PCO ASEC. DE VERA: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw, January 21.
Makakasama natin ngayon si Department of the Interior and Local Government Secretary Juanito Victor Remulla para talakayin ang isang mahalagang usapin. Good morning, Secretary Remulla.
DILG SEC. REMULLA: Magandang umaga sa inyong lahat.
Unang-una, kakatapos lang namin ng meeting ng ating Pangulo, at pinag-usapan namin ang budget ng DILG for the year 2025 as submitted to the, iyong binigay sa NEP at ang final outcome sa GAA ay maraming mga variances na nakita – variances. As submitted, tinanong ng Pangulo kung ano ang mga priority programs natin. Siyempre, number one iyong Integrated National 911 System at number two, ang enhancement ng capacities ng BFP at saka PNP.
Ngayon, pagdating sa budget ay ito iyong mga nakita namin na variances na hindi included sa programa namin. Dapat kong ipaalala sa inyo na ang budget na ito ay budget ni dating Secretary Benhur Abalos na sinubmit noong August/September. Ako po’y nag-assume noong October 8, so tapos na sa congress nang dumating ako; sa senate na lang ako nakaabot.
Number one, tinanggalan nila sa GAA ang Philippine National Police IT program, number one; enhancement of the national police clearance system – from 619 million, ginawang 232 million so binawasan nila ng 386. Okay. Enhancement of national police clearance system – sa NEP 619,500,000; sa 2025 GAA naging 232 million so minus 386. Ito iyong ginagamit sa online application ng payment for police clearance.
Number two, establishment of safe camp security system – from 472,668,000 ginawang 161 million so binawasan ng 311 million. Ang PNP drug related data integration and generation system – from 553 million, ginawa nilang 196 million, kabawasan ng 357 million. Iyon ang most glaring na nakita namin. Saan nila nilagay? Nilagay nila halos one billion sa All-Terrain Amphibious rescue vehicles for Region V, specific iyon ha to Region V at naglagay sila ng additional 500 million pesos sa intelligence fund.
So, as instructed by the President sa ating Budget Secretary ay iri-revert ang budget ng IT at tatanggalin iyong additional 500 million pesos intelligence fund na nilagay sa GAA. So, return to original budget ng 820 million yata ang nasa PNP, naging 1.3 billion – ibabalik na naman sa dati siya. Iyong savings na iyon ay ilalagay natin sa launching and bidding out process ng integrated 911 system para sa buong Pilipinas. So, from intelligence fund to 911 ang gagawin natin doon. So, it will be a fully audited system na under scrutinous bidding.
Example ng reforms na gagawin namin sa bidding procedures – dati sa BFP ay para maka-bid ka, dapat ten years kang supplier, tapos naging 15 years kang supplier, tapos naging 20 kang supplier ng BFP. Therefore, for the last 20 years, dalawa lang ang supplier ng Bureau of Fire. Ang fire trucks na binibili ng BFP dati ay nagkakahalaga ng 15 million kada isa, ngayon nagiging 8 million na lang dahil in-open up namin ang bidding. So, from two suppliers, gagawin naming ten suppliers as long as kaya nilang mag-fulfill ng supply at the best possible price, at the same specs – from 15 million, ibababa namin to 8 million dahil bubuksan na namin iyong bidding supply, iyong bidding contracts.
Pangalawa, ang 911 ay fully integrated language-sensitive sa buong Pilipinas. So, kung nasa Ilocos ka, Ilocano ang sasagot sa iyo; kung nasa Pampanga ka, Kapampangan sasagot; kung nasa… and so on and so forth. Kung sa Bicol, Oragon sasagot. So, language-specific siya, lahat ng—ang bawat fire truck ngayon ay magkakaroon na rin ng isang ambulance dahil mayroon tayong 5,000 nurses sa BFP so iyu-utilize natin iyong capacity nila by… kapag may dumadating na fire truck, may darating din na ambulance na hindi standard practice ngayon.
Furthermore, iyong 911 will have from caller, to call center, to dispatch – integrated na lahat, kasama na ang body camera at locator device ng bawat police car at body camera ng bawat pulis na responder. It will also have a hyperlinks to video so kung naka-WhatsApp video ka, pinapakita mo kung ano iyong nangyayari – may ibibigay lang na hyperlink sa iyo at on the spot may doctor na puwedeng mag-advice or pulis na puwedeng mag-advice kung anong gagawin. So, it will be the state-of-the-art system which will be according to the world standards ang gagawin natin.
So iyon, iyon ang recent namin sa inyo.
PCO ASEC. DE VERA: Thank you, Secretary. We’re now opening the floor for questions. Eden Santos, NET25.
EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, Secretary. PBBM is thinking of extending the term of General Marbil po dahil sabi malapit na rin naman ang eleksiyon. Hindi po kaya ito magdulot ng grievances sa hanay po ng pulisya?
DILG SEC. REMULLA: Hindi naman. Six months lang naman ang extension at most so I don’t see any reason. Mas nagiging importante iyon stability ng institution lalong-lalo na during elections. Kasi ngayon, tapos na ang reassignment ng mga tao eh so kung magkakaroon ng bagong PNP Chief, hindi rin siya makaka-reassign ng tao. So, might as well keep the status quo until after the BARMM elections tapos pipili na ng bago ang Pangulo.
EDEN SANTOS/NET25: Pero mayroon na pong mga naka-lineup? May listahan na po kung sino iyong—
DILG SEC. REMULLA: Oo naman, mayroon na. Mayroon na at alam ninyo rin naman kung sino iyong mga iyan, iyong mga contenders. Siyempre nasa top sila ng hierarchy so it’s the President’s prerogative to announce kung sino ang choice niya.
EDEN SANTOS/NET25: Thank you po.
PCO ASEC. DE VERA: Racquel Bayan, Radyo Pilipinas.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sir, clarification lang po, sir. Iyong 500 million from intel fund. Ibubuhos po natin lahat iyon sa 911 system ngayong 2025?
DILG SEC. REMULLA: Yes, ibubuhos natin lahat.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: And then, sir, ito pong mga binanggit ninyo kanina – iyong body camera, iyong pagpapalakas sa system – lahat po iyon matatapos natin ngayong 2025?
DILG SEC. REMULLA: For June launching natin sa greater Manila, Cebu at Mindanao so tig-iisang call center siya pero on test run, pam-beta run capacity. Pero by every month thereafter, sa bawat region ilu-launch na namin habang napi-perfect iyong system.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sir, how about, sir, iyong mula sa pagkuha noong tawag hanggang sa pag-respond ng mga responders natin, iyong timeframe po kaya, ano iyong magiging improvement noon?
DILG SEC. REMULLA: Kung makuha namin lahat ng vehicles within three minutes, lalo na sa Metro Manila makaka-respond kaagad. Ang problema lang, as per experience sa lahat ng 911 centers dito sa Pilipinas, 60% ng tawag ay prank. So, ang unang responder diyan ay magiging motorsiklo muna o barangay para tingnan kung may emergency talaga or we’ll ask them to go on video kung mayroon silang video streaming para makita talaga kung anong nangyayari.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sir, iyong 60% po, ano ang ginagawa natin kung prank calls lang iyon? Mayroon po bang mga sanctions or iniimbestigahan po ba?
DILG SEC. REMULLA: Ang problema kasi, hindi pa integrated ang national ID system sa mga telco natin. So, kaya nag-proliferate ang mga POGO dahil iyong SIM Card Registration Act na ginawa natin na hindi naging masyadong effective kasi walang National ID na attached. So, minsan ang isang tao, isandaan ang SIM card niya na nabibili. So, that has to be integrated also.
PCO ASEC. DE VERA: Alvin Baltazar, Radyo Pilipinas.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, good morning po. Sir, clarification lang doon sa tanong kanina ni Miss Eden kasi ang pagkakabanggit ninyo kanina tungkol doon sa possible extension ni General Marbil. Sabi ninyo “six months extension lang naman,” ibig bang sabihin, sir, nakapag-decide na si Pangulong Marcos?
DILG SEC. REMULLA: He hasn’t announced it but he’s indicated that he’s inclined to doing it. So, wala pang final answer. Ang birthday yata ni General Marbil is February 7, so before that he will announce kung ano ang desisyon niya.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Pero sa meeting ninyo kanina, Secretary, hindi ninyo na napag-usapan iyon?
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: He is inclined. ‘Inclined’ lang ang word na ginamit niya.
PCO ASEC. DE VERA: Darryl Esguerra, PNA.
DARYLL ESGUERRA/PNA: Good morning, Secretary. Sir, bale with the changes na in-announce ninyo kanina, bale magiging magkano iyong intel funds ng DILG and PNP for 2025 po?
DILG SEC. REMULLA: Iyong previous, 830 yata.
DARYLL ESGUERRA/PNA: Ibabalik sa 800? So, will this be enough to safeguard the country considering na kahapon mayroong prinisent [present] sa NBI na Chinese spy po?
DILG SEC. REMULLA: NBI is DOJ, so hindi siya kasama sa DILG. Pero as according to NEP na sinabmit [submit] ng department noon it was enough bigla na lang dinagdagan. And iyong dagdag diyan was not discussed during the budget deliberation, dinagdag lang nila kaya nagtataka rin kami, kaya pinatanggal na rin.
PCO ASEC. DE VERA: Chona Yu, People’s Journal.
CHONA YU/PEOPLE’S JOURNAL: Sir, during your meeting with the President na-pinpoint ninyo po ba who is responsible sa mga realignment ng budget kasi halos lahat ng mga tinanggal na budget lahat pinababalik ni Presidente. Natukoy po ba kung sino ang nakialam nang husto sa budget and what’s the reason behind it bakit ginalaw nang todo iyong budget?
DILG SEC. REMULLA: Hindi namin alam. Ang alam lang namin specific siya pumunta sa All-Terrain Amphibious vehicles for Region V – iyan ang pinaka-glaring na nangyari. Iyong 500 million additional intelligence fund, hindi namin alam. Iyon lang sinabmit [submit] na GAA sa amin eh. So, we don’t know kung sino ang naglagay.
PCO ASEC. DE VERA: Ivan Mayrina, GMA 7.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Secretary, I’m wondering how you can realign or revert the budget to the IT and tanggalin iyong 500 million. Isn’t that circumventing the GAA kasi ho pinirmahan na ng Pangulo? Batas ito eh, how exactly do you intend to do that?
DILG SEC. REMULLA: Usec., nasaan iyong language ng veto message? Okay, in Section 6 of the veto message of the President and I quote, “In the exercise of the budget execution actions vested upon the executive branch, it is understood that the increases appropriations a new budgetary items introduced by the congress in the budget shall be subject to the national government’s cash programming, observance of prudent fiscal management, applicable budgeted execution rules and procedures and approval by the President based on the programs by priorities of the government. So therefore, considering that such increases in appropriations a new budgetary item will have corresponding effects on the outputs and outcomes of the agencies concerned, the DBM shall inform the said agencies of the changes in their respective appropriations and require the submission of their revised performance targets.”
So in that language, puwede talagang i-veto ng Presidente on a line item basis.
IVAN MAYRINA/GMA 7: So, iyong 500 million po na naka-allot for intelligence fund at ililipat/iri-revert sa IT so kailangan munang hanapan iyon ng savings or can the President do that immediately?
DILG SEC. REMULLA: The DBM will be the one, sila ang magri-reprogram ng budget as according to the President’s instructions.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Thank you.
PCO ASEC. DE VERA: Do you have more questions from the MPC? Melvin, Inquirer?
MELVIN/INQUIRER: Sir, just to follow up on that, in layman’s term, paano po iyon?
DILG SEC. REMULLA: Kung makita ng Presidente na hindi kailangan, i-inform niya ang DBM, “Please, palitan ninyo, i-revert ninyo, ibalik ninyo,” puwede niyang gawin iyon.
MELVIN/INQUIRER: So, at this point mayroon na pong declared savings ang DBM?
DILG SEC. REMULLA: Not yet. After the day I think he will announce. Pinag-aaralan nila pero iyon ang suggestion namin at noong nakita niya iyon, “Bakit ganito?” Hindi ko rin maipaliwanag kasi wala naman ako doon sa GAA, hindi ako present doon. So, sabi niya, “Mali iyan, ibalik ninyo doon sa dati according to the NEP.”
PCO ASEC. DE VERA: Christian Yosores, Radyo 630.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Hi, Sec. Paulit lang po iyong na-mention ninyo kanina na may halos one billion na in-alter at inilipat sa dubious rescue vehicles sa Region V.
DILG SEC. REMULLA: Hindi naman dubious. Hindi ko sinabing dubious.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Na-misheard po siguro ako. Saan specifically, sir, sa Region V po iyon, anong office?
DILG SEC. REMULLA: Hindi nakalagay. Ang nakalagay lang BFP Region V nakalagay sa budget.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Pero under the NEP, sir, saan po dapat siya?
DILG SEC. REMULLA: Wala siya sa NEP. Wala sa NEP iyan, dinagdag lang nila specifically to Region V. One billion pesos worth, I think.
Q: [Off mic]
DILG SEC. REMULLA: Hindi ko rin alam.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Pero iyong one billion na iyon, Sec., saan na iyon ililipat po?
DILG SEC. REMULLA: Iyong one billion na iyon ilalagay sa 911 system.
Q: Off mic.
DILG SEC. REMULLA: Hindi, specific nga eh, specific nakalagay na amphibious motorized vehicles for Region V. Amphibious hindi dubious. Ikaw naman baka ako ma-quote noon, buti na lang na-clarify mo iyon. Marami na ngang galit sa akin, dadagdagan ninyo po.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Last na lang, Sec. Na-receive na po ba ng DILG iyong ni-release ng DBM na 13 billion pesos para po sa pension ng mga military and uniformed personnel for first quarter? Sabi po ng DBM – for attached agencies?
DILG SEC. REMULLA: PNP iyon, hindi sa amin.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Okay po. Thank you, sir.
PCO ASEC. DE VERA: Pia Gutierrez, ABS-CBN.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, iyong ibang mga priority programs like iyong safe cam security system, paano naman iyon?
DILG SEC. REMULLA: Iri-revert ang budget niyan, ibabalik doon sa… as intended in the NEP; iri-revert siya.
PCO ASEC. DE VERA: No other questions from MPC? Ann, Bombo Radyo.
ANALY SOBERANO/ BOMBO RADYO: Sir, sinabi ninyo kanina na nagkaroon na ng panibagong assignment. So, magkakaroon po ba ng ano—iyong reassignment ng mga PNP effective na po ba? Kailan?
DILG SEC. REMULLA: Tapos na noong January 8. January 8 was the last day ng reassignment.
ANALY SOBERANO/ BOMBO RADYO: So, ilan po iyong PNP personnel, sir, na nalipat?
DILG SEC. REMULLA: Thousands iyon; from different camps nililipat sila.
ANALY SOBERANO/ BOMBO RADYO: So, January 8, sir, na-implement iyong reshuffle? Iyon iyong mga pulis, sir, na may mga kamag-anak na tatakbo sa halalan?
DILG SEC. REMULLA: Iba doon oo, iba doon may ganiyan. Marami sa kanila ganoon. Ibang regional directors pinalitan din – I think Region III, Region VII, Region IX – parang ganoon yata iyong mga napalitan. HPG din pinalitan.
ANALY SOBERANO/ BOMBO RADYO: Thank you, sir.
PCO ASEC. DE VERA: Okay. Before we end, Secretary Remulla, would you like to give a few closing statements?
DILG SEC. REMULLA: Yes. I’d like to thank the President for his support sa budget ng DILG. Bagaman hindi naman sa akin nag-umpisa ito ay nakita niya ang rationalization na kailangan as according to the NEP at ang pagtatanggal ng mga budget na hindi kailangan sa hanay ng mga pulisya, BFP at mga ahensiya ng DILG.
PCO ASEC. DE VERA: Sir, may habol na question from Chona Yu.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Any update kay General Bantag?
DILG SEC. REMULLA: Wala pa. We know where he is but we haven’t found him yet but we will find him soon.
PCO ASEC. DE VERA: Okay. Thank you very much, Secretary Remulla. At dito na nagtatapos ang ating press briefing ngayong araw. Maraming salamat, Secretary Remulla, and Malacañang Press Corps. Magandang hapon.
###