Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Distribution of Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF) in Laurel, Batangas


Event Media Interview in Laurel, Batangas
Location Laurel, Batangas

Q: Sir, si former President Duterte may mga…

PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: I’m not going… I don’t want to talk about… I need to talk about what’s happened here. At nakita naman ninyo kung gaano kalaki ang naging sira sa infrastructure.

At ‘yun ang tinitingnan namin, ininspeksyon namin. Tapos ‘yung kabuhayan at… Marami talagang – ang laki ng nangya… Ang laki na talaga ng tubig.

Maraming nagsasabi, nababasa ko sa dyaryo, naririnig ko sa radyo, television: nasaan ang mga flood control? Nandyan ang mga flood control, na-overwhelm lang.

Tingnan ninyo ang statistic. Noong bagyong Ondoy, 411 something — 400 plus centimeters ang bumagsak na tubig. Dito sa Kristine, ang bumagsak na tubig is about 700 plus. Halos doble ng Ondoy.

Kaya’t ‘yung flood control ginawa natin para sa mga baha kagaya ng Ondoy. Bago ito. Kausapin niyo ‘yung mga tao. Iyong mga lugar na gumuho ang lupa, ngayon lang nangyari ‘yan, hindi pa nangyari sa buong buhay nila, sa buong kasaysayan ng mga lugar na ‘yun na gumuho ang lupa dahil napakalaki ng tubig.

Tapos ‘yung mga nabaha, ganoon din. Bumabaha siguro dati pero hindi ganito kalaki. Nagbago talaga ang panahon. Kaya ‘yung climate change na aming pinag-uusapan ay talagang naging — nakikita na natin.

Hindi na kailangan ipaliwanag dahil sorry na — unfortunately ay nararamdaman na talaga natin na sarili natin.

Hindi na natin kailangan basahin pa ‘yung mga report o study ng mga siyentipiko. Alam na natin kung gaano kabigat ang magiging epekto ng climate change.

Kaya’t hindi bale, basta tulong lang tayo nang tulong.

Q: Mr. President, balak pong imbestigahan ‘yung mga flood control projects. Bubusisiin daw sa budget ‘yung mga flood control because of what’s been happening?

PRESIDENT MARCOS: Oo, sige. Wala akong problema. But also they have to realize there are two sides to this.

Sinasabi ‘yung flood control – talagang na-overwhelm ang flood control natin. May flood control tayo hindi kaya. Hindi talaga kaya dahil sa buong kasaysayan ng Pilipinas wala pang ganito. Ngayon lang natin haharapin ito.

Kaya’t dapat maunawaan talaga ng tao hindi lamang ‘yung budget kung hindi kung ano ‘yung science – what’s the science, follow the science, see what’s happening.

Tingnan ninyo hindi lamang dito. Nakita niyo ba ‘yung nangyari sa Espanya? Nakita niyo ba ‘yung mga nangyayari sa iba’t ibang lugar? Sa States ‘yung mga nangyayari? Ganyan din. Doon din sa mga lugar na ‘yun ay ngayon lang nangyari ‘yan.

Kaya’t gagawin natin babaguhin natin ang mga design, patitibayin natin ‘yang mga infrastructure, mga flood control, ‘yung mga slope protection, pati ‘yung mga tulay, lahat ‘yan kailangan nating baguhin. Tingnan natin ng mas magandang design para…

Q: Sir, is it time na i-order ang DENR to review or mag-implement muna ng moratorium sa mga development kasi ‘yung isang reason bakit binabaha is ‘yung mga development natin?

PRESIDENT MARCOS: Well, that’s always been the problem but it’s not been as severe as it is now.

And again, it’s climate change. It’s something that never happened before and it is something that we have to deal with. There’s no other way.

It’s something that we have to deal with. We have to be smarter. We have to be more technologically aware of what is available so that we can reduce the effects.

And that is why ipinaglaban natin ‘yung Loss and Damage Board na dalhin dito sa Pilipinas dahil sana sila ay tutulong sa atin para ayusin lahat ‘yan. Okay?

Q: Mr. President, 150 dead, sir. Are you satisfied with how we responded with Typhoon Kristine?

PRESIDENT MARCOS: I’ll tell you the truth, it’s never enough. It’s never enough.

I wish we could do more. We are doing everything that we can but… You know when you lose a life, you lose a life. What can you do about that? It’s — terrible tragedy.

Q: Thank you, sir.

 

 

— END —