Maraming, maraming salamat. Maraming salamat po sa inyong lahat. Maraming salamat sa ating Kalihim ng Foreign Affairs, Secretary Ricky Manalo. [Please have a seat.]
Papakilala ko po ang iba sa mga kasamahan namin sa delegasyon na sumama sa akin dito ngayon sa Berlin.
Andito po ang iba’t ibang opisyal ng gobyerno at sila’y sinasama namin upang lahat ng mapagusapan namin sa mga meeting meeting, ‘yun ngang nabanggit ni Ambassador, na mga negosyante, mga politiko ay maipatuloy.
Simula lamang ‘yan, ‘yung pagsalita. Kaya’t nandito po ang iba’t ibang mga department secretaries, Cabinet secretaries. Bago pa ‘yung kasama ko pa ang Speaker ng House of Representatives, Speaker Martin Romualdez. [applause and cheers]
Binabago po natin ang Sistema ng ekonomiya. Binabago po natin ang sistema ng pagpatakbo ng pamahalaan. At para matupad ‘yun ay ang nangyayari ay kailangan natin mga bagong batas, kaya’t isinasama ko siya nang maunawaan niya ng mabuti kung ano ‘yung mga pangangailangan dito sa bagong ekonomiya na nagre-recover sa pandemiya. Kaya’t siya’y lagi kong kasama pagka kami’y bumabyahe.
Andito rin, kasama rin po natin ang Secretary of the Department of Agriculture. Ako po ang unang Secretary of Agriculture noong— dito po sa administrasyong ito at dahil napakahalaga, napaka importante ng food supply na sapat ang ating ipapakain sa ating mga kababayan. Kaya’t sinama ko po ang ating Secretary of Department of Agriculture, Secretary Kiko Laurel. [applause and cheers]
At ang susunod naman ay talaga namang siguradong nauunawaan ninyo kung bakit siya’y kasama. Siya ang namumuno ng Department of Trade and Industry. At lahat syempre ng mga investment na pinapasok sa atin, sa departamento niya dumadaan, nandito po Secretary Fred Pascual ng DTI. [applause]
Well, babatiin ko lang si— ang ating butihing Ambassador. Meron lang akong isang kaunting comment, eh paano tayo magse-selfie eh maramirami ito. [laughter] Mga tatlong oras siguro itong selfie. Hanap tayo ng— gagawa tayo ng paraan. [cheers] Gagawa tayo ng paraan.
Ang galing naman sa Department of Migrant Workers. Ito po ang pinakabagong departamento sa Pamahalaan ng Pilipinas at ito’y binuo lamang ngayong— binubuo pa lamang ngayon, hanggang ngayon ay kumukuha pa sila ng application ng mga— para sumama sa— para magtrabaho sa Department of Migrant Workers. Ito po, ay kagaya ng pangalan ay para sa mga ating overseas workers. At dahil napagka—kilala ito sa napakahalaga ng inyong ginagawa, napakahalaga hindi lamang para sa inyong sarili, para sa inyong pamilya, at sa inyong barangay, kung hindi malaking bagay talaga sa buong Bansa. Kaya’t pagkikilala ito ng maging maganda ang suporta ng pamahalaan sa ating mga overseas workers, sa inyong lahat. At hindi lamang sa may pangangailangan, may nagkaroon ng problema, at hindi lamang ‘yun, kung hindi patuloy ang naghahanap ng paraan para pagbutihin ang mga nandito na mas— para pagandahin pa ang inyong kalagayan at nandito po ang Undersecretary from the Department of Migrant Workers, Undersecretary Patricia Yvonne Caunan. [applause]
At as they say, I save the best for last. At ating [cheers] kayo naman eh, nagpapa-corny nga ako nito. [laughter] Binibisto niyo naman ako. [cheers] Pumupuntos na ako, nawawala ‘yung points ko dahil sa inyo. Anyway, pakilala ko po sa inyo ang ating First Lady, si First Lady Liza Araneta-Marcos. [applause and cheers]
Lahat ng ating mga kasamahan ko sa pamahalaan, my fellow workers in government; lahat ng mga distinguished guests; mayroon tayong dalawang governor dito, we have Governor Rodito Albano of Isabela; [applause] we have Governor Susan Yap of Tarlac, [applause] andito po sila para— ewan ko kung ano ‘yung dadalhin ngayon nila sa Tarlac at Isabela, pumunta sila rito para makita ano pa ‘yung mga pagkakataon na maaring dalhin sa kanilang mga probinsya.
All the distinguished guests who are here; ladies and gentlemen, Guten Abend. [applause and cheers]
[Hanggang doon lang, wala na akong… [laughter] Nakasulat kasi dito sa— sabi [laughter] pag hindi nakasulat ‘yun— tumira ako dito sa Europe ng matagal pero wala akong masyadong natutunang ano— natutunang German. ‘Yung mga ‘yan guten tag, guten abend, Ich liebe dic [cheers and laughter] I love you, Ich liebe dic] [cheers and laughter]
Magandang gabi po sa inyong lahat.
I am delighted to be here in Berlin to be with you this evening.
Maraming [salamat] sa inyong pagdalo at sa inyong pagsusuporta.
At nabalitaan ko nga noong kami ay papasok dito na may train— may rail strike. Kaya’t ‘yung iba raw sa inyo ay napakatagal ang naging byahe. Naku, maraming maraming salamat at kayo’y nagtiyaga na makasama kaming lahat. [applause]
At alam niyo po hindi lang— ay sasabihin ko sa inyo pagka kami ay bumabyahe syempre ‘yung byahe mahirap. Naje-jetlag kami, ang schedule naming medyo masikip, ang dami naming ginagawa, seryoso lahat ng pinaguusapan.
Ngunit lahat kami, tingnan mo kung— kapag kami ay nalaman namin na may tinatawag na Filipino Community, na meeting with the Filipino Community ay nakangiti na kaming lahat dahil syempre Pilipino, lagi tayong masaya.
So, laging masaya, so, maraming salamat na kayo’y nagtiyaga hindi lang para tayo’y magkasama-sama ngunit para naman ‘yung mga— syempre homesick tayo, para— tumagal din ako sa abroad kaya naiintindihan ko ‘yan at kaya naman ay nagpapasalamat ako na nagtiyaga kayo na mapunta rito, kahit na medyo mahirap ang naging byahe ninyo.
So as we gather now in this historic city, I am reminded of the remarkable strength and resilience that defines the Filipino spirit.
Thousands of miles away from your homeland, you have brought with you the warmth of our culture, the richness of our traditions, the unwavering sense of bayanihan that binds us together as a nation.
Nakakataba po ng puso na marinig ang mga kuwento ng inyong pagsusumikap at pag-unlad, tagumpay at pag-asa, dito sa Germany.
Your achievements and the recognition that you have earned from our German friends are a testament to the excellence that defines the Filipino.
Your contributions to the Philippine economy over the years will not be forgotten. Bagong bayani we call you, and rightly so.
In 2023, ang Bangko Sentral ay nakapag-report ng remittance na ipinadala ng Pinoy na galing sa abroad, ay naku naabot natin ay record–unprecedented high, napakataas po, hindi kayo— at umabot po ng 33.5 billion dollars. [applause]
Napakalaking bahagi ninyo, napakalaking bahagi na niyan doon sa ating ekonomiya.
At kaya’t kagaya ng sabi ko kanina, hindi lamang ang tulong ninyo— ang inyong ginagawa para sa inyong pamilya, para inyong for your communities, ngunit talaga naman malaki ang naitutulong tulong ninyo sa bansa.
Hindi lamang sa remittance, at marami pa kayong kontribusyon na ibinibigay.
This surge in remittances was bolstered by the strength of the Philippine Peso, which magnified the value of these financial lifelines.
This administration will make sure that those contributions are matched by reforms and programs that each and every member of your family back home will benefit from.
This year, our economy grew by 5.6%. Medyo mas maganda ang ating growth rate ng mga iba’t ibang ekonomiya sa ating mga karatig bansa.
This Cabinet, my Cabinet and I will continue to work hard to preserve and to support the growth of our economy.
It is my dream that every Filipino family will have enough food on their table.
Each Filipino child will get a good education, will have opportunities to pursue his or her dreams.
Each one of us must have a healthy and fulfilled life in communities that thrive on peace and progress. This is the Philippines that we all want to see in the future.
Under the Bagong Pilipinas agenda, we will witness a transformational period of growth, progress, and reform.
This government is committed to good governance, economic stability, inclusive development.
Ito po ay para sa inyo, isang Bagong Pilipinas na puno ng kaunlaran at pagkakataon.
Your contributions as overseas Filipinos extend far beyond remittances.
You are envoys, para kayong mga ambassador lahat ng ating kultura, you exemplify the values of family, faith, honesty, hard work, compassion, and solidarity wherever you go.
Your presence in host countries fosters–hindi lamang dito sa Germany kundi lahat ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa, at their presence in the host countries fosters goodwill and understanding. It strengthens the bonds between our two nations. It enriches the global community.
So, no better place to promote our Filipino culture than here in Germany, a melting pot of various cultures from all over the world.
Maalala natin may koneksyon ang Germany sa Pilipinas because it is fitting to remember the legacy of our national hero Dr. Jose Rizal, who spent a significant period of his life here in Germany.
Rizal’s stay in Germany not only broadened his own intellectual horizons, but also deepened his understanding of the world and its complexities.
His time in this country is a reminder of the enduring bonds between Philippines and Germany.
Like Rizal, I am told that students and scholars from the Philippines continue to come to Germany through the German Academic Exchange Program.
These people-to-people exchanges strengthen the fabric of our bilateral relations and contribute to greater understanding between the people of this country and the over 35,000 people here now living here in Germany.
This year marks the 70th anniversary of diplomatic relations between our two countries–it’s a milestone that underscores the deepening ties and mutual respect between our peoples.
But before I go on, hindi ko po maaring ipagpatuloy na idagdag ko po na mabanggit na ang inyong kontribusyon ay hindi lamang dahil sa remittance.
Alam niyo po, eh matagal na byahe— byahe po kami ng byahe at sinasabi naming sa mga ating mga kaibigan sa iba’t ibang bansa na mag-invest kayo, pumunta kayo sa Pilipinas, maglagay kayo ng negosyo roon. Kung may negosyo man kayo, palakihin pa ninyo dahil marami kaming pinaplano.
Ang laging sinasagot sa amin, walang problema ‘yan, sabi. Dahil ang pinakagusto namin na magtrabaho para sa amin ay ang mga Pilipino. Ang Pilipino ay mahusay, mas napakasipag.
Ang biro nga sa ibang lugar, ang tawag na nga sa Pilipino ay mga hari at reyna ng overtime. [laughter]
Dahil talagang kahit tapos na ‘yung trabaho sige pa rin at ginagawa, tumutulong.
Tumutulong unang-una sa kapwa Pilipino, pero kahit na sino basta’t nangangailangan ng tulong, nasa ugali talaga ng Pinoy na tumulong, na napakabait.
Sinasabi–lahat e sinasabi, “Mahal na mahal na namin ang Pilipinas.” “Mahal na mahal na namin ang Pilipinas.” dahil sa aming nakilalang Pilipino rito.
At hindi lamang mabait dahil masarap kasama dahil magagaling kumanta, may karaoke lahat sa bahay. [laughter]
At hindi lamang masarap kasama dahil talagang mahalaga bilang kaibigan. ‘Pag naka kaibigan ka ng Pilipino ay sinasabi sa akin. Basta’t nagkakaroon ng kaibigan na Pilipino, sinuswerte ka dahil hindi ka iiwanan ng Pinoy. Tutulungan ka kahit na gaanong kahirap ang gagawin. [applause]
Ginagawa ninyong madali ang trabaho namin sa pamahalaan. Nagiging madali ang trabaho namin dahil hindi na kami kailangang magpaliwanag, na magsabi dito sa Pilipinas… hindi alam na namin ‘yan. Oh ayan, mahusay ‘yan, hindi— may karanasan kami.
Kaya’t bukod sa remittance na laging nababanggit na kontribusyon ng mga Pilipino sa Pilipinas ay ang inyong pagpaganda ng reputasyon ng Pilipinas sa buong mundo.
Ang inyong pagtining ng pangalan ng Pilipinas, lalong lalo na noong pandemiya, nakita naman ng ating mga kaibigan na beyond— ang inyong ginawa ay lampas doon sa hinihiling sa inyo at nagsakripisyo lahat.
Sumikat talaga tayo ng husto dahil nakita— doon talaga lumabas ang kabaitan, ang kahusayan, at ang magandang kultura ng ating bansa.
Para doon— ako, bilang isang Pinoy na naiwan sa Pilipinas ay nagpapasalamat kami sa inyong lahat, sa inyong ginagawa para sa ating bansa. [applause]
Ngayon naman ay mayroon tayo— ay nagse-celebrate tayo, 70th year na ng diplomatic relations natin sa Germany.
We commemorate this milestone with all of you living, working, and studying here in Germany, proof of the ever-growing ties and friendship between the Philippines and Deutschland.
As we look ahead to the future, let us continue to support and uplift one another.
Let us harness the strength of our collective spirit to overcome challenges and seize opportunities for growth and for prosperity.
Sama-sama, maitataguyod natin ang Bagong Pilipinas para sa lahat ng Pilipino, saan mang panig ng mundo kayo’y naroroon.
Our government is committed to supporting our overseas Filipino workers and the broader Filipino community abroad.
We are working tirelessly to ensure that you are treated with the dignity and the respect that you deserve.
Through various programs and initiatives, we strive to protect your rights, your welfare. We strive to ensure your well-being and empowerment is assured.
Naipatupad na po natin ang “One Repatriation Command Center,” ang 24/7 hotline 1348 para sa mga nangangailangan ng rescue at repatriation, pati na rin counseling at legal assistance.
Patuloy ang ating mga programa sa pag-reintegration para sa mga OFW na bumalik sa Pilipinas, kasabay ng mga bagong programa gaya ng “Balik Bayani sa Turismo” ang DOT at DMW, migrant workers.
Para sa inyong mga pamilya, mayroon po tayong OFW Children Circle, Education and Training Program ng OWWA, it’s an Educational Assistance para sa inyong mga anak ninyo na nasa Pilipnas.
Marami po ang mga programa ang ating ipatutupad sa— na hinaharap, at patuloy po nating pagtitibayin ang ating mga serbisyo at programa para sa inyo at ang inyong mga pamilya sa Pilipinas.
Kaya’t bukod sa remittance na laging nababanggit na kontribusyon ng mga Pilipino sa Pilipinas ay ang inyong pagpaganda ng reputasyon ng Pilipinas sa buong mundo.
On our political and economic relations, Germany has also been a strong supporter of the Philippines in our quest to keep the waters in the South China Sea open, secure, and peaceful.
We both adhere to the rules-based order and seek the cooperation of all nations to abide by the principles of the UN Convention on the Law of the Sea, tinatawag na UNCLOS.
Dahil nagkakaproblema po tayo ay may ibang bansa sinasabi ‘yung ating teritoryo ay kanila pala. At ay— ngunit ay asahan ninyo ay hindi po tayo papayag dahil maliwanag na maliwanag naman na ito ay bahagi ng Pilipinas. [applause and cheers]
This— during lunch time, I had the opportunity to convey my and the Filipino people’s appreciation for Germany’s support to Chancellor Scholz in our meeting earlier today.
Humarap din po ako sa mga negosyante rito sa Germany upang hikayatin sila na pumasok sa Pilipinas at tumulong sa ating ekonomiya at magbigay ng trabaho sa ating mga kababayan.
Binago natin ang ating batas hinggil sa laki ng porsiyento ng puhunan ng mga dayuhan sa ilang industriya. Upang sila naman ay makasabi na may pagaari sila, ibig sabihin magi-invest talaga sila.
Nagbibigay po tayo ng insentibo upang magtayo sila ng kanilang mga pabrika sa Pilipinas.
Sabi ko nga, kung kulang na ang mga trabahador sa Germany, bakit hindi doon sa Pilipinas sila magtayo ng planta? Marami silang pagpipiliang magagaling, masisipag, at mapagkatiwalaang manggagawang Pilipino.
Setting up manufacturing companies in the Philippines will address the labor shortage Germany is currently facing and will provide our workers jobs which will keep them home with their families.
Business, workers, and our countries will both benefit from such an arrangement.
We continue to explore avenues for economic growth and employment opportunities both at home and abroad, and to implement programs that will create sustainable livelihood opportunities in the province, reducing the need for many Filipinos to seek employment overseas.
At the same time, we are working to strengthen partnerships with host countries to promote fair labor practices and ensure the dignified treatment of our workers.
Ang abilidad at galing ng ating mga OFW ay tunay na hindi mapapantayan, kaya naman sisiguraduhin po natin na maayos ang kanilang kalalagyan, tama ang pasahod, may oras sila sa paghinga at bakasyon, tinatrato sila ng may respeto, at binibigyan ng kaukulang benepisyo naaayon sa batas dito sa Germany, at kung saan man ang ating mga kababayan.
Sa Bagong Pilipinas, ang oportunidad ng bawat Pilipino na magkaroon ng kabuhayan ay ating palalaguin upang kayo ay hindi na kailangan lumayo pa sa inyong mga mahal sa buhay.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Sa inyong sakripisyo, sa inyong dedikasyon.
Patuloy tayong magtulungan at magmalasakit para sa isa’t isa.
Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay kayong mga OFW! Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]
Thank you. God bless us all [applause]
Maraming, maraming salamat po at magandang gabi po sa inyong lahat. [applause]
—END—