Press Briefing

Public Briefing #Laging Handa PH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Usec. Rocky Ignacio with Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Bases Conversion and Development Authority President and CEO Vince Dizon, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Embassy Ambassador of the Philippines in Malaysia Charles Jose, Consul General of the Philippines in New York Claro Cristobal Architect Daniel Lichauco and Libacao, Aklan Vice-Mayor Vincent Navarosa


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #18
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang araw, Luzon, Visayas at Mindanao – Ako po si PCOO Secretary Martin Andanar.

USEC. IGANCIO: Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Bilang pagpapatupad sa ating mandato na maghatid ng mga mahahalagang balita at impormasyon sa ating mga kababayan, binuo po ng puwersa ng PCOO ang programang ito upang magsilbing plataporma para sa mahahalagang usapin tungkol sa patuloy nating paglaban sa banta ng COVID-19.

USEC. IGANCIO: Ang programang ito ang magbibigay daan para mailahad ang mga mahahalagang katanungan ng ating mga kasama sa media at ng mga mamamayan na agad naman pong sasagutin ng mga kawani ng ating pamahalaan.

SEC. ANDANAR: Samahan ninyo po kami sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayong araw dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGANCIO: At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, makakasama natin sa PTV studio sina Bases Conversion and Development Authority President and CEO Vince Dizon, at hospital architect Daniel Lichauco. Makakausap naman po natin via VMIX sina Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar at si Libacao, Aklan Vice-Mayor Vincent Navarosa. Mamaya po ay makakausap din natin via phone patch sina DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Embassy Ambassador of the Republic of the Philippines in Malaysia Charles Jose, Consul General of the Philippines in New York, Claro Cristobal.

SEC. ANDANAR: Mula po naman sa iba’t-ibang sangay ng PCOO, makakasama rin po natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulit sina Czarinah Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service, PTV correspondents Vic Villanueva mula sa Paris, France; Alah Sungduan ng PTV Baguio, Julius Pacot ng PTV Davao, Alan Francisco na nasa Rizal Memorial Sports Complex, Ryan Lesigues sa Taguig at si John Aroa ng PTV Cebu.

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang updates sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa. Base po sa tala ng DOH, as of 4 P.M, April 2, 2020, umabot na po sa 2,633 ang dami ng kasong naitala na nagpositibo sa COVID-19. Nasa 107 na po ang nasawi, habang 51 naman po ang bilang ng mga naka-recover sa C OVID-19.

Samantala, sa datos naman po ng Johns Hopkins Coronavirus Resource Center, as of 5 A.M., April 3, 2020, lumagpas po sa mahigit isang milyon ang bilang na ng COVID-19 confirmed cases sa buong mundo, kung saan umabot na po ito sa 1,007,977. Aabot naman po sa 52,771 ang bilang ng mga nasawi, habang nasa 208,949 naman po ang dami ng naka-recover sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Base rin sa kanilang tala as of 5 A.M., April 3, 2020, nasa 181 na ang dami ng mga apektadong bansa at rehiyon sa buong mundo, kung saan United States of America pa rin po ang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 na aabot sa 236,339 cases; sumunod po dito ang Italy na may 115,242 cases; pumangatlo naman ang Spain na may 110,238 cases; nasa ika-apat na puwesto naman po ang Germany with 84,600 cases; sinundan po ito ng China with 82,432 cases.

USEC. IGNACIO: Nasa ika-anim naman ang France with 59,929 cases; pampito naman po ang Iran naman may 50,468; pangwalo ang United Kingdom with 34,164 cases; ika-siyam na puwesto ang Switzerland na may 18,827; at pangsampu naman po ang Turkey with 18,135 positive COVID-19 cases.

SEC. ANDANAR: Samantala, nasa ika-32 puwesto naman po ang Pilipinas, sinundan naman ito ng India na may 2,536 positive COVID-19 cases, at within ASEAN region, pumapangalawa na po ang Pilipinas sa Malaysia na may 3,116 cases. Kaya naman po mahigpit po naming panawagan sa lahat na ibayong pag-iingat: Panatilihin po natin ang kalinisan; palakasin po natin ang ating resistensiya; ugaliin po natin ang tamang paghuhugas ng kamay; physical distancing at social distancing; hangga’t maaari po ay huwag tayong lumabas ng ating mga tahanan. Sabi nga ng mga nars at doktor: We stay at work for you, so please stay at home for us.

USEC. IGNACIO: Bilang pagtugon po sa mga katanungan ng ating mga kababayan, nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 hotlines. Sa pamamagitan ng linyang ito ay maaari po kayong kumonsulta kung may nararamdaman po kayong sintomas ng COVID-19, o humingi ng assistance sakaling may kakilalang na-expose po sa confirmed cases or patient under investigation. Huwag po kayong mag-atubiling tumawag sa 02-894-26843; para naman po sa PLDT, SMART, Sun at TNT subscribers, maaari ninyo pong i-dial ang 1555, at bukas po ito para sa lahat.

SEC. ANDANAR: Kaugnay pa rin sa pamamahagi ng mga medical supplies sa mga health facilities, sa pahayag ni Senador Bong Go kahapon, mariing pinabulaanan ng Senador ang mga kumakalat na fake news ngayon sa social media. Naglabas po ng statement ang The Medical City kaugnay sa diumano’y nangyaring raid sa kanilang pasilidad noong gabi ng April 1 kung saan ang mga nakuhang items ay iniri-repack diumano at ipinamamahagi sa iba’t ibang medical facilities.

Pahayag ng The Medical City, walang katotohanan ang balitang ito kaya naman hinihimok ang bawat isa na maging maingat sa mga ibinabahaging impormasyon. Naglabas din ng statement ang Lucio Tan Group of Companies kaugnay naman sa pagtulong ni Senador Bong Go sa pangangasiwa ng pagdi-distribute ng personal protective equipment sa mga frontliners dahil sa dami ng kanilang natatanggap na requests para sa assistance. Hiniling nila na maging daan ang Senador bilang Chairman of the Senate Committee on Health upang maibahagi sa tamang benepisyaryo ang mga nasabing donasyon.

USEC. IGNACIO: Mariin din pong pinabulaanan ng LTGC ang mga kumakalat na larawan sa social media na kung saan pinalalabas diumano na ang mga donasyon ay mula kay Senator Bong Go. Samantala, ang opisina po ng Civil Defense na naatasan ng Pangulo na mag-consolidate ng lahat ng donasyon at medical supplies para sa national government at Department of Health ay nagbigay na rin po ng pahayag na walang katotohanan ang mga paratang na ang mga medical donations po ay dinadala sa Malasakit Centers at ginagamit sa umano’y pamumulitika.

Paglilinaw po ni Senator Bong Go na walang kinalaman ang kaniyang opisina sa operasyon, at mandato po ng Office of the Civil Defense sa ginagawang kontribusyon nito. Nakikiusap po siya na huwag naman po sanang haluan ng pulitika ang pagtulong at huwag na pong magpakalat pa ng mga maling impormasyon. Huwag na sanang pahirapan po ang taumbayan at sa halip ay pabilisin na po ang pagpapaabot ng tulong sa mga pinaka-nangangailangan.

Samantala, upang hindi po mabiktima ng mga maling impormasyon, ugaliin po nating mag-fact checks at siguruhin na credible po ang inyong news sources. At para manatiling updated kaugnay sa COVID-19, magpunta lang po sa aming official social media accounts na Laging Handa PH at i-like po at i-follow ninyo rin po kami sa aming official Facebook, Twitter, Instagram at YouTube accounts na Laging Handa PH.

SEC. ANDANAR: Samantala, hinimok ni Senador Bong Go ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na pabilisin ang pamamahagi ng social amelioration package sa ating mga kababayan lalo na sa mga nangangailangan ng ayuda. Sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act # 11469, mahigit labing-walong milyong pamilyang Pilipino ang makakatanggap ng ayuda sa loob ng dalawang buwan.

Ayon sa DSWD, ang perang ipamamahagi ay umaabot sa limang libo hanggang walong libong piso, depende sa minimum regional wage rates. Bukod sa pagbibigay tulong pinansiyal ay magpapamahagi rin sila ng food packs at non-food items. Ayon kay Go, mahirap maging mahirap sa gitna ng enhanced community quarantine kaya naman dapat madaliin ang pagbibigay ng tulong lalo na sa mga vulnerable sector, kabilang dito ang senior citizens, persons with disability, buntis at iyong mga nagpapadede, solo parents, repatriated OFW dahil sa COVID-19, indigenous people at under privilege sector at homeless citizens.

USEC. IGNACIO: Binigyan diin pa rin po ni Senador Go na base sa batas ay binigyan po ng kapangyarihan ang gobyerno na agad kumilos para po matulungan ang mga tao sa gitna po ng COVID-19 pandemic. Sa kabilang banda, binigyan diin ng Senador na walang pamumulitika na dapat mangyari sa pamamahagi ng ayuda sa ating mga kababayan. Dapat anya maipamahagi ito ng tama at patas lalung-lalo na po sa mga kababayan nating nangangailangan.

Samantala, upang manatiling updated sa mga accomplishment ng Bayanihan to Heal as One Act, maari po ninyo itong bisitahin sa covid19.gov.ph kung saan po linggo-linggo po itong ina-update base sa weekly report na ipinapasa ng Office of the President sa Kongreso.

Ngayon naman po ay makakausap natin via VMIX si Department Public Works and Highway Secretary Mark Villar. Magandang araw po.

SEC. VILLAR: Magandang araw po.

USEC. IGNACIO: Secretary, ngayon po bukod po sa World Trade Center at PICC forum halls. Anu-ano po ba iyong tinitingnan po ng DPWH na venue na maaring gawing pansamantalang health facility para po sa ating mga COVID-19 patients?

SEC. VILLAR: Marami pa. Dito po sa Metro Manila, tinitingnan po namin iyong Ultra, pati Veterans at marami pa kaming locations hindi lang po sa Metro Manila, pati sa buong bansa, in-offer na namin iyong 125 evacuation centers at iyong 29 ginagamit na as COVID-19 facilities.

Sa ngayon po, iyong tatlo na in-identify namin with the help of the DOH ay ongoing na. So, as early as this week, mayroon na kaming made-deliver na additional medical facilities.

USEC. IGNACIO: Secretary, sa tantiya po ninyo, ilan po iyong dami ng COVID-19 patients na maaari pong i-accommodate nitong mga health facilities na ginagawa ninyo?

SEC. VILLAR: Iyong ginagawa namin ngayon, ang expectation namin ay makaka-house siya ng 936, about 936 patients. Pero mayroon pa ring expansion, kasi may mga open fields na puwede pa ring gamitin. Pero sa ngayon po, naka-focus muna kami dito sa tatlong locations, dahil malapit sa ospital at sa logistics, mas madaling gamitin.

USEC. IGNACIO: So, matatapos na po itong mga constructions na ito na maaring maging health facilities po?

SEC. VILLAR: Iyong first facility within the week; pero ang timeline namin, within ten days matapos na po iyong tatlong pasilidad. At nagpapasalamat din po kami dahil malaking bagay po ang tulong po ng private sector: sa Rizal Sports Complex iyong Razon Group; sa World Trade Center, iyong Ayala Group tumutulong; at sa PICC po iyong EEI at Vista Land Group ang tumutulong para matapos po kaagad ang facilities.

USEC. IGNACIO: Secretary, sa gitna po ng COVID-19 marami po sa aming kasamahan din sa MPC nagtatanong, ano na po ang magiging epekto nitong nangyayari ngayon sa ating bansa doon sa flagship program ng pamahalaan na ‘Build, Build, Build.’ Matatapos po ba kaya itong tinarget nating mga constructions na ito?

SEC. VILLAR: Well, siyempre may kaunting effect, dahil obviously hindi kami makakatrabaho, pero hindi naman… kaunti lang siguro, dahil ilang buwan lang. Eh kung last year, nagsimula lang kami noong second half of the year dahil sa mga delays, sa late release ng budget at dahil sa election late kami nakapagsimula. At least this year, nakapagsimula na kami at tuloy-tuloy naman po at sa tingin ko naman ay kaya naming habulin ang target implementation namin.

USEC. IGNACIO: So Secretary, puwede po nating sabihin on track pa rin po iyong mga development projects na target ng Duterte administration?

SEC. VILLAR: On track, similar to last year, where binigyan kami ng malaking target na nakuha naman namin iyong target and that was even… mas malala pa iyong sitwasyon dati kasi second half of the year lang kami nakapagsimula. Ngayon po magkakaroon siguro ng kaunting delays, pero pipilitin po namin na makuha pa rin iyong mga targeted disbursement and accomplishment ng department.

USEC. IGNACIO: Pero Secretary sa ngayon po, ano po iyong problema na puwede… o kinakaharap ninyo ngayon na nagpapatupad kayo ng mga proyekto sa gitna pa rin ng COVID-19, like iyong kayo po ang nagsasaayos ng mga posibleng health facilities?

SEC. VILLAR: Sa mga health facilities, so far maganda naman ang takbo ng trabaho. Siyempre gumawa na kami ng bagong guidelines, dahil kailangan safe din ang aming mga trabahador, kaya nag-draft na kami ng bagong safety guidelines na kailangang sundin, katulad ng social distancing, katulad ng… of course cleanliness sa work site and siyempre po naka-monitor din po sila kung mayroong mga sintomas. So, magkakaroon din ng bagong guidelines, pero mag-a-adjust na din kami, dahil kailangan talaga tapusin itong mga projects sa lalong madaling panahon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Martin may katanungan po ba kayo?

SEC. ANDANAR: Okay na Rocky. Nasagot na lahat ni Secretary Mark Villar ang lahat ng mga gusto kong itanong. Maliban na lamang kung mayroon pang gustong parting message si Secretary Villar?

SEC. VILLAR: Magpapasalamat din lang ako sa private sector dahil napakalaking bagay at siyempre, we have to finish the facilities in less than a week ay napakalaking challenge. Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng partners namin sa development – of course sa EEI, Ayala Group, Razon Group and Vista Land Group, nagpapasalamat po ako na napakalaking bagay at siyempre po sa lahat ng mga workers, nagpapasalamat din po ako, dahil 24/7 ang trabaho nila.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, DPWH Secretary Mark Villar. Samantala, sa puntong ito ay makakausap natin live mula sa PTV Studio si Bases Conversion and Development Authority President and CEO Vince Dizon at Architect Dan Lichauco. Magandang umaga po sa inyong dalawa.

Chairman Vince kailan lang kayo ay nagsagawa ng extensive cleaning and sanitation sa New Clark City Athletes Village. Sa ngayon kumusta na po ang lagay ng pasilidad?

CHAIRMAN DIZON: Sec. Martin, maayos na ngayon. In fact, natapos na ang quarantine noong huling batch ng ating mga kababayan na nanggaling sa cruise ship. Umalis sila noong Tuesday. Ngayon pine-prepare na natin ulit ang New Clark City para naman magamit din siya ng ating mga PUIs dito sa Central Luzon – sa Tarlac at sa Pampanga.

SEC. ANDANAR: Okay. Nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon, may mga kababayan po tayong na-stranded sa mga paliparan. Ano po iyong assistance na ipinapaabot natin para sa mga stranded na OFWs sa Clark Airport?

CHAIRMAN DIZON: Noon pong nag-lockdown ang ating mga airports, nag-lockdown ang Luzon, mayroon pong 200 OFWs ang na-stranded sa Clark International Airport. Ngayon po sila ay nasa Clark pa at inaalagaan po natin sila doon. Nakatira po sila sa isang hotel, resort hotel at doon po sila hanggang matapos itong lockdown natin. Binibigyan po natin sila ng libreng pagkain at lahat po ng pangangailangan nila ay naibibigay natin. At talagang inaalagaan po natin sila doon, pati po iyong mga doctor natin sa Clark ay everyday tsine-check po sila para siguraduhin po na wala sa kanila ang magkakasakit.

SEC. ANDANAR: All right. Dito naman tayo sa construction, iyong inyong pakikipagtulungan sa tanggapan ni Secretary Mark Villar ng DPWH, itong mga tent cities na ginagawa po natin. I believe you have a presentation for the public.

CHAIRMAN DIZON: Opo. Secretary Martin, maraming salamat po. Unang-una po siguro, nasabi na po ni Secretary Villar, itong gagawin nating napakalaking proyekto sa pagtatayo ng mga napakaraming quarantine facilities. Pero siguro dapat po maintindihan din ng ating mga kababayan bakit natin ginagawa ito.

Unang-una po, ginagawa po natin ito para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus sa ating mga komunidad; sa tulong po ng DOH at sa tulong po ng ating mga local government units, dadalhin po natin ang mga iba’t-ibang may sakit sa mga quarantine facilities na ito para po hindi na maikalat itong virus na ito sa ating mga kababayan. Kailangan po kasi nating protektahan at ayaw nating magkasakit ang ating mga kababayan at kanilang mga pamilya.

Ikalawa po, alam na po naman natin ngayon na medyo – dahil po sa dami ng nagkakasakit sa Metro Manila lalo na – ang mga ospital po natin is unti-unti nang napupuno. Ang ginagawa po natin ngayon, dahil sa mga facilities na ito na ikakalat natin sa buong Metro Manila at sa buong Luzon, gusto po nating mapigilan ang pagdagsa ng mga tao sa ating mga ospital para po ang mga ospital natin ay ma-prioritize, iyon po talagang mga medyo kritikal at severe ang sakit at pangangailangan.

At huling-huli po, kailangan din po nating gumawa ng mga facilities na hindi lamang mabuti para sa ating mga may sakit, pero mapoprotektahan din po ang ating mga frontliners, ang ating mga doktor, ang ating mga nurse para po sila naman ay maprotektahan natin at siguraduhing hindi sila mai-infect nitong virus na ito. So, iyon po ang importante.

At Martin makikita natin, ng ating mga kababayan na ginagawa na ito sa ibang bansa ‘no, hindi lang po tayo ang gumagawa nito. Kung makikita natin sa America, sa New York, mayroon po yata tayong mga picture diyan na pinapakita, iyong mga ginagawa sa ibang bansa. Sa New York ginagawa po nila ito, sa South Korea ginagawa nila ito, sa Spain, sa Europa pati na rin sa China. Nakita natin itong unang ginawa sa Wuhan, na gumagawa sila ng mga malalaking facility – kaya ang daang-daang mga tao. Ito po sa Central Park sa New York, ginagawa nila ngayon iyan. Ito sa Indonesia, nagsisimula na rin silang gumawa.

At ang dahilan nito eh lahat po tayo sa buong mundo ay talagang kailangan magtulung-tulong para labanan itong virus na ito. At ito ang ginagawa na ng ibang mga bansa at gagawin na rin po natin ngayon dito sa Pilipinas.

So, ang unang-una pong gagawin natin ay itong mga sinabi ni Secretary Villar. Kaya mayroon po kaming prinepare na mapa, kung mapapakita po natin sa screen, mayroon po tayong 12 facilities para sa NCR ‘no, kasama na dito ang World Trade Center, ang PICC, ang Rizal Memorial at iba pa.

Ngayon po, nagpapasalamat po tayo sa INC, sa kapatiran dahil pumayag na po sila at in-offer po nilang gamitin ang Philippine Arena. Ito po ay napakalaking complex po sa Bocaue, Bulacan para mag-serve din po sa Bulacan at sa Region III. At dagdag pa dito, gumagawa din po tayo ng facilities sa Clark; may tatlo po tayong facilities doon – unang-una iyong Athletes Village na 525 rooms na ginagamit na ng ating mga repatriates at ngayon po gagamitin na rin ng mga residente sa Tarlac at sa Pampanga.

Ginagawa po din natin iyong Convention Center na ginamit noong ASEAN, halos mga mahigit dalawang-daang beds po ang puwede nating i-provide doon. At magtatayo din po tayo ng COVID hospital, gagamitin natin ang iba’t-ibang mga building sa New Clark City na humigi’t kumulang isang libong mga pasyente ang puwede nating i-house doon.

So update lang nang konti Sec. Martin. Makikita po natin ngayon sa Rizal Memorial, tuluy-tuloy po ang trabaho doon at siguro by Sunday tapos na po fully ang ating Rizal Memorial—Ninoy Aquino Stadium Complex. Ginagawa din po ang PICC, ginagawa din po ang World Trade Center. Ngayon po ginagawa na ng DPWH at ng DMCI ang Quezon Institute. Ang FTI sa Taguig, gagawin din po natin iyan para naman po sa ating mga kababayan sa Taguig, sa Pateros, sa Muntinlupa, gagawin po natin iyan.

Ito po, example po ito ng mga dinesign ni Architect Dan Lichauco. Ito po ay sa PICC, si Architect Dan po ay ang architect ng UP-PGH. Siya din po ang architect ng Medical City at ng Asian Hospital sa Alabang; World Trade Center gagawin din po natin iyan, Quezon Institute gagawin din po natin. Ang PhilSports Arena, ang FTI sa Taguig, ang Ultra sa Pasig, ang Filinvest Tent sa Alabang, ang Duty Free Philippines sa Parañaque gagawin din po iyan. Gagawin din po natin ang Amoranto Stadium sa Quezon City. Gagamitin din po natin ang mga open area sa Quezon Memorial Circle.

Gaya ng sinabi ni Secretary Villar, ang Veterans Medical Center Complex gagawin din natin iyan, ie-expand natin ang capacity ng ospital na iyan. At gaya ng nasabi ko po, ang Philippine Arena, ito po ay magiging mega-quarantine facility diyan sa Central Luzon. Ginagawa na po natin ngayon ang Convention Center sa Clark, mga 200 beds iyan.

Iyan po ang mga na-design na rin ni Architect Dan. Kaya makikita ninyo po napakakomportable po ng ating mga kababayan na maha-house diyan sa mga facilities na iyan. Siyempre po ang New Clark City, Athletes Village na ginagamit na po natin ngayon. At ito po iyong sinasabi kong COVID Hospital na iko-convert natin temporarily iyong dalawang building sa Government Center sa New Clark City.

Ito po ano, iyong mga gagawin natin – 12 po iyan in total para sa NCR at mayroon din po sa Central Luzon. Ito po, siguro po ipapasa ko ho sandali kay Architect Lichauco para ipaliwanag po niya itong mga designs na ito, kung mapapakita po siguro natin ang isang design at ipapaliwanag po niya sa ating mga kababayan kung bakit ganito ang disenyo at paano ito makakatulong sa mga kababayan natin saka sa ating mga health workers.

SEC. ANDANAR: Architect…

ARCHITECT LICHAUCO: Good morning everybody. Iyong design namin sa mga hospitals, mapapansin ninyo is color-coded ‘no. When we do a facility na ganito karaming tao, what we have to do is we have to make sure na everybody knows what nurses’ station to go to. So kung pink iyong nurse’s station ninyo at pink iyong cubicle ninyo, then you go to that nurse’s station to ask for help. Iyong lahat ng cubicles namin, that’s being built already today, is like a mini-hospital, so there’s a nurse call system.

Ibig sabihin niyan, all you have to do is turn on a light, lalabas iyong ilaw sa corridor para alam ng mga nurses kung saan pupunta so that you don’t have to go to the nurse’s station to ask for help. Each facility, we also want to make sure na we protect the staff, we protect the nurses so we’re putting all the nurses’ station in enclosed rooms, with help of filtration. And then before you enter any of the bed wards, you pass through an airlock. So we’re following all the protocols na kailangan. So iyong donning, when you put on the clothes, it’s in a clean area. When you get off—before you take off your clothes, you’re sprayed, you’re misted with a disinfectant, then you take off your clothes and then you move into a cleaner zone.

So, the hospital itself or these facilities are designed to make sure the patients are comfortable. We made sure that there were outlets in every cubicle so that they can plug in their devices. We have nourishment stations, water stations so that they can basically get anything they need while they’re there, while they’re being quarantined. We have adequate toilets and showers in each facility and everything we do, we’re making sure na hindi ho magkakahawaan iyong mga tao and we’re protecting the nurses and the staff as they move in and out of the facility.

Ultimong basura will be collected. The garbage will have to be sprayed down and disinfected before it’s picked up by the staff, by the providers. Food will be delivered to every room. What we are trying to do is minimize the movement of the people so that they can stay in their cubicle comfortable while they finish their quarantine or while they’re being cured from their sicknesses.

Just to clarify ho, the facilities are being used for COVID positive patients with mild to moderate symptoms. Once you become more severe, hopefully naman konti na lang iyong mga ganiyan, then they are—the facilities are designed so that you can be shipped to a hospital, with the partner hospital na katabi.

USEC. ROCKY: Architect, ano naman po iyong magiging strategy ninyo para po mapabilis naman iyong pagsasaayos nitong mga facilities na ito para sa mga pasyente na rin tinamaan din ng COVID-19?

ARCH. LICHUACO: Well, our job kasi is to give the information for the people to build. So iyong staff ho namin, we were called by Vince last Saturday, by Monday—by Tuesday we finished all our drawings so now we’re building everything.

Ang ginagawa namin is parang “MacGyver”, we will change the design based on the materials available. Example ho, iyong sa airlock, we wanted iyong heavy curtain na nakikita sa mga freezer facilities. We cannot use that, so what we’re doing is we’re doing 3-ply plastic, stapling the edges tapos taping it so that we can change based on material and manpower available. So, it’s not perfect but it’s the easiest and hopefully the simplest solution so that we can produce as many and as fast as possible.

So, iyon ang strategy namin ho sa office is iyong mga tao na namin, we’re working from home but we’re all in communication with each other and we’ve been working twenty-four hours to make sure that we can produce the drawings so that the buildings can be built.

As an example, iyong Rizal Memorial I think will be finished on Sunday and we submitted everything and technically we really just started Tuesday—

CHAIRMAN DIZON: Wednesday.

ARCH. LICHUACO: Oh, Wednesday! So Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday tapos na kami and then we’ll move on while we’re doing PICC and the other facilities in Clark.

USEC. ROCKY: Pero may mga isinasaalang-alang po ba tayo pagdating sa pagdidisenyo pa rin ng gagamitin doon sa pasyente ng COVID-19?

ARCH. LICHUACO: Sa pasyente… number one is positive na sila, so they’ve been diagnosed as positive so iyang tawag po diyan is [unclear] so we can put them in the same facility. Ang number one priority ho namin sa design is make sure na we can give the patients what they need and give the staff what they need, plus the protection for the staff.

So, iyong mga lounges ng staff, iyong mga dressing rooms—kasi mainit ho iyong PPE and what we have to understand kapag naka-PPE iyong staff, ultimong pagpunta ng banyo natatagalan sila kasi mahirap mag-banyo kapag naka-PPE, so, we want to make sure that they are protected and it’s easy for them to do things as they move forward and do their work sa facility.

Pero kailangan talaga—

SEC. ANDANAR: Architect, ito pong sa Rizal Memorial, again you mentioned already itong mga ginagawa ninyong pasilidad ay para sa mga COVID positive at iyong mga mayroong mild symptoms. Ilan po ba ang kasya dito sa Rizal Memorial? Paki ulit lang po; and for chairman Vince, sino po ba ang unang makikinabang dito sa pasilidad sa Rizal Memorial?

ARCH. LICHUACO: Iyong sa Rizal Memorial ho we have about a 116 beds, so for a hundred sixteen patients mild to moderate—I’m sorry, moderate to severe… that for moderate to severe sa Rizal Memorial and then PICC will be mild to moderate or PUI. We’re still discussing iyong kapag PUI.

CHAIRMAN DIZON: Sec. Martin, dito sa tatlong facilities natin – ang PICC, World Trade Center at ang Rizal Memorial, iyong Ninoy Aquino Stadium, halos isang libo po ang beds na kayang i-accommodate nito, so isanlibong pasyente po.

Ang magiging priority po siyempre nito ay ang mga residente doon sa surrounding areas, so, ang mga siyudad ng Maynila, Pasay, Parañaque – iyon pong malalapit dito sa mga area na ito. Pero ang magde-decide po niyan ay ang Department of Health natin in coordination sa ating mga local government units.

So, kagaya po ng Rizal Memorial, ito po ang unang-unang matatapos, nakikipag-coordinate na po ang DOH natin sa ating mga LGUs para po makapagpasok na po tayo ng mga pasyente starting early next week.

Sec. Martin, Rocky, I think importante ring malaman ng ating mga kababayan na ang objective natin sa ating mga facility na ito ay siguraduhin na maaalagaan natin nang mabuti ang ating mga may sakit at ang ating mga kababayan na maninirahan muna dito sa mga facilities na ito.

Kaya sinisigurado po ng ating gobyerno kasama ng ating mga private sector partners. Unang-una po, libre po ang pagkain dito, free food, pati na rin sa ating mga staff at sa lahat ng mga tutulong para paandarin itong mga facilities na ito. So, wala pong iisipin ang ating mga kababayan, libre po ang kanilang pagkain dito. Ikalawa po, air-conditioned po ang lahat ng mga facilities na ating itatayo, kahit na po iyong mga tent facilities halimbawa sa PICC, air-conditioned po iyon. Ikatlo po, matutuwa po siguro ang ating mga kababayan din, free Wi-Fi din po ang ibibigay ng ating gobyerno at nagpapasalamat po tayo sa PLDT at sa Smart dahil po sila po mismo ang nag-offer na lahat po ng ating mga quarantine centers ay bibigyan ng free Wi-Fi.

Kaya, Sec. Martin, kung mamarapatin ninyo lang po bago siguro tayo sumagot pa ng mga ibang tanong if I can take the opportunity lang po to thank lahat po ng mga tumulong sa pribadong sektor kasi kung hindi ho dahil sa kanila hindi po natin magagawa nang ganito kabilis ang ating mga facilities. Kaya talaga pong ito ang tunay na bayanihan na sama-sama po ang publikong sektor at ang pribadong sektor na i-build itong mga facilities na ito para sa ating mga kababayan.

Unang-una po, mayroon po yata tayong mga slides diyan. Unang-una po, gusto nating pasalamatan ang Razon Group, ang [unclear] at ang Bloomberry Cultural Foundation. Sila po ang gumagawa ngayon ng ating Rizal Memorial, wala pong gastos ang gobyerno diyan, silang lahat po ang gumagastos noong paggagawa nitong mga facility dito sa Rizal Memorial.

Nagpapasalamat din po tayo sa EEI at sa Vista Land, sila po ngayon ang gumagawa ng PICC sa tulong ng ating DPWH. Minimal po ang gastos ng gobyerno diyan dahil sinagot na po ng Vista Land at ng EEI ang ibang mga materyales at ang ating mga workers na nagtatrabaho diyan.

Nagpapasalamat din po tayo sa Ayala Land sa AC Energy, sa Makati Development Corporation at sa ICCP, sila po ang nag-o-operate ng World Trade Center at sila po din ang gumagastos at gumagawa ng World Trade Center.

Nagpapasalamat din po tayo sa Filinvest, sa Aboitiz Group, sa Lina Group of Companies, sa Meralco—alam ninyo po ang Meralco nag-offer po, libre po ang kuryente sa ating mga quarantine facilities kaya nagpapasalamat po tayo sa kanila.

Sa PLDT at sa Smart – sa free Wi-Fi na ibibigay nila, Globe din po nagpapasalamat din po tayo, sa DM Consunji – sa DMCI na tumutulong din po sa paggawa ng Quezon Institute; at nagpapasalamat din po tayo sa Concepcion Industries dahil nagbibigay din po sila ng libreng mga air conditioning units.

So, maraming salamat po sa ating mga private partners at tingin ko po kung tayo ay magsasama-sama talaga pong malalabanan natin at mapoprotektahan natin at maaalagaan natin ang ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Chairman Vince at kay architect Lichauco. Maraming salamat po sa inyong tulong sa ating bayan.

USEC. ROCKY: At upang malaman po ang panibagong update tungkol sa COVID-19, makakausap po natin sa kabilang linya si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po!

USEC. VERGEIRE Good morning po, Usec! Good morning po, Sec!

USEC. ROCKY: Narinig ninyo naman po iyong karagdagang health facility na itinatayo po ng gobyerno. Gaano po talaga ito kahalaga sa ating mga mamamayan?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Actually, ito pong mga facilities na nakakalap natin ngayon galing sa mga tulong ng ibang ahensya, these are community quarantine facility kung saan po puwede nating ilagak iyong ating mga kababayan na magte-test na positive and then mild ang symptoms o hindi kaya ay walang sintomas o hindi kaya po iyong mga kababayan natin na nag-test na positive – nasa ospital, wala na po silang sintomas at maaari na silang umuwi, diyan muna po sila lalagi for another fourteen days bago sila umuwi sa kanilang pamilya.

So, napakaimportante po iyong mga facilities na ganito kasi po mas nako-contain natin ang transmission ng sakit; pangalawa, napoprotektahan din po natin ang mga pamilya nila kung saka-sakaling wala po silang appropriate na self-isolation na kuwarto doon sa kanilang bahay.

USEC. ROCKY: Usec., sa pagdating ng maraming health facilities, kumusta naman po iyong bilang ng mga nagbo-volunteer sa buong bansa para tumulong po dito? At nagsimula na po ba iyong deployment nila?

USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Actually, noong isang linggo pa ho tayo nag-umpisa noon gating volunteers program. Marami na po ang nakapagpalista, mayroon po tayong mga 600 na atin pong nai-screen na because kailangan na po nating maglagay doon sa ating mga COVID-referral hospitals.

So, iyon pong para sa mga community quarantine facilities, magtataas po tayo uli, mag-strengthen nitong call natin for volunteers. At katulong na ho natin ngayon ang ating mga local government units para po dito sa paglalagay naman po ng mga human health resources para sa mga community facilities natin.

USEC. IGNACIO: Opo. May mga katanungan din po ang ating mga kababayan, Usec., bakit daw po naka-quarantine na, mayroon na tayong enhanced community quarantine, bakit daw po parang patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa?

USEC. VERGEIRE: Iyan po ang mga pinag-aaralan natin sa ngayon. Pero ang unang-una nating tinitingnan diyan, of course, iyong factor po ng pagkakaroon nang mas mataas na antas ng pagte-test natin. Iyong kapasidad po natin ay nakapag-extend tayo ng capacity. Dati po ang nagte-test lang ay iyong ating RITM. Ngayon po, marami na ho tayo, may walo na ho tayong laboratoryo na gumagana kasama ang RITM para makapag-test. Nagkaroon din po tayo ng enough supply ng ating testing kits kaya po mas napadali at nakapagpa-test tayo nang mas marami.

So iyon pong ating mga numero ngayon ay tumataas dahil nga po nag-extend ng capacity, nawalan ng backlog; nakakahabol po tayo sa mga backlog. Pero hindi naman po natin sinasabi na ito ay hindi totoong tumataas ang kaso. Nandiyan na ho iyong pagtaas ng kaso kaya kailangan lagi paring mas maingat tayo.

USEC. IGNACIO: May tanong po mula kay Joseph Morong: Secretary Galvez mentioned a massive testing of PUIs and PUMs po by April 14. How are we going to go about it? And what are the numbers po, PUIs and PUMs? With these numbers, can we say that we have an idea of how widespread the infection is? In other words, kung if it were like catching fish, have we caught all the positive infections?

USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Unang-una ho, klaruhin po natin kung ano po ang mass testing. Ang mass testing po na sinasabi natin ay hindi lahat ng tao sa ating bansa. Ito po ay magkakaroon din ng protocol kung saan, kung sakali pong itutuloy nga ito, iyong atin pong mga may sintomas ang uunahin natin na i-test natin. Sila po ang iti-test at kung sakaling magpositibo, ilalagay natin sa community quarantine facilities. That was the plan and that is the plan.

Pag-uusapan pa ho mamaya sa IATF meeting kung ano po talaga iyong tamang direksyon at saka iyong totoo pong laman nitong pronouncement ng ating Secretary Galvez.

So iyon pong ating mga PUIs at PUMs sa ngayon, mayroon ho tayong PUIs sa total na 6,002 at PUMs na 6,321. But ang binibigay ko lang po sa ating mga kababayan, hindi po ito kabuuan natin; ito po ay cumulative data. Ibig sabihin, mula po noong nag-umpisa tayong magbilang noong Enero, ito po ay hanggang sa ngayon. Ngayon, mayroon din pong mga iba na mga binabantayan ng bawat local government na hindi rin po naipapasa sa amin ang impormasyon, so maaari pong kulang po itong datos na mayroon kami ngayon.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, USEC. VERGEIRE. Mayroon po ba kayong mensahe pa rin sa ating taumbayan?

USEC. VERGEIRE: Pareho pa rin po ang mensahe ng Kagawaran sa ating taumbayan. Kinikilala po namin na ang komunidad natin ay kasama na natin bilang frontliners sa laban na ito. Kayo po ang makakapagbigay sa amin ng suporta para maisakatuparan po natin ang mga strategies na ginagawa natin para masugpo itong impeksyon na ito.

So kung mananatili po tayong lahat sa bahay, panatilihing malinis tayo, maghuhugas lagi ng kamay, magtatakip ng ating bibig at ilong kapag umubo – sa tingin ko naman po ay tayo ay makakaagapay at we will reach our objective of cutting the transmission at unti-unting mababawasan ang kaso. So kaunting tulong lang po galing sa ating mga kababayan para matulungan po natin ang ating gobyerno sa paglaban dito sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa panahon mo USEC. VERGEIRE ng DOH.

SEC. ANDANAR: Sa bahagi pong ito, puntahan naman natin ang ating kasamahan na si Julius Pacot live mula sa PTV Davao. Maayong buntag kanimo, Julius!

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Upang kumustahin naman po ang lagay ng ating mga kababayan sa New York City sa Amerika, makakausap po natin sa puntong ito si Consul General of the Philippines sa New York, si Claro Cristobal. Magandang araw po.

CG CRISTOBAL: Magandang tanghali po, Usec.

USEC. IGNACIO: Kumusta na po ang lagay ng ating mga kababayan diyan, iyong Filipino community po sa New York?

CG CRISTOBAL: Ang ating komunidad dito sa New York ay isa sa pinakamalaking grupo ng ating mga kababayan sa Amerika. Mayroon tayong 143,000 Filipino dito sa New York. 137,000 sa New Jersey at sila ang karamihan ay mga immigrant. Sa katotohanan ang ating mga kababayan dito ay marahil katulad natin sa Pilipinas na maingat, kaya iilan lamang sa kanila ang naapektuhan ng COVID-19. Subalit nakalulungkot na pito na sa ating mga kababayan ang nasawi dahilan sa sakit na ito; at ilang dosena ang kasalukuyang nasa mga ospital at inilalaban ang kanilang mga buhay dahil sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Nakakalungkot pong marinig iyang sinabi ninyo Consul. Pero paano po tinutulungan ng ating embahada iyong pangangailangan po ng tulong na inilalapit sa inyo nitong mga apektado po ng COVID-19 diyan sa New York?

CG CRISTOBAL: Ang atin pong mga kababayan dahil mga immigrant sila dito, ang karamihan ay well established na sa New York, dito sa Northeast US. Subalit ang ating mga kababayan na lumalapit sa Konsulado na humihingi ng tulong ay iyong mga kababayan natin na nandito on short term based trip, sila po ay mga kasama doon sa tinatawag na exchange visitors program na mga trainees, mga teachers, mga doctors na nagdadalubhasa dito sa Amerika. Mayroon din pong summer work program iyong mga estudyante na kabilang sa programang ito. Sila po ang napakalaking naapektuhan ng COVID-19. Sapagkat itong mga trainee ay nagtatrabaho sa hotels, restaurants, mga resorts na because of the diseases [garbled] business. Kaya po itong mga kababayan natin ay ina-advise na umuwi na lamang sa Pilipinas.

So, mayroon po tayong natanggap na mga hiling na humihingi ng tulong mula sa ating pamahalaan para sa kanilang pagkain at tirahan habang hindi pa sila nakakabalik sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: So para po sa ating mga kababayan na katulad po ng sinabi ninyo, iyong mga may concern po, papano po maaring kontakin o saan po sila maaring tumawag pa?

CG CRISTOBAL: Nasa Facebook po ang ating Konsulado, puwede silang mag-
Facebook. Ang address po natin sa Facebook ay Philippine Consulate General in New York at puwede din pong tumawag sa ating hotline, sasabihin ko po iyong hotline natin area code 917-2944-0916. Puwede po silang kumontak sa atin, nasa website din po iyong email at palagi na tayong nagkakaroon ng advisory na ipinapadala sa social media at sa ating portal puwede po nilang isangguni iyon upang malaman nila ang mga kondisyon at mga mainam na kaalaman sa kanilang pamumuhay dito sa lugar ng New York.

USEC. IGNACIO: Ano naman po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan, pati na rin po sa kani-kanilang pamilya na nandito sa Pilipinas?

CG CRISTOBAL: Ang akin pong mensahe sa ating mga kababayan dito ay palagay ko’y sinusunod nilang mabuti ang pinaka-numero uno, sumunod sa mga patakaran at panuntunan na ipinaiiral sa mga estado, karamihan po sa states dito sa Northeast USA ay mayroong tinatawag na stay at home. Ibig sabihin na malinaw na talagang kailangang-kailangan ay huwag nang lumabas muna sa kanilang mga tahanan.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong oras Consul General of the Philippines sa New York, Claro Cristobal.

Samantala, makibalita naman po tayo mula kay Allan Francisco sa Rizal Memorial Sports Complex.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Allan Francisco.

SEC. ANDANAR: Samantala, makakausap natin si Libacao, Aklan Vice Mayor Vincent Navarosa. Magandang tanghali po sa inyo, Mayor. Vice Mayor, are you there? Okay, mukhang wala tayong contact kay Vice Mayor. Habang ini-establish po iyong ating audio contact kay Vice Mayor, nais lang po nating pasalamatan ang ating mga kasamahan sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

Basahin ko po: Radyo Bandera, RMN, Bombo Radyo, DZRH, nandiyan din po ang Radyo Natin, DZMM, ANC, DZMM Teleradyo, DZBB at GMA News TV, Sonshine Radio, UNTV Radio, ang ating Radyo Agila, Radyo Pilipino, Brigada News FM, DZME, politics.com.ph, newsco.com.ph, DWWW 774, FEBC DZAS, DWEZ Palawan, DWDD Armed Forces of the Philippines Radio, The Bay 99.3 sa Mamburao, Mindoro Occidental, GNN 1PH, Radyo Singko, Pilipino Star Ngayon, DXVM dito po sa Bukidnon, DWIZ at Aksyon Radyo sa may Dagupan.

Balikan naman po natin ngayon si Libacao, Aklan Vice Mayor Vincent Navarosa. Magandang tanghali pong muli sa inyo, Vice Mayor.

VICE MAYOR NAVAROSA: Magandang tanghali po, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon po Vice, ilan na po ba ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 diyan sa Libacao, Aklan?

VICE MAYOR NAVAROSA: Dito po sa Libacao ay mayroon po kaming isang positive case ng COVID-19 pero stable naman po siya.

SEC. ANDANAR: Anu-ano po ang mga hakbang at plano ng inyong opisina para po sa mga COVID-19 patients.

VICE MAYOR NAVAROSA: With regards sa COVID-19 patients, pinapaubaya na po namin sa ating provincial government iyong pag-handle sa kaniya dahil na-refer na po namin siya sa ating facility doon sa probinsiya.

SEC. ANDANAR: Ang inyong probinsiya po ba ay nag-anunsiyo na rin ng community quarantine?

VICE MAYOR NAVAROSA: Yes po. Nag-announce na po kami ng enhanced community quarantine dahil sa buong probinsiya, lima na po iyong kaso namin ng COVID.

SEC. ANDANAR: Okay, so mataas-taas na rin po pala, lima na. Now, Vice Mayor, huwag po sana ninyong sayangin iyong pagkakataon na makipag-coordinate sa DSWD para sa social amelioration program o iyong ayuda na binibigay natin sa informal workers natin coming from the informal economy at iyong mga programa po ng DOLE para maibigay po natin sa ating mga formal workers from the formal economy nang sa gayun ay sila po ay makinabang dito po sa ating Bayanihan Act, Vice Mayor.

VICE MAYOR NAVAROSA: Nakipag-coordinate na po sa amin iyong mga Regional Directors ng DA, DOLE and DSWD po. So nabigyan na po kami ng instructions on how to go about it and currently iyong mga punong barangays namin are consolidating and preparing iyong mga kailangan na reports for the assistance ng national government.

SEC. ANDANAR: Okay, very good Vice Mayor. Kumusta naman po ang food supply, ang pagkain po natin diyan sa Libacao?

VICE MAYOR NAVAROSA: Dito po sa amin okay naman po. Bagong ani po iyong tao at nakapagbigay na po iyong mga barangay ng isang round ng food pack at kami po sa munisipyo, nakapagbigay na ng another round. By next week, we are planning to give another round of food packs po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Libacao, Aklan Vice Mayor Vincent Navarosa. Mabuhay po kayo sir and stay strong and healthy.

Samantala, upang malaman ang lagay ng ating mga kababayan sa Malaysia, makakausap din po natin sa ating programa si Ambassador Charles Jose. Ambassador Charles, are you there?

AMBASSADOR JOSE: Yes, nandito po ako Secretary Mart.

SEC. ANDANAR: Sir, kumusta na po kayo? Kumusta naman po ang lagay ng ating mga kababayan diyan sa Malaysia?

AMBASSADOR JOSE: Well mabuti naman po. Sa kasalukuyan ay may pinapatupad na Movement Control Order o MCO ang pamahalaan ng Malaysia at under this order, lahat po ng non-essential businesses and services ay kailangang magsara and everyone is required to stay home. Kaya po in compliance with this order, ang atin pong mga OFWs dito, kung hindi po sila sa essential sector nagtatrabaho ay working from home sila ngayon. Bukod po dito, majority ng ating OFWs ay mga household service workers, sila ay nagtatrabaho sa mga tahanan ng kani-kanilang mga employer kaya hindi mahirap po para sa kanila ang sumunod dito sa Movement Control Order na ito.

At bahagi po ng order ay pinapayagang manatiling bukas ang mga supermarkets, groceries at pharmacies; maaari pa ring lumabas ang mga tao para bumili ng kanilang pagkain, gamot at iba pang pangangailangan; So restricted po ito to one person per household at a time. May ilang restaurant na bukas pa rin po for take away orders. Puwede rin pong mag-order ng pagkain online at ito po ay idi-deliver sa bahay.

And contrary doon po sa pahayag ng isang OFW na na-interview kamakailan, wala pong nagaganap na diskriminasyon dito sa Malaysia laban sa mga foreigners when it comes to buying goods at supermarkets and other stores. Kaya as far as food and other basic necessities are concerned, wala pong problema dito sa Malaysia.

SEC. ANDANAR: All right. Maganda siguro Ambassador na ma-call out iyong Pilipino na nagbigay noong fake news. Eh siguro from your office embassy diyan sa KL eh baka ma-trace po at kami rin po sa PTV-4 mayroon kaming number kung kailangan ninyo po ay ibibigay po namin sa inyo iyong numero para ma-contact ninyo po iyong Pilipino na iyon. Eh alam mo puwede nating sampahan ng kaso iyan kung fake news talaga iyan, nasa ilalim po iyan ng Bayanihan Act.

Sir, mayroon na po ba kayong nabalitaan na Pilipino na nagpositibo sa COVID-19? Pakiulit lang po sir kasi hindi po namin narinig kanina.

AMBASSADOR JOSE: Mayroon po, mayroon kaming mino-monitor na 55 na Pilipino ngayon na nag-test positive sa COVID-19. At karamihan po nito, all except one, ay mga Pilipino po ‘no na galing sa Pilipinas na pumunta ng Malaysia para um-attend po noong tabligh gathering dito po sa Sri Petaling Mosque sa Selangor at nag-test positive po sila.

At of the 55, 46 po ay undergoing treatment at siyam na po ang gumaling at na-discharge. Mino-monitor po ng embassy ang kanila pong status and safety on a daily basis, at sila po ay naka-confine sa mga government hospitals at doon po sila nagpapagaling. Siguro po once na matapos po ang treatment nila at ma-clear sila, tutulungan po namin sila para ma-repatriate po pabalik ng Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Isa pa, Ambassador Charles Jose. Naglabas po ng anunsiyo na magkakaroon ng special flight mula Kuala Lumpur papuntang Maynila sa darating na Linggo, April 5 – totoo po ba ito, sir?

AMBASSADOR JOSE: Tama po. Nag-arrange po ang Malaysian Airlines ng special flight sa darating pong Linggo, April 5. We are in cooperation with the Malaysian Embassy in Manila kasi itong eroplano na ito ay magdadala rin ng mga stranded Malaysians from the Philippines back to Malaysia at magsasakay na rin po sila ng mga stranded Filipinos from Malaysia back to the Philippines. And so far po, mayroon na pong 24 na Filipinos ang nag-sign up para po dito sa special flight po ng Malaysian Airlines on Sunday.

SEC. ANDANAR: At para po naman sa ating mga kababayan diyan sa Malaysia na mayroon pong mga concern, paano po nila kayo maaaring kontakin?

AMBASSADOR JOSE: Patuloy po kaming in communication with the Filipino community dito po sa Malaysia. Marami pong paraan ‘no para sila makapag-contact sa amin. Unang-una po ay nag-open kami ng tatlong hotlines na mayroon pong duty officers dito na sumasagot po 24/7, at anytime po ay tumawag sila sa mga numbers na ito. Available po iyong numbers sa aming Facebook page and website, maaari pong tumawag. And mayroon po ring embassy personnel na nakatutok po sa aming Facebook page and e-mail at patuloy pong nagre-respond kami sa anumang concerns po ng ating mga kababayan dito sa Malaysia. And of course, ang aming assistant sa national unit ay busy rin po sa pag-monitor ng mga stranded na tourists at iyon pong mga Pilipinong affected by COVID-19.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Charles Jose. Mag-iingat po kayo, sir, and stay healthy please.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, pasalamatan din po natin ang DZEC, DZEM, INC Radio. Ang Manila Bulletin ay naka-hook up din sa atin online, ang One News TV5, ang Radyo Inquirer, Abante Online, CNN Philippines. At salamat kay Michelle Arabelo.

Samantala, makibalita naman muna tayo kay Ryan Lesigues sa Taguig. Ryan?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Ryan Lesigues.

SEC. ANDANAR: Sa bahagi pong ito, puntahan naman po natin ang ating kasamahan si Alah Sungduan live mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo, Alah Sungduan.

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, dumako naman po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa; mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama po natin si Czarinah Lusuegro.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro.

Sa kabila po ng krisis na dinaranas ng ating bansa dahil sa COVID-19, hindi pa rin po matatawaran ang serbisyo at sakripisyo ng ating mga frontliners, lalung-lalo na sa ating mga health workers. Kaya naman po ang ilan sa ating mga atleta ay nagpaabot ng pasasalamat sa kanila. Panoorin ninyo po ito.

[VIDEO PRESENTATION]

SEC. ANDANAR: Oras po natin, alas dose y media ng tanghali. Marami na naman po tayong mga katanungan ang nabigyan ng kasagutan kaya naman po kami ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga nakausap kanina sa oras at panahon na inilaan nila sa atin sa programa.

Pilipinas, dito nagtatapos ang ating Public Briefing ngayong araw na ito. Para sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas at sa buong mundo, asahan ninyo po na patuloy kaming maghahatid ng mahahalagang impormasyon sa ating patuloy na paglaban sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ng People’s Television Network (PTV), kasama ang Philippine Broadcasting Service at Radyo Pilipinas, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, Office of Global Media Affairs, Bureau of Communications Services, National Printing Office, and APO Production Unit, at IBC 13. Sa pakikipagtulungan po ng Department of Health, kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

SEC. ANDANAR: Sa kabila ng hamon at pagsubok na dumarating sa ating bansa, malinaw na kung tayo ay magkakaisa, malalagpasan po natin ang lahat ng ito bilang isang bansa. Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Muli, ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Magkita-kita po tayo muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)