Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. during his meeting with the Filipino Community


Event Meeting with the Filipino Community
Location The Ritz-Carlton, Washington D.C.

Maraming, maraming salamat sa ating kalihim ng Department of Foreign Affairs ang ating Secretary, Secretary Ricky Manalo. [Uy, please, umupo na po kayo.]

[Crowd: BBM! BBM! BBM!]

Dapat ako lang ‘yung nakatayo. Andito po, marami po tayong babatiin at nandito po marami po tayong kasama na sinama ko rito sa Amerika upang makipag-usap sa gobyerno ng Estados Unidos at nandito po unang-una, ang ating Speaker ng House of Representatives, Speaker Martin Romualdez. [applause]

Ang Ambassador natin mula sa Pilipinas, representative po natin dito sa US. Ang lolo namin ni Martin Romualdez, Lolo Babe Romualdez na Ambassador na ngayon. [cheers and applause]

Linoloko ko lang po siya. Pinsan ko siya hindi naman lolo. Nandito rin po. Ipapakilala ko na nga ‘yung mga Cabinet member na nandito. Nandito po, nandyan, napakilala ko na si Secretary Ricky…

Ngunit, hindi ko pa napapakilala. Alam niyo ay napakapalad kodahil dito sa mga foreign trip ko, mayroon po tayong kasama na tumutulong na napakalaki ang naitutulong dahil ito ang ating dating pangulo, Pangulong GMA nandito rin po kasama po natin. [cheers and applause]

Andito rin po ang ating Kalihim ng Department of Justice, si Secretary Boying Remulla. [applause] Andito rin po ang ating Secretary ng Trade and Industry, DTI, Secretary Fred Pascual. [Sorry, I did not say it?] Sorry kasi pagkakilala ko sa kanya, Secretary Fred.

Nandito rin po ang ating Secretary ng DENR, ng Natural Resources — andito po Secretary for Environment and Natural Resources, Secretary Toni Loyzaga. [applause] [I keep calling them by their first name.]

Andito rin po ang ating Secretary ng Department of Energy, Secretary Popo Lotilla. [applause] 

Ang tumutulong po sa atin na ayusin at pagandahin ang IT at lahat ng mga digital na sistema sa ating pamahalaan, ang Secretary ng [DICT], Secretary of Information and Communications Technology, Secretary Ivan Uy. [applause]

Ito po siguro palagay ko kilala na ninyo. Galing po pa siyang Sudan dahil inaalalayan niya ‘yung ating mga kababayan na nasama — nagitna sa giyera na nangyayari sa Sudan at siyang nagpunta roon para ilabas ang ating mga Filipino nationals, Secretary Toots Ople ng Department of Migrant Workers. [applause]

Ang namamahala ngayon ng ating Department of National Defense, ang Undersecretary si Charlie Galvez. [applause]

At siyempre hindi po natin maaaring makalimutan ang ating napaka-importante na kahuli-huliang babatiin, ang ating First Lady, First Lady Liza Araneta-Marcos. [cheers and applause]

Si… Hindi ko pinapakilala ‘yung ating NSA, ‘yung administrator ng NSA dahil secret agent natin ‘yan eh. Kaya hindi ko pinakilala pero nandiyan na siya, ito si Ed Año po. [applause]

At lahat po ng ating mga kaibigan kung saan-saan po pa kayo nanggaling at maraming maraming salamat sa inyong pagdating.

Magandang… Nahilo na ako. Hapon pa ba? Umaga pa ba? Gabi na? Mahirap — wala na pagka — mahirap itong jetlag na ito eh. Baliktad kasi ang oras doon sa Pilipinas.

Pero magandang araw po sa inyong lahat.

[Crowd: Sandro!] [President Marcos: Ano?][Crowd: Sandro!]

O sige na nga. Alam mo, narinig niyo na noong nag — nala-livestream ninyo sa mga rally namin. Hindi ba lagi kong sinasabi na ang payo sa akin ng aking magulang huwag kang aakyat ng entablado na may kasama kang mas magandang lalaki sa’yo. [laughter]

Kaya’t — kayo namimilit kayo. So, sige ipapakilala ko na nga ang aking anak na panganay. Congressman Sandro Marcos. [cheers and applause]

At sa inyong lahat, maraming, maraming salamat po sa inyong pagdating.

At alam niyo po, ang aming ginagawa, lahat ng pinupuntahan namin pagka kami’y nagba-biyahe ay nagsasabi — ginagawa namin itong ganitong klaseng programa dahil po noong kampanya wala kaming pagkakataon na makapunta sa inyo dahil lockdown pa noon eh.  May COVID pa noon so hindi makapagbiyahe.

Kaya’t sabi namin, eh ito naman ang mga tumulong sa atin kaya’t gagawa tayo noong rally para matikman naman nila kung ano ‘yung rally noong tayo’y umiikot ng Pilipinas.

Kaya’t maraming salamat nakarating kayo. Ito po ang aming… Ito nga nabaliktad eh. Nauna ‘yung eleksyon bago ‘yung rally.

Kaya’t kailangan ko idagdag, huwag niyo pong kalimutan, iboto si Marcos at saka si Duterte. [laughter]

At idadagdag ko na rin po at alam ko naman, nakita po naman natin ang mga naging boto sa nakaraang halalan ay kailangan ko — kailangan na kailangan na ako’y magpasalamat sa inyong lahat, sa inyong suporta na ibinigay sa amin, sa aming mga kandidato, sa akin at saka si Inday Sara, ‘yung aming kandidato upang maging…

Nakuha namin ang pinaka-malaking majority sa buong kasaysayan ng Pilipinas sa nakaraang halalan dahil sa tulong niyo. [cheers and applause] Dahil sa suporta ninyo, dahil sa inyong pagmamahal.

Kaya’t kami naman ay bilang — ang aming isusukli po sa inyo ay lahat ng trabaho po namin para asikasuhin ang kalagayan ng lahat ng ating mga kababayan, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.

Ilang buwan pa lamang na nakalipas mula nang ako ay pumunta sa New York para lumahok sa meeting ng United Nations. Nagkaroon din po tayo ng pagkakataon upang makasalamuha ang ating mga kababayang taga-doon.

Ngunit ang sabi ko sa aking sarili, hindi naman maaari na hindi ako bumalik para makilala at mapasalamatan ang ating mga kababayang taga-rito naman sa Washington, D.C. [applause]

Sinong Washington D.C. — sinong taga-DC? [cheers] Maryland? [cheers applause] O, marami-rami ‘yung Maryland. Virginia? [cheers] Hanggang Florida umabot tayo. Sino pa? Sino hindi ko pa na…? Sino pang hindi?

Talaga naman. Napakalayo eh. Kung saan-saan nanggaling. Maraming salamat at nakahanap kayo ng oras para tayo’y magkasama rito.

Ang sadya po naman namin ay dito para makipagkita sa mga ating kaibigan dito sa Amerika, sa ating mga kaibigan…

Galing lang po — mula… Bago rito, galing lang po ako sa White House at kausap ko po si President Biden at saka ‘yung kanyang mga Cabinet minister, kasama ko po ang ating mga miyembro ng Gabinete upang ipagtibay ang ating pagkakaibigan sa Amerika, United States at saka ng Pilipinas dahil po alam naman po ninyo… [applause]

Malaking bahagi doon sa usapan namin ay na nagpasalamat naman ako sa kanila dahil sa dami ng Pilipino na nandito sa Amerika, na nandito sa US ay lahat naman naging maganda ang buhay at hindi — tinanggap kaagad ng ating mga kaibigang tiga-US.

Kaya naman nagkaroon kayo ng magandang hanapbuhay. Nagkaroon kayo ng magandang pagkakataon para tulungan ang inyong mga pamilya, para tulungan ang inyong mga community, para tulungan ang inyong bansa sa Pilipinas.

Alam niyo po ako ay — lahat po ng mga kausap ko na mga leader, na mga prime minister, mga pangulo, lahat po sa kanila ay lagi nilang sinasabi sa akin, ay mahal na mahal nila ang Pilipino dahil sa inyong ginagawa na napakagandang trabaho, nanapakasipag ninyo, napakabait ninyo, napaka…

Ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa iba’t ibang lugar, lalong lalo na dito sa US dahil ang dami rito sa US, lalong lalo na dito sa US ay pinakita talaga ng Pilipino kung ano ang galing, kung ano ang sipag, kung ano ang pagmamahal at malasakit ng mga Pilipino na nakakaiba sa ibang mga — ‘yung mga nanggagaling sa ibang bansa.

Kaya’t ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat dahil pinaganda ninyo ang image, ang reputasyon ng Pilipinas, kayong lahat ay naging ambassador ng Pilipinas at kayong lahat ay napakaganda ang nagiging pagkakilala sa Pilipinas dahil sa inyo. [applause]

At hindi lang ‘yun, ang trabaho po ninyo ay — lalong lalo na noong kahirapan noong pandemya ay ang bumuhay talaga sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang mga OFW.

At kaya’t… Kung hindi po sa inyo ay siguro mas nahirapan po na makabangon ang Pilipinas, kaya’t ulit maraming, maraming salamat sa inyo. [applause] 

Lalong lalo na ‘yung ating mga health workers at — lahat po ng makausap ko, sinasabi nila. “Oh hello, I’m from the Philippines, I’m President Marcos from the Philippines…” After, wala pang one minute, sasabihin: “Puwede ba tayong kumuha pa ng nurse galing Pilipinas?” [cheers and applause]

Dahil sumikat masyado kayong lahat dahil ang ating mga healthcare workers, ang ating mga professionals, nakita naman nila iba ang pag-alaga sa mga pasyente, iba ang malasakit para sa kapwa, iba ang pag-alaga sa — at nagsasakripisyo kahit na — nasusubo sa alanganin dahil ‘yung COVID kung maalala ninyo hindi pa natin alam kung ano ba talaga ‘yung tama, anong dapat gawin, may mask ba, may alcohol ba, ano bang gagawin.

Pero ang ating mga healthcare workers hindi na masyado nagdalawang-isip at pumasok na kahit anong naging problema basta’t maaalagaan nila. ‘Yung iba na nga nagkasakit, ‘yung iba eh nawala pa.

Pero tuloy-tuloy pa rin. Kaya naman eh ngayon, ay lahat, sa lahat ng buong mundo ang pinaka-hinahanap ng lahat na — para sa healthcare workers, hinahanap ay Pilipino kaya’t talaga naman sikat na sikat tayo dahil sa inyo. [applause]

Napakalalim po ng kasaysayan at kontribusyon ng mga Pilipino dito sa Amerika, mula sa mga beterano ng World War II at sa mga sumusunod na nagtrabaho, hanggang ngayon nasa US Navy at iba pang serbisyo militar ng Estados Unidos.

[The oldest living World War II veteran. Yes sir!] [applause] Talaga naman, iba talaga ang Pilipino.

Kaya malakas ang loob namin kaming lahat pagka pumupunta kami sa iba’t ibang lugar. Hindi kami nag-aalangan dahil sinasabi namin kahit saan tayo pumunta, hinahangaan tayo dahil Pilipino tayo.

Hindi naman kami na personal na hinahangaan kung hindi kayo ang hinahangaan. Kaya’t ‘yung hanga na napunta sa inyo, kasama na rin kami.

Marami po sa inyo mga professional. Hindi lamang sa militar. Nagtrabaho sa Post Office, ibang mga ahensya ng gobyerno ng US, pati rin sa mga International Organization kagaya ng World Bank IMF; at ‘yun na nga mga nurse, mga doctor, medical technologists, engineer, accountant, teacher, iba pang propesyon – noon man hanggang ngayon – ay kayo po ay kilala sa inyong sipag, sa inyong tiyaga, at sa inyong galing.

Nakakataba ng puso na marinig na ang taas ng tingin ng lahat ng buong mundo sa mga Pilipino dahil sa inyong husay.

Kaya naman mayroong mga Pilipinong sumikat sa iba’t ibang larangan: sa public service, sa politika, sa negosyo, entertainment, iba pa. Pati ang Miss Universe ngayon ay taga-Texas na Pinoy-American. [cheers and applause]

Wala na, kinuha na natin lahat. Wala na. ‘Yung mga ano — mga contest, ‘yung mga America’s Got Talent, ‘yung mga ganun. Sinolo na natin lahat. Laging Pilipinong nananalo. Eh wala tayong magagawa, masyadong talented talaga ang Pinoy. [applause]

Nakita naman ninyo ‘yung kumanta para sa atin ‘di ba — nakita naman ninyo ‘yung kumanta para sa atin. Palagay ko, ‘yan. Palagay ko marami pa sa inyo puwede pang makipagsabayan doon sa kanya.

Alam niyo, ang sinasabi, alam mo ang bahay ng pinuntahan mo ang nakatira doon ay Pilipino basta’t mayroong karaoke machine. [laughter] Dahil lahat ng Pilipino may karaoke machine. Kaya naman — eh nagpapraktis tayo kaya naman tayo gumaling.

At nais ko rin bigyang pugay lahat [dahil] inangat ninyo ang bandilang Pilipinas dito sa America. Hindi lang sa inyo sumasaludo kung hindi sa inyong lahat.

Kahit na karamihan sa inyo ay naging US citizen na, alam ko naman na sa isip ninyo, sa salita ninyo, sa gawa ninyo,at sa puso ninyo, ay kayo ay talagang tunay na Pilipino. [cheers and applause]

Maraming salamat sa inyong tulong sa ating mga kababayang naapektuhan ng sari-saring kalamidad sa Pilipinas.

Dahil sa inyong mga project na tumutulong eh tuluyan kayong nagdadala ng pag-asa at kasiyahan sa ating mga maliliit na bata, sa mga maysakit at sa mga naghihirap na ating mga kababayan.

And that’s why we should always be — continue to be partners in promoting our country.

Halimbawa, mayroon tayong programa na ginagawa ngayon, “bring home a friend.” Pag umuwi kayo, magdala kayo ng isang kaibigan niyong Amerikano para makita naman nila dahil tinutulak po natin ang turismo sa Pilipinas, eh bakit naman hindi.

Dahil alam naman ninyo. Lahat naman ng mapuntahan mo sa Pilipinas ay maganda. Hindi lang maganda ang Pilipinas, kung hindi maganda ang mga Pilipino. [applause]

So encourage your children, encourage your grandchildren to visit the Philippines. Let them see for themselves what the Philippines is about, what is our culture, what is our history.

I’m sure the first and second and third generation Filipino-Americans are more than happy to learn about their proud Philippine ancestry.

Sooner or later, we will be able to welcome you back home to the Philippines, especially those who have reacquired their Filipino citizenship.

It’s my hope that some of you will come home for good and retire in a much better Philippines [applause] — a Philippines with better airports, Philippines with better roads, better airports, better internet, better governance. ‘Yun ang aking pinapangarap.  [applause]

And that’s why that is what my administration is working for.

Ang proteksyon ng ating mga OFW ay isa sa mga prayoridad ng ating administrasyon. We are strongly committed to pursue the third pillar of our foreign policy, which is assistance to Filipino nationals.

Isa po sa mga hakbang na ating ipinapatupad ang pagtaguyod ng Department of Migrant Workers o DMW, pinangungunahan nga po ng ating Kalihim, Secretary Toots Ople ng DMW.

Ang layunin po nito ay pagsamahin at palakasin lahat ng ahensya ng gobyerno na may mandatong protektahan at isulong ang karapatan at kapakanan ng ating mga kababayan, dito sa America, sa Caribbean at saan mang sulok ng daigdig.

Ito po ang ating pagbisita sa Washington, D.C. na siyang capital ng bansang Estados Unidos, para pagtibayin ang ating security, defense, economic, culture, at people-to-people ties na tinatawag.

Kayo po ay napakalaking bahagi na nagpapatibay ng pundasyon ng ating relasyon sa Amerika. Dahil po rito, makakaasa po kayo sa suporta at tulong ng gobyerno bilang pasasalamat sa inyong sakripisyo para sa pamilya ninyo at para sa ating bansa.

You are valued members now of American society. Your success here has made us very, very proud back home.

I take pride in being your elected President, but more than anything I am honored to stand among you and say, “Pilipino ako.” [cheers and applause]

Maraming, maraming salamat. Maraming, maraming salamat. Mabuhay po kayong lahat. Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! [applause]

 

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)