News Release

Limitadong access sa Batasan Pambansa, mahigpit na ipatutupad ngayong araw


Limitado lamang ang mga papayagan na makapasok sa Batasan Pambansa Compelx ngayong araw ng SONA.

Batay sa atas ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, tanging ang mga extremely essential House employees lamang na mayroong SONA 2022 ID cards ang maaaring mag-report sa trabaho ngayong araw.

Nasa apat naman na Congressional staff ang maaaring papasukin ng isang House member ngayong araw kasama na dito ang kanilang driver at security.

Ang mga empleyado na hindi papasok sa ‘bubble’ o yung main building kabilang ang north at south wing at ang plenaryo ay dadaan sa Antigen testing.

Isasagawa ito sa Ramon V. Mitra Building at Legislative Library and Archives Museum mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Hiwalay naman ang Antigen testing area ng service provider na gagawin sa North steel parking mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng umaga.

Para naman sa mga papasok ng main building, lalo na sa plenaryo ay dadaan naman sa health screening at tagging ng Presidential Security Group (PSG).

Katunayan alas-3 pa lang ng umaga ay sinimulan na ito para sa Secretariat officials, employees, Congressional staff, at services providers.

Alas-4 ng umaga naman para sa mga technical support, caterers, at media. At 7am sasailalim sa screening at tagging ang mga kongresista. Habang alas-12 ng tanghali ang mga diplomats at ibang guest pati na ang mga senador.

http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/limitadong-access-sa-batasan-pambansa-mahigpit-na-ipatutupad-ngayong-araw

By Kathleen Jean Forbes – July 25, 2022 , 7:10 am

 

###