URI: Ating kausapin mismo ang Communication Secretary ni President Rodrigo Duterte si Presidential Communications Operation Office, Secretary Martin Andanar. Secretary Andanar, magandang umaga po sa inyo!
SEC. ANDANAR: Magandang umaga Henry at magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa atin.
URI: Naku! Nasaan baga kayo, at medyog para kayong nasa eroplano yata?
SEC. ANDANAR: Ay hindi ho, nasa sasakyan ho ako ngayon.
URI: Ayon… Kaya lang medyo malayo ang tapon ng boses, nasa sasakyan kayo?
SEC. ANDANAR: Ako’y papuntang ano… papuntang Malacañang.
URI: Ayan oo. Sige po.
SEC. ANDANAR: Opo.
URI: Una muna, kayo ay galing sa UN, tama ba?
SEC. ANDANAR: Opo, sa United Nation sa Geneva at maganda nabanggit mo ang press freedom, dahil isa ‘yan sa mga binanggit natin sa ating talumpati doon sa United Nations sa Human Rights Council kung saan ay tayo po ang naging delegado ng Pilipinas para ipagtanggol ang ating bansa, sa mga maling paratang tulad po ng sinasabi nila na mayroong pagkitil sa press freedom, eh ‘yun po ay malayo sa katotohanan. As a matter of fact kung mayroong pagkitil sa ating press freedom eh ‘di dapat walang mga kritiko ngayon na mga journalist, mga anchor na nakapagsalita, nakapagsabi, walang nakakapagsulat ng kanilang mga criticism sa ating gobyerno. Taliwas ‘yan sa mga fake news na ‘yan, in fact patuloy ang pag-criticize ng mga critics natin sa gobyerno gamit ang dalawang sandata na ‘yan, ang freedom of expression at press freedom. Buhay na buhay po ang ating malayang pamamahayag sa ating bansa
URI: At ‘ika ko nga kanina… ayan kasi ay talagang malaki ang pakialam sa sikmura ng mga kababayan natin dahil yung banta ng anong mang pagnanakaw sa kaban na nagpapahirap sa ba’yan ay nalalaman natin sa pamamagitan ng kalayaan na ganyan.
SEC. ANDANAR: Tama ka Henry, kaya nga ‘di ba ang tawag sa mga anchor tulad ninyo mga commentator, mga fiscalizer kayo eh ‘di ba, chine-check tsaka bina-balance n’yo lahat kung ano nangyayari sa ating lipunan. Sinusiguro n’yo na maayos ang pagpapatakbo ng ating gobyerno at pinapaalalahanan n’yo ang lahat ng mga nasa gobyerno kung sila ay medyo nagkamali ng landas. Ayan po ay napakahalagang bahagi, ito’y sagrado na polisiya ng ating Konstitusyon.
URI: Kaya lang mayroon pa ring mga… mayroon pa ring mga… of course, kritisismo at tandisang sinasabi na may kwan eh… mayroong malaking pagbabanta na yung mga tumutuligsa, ‘yung mga naglalabas ng impormasyong hindi pabor sa kasalukuyang administrasyon, lagi nilang sinasabi for example ‘yung Rappler, lagi nilang binabanggit ‘yang nangyayari sa ABS-CBN, eh nakakatakot daw dahil baka dumating sa punto na mabusalan na ‘‘yung mga nangtatangkang maglabas ng kritisismo laban sa administrasyon.
SEC. ANDANAR: Henry, magandang nabanggit mo ‘yan. Alam mo dapat malaman ng mga kababayan natin na dalawang bagay ‘yan: iyung isa, isa press freedom; ‘‘yung isa ay legal issue.
Hindi po issue ng press freedom ang sa issue ng ABS-CBN at issue ng Rappler. Iyan po ay completely legal issue. Eh kaya nga po itong issue ng ABS-CBN franchise ay nandoon sa Kongreso para pag-usapan, para balangkasin ng mga kongresista kung karapat-dapat bang i-renew ang franchise; at the same time mayroon ding issue, legal issue ang ABS-CBN na nandoon naman sa Korte Suprema. Kasi kung sasabihin nating press freedom ang issue na ‘yan, oh ‘di dapat wala nang pinapayagan na makapagsalita na may pagkitil sa press freedom, ‘di ba?
The fact of the matter is tuloy-tuloy pa rin ang kritisismo ng mga critics sa ating bansa at iyan naman ay isang ano… isang pagpapakita ng vibrancy o buhay na buhay ang ating demokrasya dahil nga nakakapag-criticize, nakakapagtuligsa pa ang isang critic sa ating gobyerno. Ganun din po ang sa Rappler, hindi naman—eh ‘di kung walang press freedom eh ‘di dapat hindi na sila nakakapagsulat ngayon.
URI: You mean, sarado na? Sarado na dapat?
SEC. ANDANAR: Dapat sarado na, eh nakakapagsulat pa rin sila ah, nakakapag-criticize pa rin sila sa gobyerno, pero mayroon silang isyung legal. Ngayon Henry, dapat maintindihan ng mga kababayan natin na hindi ibig sabihin na ikaw ay media or ikaw ay mamamahayag ay exempted ka na sa batas. Hindi ho ‘yon, ‘wag—kahit na ikaw ang pinakasikat na broadcaster sa buong mundo o ikaw ang pinakatanyag na manunulat sa buong mundo sa isang dyaryo, hindi ibig sabihin na exempted ka na sa mga legal issues. Ngayon, kung mayroon kang paglabag sa ating mga batas ay hindi ka exempted, talagang mananagot ka sa proper forum.
URI: Ayon…
SEC. ANDANAR: Puwede sa korte, puwede sa SEC, puwede sa Kongreso, puwede sa Korte Suprema… ‘yun po… iyun po ang pinapaliwanag ko sa ating mga kababayan .
URI: Oho. I-welcome ko lang sa programa natin secretary, si Missy, si Missy ‘‘yung aking partner. Missy, good morning.
SEC. ANDANAR: Hi, Missy! Good morning, Missy!
HISTA: Good morning po Secretary! Good morning Ka Henry! Siyempre alam mo naman curious din ang ating mga kababayan, kasi baka naman daw iyong freedom of the press maging freedom of rest o ‘di ba? Kaya daw gan’yan.
SEC. ANDANAR: Hindi ho, hindi ho mangyayari iyan talaga Missy. Talagang hindi po mangyayari iyan. As a matter of fact, pag-upo ni Presidente Duterte, unang administrative order niya ay to create a Presidential Task Force on Media Security. Ang bantayan ang media na hindi sila malagay sa alanganin, pati na ang security. As a matter of fact, pag-upo ni Presidente eh naapura iyung Maguindanao Massacre case na sampung taon nang nakabinbin.
URI: Oo nga… Oo.
SEC. ANDANAR: December, na napagdesisyunan, na-promulgate ang desisyon ng Quezon City Trial Court at mayroon tayong more than 40 na mga salarin ang nahatulan ng guilty.
Ito rin ang gobyerno na pumirma ng the freedom of information, na naging Executive Order Number 2. Ito po ay talagang priority ni President Duterte. Since 1987 pa ho itong freedom of information eh hindi ho maipasa-pasa. So ibig sabihin ay pinalakas nito iyung right to information na nakasaad po sa ating Constitution. So talagang wala pong katotohanan na ito po ay mayroong oppression sa ating freedom of expression or press.
URI: Pero kayo as a Communication Secretary, Missy ano… of course siguro rin pag nagkakausap kayo ng ating Pangulo, anong reaksyon ninyo ba dun sa pagpilit na ikinakawing itong issue ng dalawang binabanggat kong media entity sa freedom of expression and freedom of the press?
SEC. ANDANAR: Iyun nga ang problema diyan, Henry, kasi wini-weaponize itong freedom of the press, freedom of expression in such a way na… eh kung mayroon ka pa lang paglabag sa batas, kung ikaw ay isang manunulat… mayroon kang paglabag sa batas puwede mo sabihin, ‘ay hindi, paglabag ‘yan sa freedom of the press.’ Pero kung mayroon namang klaro na talagang nilabag mo ‘‘yung batas, ibig sabihin na hindi ka na mananagot sa batas dahil media? Aba’y lahat na lang ng tao sa Pilipinas mag-media na lang kung ganon.
HISTA: Uhm… Korek.
SEC. ANDANAR: ‘Di ba?
URI: Ang sinisilip diyan iyun bang pronouncement ng Pangulo laban doon sa network na talagang nagpakita siya at nagsabi siya ng nilalaman ng kaniyang dibdib na nag-aalinpuyong galit doon sa network. Ang sinisilip di’yan ay dahil daw doon sa pagsasalitang iyon kaya nagkaroon ng problema sa usapin ng prangkisa. Can you explain on this, Secretary?
SEC. ANDANAR: Maganda… magandang ano ‘yan… magandang tanong ‘yan, Henry. So—ang freedom of expression ni Presidente ay hindi tumigil dahil siya ay naging Presidente. As a matter of fact, iyon nga… ayaw niya doon, eh. Bakit kinukwestyon ‘yon, eh freedom of expression ni Presidente iyon? That is one of his freedoms that he has, that he exercises up to this day. Hindi ibig sabihin na naging Presidente siya ay wala na siyang karapatan to express himself.
Pero hindi naman… hindi naman ‘yun ang naging dahilan kung bakit may problema ngayon sa Korte Suprema or mayroong kuwestiyon doon sa Lower House. You know, these are independent branches of government itong dalawa. So, respetuhin natin ‘yung proseso ng Supreme Court, respetuhin din natin ang proseso ng Lower House. Kung ano ang kanilang desisyon ay doon tayo.
URI: Kung halimbawang hindi ang Pangulo ang nagsasalita ng ganyan, anong epekto doon sa pinag-uusapang prangkisa doon sa quo warranto petition?
SEC. ANDANAR: Alam mo, mahirap kasing sagutin kasi very ano, eh… speculative ‘yung question, eh, iyung tanong eh. So, hindi ko talaga masasagot. Kaya nga ang sinasabi ko lang dito, mayroong question sa Korte Suprema, mayroong proseso sa Kongreso, ngayon hindi ko alam kung anong magiging desisyon ng dalawang branches of government. So, respetuhin natin ang dalawang branches of government.
URI: So, ‘yung…. ‘yung… Sa bagay, wala namang… ‘yung tungkol sa pagsasabi ng—kahit kayo, bilang Secretary, kahit sinong pinuno ng gobyerno, hindi po puwedeng… you mean to say, hindi po puwedeng sabihan ng “hoy, dahan-dahan ka sa pagsasalita. Opisyales ka na ng gobyerno.”
SEC. ANDANAR: Aba’y, alam mo, Henry at Missy, ‘yan nga ang pinagkaiba kay Presidente Duterte – wala siyang kinakatakutan. Kumbaga, kung ‘yung mga dating mga lider ay takot sa ganitong institusyon, sa gan’yang institusyon, itong Presidente natin alam niya na kung ano ang tama, tama; kung anong mali, mali.
You know, black is black, white is white. ‘Yun lang naman, eh pero, ‘di ba sinabi na nga ng Presidente ay apology accepted. ‘Di ba? So, ibig sabihin noon, ay hintayin na lang natin kung ano ang desisyon ng Kongreso at ng Korte Suprema. Ako naman ay very optimistic na kapag naging paborable sa ABS-CBN ang desisyon ng Korte Suprema at ng Lower House, wala namang rason na hindi pirmahan, ‘di ba?
URI: Actually, marami ang—
SEC. ANDANAR: Number two, kapag pumasa, kapag naging favorable ang desisyon ng Supreme Court sa ABS-CBN, ang magiging natural na epekto nito ay pati ang Rappler, makikinabang.
HISTA: Uhm… In what way po, Secretary?
SEC. ANDANAR: Eh kasi po, ‘yung sa Rappler, ‘di ba ang issue din doon ay ‘yung mga PDR. ‘yung Philippine Depository Receipts?
URI: Oo, oo…
HISTA: Uhm…
SEC. ANDANAR: Oh, ‘yun din. So, ibig sabihin, kapag sinabi ng Korte Suprema, ‘hindi, okay lang ‘yan.’ Eh, ‘di, okay na rin ang Rappler.
URI: Magiging jurisprudence na ‘yon?
SEC. ANDANAR: Eh, oo. Ganun na nga. So, magiging moot and academic na kung ano ‘yung mga finile sa Rappler na ‘yan sa SEC.
URI: Pero marami ang—Missy, marami ang of course, natuwa, marami rin ang nagulat na ang Presidente ay ganoon kadaling…
HISTA: Tumanggap.
URI: Magpatawad. Ganoon kadaling—kasi ang ini-expect natin siyempre—
HISTA: Tinanggap ang apology. Magmamatigas.
URI: Oo… Ini-expect ng tao sa Presidente, Secretary, very tough talagang… “No, no, walang … walang mga gan’yang sorry, sorry.
HISTA: Walang sorry, sorry.
URI: Bahala kayong magtanggol ng ka—
HISTA: Correct!
URI: Ng kaso ninyo sa korte.
HISTA: Yes.
URI: Secretary, pero kagyat niyang binitawan ‘yung salitang tinatanggap niya ‘yung paghingi ng paumanhin.
SEC. ANDANAR: Well… Ganun naman talaga si Presidente, a very forgiving person. So, ito’y nagpapakita lang talaga na mayroon talagang malasakit si Presidente, na ‘yun lang pala ‘yung kailangan, mag-sorry eh, okay na. Kaso, mayroon din namang ibang issue sa Lower House. Like what I said earlier, it is an independent branch of government. Mayroon silang sariling isipan doon, ganun din ang Korte Suprema, so hintayin na lang natin kung ano ang magiging desisyon ng dalawa.
HISTA: Kumbaga, Secretary, Ka Henry, everything, every issue should be dealt with separately kasi magkakaibang mga issue siya: ‘Yung pagso-sorry, ‘yung kaso sa Lower House and kaso sa…
URI: Korte Suprema. Sec, ‘yung sa UN, paano tinanggap noong mga kaharap ninyo roon ‘yung sinabi ninyo na dapat magdahan-dahan kayo sa pagsasabi ng anumang mga human rights violation at ano pa mang puna rito sa gobyernong ito?
SEC. ANDANAR: Alam mo, maganda po ‘yung pagtanggap ng mga senior officials na nandoon. As a matter of fact ay pinalakpakan nila iyung ang ating mensahe, pagkatapos nating ma-deliver ‘yung mensahe doon. Tapos, about two days ago ay naglabas po ng statement ang United Nations na sinasabi po ni Secretary General Guterres na pinapaalalahanan niya ang United Nations na huwag magpagamit at kailangan maging alisto sa mga organisasyon na ginagamit ‘yung human rights pero mayroong hidden agenda. Ayun, nag-release ng statement si SecGen Guterres. Iyan ay resulta ng ating pakikipagdayalogo, ang ating pagpunta doon para sabihin kung ano ang saloobin ng ating pamahalaan.
URI: Alright. Siguro Missy, lastly, tanungin natin si Secretary kung ano ang puwede niyang bitawan ngayon sa ating mga kababayan na pananalita lalo na Secretary doon sa, ‘yun na nga, ang issue pa rin: natatakot, nag-aalala, nangangamba na baka paggising nila isang araw wala na silang marinig na balita, komentaryo; wala na silang mabasang kritisismo at ang lahat ng ayaw at galit sa administrasyon ay may busal na, Secretary.
SEC. ANDANAR: Huwag po kayong mag-alala mga kababayan, lalong-lalo na ‘yung mga kababayan natin na oposisyon na wala pong tiwala sa ating pamahalaan. Ang majority naman ay may tiwala sa ating Presidente, 82%. Huwag po kayong mag-alala dahil ang press freedom po, ang freedom of expression ay hindi ho ito mawawala sa ating bansa. Ito ho ay nirerespeto ng Duterte Administration beyond 2022, hanggang sa dulo po ng ating landas ay mayroon ho, hindi ho mawawala itong press freedom at freedom of expression.
Isa po tayo sa mga bansa sa buong Southeast Asia o kung ‘di tayo lamang po ang bansa Southeast Asia na mayroong pinakamalayang pamamahayag and we are very proud of that kasi ‘yan po ay dala-dala natin mula po noong 1800 hanggang sa mga araw po na ito.
HISTA: Yes. Out of curiosity lang po, Secretary, ‘no… Ka Henry, nabanggit n’yo po kanina na talagang pinoproteksyunan ng administrasyong ito ang ating mga media. Matanong ko po, mayroon po ba kayong datos na nagsasaad na bumaba o tumaas po ang media killings na tinatawag natin ngayong administrasyong ito? Mayroon po ba?
SEC. ANDANAR: Mayroon po.
HISTA: Bumaba po ba?
SEC. ANDANAR: Mayroon po tayong datos na nasa Presidential Task Force on Media Security sa pangunguna ni Undersecretary Joel Egco. In fact, doon po sa datos na ‘yun, makikita natin na bumaba ‘yung mga media killings under the presidency of President Rodrigo Roa Duterte—
URI: At tumaas ang naresolbang bilang ng kaso.
SEC. ANDANAR: Tumaas. Tama ka, Henry. Tumaas ang mga resolved cases, kasama na ‘yung tatlumpu’t dalawang media workers na pinatay sa Maguindanao noong 2009. At sinisikap po ng Task Force on Media Security na talagang mas lalo pang mapaganda ang estado ng ating media dahil ito po’y… Ito pong PTFOMS ang siyang responsable sa pagpasa ng Media Workers Welfare Act d’yan sa Kongreso na ngayon po naman ay inaaksyunan ng ACT-CIS Partylist.
So, ito po ay tuloy-tuloy ‘yung ating adbokasiya. Kaming dalawa ni pareng Joel Egco ay hindi po kami titigil dahil pagpasok po namin sa gobyerno, ‘yun po talaga ang gusto namin, magkaroon ng PTFOMS, magkaroon ng Media Workers Welfare Act, at magkaroon din ng isang Freedom of Information Act.
URI & HISTA: Ayuuuun…
HISTA: Suportado naman pala tayo, Ka Henry ‘di ba? Do not be nervous.
URI: Hindi. At saka, ito naman— kayo naman, Secretary kayo naman ay former media at paminsan-minsan ay umuupo pa rin sa mga programa, hindi ba?
HISTA: Correct.
SEC. ANDANAR: Of course. Pagkatapos nitong gobyerno, eh d’yan din naman tayo babalik ‘di ba? So, hindi puwedeng mawala itong press freedom.
HISTA: Correct!
SEC. ANDANAR: Hindi puwedeng mawala itong Freedom of Expression dahil itong dalawang sandata na ito ng ating Konstitusyon ang siyang talagang bumubuhay ng diskusyon, malayang pamamahayag dito po sa ating mahal na bansang Pilipinas.
URI: At ‘yung mga taga-Siargao raw naman… ano ‘yun? Siargao ba kayo? ‘Di ba doon ‘yung mga beach?
SEC. ANDANAR: Oo… Actually, tatlo ang probinsya ko.
HISTA: Ang dami!
SEC. ANDANAR: Oo…
HISTA: Eh, saan po?
SEC. ANDANAR: Maradyaw na buntag sa mga taga-Siargao.
HISTA: Siargao.
SEC. ANDANAR: Maayong buntag sa mga taga-Bohol.
HISTA: Bohol.
SEC. ANDANAR: Buntag sa mga taga-Cagayan de Oro.
HISTA: Uy! Ang gaganda ng mga probinsya mo pala, Secretary. Ang napuntahan ko pa lang d’yan is ‘yung uhm… CDO.
URI: Hindi na raw kasi kayo ma-reach.
SEC. ANDANAR: Maganda ho talaga ‘yung mga lugar na ‘yan. ‘yung Misamis Oriental, Bohol at Siargao. Maganda ho talaga—
URI: Alam mo, kaya ko binanggit kung saan—tinanong namin kung taga-saan ka? Kasi isinusulong daw nung DoT ‘yung tourism, ‘di ba? Kailan ka daw makikitang naka-swimming trunk d’yan sa—
HISTA: Kapag ganoon, Ka Henry, puwede po bang saluhin ko muna ‘yung coverage mo, kapag ka ganoon? Ano, Secretary? Pwede ba ‘yun?
URI: May nagnanasa pala sa mga taga-Siargao sa’yo eh!
SEC. ANDANAR: Baka mag-ayawan ‘yung mga turista.
HISTA: Secretary, ikaw ang magiging isa sa mga ambassador ng Siargao. Oh, ‘di ba at ng Bohol.
SEC. ANDANAR: Opo. Talaga namang pino-promote natin ‘yang mga lugar na ‘yan every time mayroon tayong pagkakataon and in fact next week, March 13 may schedule si Presidente sa Siargao. So, baka puwedeng sumama…
HISTA: Ako po ba?
SEC. ANDANAR: Henry!
HISTA: Napaka-specific n’yo naman po.
URI: Sige, tingnan natin Secretary, at nang tayo ay makapamasyal din ng kaunti. Salamat ng marami sa inyo.
HISTA: Thank you po.
URI: Thank you so much for the explanation.
SEC. ANDANAR: Salamat, Missy at Henry. Mabuhay po ang DZRH! Thank you po.
URI: Thank you. Salamat! Si Secretary—
SEC. ANDANAR: By the way, by the way, congratulations nga pala kay Boss Vic daw dahil siya po ay nakatanggap ng award sa Asian Institute of Management. Congratulations po, sir!
URI: Pareho kayong may AIMs ‘di ba?
SEC. ANDANAR: Opo, sir.
URI & HISTA: Ayun…
URI: Sige, salamat. Salamat, Secretary! Thank you!
HISTA: Salamat din po.
SEC. ANDANAR: Thank you po.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)