Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Trinidad – (Buena Manong Balita – DZBB)


TRINIDAD: Secretary Martin Andanar, magandang umaga po sa inyo. Sir, good morning po.

SEC. ANDANAR: Hello! Good morning, Orly. Magandang umaga sa lahat po ng nakikinig sa atin dito sa DZBB, ganoon din po sa mga nanunood.

TRINIDAD: Kami ay nagpapasalamat binigyan mo ng pagkakataon na makausap ka namin, alam namin nitong nakaraang mga araw abala kayo diyan lalo na po sa Malacañang. Lalu’t lalo na iyong mga Cabinet members, Secretary, if I’m not mistaken, maya’t maya mayroong mga input na inilalagay sa SONA.

Pero bago iyan, puwede bang ma-share mo sa amin, kumusta ang practice o iyong ensayo ng Pangulo. Tama ba, noong Friday night ba iyan o kagabi ba iyan ginawa?

SEC. ANDANAR: Noong Friday night, tapos okay naman, swabe naman iyong pag-practice, iyong pag-rehearse ni Presidente. Mayroon siyang mga nakitang dapat lang baguhin doon sa kaniyang speech. Tapos kagabi mayroong additional pa na mga pagbabago. I understand ngayong gabi ang final rehearsal.

TRINIDAD: So Friday, Saturday and tonight – tatlong magkakasunod na gabi. Ibig sabihin, every now and then, kapag may nakikita ang Pangulo na gustong idagdag o baguhin ay pinadadagdag niya sa kaniyang speech.

SEC. ANDANAR: Iyong kagabi, hindi naman rehearsal iyon pero mayroon siyang pinaalis, pinabawasan siya.

TRINIDAD: Akala ko may pinaalis na Cabinet member. Paki-ulit nga po, tama ba ang pandinig ko, may pinaalis—may pinaalis sa speech?

SEC. ANDANAR: [Laughs] Speech, oo.

TRINIDAD: Akala ko may pinaalis na miyembro ng Gabinete.

SEC. ANDANAR: Mayroon siyang pina-edit doon sa kaniyang speech. Tapos ngayong gabi na ito, I understand there will be another rehearsal. Ewan ko lang kung matutuloy. Pero so far, so good. Gusto ni Presidente ay maisama ang mga dapat lang maisama sa talumpati.

Si Director Joyce naman sa kaniyang technical requirements, kumpleto na naman. And then, so far iyong pagdadausan ng State of the Nation Address ay nandiyan pa rin sa Mababang Kapulungan. Pero ito’y magdidepende, Orly, sa magiging resulta ng swabbing ng mga bisita sa araw na iyon.

TRINIDAD: Okay. So kung may bisita doon na maaari ngayon o bukas ng umaga ay lumabas ang resulta, hindi pipilitin na magtungo doon ang Pangulo?

SEC. ANDANAR: Actually, ang usapan ay same day, same day swabbing. Kasi mayroong swabbing na 45 minutes ay malalaman mo na ang resulta. So kung mayroong magpositibo, malaki ang pagkakataon na ito ay ilipat na lamang sa Option B – diyan na lang sa Rizal Hall.

TRINIDAD: So didepende lahat ito sa preparation ng PSG, preparation ng Kamara, and higit sa lahat ay ang magiging resulta ng swabbing sa mga bisita o mga dapat na nasa Session Hall.

SEC. ANDANAR: Yes. Ang maaapektuhan lang kasi kapag nalipat doon sa Malacañang ay siyempre liliit iyong numero ng makakadalo. So imbes na 25-25 – 25 from the Senate tapos mayroon ding 25 na halu-halo na congressman at mga ilang mga Cabinet members kasi hindi naman lahat ng Cabinet members ay makaka-attend din sa dami din – ay kukonti pa ang makakadalo kung sa Rizal Hall gagawin ang—pero, Orly, kung okay lang, idagdag ko lang ito …

TRINIDAD: Sige, sige.

SEC. ANDANAR: Mayroon kaming in-organize sa PCOO na mga Zoom viewing rooms. So mayroon kaming isang room na para lang sa mga Cabinet members na hindi makakadalo doon sa actual na SONA ay nandoon sa Zoom lahat, sa kuwarto manunood tapos ibu-button na lang ni Joyce.

TRINIDAD: … Joyce, kung sino iyong mga nandudoon na ipapakita rin sa screen.

SEC. ANDANAR: Oo, tama. Tapos mayroon din kaming pangalawang kuwarto, ito naman ay para sa mga LGUs at mga SK. Tapos iyong pangatlo naman, mayroon din kaming para sa mga OFW. So button, button lang.

And ang aming requirement sa mga dadalo, kailangan naka-barong pa rin, naka-Filipiniana, you know, in respect to the State of the Nation Address.

TRINIDAD: Tradition, ang tradition niyan naka-Filipiniana. So magiging very busy si Direk Joyce kapag nagkataon, Secretary Martin, maya’t maya ay may ibu-button siya and then balik sa Pangulo, then mamaya lilipat na naman. So may pagkakataon na talagang lahat ng mata, pati iyong kanyang mga assistant as gumagana.

SEC. ANDANAR: Oo, ganoon na nga ang mangyayari. Pero sanay naman na si Direk Joyce diyan.

TRINIDAD: Dako lang ako doon sa posibleng maging laman without, of course, hindi naman sa pangunguna sa magiging SONA, pero marami kasi ang nagsasabi ‘no na obviously ay magkakaroon nang mas mahaba-habang laman patungkol sa COVID-19 pandemic na dinaranas natin ngayon. Tama po ba iyan, Secretary? Pero bukod diyan, mayroon silang gustong malaman din kung … ibig sabihin ba nito ay maaaring humiling ng karagdagang pondo para labanan ang COVID-19 ng gobyerno, ng Duterte administration or karagdagan din siyempre stimulus program para na rin sa mga naapektuhang mga negosyante? Magiging laman din ba ito kung saka-sakali, Secretary?

SEC. ANDANAR: Hindi ko masasabi kung mayroong kahilingan na dagdag na pondo or stimulus package tulad nang nabanggit mo. Ang masasabi ko lang ay from the Pre-SONA na ginanap ng mga nakaraan Miyerkules – tatlong Miyerkules iyon – ay naka-focus sa magiging solusyon ng gobyerno sa mga challenges natin – challenges sa ating ekonomiya, challenges sa ating trabaho, challenges sa trabaho ng mga OFW, challenges sa pag-aaral at kung papaano makakabangon ang ating bansa mula sa pagdapa ng ating ekonomiya. Understood na iyon, alam na ng buong Pilipinas, dahil hindi lang naman Pilipinas kung hindi buong mundo ay hinaharap itong pandemya.

So  kung papaano natin babalikan iyong Pre-SONA—sorry, iyong Pre-COVID na sitwasyon na napakaganda ng ekonomiya, napakaganda ng ating employment rate, napakaganda ng future.

TRINIDAD:  Investment and even pati iyong infra project, tuluy-tuloy.

SEC. ANDANAR:  Oo, actually, lahat napakaganda talaga. And this is one of the worst problems that we’ve faced in decades.

So, ang gusto kasi ng tao malaman kung saan tayo dadalhin ng gobyerno, kung saan tayo dadalhin ng pamahalaang Duterte sa susunod na mga buwan. Because lumalabas kasi, Orly, na very uncertain ang ating climate, ang ating environment, pati ng buong mundo. So papaano tayo aakto, ano ang gagawin and gusto ng tao ay malaman kung saan daan tayo tatahakin ng ating Pangulo sa mga susunod na buwan. Sapagkat mahalaga kasi iyong assurance na makakain pa rin ang pamilya ko at makakapasok pa rin ang anak ko sa paaralan at may trabaho pa rin akong mapapasukan.

TRINIDAD:  Buti nabanggit ninyo iyan, Secretary, kasi ilan din sa ating mga kababayan gustong malaman ang ilang detalye patungkol sa COVID-19 na hindi nababanggit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha ng media sa Department of Health. Laging binabanggit lang iyong sa statistics figures. Mas marami sa atin ang gustong malaman kung… iyong mga simpleng detalye, Secretary, ilan ang babae, ilan iyong lalaki at kung saan marami na nagkakaroon ng COVID-19 – iyan ba ay iyong sa mga grocery, iyan ba ay sa mga transportasyon at iyong sa araw-araw – iyon din naman siguro ang gustong malaman. But nevertheless, ipinapaubaya natin iyan sa DOH. At iyon din naman siguro ang maaring ibigay na input nila para maging babala na rin sa ating mga kababayan na maaring lamanin ng SONA bukas; posible kaya iyon, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko masasabi na iyong detalye ay maibibigay; pero tama ka, in a sense that kailangan balanse kasi. Ang kailangan kasi ng buong lipunan ngayon ay masiguro ang ating kalusugan, isa; pangalawa, masiguro din ang ating hanapbuhay.

So, iyong dalawang aspeto na iyon ay mayroon din namang kinalaman talaga sa kabuhayan ng isang tao at kailangan balanse na malusog ako, mabubuhay ako, mabubuhay ang pamilya ko at the same time, mabubuhay din ang pamilya ko, dahil mayroon akong trabaho at may makakain. Kaya kailangan balanse, kaya’t iyon po ang gusto ng taong malaman. So, palagay ay sa talumpati ng Presidente sa State of the Nation Address ay masasagot ang mga katanungan na iyon sa Lunes.

TRINIDAD:  Okay, mayroon din bang pagkakataon matalakay din daw sa SONA ang patungkol sa Anti-Terror Law at ang tungkol sa West Philippine Sea, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Sorry, Orly ha, kasi talagang hindi ko pa nababasa iyong—

TRINIDAD:  Iyung talagang mga detalye tungkol diyan ano.

SEC. ANDANAR:  Oo, detalye. Tapos iyong rehearsal kasi ni Presidente, talagang very strictly limited to a very few people na technical lang talaga. Wala, as in kami hindi namin nakita, hindi namin nabasa, hindi namin napanood. Kasi alam mo naman, kahit sa amin sa PCOO, eh as of this morning, umabot na sa 14 iyong aming active cases ng COVID-19.

TRINIDAD:  Sa report nga actually, sa diyaryo nasa 20 daw eh. Nagulat ako ang dami ha, 20.

SEC. ANDANAR:  SA PCOO lang,  iyong opisina sa New Executive Building, 14 iyong active, isa  iyong deceased, so patay na, so kinse (15) total na COVID-19 cases. Tapos mayroon pa tayong pito hanggang walo na cases, mayroong inactive, iyong iba active doon sa mga ahensiya ng PCOO, kasama diyan ang PTV, Apo Production Unit, PIA. So, for the last week ay talagang tumaas po iyong active cases sa PCOO—

TRINIDAD:  So, hindi naman maapektuhan ang inyong coverage bukas. Ine-imagine ko lang kasi, that’s around—sabagay sa PCOO, sa NEB sabi ninyo mga 14 to 15 and additional 7 to 8 personnel’s sa iba’t-ibang mga ahensiya po under your office, so mga nasa 28, 29; so okay lang ba kakayanin ba?

SEC. ANDANAR:  Ang ginawa po namin ay, number one, nag-activate po kami ng aming COVID warrior  mechanism sa PCOO kung saan ay mayroon kaming in-assign para sa contact tracing, may ina-assign kami para lang sa maghanap ng ospital, lahat-lahat ng aspeto para ito ay mapigil iyong pagkalat ng COVID-19. Naka-lockdown kami sa PCOO, naka-lockdown din kami sa RTVM. Tapos mayroon po tayong mga pinapasok lang sa technical side. Pero lahat ng mga ito ay dadaan sa swabbing and then pagkatapos nitong State of the Nation Address, iyong ilang mga ahensiya na talagang involved doon sa araw-araw na production ay puro virtual press na, virtual production lahat, kahit na dalawang linggo, kasi talagang nakakabahala, biglang tumaas.

TRINIDAD:   I understand nakakalungkot nga, kahit papano magdadalawang-isip kang magtrabaho. But, panghuli na lang, Secretary, Iyong NEB, New Executive Building na binabanggit po ninyo, nandidiyan ang Press Working Area ng MPC. So, bukas ba ito?

SEC. ANDANAR:  Semi lockdown po sa Lunes. So binuksan po namin iyong Press Working Area,  dalawang area po iyang puwedeng tambayan ng ating mga kasamahan sa media para mag-monitor. Mayroon po kaming sine-set up ngayong araw na ito na tent, kumportable naman, may TV, may aircon, lahat. Tapos doon sa loob ng New Executive Building ay mayroon ding Press Working Area na naka-set up din iyon para puwede rin doon mag-monitor ang ating mga kasamahan sa media, dahil alam din natin na hindi rin puwedeng  pagkukumpul-kumpulin, kailangan may physical distancing.

TRINIDAD:  Secretary, maraming salamat sa pagkakataon ha. Expect na tatawag ulit kami at makikibalita, hihingi kami ng update sa inyo within the day, until tomorrow sa SONA. Secretary Martin Andanar, maraming-maraming salamat po sa inyo.

SEC. ANDANAR:  Mabuhay ka, sir Orly.

TRINIDAD:  Okay ka pala kapag umaga ah, magandang lalaki ka kapag umaga, Pare, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR:  Hindi binasa ko lang iyong ulo ko para kunwari bagong ligo.

TRINIDAD:  Secretary Martin maraming salamat po sa inyo. Magandang umaga po.

 

##

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)