Photos
President Ferdinand Marcos Jr. has welcomed the decision of business process outsourcing (BPO) company Atento to set-up its first call center in the Philippines at the Iloilo Business Park in Madurriao, Iloilo.
Tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang interes ng bansa sa nuclear power bilang alternatibong pagmumulan ng enerhiya kasama ang Ultra Safe Nuclear Corporation (USNC), isang kumpanyang nangunguna sa nuclear technology.
Ngayong araw, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamunuan ng Moderna Inc. upang talakayin ang pamumuhunan nito sa bansa.Ang Moderna Inc. ay isang kilalang kumpanya sa larangan ng pharmaceutical at biotechnology na nakatuon sa mga mRNA vaccines.
Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang Meet and Greet kasama si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople at mga employer sa Estados Unidos upang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa trabaho at talakayin ang mga isyu kaugnay ng mga manggagawang Pilipino sa Amerika.
President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta-Marcos meet Vice President Kamala Harris and Second Gentleman Douglas Emhoff at the Number One Observatory Circle, U.S. Naval Observatory, Washington, D.C.
Muling nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United States-Philippines Society (USPS) matapos ang kanyang unang pakikipagtipon sa non-profit organization sa Pilipinas nitong Enero.
Personal na kinumusta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino community sa Washington, D.C. bilang bahagi ng kaniyang limang araw na opisyal na pagbisita sa Estados Unidos. Nagpasalamat ang Pangulo sa halos apat na milyong Pilipino sa Amerika dahil sa tulong na pinapadala sa kanilang mga pamilya at maging ilan sa kababayan sa bansa sa oras ng kalamidad at sakuna sa nagdaang mga taon. Kinilala rin ng Pangulo ang kanilang kontribusyon sa pagpapatibay ng pundasyon ng ugnayan ng Pilipinas at U.S. sa nagdaang pitong dekada.
Sa huling bahagi ng bilateral meeting ng Pilipinas at Estados Unidos sa Washington, D.C., mas pinalawig pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa kooperasyon sa seguridad at pagprotekta sa kalikasan, kalakalan, enerhiya, at food security. Binigyang-diin din nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at U.S. President Joe Biden ang mahahalagang hakbang laban sa karahasan sa mga komunidad, kababaihan, kabataan, at marginalized sector.
Matapos ang kaniyang pakikipagpulong kay President Joe Biden, naging produktibo rin ang bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng delegasyon ng Pilipinas sa mga pangunahing kalihim ng U.S government sa Washington, D.C. Bukod sa pagpapatibay ng alyansa, nagpahayag din ng suporta ang key cabinet members ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamumuhunan, pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, at sa iba pang economic priorities ng pamahalaan. Magpapadala rin ang U.S. government ng isang trade and investment mission sa Pilipinas.