FAILON: So mayroon na pong notice ng termination?
SEC. PANELO: Yes.
FAILON: By the way, marami pong legal thoughts as usual dito ho sa … ito ho ba ay executive agreement or a treaty? No need ho to study law, kapag tratado, dapat Senado. Dadaan po sa Senado ang approval.
SEC. PANELO: Dumaan naman ito sa Senado, iyong VFA. Pero iyong pinag-uusapan diyan, iyong abrogation whether it will have to pass through. Ang aming posisyon dito ay hindi. Even the US considers this as an executive agreement. Moreover, as chief architect ng foreign policy, si Presidente talaga ang dapat na nagdi-decide.
FAILON: Okay. Kapag po executive agreement ‘ka ninyo, ito ho ay nasa ehekutibo na po ang poder to terminate it?
SEC. PANELO: Yes.
FAILON: Okay. So ngayon po, katanungan natin is: Ano ho ang ating next tact at tract dito? So mayroon na po tayong notisya, so 180 days para po mailatag na ho ang … kung pull out ano ho, kung sila po ay nandito pa.
SEC. PANELO: Kumbaga, maging effective after 180 days from receipt.
FAILON: Okay, sige. Tanong po, sir: Ano ho ang next move natin?
SEC. PANELO: Well, ang palagay ko ang next move ay sa kanila. Tayo ang nag-abrogate eh, so they should be concerned. Kasi iyong strategic positioning on the defense ng Amerika, pabor sa kanila itong VFA. Kailangan talaga nila ang Pilipinas dito eh!
FAILON: So our next move is just ‘wait and see’?
SEC. PANELO: Hindi. Alam mo, kailangan tingnan mo kung bakit in-abrogate ni Presidente; sinabi na niya iyong mga dahilan. Iyong kay De Lima na pinakikialaman iyong ating hudikatura dito, para sa kaniya, that’s not only disrespect sa judicial system but an assault to our sovereignty.
Pangalawa, nag-pass sila ng resolution na kinu-condemn nila iyong war on drugs na base naman sa tsismis, na hindi naman totoo. Kasi sinasabi nila na inisyatibo ng administrasyon o ng gobyerno iyong mga extrajudicial killings, pero ni hindi nila masagot iyong tanong namin na paano ninyo ipapaliwanag na 86 plus policemen ang napatay dito tapos 170 plus ang seriously injured. Eh kung totoong initiative ito, eh di sana zero casualty tayo.
Pangatlo, ang ayaw pa ni Presidente ay iyong you’re banning iyong supposed to be any … lahat ng opisyal na has anything to do daw with the wrongful detention. Eh hindi nga wrongful eh; tatlong proseso ang nagdaan dito sa pagka-detain ni Senador De Lima – fiscal, huwes, Supreme Court. Eh bakit naman ganoon sila, tapos kinansela pa nila si Senador Bato, ‘di ba? Iyon ang reason kung bakit.
Now, pero alam mo pinaliwanag ni Presidente kung bakit talaga. Sabi niya, alam mo matagal na dapat talaga itong i-abrogate, bakit kanyo? Sabi niya, “We have to rely on our resources; Hindi pupuwedeng forever parasite tayo sa ibang bansa para sa mga depensa natin; kailangan palakasin natin ang ating puwersa para ipagtanggol natin ang ating bayan.”
FAILON: Siguro nga din po ‘no, maganda rin na mamaya po ay mapasadahan ko lang iyong aking panayam kay Professor Banlaoi yesterday. Kaniyang inisa-isa rin po iyong mga probisyon po ng VFA na ‘ika niya ‘no, ito ho kasi kumbaga third party ito ‘no.
SEC. PANELO: Yes.
FAILON: Neutral kumbaga ho ‘no. Sa kaniya pong pag-aanalisa, dehado po tayo sa mga probisyon po ng VFA.
SEC. PANELO: Definitely. Doon lang sa pag-acquire ng jurisdiction dehado na tayo eh.
FAILON: Opo. And then, iyon nga ‘no, iyong usapin din ng … kasi po ngayon … mamaya nga—kunin mo nga, Ramir, iyong statement nitong Defense Secretary ng Amerika, may binabanggit siya roon na wrong timing ito kasi nga ang China ay nagpapalakas eh, pumuporma eh. Pero ang tanong nga rin po ni Ginoong Banlaoi and others that, “Eh sandali lang, noong binubuo ba nila iyong kanilang runway sa kanila hong—
SEC. PANELO: Hindi naman sila gumalaw.
FAILON: [Laughs] Anyway, alam ninyo ho, maganda ho kasing tingnan po natin ito sa usapin nga din po ng factual po lamang. Una, doon po sa kasunduan mismo kung ano ba ang probisyon nito; at saka po iyon din mga nangyari ho, naipon kumbaga na mga sitwasyon kung saan ang isang nakaupong presidente ay napikon, if I may say so ‘no – naipon eh. Hindi ho ninyo nabanggit, Secretary, na ang Pilipinas po ay may gusto hong bilhin noong una na 26,000 assault rifles sa Amerika.
SEC. PANELO: Hindi sila pumayag.
FAILON: Na hindi po tayo binentahan kasi nga doon sa war on drug issue ng pamahalaang Duterte ‘no, ‘di ba ho, sir?
SEC. PANELO: Yes, yes.
FAILON: Ito rin po iyong mga … naiipon po ito kasi nga ang sinasabi po ng pamahalaan ng Duterte that time is that, “Sandali lang, diskarte ko ito eh, ako ang nakaupong presidente, ito ang aking solusyon sa problema ng droga.” Ako ho mismo ay hindi sang-ayon, ako mismo, personally, doon sa uri ng implementasyon nito. Marami din hong hindi sang-ayon dito. Pero ang survey, sinasabi daw ho, karamihan sa mga Pilipino ay sumasang-ayon. Pero maraming grupo ho dito ang hindi sumasang-ayon – but that’s fine ‘no. It’s democracy. But the point is, iyon po ang ginagawa ng pamahalaang Pilipinas so, dapat daw galangin ng sinumang bansa.
SEC. PANELO: Korek.
FAILON: Opo. Iyon nga po ang nangyari, hindi tayo binentahan kaya nagtungo po ng Russia si Presidente.
SEC. PANELO: Yes. Nagbigay sila ng mga kondisyon doon eh. Sinasabi nila hindi pupuwede iyan kasi ginagamit ninyo laban sa mga involved sa drugs. Eh ang problema nga, nakikinig sila doon sa tsismis eh. Alam naman nila na matindi ang sindikato ng droga rito sa ating bansa, otherwise, how would you explain iyong mga sinisira nating pabrika ng droga? How would you explain na ang daming …milyon ang sumurender, ‘di ba? Tapos ang daming napatay dahil lumalaban sila sa gobyerno, at iyong mga pulis din ay namamatay din sa atin.
FAILON: Opo. So iyon nga po, ito ho ay nangyari bago pa lang po, kakaupo pa lamang ng Presidente.
SEC. PANELO: Mayroon na, even before he assumed the presidency.
FAILON: Hindi, I’m sorry. Ito pong kagustuhan na bumili nga po ng armas ‘no, sa Estados Unidos ‘no. So doon, sinabi niya, “Ah ganoon, eh kung ayaw ninyo,” kaya siya nagpunta rin po ng Russia, remember, at doon po siya nagsabi kay President Putin na baka pupuwede kami sa inyo kumuha. Hindi ho ba, remember?
SEC. PANELO: Yes.
FAILON: Opo, opo. At naghahanap po tayo ng ibang sources ng armas kasi nga ayaw tayong pagbentahan—
SEC. PANELO: Kailangan natin eh.
FAILON: Opo, ayaw kang pagbentahan ng Amerika. So meaning, naiipon na ito nang naiipon ‘no. And then, well, sabi naman ni Senator Bato, “Ako lang, iniisip ko lang para ako iyong last row ‘no?” Kasi ang iba, ang iniisip din po naman, visa issue lang ito.
SEC. PANELO: Hindi. Hindi – masyadong mababaw naman iyong tingin nila kay Presidente!
FAILON: So meaning, talaga pong kung ating aanalisahin, naaipon ito nang naiipon. Anyway, so ngayon po sir, na sabi ko nga kanina, ano ang ating next move, ‘ika n’yo, “Hindi nasa kanila ngayon ang bola!” Anong move ninyo? Inyo ho bang nakausap po ang Pangulo dito, Secretary, na open ba siya sa re-negotiation?
SEC. PANELO: Hindi. Hindi siya, hindi siya open. Hindi nga siya open na tayo ay pumasok sa mga military agreement sa ibang bansa eh. Kasi nga sinasabi niya, hindi pupuwedeng forever tayong naka – anong tawag doon? – relying. Umaasa tayo sa ibang bansa sa ating depensa eh. Kailangan palakasin natin ang ating puwersa, mga resources natin, tumayo na tayong mag-isa.
FAILON: Talaga pong sinabi niya iyon?
SEC. PANELO: Sinabi niya.
FAILON: Na hindi na siya bukas sa re-negotiation sa VFA?
SEC. PANELO: Yes, he said that. That was my statement. The basis of my statement is what the President told me.
FAILON: All right. So kung siya po ay hindi na open sa re-negotiation, doon po sa Mutual Defense Treaty, ito ho pupuntahan ko na ho nang mas maaga-aga ito. Ano ho ang kaniyang stand ngayon doon?
SEC. PANELO: Well, ang alam natin diyan, ang Senado ang sabi nila, rerepasuhin nila. Eh di papabayaan ni Presidente iyan. Basta as far as he is concerned, iyong VFA, tanggalin na iyan.
FAILON: Okay. Well, ang VFA po kasi ay sa mga tropa po ng mga Amerikano ‘no, sa kanilang pagpunta ho dito for exercises, etc. Iyong EDCA, iyong Enhanced Defense Cooperation Agreement po naman ay para po sa pagpapatayo ng mga pasilidad ng Amerika sa piling mga lugar na papahintulutan po ng ating pamahalaan. Ngayon po, iyan ay nangyayari sa mga bases na po ng atin pong mga armed forces – ano ho ang kinabukasan ng EDCA?
SEC. PANELO: Eh ako, sa tingin ko sa takbo ng lengguwahe ng Presidente, mukhang pati iyan ay baka ma—
FAILON: Iyan po ay inyo lamang …
SEC. PANELO: Yeah, the way his body language says, mukhang ayaw niya na rin niyan. Kasi considering na sinasabi niya na it’s about time to stand on our own, strengthen our resources, our capabilities of defending our country. We can’t be relying forever. We cannot be a parasite to every country na ang gusto natin tumulong sa atin.
Kasi tama naman siya, Ted, kasi kapag ikaw kasi ay umaasa, hindi ka gumagalaw para palakasin mo ang sarili. Umaasa ka lang. Paano kung bigla kang binitawan sa gitna ng giyera? Eh di wala na tayo.
FAILON: Ito pong EDCA na ito, iyan pong inyong sagot sa akin, Secretary, ay sa inyo po lamang pagbasa sa kaniya?
SEC. PANELO: Oo, sa basa ko sa kaniya.
FAILON: Opo. Iyon pong usapin nga, na sandali lang eh ngayon po na ang terrorism ay lumalakas. Ito nga, ang China po, sabi ho ng US Defense Secretary na ito, ang China ay pumuporma, nagpapalakas ‘no. Kailangan natin din, admittedly ho, kailangan din natin po ng ‘Big Brother’ sa usapin na baka naman biglang may aggression na mangyari coming from external forces, hindi natin madepensahan ang ating sarili. So tingin po ninyo, Mutual Defense Treaty, ito ho kasi, sa letra po ng agreement, kapag may actual talaga po na pag-atake sa anuman pong pasilidad ng Pilipinas, sa atin pong archipelago, including our public vessels and aircrafts, tutugon ang Amerika. Tingin ho ba ninyo, itong mutual defense treaty talagang ang damdamin ng Pangulo dito ay this must continue?
SEC. PANELO: Alam mo, Ted, kung matatandaan ko, tinanong ni Presidente iyong Ambassador ng US at that time eh. Papaano iyong …iyong sa China nga. Parang ang sagot sa kaniya ay ‘kapag inatake iyong American forces saka sila gagalaw.’ So kapag tayo pala hindi, parang ganoon ang dating. Eh bakit pa tayo nag-mutual defense pa kung ganiyan. Kung kami pala, hindi kayo gagalaw – parang ganoon eh.
Sa madaling sabi, si Presidente ay talagang ayaw na niya nang ganitong usapin eh. Kailangan talagang kung mayroon mang usapin, iyong equal ang tratamiyento.
FAILON: Pero, sir, hindi po naman maitatanggi na ang panunungkulan po ng pamahalaang Duterte ay may hangganan. So kumbaga po, saan mo iiwan ang bansa sa usapin po ng seguridad from external aggression – forces?
SEC. PANELO: Iyon nga ang maganda doon. Alam mo, sa panahon ni Presidente, iyan ang kaniyang foreign policy. Kaya iyong susunod sa kaniya, dapat kasing tindi niya rin; iyong mayroong sariling judgment, na hindi umaasa kung kani-kanino, iyon ang mahalaga eh –sino ba ang susunod upang ipagpatuloy ang kaniyang mga inumpisahan?
FAILON: So, sir, again, going back dito po sa Mutual Defense Treaty na ito. Totoo ho ba ang aking narinig na sa ngayon ay may isang team na nare-review po ng mga provision nito sa pamahalaang Duterte? Is there a team working on this?
SEC. PANELO: Ang alam ko iyong Senado ay irirepaso iyan. Hindi ko lang alam sa parte ni Defense Secretary Lorenzana kung mayroon din siyang ginagawa. Kasi ang narinig kong sinabi sa kaniya, kailangang repasuhin.
FAILON: Itong Mutual Defense Treaty?
SEC. PANELO: Yes. Lahat ng mmga agreement between the US and the Philippines!
FAILON: Siguro we have really to check an okay Secretary Lorenzana nga or maging kay Secretary Teddy Boy Locsin ‘no, kung ito ho ba ay talagang—kasi iyon po ang aking nabalitaan, there’s a team na working to review itong kasunduan na ito para lang ho masiguro nga na makuha natin iyong dapat nating makuha, at saka iyong wordings daw po ng kasunduan ay maging mas klaro ho.
Iyon pong pakikipag-ugnayan natin sa iba hong mga bansa on this particular engagement, parang mala-VFA sa ibang mga bansa because US also have theirs in other countries, Asian countries for example.
SEC. PANELO: Batay sa kaniyang pananalita, hindi rin siya bukas doon. Kasi nga, the basic premise niya is we have to stand on our own. Kailangan palakasin na natin iyong ating sarili; huwag na tayong umasa sa iba.
FAILON: All right, sige po. So ito hong usapin ng VFA ngayon, wika ninyo, wala na dito talagang puwang for re-negotiation?
SEC. PANELO: Sa tingin ko wala.
FAILON: Tingin po ninyo o talagang sabi niya?
SEC. PANELO: Sinabi niya unchanged eh. Tinanong ko siya eh, “Is your position unchanged?” “Yes.” Tinanong ko pa nga sa kaniya, “There is an attempt or initiatives by the US government to salvage this VFA.” “Ah wala, I will not even talk to them,” sabi niya.
FAILON: The die is cast.
SEC. PANELO: Yes. It’s carved in stone, not in water.
FAILON: But you know, only the die.
SEC. PANELO: [Laughs] But you know Ted—
FAILON: But we have not crossed the Rubicon.
SEC. PANELO: But alam mo Ted, iyong desisyon naman ng isang tao, isang gobyerno depende sa kalakaran na bumbalot sa pangkasalukuyan: If the circumstances require you to make such a kind of decision, then gagawin mo iyon; but if circumstances change, magbabago ka rin, ‘di ba? Sa ngayon ang tingin ni Presidente eh napaka-onerous ‘yan, laban sa atin ‘yan eh, hindi naman pabor sa atin. Sila lang ang nakikinabang niyan eh. O, iyan ang kaniya.
FAILON: Opo. Okay, so hindi ko ho maiiwasang hindi ito maitanong sa inyo po Secretary. May nag-text dito, opo: Iyan ho ba daw inyong shades ay may grado?
SEC. PANELO: Mayroon.
FAILON: Okay. Parang baligtad daw eh, dapat daw nasa ibaba iyong basehan – parang baligtad.
SEC. PANELO: Hindi. May grado itong sa taas at sa baba.
FAILON: Oo. Pero iyong shades ay baba lang.
SEC. PANELO: But you know, the reason why I’m doing this, I looked grotesque – bago akong opera eh.
FAILON: I see…
SEC. PANELO: Oo, kaya tinatakpan ko. Kaya precisely nilabas ko iyong mata ko para hindi shade ang labas.
FAILON: Ah. So, iyang design na ‘yan, sa’yo lang ‘yan? Kasi ngayon lang ako nakakita niyan eh, sa taas iyong klaro, sa baba—usually kasi, sa baba parang—iyong reading sa baba. ‘Ayun pala naman, kaya…
SEC. PANELO: Oo, ‘yun ang reason.
FAILON: Iyon pala naman, kaya pala… Mayroon palang pantakip sa ilalim, klaro sa taas.
SEC. PANELO: Oo, para makita nila na hindi ko tinatago ang mata ko.
FAILON: Ang galing mo talaga Sec., lodi. Iyon pala ang dahilan, kaya nagtataka kami lahat, sabi ko, parang baligtad ano ha.
SEC. PANELO: Hindi kagaya sa’yo, hindi ko makita mata mo.
FAILON: Sa akin po naman sir, ito ho oh, ‘ayun…
SEC. PANELO: Pero ito may grado ito, long saka short.
FAILON: Ako naman po Sec., kaya ako ganito kasi iyong katarata ko, the more light… even ni TV Patrol medyo nag-snoop na ako kasi nga—
SEC. PANELO: Ah… Eh kailangan magpa-opera ka na.
FAILON: Sir, matagal ang healing eh.
SEC. PANELO: Hindi, two hours lang iyon.
FAILON: Hindi, iyong healing. Iyong healing ang—
SEC. PANELO: Ah, iyong healing.
FAILON: Oo, iyon ang matindi. Isang linggo kang hindi maliligo. Iyon ang problema ko doon. Oo, ‘pag daw—mayroon na ngayong technology na bago ‘di ba? Pero iyon nga, dapat daw ay hindi mababasa sa loob ng isang linggo – so papaano iyon, Sec.? ‘Yan ang problema ko [laughs]…
SEC. PANELO: Naspu-naspu na lang… Punas.
FAILON: Oo. ‘Pag sobrang sunlight, sobrang ilaw sa studio snoop na iyong—nag-aano na iyong mata mo. How do you call that, iyong lumiliit na kasi nga nag-o-automatic shut off siya doon sa ilaw ‘di ba, iyong left side ko po naman Sec. Pero gagayahin kita Sec… Salamat Sec. sa panahon ha.
SEC. PANELO: Salamat.
FAILON: Mabuhay ka Sec., as always.
SEC. PANELO: Ayaw mong i-touch iyong ABS-CBN ha [laughs]…
FAILON: Hindi. Ako naman, you know—
SEC. PANELO: Hindi… Kasi in fairness to the President, kailangan malaman din natin na… kasi palaging sinasabi nila eh, “Eh ayaw ng Presidenteng i-renew.” Hindi naman…
FAILON: Sino may sabi?
SEC. PANELO: Hindi ba lahat ng kritiko ‘yan ang sinasabi, na parang assault to freedom of the press – hindi naman totoo ‘yan. Alam ninyo, hindi ninyo maiaalis kay Presidente na magbigay ng mga utterances of displeasure noong nagbayad siya dito sa kompanya ninyo na hindi naman iplinay (play) iyong kaniyang campaign commercial. Doon siya nagalit, but it doesn’t mean na he has anything to do with the petition for quo warranto.
Tandaan mo Ted, itong petition for quo warranto, ito ginawa ni SolGen on his own. Hindi ito diniscuss sa Cabinet eh, nakita ko na lang may pina-file na siya. Pagkatapos ang tanong—tinanong ko nga si Jo Calida, “O ang daming nagrereklamo.” Sabi niya sa akin, “Eh papaano naman, eh trabaho ko ito eh. Eh kung hindi ko naman ‘to ginawa, ako naman idedemanda nila.”
FAILON: Anyway sir, so kumbaga nga ito, like for example iyon pong binabanggit ninyo na issue nga ‘no, iyong kung saan ba nanggagaling itong disgusto or itong sabihin na po natin galit na ito ‘no. So maganda nga po ‘yan, chance din; I’m sure that will be asked in the Congressional hearing on the application nga for renewal of franchise. That’s a right also in you to answer all of these ‘no.
SEC. PANELO: Pero Ted, let me clarify ‘no. Ang Presidente ay maling tao na pinupuntahan natin para sa grant or renewal ng ABS-CBN—
FAILON: Of course…
SEC. PANELO: Kasi Kongreso iyon eh.
FAILON: Yes sir, I clearly understand.
SEC. PANELO: Sinasabi nila, “Eh paano, baka i-veto ni Presidente.” Unang-una, hindi si Presidente binging tipong tao. But even assuming on the remotest possibility na i-veto, that can be overruled by Congress, two-thirds vote.
FAILON: Eventually, opo.
SEC. PANELO: So in other words, kahit anong tingin mo, Kongreso pa rin ang may hawak. And pangalawa, si Presidente on record, never nakialam sa Kongreso. Magbigay ka ng example sa akin na nakialam si Presidente sa anumang usapin diyan sa Kongreso, hindi. Eh ‘yun ngang mga appointees niya sa Commission on Appointments eh ‘di ba hindi nakakapasa. Mayroon ba kayong narinig sa kaniya, wala.
FAILON: So ang atin nga ho dito ngayon, so there’s a quo warranto petition, opo. Let’s wait for the Supreme Court’s disposition on this one.
SEC. PANELO: Oo, hayaan lang natin ang Korte Suprema.
FAILON: Opo. Okay, so ngayon po mayroong—
SEC. PANELO: Saka alam mo Ted kahit pa nga, halimbawa manalo, o hindi ba—kailan, end of March lang naman eh. O, eh ‘di nandoon pa rin iyong kanilang petition for application.
FAILON: Application, opo. Kaya nga po sir, we put this in its perspective ‘ika nga po na, so may petisyon, so hintayin natin ang disposisyon. We are required to answer in 10 days, so our lawyers will do that, will respond to that. Okay, fine.
SEC. PANELO: Saka nga baka nga maging moot and academic Ted. Eh paano kung… ‘pag inabot?
FAILON: ‘Pag inabot, okay sir, opo. Ngayon after that, ito ho namang sa Kongreso din, let’s wait ‘no. Let’s give the members of the Committee on Franchise the time, right?
SEC. PANELO: To deliberate.
FAILON: Kasi sila din po nagsasabi na, “Sandali lang, hindi naman ‘yan ipso facto,” putol ka na kaagad ‘di ba?
SEC. PANELO: Oo, correct.
FAILON: Even assuming lang sa pinaka-worst scenario na ano… mayroon ka pa ring ‘sunset provision’ ‘yan and medyo mahaba-habang usapan ‘yan. Anyway, so bigyan lang natin po ng pagkakataon ang proseso ngayon na umusad. We can understand the sentiments, the emotions nitong mga panahon na ito, nauunawaan natin iyon. But again, ito pong prosesong ito ay kinakailangan nating pagdaanan and we really have to wait, okay.
SEC. PANELO: Yes. Saka alam po ninyo iyong mga expression of displeasure ni Presidente, that will fall within the freedom of expression; we cannot deprive this President to express himself just because he is the president. Eh binibigay natin lang ng karapatan na mag-express ng sarili sa lahat ng mamamayan. Eh lalo pa siya naging subject ng estafa, kasi para sa abogado estafa iyong ginawa – nagbigay ka ng bayad mo tapos hindi mo ginawa iyong parte mo, kaya siya nagalit.
FAILON: Well anyway, again Sec. ano ho, itong binabanggit ninyo po iyong isyung ito, definitely ‘no magkakaroon po ng—may sagot din po naman diyan ano. I’m sure kasi mabi-bring up din ‘yan doon po sa hearing ng congressional franchise definitely. So let’s give it—
SEC. PANELO: Basta huwag na nating… basta’t trabaho ni SolGen iyon. Kung hindi niya naman ginawa iyon, idedemanda mo naman siyang dereliction of duty. In fact tinanong ko siya, “Bakit ngayon lang… ka nag-file?” “Eh ngayon ko lang na-discover na mayroong violation eh; wala namang nag-raise nito until now.”
FAILON: And you know one thing also Sec. ‘no that we—ako ho, sa edad kong ito ngayon… sometimes we really become so frustrated ‘no with so many things happening in our world that you know, you forget that life is beautiful, but life is imperfect, ‘no.
SEC. PANELO: Oo, let’s just enjoy.
FAILON: Bawat isa po tayo sa mundong ito, may kaniya-kaniyang papel ‘no: Si Secretary Panelo, ‘yan ang papel niya eh, ‘di ba? Ako, mayroon din sa aking may disgusto, ito ang papel ko eh. May kaniya-kaniya ho tayong papel sa mundong ito eh, it’s just a matter of how do we accept it sa pagganap po ng papel ng bawat isang taong ito sa iyong sarili pong pananaw, sa inyong opinyon and how do you take all of these as part of our existence.
SEC. PANELO: You cannot please everyone, kaya nga nakakatuwa itong—
FAILON: And we can’t have it all…
SEC. PANELO: Kaya nakakatuwa nga itong Presidente nating ito, wala siyang pakialam kung magalit ka sa kaniya, patayin mo siya, i-impeach mo siya, ikulong mo siya. Basta sabi niya, isa lang ang aking ano, isa lang ang aking panuntunan, ano bang sinasabi ng Saligang Batas. Ang sabi sa akin, ikaw bilang presidente, ang trabaho mo, bigyan mo ng proteksiyon ang sambayanan at pagsilbihan mo ang sambayanang Pilipino – iyon lang!
FAILON: So Sec., ito ho, huling-huling tanong na lang. Saan daw po kayo kakanta bukas, Valentines bukas po? Pupunta kayo sa Manila Hotel bukas?
SEC. PANELO: Sa Valentines, iyong prinoduce ni Daisy Romualdez.
FAILON: Hmm… anong kakantahin ninyo?
SEC. PANELO: Siguro ‘You and I’…
FAILON: Salamat Sec. ha. Anong ‘You and I’ ito?
SEC. PANELO: [Singing] “You and I will travel far together…”
FAILON: Sandali, o-order ako ng sisig. Ano bang gusto mo sisig o… Magbabalik po kami [laughs].
SEC. PANELO: Wedding song ‘yun, wedding song.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)