News Release

Pagsusuot ng damit na may political message sa araw ng SONA, ipagbabawal ng Kamara



LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Ipinagbawal ng Kamara ang pagsusuot ng damit na mayroong political message sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Batay sa Memorandum na ipinalabas ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, lahat ng dadalo sa SONA, pisikal man o sa pamamagitan ng video conference platform ay dapat magsuot ng Barong Filipino para sa lalaki at Filipiniana para sa babae o naaayong business attire.

Ngunit ang damit na isusuot ay hindi maaaaring mayroong ano mang uri ng political message.

Wearing of clothes with political messages shall not be allowed,” saad sa Memorandum.

Hindi na rin maaari magpa-litrato sa rostrum ng plenaryo kahit pa tapos na ang SONA o nag-adjourn na ang joint session.

Ipinagbabawal din ang pagdadala ng backpack, malalaking bag, inuming nakalata, o bottled water sa loob ng plenaryo. (OPS/PIA-NCR)

https://pia.gov.ph/news/2022/07/25/pagsusuot-ng-damit-na-may-political-message-sa-araw-ng-sona-ipagbabawal-ng-kamara