Oct. 23, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
Sunday Gwapo, DZBB by Fernan Gulapa |
23 October 2016
|
**poor audio GULAPA: Maraming nagtatanong eh, iyong statement ng Pangulo. Ano daw ho ba talaga iyon? Talagang bibitiw na ba tayo, military o (unclear) sa US? Ano ba talaga? SEC. ANDANAR: Iyong word na “separation”, ang ibig sabihin noon ay hiwalay ‘di ba? Ang word na “severing ties” is different from the word “separation”. Ibig sabihin talaga to cut, iyon iyong severing ties. Ito ay … ang ibig sabihin nito ay separation, at matagal na naman tayong hiwalay talaga sa Amerika. So it means, based it in political law, ang ibig sabihin niyan ay ang isang bansa ay isang soberenya, therefore independent siya at hiwalay sa ibang mga external forces and it is separate. At matagal na tayong nasa isang separate state. The President was just merely stating the fact na tayo ay hiwalay in spirit and in law. Pero ang problema kasi, Fernan, in practice hindi naman tayo hiwalay. In practice, yeah. Kung ano iyong polisiya ng Amerika, alam naman natin na sumusunod lang tayo sa kanilang mga policy. At ganoon din sa ating ekonomiya, tayo ay very dependent on them. So when the President announces na hiwalay, ang ibig sabihin ho niyan ay in practice. Kasi hindi naman tayo hiwalay talaga in practice ‘di ba, Fernan? Hindi naman eh. Kung ano nga sasabihin ng Amerika, sumusunod tayo doon. Kung ano iyong kanilang economic policies, sabihin ng World Bank (unclear) sumusunod tayo doon ‘di ba? Pero ngayon, we now have an independent foreign policy, independent military policy and also an independent economic policy. Therefore, when we say independent, we are now opening our country to other nations na puwedeng mag-invest sa bansa natin. Iyon po ang ibig sabihin noon, oo. GULAPA: Eh paano iyong EDCA? SEC. ANDANAR: Iyong EDCA naman ay hindi pa napag-uusapan ng mga miyembro ng Defense Board at miyembro din ng Defense at Security Cluster ng bansa. For now, nandiyan ang EDCA. GULAPA: Iyong sa ekonomiya, ano iyan, iyong (unclear) dito sa ekonomiya, puputulin iyong ties sa Amerika? SEC. ANDANAR: Hindi rin sa—it’s separation also, being more independent now. So alam naman natin, Fernan, na matagal na ring hindi natin nakukuha o nama-maximize lahat ng puwede nating makuha sa bansang China at iba pang mga bansa. He is just stating the fact that we are changing our economic policies. We’re leaving the economics of the past and using the present economic policies of the President na, again, uulitin ko, ay binubuksan ng Presidente ang ating pintuan hindi lang sa western countries kung hindi sa buong mundo. Like China, halimbawa, ang China is the second largest economy in the world at marami silang perang nai-invest sa mga bansa. Pero for the past five, six years ay hindi natin nakuha iyong mga dapat nating makuha; hindi natin mapakinabangan ang kanilang mga investments. So ngayon na galing iyong Pangulo sa China, at as of counting kahapon, nasa mga $24 billion ang investments sa bansa natin. At sinasabi pa nga ng mga kasamahan natin sa DTI ay tataas pa iyan. Iyong 24 billion, tataas pa iyan. Hindi pa nga… wala pa nga iyong energy sector eh, may mga ganoong binabanggit. So, binubuksan natin ang ating bansa para sa mga oportunidad na galing naman sa ibang bansang maunlad din (unclear). GULAPA: Kasi ang dating, iyong mga business ng mga taga-Amerika na nandito tulad ng BPO ay paaalisin natin tapos iyong sa China, papupuntahin dito. Hindi ganoon? SEC. ANDANAR: Hindi ganoon. Kasi alam mo, Fernan, naaalala mo iyong 2000 election sa America? Tapos si Obama mismo nagsabi, ‘Eh pasensiya na,’ sabi, ‘na pababalikin ko iyong mga trabaho, iyong mga call centers doon sa America.’ Iyong mga American call centers na nasa ibang bansa ay hihikayatin niyang bumalik sa America dahil parang ibigay iyong trabaho sa mga Amerikano. Kung maalalala mo, iyon iyong mga panahon na— GULAPA: Bagsak ang ekonomiya. SEC. ANDANAR: Bagsak, oo. Iyon ang plataporma ni Obama noon. Ang tanong ko, sumunod ba iyong mga businessmen? GULAPA: Hindi pa rin, nandito eh. SEC. ANDANAR: Oo, dahil alam naman natin na mas mura ang suweldo sa bansa natin. Ang suweldo sa bansa natin ay per day; ang suweldo doon sa kanila ay per hour. So, siguro tignan na lang natin kung ano iyong ginawa ng mga negosyante. Kaya there’s no (unclear), the economic relationship will remain just the same. Nasa mga negosyante naman iyan kung sila’y magpu-pullout o hindi, pero nakita naman natin na for the past years na mayroong mga panukala na bumalik doon sa America. Iyong mga nandito sa Pilipinas, hindi naman bumalik. Kasi nga, they know the fact that, number one, reliable iyong ating mga trabahador; number two, eh mas mura talaga sa Pilipinas kumpara sa kanila ‘di hamak. GULAPA: Oo. Eh iyong US citizen na mga Pilipino (unclear) at iyong mga kamag-anak nila, (unclear) iyong statement ni Pangulong Duterte na nagbibiro. Paano ba iyon? Iyong pangamba nila, Secretary Andanar. SEC. ANDANAR: Oo, natural lang naman iyon. Mangangamba talaga ang mga kababayan natin doon sa America dahil nandoon sila sa America. At kumbaga, first time in history na mayroon po tayong Pangulo sa bansa natin na— GULAPA: (OVERLAPPING VOICES) SEC. ANDANAR: Tumindig at ipinaglaban ang ating mga karapatan bilang Pilipino. Alam naman din natin, Fernan, na (unclear) and you always get the softer side of the (unclear). Every time na mayroong aid, hindi naman tayo nakakakuha nang malaki. ‘Pag may giyera ang America, sumasama tayo sa giyera nila kahit hindi natin giyera. Giyera sa Vietnam, ang Japanese, giyera dito, hindi naman natin giyera iyon. Alam naman natin na we fought side by side with the Americans pero hindi natin giyera iyong giyera nila. (unclear) Tapos (unclear) ang tampo ng ating Pangulo, pakinggan din kasi tinitignan iyong history eh. Nandiyan din iyong—ikaw, Fernan, tayong dalawa ‘pag gusto nating pumunta ng America, kailangan natin ng visa. GULAPA: Ang hirap kumuha ng visa ha. SEC. ANDANAR: Oo, ang hirap kumuha ng visa. Tapos ang dami-daming Pilipinong pumipila para kumuha ng visa. Tapos minsan, bumabagyo na sa labas, basang-basa na doon sa labas, nakapila para kumuha ng visa. Pero iyon iyong patakaran nila. GULAPA: Magkano ba iyong bayad pagkuha ng visa? SEC. ANDANAR: Mga $200 yata, (unclear) dollars. GULAPA: Tapos eh hindi ka naman siguradong makakakuha ng visa. SEC. ANDANAR: Oo. Tapos sila, ‘pag sila pupunta dito, hindi kailangan ng visa. Iyon ang tampo ng Pangulo. GULAPA: Biro lang ba iyon o tunay na … dapat kumuha ng visa rin iyong mga Amerikano. SEC. ANDANAR: … iyong polisiya. Iyan ay pag-uusapan namin at itatanong ko rin sa Department of Foreign Affairs. Sila naman ang tamang ahensiya na kausapin. Pero I’m just laying the fact. GULAPA: Secretary Martin, may binabanggit iyong dating Secretary ng DOT. Kabobohan daw iyong (unclear) ng Pangulo. Bago mo sagutin, puwede ba sandali lang. Bago mo sagutin, sandali lang ha. (COMMERCIAL BREAK) Secretary Andanar, ito iyong banat ni dating Secretary Del Rosario na ayon sa kaniya, national tragedy ang pagpapalit daw po ng foreign policy ng Pangulong Duterte at kabobohan daw at hindi niya maintindihan iyong pagsasantabi ng Pangulo sa matagal na nating kaalyado at ora-orada daw pagyakap natin sa isang agresibong bansa na hindi rumerespeto sa international law, ibig sabihin iyong China. Ano bang reaksiyon ninyo doon? SEC. ANDANAR: Ang reaksiyon ko lamang doon Fernan, is that the former Foreign Affairs Secretary is entitled to his own opinion. Lahat naman tayo sa bansang ito [ay] mayroon tayong opinyon, kaya nga tayo demokrasya ‘di ba? It’s a democracy of difference ideas, at wala namang batas na ipinagbabawal iyan. And it only makes na (unclear) mayroong mga opinyon na galing din sa iba pang mga eksperto, but ang katotohanan po diyan ay talagang tayo po ay isang independent nation occupying a definite proportion or portion of territory, having a government of its own and free from external control. Freedom from external control means, external sovereignty or independence. Ibig sabihin po niyan, bilang isang independent state, independent tayo or separate from all other states like the United States as our country (unclear) of … or a colony of the United States. Therefore, tayo po ay separate. Our President is correct when he stated that we are separating from the USA, kasi nga ito iyong katotohanan, ito ay factual at ito ay nasa batas. Tayo ay hiwalay at tayo po’y kakaiba mula sa Estados Unidos. GULAPA: Oo. Iyong mga—kinakabahan iyong iba, “Naku, iyong paghiwalay natin sa America, baka lalong lumubog iyong ating ekonomiya.” SEC. ANDANAR: Hindi naman kasi … hindi naman … we are not abrogating a … ibig sabihin, wala ho tayong batas na isinasantabi, mga kasunduan na isinasantabi. Lahat ng kasunduan natin ay nandiyan pa rin. Ang sinasabi lang po Pangulo natin ay mula ngayon, we will practice our … being a sovereignty by practicing independent foreign policy, independent economic policy, independent military policy na hindi ho tayo iyong dependent sa ating former colonial master. Sabi ko nga sa paliwanag ko, parang mag-ama lang iyan. Iyong anak, mag-aasawa na; hihiwalay sa ama at maghahanap ng bagong bahay kung saan siya titira. Matagal na nating ama ang Amerika, oh matagal na nating ama at matagal na rin tayong dapat hiwalay. Eh kaso, in practice ay hindi tayo humihiwalay hindi tayo bumubukod, hindi tayo naghahanap ng sariling bahay natin. So ngayon, ay naghahanap tayo ng sariling bahay natin para matuto naman tayo’t tayo’y umasenso naman sa ating sariling bansa para sa ating kapakanan. Eh tignan ninyo naman iyong mga bansang dati ay nauna tayo, sila na nangunguna ngayon. At may mga bansang—iyong China ‘di ba? Iyong China lamang, nasaan ba sila noon? Iyong bansang Singapore, Malaysia, Thailand, nasaan na sila ngayon? Naunahan na tayo, eh kasi nga wala tayong sariling mga paa, hindi natin ginagamit ang ating sariling mga paa para tumayo at para ipaglaban ang sarili nating karapatan at kung ano talaga ang gusto ng Pilipino. GULAPA: So iyong binabanggit mo, Sec., iyong mag-aasawa na – nangyayari pa rin dito sa Pilipinas eh – na kailangang humiwalay na, nandiyan pa rin doon sa kaniyang tatay at namumuhay siya doon sa bahay pa rin. Eh kailangan— SEC. ANDANAR: Oo, sa bahay pa rin. Eh ‘di ba, kadalasan iyong mga kilala natin na hindi humihiwalay sa magulang, siyempre nai-spoil ng magulang eh. ‘Pag nai-spoil ng magulang, hindi masyadong nagtatrabaho. Kapag hindi nagtatrabaho, hindi masyadong umaasenso. Pero ‘pag pinaghiwalay mo iyong anak mo, may sarili siyang ano ngayon, diskarte. So kung may sarili siyang diskarte, hindi siya dependent sa kaniyang ama o sa kaniyang ina. So ibig sabihin ngayon, talagang kakayod siya nang kakayod para siya’y umasenso. GULAPA: Yun. SEC. ANDANAR: Oo, iyon lang iyon. Ganoon lang iyon. ‘Di ba napakasimple? GULAPA: Magandang example iyon ha. SEC. ANDANAR: Oh ‘di ba? (Laughs) Parang ikaw, Fernan, hindi ka naman aasenso kung hindi ka humiwalay sa magulang mo. GULAPA: Sinabi mo pa. Dahil dati, iyong aking (unclear) eh gustong laging binibigyan ako ng baon eh kahit na may asawa na ako eh. (Laughs) SEC. ANDANAR: Oh ‘di ba? Hindi, ako ganoon din ako noon eh. Hindi kami humihiwalay doon sa biyenan ko eh. So libre kuryente, libre tubig – hindi kami kumakayod nang husto dahil alam mo libre eh. So hindi kami nag-iipon, akala mo libre, akala mo forever na ito. Eh imbes na mag-ipon ka, panay ang bili mo ng kung anu-ano. Pero ‘pag ika’y bumukod na, sisingilin ako, “Saan ako kukuha pambayad ng kuryente. Naku, saan ako kukuha pambayad ng tubig. Naku, iyong tuition ng mga bata. Naku iyong aming pampalengke.” Isipin mo iyan ngayon, so ang gagawin mo, kakayod ka nang husto. Magdo-double time ka, mag-o-overtime ka para mayroon kang extra. But before you know it, nakapag-ipon ka na ng limpak-limpak na salapi. Parang ikaw, Fernan, limpak-limpak na iyong salapi mo sa … (Laughs) GULAPA: Anong maganda pa na nakuha natin sa pagpunta ninyo sa China? SEC. ANDANAR: Twenty four billion dollars of investment mula sa iba’t ibang sektor. Mayroong six billion dollars na soft loan mula sa Peoples Republic of China. Mayroong three billion dollars na bank loan mula sa Bank of China, at mayroon pang 100 million o 15—iyong (unclear) 15 million dollars para sa mga drug rehabilitation. Tapos mayroon pang mga private investments. So in total, $24 billion as of yesterday. Pero tumataas pa iyan, kasi mayroon pang mga power investment, iyong mga usapan ng mga private to private (unclear) GULAPA: Ang problema, Sec., marami ng mga presidenteng ganiyan. Kapag nagpunta sa America, nagpunta sa Japan, nagpunta sa iba pang mga bansa, sinasabi, “Ito ang aming naiuwi. Naku, bilyung-bilyong dolyar, dalawampung bilyon.” Eh pagkakuwan eh, pangako lang, wala namang nangyari. Dito ba… baka pangako lang iyan? SEC. ANDANAR: Hindi, ibahin natin ang administrasyong Duterte. Ito’y magiging reyalidad itong mga nangyayaring ito. So abangan natin, kailangan nating maging positive, optimistic. At alam naman natin ang ating Pangulo ay action man talaga; hindi iyong puro kuwento lang. GULAPA: Matutupad ba talaga iyong binabanggit ni SBMA Chairman Diño na magtatayo daw ng bullet train diyan sa Clark, Subic? SEC. ANDANAR: Mayroon kaming meeting sa Martes nina DOTR Secretary Tugade, DPWH Secretary Mark Villar at iyong SBMA Chairman Martin Diño— GULAPA: Para dito? SEC. ANDANAR: Oo, mayroon kaming meeting. So, pagbalik na lang galing Japan, mayroon kaming ia-announce na malaki. GULAPA: Oh, wow. Eh bakit daw kasi hindi unahin iyong … kung talagang gagawa ng bullet train na ganiyan, eh Manila to Clark. Eh dahil gusto nating ma-decongest iyong NAIA eh. So para doon na pupunta iyong mga pasahero sa Clark International Airport, Secretary. SEC. ANDANAR: Oo, maraming magagandang panukala. Pero ‘pag nakita mo iyong magiging latag ng mga proyekto, iyong tatlong mga departamento’t ahensiya na nabanggit ko ay antayin na lang natin. Kasi mahirap nating i-preempt iyong plano ng tatlo. Basta pagbalik namin galing Japan, mayroon kaming—maglalabas kami ng isang latag na tiyak ikatutuwa ng ating mga kababayan, lalung-lalo na dito sa Metro Manila na natatrapik halos araw-araw. Siguro rin, sa mga kababayan natin sa Luzon, Visayas, Mindanao na hindi pa nakakakita ng isang modernong railway system. GULAPA: Oh, parang natutuwa ako diyan ha. Kailan ba alis ninyo sa Japan, papuntang Japan? SEC. ANDANAR: Sa Martes. Sa Martes kami aalis sa Japan. GULAPA: Sana iyong problema natin sa MRT 3 ha, ano ba… SEC. ANDANAR: Oo. (Unclear) lahat iyan, mayroong ano, mayroong— GULAPA: So may ginagawa? Oo. Kumusta raw iyong kuwan… pahabol na lang, Secretary Andanar. Totoo daw ba na ipagbabawal na iyong paninigarilyo sa buong bansa, sa mga pampublikong lugar? SEC. ANDANAR: Mayroong ginagawang executive order dito si Secretary Ubial. GULAPA: DOH, oo. SEC. ANDANAR: Oo, ito’y kaniyang panukala sa Pangulo na gawin ang executive order. So, aalamin ko kay Secretary Ubial kung kailan ito pipirmahan ng Pangulo at kung kailan na sila—kasi dadaan ito sa masusing pag-aaral eh. Dadaan ito sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legislative Affairs na si Atty. Ryan Acosta. Pag-aaralan niya ito, tapos ipapasa niya ito kay Sal Panelo. Tapos pag-aaralan nila iyan, sila ni Sal Panelo. Pagkatapos niyan ay … ‘pag na-approve na ni Executive Secretary, pipirmahan na iyan ni Presidente. Kaya hindi ho ganoon kabilis iyong proseso dahil sinisiguro iyong ligalidad ng isang executive order. GULAPA: Buti na lang ikaw, hindi ka na naninigarilyo. SEC. ANDANAR: Ay, matagal na nating iniwan iyan. Pero, again, mula po sa departamento ng PCOO ay tayo po’y natutuwa, Fernan, dahil dalawa sa mga panukala natin ay talaga namang ang bilis po ng aksiyon ng Pangulo. Number one, ‘di ba iyong executive order— GULAPA: FOI. SEC. ANDANAR: FOI, pinirmahan agad after 25 days. Number two, iyong kakapirma lang noong two weeks ago, Administrative Order No. 1 o Task Force, Presidential Task Force creating a Presidential Task Force against media killings. Akalain mo, Fernan, AO number one – hindi siya number two, hindi number three, number four. Number one, kauna-unahang AO ng kaniyang administrasyon. So, ganyan po kamahal ng ating Pangulo ang ating media men. GULAPA: Eh ilalapit nga namin, ilalapit nga namin iyong nangyari kay Olive (?) eh. Eh nagko-cover lang doon sa Antipolo eh, pinusasan ng pulis eh. SEC. ANDANAR: Sige, anuhin natin iyan, basta mayroon kaming—we have to form a body in sixty days. GULAPA: Iyon. SEC. ANDANAR: Tapos number three, Fernan, noong tayo’y pumunta sa China, ‘di ba mayroong walong MOU na officially pinirmahan doon mismo sa harapan ni President Xi Jinping at President Duterte ‘di ba? Walo iyon eh, nandoon kami, walo. Alam mo ba kung anong pampito? GULAPA: Ano iyong pampito? SEC. ANDANAR: Iyong pampito doon, iyong Memorandum of Understanding ng PCOO at Ministry of Information para doon sa educational, technological, managerial exchanges ng China at Pilipinas. Ibig sabihin noon, PTV4, Radyo ng Bayan, PNA, PIA ay puwedeng magpunta ng China ngayon, magbubuo ka ng delegasyon para pag-aralan kung papaano nila pinatakbo at ginawang magandang mga kumpaniya itong CCTV, itong China Radio, itong China Daily at Xinhua News Agency. At kung makita mo naman doon, ako nakita ko kasi eh, napakalaki ng kanilang mga … kanilang building ay napakaganda. Tapos napaka-successful ng kanilang pagpapatakbo ng kanilang state-run … state media. GULAPA: Para iyong sa kuwan, iyong BBC ganoon? SEC. ANDANAR: Oo, parang sa BBC. Pero ito, talagang ginawa nilang bilateral communications. So, ang ibig sabihin raw niyan ay nag-all out ho iyong China na … in fact, gusto ring magbigay ng mga transmitter eh. GULAPA: Ha? SEC. ANDANAR: Oo, ganoon. So, magpapadala ng tao doon— GULAPA: Pero, Sec., kailangan ba mag-aral na daw kami ng Chinese, hindi na English? SEC. ANDANAR: (Laughs) Alam mo, pero hindi birong—magandang tanong iyan ha. Kung iyong mga anak natin ay gusto natin maging competitive, paaaralin natin ng Mandarin kasi siyempre nandoon na, papunta na sa (unclear) iyong ano eh, iyong tingin ng mga negosyante eh. Number two economy in the world eh (overlapping voices) GULAPA: Kaya pala may mga ibang eskuwelahan na dito sa Metro Manila, tinuturo na iyong Mandarin. SEC. ANDANAR: Oo, kasi iyong opportunity eh. At saka sabi nga by 2020, sabi ng mga ekonomista, mga negosyante, sabi ng mga Chinese, ang kanilang estimate, ang kanilang hula ay by 2020/2021 [ay] number one na ang China sa ekonomiya ng buong mundo. Kung gusto mo ng oportunidad, pag-aralan mo iyong kanilang lengguwahe. GULAPA: Puwede daw ba turuan mo kaming mag-aral ng chopsticks Sec.? (Laughs) SEC. ANDANAR: (Laughs) GULAPA: Pagka kumakain kasi ako ng mga Chinese food eh kutsara ang ginagamit ko, hindi chopsticks eh. (Laughs) SEC. ANDANAR: Diyan tayo sa ano, diyan tayo sa Shangri-La sa Times mag-aral, sa Times Street. GULAPA: Sige, Sec—naku, may pahabol pa dito. Talaga naman. Talaga daw bang ipagbabawal na rin iyong mga paputok sa dadating na Bagong Taon? SEC. ANDANAR: Hintayin natin iyong ilalabas na executive order. Ayaw kong pangunahan ang Pangulo, at pinag-aaralan pa iyan. Pero sa Davao, alam naman natin na bawal ang paputok. Kaya halos kumpleto ang daliri ng mga Davaoeño. Dito sa atin, sa Metro Manila, marami tayong mga kababayan na hindi na puwedeng kumanta ng ‘Sampung mga Daliri’. GULAPA: Ikaw ba eh, noong bata ka pa, nagpaputok ka ba sa pagsalubong sa Bagong Taon? SEC. ANDANAR: Ah, oo naman. Siyempre dinaanan natin iyan eh. Oo, pero hindi natin ine-encourage iyan sa—ako, hindi ko ine-encourage iyong mga anak ko magpaputoki. Mahirap na. GULAPA: Oo nga pala, panghuli na lang. Iyong tungkol doon sa droga na pinapasok dito galing daw sa China eh, doon sa pagdinig sa Kamara eh. Napag-usapan ba iyon? SEC. ANDANAR: Oo, siyempre tulungan din sa paghuli. Intelligence sharing, kasama iyan sa mga napag-usapan. Kaya nandoon nga si General Lapeña eh ng PDEA dahil nga sa mga Intelligence of exchanges pagdating sa transnational crimes, lalung-lalo na iyong transshipment ng mga illegal drugs. GULAPA: Iyon. Okay sige, Sec., maraming salamat sa oras ha. Thank you po. SEC. ANDANAR: Salamat, Fernan. Mabuhay ka. ### |
SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |