MS. OSEÑA-PAEZ: Magandang tanghali, Malacañang Press Corps. Welcome muli sa ating press briefing ngayong araw, December 11.
President Ferdinand R. Marcos Jr. met earlier with the Department of Interior and Local Government, Philippine Amusement and Gaming Corporation, and Presidential Anti-Organized Crime Commission for the winding down of the Philippine Offshore Gaming Operators or POGOs.
To further discuss this development, we have with us today DILG Secretary Juanito Victor Remulla, PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, and PAOCC Executive Director Gilbert Cruz. Good afternoon, gentlemen. Let’s begin with Secretary Remulla.
DILG SEC. REMULLA: Good afternoon. We had a very fruitful discussion. Also in the meeting were Secretary of Finance, Secretary Laguesma of Labor. Also in the meeting were Secretary of Justice, Secretary of Trade, Chief PNP, and Bureau of Immigration. They were all there to give their briefings on the number of visas issued, number of visas cancelled, number of repatriated workers, number of returned workers, and the status of the remaining workers here.
I think we should start with the actual numbers on the operations of the licenses issued, so I think we should turn the floor over to Chairman now.
PAGCOR CHAIRMAN TENGCO: Maraming salamat, Secretary Jonvic. Noon pong matapos ang SONA ni Pangulong Marcos kung saan siya po ay inutusan ang PAGCOR na umpisahan na iyong winding down operations ng lahat po ng POGO sa bansa.
At that time, ang natitira na lang po na may lisensiya sa PAGCOR ay humigit-kumulang po sa animnapu. Forty-two po doon ang internet gaming licensees at ang service providers po ay labing-walo.
At sa kadahilanan pong inutos niya ang pagsasara ng lahat, ito po ay uulitin ko na ang utos po ay ang pagsasara ng lahat. Kung babalikan po kasi natin, nag-umpisa po noong nag-assume sa office ang inyong lingkod as PAGCOR Chairman and CEO, mayroon pong humigit-kumulang sa tatlondaang licensees noon. At dahilan nga sa nakita natin na hindi karapat-dapat na ang napakarami doon sa may mga lisensiya doon na hindi na dapat mabigyan pa ng renewal or kaya ay papayagan pa o mapahintulatan pang magpatuloy ng kanilang operations, ito po ay naibaba natin sa numerong animnapu halos, ano po.
And dahil po sa ang utos ng Pangulo ay wind down na lahat, so maging iyon pong … hindi ko po nasasakop na iyong diperensiya ng tatlondaan sa sixty, so 240 po noon, iyon po iyong tinatawag na na mga illegal na na mga POGO at that time, at iyon ang mga tinutugis ng grupo ng PAOCC sa pakikipag-ugnayan sa iba’t iba ring ahensiya ng law enforcement agencies natin ng gobyerno ‘no.
So, simula po noong July na binanggit ko iyong animnapu, sa pangkasalukuyan po, as we speak sa araw na ito, pipito na lang po ang natitira. Sapagka’t voluntary na po, dahan-dahan na pong sumusulat sila and requesting for the cancellation of their respective licenses.
Ngayon, doon po sa kanilang pagpapa-revoke ng kanilang lisensiya, on a parallel basis, punta na rin po sila at nakikipag-ugnayan na po sila sa Bureau of Immigration dahil doon naman sa naging utos ng Bureau of Immigration na kailangang i-downgrade na ang visas, working visas ng mga nasabing foreign na mga trabahador po doon sa nalalabing mga animnapung may lisensiya pa.
At nag-ulat din po ang Bureau of Immigration kanina na nagtutugma naman at halos marami na rin po ang nag-apply na rin ng visa downgrading. Ang gusto ko pong idagdag, inulat ko po sa Pangulo na sa December 15, apat na araw po mula ngayon, kanselado na po ang lahat. So, liliwanagin lang po naming tatlo rito, wala pong mayroong may lisensiya pagtungtong po ng January 1, 2025. So, kung mayroon pa diyang magsasabing sila ay nagpapatuloy na maghanapbuhay or ng kanilang operation dahil mayroon silang valid PAGCOR license, hindi po totoo iyon sapagka’t maliwanag po, by December 31, 2024, cancelled na po ng PAGCOR ang lahat, maging siya ay existing na tinatawag nilang IGL na animnapu noong araw ng SONA, cancelled na rin po iyon at walang matitira na nararapat.
So, sa kadahilanan n pong kanselado na, maliwanag po ang utos ng Pangulo sa DILG, sa kapulisan, at lalung-lalo na po sa napakahalagang ahensiya ng gobyerno na attached sa Office of the President, Presidential Anti-Organized Crime Commission ay sila po naman ay nakikipag-ugnayan din sa amin, definitely, sila po ay puwede nang i-pursue dahil wala na nga – uulitin ko – mayroong valid license. Iyon lang po.
MS. OSEÑA-PAEZ: Thank you. Let’s hear from Undersecretary Cruz from PAOCC.
PAOCC ED CRUZ: Magandang tanghali po sa inyong lahat. Actually, part of the meeting this morning was the ways forward on what will be the … iyong mga law enforcement agencies, their participation by January. Kagaya ng sinabi ni Chairman Al Tengco, lahat po ay wala nang lisensiya. So, definitely, those who will be there to operate on January, talagang huhulihin na ho iyan.
So, after the meeting, we will meet again, magkakaroon po kami ng smaller group meeting, iyong mga law enforcement agencies, to plan out iyong mga—kasi kagaya ng sinabi ni Chairman Al, talagang sumunod naman iyong mga may lisensiya before at natanggalan na ng lisensiya at ngayon ay hindi na nag-o-operate. But mayroon pa rin pong matitigas ang ulo, and we are looking at around hundred plus. So iyan iyong mga rogue POGOs na tinatawag namin, na mga dating POGO workers iyan na nagsama-sama tapos gumawa ng maliit na POGO hub o POGO operation sa isang bahay, puwedeng ito ay sa isang apartment, puwedeng sa isang resort, sa hotel.
Ngayon, sa ngayon po, mayroon po kaming tinatrabaho na apat – one in Mimaropa; two dito sa Region IV-B [sic]; mayroon po sa isang resort na pag-aari po ng isang opisyal, dito po sa parting north. Nakakatuwa po kasi ang nag-report po nito ay local government unit, Sir Jonvic, ni-report po niya na mayroong papasok sa kaniya na grupo ng mga Chinese, about a thousand of Chinese, na dala-dala na iyong gamit nila. At inimbak na iyon sa isang lugar at pinasakay ng local government, I think it was already reported with the Chief PNP at kay RD. Nagplano sila. So, nakuha na nila, sir, iyong mga gamit. Nandoon ngayon, sir, sa kanila. Ibig sabihin, talagang lumalayo na sila sa Metro Manila.
So, ito kasi, as long na may internet, kagaya ng napag-usapan namin kanina sa loob, as long na may malakas na internet, they can operate anywhere. So, iyon ang tinitingnan namin ngayon – by January, talagang kakalat iyan at iyon ang… – sa pakikipagtulungan namin sa DILG, magdyo-join na siyempre ang local government units, ang PNP and PAGCOR, of course, at saka iyong PAOCC para mahuli na namin ito.
MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Thank you. Let’s open the floor to questions.
DILG SEC. REMULLA: Just to add a few numbers. Out of the 353,000 visas issued for the last six years…yes, the six years prior to this administration, only 33,863 remained in the country of which of recently 23,099 left already; 6,732 are still in the country of which 5,731 have applied for a downgrade of their visa from working to tourist. We still have 1,001 with no information and they have not applied for anything.
Also, we would like to add that as of today we have received reports of 20 Filipinas who are pregnant with POGO workers, where their husbands were repatriated back to their countries and they are applying to come back here.
And lastly, on December 15, 10:00 A. M. we will personally lead the closure of the POGO hub in Island Cove in Kawit, Cavite to show to the public that it is really closed and we will start with that and then PAOCC will coordinate the activities for the other registered POGOs so that the public may see and the press may see that all of them will be closed by December 15.
MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Thank you. Let’s have questions, Chona Yu, People’s Journal.
CHONA YU/PEOPLE’S JOURNAL: Sir, what’s the profile noong seven POGOs na hindi pa nagsasara and sino iyong mga operators and what’s the reasons behind why they are not yet closing their operations?
PAGCOR CHAIRMAN TENGCO: Actually, I just want to make this clear, they are going through the process. Sumulat na rin po sila. Ang sinasabi ko po kanina, ito na pong mga sinara natin ang siyang naproseso na ang kanilang pagsasara. So, ito pong natitira sa haba po ng listahan ay ongoing pa po ang pagproseso. Pero, they…wala po namang pasaway dito po sa ating mga current licensees – sila po ay cooperating both with PAGCOR and the Bureau of Immigration and also DOLE.
By the way, siguro kailangan ay idagdag na rin natin na nag-ulat po si Secretary Benny Laguesma kanina. Sila po ay nagkaroon na rin mga caravans para matulungan din iyong displaced Filipino workers. At mayroon pong mga natulungan na silang magkatrabaho muli at hindi po sila hihinto. Sa pagdating po ng 2025, tuloy po na magkakaroon sila ng mga job caravans para nga po iyong mga ma-displace nating mga kababayan ay matulungan doon sa mga job matching caravans nila.
Nagsabi din po ang DTI Secretary kanina – Secretary Roque na mayroon din po silang joint…ang gagawin nila, sa mungkahi ni Sec. Jonvic kanina, magdyo-joint caravan na ang DTI at ang DOLE sapagkat ang DTI naman ay puwedeng mag-alok sa kanila ng mga packages na pangkabuhayan naman, at iyon ay ipaliliwanag dito sa ating mga displaced workers. So, either gusto mong mamasukan muli or baka naman kayo, ikaw na displaced or kasama mo ang iba pa ay gustong mag-umpisa ng hanapbuhay, tutulong naman din ang Department of Trade and Industry.
CHONA YU/PEOPLE’S JOURNAL: Sir, after nitong closure order sigurado marami pa rin ang susulpot na mga illegal POGOs. Do you have enough manpower and resources to monitor itong illegal operations?
PAOCC EXEC. DIR. CRUZ: Tingin ko mayroon naman kaming sapat na resources and of course iyong mga personnel ‘no – we have the PNP and the National Bureau of Investigation, the Bureau of Immigration. At saka hindi na ito kagaya noong mga niri-raid natin noong una na talagang isang malaking hub na libo-libo ang nakukuha natin ‘no, now we are looking at hundreds na lang of people and probably baka less than 50 na mga foreign nationals. Kasi ang nangyayari rito talagang they form a smaller group na puwede sa malilit na bahay, sa mga subdivisions or apartments or condominiums, sometimes in a resort – iyong isang tinatrabaho kasi namin sa resort, tapos iyong isa ay isang palapag sa isang building ang inupahan.
So, siguro by January we’ll be looking na mas maraming aksiyon ang mangyayari.
DILG SEC. REMULLA: Dagdag lang, mag-i-issue po ang aming Kagawaran ng isang EO sa lahat ng mga LCEs na required silang mag-submit ng suspicious activities within their localities sa mga movement or possible setup ng mga POGO. Malalaman iyan sa spike bigla ng bandwidth use, entry of suspicious people congregating in houses not registered as businesses, makikita iyan sa movement ng mga foreigners na gustong mag-setup diyan na hindi naman kilala. So, they are enjoined to report immediately sa amin para malaman namin at makagawa kami ng aksiyon.
Kami po ng PAOCC ay magkasama, jointly naming tutugisin lahat ng mga iyan hanggang matapos lahat.
CHONA YU/PEOPLE’S JOURNAL: Sir, last question. Can you categorically say that by 2025 magiging POGO-free na ang Pilipinas?
DILG SEC. REMULLA: Ganito iyan, two parts iyan: All licenses are cancelled – so POGO-free tayo; guerilla operations will flourish but we will go after them.
CHONA YU/PEOPLE’S JOURNAL: Thank you, sir.
MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Eden Santos, Net 25.
EDEN SANTOS/NET 25: Sir, what will be the implication or effect po nitong total closure ng mga POGO operations by December 15 sa mga ongoing investigation po ng Senado at Kongreso about POGO?
PAGCOR CHAIRMAN TENGCO: Ang balita ko po ay hininto na, I think, mayroon nang huli bukas iyong Quad Comm, pinakahuli na po. At sa akin pong pagkakaintindi, sa nababasa at nadidinig ko sa balita ay magsa-submit na po ng report, final report ang mga iba’t ibang committee, consolidated report na raw po para makita natin kung mayroon ba talagang nakita silang mga dapat parusahan, dapat ba talagang tugisin pa or dapat pang hulihin. Pero definitely, iyon pong report na iyon sa pagkakaalam ko ay isa-submit na ng final ng Quad Comm sa House leaders.
DILG SEC. REMULLA: Para klaro lang ‘no, hindi exempted ang Cagayan, ang Bataan at saka iyong APECO sa order na ito. So, hindi puwedeng gawing taguan ito. PAOCC and DILG will be vigilant in making sure na hindi sila puwedeng magtago sa mga lugar na iyan.
MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Ivan Mayrina, GMA 7.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Chairman Tengco, sir, if I recall correctly dati po nabanggit ninyo ang mawawala kapag binan [ban] lahat ng POGO ay something like 20 billion. Is that a correct figure?
PAGCOR CHAIRMAN TENGCO: Iyon po ang kapag pinagsama-sama ninyo ang kinita ng pamahalaan sa PAGCOR. Ang amin pong naging revenue ng POGO noong 2023 ay mahigit na anim na bilyong piso, tapos may corresponding taxes po iyan – so, kapag pinaglagom ninyo po, tapos mayroon pong mga fees din ang Department of Labor and Employment gayundin po ang Bureau of Immigration. So, kapag pinagsama-sama ninyo po iyon ay nandoon po sa range of 20 to 25 billion pesos ang mawawala po dahil iyon po ay legal license fees at saka iba’t iba pong mga fees na binabayad sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
So, tama po kayo doon sa 20 to 25 billion na nakita namin kapag pinagsama-sama na at iyon po ang immediate revenue na mawawala sa pamahalaan.
IVAN MAYRINA/GMA 7: How much of a dent will that make on your operations kasi ang PAGCOR po of course nagbibigay sa charity and all. Gaano kalaking kawalan ang 20 billion para sa PAGCOR?
PAGCOR CHAIRMAN TENGCO: Sa pamahalaan po, nagsalita po kanina ang NEDA.
DILG SEC. REMULLA: As per NEDA, .25 of 1% of total GDP ang naapektuhan. We don’t see a significant dent sa economy natin. I think, mami-make up naman iyan sa mga iba pang mga revenue enhancing measures ng Department of Finance.
IVAN MAYRINA/GMA7: Kay Secretary Remulla, sir. Alam naman natin iyong mga dating POGO, hindi po magpo-flourish ang illegal activities diyan kung walang—If the Local Chief Executives didn’t look the other way or iyong mga police po natin. Ngayon hong sinasabi ninyo na dadami iyong guerrilla operations and you will run after them, ano po kaya iyong warning natin sa pulis at gayundin sa local chief executives who will allow illegal operations of guerrilla POGO?
DILG SEC. REMULLA: Well, kung makita natin na connected sila in anyway sa protection nila ay may liability talaga sila, gross negligence ang isa diyan, acts inimical to the interest of the Filipino people, so liable sila sa Ombudsman diyan. But of course, we cannot go and accused, hindi naman puwedeng accusatory tayo kaagad. But we will inspect and we will enjoin them to report it right away sa amin.
MELVIN GASCON/INQUIRER: Good afternoon, sir. May data po ba ang DILG, sir, kung ilan po iyong mga LECs or local officials na nakasuhan o nakatakdang makasuhan because of the existence of POGOs?
DILG SEC. REMULLA: Actually mayroon ako dito, pero hahanapin, ang dami nito eh, ang kapal nito. But safe to say, I think PAOCC could have a better a number, kung ilan na ang na-raid, kasi PAOCC led most of the raids naman eh.
PAOCC EXEC. DIR. CRUZ: Opo. Actually, marami na po tayo na natuklasan, iyong mga nakaraang raids po natin, very prominent po diyan iyong kay Mayor Alice Guo, and then the mayor of Porac, nakademanda po siya ngayon. And then, mayroon po iyong sa Cebu, iyong sa Lapu-Lapu City pala, hindi iyong sa Cebu. And marami po, hindi pa rin po kasi tapos iyong imbestigasyon na ginagawa namin. So, we are not actually at liberty to reveal iyong mga names kaagad-agad. But nababasa naman po ninyo and we are really open, whenever we filed cases doon sa mga government officials na involved po at nalaman namin na kakutsaba nitong mga operators.
DILG SEC. REMULLA: As far as mga legal, ito iyong mga ligal pa lang ah. This was sent by my predecessor, si Secretary Abalos, a letter dated September 16, 2024: Dalawampu’t walong concerned na mga alkalde ng mga LGU ang pinadalhan ng mga listahan ng mga location ng mga POGO sa kanilang mga lugar.
MELVIN GASCON/INQUIRER: Nabanggit po ninyo kanina, sir, na mayroon pong mga rogue POGOs. I am just wondering, wala po bang capability ang other agencies like DICT for instance, para po katulong para..?
DILG SEC. REMULLA: Magkakasama kaming lahat dito. Secretary Ivan was there also, nandoon din siya noong meeting at kasama siya roon sa inter-agency task force namin kung paano ayusin.
MELVIN GASCON/INQUIRER: So may capability po na ma-stop po sila at hindi na po sila mabigyan ng pagkakataon na mag-conduct ng rogue activities?
DILG SEC. REMULLA: Alam mo ang Pilipino maabilidad iyan eh, gagawa at gagawa ng paraan. Sa aming estima, madali silang mahanap, madali silang pigilin. As per the President’s instructions, we will make it very difficult for them until they say that it is no longer worth operating in the Philippines.
TUESDAY NIU/DZBB: Good afternoon, gentlemen. To Secretary Remulla, sir, for clarification lang po. Iyong nabanggit po ninyo na as of September 16, 2024 na 28 concerned LCEs, ang mga ito po ba ay under investigation sila, nakasuhan na ba sila o sila ang nagpadala ng list na mayroon silang..?
DILG SEC. REMULLA: Hindi po, ito po ay listahan galing PAGCOR, na inisyuhan ng license na under official records 28 local chief—LGUs were issued, have POGOs operating in their localities. So, they were enjoined to inspect to make sure na walang nangyayari.
I think Chairman Al can further clarify na ang evolution ng POGO, it used to be online gaming operations, may table diyan, may camera, may pustahan na nangyayari. Ang evolution na nangyari sa kaniya ay naging scam center na siya. So, we shouldn’t call it POGO anymore, we should call it scam center ang kanilang operations. Kasi kapag sasabihin ninyong POGO connected pa rin siya sa PAGCOR eh. In effect, wala na talagang on game, offshore gaming lang ang ginagawa nila, scam center na lang ang nangyayari, kaya ito ay outside the purview of PAGCOR. Tapos na ang trabaho ng PAGCOR dito, they did their job, they send their notices, isinara na nila iyong binigyan nila ng licenses, walang conversion into other forms of businesses, ito iyong nagiging trabaho ng PAOCC at trabaho ng DILG na itigil ang scam center. I repeat, hindi na siya gaming center/gaming operations, kung hindi scam center na siya.
MS. OSEÑA-PAEZ: Okay, any more questions? That’s it? Thank you so much, gentlemen for updating us on the winding down of operations of all existing POGO and internet gaming licensees. They are ready to go to work. Thank you so much, Secretary Remulla, Chairman Tengco and Undersecretary Cruz. Maraming salamat po.
##