News Release

DOF Chief: Mga plano ni PBBM sa inprastraktura kayang pondohan ng bansa



Kayang pondohan ng bansa ang mga plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa hangarin nitong ipagpatuloy ang mga proyektong pang imprastraktura ng bansa.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, posible aniya ito dahil sa pinabuting sistema ng buwis na iniwan ng administrasyong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Idinagdag pa ni Diokno na ang hakbang na rightsizing sa gobyerno ay makakabuti rin anya para sa pagtitipid na magreresulta sa mas madali at simpleng proseso.

Sinabi din nito na maaaring malampansan anya ng bansa ang napakalaking utang nito na lumubog sa panahon ng pandemya.

Magugunitang sa unang State of the Nation Address ni Marcos Junior, sinabi nito na tatapusin niya ang mga kasalukuyang proyekto sa ilalim ng Department of Transportation na naunang sinimula sa panahon ni PRRD. (IBC News)