Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. Following the Situation Briefing in Naga, Camarines Sur


PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: Kaka-brief lang sa akin ng mayor ng Naga and the vice governor of Albay tungkol nga sa nangyari sa kanila.

So far naman, ‘yung ating mga tulong, ‘yung mga relief goods, pati ‘yung mga medical na support, pati ‘yung mga evacuees, pati na ‘yung mga nasiraan ng bahay – mayroon talagang gibang-giba, mayroon ‘yung partially damaged lang – ay lahat ‘yan ay mayroon naman tayong sistema. Mayroon naman tayong sistema para tulungan lahat ‘yung mga naging biktima. And all of that is in place. Iyong mga food packs natin, ‘yung mga hygiene kit, na-in place lahat ‘yan. Sapat naman ‘yung ating supply so far.

Iyong problema namin dito, marami pang area na baha pa rin. Hindi pa rin mapasok, na kahit na ‘yung malalaking truck hindi pa rin kayang pasukin. It’s getting better but there really still are areas na kahit anong gawin namin hindi maipasok.

Kaya’t ‘yung dinaanan natin nakita ninyo was also ginagamitan na natin ng rubber boat. Iyon ang paghatid na lang natin ng relief goods doon sa mga isolated areas. Pero talagang ang effect kung makita mo ‘yung sa public works, ‘yung mga nasirang daan, ‘yung mga nasirang kalsada, nasirang mga tulay, makita mo talaga ang bigat ng tubig, ang laki ng tubig.

The waterfall – the rainfall that happened with this storm is almost double of Ondoy. So, ‘yung Ondoy nakaya pa. Pero ito talagang… Mayroon naman tayong maraming flood control. Mayroon tayong mga dike, mayroon tayong mga pumping station, mayroon tayong mga flood control na gates. Pero sumobra lang talaga ‘yung tubig at lahat ng flood control natin na dati naman ay nakakayanan kahit na may ulan ay iyon ang nasapawan. The water was just too much.

Beyond that, beyond the immediate rescue — mayroon pa rin tayong nire-rescue by the way. Hindi pa tayo tapos doon sa rescue. So, mayroon pang ibang lugar na nire-rescue pa rin. Pero siyempre ‘yung mga nasa evacuation center na binibigyan natin ng relief goods. Nasimulan na — nandoon sa baba — nakita natin nasimulan na ‘yung pagbigay ng cash benefits para makauwi na ‘yung mga tao. ‘Pag nakauwi na sila may hawak silang pera para sa mga pangangailangan nila. But we will continue to provide them with food packs hangga’t kaya na nilang magluto ng sarili nila.

In the long term, we are – I have asked Public Works to look into the study that we are doing together with the Korea Eximbank on the large flood control project here in the Bicol River Basin.

Mayroon ‘yan dati, mayroon Bicol River Basin Development Project noon. Nasimulan ‘yan 1973. Maganda naman, maraming natulungan. Ngunit ‘yung project na ‘yun hindi lamang flood control, marami pang iba. May farm-to-market road, mayroon pang assistance sa mga communities.

So, ngayon maganda naman naging effect kaya nagkaroon tayo ng mga flood control dito. Ngunit noong 1986, noong nagbago ang gobyerno, natigil ‘yung project na ‘yan kaya hindi natapos.

Ngayon, babalikan natin pero iba na ang ating focus. Hindi lamang ‘yung community — hindi na ‘yung community development muna. We will focus on the flood control talaga. Dahil nakita naman natin… Dahil wala na tayong…

Huwag na nating asahan na hindi na mangyari ito. Mangyayari — ganyan talaga ang climate change, severe weather. So, this is the new situation that we have to deal with. Kaya’t harapin na natin at gawan na natin ng paraan para ‘yung Bicol River Basin ay hindi na paulit-ulit na nababaha.

So, that is what we are going to be working on. And hopefully, within the next two years masimulan na itong project na ito.

All right. Okay. Maraming salamat.

—END—

Resource