SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Naglabas ang ating DTI ng allowable onsite operational or venue seating capacity para sa mga business establishments activities sa iba’t-ibang alert level systems. Basahin po natin ito, ipa-flash po natin ngayon sa screen.
Kung mapapansin ninyo po ano, lahat ng mga negosyo na pupuwedeng magbukas. Iyong mga in-doors, ito po ay limitado lamang sa mga bakunado at lahat ng empleyado po ay dapat bakunado. Pero makikita ninyo po na sa Alert Level 4, lahat po ng indoor na negosyo ay hanggang 10% lamang kapag Alert Level 4, 30% ‘pag Alert Level 3 at 50% pag Alert Level 2.
Para doon naman po sa mga negosyo na outdoors ‘no, lahat po dito ay nakasulat na kapag outdoor hindi po kinakailangan na lahat ay bakunado pero sa Alert Level 4, ito po ay 30 porsiyento; sa Alert Level 3, ito po ay 50%; at sa Alert Level 2, ito po ay 70%; at sa Alert Level 1, ito po ay 100%.
Mayroon lang pong isang negosyo na ipinagbabawal sa Alert Level 4 at ito po ay iyong mga sinehan. Sa sinehan po, ang Alert Level 4 ay hindi pa po pupuwedeng magbukas ang mga sinehan. Pero sa Alert Level 3, puwede na po sa indoor na sinehan 30%; at sa Alert Level 2, 50%. Iyong mga outdoor na sinehan po, hindi rin sila allowed sa Alert Lever 4 pero sa Alert Level 3, ito po ay 50%; at sa Alert Level 2, ito po ay 70%.
So ang mga negosyo pong ito ay mga dine-in, mga film and music and television production mga specialty examinations to be authorized by the IATF. Mga fitness studios, gyms, and venues for non-contact exercises, mga contact sports ‘no, ang contact sports po allowed lamang sa 50% sa Alert Level 2 at dapat po ito ay ma-approve ng LGU. Sa outdoor naman po, ang contact sports po ay allowed sa Alert Level 3 pero ito po ay dapat bubble-type set-up ‘no; at sa Alert Level 2 ang outdoor contact sports po ay 70%.
Kasama rin po sa mga negosyong binubuksan ay ang venues for meetings, incentives, conferences and exhibitions – iyong tinatawag po nating MICE; at kasama rin po ang mga venues for social events such as parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut and birthday parties, family reunion, or bridal and baby showers; ang mga visitor or tourist attractions such as libraries, archives, museums, galleries, exhibits, parks, plaza, public gardens, scenic viewpoints or overlooks and the like, mga amusement parks and theme parks, recreational activities such as internet cafés, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys, skating rinks, archery halls, swimming pools and similar venues.
Okay po, magpunta naman po tayo sa usaping bakuna. Dumating kahapon, October 20, ang 2,000 Astra Zeneca doses na donasyon ng pamahalaang Brunei sa Pilipinas.
Kahapon din po ay nabakunahan ang 300 student athlete sa Metro Manila sa ilalim ng Padyak Para sa Flexible Learning: Sama-samang Vaccination Program ng Commission on Higher Education.
Nasa halos 54 milyon na po or 53,838,248 ang total administered doses sa Pilipinas as of October 20, 2021 ayon po sa National COVID-19 vaccination dashboards. Sa bilang na ito nasa 32.25% na po or 24,876,889 ang fully vaccinated sa buong bansa.
Good news: Nasa 93.34% na po ang nakatanggap ng first dose o katumbas ng 9,125,604 sa Metro Manila po ito; at sa Metro Manila, 81.4% na po ang fully vaccinated katumbas ng 7,957,963.
Sa COVID-19 updates po: Patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso, nasa 3,656 na lamang ito sang-ayon po sa October 20, 2021 datos ng DOH. Nasa 2,627,331 ang mga gumaling, nasa 96.1% ang ating recovery trade. Samantala, nasa 40,977 na po ang binawian ng buhay dahil sa corona virus – nakikiramay po kami. Nasa 1.5% po ang ating case fatality rate.
Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital: Sa buong Pilipinas, 59% ang utilized ICU beds; sa Metro Manila – 53%. Sa buong Pilipinas, 46% ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, ito po ay 39% lamang. Sa buong Pilipinas, 44% ang utilized ward beds; sa Metro Manila, ito po ay 39% lamang. At sa buong Pilipinas, 43% ang utilized mechanical ventilators; sa Metro Manila, nasa 40% lamang.
Sa ibang mga bagay, magandang balita po: Wagi ang Pilipinas sa 28th World Travel Awards. Tayo po ang tinanghal na leading beach destination at leading diving destination sa Asya ngayong 2021.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayong tanghali si MMDA Chairman Benhur Abalos. Chairman Abalos, pakilinaw po kung ano iyong napagkasunduan ng ating mga mayors sa Metro Manila tungkol po sa mga galaw ng kabataan sa labas ng kanilang mga tahanan. Chairman Benhur Abalos …
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Maraming salamat po, Spox Harry Roque, Secretary Harry Roque. At bumabati po ako ng maligayang kaarawan – Happy, happy birthday po!
SEC. ROQUE: Salamat po.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: At sa mga nakikinig po, ito po ay iri-refer ko lang kayo dito po sa IATF guideline na tinatawag, ito po iyong Section 4 Article 1. Nakalagay po rito ay ang tinatawag nating paggalaw ng mga menor de edad at mga vulnerable population – ito po iyong tinatawag nating mga senior citizens at iyong mga buntis at iyong mga vulnerable.
Iku-quote ko na lang, Spox Harry, para huwag tayong ma-misquote po rito. Napakasensitibo po nito. Ayon po rito ay sinasabing, “Those below eighteen (18) years of age, and those belonging to the vulnerable population, shall be allowed access to: (1.) Obtain essential goods and services, (2.) for work in permitted industries and offices, (3.) individual outdoor exercises shall also be allowed for all ages regardless of comorbidities or vaccination status.”
Inuulit ko, sinasabi po ng guideline, number 1, ang menor de edad, senior citizen at mga pregnant ay pupuwede po sila, number one, para bumili ng mga essential goods at services; number 2, sa trabaho; at number 3, individual outdoor exercises.
Pero mayroon pong pang-apat, Spox Harry. Ito iyong sa unang-unang sentence, ang sinasabi rito, ang intrazonal at interzonal travel shall be allowed subject to reasonable restrictions based on age and comorbidities as may be determined by the LGUs.
So tatagalugin ko lang po ‘no, sinasabi rito na ang pagbiyahe sa interzonal sa Kalakhang Maynila ay pinapayagan at pupuwedeng lagyan ng rasonableng restriction ng mga local government unit. Sa apat, ito lang ang binigyan ng poder ang mga mayors para maglagay sila ng kondisyon. At ang kondisyon po na napagkasunduan ng mga alkalde ay ang mga menor de edad ay pupuwedeng bumiyahe provided kasama sila ng kanilang mga magulang or ng isang adult na guardian. Maski hindi ho bakunado, Spox Harry, kasi ang dahilan po nito, may mga kababayan tayo, kunwari, na hindi pa bakunado, kasama iyong mga anak, pinapayagan na po iyon.
So iyon po ang napagkasunduan po ayon po dito sa intrazonal at interzonal travel ‘no. So more or less, itong guideline ng IATF, ito po talaga ang sasabihin nating specific tungkol po sa mobility ng minors at ng mga senior citizen at iba pang mga kaibigan nating vulnerable population. Iyon lang po, Spox Harry.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po, Chairman Abalos. Lilinawin ko po: Wala pong binago ang mga Metro Manila mayors. Kapareho pa rin po ang ating sinusunod na guidelines para sa mga kabataan – lalabas lang sila kung mayroong necessity, kung kinakailangang magtrabaho at ang travel naman po ay subject to restrictions to be imposed by the local government units. So the same lang po ‘no, binigyan lang natin ng enforcement iyong mga napagkasunduan na sa IATF.
Punta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque and kay MMDA Chair Abalos. Happy birthday, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Thank you. Thank you.
USEC. IGNACIO: First question from Leila Salaverria ng Inquirer: What is the IATF decision daw po on the appeal of the League of Provinces in the Philippines to defer the implementation of the alert level system in the provinces? Why were they not consulted before the system was expanded to the provinces? Similar questions with Maricel Halili of TV-5, Pia Gutierrez ABS-CBN, Rosalie Coz UNTV, Mela Lesmoras PTV and Michael Delizo ABS-CBN.
SEC. ROQUE: Lilinawin ko lang po ha: Lahat po ng mga rehiyon at mga probinsya na magpapatupad ng alert level system ay kinonsulta po ang mga LGUs. Hindi po siguro nakonsulta ang buong League of Governors kasi hindi naman po i-implement sa lahat ng probinsya ang alert level system. Pero iyong mga lugar, iyong mga expanded pilot areas nakonsulta po sila dahil ang mga lokal na mga pamahalaan naman po ang magpapatupad nitong alert level system.
So pagdating po doon sa apela ng League of Governors, well, unang-una po, wala pa pong tinatalakay na apela kasi nga po ‘yung mga areas na ipatutupad ang alert level system, lahat po ‘yang mga lokal na pamahalaan diyan ay nakonsulta.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya: DOJ found that despite the findings of excessive force in drug war killings, many of the policemen were cleared of administrative liability. What does the Palace make of this finding and does it see a systematic problem?
SEC. ROQUE: Well, iyan naman po ang obligasyon ng estado – imbestigahan ang mga kaso na nagkaroon ng paglabag sa karapatang mabuhay. At itong findings ng DOJ po na binabaligtad ang earlier finding ng Internal Affairs ng PNP ay patunay po na tayo po ay ginagampan ang ating obligasyon na protektahan ang karapatan na mabuhay dahil tayo po’y nag-iimbestiga, maglilitis at nagpaparusa po ng mga pumapatay.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito po ‘yung third question niya: How does it respond to observations of rights advocates that the findings show the administration has been soft of law enforcers whom the President has vowed to protect. Given the DOJ findings, will Malacañang call for a review of more drug war cases?
SEC. ROQUE: On the contrary po ‘no, iyong desisyon ng DOJ proves na we are not soft kasi nga po kakasuhan [garbled] po iyan. Ang ibig sabihin noong sinabi ni Secretary Guevarra na ni-refer nila for NBI for case-building. Siyempre po kung kakasuhan, dapat matibay ang ebidensiya. So hindi na po siguro kinakailangan magkaroon pa ng bagong demand na mag-examine dahil patuloy po ang gagawin ng DOJ – rerepasuhin po natin at iisa-isahin itong mga kasong ito.
USEC. IGNACIO: Opo. From Maricel Halili ng TV-5: During the Senate hearing, isa daw po sa strategies na nakikita ng DOH para ma-meet ang one million vaccination a day ay lagyan ng quota ang kada probinsya ng mga babakunahan. Is this something that you have already discussed with the IATF at kailan ito planong ipatupad?
SEC. ROQUE: Hindi na po kinakailangan i-discuss iyan ng IATF dahil ito naman po ay implementation lamang ng vaccination program, tanging NTF lang po ang nagdidesisyon pagdating dito.
USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez ng ABS-CBN: The Private Hospitals Association of the Philippines expressed concern about the number of nurses and other medical workers resigning to work abroad which could lead to a shortage in hospital manpower in the next few months. What does the Palace plan to do about this?
SEC. ROQUE: Hindi naman po nagbabago ang ating polisiya, mayroon po tayong cap – ang cap po ay pinataas lang from 5,000 to 6,500. At naniniwala naman po tayo na mayroon tayong sapat na graduate at mga board passers para palitan po ‘yung mga puwesto ng mga nurses na mag-a-abroad. So, mayroon po tayong existing cap – 6,500.
USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang naging batayan sa expansion kung hindi pa nakakatiyak ang IATF sa resulta ng alert level system sa Metro Manila?
SEC. ROQUE: Well, ito po’y kabahagi pa rin ng pilot ‘no at hindi naman po siguro ie-expand ang pilot kung ‘di talaga bumaba ang mga kaso ng COVID at hindi bumaba iyong hospital utilization rate.
So bagama’t wala pa pong konklusyon na talagang siguradong epektibo na itong alert level system, iyong mga paunang datos po ay nagpapakita na mukhang gumagana po itong alert level system dahilan para i-expand natin iyong pilot at malaman natin with conclusiveness kung talagang mas epektibo nga itong alert level system and granular lockdowns.
USEC. IGNACIO: From Mela Lesmoras ng PTV: Sa isang pahayag nagbahagi ng pagkabahala ang International Monetary Fund sa low vaccination rate sa Pilipinas na may epekto anila sa ekonomiya. Ano po ang masasabi ninyo rito?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po pinabibilisan natin ang ating pagbabakuna ‘no. Nasa mahigit 30% na po tayo sa buong Pilipinas at mahigit 80% na nga po tayo sa Metro Manila. So sagana na po ngayon ang ating supply at inaasahan natin na mapapabilis natin ngayon ang ating pagbabakuna; inaasahan po natin from 500,000 magiging one million ‘yan kung hindi 1.5 million daily.
USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong ni Mela: Kailan daw po ang susunod na Talk to the People ni Pangulong Duterte?
SEC. ROQUE: Wala na pong scheduled this week ‘no dahil maraming activities po ang Presidente for this week.
USEC. IGNACIO: From Michael Delizo ng ABS-CBN: Umaapela rin si Governor Dodo Mandanas na itaas sa Alert Level 3 ang Batangas sa halip na Alert Level 2. Ano po ang reaksiyon ninyo dito?
SEC. ROQUE: That will be referred to the DOH dahil tanging DOH po ang nag-i-establish kung anong alert level ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. From Joseph Morong ng GMA News for MMDA Chairman Abalos. Iyong first question niya po ay nasagot na ni Chairman Abalos, about minors na lalabas sa public. “What is your advice to parents who are trying to decide if they could bring their minor children outside?”
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ganito po iyan ‘no. Kaya may mga alert levels po tayo ay para ma-calibrate natin unti-unti, para huwag mag-spread ang virus na ito. Kaya napakahirap kung magsasabay-sabay tayo and we are always looking at the gray area ng batas, parating may gray area iyan eh. Kamukha sa malls, pupunta sa malls, well, generally bawal po iyan, except kung, let say, nandoon iyong dentista, nandoon iyong clinic hindi ba because these are essential or basic. Iyong mga ganoon. Pero ang rule of thumb is this: Isipin ninyo ang anak ninyo walang bakuna; isipin ninyo ang anak ninyo ay very vulnerable, dapat po talaga proteksiyunan natin ang bata. Napakaimportante po nito. Let’s always maintain the minimum health protocols at, of course, the mask. Thank you po.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Chair Abalos.
For Spox Roque from Joseph Morong: How about going out to public places such as parks, what is the policy of the IATF here?
SEC. ROQUE: Para sa menor de edad, bawal pa rin po ang gala ng mga kabataan except po for individual outdoor exercises.
USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti ng GMA News Online: Is our daily number of vaccine doses administered already enough to implement a policy barring businesses from hiring those who are yet to get vaccinated against COVID-19 as it is, kasi hindi naman daw po nami-meet ang target ng administering 500,000 doses on a daily basis?
SEC. ROQUE: Well, kinakailangan po siguro ng batas kung ipagbabawal iyong pagha-hire ng mga non-vaccinated individuals. Sa ngayon po, napatunayan natin na pupuwedeng gawing mabilis iyan dahil sa Metro Manila nga po, mahigit 80% na ang nabakunahan. Dati po ang naging problema lang po talaga ay supply. Ngayong napakadami na pong supply, binuhusan na po natin ang Region III at Region IV-A at iba’t ibang mga probinsiya para po mapataas na iyong overall vaccination rate ng Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. May clarification lang po si Joseph Morong for Chairman and Spox: Iyong bottom line daw po, bawal talaga ang minors sa labas?
SEC. ROQUE: Opo, kasi hindi pa sila bakunado kaya susceptible pa rin sila ‘no. So, hindi naman po binago ang rule ‘no. Kung kinakailangan, dahil ito po ay necessity, para bumili ng gamot, bumili ng pagkain, para magtrabaho ay hindi naman po sila pinagbabawalan.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Maidagdag ko lang ano, ang specific dito is Section 4, Article 1. Pagdating sa outdoor exercises, ke bakunado, ke hindi, of all ages, pupuwede po ito. Basta kami ni Spox Harry, iyong binasa ko kanina, that’s verbatim na sinasabi ng guidelines.
USEC. IGNACIO: So, Chairman, iyon daw pong pagpunta ng minor sa parke, puwede po iyon?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ito po ano, babasahin ko lang ha, verbatim: Individual outdoor exercises shall also be allowed for all ages regardless of comorbidities or vaccination status. So, regardless kung bakunado, kung hindi, of ages pupuwede po ito, pero always outdoor exercises lang ha, iyon pong sinasabi ni Spox Harry kanina, iyon po verbatim na sinasabi ng batas.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Chair Abalos.
From Kris Jose ng Remate/Remate Online. May kaugnayan po iyan, Secretary, sa paglabas ng mga bata. Grabe daw po ang mga kabataan na naglalabasan ngayon sa komunidad, nagkalat sa kalye na wala daw pong suot na facemask. Paglilinaw lang, tama ba na pinayagan na silang lumabas ng bahay at maglaro sa kalye? Kung hindi naman, may pananagutan ba ang barangay officials sa bagay na ito?
SEC. ROQUE: Siguro si MMDA Chair.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ganito po iyan ano. Kamukha ng sinasabi po namin ni Spox Harry, kung ano ang sinabi ng batas, iyon po iyon. Ngayon kung hindi exercise ito, talagang bawal po iyon. Pangalawa, walang mask, naku, lalong bawal po iyon. Talagang dapat po sitahin ito dahil ito ay para sa mga bata, para sa pamilya nila. You could just imagine ‘no, malalakas ang resistensiya ng bata but once they go home, hahawaan po nila lahat po ng pamilya nila. Remember why we are doing this, it is for the protection, para huwag kumalat at huwag mag-spread ang virus. That is the rule of thumb.
USEC. IGNACIO: For Secretary Roque from Llanesca Panti ng GMA News: DOJ Undersecretary Sugay says results of DOJ review on 300 cases of drug war killings and police operations will be released as long as the President allows it. Kailan po iuutos ang pagri-release nito?
SEC. ROQUE: Well, mayroon naman pong synopsis na inilabas ang DOJ. Ang dahilan po kaya hindi mairi-release verbatim kung ano iyang investigation report na iyan is these are now live cases subject to police investigation by the NBI and constitute exception to freedom of information, dahil live criminal investigations na po ito.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. And thank you, Chairman Abalos. Happy birthday ulit po, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Maraming, maraming salamat sa inyong mga maligayang pagbati. So, maraming salamat, Chairman Benhur Abalos. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps
Dahil ito pong araw na ito ay aking kaarawan, hayaan naman ninyong ako ay magkaroon ng birthday wish: Ang lalo pang magbukas ang ating ekonomiya, bumaba ang mga kaso ng COVID nang sa ganoon ay mas marami ang makapagbalik-buhay. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik at magandang araw po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)