Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Meeting with the Filipino Community in Lao PDR


Event Meeting with the Filipino Community
Location Latsavong Wanda Vista Vientiane Hotel in Lao PDR

Maraming salamat sa ating Foreign Affairs Secretary, Secretary Ricky Manalo. [Magsi-upo po tayo.]

Alam niyo po laging ano — ako basta’t nagbi-biyahe mayroong tinatawag nasa schedule ko na ang tawag “FilCom”, Filipino Community, na makikipagkita. At pagka nakita ko ‘yun ako’y natutuwa dahil alam ko basta’t kasama ang mga Pinoy laging masaya. [cheers and applause] Ito nagsasaya na naman tayo.

Kasama po natin – dala po natin para dito sa aming conference ng ASEAN Summit ay ito po nandito po ang Speaker of the House of Representatives, Speaker Martin Romualdez; nandito po ang Secretary ng Department of Social Welfare and Development, Secretary Rex Gatchalian. Siya po pagka kayo ay nanonood ng balita galing sa Pilipinas at nagkaroon ng sakuna, nagka-bagyo, pumutok ang bulkan, nag-lindol o kung anuman ang pangyayari na nahirapan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong, siya po ang namumuno niyan. Siya ang kalihim diyan. At siya ay kung saan-saan nakakarating at ang nagbibigay ng report. Kaya’t tayo’y mapalad na mayroon tayong kalihim na ganoon kamahal ang kanyang kapwa Pilipino.

Ang ating Migrant Workers Secretary, Secretary Hans Leo Cacdac. Siya po ang kalihim ngayon ng Department of Migrant Workers. Ito pong Department of Migrant Workers ang pinakabagong departamento sa Gabinete ng Pilipinas. At ito ay itinaguyod upang tulungan lahat ng OFW na tinatawag natin. Kaya’t ngayon lang – kanina nga ay pinag-uusapan namin kung papaano namin gagawin upang maiuwi ang ating mga kababayan na nasa Lebanon, ‘yung iba nasa Israel. Nagigitna – nandoon sila sa lugar na medyo delikado kaya’t palagay – dahil talagang nagkaka-giyera na doon. At ‘yan ang mga katungkulan ng Department of Migrant Workers. Kaya’t kapag kayo po ay nangangailangan ng tulong, nandiyan po ang Department of Migrant Workers para sa inyo.

Nandito po ang ating Special Assistant to the President on Investment and Economic Affairs, Secretary Frederick Go. Siya po ang tumitingin at sinusuri at lahat po ng maaaring mga investment na dadalhin sa Pilipinas at kung papaano natin padamihin ang trabaho, paano natin pagandahin ang hanapbuhay, paano natin itaas ang lebel ng kita at ng kabuhayan ng ating mga kababayan.

Nandito rin po ang ating Trade and Industry Secretary, Secretary Cris Roque. Siya po ay – ang pamamahala ganoon din Trade and Industry at tinitingnan po niya kung papaano ang pagpaayos ng ekonomiya upang ito ay makakatulong ulit sa ating mga kababayan para naman ulit magkatrabaho. At kung ano ‘yung pangangailangan ng mga – kailangan ayusin upang – tamang-tama kasama si Secretary Go ‘yung investment na madadala sa Pilipinas ay tayo naman sa Pilipinas ay handa natin tanggapin at ika nga i-maximize ‘yung lahat ng tulong na ibinibigay sa atin ng ating mga kaibigan.

Nandito rin po ang ating Presidential Communications Secretary, Secretary Cesar Chavez. Siya po ang ating Press Officer at para ibabalita niya sa ating mga kababayan na naiwan sa Pilipinas kung ano ‘yung ating nagawa rito.

And of course, to our Philippine Ambassador to Lao PDR, Ambassador Joy Amatong. Thank you very much for the lovely words.

And of course, hindi mabubuo ang aking introduction kung hindi ko naman isama ang aking maybahay, the First Lady, First Lady Liza Araneta-Marcos. [cheers and applause]

Sa lahat ng aking mga kasamahan sa pamahalaan; mga bisita natin; ladies and gentlemen, magandang gabi po sa inyong lahat. [applause]

Susubukan kong gayahin ang ating Ambassador : Sabaidee ton leng! Tama ba ‘yun ? [cheers and applause]

Baka mga Pinoy lang ang nakaintindi, ‘yung mga tiga-rito hindi naintindihan ‘yung sinabi ko. [laughter]

Kagaya ng aking sinabi, ako’y laging natutuwa kapagka magkakaroon tayo – magkakaroon kami ng aming tinatawag na FilCom at para makumusta naman kayong lahat.

At ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat sa napakainit na pagtanggap ninyo sa akin. Ito ang aking kauna-unahang bisita sa Laos. Hindi bilang Pangulo, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapunta rito sa Vientiane. [applause and cheers]

Kaya naman masaya ako na makasama kayo.

Kaya’t itong… Ang katotohanan noong unang sinasabi, tinitingnan namin ‘yung schedule para sa pagpunta rito para sa ASEAN Summit… Lagi naman kami basta’t may biyahe, lagi namin nilalagyan ng FilCom.

Pero sabi ko, siguro sa Laos, sa Vientiane wala namang Pilipino roon. Sabi nila… Nagulat ako sinabi, “Hindi, ang dami nating mga kababayan doon at ganito ang kanilang trabaho, ganito ang kanilang mga ginagawa.”

Kaya talagang maliwanag… Once again, nakita ko ang katunayan na ‘yung Pinoy talaga kahit saan mo ilagay sisikat at sisikat. [applause and cheers]

Kaya’t hindi ko talaga — basta’t — kaya’t lagi naman at makikita ko ay makita ko’y mga Pilipino, you know you have to know and I’m sure — I know that — I hope that people tell you but that truth — we are so proud of all of you and for all the things you do,  [applause] and for all the ways that you project the Philippines.

Kagaya ni Ambassador, you are all ambassadors for… And you have been superlative ambassadors dahil talagang napakaganda ang naging reputasyon dahil sa kagandahan ng ginagawa ninyo mga OFW natin sa iba’t ibang bansa, sa buong mundo.

So, we are very grateful for that. And that is why lagi ko naman sinasabi, lalo na ngayon sa administrasyon na ito ay asahan ninyo na kapag kayo’y nangangailangan, nandiyan po kami upang tumulong.

Nais kong magpasalamat sa inyong pagsuporta rin sa ating administrasyon at ang ating mga programa. Papalapit pa lamang tayo sa halfway mark, ngunit dahil na rin sa tulong ninyo, marami na rin tayong naisakatuparan.

Patuloy naming ginagawang prayoridad ang mga OFW  upang aming maitaguyod at maprotektahan ang inyong karapatan at kapakanan.

Siyempre, isa na rito ang pagbukas at pagpapalakas sa ating DMW, o Department of Migrant Workers, na pinangungunahan ng ating Secretary.

Kaakibat din natin ang Department of Foreign Affairs sa pamumuno ni Secretary Ricky Manalo, at ang mga Philippine Embassies sa iba’t ibang bansa, katulad ng Philippine Embassy ngayon  dito sa Laos, sa Vientiane.

Silang lahat ay handang tumulong at magbigay ng serbisyo sa inyo.

I am always impressed with the profile and the caliber of our Filipino community here in Lao PDR.

  • As teachers, you’re educating the future leaders of this country.
  • As engineers, you are helping to build their economic security and help train your peers in your respective areas.
  • As hospitality providers, you are strengthening their service economy and bringing in the quality standards that we have experienced back home.
  • As executives, you make the business community here more dynamic, and thereby creating opportunities for trade and investment.
  • And as experts and as professionals, you share your knowledge and skills to benefit society and hasten their path to development.

Maraming, maraming salamat sa inyong mga sakripisyo at pagmamahal sa inyong mga pamilya at sa ating bayan.

Labis kong ikinatutuwa na malaman ang inyong mga kontribusyon dito sa Laos, at kayo mismo ang naging magandang halimbawa ng pagiging isang mabuting Pilipino.

Tunay ngang iba at nangingibabaw ang galing ng Pilipino saan man sa mundo.

Ikinatutuwa ko rin ang pagpapalakas ng people-to-people relations natin dito sa Laos.

Tunay na napakarami nating pagkakatulad sa mga Lao, gaya ng mga ating pagpapahalaga sa ating espirituwalidad; pagmamahal sa pamilya; pakikipagkapwa-tao at pagiging bahagi ng nating komunidad; pagrespeto sa ating kapaligiran; at pagiging makabayan. Kaya naman, nais kong ipagpatuloy pa ninyo ang pagiging ambassador of Filipino goodwill dito sa bansang Laos PDR.

Gaya ng sinabi ni Ambassador, damang-dama naman ang mataas na pagtingin sa inyo ng mga taga-rito.

By exercising your professions in the professional and expert way that you do, through your daily interactions with the locals, you have become valuable members of society. You make us all very, very proud.

Mga kababayan, in the next few days, I will be participating in the 44th and 45th ASEAN Summits and Related Summits, where I will be meeting with other leaders of the region and of other major international partners.

I fully intend to advance Philippine national interests, including that of maintaining peace and security in the region, and to strengthen our economy, and to ensure the well-being of each and every Filipino.

The world and our region are facing challenging times. From conflicts in Europe to the Middle East, to global existential threats such as climate change and natural and man-made disasters, to transnational crime and economic downturns – all these, in one way or another, affect the lives and livelihoods of peace-loving and hardworking people like yourselves.

So, my participation and that of the Philippines in the ASEAN meetings is precisely to find ways to cooperate with partners to better meet the challenges of today, to forge a better future for our beloved Philippines.

During this visit, I will also attend the ASEAN Business and Investment Summit. I will meet potential investors, business people, and encourage them to explore the many promising economic opportunities that we have for them in the Philippines.

Our country has become one of the most dynamic and best performing economies in Asia.

You can be assured that my administration will continue to work hard to sustain this upward trajectory.

Mga kababayan, ginagawa po namin ang lahat ng ito upang patuloy namin mabigyan ng magandang kinabukasan ang bawat Pilipino. Nang sa gayon, ay hindi na kinakailangan ng sinuman na lumisan pa sa Pilipinas at makipagsapalaran sa ibang bansa.

Gayunpaman, hinahangaan ko ang inyong tapang, tiyaga, at husay sa pagharap ng mga hamon bilang overseas Filipino.

Sa mga minamahal kong Pilipino dito sa Laos, sana ay pagpalain kayo ng Diyos. Ipagpatuloy po ninyo ang inyong mabuting gawain at sa inyong pagbigay dangal sa Pilipinas.

Sa lahat ng inyong ginagawa, maraming, maraming salamat sa inyo. [cheers and applause]

 

— END —