Interview

Interview with Press Secretary Trixie Cruz-Angeles by Rod Lagusad – PTV Balita Ngayon, PTV-4


ROD LAGUSAD: Sa pagkakataong ito ay makakapanayam natin si Press Secretary, Atty. Trixie Angeles kaugnay ng pag-resign ni Undersecretary Ricardo Sebastian ng Department of Agriculture. Magandang umaga, Secretary.

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Magandang umaga po.

ROD LAGUSAD: Kahapon po ay lumabas ‘yung resignation letter ni DA Undersecretary Ricardo Sebastian. Tinanggap na po ba ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Wala pa po tayong impormasyon tungkol diyan. After all [garbled] late na namin natanggap kahapon. So [garbled]… Ang mahalaga po kasi diyan sa kaniyang liham ay iyon pag-act niya doon sa pag-convene ng Sugar Regulatory Board at iyong paglalabas ng resolusyon.

ROD LAGUSAD: Ano po ba ang magiging posibleng epekto ng pagbibitiw po ni Undersecretary Sebastian sa isinasagawang imbestigasyon po kaugnay ng nangyari?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Well, bukod sa—iyong pag-amin niya ay maipapasok iyon bilang sa ilan sa mga facts doon na idya-judge kumbaga. Magiging bahagi ng findings ng investigators natin. Aside from that of course, it could be easier na tanggalin siya doon sa puwesto where it can affect the outcome of the case. So isa po iyon posibleng maging effect ng kaniyang pag-resign.

ROD LAGUSAD: Secretary, karagdagan. Paano po ‘yung ibang mga kasama sa Sugar Regulatory Board na nag-convene at pumirma din po sa iligal na Sugar Order No. 4? May iba po bang—yes po.

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Iniimbestigahan din po sila, hindi lang naman po si Undersecretary Sebastian. Siyempre kailangan tingnan natin lahat ng mga pumirma dito sa iligal na resolusyon na inilabas nila para sa importation ng sugar. So tuluy-tuloy [garbled] sa kanila. Titingnan po natin kung ano ‘yung extent ng kanilang involvement dito.

ROD LAGUSAD: Uhum. Nadadawit po sa usapin si Executive Secretary Vic Rodriguez. Para lang po malinaw, ano po ba ang naging role ni ES Rodriguez po sa issue?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Actually, siya po ‘yung nakahuli nito. Siya po ‘yung nagdala ng issue sa Presidente at ipinakita iyong resolusyon na pinirmahan ng Board na illegally nag-convene. At si Presidente mismo ang nagsabi, saka hindi daw niya pinayagan itong importation na ito. So doon po lahat nag-umpisa at nakikita natin na it was ES din po ang gumawa ng hakbang para maumpisahan na po itong imbestigasyon.

ROD LAGUSAD: Uhum. Ano po ang iba pang gagawin na hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. po para linisin ang umano’y katiwalian po sa Department of Agriculture?

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Well, titingnan po natin iyong extent na matatagpuan ng mga imbestigador dito. So pagka base doon sa findings na iyon, of course may mga matatanggal kung kailangan silang matanggal… masususpinde kung ang findings ay magsusuporta ng ganitong klaseng parusa. So, in the meantime, tuluy-tuloy pa rin naman ang pag-address ng ating Pangulo doon sa ibang mga problema. Hindi lang naman po ito ang pagtutuunan ng pansin, gayun pa man, mahalaga na maresolba ito ng ating Pangulo and he will continue to the other work as well.

ROD LAGUSAD: Maraming salamat po sa inyong oras, Secretary Angeles.

SECRETARY CRUZ-ANGELES: Maraming salamat din.

ROD LAGUSAD: Nakapanayam po natin si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

##


News and Information Bureau – Transcription Section