Speech

Remarks by President Ferdinand R. Marcos during his visit to evacuation center in Naga


Magandang umaga po mga kasama. Good morning po. [palakpakan]

Dumaan lang po ako para makita na ‘yung mga dala namin na tulong at kayo’y – lahat kayo na kailangan mag-evacuate dahil nakalubog pa ‘yung mga ibang bahay ninyo at na-evacuate para nilagay na ngayon dito sa City Hall. At pinuntahan ko lang para makita ko na maayos naman ang pag-alaga sa inyo.

Ngayon, ito nakapila na ‘yung mga iba para makatanggap nung cash assistance na ibinibigay ng DSWD, lalong-lalo na para doon sa mga pwede nang umuwi ay mayroon kayong gagamitin para sa mga pangangailangan ninyo.

Pero ‘yung mga uuwi, para kahit na uuwi ay ‘pag una ninyong dating sa mga bahay ninyo, tutulungan pa rin namin kayo, bibigyan pa rin namin kayo ng mga food pack dahil sa pag-uwi ninyo baka hindi pa kayo magluto, hindi pa – nawala ‘yung mga ibang gamit ninyo. So, magpapadala pa rin kami ng food pack sa inyo.

Kaya’t mabigat itong nangyari sa inyo at napakalaki ng tubig na dumaan. Ang mahirap kasi ay ‘yung baha – nanggaling kami sa Bula, hindi gumagalaw talaga ‘yung tubig eh. Oo marami — doon sa ano hindi talaga gumagalaw ang tubig kaya hahanapan natin ng paraan ‘yan.

Ngunit para sa ngayon ay asahan ninyo basta’t nandito ang pamahalaan tuloy-tuloy ang aming pagtulong sa inyo. Sabihan niyo lang. Nandito si Mayor, nandito si Secretary Rex, nandito ‘yung mga ibang Cabinet secretary para marinig mula sa inyo kung ano ‘yung mga pangangailangan ninyo.

Sige, basta’t asahan ninyo hindi kayo namin nakakalimutan at lagi namin iniisip kung papaano kayong tulungan.

Sige po, maraming salamat po. [palakpakan]

 

— END —