia kaha’ or stay strong po. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Ambassador Jesus Domingo ng Embassy of the Republic of the Philippines in Wellington, New Zealand.

Bago pa man pumasok ang buwan ng Mayo ay ilang mga probinsya at siyudad na sa bansa ang idineklarang isasailalim sa General Community Quarantine. Ito ay matapos matukoy ang mga lugar na itinuturing bilang low to moderate at ang Cagayan De Oro City ang natatanging dineklara bilang low risk ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

USEC. IGNACIO: Pag-uusapan po natin iyan together with the City Mayor of Cagayan De Oro, Mayor Oscar Moreno. Magandang araw po, Mayor.

MAYOR MORENO: Good morning, USec. Rocky. Secretary Martin, good morning at sa lahat, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Mayor, ayon po sa datos ng DOH ay talagang naging maganda ang performance ng inyong siyudad sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 sa inyong lugar. How did the city government especially the city health office take action [garbled] the onset of the pandemic in Cagayan De Oro City?

MAYOR MORENO: Well Secretary, we’re happy na iyong ating mga—iyong tinatawag na [garbled] that the city had [garbled]. In fact ang problema ngayon is how do we adjust doon sa further loosening. Now ang ginawa natin sa ating City Health Office, iyong intensified surveillance program. And actually as early March 13, we have been holding our daily press briefing together with the Department of Health, the Northern Mindanao Medical Center, the City Health Office and the police ‘no. Daily ito in order to inform the people about the regional status, the status of Northern Mindanao Medical Center which is the apex hospital and the COVID referral hospital for Northern Mindanao.

Ang problema kasi Secretary, early March was… we felt like we were completely in the dark. Wala kaming testing, even up to now wala pa rin kaming testing although hopefully in the next 2 to 3 weeks magkaroon na tayo. So what I did was—I just asked our colleagues, iyong Northern Mindanao Medical Center, Department of Health, our City Health Office to conduct daily press briefing. Kaya in the case of the Northern Mindanao Medical Center, daily reporting nila sa lahat ng mga pasyente, mayroon lang respiratory issue, starting January 31. And so far since January 31, ang mga pasyente diyan umabot na ng mga 118, Secretary.

And then sa ating City Health Office, we started with the PUIs and PUMs, but then noong nawala na sila, we started with the house-to-house surveillance, talagang utilizing our organizations at the barangay level, barangay health workers, barangay nutrition scholars, the community development volunteers going to the households and checking kung mayroong mga ILI etcetera ‘no and then mino-monitor iyan. So far, we have covered over 80,000 households already, Mr. Secretary.

Ang problema lang na na-encounter namin was—alam mo may mga panahon na sabay-sabay ang test ‘no, sabay-sabay and we observed na dahil dito sa pandemic, maraming mga kababayan natin na… I guess it is also true nationwide and worldwide even, na maraming may mga co-morbidities, mga immuno-deficiencies, mga pre-existing conditions na takot pumunta sa hospital, takot pumunta sa doktor because of the pandemic. So nangyayari, dala-dala nila iyong kanilang mga co-morbidities, high blood at diabetes and all that, and hindi na lumalapit sa doktor hanggang lumala at lumala iyong co-morbidities nila. By the time na matindi na, that’s when pumupunta sa ospital and mataas ho ang fatality rate doon sa mga ganoong kaso, Secretary.

Kaya siguro, through this interview makapanawagan tayo sa lahat all over the land, lahat ng may mga comorbidities, immunodeficiencies, huwag kayong matakot na kumonsulta sa inyong mga doctor. Gamitin iyong tinatawag na teleconference, kung uncomfortable kayo na pumunta sa ospital, ang importante is kailangang matingnan din kayo ng mga doctor dahil problema nito, as the comorbidity gets worse ay iyan tuloy ang magdala sa kanila sa hospital and that would lead to, pagdating doon sa time na iyon Secretary, medyo mahirap na ang kanilang sitwasyon. Pero sa awa ng Diyos dito sa Cagayan De Oro, iyong sa health criterion, maganda ang ating case doubling time and maganda ang ating critical care utilization ratio. And salamat sa suporta rin ng ating mga private hospitals, ang ating city hospitals at General Borja Hospitals at sa ating mga health centers.

Ang Northern Mindanao has agreed siya ang magiging COVID referral hospital and then iyong mga minor cases ng Northern Mindanao, sinasalo na po ng private hospitals at General Borja at saka ating mga health centers to decongest Northern Mindanao Medical Center.

SEC. ANDANAR: Mayor, panghuling mensahe na lang po sa inyong mga nasasakupan patungkol din po sa napakainit po ng pulitika diyan po sa atin sa Cagayan De Oro City.

MAYOR MORENO: Yeah, Secretary, alam mo, since I assumed office in 2013, I am always, naging norm na I will be subjected to troll accounts, demolition job. Of course it was seven years ago even up to now, mayroon pa rin iyan. Alam mo may mga, i-ano na lang natin iyan, I have grown adjusting to that kind of harassment. Ang sinasabi ko nga Secretary is, I will do whatever is best for our people and whatever is right for our people, not be popular or not to please political groups but to really serve the people as best as we can.

SEC. ANDANAR: Daghang salamat, Mayor, og amping and all the best to Cagayan de Oro City.

MAYOR MORENO: Secretary, salamat pod sa imong suporta, og salamat sa national government support. Life in Cagayan De Oro is not as bad and Kaluoy sa Diyos. Salamat pod sa suporta sa katawhan, thank you.

USEC IGNACIO: Salamat po. Samantala makibalita naman tayo ngayon mula sa Philippine Broadcasting Service, Radyo Pilipinas kasama si Dennis Principe.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo, Dennis Principe at diyan po nagtatapos ang ating programa ngayong araw. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Mula rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Laging tatandaan, basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPh.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)