Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZBB –TANONG NG BAYAN By Orly Trinidad and Manny Vargas
06 November 2016


Q: Secretary Martin, hello!

SEC. ANDANAR: Magandang hapon po. Pinapanood din natin iyong laban. Ito, mayroon kaming meeting dito sa Quezon City.

Q: Naku, baka puwedeng … mayroon na ho bang mensahe ang Malacañang dito sa latest win, ang pagkakapanalo ni Senator Manny Pacquiao, Secretary.

SEC. ANDANAR: Nais nating i-congratulate ang Pambansang Kamao, Manny Pacquiao, para sa kaniyang huling panalo, eighth world champion. So nadagdagan pa ng isa pa. At ang sabi natin ay mukhang maliwanag na posibleng makalaban ni Manny Pacquiao, magkaroon ng part 2 ang bakbakang Mayweather at Manny Pacquiao. Pero ganoon pa man, of course, we want to cherish the victory along with the Filipino people. Kami nga dito, dito kami sa may Quezon City, kasama ko sina Secretary Jun Evasco, iyong Chief natin ng NICA at iba pang mga kasamahan natin dahil mayroon tayong meeting ngayon. Pero bago ang meeting, nanood muna tayo ng boksing. Masaya po, masaya.

Q: Si General Esperon, kasama ninyo ba diyan, Secretary?

SEC. ANDANAR: Wala. Ang kasama ko ay si Ernie Abella, kasama ko iyong mga kasama natin sa Kilusang Pagbabago. Mayroon kaming meeting ngayon. Pababa na sila ngayon at didiretso na sa meeting, at tayo naman ay—ang galing, galing. Congratulations kay Manny Pacquiao.

Q: I think may special na sigurong araw ano para sa pagtungo sa Malacañang ni Senador Manny Pacquiao para ipakita, i-share din sa Pangulo itong kaniyang bagong kampyon na ‘to, Secretary, is that right?

SEC. ANDANAR: Oo. Ito kasama ko ngayon si Secretary Jun Evasco, baka gusto ninyong kausapin? Ay, pababa na. Anyway, nagulat ako kanina nandoon sa stage, nakita ko si General Bato. Akala ko si George Foreman na pinaliit. [Laughs]

Q: Iyong isa nga sinabi dito si Ken Norton daw eh. [Laughter] Anyway, Secretary, salamat po sa inyong oras. Congratulations sa sambayanang Pilipino. Hindi naman siguro kailangan pang idaan sa survey kung ang makakalaban ni Pacquiao ay si Crawford o si Mayweather ano?

SEC. ANDANAR: Oo, siguro ang gusto natin ay si Mayweather ang makalaban. Pero para mas mahaba pa ang (unclear), eh maganda rin si Crawford bago si Mayweather para mas marami pa tayong mapanood na boksing. Baka after kay Mayweather ay mag-retire na eh.

Q: Oo, pareho sila. Secretary, maraming, maraming salamat sa inyo pong ipinagkaloob at inyo pong mensahe. Thank you, sir.

SEC. ANDANAR: Salamat, Orly, Manny. Mabuhay kayong dalawa. Salamat po.

 SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)