Q: … iyong kanina regarding po sa water district namin sa Cagayan De Oro. President, [unclear] na tutupad si Mr. Pangilinan sa usapan niyo? Puwede po paki-detalye kung ano po ‘yung napag-usapan ninyo, President?
PRESIDENT MARCOS: Iyon lamang sinabi ko, ibalik ‘yung supply dito sa CDO dahil ang laki na ng porsyento ng nawawalan ng tubig. So, nag-usap kami, nakapag-agree naman sila at usually naman sa — pag nakakausap ko si Mr. Manny Pangilinan, ay ‘pag sinabi niyang gagawin niya nagagawa naman niya talaga.
So, malakas ang loob ko na tuloy-tuloy ‘yan. But that is a short-term solution. Kaya’t sabi ko sa kanya, maghanap tayo para hindi tayo nagkikrisis-krisis. May emergency sa tubig. Gawan na natin ng paraan para pangmatagalan na hindi na natin mabalik-balikan pa itong problema.
So, I’m very confident that we will be able to solve the problem of water. Lalo na na medyo dahan-dahang umuulan-ulan na.
Q: Mr. President, may mga grupo po ngayon na nananawagan na i-abolish ang NTF-ELCAC, dahil daw sa mga alegasyon na maypang-aabuso. So, sang-ayon ho ba kayo rito na alisin ang NTF-ELCAC?
PRESIDENT MARCOS: Ito nga. Ako na magtatanong sa inyo: Bakit lagi niyong tinatanong sa akin ‘yan? Wala namang dahilan kung bakit natin tatanggalin ‘yan. Ang sinasabi, dahil mayroon daw red-tagging na ginagawa.
Hindi naman gobyerno gumagawa noon. Kung sinu-sinong iba ang gumagawa noon. Quite the opposite.
Iyong mga sinasabing — ‘yung dating lumalaban sa pamahalaan, ‘yung mga dating lumalaban sa pamahalan ay hindi nga natin — imbes na nilalabanan natin, tinutulungan na nga natin at malaki ang naging epekto dito sa pagbawas ng mga internal security threat dahil diyan sa NTF-ELCAC.
At ‘yung pinakamabilis na sagot diyan, no, hindi namin i-a-abolish ang NTF-ELCAC.
Tatapusin namin kasi mayroon pa yatang iilan na barangay na hindi pa natapos. May iilan pa na mga returnees na hindi pa nabigyan ng tulong.
Kaya nakakuha ako ng report kanina. Tatapusin namin lahat ‘yan bago natin pag-isipan na mai-ano ‘yung NTF-ELCAC, tanggalin na natin ‘yan NTF-ELCAC pagka hindi na kailangan.
Sa ngayon kailangan pa rin. Kailangan natin… Iyan ang pangako natin na pagka kayo’y bumaba at kayo ay itinigil ninyo ang paglalaban ninyo sa gobyerno, tutulungan kayo namin sa hanapbuhay ninyo. Aayusin namin ang mga barangay ninyo para maganda ang buhay ninyo.
Kaya’t yun. Kaya naman sila ay nakikita mo, ay sinasabi naminang hirap-hirap ng buhay ninyo sa bundok. Lagi kayong gutom, lagi kayong nagtatago. Dito na kayo, tutulungan pa namin kayo. That’s why it’s important and that’s why successful ‘yan.
Q: Good afternoon, Mr. President. Charm from Juander Radyo Cagayan de Oro. Mr. President, why there’s a need to enforce stricter visa rules on Chinese nationals upon entering the Philippines? What’s behind this move, Mr. President? Do you support this?
PRESIDENT MARCOS: The move to?
Q: Stricter visa rules, why there’s a need?
PRESIDENT MARCOS: Let me explain. Walang stricter rules kahit sa kanino. Pare-pareho lang ang rules sa lahat ng ating mga kaibigan na nanggagaling.
Ang problema lang dahil maliwanag na maliwanag at lumalabas ang mga report na mayroon nag-aabuso nito. Kaya babantayan namin ito.
So, what we will do is to more strictly enforce. Whereas dati hindi natin masyadong tinitingnan, nakita natin maraming nagiging problema dahil diyan nakakakuha sila ng mga peke na dokumento, kung ano-ano ginagawa, may mga illegal, mga scammer, mga may human trafficking. Maraming problemang dala.
Kaya titiyakin natin na kung mayroon talagang papasok ay huwag natin — tiyakin natin na talagang tama naman sila at saka huwagsilang [nagpapanggap] basta nakapasok na sila, [magpapanggap] sila na Pilipino sila, maligawanag na hindi.
Alam natin na hindi sila Pilipino. Unang-una, hindi marunong mag-Tagalog, hindi marunong mag-Bisaya, hindi marunong magsalita ng Pilipino.
At saka hindi — walang maipakita na mga birth certificate, ‘yung mga pinapakita ay fake.
So, titiyakin namin na hindi na matatapos ‘yun. Iyon ‘yung mga in-identify ni Cong. Ace ‘yung student visa, isa pa ‘yun abuso ‘yun.
So, titiyakin natin na hindi na mangyayari ‘yun. Walang special na rules para sa kahit na kanino.
Pantay-pantay lang lahat pero gagandahan namin ang enforcement doon sa examination doon sa mga nag-a-apply ng visa o doon sa mga nagko-convert doon sa tourist visa na student visa, at ‘yung mga bumibili ng lupa dahil [nagpapanggap] sila na Pilipino sila.
‘Yung mga ganong klaseng — ito ‘yung mga nakikita nating scammer, mga human trafficking, ‘yun ang binabantayan namin.
Kahit naman sino basta’t ginagawa nila ‘yan, huhulihin natin.
Q: off-mic]
PRESIDENT MARCOS: Hello.
Q: Sir, matunog po sa Senado ngayon ‘yung hearings, investigation as to Bamban Mayor Alice Guo. May directives po ba kayo to — sa DILG, Ombudsman, or Solicitor General to investigate or tulungan po ‘yung Senado natin with these certain mga issues na kinakaharap niya? Lalo na po ‘yung allegedna may kinalaman siya sa POGO operations at saka ‘yung citizenship niya po.
PRESIDENT MARCOS: Well, matagal na naming inimbestigahan ‘yan, kaya naman nahuli ‘yan. Dahil ni-raid natin ‘yung sa Bamban at nakita natin, ‘yan, ‘yung nakita ‘yung dokumento, na kinukwestyon ngayon natin ‘yan kung talagang totoo ‘tong mga to, at saka pano siya tumakbo ng mayor?
Dahil maraming — kilala ko lahat ng mga tiga-Tarlac na politiko, walang may kilala sa kanya. Kaya nagtataka kami kung saan nanggaling ito? Bakit ganito ito? Hindi namin malaman.
Kaya kailangan talagang imbestigahan. So, kasabay ng sa Bureau of Immigration, pati… Siguro may magkukwestyon na ng kanyang citizenship. ‘Yun lahat iimbestigahan natin ‘yun kasama ang imbestigasyon, mga hearing na ginagawa ng Senado.
Q: Sir, anong mga posibleng future plans as to para hindi na po maulit ‘yung ganito?
PRESIDENT MARCOS: As for?
Q: Future plans para hindi na po maulit ‘yung…
PRESIDENT MARCOS: Hihigpitan lang natin ‘yung enforcement, nandiyan naman ang batas. Hindi tayo nakabantay nang mabuti, ‘yun ang naging problema.
At siguro, pinababayaan din ng mga iba. Kasi maraming pera ‘yan, nagbabayad sila [unclear] nasusuhulan nila.
Kaya’t ‘yun ang babantayan natin na hindi na mangyari uli ‘yan. Mabawasan ‘yung mga incidence ng pagpasok ng kung sino man. Hindi — not necessarily isang bansa lamang ng kung sino mang foreign national at [nagpapanggap] nga na Pilipino ay talagang tingnan natin nang mabuti.
Q: Sir, nakikita niyo ba ‘yung risk?
PRESIDENT MARCOS: Ng?
Q: Na may risk sa security natin with this…?
PRESIDENT MARCOS: Palagay ko. Palagay ko. Hindi natin malaman kaya kailangan talaga nating pag-aralan nang mabuti. Pero may possibility na ganyan.
Q: Good afternoon po, President.
PRESIDENT MARCOS: Good afternoon.
Q: My question po is any time soon po ba mase-certify na po ‘yung Rice Tariffication Law?
PRESIDENT MARCOS: I’m sorry?
Q: Mase-certify na po ba ‘yung Rice Tariffication Law?
PRESIDENT MARCOS: As what? As urgent?
Q: Yes po, as urgent po.
PRESIDENT MARCOS: Oo. Actually, mase-certify talaga ‘yan ngunit mukhang mayroon ng naging magandang usapan ang House at saka ang Senado, nakahanap na kami ng solusyon para makapag-import ang gobyerno para kaya natin pababain. Pagka mataas ang presyo ng bigas, magbibitaw tayo ng bigas, magbebenta tayo nang mababa para sumunod ang merkado.
So, kahit na — baka… Well, I don’t want to preempt the bicameral committee but I think we have found the solution already. So that kahit papaano maybe the mechanism will be different from that which was proposed but in the end, ang net effect pareho pa rin, makakapg-import ang national government.
I don’t know through which agency first. They will have to decide which is best. Siyempre nakikipag-ugnayan tayo and I think we may have found the solution and makikita natin that willimmediately — we will be immediately able to bring down the price of rice.
— END —