News Release

Mga pulis na magbabantay sa mga raliyista mamaya, nakapuwesto na sa Commonwealth Ave.

Tinatayang nasa 150 na mga pulis ang nakapwesto na sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa bahagi ng Tandang Sora sa Quezon City.

Dito hihimpil ang mga raliyista na magsasagawa ng kanilang programa kaalinsabay ng unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.

Ala-1 pa lamang ng madaling araw naka-deploy na ang mga pulis sa iba’t ibang vantage point sa may Commonwealth Avenue, mula sa Quezon City Circle, University Avenue, harapan ng Commission on Human Rights, at sa Tandang Sora.

Nakapuwesto na rin ang Command Post ng PNP sa bahagi ng St. Peter’s Church kung saan doon naman magbabantay ang ilang matataas na opisyal ng PNP.

Magugunitang pinayagan ng Quezon City LGU ang mga militante na makapagsagawa ng kanilang programa sa Commonwealth Avenue ngayong araw.

http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/mga-pulis-na-magbabantay-sa-mga-raliyista-mamaya-nakapuwesto-na-sa-commonwealth-ave
###