Photos
Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inilunsad ngayong araw ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Kadiwa’y Yaman (KAY) Plants for Bountiful Barangays Movement (PBBM) na proyekto ng DILG Philippines at Department of Agriculture - Philippines (DA).
Personal na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 'Kadiwa ng Pangulo' sa Cebu Province ngayong araw, Pebrero 27, bilang pagtupad sa kaniyang pangako na magbigay ng abot-kaya at dekalidad na pagkain at produkto sa bawat pamilyang Pilipino. Nakausap din ng Pangulo ang mga magsasaka at mga miyembro ng mga kooperatiba sa rehiyon at nangakong patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang kanilang kabuhayan lalo na't maglulunsad din ng 'Kadiwa ng Manggagawa' sa iba't ibang dako ng bansa. Sa Kadiwa ng Pangulo, mabibili ang isang kilo ng NFA rice sa halagang Php 25 kada kilo, habang Php 200 kada kilo ng pulang sibuyas, bawang na Php 90/kilo, at mas murang karne, prutas, at gulay.
Pagkatapos makilahok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pasko site sa Valenzuela, siya naman ay nagtungo sa isang NFA warehouse sa nasabing lungsod upang magsagawa ng inspeksyon at matiyak na sapat ang suplay ng bigas para sa mga Kadiwa programs ng pamahalaan. Kasama niya sa nasabing inspekyon si OPS OIC Atty. Cheloy Garafil at iba pang opisyal ng gobyerno.
Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kakabukas lamang na Kadiwa ng Pasko site sa Brgy. Malanday, Valenzuela City. Sa kanyang mensahe, ipinarating ng Pangulo na ang patuloy na pagtatayo ng mga Kadiwa ng Pasko site sa iba't ibang panig ng bansa ay paraan ng pamahalaan upang matulungan ang pamilyang Pilipino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado. Kasalukuyan ay may tatlong daan at limampung Kadiwa ng Pasko site na ang nabuksan sa buong bansa.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng isang 'Kadiwa ng Pasko' caravan site ngayong araw, ika-1 ng Disyembre sa Quezon City kasama ang ilang opisyal mula sa national at city government. Nagpasalamat ang Pangulo sa tagumpay na tinatamo ng naturang programa lalo na't umabot na ito sa iba't ibang bahagi ng bansa kung saan positibo ang feedback mula sa mga mamimili. Binigyang-diin ni PBBM na nais din niyang gawing national program ang 'Kadiwa' sa tulong ng mga lokal na pamahalaan kung saan itutuloy pa rin ito kahit hindi na holiday season bilang tugon sa global inflation. Hinikayat din niya na tangkilikin ang mga produkto sa 'Kadiwa' caravan na handog ng pamahalaan para sa mas masaya at masagana na Pasko ng bawat Pilipino.
More Kadiwa outlets opened Friday at different locations in Metro Manila following President Ferdinand R. Marcos Jr.’s simultaneous nationwide launch of the “Kadiwa ng Pasko” project in Mandaluyong City last week.
Filipinos may now purchase affordable products, including rice at P25 per kilo at the Kadiwa ng Pasko Project launched by President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday, as part of his administration’s bid to slash rice prices.