Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

ORLY: Secretary Harry, good morning.

SEC. ROQUE: Magandang umaga Ka Orly at magandang umaga sa iyong mga taga-pakinig.

ORLY: Okay. Ano po ba ang pinag-uugatan nitong panawagan po ninyo na mag-resign na sa puwesto si Chief Justice Sereno?

SEC. ROQUE: Well, alam naman po namin nahaharap si Chief Justice sa isang impeachment proceeding ngayon sa Kamara at possible na ito ay magpatuloy hanggang Senado ‘no. Ang sa atin lang po ay ngayong nandiyan na iyang impeachment na iyan ay kinakailangang na ikonsidera ni Chief Justice iyong pagbibitiw dahil sa tingin ko po ultimately yung institusyon ng Korte Suprema ang siyang magkakaroon ng danyos kapag pinatuloy niya iyong paglaban dito sa impeachment complaint na ito.

ORLY: Kanina merong sinabi si Atty. Josa na hindi niya alam daw kung you are speaking for yourself or the President when you asked for the resignation of Chief Justice. Ano po ba ang sagot ninyo roon?

SEC. ROQUE: Nakapagtataka nga na nagdududa pa itong mga tagapagsalita ni Chief Justice Sereno ‘no. Si Presidente po ilang ulit nang sinabi na kinakailangan talagang matanggal sa puwesto itong si Chief Justice. So ngayon ang pagkakaiba lang po nito ay si Presidente naniniwala na iyon na nga pagtatanggal sa proseso ng impeachment. Pero sa akin ‘wag na pong antayin iyong impeachment, matuto na po tayo sa naging karanasan ni si Comelec Chairman Andres Bautista, na kung patungo naman sa pag-aalis sa puwesto at kung talaga namang malakas ang ebidensya para sa impeachment ay kusa nang magbitiw. Dahil ngayon po ang importante – kagaya ng sinabi ko kahapon – parang kailan lang po eh natanggal natin si Chief Justice Corona at parang iyong institusyon mismo eh mawawala pa iyong kanyang estado bilang isang co-equal branch of government kung matapos na hindi pa masyadong matagal na kakalipas ay meron na namang pangalawang Chief Justice na matatanggal dahil nga sa pamamagitan ng proseso ng impeachment.

ORLY: So from your point of view itong another round of these hearings in the Senate can… you know, can inflict, medyo makaka-apekto talaga sa Supreme Court as an institution.

SEC. ROQUE: Opo. Dahil ang Supreme Court naman po, bagama’t kinikilala natin siya na co-equal branch of government, katunayan niyan siya ang pinakamahina na parte ng gobyerno, ang kanyang kapangyarihan ay nanggagaling sa perception na siya ay tagapagtupad ng Saligang Batas. Pero malinaw na malinaw po na kung matatanggal naman ang pangalawang Chief Justice, naku parang mahihirapan na makabalik as co-equal branch of government ang ating Hudikatura.

Ang problema kasi itong impeachment naman ay talagang nakasaad sa ating Saligang Batas, hindi nating pupuwedeng alisin iyan bilang isang proseso ‘no at nandiyan din naman iyong ebidensiya na ihinain nung complainant sa impeachment laban kay Chief Justice Sereno.

ORLY: Ano ang reaksyon ninyo doon sa mga nagsasabi naman na baka naman na ‘oh, baka mamaya eh baka naman eh iringan at saka… you know ito ay dynamics lamang ng positioning,’ dahil si Chief Justice Sereno ay mauupo ng matagal as Chief Justice at maaring hindi mabigyan ng pagkakataon maging Chief Justice ang iba. Ano ang reaksyon ninyo doon?

SEC. ROQUE: Usaping institusyon na po ito. We are going beyond kung sino iyong Chief Justice ngayon, at ang aming sangguni ngayon ay para nga po sa institusyon ng hukuman.

ORLY: Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Thank you very much for answering our calls.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po.

####

Resource