Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Presidential Legal Counsel Salvador S. Panelo by Arnold Clavio and Rowena Salvacion – Dobol a sa Dobol B/DZBB


CLAVIO: Iyong sa Taiwan isyu po. Ano ho ang magiging reaksiyon ng gobyerno ngayong parang may galit ho ang gobyerno ng Taiwan at parang ang repercussion nito ay sa ating mga OFWs at iyong mga Pilipinong bumibiyahe din po dahil aalisin daw iyong visa-free ba privilege, Secretary?

SEC. PANELO: Alam mo, ang sabi ni Presidente, maselan ang problema ng kalusugan ng ating mga kababayan, iyon ang kaniyang primary consideration – iyong safety, kaya nagkaroon ng travel ban. Sinasabi niya, bigyan ninyo ako ng panahon to ponder over it kung ili-lift natin. Pero sa ngayon, iyong kalusugan ng mga kababayan natin ang nasa isip niya.

Unang-una, alam ninyo iyong sa visa, ordinaryo naman iyon eh; madali lang naman kumuha ng visa eh.

CLAVIO: Pero, Secretary, mayroon ba tayong pinarating na rin na ‘ika nga’y talata sa kanila? Kasi ang bintang po nila o ang kanilang perception ay political ito at hindi health issue.

SEC. PANELO: Hindi totoo iyon dahil hindi naman tayo gumagalaw nang ganoon, palaging health issue tayo.

SALVACION: Mayroon pong official na communication, Secretary, from the Executive Department para ipaliwanag sa kanila iyong kung bakit nagdesisyon nang ganito ang pamahalaan po natin?

SEC. PANELO: Hindi naman natin kailangan gawin iyon. Kung gusto nilang magtanong, sasagutin natin sila!

SALVACION: Sa kabila po ng kanilang threat na magpatupad ng kanilang parang counter measures against the Philippines, wala po tayong dapat ipangamba doon, Secretary Panelo?

SEC. PANELO: Natural lang iyon. Bawat bansa, kapag mayroong ginawang isang bagay ang isang bansa na hindi ka sang-ayon, gumagawa ka rin ng counter measure mo. Natural lang iyon. We understand where it’s coming from. But the primary consideration of the President is the safety of our countrymen – the foremost.

CLAVIO: Secretary, sa ngayon po ay niri-reassess po ni Pangulo itong desisyon na ito, Secretary?

SEC. PANELO: Lahat iyan ay kinu-consider ni Presidente. Pero palaging kaligtasan ng bayan ang kaniyang after

CLAVIO: Iyong kalusugan. Okay, well said po. Secretary, maraming salamat po sa—

SALVACION: May habol lang ako, Secretary Panelo. Kasi mayroong statement si US President Donald Trump sa VFA na parang binabalewala niya po iyong desisyon ng pamahalaan natin na ipawalang-bisa na iyong VFA o talikuran ang Visiting Forces Agreement. Sa katunayan daw, mas makakatipid pa sila ng pondo kapag kumalas tayo sa VFA. Ano po ang punto de vista doon ng Malacañang?

SEC. PANELO: Well, we can understand. Again, as I said, when you do something that is unsatisfactory to the other side, natural lang iyon na may sasabihin sila. We respect that the way they should respect ours.

CLAVIO: Pero binida rin ni Trump na maganda iyong relasyon niya kay President Duterte; Nagkakausap ho ba iyong dalawa, Secretary?

SEC. PANELO: Hindi.

CLAVIO: Ah hindi.

SALVACION: Hindi po ba dapat naka-schedule sila mag-usap na dalawa? Ano na po ang nangyari doon sa—

CLAVIO: Actually, imbitado si Pangulo sa US ‘di ba?

SALVACION: Oo nga.

SEC. PANELO: Wala namang naka-schedule. Iyon ay parang initiative yata ng kaniyang mga subordinates iyon, parang gustong kausapin si Presidente. Pero very clear na iyong sinabi ni Presidente noong … kahapon yata iyon, sinabi niya, “Hindi ko kakausapin. Anumang initiative, I will not welcome that. Basta iyon na ang posisyon ko.”

Alam ninyo, kailangan talagang—

CLAVIO: Manindigan.

SEC. PANELO: It’s about time, manindigan na tayo ng sarili nating kayod. Alam mo, noong panahon ng ating mga ninuno, hindi naman sila umasa kahit kanino noong nilabanan natin ang Espanya, nilabanan natin ang Amerika, ‘di ba? Eh bakit naman kailangan tayo … we keep on relying on others kaya nananatili tayong mahina. Kaya tama ang punto de vista ni Presidente, kumayod tayo nang sarili natin.

CLAVIO: May sinabi si Pangulo, tina-try i-save ni Trump iyong VFA. Iyon ang impormasyon na galing mismo kay Pangulo.

SEC. PANELO: Hindi, kasi nga may mga initiatives sa baba na gusto siyang kausapin. Pero iyon na nga ang desisyon niya eh.

SALVACION: Hindi na mababali pa, iyan iyon. Sir, paano naman iyong ano—

CLAVIO: Independent foreign policy kasi ang direksyon ni Pangulong Duterte.

SEC. PANELO: Yes.

SALVACION: Iyong resolusyon po ng mga senador na kumukumbinsi kay Pangulong Duterte na huwag munang i-abrogate; i-review tapos iyong possible na re-negotiation. Walang ganoong thrust ang Malacañang?

SEC. PANELO: Karapatan nila iyon. Alam mo naman si Presidente, he just listens to all whatever observations, suggestions – nakikinig naman siya. Pero sa ngayon, iyon ang kaniyang paninindigan – unchanged iyon.

CLAVIO: Secretary Panelo, salamat sa oras po.

SEC. PANELO: Thank you.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource