SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Nagpapasalamat po ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee para sa kanilang napapanahong aksiyon na mag-provide ng cash grants sa mga bona fide at qualified public utility vehicle drivers. Kumpiyansa kami na maipamamahagi sa nalalabing buwan ng taon ang one billion fuel subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ng Department of Transportation kung saan ang LandBank ang magdi-distribute diretso sa cash card na inisyu sa mga drayber.
Ayon kay LTRFB Chairman Delgra, magpupulong sila ngayong araw kasama ang LandBank sa bagay na ito. At dagdag pa ng LTFRB, kailangan nila munang ayusin ang mga dokumento tulad ng listahan
bilang basehan ng formal fund request sa DBM ngayong linggo. Inaasahan nilang magsisimula ang
indeed, this underscores our commitment to cushion the impact of the oil price hikes to the transportation sector.
Hindi man po natin maiwasan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at langis ay iniibsan naman po natin ang kahirapan lalung-lalo na iyong mga naghahanapbuhay sa sektor ng transportasyon.
Humarap po kagabi si Presidente sa taumbayan para sa kaniyang regular Talk to the People address ‘no. Sinabi ng Pangulo na kinakailangang i-ramp-up ang vaccination rates ng iba’t ibang local government units para maabot ang target nang magkaroon ng 50 million fully vaccinated bago matapos ang taon. Dagdag pa ni Presidente, kinakailangan umabot sa pinakamalayong lugar while preserving the integrity of the vaccines.
Nabanggit din po ng ating Presidente ang move ng Senate Blue Ribbon Committee na dalhin ang legality ng memorandum ng Pangulo sa Korte Suprema. Ang hukuman na po ang makakapagdesisyon nito at binigyan-diin ng Pangulo na ipagtatanggol nito ang constitutionality ng nasabing kautusan.
Sabi nga po ng ating Korte Suprema ‘no, ang Korte Suprema po ay supreme hindi dahil siya ay supreme na korte kung hindi siya po talaga ay itinataguyod ang supremacy ng ating Saligang Batas.
Ngayong araw, October 26, ang simula po ng ASEAN Summit that will be chaired by Brunei Darussalam. Magpa-participate po ang ating Presidente via video conference in the 38th and 39th ASEAN and related summits with the theme, “We Care, We Prepare, We Prosper.”
The President will exchange views with his counterparts on the regions’ COVID-19 response and recovery efforts, ASEAN community building initiatives, and regional and international developments.
Sa usaping bakuna naman po: Nasa mahigit na po 56 million ang total doses administered sa Pilipinas as of October 25, 2021, ito po ay ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa halos 26 million or 25,955,669 ang fully vaccinated sa buong bansa. Samantala ha, dito po sa Metro Manila nasa mahigit 17.6 million ang total doses administered at – napakagandang balita po ito ‘no – habang nasa 95.2% na ang nakatanggap ng first dose o katumbas po ng 9,307,293, habang 85.79% na po ang fully vaccinated, katumbas po ito ng 8,387,179. Good job po!
Sa COVID-19 updates naman po: Patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso, nasa 4,406 na po ito ayon sa October 25, 2021 datos ng DOH. Single digit na po ang ating positivity rate ‘no at nine (9) percent, pero targetin po natin ang five percent – iyan po iyong standards ng WHO. Patuloy din po ang pagtaas ng ating recovery rate, nasa 96.4% na po ito, nasa 2,661,602 na po ang mga gumaling. Samantalang nasa 41,942 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami – nasa 1.52 po ang ating fatality rate.
Makikita naman po sa susunod na infographic ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset na bumaba ng 35% ang average daily reported cases mula sa previous peak na 10,431 cases noong March 29 to April hanggang sa new peak na 20,946 cases noong September 6 to 12. Ito ay naging 13,577 cases noong September 28 to October 4 hanggang sa naging 4,892 cases noong October 19 to 25. Pababain pa po natin ito ha – mask, hugas, iwas, bakuna. Kinakailangan ma-sustain po natin itong decline lalo na na paparating na po ang Kapaskuhan kung saan tumataas ang mobility ng mga tao. Iwasan din po natin ha ang tatlong Cs – closed, crowded at close contact settings.
Makikita naman po sa susunod na infographic iyong confirmed cases by report date around the country na bumaba ang lahat ng mga kaso sa Metro Manila na asul na linya; plus areas na berdeng linya; rest of Luzon na pulang linya; Visayas na aqua blue na linya; at Mindanao na orange na linya. Good job, Philippines!
Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital: Sa buong Pilipinas, 52% po ang utilized ICU beds; sa Metro Manila, ito po ay 46%. Sa buong Pilipinas, 40% ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, nasa 35%. Sa buong Pilipinas, 37% po ang utilized ward beds; sa Metro Manila nasa 33%. Sa buong Pilipinas po, 36% ang nagagamit na mechanical ventilators; sa Metro Manila, ito po ay nasa 32%.
Sa ngayon, tatlong rehiyon ang mayroong high-risk ICU utilization rate. Ito po ang Region II, Region V at Region IX. Kaya mag-ingat pa rin po tayo ha. Pataasin natin ang pagbabakuna sa mga lugar na iyan para maprotektahan po ang ating mga vulnerable groups.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon si DENR Undersecretary Benny Antiporda para pag-usapan ang Manila Bay Dolomite Beach.
Usec., talaga naman pong napakadaming Pilipino ang natutuwa po ‘no na nagkaroon tayo ng beach dito sa gitna ng Metropolitan Manila. Pero marami rin pong nagtatanong doon sa nakita nating larawan na para bagang walang social distancing. Ano ba ho ang nangyari noong araw na iyon?
DENR USEC. ANTIPORDA: Thank you, Secretary Roque. And of course, unang-una, magpapaliwanag po tayo sa taumbayan: Ito pong Dolomite Beach na ito ay binuksan ho para ho makatulong sa ating mga kababayan na maibsan man lang kahit paano iyong kanilang anxiety in this pandemic ‘no but sad to say, nag-react talaga ‘no, overwhelming iyong reaction ng taumbayan, iyong suporta nila sa pagganda nitong Manila Bay ‘no. Nagdulot ng pag-asa sa tao ang isang lugar na punung-puno ng basura noon at ngayon ay napakaganda na ‘no.
And of course, malaking impact din po iyong pagbabatikos po sa atin ng ating mga kritiko, napakalaking tulong po niyan, naging curious po iyong tao kung ano ba naman talaga ang ginagawa ng kanilang pamahalaan ‘no.
So ganoon po ang nangyari last Sunday. Actually, iyong weekdays po natin, wala naman pong problema iyong social distancing. Gaya po ngayong araw, personal po nating tiningnan ito at pinangasiwaan; tayo po ang duty officer today.
Maganda naman po, hindi po umaabot ng apatnaraan ‘no. So nasa three to four hundred lang po iyong tao at single time na nasa loob. And kapag po lalagpas na ito ay pinatitigil muna iyong papasok at papalitan po ito. Pakikiusapan iyong mga nasa loob na bibigyan naman ng chance iyong next batch ano po.
But sad to say, iyon nga isa hong masamang balita ito para sa mga bata na from 11 pababa po ang edad ay hindi muna papayagang makapasok dito because of the alert level ng IATF po, ano po. Nasa Alert Level 3 po tayo, sana po ay maunawaan natin ito.
Although sinasabi na puwede naman po kayo sa open areas like this, but this is a crowded open area so we want to be sure na hindi kayo madisgrasya o magkasakit ng COVID. Kung kaya’t pinagpasyahan po ng Inter-Agency Task Force kahapon, ang mga miyembro po nito ay, of course, ang MMDA, ang local government unit of Manila, ang Manila Police District, ang DENR and of course, iyong DPWH, iyong DOT, lahat po iyong inter-agency po ay mayroon naman pong representative kahapon na narinig at pinagpasyahan.
Nagkaroon po ng kaunting confusion pa kahapon ano po, na sinasabing 12 years old and below, ano ho. Kasi ho ang pinagbasehan po nila is iyong 12 years old up to 17 years old ay pinapayagan na pong magbakuna ngayon, ano ho, iyon ang basehan. So nagkaroon ho ng confusion kaya nagsabing 12 years old and below.
So ngayon po, inaayos po namin iyong impormasyon – 11 years old and below ang ipagbabawal po muna dito po sa Manila Bay. At masasabi lang po natin, everything will be recalibrated ‘no kapag maglabas po ng bagong alert level ang atin pong IATF.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Undersecretary Benny Antiporda.
Pumunta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque and Usec. Antiporda.
First question from Maricel Halili ng TV-5: What are you doing in the US? Is it an official or personal visit and who are you with?
SEC. ROQUE: It is an official visit po to the UN on the occasion of the UN International Law Week and I am supported by officials from the Office of the President and the Department of Foreign Affairs. My wife is with me but on my own account.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Second question po niya—Secretary, hindi ko lang po alam kung medyo nasabi ninyo na ‘yung iba about ASEAN pero basahin ko na lang po in case may idadagdag kayo: What will be the focus of the President when he gives his statement during the ASEAN Summit? Will the President meet with the other leaders? What will be the agenda?
SEC. ROQUE: Lahat po ‘yan ay magiging virtual at inaasahan po natin na ang talagang tututukan nila ay itong COVID ‘no at iyong pagbangon ng buong ASEAN mula po dito sa pandemyang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya: Manila Mayor Isko Moreno challenged the government to file cases against DENR officials for failure to control the influx of people in the Dolomite Beach. Will you heed to this challenge? Who should be held liable?
SEC. ROQUE: Ay, hinahayaan na po namin ‘yan sa DILG ‘no at sa ating kapulisan ‘no kasama na po ang lokal na pamahalaan ng Maynila. Kung gusto pong magdagdag ni Usec. Antiporda…
DENR USEC. ANTIPORDA: Oh, thank you. Thank you, Secretary Roque. Ganito po ‘yan ‘no, ako personally wala pa ho akong nakikita na sinabi ni Mayor Isko Moreno ‘yan and at the same time wala pa rin pong document kaming natanggap na nagsasabing ganiyan.
The documents that we received last night is asking us on our plans ‘no and what are the strategies that we’re using in trying to control the crowd ‘no. So very ano pa nga, very supportive pa ho ‘yung letter niya and the letter started from the words ano eh, na “We are in full support of the project of the DENR,” ‘no.
So I don’t know kung saan po galing ‘yang statement na iyan but rest assured that iyon pong sinasabi nila na nagkaroon ng violation ng social distancing, immediately na-address po ‘yan dahil in-implement po namin iyong 5 minutes rule ano po. Ano po ‘yung 5 minutes rule? In every single time dahil po sa laki ng lugar na ‘to – it’s more than 1-hectare ano po – hindi po lalagpas ng 400 iyong tao. Then since magkakaroon na po ng pila sa labas, ang ginagawa po namin immediately pinapakiusapan namin after 5 minutes pagbigyan po natin ‘yung next batch.
So tuluy-tuloy po, nagkaroon po ng sistema hanggang magsara po ito noong Sunday ng 6 o’clock. So naagapan naman po ‘no but sad to say mayroon po tayong ilang mga kapatid sa media na nakunan ng litrato iyon pong time na dumami iyong tao dahil umulan po at that time ‘no. So again hindi ho natin puwedeng sabihin na hindi po tayo nagkulang – nagkulang nang kaunti pero naagapan po.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Usec. Secretary, ang susunod pong magtatanong ay si Mela Lesmoras ng PTV via Zoom.
SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, Usec. Antiporda at Usec. Rocky. Secretary Roque, unahin ko lang po ay follow up question mula sa Talk to the People kagabi.
Sinabi po kasi ni Secretary Dizon na magpi-present sila ni Secretary Galvez sa IATF para sa approval ng opening up nationwide of the 12- to 17-year-old vaccination para po maprotektahan iyong ating mga kabataan. Itatanong ko lang po kung may pulong ba today ang IATF at may update po ba dito sa isusulong ng NTF?
SEC. ROQUE: Mamaya pong alas dos ang meeting ng IATF at mayroon pong pangalawang pagpupulong sa Huwebes. So inaasahan po natin kung hindi ngayon sa Huwebes eh idi-discuss po ‘yan ni Deputy Chief Implementer Vince Dizon sa IATF.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, Secretary Roque, doon naman po sa ASEAN Summit. I understand iyong mga kababayan natin talagang nag-aabang sa magiging talumpati rin doon ni Pangulong Duterte. Magkakaroon po ba ng real time live stream ng mga speech niya or pakikipagpulong sa ibang leaders at may mga oras na po kaya ito?
SEC. ROQUE: Wala pa pong oras ‘no kasi alam ninyo naman may schedule pero hindi natin alam kung masusunod iyan ‘no. Pero gaya ng nakalipas na mga ASEAN Summit hanggang maaari ibu-broadcast po ng Palasyo ang mga talumpati ng ating Pangulo kung ito po ay for public consumption. Kasi ang tradisyon po diyan iyong una, talagang for public consumption po iyong mga opening statements ‘no pero iyong mga susunod na pagpupulong po ay private po ang kanilang nature.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Pero today kaya, Spox, may inaasahan tayong speech mula kay Pangulong Duterte sa ASEAN Summit?
SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko po sa opening lahat naman po sila magsasalita – ganoon po ‘yung format sa ASEAN. Lahat po ng ASEAN leaders sa opening will be asked to do their—to make their opening statements.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuli na lamang, Secretary Roque: Kailan po kaya iyong susunod na schedule ng Talk to the People?
SEC. ROQUE: Wala na po ngayon kasi ngayon hanggang Huwebes po ang ating ASEAN Summit.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Salamat po, Secretary Roque, at sa iba pa nating opisyal.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky—ay, I stand corrected ha. Nagpupulong pala ngayon ang IATF 10 to 12 pero iyong vaccination po ay hindi po na-include sa IATF agenda. So inaasahan po natin iyan na sa Thursday po madi-discuss iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong mula kay Joseph Morong ng GMA News: As IATF, when are we going to increase the public transport to 100%?
SEC. ROQUE: Alam ko po iyan ay pag-uusapan po pero hindi pa po nadi-discuss po iyan ng IATF. Baka sakali po sa Thursday mag-present po ang Department of Transportation.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang follow up po niya: Is it safe already to increase daw po to 100%?
SEC. ROQUE: Well, titingnan po natin talaga iyan, iyan naman po ay data driven ‘no. Pero narinig ninyo naman po ang sinabi ng Department of Health, ni Usec. Vergeire na kung magpapatuloy po talaga ang datos na bumababa ang two-week average, ang daily attack rate at patuloy na bumababa rin po ang health care utilization rate, posible naman po na mapababa sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Susunod pong magtatanong via Zoom si Trish Terada ng CNN Philippines.
SEC. ROQUE: Go ahead, Trish. Wala kang sound.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi, Spox! Good afternoon. Can you hear me now?
SEC. ROQUE: Go ahead, yes.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon po, Sec., and to Usec. Antiporda. Sir, just on the dolomite issue ‘no kasi I understand the government’s admitting some lapses doon sa implementation. But how about, sir, doon sa communication side? Why does it seem na hindi in sync iyong mga agencies in terms of implementing the policies and hindi aware iyong DENR for example na bawal pa pala iyong mga bata supposedly doon sa open area na iyon? And every time na lang kasing may new guidelines, parang there’s a bit of confusion. Ano po iyong plano to resolve the communication problem?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well as I said a while ago ‘no, this is inter-agency ‘no. Inter-agency rin iyong dito sa Manila Bay so iyong sa communication actually wala naman pong lapses sa communication. Ang nangyari lang po is based on information that we received na puwede po ‘yung mga bata ‘no basta’t open area.
So since this is an open area eh pinayagan po iyong mga bata – but nakita po nating crowded, immediately kahapon po nag-decide po ‘no… nag-decide po kahapon sa meeting na sinasabing ipagbawal na iyong mga bata ano – weekdays or weekends ‘no.
Kasi kung weekdays naman po makikita ninyo napakaluwag. As of now hindi ho lumalagpas ng 300 in a single time iyong mga taong nandito but noong weekends talaga nakita ninyo iyong influx noong tao – grabe sa sobrang dami. But we implemented the 5 minutes rule. So since ganoon po nangyari, nag-decide na lang po iyong inter-agency na ipagbawal iyong 11 pababa ‘no. Malaking tulong din po iyan dahil nakita ho natin ‘no supposed to be mas marami po dapat ang tao ngayon compared yesterday – Monday po kahapon, Tuesday ngayon – pero mas konti po ngayon talaga. Dapat ho mas marami ngayon dahil Tuesday po ‘no pero mas konti ngayon dahil ho pinagbawal na iyong bata. Ipinagbawal po iyong bata, karamihan po kasi ng dumarating dito, may dalang isa, dalawang bata, pero iyong adults na kasama anim, pito, ganoon, o lima. So, since ganoon iyong situation, makikita natin na kapag hindi po pumunta iyong mga bata, hindi na rin po pumupunta iyong mga adults. So malaking tulong din po iyon.
But, siguro idagdag ko na, ma’am, para po sa kaalaman ng publiko, sarado po ang Dolomite Beach starting October 29 until November 3, iyan po iyong Undas – October 29 until November 3. And for further notice naman kung ano iyong susunod na magiging instruction ng atin pong Inter-Agency Task Force when it comes to Manila Bay dahil, again, lahat po naman ito ay kailangan pong pag-usapan. Dahil iyong alert level po natin eh kapag gumalaw po iyong alert level, of course, definitely babaguhin din po natin iyong guidelines po natin sa pagpunta po rito sa lugar na ito.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, tama doon sa Dolomite Beach, hindi na puwede iyong mga bata. But in general, once and for all, paano na po ba talaga iyong final policy, general policy for children in terms of going out? Hanggang saan lang po ba puwede iyong mga bata? Saan lang po ba sila puwedeng bumisita? Because like for example iyong nangyari sa Dolomite, sir, I understand, maraming families came from far places like Bulacan and even farther areas para lang po mabisita iyon. So, paano po ba iyong general rule na ngayon in terms saan puwede na lang iyong mga bata pumunta?
USEC. ANTIPORDA: Well, I think dito sa Inter-Agency on COVID-19 ang makakasagot niyan. But, sa amin naman dito, although pinayagan namin sila noong Sunday at noong Saturday, ang ginawa naman po natin is, we strictly implemented iyong social distancing nga, hanggang makakaya, ginawa po natin and of course iyong minimum health protocol which is iyong wearing of face mask. Kung sakaling naibaba lang nila nang kaunti, immediately nilalapitan po namin at pinakikiusapan na maibalik nila iyong kanilang mga face mask.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Sir. Spox, just a clarification po doon nga po sa general rule. Paano na po ba iyong general rule for kids? Up to which areas covered na puwede iyong mga bata?
SEC. ROQUE: Well, nasa IATF resolution naman po iyan. As a general rule, stay home pa rin ang mga bata habang hindi pa sila bakunado. Pero may exception naman po iyon, puwede silang lumabas for exercise, puwede silang lumabas sa open areas dahil importante rin po iyan sa mental health. Siguro ang dapat lang nating i-emphasize eh, hindi pa rin dapat ibiyahe ang mga doon sa mga sites na ganito. Pero at the same time, siguro iyong mga nandoon sa area na iyon ay pupuwede namang pumunta roon dahil open area iyon. Pero as I said nga po, talaga namang kung tinuloy itong proyektong ito, dahil importante na magkaroon naman po ng respite at kaunting libangan, which is good for the mental health of everyone including our children.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, other countries like the United Kingdom and New Zealand are seeing a sudden increase in the number of COVID-19 cases. Does the government find this alarming, especially ngayon na sinusubukan natin unti-unting mag-re-open ng economy? And what steps are we taking to ensure na the same won’t happen to our country?
SEC. ROQUE: Alam po ninyo, nandito ako sa Amerika ngayon, normal na po sa Amerika, bukas po ang lahat. Pero hindi puwedeng pumasok sa enclosed kung walang vaccination card and that is being strictly enforced po by all New York establishments. Mayroon nagkaroon lang po ng kaunting problema, kasi sa UN maraming mga diplomats at medyo pumalag iyong ilang mga diplomats at saka mga heads of states. So, ang ginawa nila honesty system within the UN ‘no. Pero tayo po nagpapakita po tayo ng ating VaxCert.ph, kapag tayo po papasok sa UN. So makikita po ninyo na talagang kapag mataas ang vaccination rate, nakakabalik po sa normal na buhay.
Now, hindi ko po alam kung ano ang naging problema ng UK, pero mapapansin po ninyo na maski tumaas o tumataas muli ang mga numero ng kaso, hindi naman po nao-overwhelm ang mga hospital. Ano po ang ibig sabihin niyan? The vaccines are working po, mahawa man eh parang ordinaryong sipon o flu ang nangyayari. So sa akin po, importante na magpabakuna tayo at saka importante rin po iyong ating mask, hugas at iwas.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you very much, Spox Harry. And thank you also to Usec. Benny.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Balik tayo kay Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Opo. Spox, may pahabol lang pong tanong si Johnna Villaviray ng Asahi Manila: Is the President also attending daw po the Summit meetings with dialogue partners and aside from COVID response? Will the President push for any other topics during the meetings?
SEC. ROQUE: Well, lahat po iyan ay nasa official schedule ng ating Presidente. Pero tingnan po natin ang mga pangyayari dahil alam naman ninyo iyong last ASEAN Summit, biglang bumagyo at napilitang bumisita sa mga areas na nasalanta ng bagyo ang ating Presidente. Maaaring any external events po ‘no ay nandoon naman po ang ating Presidente sa ASEAN Summit, which will be his last as President if I am not mistaken.
USEC. IGNACIO: Opo, ang second question po niya: Will he have any one-on-one on the side virtual meeting with any of the other leaders?
SEC. ROQUE: Ang mga side meetings po kasi, hindi naman po iyan nasa official schedule ng ASEAN. So possible po, pero sa ngayon, wala po sa official schedule na na-furnish po tayo. Anyway, ang Department of foreign Affairs po will be releasing press releases in due course.
USEC. IGNACIO: Thank you Secretary Roque. Thank you, Usec. Antiporda.
SEC. ROQUE: Maraming salamat kay Usec. Antiporda. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Well, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating press briefings at nagsasabi: Kaunting tiyaga na lang po, kinakailangan lang maitaas ang vaccination rate sa buong Pilipinas. Bagama’t dito po sa Metro Manila na pinakamataas ang kaso ng COVID at pinakamarami ang populasyon ay nasa 85% na po. Kakayanin po kung talagang gugustuhin. We will heal as one.
Magandang hapon, Pilipinas.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center