Press Briefing

Public Briefing #Laging Handa PH hosted by Secretary Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, Deputy Chief for Operations Joint Task Force on Covid-19 Shield Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Vice President ng Alliance of Concerned Truck Owners and Organization na si Ms. Rina Papa, DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, AFP Spokesperson and Assistant J7 Brigadier General Edgard Aravelo, Philippine Sports Commission Commissioner William Ramirez, National Commander Vanguard, Inc., Mr. Guido Delgado and Iza Calzado


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang araw sa mga minamahal nating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo, ganoon din sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa ating online streaming.

Muli nating sisikapin na sasagutin ang mga katanungan at agam-agam ng ating mga kababayan kaugnay sa sama-sama natin paglaban kontra COVID-19. Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service at lahat po ng Radyo Pilipinas nationwide, ang ating crisis communications center na Laging Handa at ang ating Radio Television Malacañang at sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio, kasama ninyong makikialam at makiki-usisa sa mga pinakahuling balita tungkol sa COVID-19. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ilahad ang kanilang mga saloobin pagdating po sa health crisis na kasalukuyan pong nararanasan, hindi lamang po sa bansa, kung hindi sa buong mundo.

SEC. ANDANAR:  Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman, bayan, halina at samahan ninyo po kami dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO:  Samantala, alamin natin ang pinakahuling bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Kahapon po, Martes, April 7, 2020, inulat na umabot na sa 3,764 ang confirmed na nag-positive sa COVID ang naitala sa Pilipinas, kung saan 84 patients dito ay naka-recover, habang 177 naman po ang pumanaw.

Ayon naman sa Johns Hopkins University and Medicine, sa buong ASEAN region ay nanatiling pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 kung saan nangunguna pa rin ang Malaysia na may 3,963 confirmed cases. Samantala, sa buong mundo naman po ay naitala ang 1,414,738 COVID-19 cases. Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming bilang na sinundan naman ng Espanya, Italya, France at Germany. Nasa ika-tatlumpu’t tatlong puwesto naman ang Pilipinas sa bilang ng kumpirmadong kaso sa buong mundo.

SEC. ANDANAR:  Para po sa inyong mga katanungan, mga kababayan, para sa inyong mga concerns tungkol sa COVID-19 ay maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya 02-894-26843. Para po naman sa ating PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Maaari rin po ninyong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong TV screen.

Patuloy din po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang www.covid19.gov.ph

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, kasama rin nating kakalap ng mga pinakahuling balita sina John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service, Daniel Grace de Guzman mula sa PTV Cordillera, Regine Lanuza mula sa PTV Davao, at si John Aroa mula sa PTV Cebu.

SEC. ANDANAR: Makakasama naman natin maya-maya lamang sa ating Public Briefing si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya; ang Deputy Chief for Operations ng Joint Task Force on COVID-19 Shield Lt. Gen. Guillermo Eleazar; ang Vice President ng Alliance of Concerned Truck Owners and Organization na si Ms. Rina Papa; at si DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

USEC. IGNACIO: Makakausap din natin sina Brigadier General Edgard Aravelo, ang AFP Spokesperson and Assistant ng J7; Commissioner William Ramirez ng Philippine Sports Commission; ang National Commander ng UP-Vanguard, Inc., na si Mr. Guido Delgado. At mamaya po ang actress at COVID-19 (signal cut)…

SEC. ANDANAR: All right, pati iyong ating actress na si Iza Calzado, siya po ay isang COVID survivor. Alamin natin kung papaano po nag-survive si Ma’am Iza.

Kasama rin po nating naghahatid ng impormasyon araw-araw po ang Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 – maraming, maraming salamat po sa inyong tulong!

Para sa mga karagdagang balita: Asian Development Bank naghatid ng tulong sa ilang kabahayan sa Metro Manila sa pangunguna ni ADB President Masatsugu Asakawa. Sa pakikipagtulungan sa Philippine Army ay namahagi ang ADB ng food packs at relief goods sa Barangay Pinagsama sa Taguig City kamakailan. Ito ay bahagi ng Bayan Bayanihan Project ng ADB at ng pamahalaan para bigyang ayuda ang nasa 140,000 poor households sa kalakhang Maynila.

[VIDEO PRESENTATION]

Ayon naman kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, tuluy-tuloy din ang pagtulong ng Philippine Army sa pamamagitan ng araw-araw na pagre-repack at pamamahagi ng relief at iba pang essential goods sa mga nangangailangan. Laking pasasalamat naman ng ilang pamilyang nabahaginan ng ayuda…

[VIDEO PRESENTATION]

Mula namang mag-umpisa noong Marso ay tinatayang nasa sampung libong pamilya na ang nabigyan ng tulong nito. Matatandaan na noong March 14 din ay nagbigay ang ADB ng tatlong milyong dolyares sa Pilipinas para mapabilis ang pagbili ng emergency medical supplies, at medical services para labanan ang COVID-19.

USEC. IGNACIO: Samantala, Senador Bong Go hinikayat na gamitin sa pagtulong sa frontliners ang mga nangangailangan ng bayanihang financial assistance para po sa mga LGU. Nakatakdang mag-release ang Department of Budget and Management ng 30.8 billion grant na ipapamahagi sa mga lokal na pamahalaan para makatulong sa pagtugon sa lumalaking pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Bilang miyembro ng Joint Congressional Oversight Committee na nangunguna sa implementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act, sinabi ni Senator Go na ang pondong ito ay maaaring gamitin sa pagbili ng personal protective equipment (PPE) para sa frontliners, mga gamot, bitamina at disinfectant, hospital equipment and supplies, relief goods para sa mga nangangailangan, at temporary shelters para sa mga walang tahanan.

SEC. ANDANAR: Telemedicine services sa buong NCR pinaigting ng Department of Health. Sa pakikipagtulungan ng Kagawaran sa National Privacy Commission, Telemed Management and Medigate at Globe Telehealth, Inc., maaari na pong tumawag ang mga nasa Metro Manila 24/7 para sa kani-kanilang medical concerns. Libre po ang konsultasyong ito na maaaring gawin via phone call, chat, short messaging service (SMS) at iba pang audio and video conferencing platforms. Mga lisensyadong volunteer-doctors naman mula sa Philippine College of Physicians at sa University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center ang sasagot sa mga concerns at katanungan ng mga tatawag.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III na ang serbisyong ito ay papalawigin pa sa ibang mga siyudad at probinsiya sa labas ng Metro Manila sa susunod pang mga araw.

USEC. IGNACIO: Department of Labor and Employment, mas paiigtingin ang serbisyo para sa mga apektadong manggagawa dahil sa pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hinihintay na lamang po na aprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na dagdagan po ang pondo ng kagawaran para sa assistance program nito sa mga manggagawa.

Kabilang na dito ang P10,000 para sa mga apektadong OFWs sa pamamagitan ng DOLE AKAP Program, ayuda para sa halos 715,000 workers na nasa 30,000 employers sa ilalim po ng COVID Adjustment Measures Program o CAMP. At ang pondo po para sa emergency work ng nasa 700,000 workers na nasa informal na sector sa ilalim ng TUPAD BKBK o tulong panghanapbuhay sa ating displaced o disadvantage workers program #Barangay ko, Bahay ko.

Sinabi rin ni Secretary Bello na sisikapin ng kagawaran na mas mapabilis pa ang mga serbisyo at ayudang nakalaan para sa mga nangangailangang manggagawa.  

SEC. ANDANAR:  Simulan na natin ang ating public briefing kasama si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya—hindi pa handa si Usec Malaya.

I think, handa na si General Eleazar.

GEN. ELEAZAR:  Yes, Sec. Martin and Usec. Rocky. Magandang tanghali po sa ating lahat pati na rin po sa nakikinig at nanunood ng ating programa.

ASEC. IGNACIO:  Kaugnay po ng pag-encourage ng DILG sa LGUs na pagpasa po ng ordinance requiring the use of face mask, ano po ang stand ng PNP dito?

GEN. ELEAZAR:  Well, malaking tulong po iyon na ang ating mga LGU will be enjoined to pass ordinances or resolutions para magkaroon po tayo ng pangil. Kasi we can only caution those people who were not wearing mask sa labas ng kanilang residences.

Parang curfew po iyan, mas maganda ang implementation kung mayroon tayong pangil and I believe that all the LGUs, just like doon po sa curfew na naglabas sila ng kanila-kanilang mga ordinansa, ay napakaganda po na maglabas din sila dito para naman mako-compel itong ating mga kababayan na mag-wear ng mask. Itong mask naman na ito, not necessarily bibilhin kung hindi puwede rin itong mga do-it-yourself at mga improvised na mask and even hanky, para makatulong sa hindi paglaganap nitong virus natin.

ASEC. IGNACIO:  Kasama din po natin si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang umaga, Usec.

USEC. MALAYA: Yes, magandang umaga po, Sec. Martin. At magandang umaga, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Yes, marami na sa mga LGUs dito sa Luzon ang nagtayo ng kani-kanilang mga isolation facilities sa kanilang mga lugar exactly to curb the increase of COVID-19.  Bakit po ito mahalaga? And what is the participation of the Department of Interior and Local Government sa mga proyektong ito, sir?

USEC. MALAYA:  Yes, sir. Kailangan po ito, mahalaga po ito kaya po nagpalabas si Secretary Eduardo Año ng kautusan sa lahat ng ating mga LGUs na magkaroon na sila ng kani-kanilang mga isolation facilities sa kadahilanan po, Secretary, na magkakaroon na po tayo nang mas madaming testing. Na-announce na po ng DOH na dumarami na iyong ating mga testing centers across the country, hindi na lamang po sampu; and we already have a lot of testing kits in our possession. Ibig pong sabihin nito, darami na po iyong ating mga mate-test na tao at definitely po tataas po iyong mga porsiyento ng ating COVID positive.

At iyon pong COVID-positive patients natin, marami po diyan, a big number will have no symptoms or will have mild symptoms. At since ganoon po ang sitwasyon nila, hindi na po advisable na sa ospital pa sila mamalagi dahil they will just add to the congestion in our hospitals. So, it is best that we accommodate them in an isolation facility set up by the LGU. So in anticipation po dito sa sitwasyon na ito, it’s imperative and needed for the LGUs, as directed by Secretary Eduardo Año, to please set up your isolation facilities immediately. At makakatulong po diyan iyong bagong pasang Bayanihan Grant na pin-propose ni Senator Bong Go at inaprubahan ng ating Pangulo providing additional funds to all our LGUs.

SEC. ANDANAR:  Usec. Malaya, iyong 30 billion pesos na Bayanihan Fund, one-time fund po ito para sa mga LGUs, anu-ano po ang sakop noong fund na ito? Saan po ba pupuwedeng gastusin ng LGU, bukod po doon sa mga facilities?

USEC. MALAYA:  Opo, ito po, Sec, na pondong ito na tinatawag na Bayanihan Grant for Local Government Units in particular iyong mga cities ang municipalities ay puwede pong gamitin ng ating mga Local Government Units para sa COVID response. Meaning, ano po itong mga ito: Puwede pong pambili ng mga Personal Protective Equipment, mga hospital equipment, mga kagamitan sa kanilang mga Barangay Health Centers which are utilized for COVID; pambili po ng mga bitamina o mga medicines ng kanilang mga kababayan. Puwede din po itong pambili ng food packs para sa ating mga kababayan and, of course, iyong sinabi ko po kanina, isolation facilities. So anything that they would need medically to respond to the COVID crisis. For example po, kung mayroon po silang hotel na gagawing isolation facility at kung mayroon pong babayaran to make that happen, that can also be charged under this Bayanihan Grant.

Ito pong Bayanihan Grant, Sec, ay one-month IRA. Extra po ito, hindi po ito advance IRA; it is a one month extra Internal Revenue Allotment. So, kung ano po iyong natatanggap regularly ng LGU from the DBM ay mayroon po silang extra, para po itong 13th month pay na ibibigay sa mga LGUs. And we expect na ang guidelines po ng DBM ay lalabas ngayong araw, at kung lumabas po iyan ngayong araw ay in the next few days ay matatanggap na po iyan ng ating mga Local Government Units.

USEC. IGNACIO: Mayroon tayong tanong dito para kay Usec. Malaya and kay General Eleazar: Ang funeral daw po ay need casket, pero iyong raw materials are not arriving because of DENR directive.  Hindi daw po naka-specify kung ano po iyong directive na iyon and at the same time, some of our casket factories are not allowed to operate by LGUs. Papaano po ang gagawin dito ng ating pamahalaan?

USEC. MALAYA:  Maganda siguro po sagutin iyan ni General Eleazar kasi siya po ang Joint Task Force COVID Shield Commander.

GEN. ELEAZAR.   Well, malinaw po na sinasabi ng ating Inter-Agency Task Force sa guidelines nila na lahat ng mga cargo, lahat po iyon ay makakadaan. So kapag sinabi nating cargo, it doesn’t mean na essential items lang yan. For all you know, the non-essential items could be raw materials for essential items. Kaya nga lahat po kasama na riyan. So in that case, pati po iyong mga gamit para sa pagsasagawa ng kabaong man, kung ano man, lahat po iyan ay makakadaan. And sinasabi nga po natin na itong mga funeral service naman, well, iyong actual ng pagbibigay nila ng serbisyo, is allowed po iyong mga employees nila, kasama na rin siyempre itong mga kamag-anak at magbabasbas dito sa ating mga nasawing mga kasamahan.

USEC. IGNACIO: Okay, bigyang-daan po muna natin ang katanungang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, kasama si John Mogol. Go ahead, John.

JOHN MOGOL:   Magandang tanghali po kay, Usec. Malaya.  Usec, ito po may katanungan dito si Kagawad Marilyn Baratita ng Barangay 8, sa Lucena City.

KAG. MRILYN BARATITA:  Ang tanong sa DILG kung mayroon po bagang hazard payment ang mga volunteers ng aming barangay? Kami po namang mga barangay official ay mayroon naman pong kaunting honorarium, kaya iyon lamang ang aking itatanong, iyon pong aming mga frontliners na volunteers ng Barangay 8 ay mayroon po kayang makakamtan dine sa kanilang pagtulong sa amin? Iyon lang po.

USEC. MALAYA:   Yes, salamat po sa inyong katanungan. Nagpalabas po ng administrative order na ang ating Pangulo for the payment of hazard pay para sa lahat po ng taong naninilbihan dito sa ating COVID response ng ating pamahalaan, at kasama po diyan ang lahat ng barangay health workers. So kayo po ay makakatanggap din ng hazard pay.

USEC. IGNACIO: Okay, John. Maraming salamat kay John Mogol ng PBS. And, Usec. Malaya, salamat po.

Para kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar. Inatasan po ng Pangulo ang pulis at militar na tumulong sa pamamahagi ng social amelioration package ng pamahalaan. Ano po ang coordination ng PNP sa LGU? At ano po ang magiging main participation dito ng AFP at PNP?

GEN. ELEAZAR: Last week pa po ay nagbigay ng direktiba ang ating Chief PNP, Police General Archie Gamboa para po sa ating mga kapulisan down to the municipalities and cities to coordinate with their respective counterparts sa DSWD. Ang hangarin po natin niyan ay itong ating mga social workers na siyang magdi-distribute nitong mga cash incentives ay mabigyan natin ng tamang proteksyon at the same time, maging orderly itong distribution na ito.

At itong proteksyon na ito siyempre ay hindi lamang sa pupuntahan natin na mga recipients nito but maging siyempre dito sa ating mga social workers na may dalang pera; while observing social distancing, as well as all the protocols na kailangan natin sa pagdi-distribute nang maayos nitong mga cash incentive galing sa ating pamahalaan.

SEC. ANDANAR: Kaugnay naman sa problema sa cargo shipments sa gitna ng ECQ ay binigyang solusyon ito ng PNP sa pamamagitan ng pagtatalaga ng dedicated control points sa buong bansa. Ilan exactly ito at paano ang proseso, General Eleazar?

GEN. ELEAZAR: Opo, mayroon po tayong 115 na dedicated control points manned by Highway Patrol Group elements; all over the Philippines na po ito. Ito po ay mga strategic location, usually sa mga boundary ng ating mga probinsiya. Dito lang po magtsi-check, mag-i-inspect ng ating cargo trucks. The other QCPs – itong tinatawag nating Quarantine Control Points – manned by the local police, 3,593 all throughout the Philippines, hindi na po doon itsi-check ang ating mga cargo trucks.

Ito po ang pagkakaiba noon: Itong DCP manned by the Highway Patrol Group, ang iinspekin nila ay cargo truck; hindi sila mag-i-inspect ng non-cargo truck. Ngayon naman po, itong QCPs natin na mas marami manned by the local police, ang itsi-check lang nila ay mga non-cargo trucks; ito pong mga cargo trucks ay dadaan na po doon. Gusto po kasi natin alisin iyong mga paulit-ulit, unnecessary, redundant checking of the cargo trucks to ensure that the movement of this cargo is unhampered and unimpeded.

Nagbigay na po ng direktiba ang ating Chief PNP na sa lahat ng atin pong mga chiefs of police to coordinate with their respective barangay particularly the heads of barangay tanod para lahat po ay magku-comply dito. Dahil alam naman po natin na sa mga interior roads ay puwedeng may mga barangay doon na nagpapatrolya, hindi rin nila puwedeng i-check, harangin man lang ang mga cargo trucks. The protocols na gagawin sa mga delivery person ng cargo truck, iyong pagtsi-check po ng social distancing, checking of documents, as well as thermal scanning will only be done on the 115 strategically located DCPs manned by Highway Patrol Group.

USEC. IGNACIO: Kasama rin po natin sa linya si Vice President of the Alliance of Concerned Truck Owners and Organization na si Ms. Rina Papa. Magandang umaga, ma’am.

MS. PAPA: Magandang umaga po, Usec. Rocky at Sec. Martin.

USEC. IGNACIO: Ano po iyong kasalukuyang challenges na pinagdadaanan ng cargo shipment sa gitna po nitong Enhanced Community Quarantine na na-extend pa po ngayon?

MS. PAPA: Opo. Natutuwa kaming marinig iyong sinabi ni General Eleazar ‘no, so we are hoping na finally mai-correct na talaga iyong nagiging practice sa kalsada. Kasi po prior to this memorandum, prior to this advisory, ang nagtsi-check po sa mga truck magmula sa mayor hanggang sa barangay tanod, depende po kung sino iyong may kursunada.

So magandang balita po ito. Ang hinu-hope lang po sana namin, mayroong isang orientation, may isang maliwanag na guideline na sinusunod iyong ating mga DCP kasi malaking tulong po ito para matupad natin iyong unhampered and unimpeded delivery of cargos.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Rina, nasa kabilang linya po si Usec. Jonathan Malaya. May tanong po ba kayo sa kaniya, maski kay General Eleazar po?

MS. PAPA: Maglilinaw lang po sana kami, kasi po ngayon ay may bagong pinapatupad yata na rapid ID pass ‘no na app-based as I understand. Kasama po ba ang trucks dito ulit, General or Usec?

GEN. ELEAZAR: Ma’am Rina, nakipag-coordinate po kami dito sa nagdi-develop ng software na ito. At ang sinasabi po nga namin, ito pong Quick Response sa Code or QR Code, bar-coded na ito, hindi ito para sa vehicle; ito po ay para doon sa laman ng sasakyan. Ito iyong tinatawag nating APOR – Authorized Persons Outside Residence.

Ma’am Rina, para po sa mga cargo truck, huwag na po kayong mamrublema doon. Ang truck is padadaanin. Itsi-check lang natin iyong laman noon na delivery personnel based on protocols – social distancing and temperature.

Now for the other vehicle, sa non-cargo vehicle, each individual occupant of the non-cargo vehicle, iyon po dapat mayroon siyang indibidwal QR code dahil ang ating tinitingnan naman doon not the vehicle but iyong laman noon. Iyon pong mga QR codes na iyon actually, iyon ho ay kapalit doon sa mga ID or identification nitong mga sinasabi nating APOR na nag-o-occupy ng mga sasakyan or dumadaan dahil mayroon na silang mga previous processing na. Kumbaga, kapag ini-scan iyon at pasok siya sa database, ibig sabihin ay okay na siya; nagdaan siya sa processing.

But with regard to cargo, Ma’am Rina, wala pong magiging problema iyon. Ang cargo natin, kapag sinabi nating cargo vehicle, hindi po ito mga truck, pati jeepney, pati van. Kung naglalaman ng cargo whether essential or non-essential, padadaanin po iyan ng mga DCPs at hindi iyan itsi-check sa QCPs na pagkarami-rami. Iyon po ang ating magiging patakaran. At kami naman po ay humingi ng feedback din galing sa inyo. At sa amin naman pong coordination or Viber group namin, mayroon po kaming representatives, senior rep from concerned departments – ‘andiyan po iyong DA, ‘andiyan iyong DTI, andiyan iyong DOLE at siyempre si Usec. Malaya na talagang tumutulong sa aming pagreresolba ng mga konting mga bagay na pinag-uusapan concerning this implementation na atin pong ginagawa.

MS. PAPA: Magandang balita po sa amin, General.

USEC. IGNACIO: Ma’am, may concern po kayo kay Usec. Malaya naman po? May gusto kayong i-clarify?

MS. PAPA: Hindi po ako sure kung sa kanila dapat itanong, pero bukod pa po kasi sa problema ng checkpoints, iyon pong flow of commodities natin ay nagkakaroon din ng bara in terms of processing. Recently, nag-come out na po tayo with JAO 2001 na nagma-mandate na dapat ang mga cargos ay lumalabas sa ports in seven days time at the maximum ‘no. This would be addressing iyon pong role ng BOC, ng PPA at ng port users or ng port managers. However po, medyo may naiiwan pong sektor, iyon pong mga shipping lines na sa ngayon po ay medyo nagiging problema din namin kasi—ngayon po lahat ng shipping lines ay naka-online processing ‘no. It takes them three to seven days to respond to online applications for documents. So those days would cause us delay as well in terms of delivery of cargo. So kanino po kaya namin puwedeng mailapit ito?

USEC. MALAYA: Okay. Tama po kayo, ma’am, hindi po sa amin iyan sa DILG; iyan po ay concern naman ng shipping industry. But we will relay your concern, magkasama naman po kami sa IATF para po maaksyunan nila kaagad. Pero sana po kayo sa private sector ay makipag-ugnayan po din kayo sa kanila kasi magkakilala naman kayo sa inyong industriya. Basta kami po sa gobyerno, in particular kami ng DILG, kasama si General Eleazar ng Philippine National Police, isa lang po ang boss namin – si Secretary Eduardo Año. At maliwanag po ang kautusan ni Secretary Eduardo Año na padaanin sa lahat ng checkpoints sa buong bansa ang mga cargo. At level naman po ng local government unit ay bawal na rin po na mag-inspect ng cargo ang LGU checkpoints.

As a matter of fact, para po kayo matulungan sa inyong sector ay ipinagbawal na rin po ni Secretary Año iyong mga barangay checkpoints sa mga provincial roads and national highways. Ipinabuwag na po niya iyan and I’m sure ay na-implement na po iyan ng ating kapulisan. At kung mayroon pa po kayo, ma’am, na barangay na nangha-harass diyan, ipaalam po ninyo sa amin ni General Eleazar at mabilis po iyan; in 10 minutes, wala na po iyang barangay checkpoint na iyan, hindi ba, sir, General Eleazar?

GEN. ELEAZAR:  Yes, Usec, kagaya ng ginagawa natin.

MISS RINA PAPA:  Maraming salamat po. Mayroon pa po sanang isang tanong kung puwede pa po?  Well, actually po sumulat kami talaga ng sectoral situationer na pinadala po namin sa IATF at sa iba’t ibang government agencies na sangkot dito sa pagpapatupad natin ng mga patakaran. Ang recommendation po namin doon sa sulat na iyon ay sana ay magkaroon tayo ng parang focal person po na puwedeng kontakin ng mga truckers or whoever is involved in cargo deliveries, kasi naiintindihan po namin na maraming trabaho ang lahat at pagod na pagod ang lahat. So, baka po nang-iistorbo kami unduly or unnecessarily with people who are not really concerned with our issues. So baka po mayroon lang tayong ma-device na mechanism that there would be a focal person or a committee of sorts that can actually focus on cargo deliveries itself?

USEC. MALAYA: To address your concern, mayroon na pong DTI Rep doon sa Joint Task Force COVID Shield na pinamumunuan ni General Eleazar, at iyan po si Director Ernie Delos Reyes ng DTI. So siguro po mamaya, through PTV 4, we can forward his number to you, para kung mayroon po kayong concerns na mga truckers ay maidulog po sa amin through DTI Director Delos Reyes, since he is the focal person for all of these concerns with related to the issues on trade and industry.

SEC. ANDANAR:   All right. Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Jonathan Malaya.  Salamat din po Lieutenant General Guillermo Eleazar at ganoon din po sa ating bisita na si Miss Rina Papa ng ACTOO. Makakapanayam din po natin si Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ng DOH. Magandang umaga sa inyo, Undersecretary Vergeire – wala pa?

Ngayon ay kasama natin si Brigadier General Edgard Arevalo, ang AFP Spokesperson. I hope General Arevalo is ready. General?

USEC. IGNACIO:  Secretary, nandito pa yata si General Eleazar. Tanong ni Tuesday Niu: Ngayon daw na mas pinalawig iyong Enhanced Community Quarantine, gaano daw, magiging mahigpit pa rin iyong koordinasyon nila sa LGU? Kasi may sinasabi si Tuesday Niu na dito daw sa Caloocan City, namamasada pa rin daw ang tricycle at mayroon daw barangay tanod na naninita sa kalye, wala daw face mask. Ano daw po ang gagawin dito, General?

GEN. ELEAZAR:  Unang-una, iyon pong pamamasada ay hindi talaga pupuwede iyon. Kaya nga po iyong ating pagsasagawa ng pag-iikot diyan, pati iyong panghuhuli ng nagba-violate ng mga patakaran, itong mga curfew natin ay tuluy-tuloy tayo. Actually po, for the past 22 days, mula ng mag-start tayo, we have accosted 93,000 na ating mga kababayan na mga pasaway. Pero, well, 71% naman po nito or 66,000, ito po ay atin lamang binigyan ng babala; 4,000 doon or ito pong ibang 4% doon ay atin lamang binigyan ng multa. At ang inaresto natin doon is 22,000, so ito po iyong na-file-an natin ng kaso.

So tuluy-tuloy po iyong ating kampanya dito at tayo po ay nakikiusap din, humihingi ng ating kooperasyon at tulong sa ating mga barangay officials and barangay tanod sa pagpapatupad nito. And we will not hesitate to arrest those who are violating this. At iyong tungkol naman sa pagsusuot ng ating mga mask, eh iyon nga po, patuloy ang ating panawagan sa atin pong mga local government units na magpasa agad ng kanilang ordinansa para mayroon tayong basehan para arestuhin ito, kagaya noong mga nagba-violate ng curfew.

SEC. ANDANAR:  All right. General Eleazar, mayroon kayong gustong idagdag   na impormasyon?

GEN. ELEAZAR:  Well, ito po kanina nabanggit ni Ma’am Rina na mayroon po tayong puwedeng tawagan, aside from the hotline natin ng Joint Task Force COVID Shield. Ito po iyong number naman ng Highway Patrol Group para sa cargo mismo: 0926-2255474.

Ngayon po humihingi naman kami ng kooperasyon ng ating mga kababayan, kasi kahapon noong nagsagawa po kami ng inspection kasama ko ang Director ng HPG, maayos naman po ang location nitong mga dedicated control points manned by the HPG. Pero doon sa iba, mga quarantine control points natin, mayroon pa rin tayong mga kababayan na talagang lumalabas pa rin, nakasakay sa mga sasakyan na hindi naman sila authorized lumabas.

In fact, mayroon pong iba doon, hindi lamang isa ang sakay o dalawa. Eh alam naman nila na hindi sila puwedeng bumili ng kanilang essential items o essential foods kung sila ay more than isa ang nakasakay doon.  So, while it is true that most of our … the public are in their home, in quarantine, mayroon po tayong mga iba pang pasaway na nasa labas pa.

Isipin po natin na sana itong ginagawa nating sakripisyong ito, eh na-extend pa itong ating paghihirap, sana makamit natin iyong ating objective. Kaya doon sa iba na natitira na ayaw mag-cooperate, panawagan po natin, tayo po ay magtulung-tulong at kayo ay mag-stay sa bahay upang hindi na makatulong pa dito sa problemang ating kinakaharap sa ngayon.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon. Muli, Lieutenant General Eleazar, mabuhay po kayo. Sa ngayon naman ay makakapanayam na natin si Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ng DOH. Magandang umaga po sa inyo, Undersecretary. Tawagan natin muli si Usec. Vergeire.

Samantala, nais ko lang basahin din ang ilan sa mga gustong iparating ng ating mga kababayan. Ito po si Vius Faith: “Maaari po bang makita ng mamamayan ang listahan ng DSWD recipients?” Iyan po ay ia-address natin sa ating Director or Secretary ng DSWD kung nandito po siya mamaya – si Secretary Rolly Bautista.

Sabi ni Lou Ochi: “Congratulations po sa mga frontliners. I hope we will also thank and recognize all faith-based communities with their spiritual and material support, we remain steadfast and strong as a country.”

Of course, pasalamat tayo sa ating mga kaparian, sa ating mga pastor, sa ating mga lay ministers, lahat po ng mga nasa simbahan, mga faith-based organizations. Salamat po sa inyong tulong at salamat sa inyong serbisyo sa ating bayan.

Nandito rin si Hadji Abao, watching from Cotabato City: “Ask ko lang kung kasali ba kami sa extension ng lockdown hanggang April 30?” Well, ito po, sir, ay para sa Luzon lamang. Now, kung mayroon pong desisyon ang inyong pamunuan, ang LGU ninyo na mag-extend hanggang April 30, nasa kanila po iyon.

Rocky mayroon ka bang panawagan diyan?

USEC. IGNACIO: Gusto lang din malaman ng ating ibang mga kababayan dito sa Cavite, sa PhilHealth naman po ito. Tinatanong nila kung iyong sa may sakit ng pneumonia, kung sa mga ospital daw po ay kung libre din, kung sakop iyong sa probinsiya katulad ng Cavite. Pinapatanong po niya iyan sa PhilHealth, Secretary.

SEC. ANDANAR: Okay. Actually, ang pagkakaintindi ko niyan ay nationwide. Lahat ng mga ospital na mayroon pong PhilHealth, ito ay libre as long—or ito ay sasagutin ng PhilHealth as long as COVID-19 ang kaso.

Samantala, ilang mga sikat na personalidad ang napaulat din na nagkaroon ng COVID-19. Mayroong binawian ng buhay, pero mayroon din namang gumaling mula sa sakit. At makakapanayam natin – masuwerte tayo – ang isa sa kanila. We have on the line Ms. Iza Calzado, isang COVID-19 survivor. Magandang umaga po sa inyo, Ma’am Iza.

MS. CALZADO: Magandang umaga din, Secretary Martin and USec. Rocky. Thank you for having me. Medyo surreal na parang bakit nandito ako sa national briefing pero thank you for having me.

SEC. ANDANAR: Yes, ma’am. Kailangan po talaga ng inspirasyon ng ating mga kababayan at kayo po ay isang survivor. Tell us about your experience at the onset of the symptom. Ano ang mga sintomas na naranasan mo na nag-encourage din sa iyo na para magpatingin sa doktor?

MS. CALZADO: Bale po noong una, it was a tightening dryness of the throat and then sumunod na iyong cough and then fever and then loss of appetite. Inakala kong kaya ko siyang gamutin naturally, parang normal flu hindi ba, so hinintay ko and kasi iyon po iyong oras na talaga na sabi nila iyong test kits were few and far between, kumbaga kaunting-kaunti lamang. So nahiya po akong pumunta ng ospital kaagad kasi iniisip ko mas marami tayong mga kababayan na mas nangangailangan na magpa-test, iyon pala lumalala na iyong sitwasyon ko. Hindi ko napansin na I was already out of breath kasi feeling ko, iyong hindi ba sabi po nila eh hold your breath for ten seconds. Naho-hold ko naman iyong breath ko, so akala ko okay ako hanggang sa nagpa-test po kami sa parang clinic na HP Diagnostics, nakitang bumababa na iyong white blood cell count ko at saka may pneumonia na ako at saka na kami dumiretso ng ospital noong kinagabihan, noong nakita namin iyon.

SEC. ANDANAR: So ilang araw bago na-confirm na ito ay COVID-19, itong kaso mo?

MS. CALZADO: Bale po my first symptom iyong aking pag-ubo ay nag-start noong March 13. Ako po ay pumunta sa ospital nang March 20; March 20 rin po ginawa ang unang swab test ko at nalaman ko po… kasi noong time na iyon hindi ba medyo matagal pa po at that time bago makuha iyong result. Nalaman ko siya eight days after, so almost March 26 – 27 – 28, mga ganoon ko pa po nalaman. March 27 -28 ko nalaman iyong results; 27, nag-second test na po ako at nag-negative na po ako at March 31, nag-second—Bale, third test and then nag-second negative na po ako.

USEC. ROCKY: Opo. Miss Iza, ikuwento mo sa amin papaano iyong naging proseso ng treatment sa iyo?

MS. CALZADO: Bale po noong nasa ospital kasi ako, may pneumonia na nga po ako agad na medyo lumala po after a few days. So—but immediately, pagdating po nila doon they treated it like a COVID case kahit po wala pang resulta iyong test. So, eksakto din po kasi napanood namin, nakita namin iyong tweet noon ni Elon Musk a night before, so bumili po kami ng hydroxychloroquine and then azithromycin, iyon ang mga first few na tinake ko.

Eventually po, they were giving me anti-viral meds called lopinavir, it’s actually used for HIV treatment. And then eventually kasi din may nahanap naman pong bacteria sa aking lungs, so I was dealing with two different things: a viral infection which is COVID-19 and then a bacterial infection called acinetobacter baumannii, basta iyon po ang pangalan. So, iba pa iyong antibiotics ko para doon, iba rin po iyong mga antibiotics at gamot ko para sa COVID-19.

Ikinuwento ko po ito pero ako po ay nagpapaalala sa ating mga nanunood, sa mga taumbayan, huwag po kayong mag-self medicate. Kapag may naramdaman po kayo, hayaan ninyo pong doktor ninyo ang magbigay ng gamot kasi hindi po lahat hiyang sa katulad ng HCQ or hydroxychloroquine. If you have a preexisting heart condition, hindi po ito ang ibibigay sa inyo, so marami pong pinagpipilian ang mga doktor. Iyon po ay ang aking personal experience.

USEC. ROCKY: Miss Iza, kumusta ka na ngayon at saka ano na ang advice ng mga doktor mo sa iyo pagka-release mo sa hospital?

MS. CALZADO: Sorry, ano iyong pangalawang tanong?

USEC. ROCKY: Kumusta ka na and ano ang advice sa iyo ng mga doktor mo noong ma-release ka na sa hospital?

MS. CALZADO: Una po sa lahat, gusto ko lang pong i-take itong opportunity na ito para magpasalamat sa lahat ng mga doktor at nurses especially iyong mga nag-alaga po sa akin sa buong Asian Hospital at sa lahat po ng ating frontliners dahil I witnessed firsthand po kung ano iyong dedikasyon, iyong pagmamahal at pag-aaruga na ibinibigay nila kahit po pagod na pagod na sila. And I just can’t imagine what it is like for all the other frontliners all around the world especially iyong mga kababayan nating mga Filipino. So, maraming salamat po sa inyong lahat.

Kung sa kalagayan ko lang po, ito nakikita ninyo naman po maayos na ako. It took a bit of time, last week po hindi pa po ako nag-grant ng interviews kasi medyo naapektuhan po iyong speech ko at saka nanghihina pa po talaga ako. Pero by Friday, Saturday, umayos na po ang pakiramdam ko. And siyempre, hindi pa rin po ako—I’m still respecting my body and alam ko pong nasa proseso pa rin siya ng healing, so kahit na feeling ko marami akong energy kailangan ko pong i-remind iyong sarili ko na ako ay … I just came from a very serious… ano ba ito… battle na kumbaga kailangan ko muna ding magpahinga.

Ang sabi po ng mga doktor ay—Well, iyong doktor po siyempre ang concern lang nila is iyong health mo na maging mabuti ka, maayos, so iyon nga po sabi nila, magpahinga ka kahit na feeling mo may energy ka na. Iyong baga mo kumbaga naghi-heal pa. And siguro po, gusto kasi nila—tinanong ko po kasi iyong mga doktor na sabi ko kung ako po ay may pagkakataong makapanayam, iyong makapagbigay ng mensahe, ang pilit po talaga nilang iginigiit noon ay respetuhin po natin iyong quarantine that we stay home because it’s really the best way for us to prevent further infection na kumbaga iyon ang way natin para tulungan din iyong mga kababayan natin.

And then naman po the minute I got out, PGH and Makati Med both reached out to me, mayroon din pong parang blood or plasma drive ngayon na kung kayo po ay COVID survivor, kapag magaling na po kayo, katulad ko po nagpapagaling pa, puwede nating i-donate ang plasma natin para makatulong tayo lalo na sa mga kababayan natin na in critical condition. So, sana po next week ay makapag-donate na ako.

USEC. ROCKY: Naku, napakaganda! Maraming salamat sa iyo, Miss Iza Calzado, for sharing your time and story with us. Stay safe and stay beautiful. Salamat, Iza.

MS. CALZADO: Salamat po! Thank you, Secretary Martin and USec. Rocky. And maraming salamat po ulit sa lahat ng mga kababayan na nagdasal para sa akin. Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat and I am one with you – the government – in praying that together we can overcome this. Kaya po natin ito.

USEC. ROCKY: Thank you, Miss Iza Calzado. Samantala, makibalita muna tayo sa Cordillera Region kasama si Danielle Grace de Guzman. Go ahead, Danielle.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Danielle Grace De Guzman ng PTV Cordillera.

Pasalamatan din po natin ang ating mga donors sa pag-assist po ng preparasyon, equipping ng utilities para po dito sa quarantine facilities sa NCR, sa Rizal Memorial Complex, sa PICC at sa World Trade Center: Nandiyan po iyong Razon Group, Villar Group and EEI Corporation, Ayala and Luchangco Groups. Sa Quezon Institute, iyon pong Consunji-DMCI; Maynilad, salamat po sa tubig; Meralco sa kuryente; sa internet, PLDT Smart; sa pagkain, Aboitiz Group; at sanitation and portalets, ang Lina Group.

Pasalamatan din po natin iyong ibang mga donors, ang Chinese-Filipino Business Club; nandiyan din ang SM Foundation of Daisy Sy-Coson; Filinvest City Foundation; Ivan Yao, Bank of China; Good Neighbors International Philippines; Glaxo-Smith-Kline Philippines; Merry Mart Marikina Foods Corporation; Century Pacific Food at ang Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry.

Samantala, makakapanayam din po natin si Commissioner William Ramirez ng Philippine Sports Commission – magandang umaga po sa inyo, Commissioner.

COMMISSIONER RAMIREZ: Good morning, Secretary Andanar, Usec. Ignacio.

USEC. IGNACIO: Sir, ang pangunahing kontribyusyon po ng PSC ay ang pagbubukas ng ilang sports facilities sa bansa para gawing quarantine facility. Nabanggit ko nga itong Rizal Memorial – ano po ang mga updates natin dito, sir?

COMMISSIONER RAMIREZ: Before that Secretary, mga last week of February and the first week of March, with the development of the coronavirus all over the world, napag-usapan na namin iyan sa Komisyon na baka the possibility of using our facilities. Kasi nakita namin sa Europe na ginagamit iyong mga gym. So iyon, so I called out Executive Secretary Medialdea na available po itong Rizal Memorial Sports Complex, iyong PhilSports Arena. So halos tapos na iyong Multi-purpose Arena Secretary at balak pang gawin na iyong Rizal Stadium at saka itong PhilSports Arena sa Ultra, Pasig.

USEC. IGNACIO: Dadagdagan po ba iyong posibleng bubuksang pasilidad ng PSC sa mga susunod na araw aside from Rizal Coliseum? May iba pa po ba kayong mga tinitingnan na lugar na under PSC po na puwede gawing quarantine facility?

COMMISSIONER RAMIREZ: What we offer po Usec. Rocky was itong Multi-purpose Arena, ang tawag ‘Ninoy’, iyong Rizal Stadium. Kapag kailangan na magkaroon ng tent stadium iyong Rizal Memorial track oval, iyong baseball ground at saka iyong tulugan ng mga frontliners. May mga ilan pang mga buildings doon na puwedeng i-occupy ng mga doctor, nurses in other areas.

Dito naman sa PhilSports Ultra Arena sa Pasig, iyong PhilSports Arena na nilaruan ng South East Asian Games volleyball, saka mayroon ding track oval. So bale sa Philippine Sports Commission, we have seven to eight available kapag gagamitin ng gobyerno.

USEC. IGNACIO: Commissioner, bago pa man po ianunsiyo ang community quarantine, pinauwi na po iyong mga ilang atleta sa kani-kanila pong bahay. Paano naman po iyong mga staff, iyong coaches, securities at iba pang athletes na naiwan po sa pasilidad na ito?

COMMISSIONER RAMIREZ: Salamat po. Noong mga first week of March, bago nag-lockdown po tayo, nakita na namin iyong possibility and, you know, it’s not easy to manage 1,000 national athletes. So we advise the athletes na umuwi muna sa kanilang mga lugar, mga probinsiya. At pangalawa, mina-manage din natin iyong mga atleta na nasa iba’t ibang bansa – sa Japan, Italy, United States. So ang naiwan pong mga atleta ngayon sa PhilSports Arena – may mga 30 athletes po, dalawang foreign coach at saka apat na Filipino coaches, so pinapakain po namin dito, inaalagaan po. Mayroon kaming medical organization sa Philippine Sports Commission, nag-aaruga sa kanila.

At another thing – another good news… tuluy-tuloy po iyong mga salaries sa empleyado ng PSC saka iyong mga allowances ng national athletes saka coaches. So tuluy-tuloy po iyon – iyon ang sitwasyon! At in the absence of physical contact, may psychology department po kami na nag-online sa lahat ng mga atleta to counsel in terms of anxiety, doubt, fear, frustration na biglang nagbago iyong buhay nila sa kabila ng lockdown na ito. So ito po ang sitwasyon ng Philippine Sports Commission, Usec.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat sa inyong panahon, Chairman William ‘Butch’ Ramirez ng Philippine Sports Commission. Mabuhay po kayo!

Ngayon naman ay makakapanayam po natin si Brigadier General Edgard Arevalo, ang AFP Spokesperson at Assistant po ng J-7. Magandang umaga po sa inyo, sir.

BRIG. GEN. AREVALO: Good morning, Sec. Martin at sa iyo Usec. Rocky. At sa lahat po ng nanonood sa atin, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:  Sir, maraming salamat po sa paghahayag ninyo ng intensiyon na i-donate ang bahagi ng inyong salary para sa efforts laban sa COVID-19—

BRIG. GEN. AREVALO: Bale-wala [garbled]…

SEC. ANDANAR:  Ano po ang nagtulak sa inyo dito sa initiative na ito, General? General are you there? Mukhang nagkakaproblema tayo sa communication line natin with General Arevalo.

Pero ganoon pa man, tayo po ay nagpapasalamat sa kaniyang pag-donate ng kaniyang suweldo, Rocky, at marami nang nagdo-donate.

USEC. IGNACIO:  Marami ngang gustong tumulong Secretary, siyempre iniisip naman nila kung paano nga daw po iyong gagawin at kung kanino maipapaabot. May mga tao din po akong kilala na gusto nga po sana nila tumulong, pero siyempre gusto rin nilang pairalin iyong social distancing. Medyo kabado pa rin po sila kung paano nila gagawin iyong tumulong talaga. So, sana sa mga susunod na panahon malaman na natin kung paano, saan ang pinakamagandang paraan na makatulong and at the same time po na nasisiguro naman po natin na ligtas din po iyong mga gustong tumulong laban sa COVID-19.

Babalikan po natin Secretary, si General Arevalo; Makakasama na natin Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

SEC. ANDANAR: Yes, Usec. Vergeire, are you there?

USEC VERGEIRE: Yes, good afternoon po Sec and Usec. Rocky.      

SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po. Sa naging virtual presser ng DOH kahapon with Secretary Duque, sinabi niyang kasalukuyang pina-finalize ng kagawaran ang guidelines at strategy sa pagsusuot ng PPEs, gaano po ito kahalaga, Usec. Vergeire?

USEC VERGEIRE:   Yes sir, first kaya siya napakahalaga kasi ayaw po natin na makipag-compete pa itong personal na gamit ng ating community doon po sa mga pangangailangan ng ating mga tauhan sa ating health care facility. So kailangan lang po, maging judicious lang at maayos ang paggamit natin. So halimbawa po nasa bahay tayo, we recommend, puwede naman po iyong improvised mask katulad ng mga cloth mask, although it doesn’t provide that much protection compared to the surgical, and N95. Pero ang sinasabi nga po natin, ang risk naman kapag nasa community ay mababa, iyong sa health care workers po ay napakataas. So, mayroon po tayong ilalabas na polisiya and standard for the use of PPEs sa iba’t-ibang settings po.

SEC. ANDANAR: Inilunsad na rin ng DOH ang 24/7 hotline para sa mga residente ng NCR na nais mag-avail ng free medical consultation – ito po ba ay exclusive lang din sa COVID-19 related concerns o bukas din sa iba pang uri ng sakit?

USEC VERGEIRE: Yes, sir. Ito pong ating COVID telemedicine hotlines ay bukas sa lahat ng mga kababayan natin sa national capital region. Dito po puwede tayong kumonsulta sa ating mga nararamdaman. So, kapag tiningnan po natin kung ano ang kasama sa puwedeng i-konsulta. Ang COVID-19 naman po ay nagmi-mimic or is similar with other – iyong mga sintomas, kapareho ng ibang sakit.

So, ito po ay makakapag-cover din ng mga ibang sakit hindi lamang po sa COVID dahil ayaw na nga po natin na pupunta ang ating mga tao sa ospital o sa mga clinics para magpakonsulta para lang maiwasan po ang pagkalat pa ng impeksyon. Kaya telemedicine is a consulting from your home, kahit ano pong konsultasyon ukol sa medical problems natin or issues puwede po nating itawag dito.

USEC. IGNACIO:   Usec, may tanong po si Victoria Tulad ng GMA7. Sinadyest daw po ng JBros Construction Corporation kay Secretary Duque na gamitin as COVID facility ang 570 barangay health station na nagawa ng kumpanya – kung gagamitin daw po ito. At sinadyest din daw po ng JBros na gamitin ang 2.4 billion sa kontrata nila as fund for COVID – ano daw po ang reaksiyon ng DOH dito?

USEC VERGEIRE:  Yes Usec, actually ang kaso po na iyan ay nasa ating mga korte at ito po ay pinag-aaralang maigi. Wala pa ho tayong binibigay na resolution ukol diyan. Pero masasabi lang ho natin kapag pinag-usapan ang barangay health station, ito po ay isang maliit na structure na hindi po husto or hindi magiging appropriate for a community quarantine facility, dahil may standard po tayo sa community quarantine facility na mayroon po tayong sukat at saka mayroon pong distansya bawat kama para po hindi tabi-tabi at may physical distance.

So, kapag BHS po, makakapaglaman ka lang siguro ng dalawa hanggang tatlong kama, so hindi po namin inirerekomenda na iyan ang ating gamitin. Ito pong mga BHS na ito ay nandiyan, kaya po siya ipinagawa ay dahil para maging extension ng Rural Health Units natin. So kung iyan lang po ang titingnan natin, maaari naman pong pumunta sa Rural Health Units natin ang ating mga kababayan para sa kanilang nararamdaman or medical services na kailangan.

So, iyong pangalawa po, iyong pera, hindi ko po masasagot iyan sa ngayon, dahil nasa korte po ang ating kaso and I cannot disclose information as of now.

USEC. IGNACIO:   Okay tanong naman po ni Miss Vanz Fernandez: Kumusta na daw po ang status ng mga hospitals natin, mas manageable na daw po ba ngayon at nakaka-cope na po ba tayo sa sitwasyon at para naman daw po sa mga magbubukas ng quarantine facilities, may sapat daw po ba tayong health workers?  

USEC VERGEIRE:  Yes Ma’am. Unang-una iyong sa mga ospital natin, simula noong unti-unti nating nabuksan itong ating mga COVID referral hospitals – PGH and Rodriguez Memorial Hospital and Lung Center –  medyo iyong traffic po ng pasyente for COVID, especially for the critically ill, ay naipapasok na natin sa kanila, medyo lumuluwag na po. Kaya lang po, of course, nandiyan pa rin iyong challenge natin, iyong ating referral kung saan pupunta ang mga pasyente, ano dapat ang kanilang gawin. Kasi marami pa rin po sa ating mga kababayan kahit ang mga sintomas naman po naman po ay mild pa lang ay nagpupunta na rin sa mga hospital. So this overwhelmed our system actually.

So ngayon po, itong pagbukas ng ating mga community quarantine facilities ay makakatulong ng husto dahil ngayon ay mayroon na tayong puwesto para sa mga mild, mayroon na po tayong puwesto para sa mga severely ill and mga vulnerable natin sa ating mga ospital. So, mai-spread out po ang ating mga pasyente at mas makakaagapay po ang sistema natin. Ngayon naman po, iyong mga taong ilalagak natin sa community quarantine facilities, tayo po ay tutulungan ng AFP and PNP medical corps, iyong kanilang mga doctor at mga nurse po ang magtatao ng ating community quarantine facilities dito sa Rizal Memorial Coliseum, sa PICC at saka sa World Trade Center.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Vergeire, mabuhay po kayo.

Samantala makibalita na tayo sa Davao Region kasama naman si Regine Lanuza

(NEWS REPORT)

SEC. ANDANAR: Balikan po natin si Brigadier General Arevalo – magandang tanghali muli, sir.

GEN. AREVALO: Magandang tanghali ulit, Sec. Martin at Usec. Rocky at sa lahat po ng nanunood sa atin. Muli magandang hapon po!

SEC. ANDANAR: Iyong huling tanong po ay kayo po ay nagpahayag ng intention na i-donate ang bahagi ng inyong salary para sa efforts laban sa COVID-19. Ano po ang nagtulak sa inyo para gawin po iyong inisyatibo na ito, General?

GEN. AREVALO: Well, una po sa lahat, kagustuhan kong makatulong sa ating kapwa Pilipino at sa ating pamahalaan. Ang ating kagustuhan na ito, as a matter of fact, Sec. Martin, this is not the first time, napakarami nang pagkakataon na nagdaan na ginawa natin ito: Sa bagyong Yolanda, Bagyong Pablo, sa pagputok ng Bulkang Taal.

Ang ating mga kagawad ng Armed forces ay nag-donate ng kanilang subsistence allowance which is equivalent to one month or 150 pesos per day. So, hindi na po ito bago sa ating ginagawa at ito po ay likas sa mga Pilipino – ang inyo namang sundalo ay bahagi rin ng sambayanang Pilipino.

SEC. ANDANAR: All right. So, ang mangyayari po nito ay ang ating—iyong mga kasundaluhan ay magdo-donate po ng kanilang mga suweldo. Saan po ito didiretso, sa Office of the Civil Defense at ang OCD na po ang mamamahagi nito, sir?

BGEN. AREVALO: Tama po iyan. Ito pong particular na pinag-uusapan natin amounting to sixteen thousand nine hundred-eighty ay pupunta po sa Office of Civil Defense at ang pagkakagastusan po niyan ay ang mga medical supply and equipment na bibilhin po para pantustos, pantulong sa ating pamahalaan.

Banggitin ko na rin po, ito po ay buong Armed Forces. But sa mga individual units po natin sa field nagkaroon na rin po sila ng kani-kanilang inisyatiba. Even before this, nag-contribute na rin po sila upang maitulong sa ating mga kababayan. So, bukod pa po itong ginawa nating ito na sinabi natin kahapon.

USEC. ROCKY: Ano naman po iyong gagawin ngayon ng AFP na nagkaroon ng extension itong Enhance Community Quarantine natin sa Luzon hanggang April 30?

BGEN. AREVALO: Usec., ano po… since the start ang una pong tinask sa atin noong magkaroon po ng Enhanced Community Quarantine ng buong Luzon, ang itinask po sa atin ay ang pagpapatupad po ng mga checkpoints para mapigilan ang pag yao’t-dito ng mga tao upang hindi kumalat ang virus.

Kasabay po niyan, itinayo po natin iyong Civil Military Coordination Center, kung saan po iyong mga donasyon ng ating mga kababayan na gusto nilang iparating sa ating mga sundalo, sa mga health workers ay tayo po ay namamagitan, tayo po ang tumatanggap at tayo rin po ang nagpapa-facilitate ng pagtu-turnover nito.

Mayroon din po tayong mga activities like mga libreng sakay na ginagawa natin. Sa kabuuan, nakapagbiyahe na po tayo nang mahigit 20,000 o kulang-kulang 21,000 mga pasahero lalo na ang mga health workers na walang masakyan.

Now that we have started or indicated our desire—or the government’s desire to extend ang ECQ, ngayon po naman ay ang pagtatayo ng mga quarantine facilities na ang Armed Forces of the Philippines, partikular ang ating mga doktor, nurses, aide men, at administrative personnel ang siyang ‘ika nga, magdu-duty diyan po sa Ninoy Aquino Stadium, sa Rizal Memorial Coliseum, at sa World Trade Center po ay mga sundalo po natin ang magdu-duty diyan.

Ang naka-designate po diyan ay tatlong shifts na magdu-duty ng isang lingo, magka-quarantine nang fourteen days and then babalik po ulit sila ng pagdu-duty. At the same time, iyon pong BRP Ang Pangulo, kagaya ng nabalitaan natin, iyan po ay nire-reconfigure ang ilang compartments niya upang maging hospital ship o tatanggap tayo ng mga PUIs at saka PUMs upang nang sa ganoon ay makatulong tayo sa pag-decongest ng ating ospital at pagse-segregate po ng mga tao na potential carrier na alam na alam po natin na siyang nagpapalala ng ating problema kung hindi natin maaagapan. AT-25 or BRP Ang Pangulo will cater to the needs of our fellow Filipinos diyan po sa bahagi ng Davao kung saan nandodoon po siya ngayon nakadestino.

Kapag naumpisahan na po ang pagsasaayos ng Philippine Arena, kagaya po ng pinag-uusapan ninyo kanina, magiging bahagi pong muli ang inyong Armed Forces sa pagdadala po or pagdu-duty ng doktor, nurses at saka mga aid men na tatao po diyan sa Philippine Sports Arena.

USEC. ROCKY: Okay, maraming salamat po, Brigadier General Edgard Arevalo ng Armed Forces of the Philippines. Secretary, makakausap din natin ang national commander ng UP-Vanguard Incorporated, na si Mr. Gido Delgado – magandang araw po, sir!

VGD DELGADO: Usec. Rocky, thank you for having me in this program.

USEC. ROCKY: Opo. Ano po ang magiging main contribution ng inyong organisasyon sa pagtulong po sa ating frontliners?

VGD DELGADO: Well, as you heard the President called on the ROTC cadets to assist in this war against COVID-19. So, kami sa UP Vanguard minobilize namin though the DMSTs iyong mga kadete ng UP and beyond that, ipinatawag din natin iyong mga alumni ng UP ROTC na mga miyembro ng UP Vanguards.

At together, may mga tatlong programa na kami. Ang isa—alam ninyo maraming mga estudyante na na-stranded sa UP Diliman, sa UP Los Baños at sa UP Baguio. So, iyong mga kadete namin doon tumutulong sa feeding program at mga hygiene kits na kailangan ng mga estudyante natin. At dito naman sa area ng mga ospital, marami rin kaming mga brods na nasa mga ospital diyan sa Philippine Heart Center, sa Amang Rodriguez, even PGH, nag-mobilize po kami ng funds para magkaroon ng mga hazmats. So, we are acquiring about five hundred hazmats, 800 isolation suits, mga masks, para ibigay sa ating mga frontliners.

Ito po iyong aming ‘heeding the call of the President to mobilize the ROTC cadets and the ROTC alumni’ – sana po ay makatulong kami kahit kaunti.

USEC. ROCKY: Opo. Paano po iyong magiging distribution ninyo ng PPEs at saka ng masks sa atin pong mga frontliners.

VGD DELGADO: So, ang ginagawa po namin, focal point po namin iyong UP DMST sa Diliman, pagkatapos mayroon po kaming mga contact persons sa Heart Center, sa Amang Rodriguez at ang ibang ospital and very soon, doon din sa mga probinsiya kasi kailangan din nila. So, doon natin pinapa-pick-up at dinadala sa mga ospital natin. So, iyon ang procedure namin at protocol namin para maiabot ang mga PPEs sa ating mga frontliners.

USEC. ROCKY: Opo. Mayroon po ba kayong panawagan sa ating mga manonood?

VGD DELGADO: Well, I’m sure kasi mayroon ho kaming mga communication sa aming mga brods, pero doon sa aming mga kaibigan, sa mga kaibigan ng UP Vanguards pero as a whole, magtulungan tayo and especially iyong mga frontliners, we pray for them, let’s support them. Tayo namang mga inorderan na mag-stay home, stay home tayo. Let’s respect the order and let’s support the government. So, iyon po ang aming kahit kaunting kontribusyon ng UP Vanguards pero ito po sana ay makakatulong sa war against COVID-19. Maraming salamat for having us in your program!

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Ginoong Guido Delgado, ang national commander ng UP Vanguard Incorporated. Mabuhay po kayo, sir!

VGD DELGADO: Maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Silipin din natin ang pinakahuling ulat mula po naman sa Visayas kasama si John Aroa. Go ahead, John.

[NEWS REPORTING BY PTV CORRESPONDENT JOHN AROA]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat John Aroa ng PTV Cebu. Secretary, may tinanggap tayong message mula kay Asec. Celine Pialago. Ang sabi niya dito: “MMDA Metro Manila Council approved resolutions on social amelioration packages distribution and discrimination against COVID-19 patient/frontliners.”

So sana sa mga susunod na pagkakataon, makasama natin si Asec. Pialago para ma-discuss na rin itong dalawa na naipasa ng MMDA at Metro Manila Council

Bago po tayo magtapos, Secretary Martin, ay panoorin muna natin ang ilang good vibes story na kumakalat po sa social networking sites. Panoorin po natin ito:

[VIDEO PRESENTATION]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga nakasama ngayong araw, ang ating mga naging panauhin. Salamat din po sa ating mga partner-agencies sa paghahatid nga balita’t impormasyon.

SEC. ANDANAR:  At diyan po nagtatapos ang ating programa. Salamat sa Philippine Information Agency, salamat din po sa Philippine Broadcasting Service, sa KBP maraming salamat, Bureau of Communications Services, and of course PTV, Radyo Pilipinas at lahat po ng kasama natin, lahat po ng bumubuo ng programang Public Briefing #LagingHandaPH.

Salamat din sa ating mga kaibigan sa Filipino Sign Language Access Team para sa COVID-19 sa inyong araw-araw na suporta sa ating programa. Mabuhay po kayo mga sir at ma’am.

Diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Manatiling nakatutok sa mga pinakahuling balita tungkol sa COVID-19 sa bansa, gayun din ang walang tigil na pag-aksiyon ng inyong pamahalaan upang masugpo ang krisis na ito.

Ako pong muli, ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO: Ugaliin pong magtanong at makialam sa ating mga talakayan tungkol sa COVID-19 at tandaan, atin pong iwasan ang paniniwala at pagpapakalat ng fake news.

Mula pa rin sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Paalala po sa ating publiko, tuluy-tuloy po ang ating programa dito sa PTV. Bukas po ay Network Briefing po naman, Thursday, Friday and Saturday ay hindi po naka-off air ang inyong state television at state radio.

Hanggang bukas pong muli, dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)