Interview with PCO Secretary Martin Andanar
DZRH — Rapido Hataw Balita by Angelo Palmones and Henry Uri
07 November 2016
Q:  Secretary, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:  Good morning. Good morning.

ANGELO:  Sec., Maayong buntag imo, Sec. Anyway, dito sa survey na ginagawa namin. Ipauna ko lang kanya, Henry ano. Doon sa survey na itinatanong natin sa taumbayan kung naniniwala ba silang napatay sa shootout si Mayor Espinosa ng Albuera, Leyte, itene-text  nila sa pamamagitan ng 09286115555. (dialect)

SEC.   ANDANAR:  So, ang kanilang paniwala ay—

ANGELO:  Talagang ito ay nadale.

SEC. ANDANAR:  (dialect)

Q:  Pero ang pronouncement naman ng Pangulo dito, di ba.

HENRY:  Anong eksakto hong damdamin ng Pangulo sa nangyaring ito?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko pa nakakausap si Presidente mula ng nangyari ito, Henry at Angelo. Ang sa akin lamang dito ay kailangan talaga dumaan ito sa isang masusing imbestigasyon na para sa akin, sa akin lamang ito, ay malaking kawalan po ang pagkamatay ni Espinosa sa imbestigasyon ng kapulisan, sa imbestigasyon ng pamahalaan pagdating diyan sa pag-crackdown ng illegal drug trade. So kaya sayang, sayang nawala siya at itong mga umiikot na mga sinulat diumano ni Espinosa na mga sangkot sa illegal drugs. Eh kung buhay pa sana si Mayor Espinosa ay kanyang talagang masasabi ito as a witness ‘no, sa ating DOJ. Eh kaso, eh iyan wala na, patay na, so minus one witness ang para sana sa gobyerno. Pero ganunpaman ay dapat maimbestagahan ng husto para malaman din kung sino iyong mga nasa likod nito, kung ano ang dahilan. Kung talagang totoo bang rubout o totoo bang nag-engage si Espinosa and I’m sure with all of the latest at mga makabagong forensic technology, malalaman kung talagang nanlaban ito.

ANGELO: Pero hindi kaya meron talagang may gustong mag-discredit sa ginagawang kampanya ng Presidente against illegal drugs?

SEC. ANDANAR:  Well, lahat ng anggulo, Angelo, posible sa ngayon. Kanya kailangan tignan ng husto ng DILG, ng PNP at ng DOJ, NBI itong nangyari. Dahil nga this can happen again, again and again. Hindi naman ito…ang daming witness diyan eh, ang daming gustong magsalita at gusto nang magbagong-buhay. So ito ay nakakalungkot para sa atin, Henry at Angelo.

HENRY: Pero sa isang banda, meron din hong mga maaring opinyon na ano ba itong Duterte administration na ito, bakit ganito ang nangyayari, nakakulong na namamatay pa. Kala ko ba eh, ang gusto ng ating Pangulo ay malinis talaga ang bayan sa droga. Alam po ninyo, iyan iyong tipong meron pa rin hong naninisi sa administrasyon sa pagkamatay ni Mayor Espinosa. Ano ang inyong pahayag diyan?

SEC. ANDANAR:  Natural lamang iyan, Henry, na merong maninisi at ang masasabi ko lang naman ay ang gobyerno po natin ay merong 1.5 million employees, lahat ito ay  mga civil servants ho ito. Ang ating burukrasya ho ay napakalalim na, pagdating ho natin, pagdating ng ating Presidente, iyong burukrasya is already there. May mga organization… government organization nandiyan na ho. Iyong mga pulitiko nandiyan na ho lahat iyan. Iyong mga pulis nandiyan na ho silang lahat. Hindi naman lahat ng nasa gobyerno natin ay kakampi rin ng ating Pangulo. So, siyempre iba-ibang personalidad ang nasa gobyerno at hindi naman talagang hawak nating lahat at masabi natin kakampi natin lahat ng nandiyan. So, kaya’t  possible lahat ng anggulo. Kaya kailangang maimbestigahan ng husto iyong nangyari diyan sa Leyte.  Eh para kasi, meron pang isang… iyong anak ni Mayor, si Kerwin, hindi ba’t—

HENRY:  Nahuli na rin.

SEC. ANDANAR: Nahuli na rin. Eh ngayon tuloy parang kung ako ang tatanungin ninyo parang… wag muna nating iuwi dito. Kasi pag inuwi iyan dito at meron siyang mga vital information eh mamaya may mangyaring masama diyan, eh another witness downed again. So, hindi puwedeng ganyan at alam naman natin na ito nga eh, kung… base sa mga impormasyon nakuha ko ay merong mga pangalan na isinulat itong si Mayor Espinosa na sangkot na nasa gobyerno na mataas ang posisyon. Kaya siyempre this will not sit well to the government, especially the government who is investigating corruption and illegal drugs.

HENRY:  Ang naalala kong laging sinasabi ho ng Pangulo, Secretary, eh kung ikaw ay pulis at ikaw ay masasaktan o madidisgrasya ka, in line with your duty, ang Pangulo ang unang-unang kakampi sa iyo, pero kung sakaling na ikaw ay gagawa ng katarantaduhan sa iyong paninilbihan, ang Pangulo rin ang unang-una mong makakalaban.

SEC. ANDANAR:  Iyon talaga ang mangyayari. So depending on the result of the investigation kung sana pupunta ito, kung nagkaroon ba talaga ng shootout, rubout, nagkaroon ba talaga…nanlaban ba talaga itong si Espinosa at ng kasamahan niya, magkakaalaman ngayon sa imbestigasyon. Kaya importante na independent iyong investigation  at siguro hindi naman ako pulis, pero ito naman ay  common sense ‘no, siguro magpadala doon ng mga pulis o ng mga NBI galing sa DOJ na talagang walang kakilala doon sa Leyte na mga pulis din na puwedeng mag-investigate. Dapat completely independent iyong mag-investigate doon.

ANGELO:  Hindi pa ba sapat ang NBI ang siyang mag-imbestiga, Secretary?

SEC. ANDANAR: Hindi. Siyempre hindi puwede kasi… basta kailangan, hindi iyong mga kasamahan ng pulis na nag-operate doon para at least di ba walang ano—

Q:  Walang familiarity.

SEC. ANDANAR:  Oo, walang familiarity.

ANGELO:  Okay, another point, Secretary. Tuloy ba iyong pagpirma ng Presidente ngayon sa extension o expansion ng Bangsamoro Commission?

SEC. ANDANAR:  Nagkausap kami ni Secretary Jess Dureza, at binigay natin ng heads-up ang ating mga kasamahan sa media noong Sabado. We are hopeful that this will push through today at about 2 or 3 o’ clock in the afternoon.

HENRY: Doon sa bagay pong iyan, iyong ibang tumataas din ho ang kilay na bakit ini-entertain daw natin ang isang Chairman Nur Misuari sa kabila ng iba’t ibang kaso pa rin niyang kinakaharap? Ano po ang inyong reaksiyon diyan, ng Palasyo?

SEC. ANDANAR: Kasi alam naman natin ang kahalagahan ni Nur Misuari para sa … at this peaceful resolution between MILF, MNLF, at saka itong Bangsamoro Transition Committee, Bangsamoro peace agreement. Sa mga nagtataas ng kilay diyan, bigyan naman natin ng pagkakataon na maging peaceful ang Mindanao. Eh siguro malamang iyong mga nagtataas din ng kilay, siguro karamihan sa mga iyan ay hindi naman taga-Mindanao ang mga iyan so hindi rin nila alam kung ano talaga ang pakiramdama na nasa gitna ka ng giyera.

HENRY: Okay. Iyong ano ho, iyong kalagayang pangkalusugan ng Pangulo. Although, nabanggit na rin ninyo ito, pero once and for all, klaruhin nga ninyo: May problema ba ang ating Presidente sa kalusugan?

SEC. ANDANAR: Walang problema. Pagdating po sa kalusugan, as far as running the country is concerned, walang problema. Ngayon mapapanood siya sa Samar; bukas, Cebu; mapaparoon sa Davao. Eh ang Pangulo po natin ay mas malakas pa ho sa kalabaw. Ngayon, ang sinasabi lang ho ng Pangulo ay may edad na po siya at mayroon mga, siyempre, siguro may sumasakit na mga joints—

Q: Kasukasuan.

SEC. ANDANAR: Lahat naman ng mga… eh edad kwarenta pa lang nga eh lumalabas na ang sakit sa katawan.

Q: (DIALECT)

Q: Secretary, wala namang aminan. [Laughter]

SEC. ANDANAR: Ako, aminin ko mayroon akong gout. Napakasakit ‘no lalo na kapag nasobrahan ng munggo.

Q: Gamit kang magnesium, Sec., tangtang na eh. Maura akong sikreto para di ka magpiyang piyang. [Laughter]

SEC. ANDANAR: Magnesium?

Q: Oo, ibababad ninyo ho ang paa sa magnesium na may maligamgam na tubig, aba—

SEC. ANDANAR: Baka pati (unclear) matanggal na eh.

Q: Bakit mataas ba ang uric nito?

Q: Oo. Di ba, Sec. ‘no?

SEC. ANDANAR: Kasi kapag nakakain tayo ng mga lamanloob, mga ganoon.

Q: Ah, normal, normal.

Q: Iyong kumikuwestiyon di sa sinseridad ng pananalita ng Pangulo kasi madalas siyang magbiro, at minsan iyong biro niya ay nasasakyan din po nating mga nasa daigdig ng media. At may kumukuwestiyon na kung kailan ba siseryosohin at kailan ba hindi ang Pangulo. Ano po ang inyong paliwanag diyan?

SEC. ANDANAR: You know, nicely such you do not take yourself too seriously. ‘Di ba iyon ang ano natin sa media, once you take yourself too seriously, that’s the end of your career. So ang Pangulo natin ay marunong magbiro. Alam naman natin na mahirap na nga iyong buhay natin tapos puro ano pa tayo, kailangan magpatawa naman tayo kahit papaano, konti-konti. Pero alam naman natin na sa puno’t dulo nito, lahat po ng proyekto ng ating Pangulo ay para sa mamamayan at lahat ng ways ginagawa talaga ng Presidente.

Q: Hindi, at saka lahat naman tayo ay kinakausap ng Panginoon eh. Sometimes sa ating buhay … iyong iba nga eh … tayo nga araw-araw tayong nananalangin, kinakausap natin ang Panginoon. Bakit ang Panginoon walang karapatang kausapin tayo, ‘di ba? It comes in all forms, ‘di ba?

Q: Sec., kailan ka ba huling kinausap ng Panginoon?

SEC. ANDANAR: Ako? matagal-tagal na, mga apat na buwan na siguro.

Q: Pero alam ko ito nagpapaalam kay kumander. [Laughter]

SEC. ANDANAR: Alam ninyo bago ako naging Secretary ay naging ano ako, naging layman.

Q: Ah, taong simbahan ka rin pala.

SEC. ANDANAR: Oo, dito sa may Saint Jerome sa Alabang. Kaso noong naging taong gobyerno na, eh bawal na ho iyong layman para sa mga taong gobyerno para sa kanila. Nagkausap kami uli ni Archbishop Tagle, sabi niya, puwede kang mag-layman dito sa simbahan namin pwede. Eh kaso wala pa tayong oras.

Q: Akala ko pinaalalahanan ka ni Bishop, Secretary. Natatandaan mo iyong inuubos mong mompo rito?

SEC. ANDANAR: [Laughs] Pero lahat tayo ay kinakausap ng Diyos, tama si Angelo.

ANGELO: Nasa sa atin na lang kung pakikinggan natin siya. 

HENRY: Teka muna, madalang namin kayong makausap, ano ang mensahe ninyo sa bayan bago namin kayo pakawalan?

SEC. ANDANAR: Ang mensahe ko sa bayan, Henry, ay namnamin muna natin ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao, oo. Dahil paminsan-minsan nananalo, minsan, natatalo; basta mga iba’t ibang isyu. Pero when it comes to victory, we should celebrate each victory na nakuha ng ating mga kababayan para sa bansa natin. Eh paminsan-minsan lang ito, maging masaya naman tayo ngayong Lunes.

Q: Akala ko sasabihin mo, Floyd Mayweather, Jr., baka sakaling tumapang ka, re-match tayo.

SEC. ANDANAR: Maganda iyon para madagdagan ang ano, alam mo na, ang pera ng ating bayan. 

Q: Nasa Davao ang ating Pangulo ngayon, Secretary?

SEC. ANDANAR: I understand nasa—hindi ko tiyak kung nakarating na kagabi, kasi hindi pa kami nag-uusap. Kasi mayroon tayong activity, mayroon pang National Press Club. Mayroon silang activity ngayong ala-una.

Q: Anyway, ang BIR daw ba ay hindi na tatanungin si Pacman ngayon kung nag-remit siya?

SEC. ANDANAR: [Laughs] Si Pacman naman ay sumusunod naman sa Saligang Batas and he’s a Senador, at I’m sure magbabayad iyun kung anuman ang dapat bayaran.

Q: Okay, hindi na kailangan sabihan. Hindi na kailangan i-memorize iyan, bisyo na iyan.

Q: Sec., maraming salamat. Magandang umaga.

SEC. ANDANAR: Salamat, Angelo, Henry. Mabuhay kayong dalawa.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)