Photos

PBBM visits the Armed Forces of the Philippines (AFP) 9th Infantry Division
Bilang huling bahagi ng kaniyang pagbisita sa Camarines Sur, kinumusta at nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw sa pamunuan at mga miyembro ng 9th Infantry Division Camp Elias Angeles sa Barangay San Jose, Bayan ng Pili.
Hinikayat ng Pangulo ang mga miyembro ng naturang dibisyon na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa sa ngalan ng tungkulin at serbisyo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa probinsiya.
Nakinig din ang Pangulo sa mga ulat ng mga AFP commander at military officer ukol sa security updates at mga nagawa ng AFP sa Region V.

Malugod na tinanggap ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang credentials nina H.E. Alvaro Domingo Jara Bucarey - Chilean Ambassador, H.E. Ahmed Saad Nasser Abdullah Al-Hamidi - Qatarian Ambassador, H.E. Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino bin Anthony - Malaysian Ambassador, at H.E. Megawati Dato Paduka Haji Manan - Bruneian Ambassador.
Hangad ng Pangulo na patibayin ang relasyon ng Pilipinas sa pagitan ng Chile at Qatar sa disaster-response, climate change, energy security, at pagtutulungan ng pambubliko at pribadong sektor. Pinasalamatan din ni PBBM ang Malaysia at Brunei sa patuloy nitong pagtulong sa pagtaguyod ng kapayapaan sa Mindanao.

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-33 na Biennial Convention ng Federation of the Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.

Sa kanyang pagdalo sa 6th Edition of Water Philippines Conference and Exposition, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng tubig sa pang-araw-araw na buhay at ang pangangailangan ng kolektibong aksyon upang matiyak ang seguridad ng tubig sa Pilipinas.

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga natatanging kababaihan sa law enforcement at national security sa ginanap na Awarding ceremony Of the Ten Outstanding Women in Law Enforcement and National Security (OWLENS) Philippines 2023. Sa kanyang talumpati, pinarangalan niya ang mga awardee sa kanilang kahanga-hangang mga nagawa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga komunidad, lalo na sa panahon ng pandemya ng COVID-19. Tiniyak niya ang na ang administrasyon ay magpapatupad ng mga konkreto at kumprehensibong hakbang upang mapalawak ang representasyon ng kababaihan sa gobyerno.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Philippine Army nitong Miyerkules ng umaga. Sa kanyang talumpati, binanggit ng Pangulo ang pagbaba ng bilang ng Communist Terrorist Group, at sinabi na ipagpatuloy ang whole-of-nation approach para matapos ang insurgency sa bansa. Hinikayat din niya ang mga ito na maging mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at magtrabaho kasama ang mga ahensya ng pamahalaang pambansa, mga grupo ng lipunan, pribadong sektor, at mga komunidad para mapanatili ang kapayapaan.

Sa isang miting kasama sina Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Andres Centino, Department of Human Settlements and Urban Development Jose Acuzar, at Cavite Governor Jonvic Remulla, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na determinado ang pamahalaan na suportahan at bigyan ng pabahay ang ating sandatahang lakas.

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Martes, Marso 21, kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman upang pag-usapan ang pagpapatupad ng devolution na ipinagtibay ng Mandanas-Garcia ruling noong 2018.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng National Executive Committee of the National Movement of Young Legislators (NMYL) sa isang oath-taking ceremony at courtesy call ngayong araw, Marso 21.

Muling pag-aaralan ng pamahalaan ang napipintong pagpapatupad ng devolution o ang paglilipat ng mandato at programa sa lokal na pamahalaan, ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.