Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Radyo Pilipinas
30 June 2017 (7:35 AM – 7:57 AM)

ANDANAR: (RECORDING CUT) … para madalaw ko rin ang mga ahensiya na nasa ilalim po ng Presidential Communications Operations Office, kasama na po itong Radyo Pilipinas; at para mabisita rin po natin iyong mga kasamahan natin sa Philippine News Agency na naka-assign dito, at Philippine Information Agency. At mahalaga kasi na ang mensahe ng Pangulo, kasi hindi naman siya puwedeng pumunta sa lahat ng lugar, hindi naman puwedeng hatiin ang katawan. So kaya kami po na mga miyembro ng kaniyang Gabinete ay kaniya-kaniya po kaming mga assignments, kung saan kami pumupunta. So in my case, napapanahon na po na para dalawin, bumisita dito po sa Legazpi, Albay.

Q: Okay. Sir, actually, nakikinig po ang Radyo Pilipinas Manila. Naka-hook po tayo, live po tayo sa buong PIlipinas ngayon sa pamamagitan ng Radyo Pilipinas Manila. Naka-standby si Sir Alan and si Aljo Bendijo. Siguro baka may mensaheng gustong iparating din, itanong sa’yo, Sec., iyong Radyo Pilipinas Manila, si Sir Alan. Sir Alan?

ALLANIGUE: Okay. Magandang umaga, Secretary Martin Andanar, sir. Good morning, sir.

SEC. ANDANAR: Hindi tayo naririnig.

Q: Hindi tayo naririnig yata nila, sir. Okay lang po. Anyway, mga kaibigan, siguro po—Sir, iyong pinakasadya po ngayon, itong ASEAN Info Caravan. Ano po, sir, ang halaga nito na dapat malaman lalo na po ng mga Bikolano?

SEC. ANDANAR: Well, isa ho iyan sa mga dahilan kung bakit tayo nandito, bukod po sa mensahe po ng ating Pangulo dahil ngayon po ay ang ikaisang taong anibersaryo ng ating Pangulo bilang Pangulo ng ating bansa. SIya po ay nag-take oath noong June 30, 2016. So today is June 30, 2017 marks his first year in office.

So gusto ko lang po munang ipahayag sa ating mga kababayan na ang isang taon po ng ating Pangulo ay parang tatlong taon na sa kaniyang panunungkulan sa dami po ng kaniyang nagawa. Isama ho natin diyan iyong US$35 billion na naiuwi ng ating Pangulo sa pamamagitan ng mga investment commitments – grants, soft loans – para sa ating bansa. Bukod po sa US$35 billion, iyong mga merkadong nabuksan po ng ating Pangulo para sa mga produkto na ginagawa sa Pilipinas, tulad na lamang ng mga agricultural products. Dahil isa ho sa mga bansa na nagbukas ng kanilang merkado ay ang bansang Russia. Nangako si President Vladimir Putin na mayroon siyang dalawang bilyong dolyar na merkado na bubuksan niya para sa mga agricultural products mula ng Pilipinas.

Pero nauna diyan iyong binuksan po ng China iyong kanilang merkado para sa atin at sa ating mga agricultural products din — mga prutas, gulay. At nakita naman natin na mismo iyong saging, mga pinya, iyong mga prutas po na tinatanim natin sa Mindanao at dito po sa Luzon ay halos hindi na ho kayang i-supply ang China, so nauubos na ho. Kaya ang ating Pangulo ay kaniya pong ini-encourage ang ating mga kababayan to go back to farming and start planting dahil nga sa sobrang laki ng demand ng agricultural products sa Pilipinas.

Pangatlo ho diyan iyong usapang pangkapayapaan na matagal pong nabinbin. Noong panahon po ng mga nakaraang administrasyon ay hindi po tayo nakikipag-usap sa CPP-NPA-NDF. At ngayon, kahit papaano, kahit na medyo rough sailing po iyong ating peace talks ay nandiyan ho, nag-uusap po iyong gobyerno natin; nag-uusap po iyong mga rebelde. Pangalawa, iyong pag-uusap po ng ating gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front kung saan iyong Bangsamoro Basic Law ay hindi nga nagtagumpay noong nakaraang administrasyon. Eh ngayon, nasa negotiating table na naman sila para maisakatuparan itong pangmatagalang kapayapaan na minimithi ng bawat Pilipino, so nangyayari po iyan.

At number four, dito po naman tayo sa Department Agrarian Reform kung saan…siguro iyong simbolo ng pang-aabuso ng mga taong may lupa. Ito pong Hacienda Luisita ay mayroon pong naipamahagi ang ating Pangulo na halos pitong daang (700) ektarya sa mga magsasaka. Ganoon din po sa mga ibang lugar dito sa Visayas at sa Luzon, Mindanao, na mga lupa na dapat ay dumaan sa Comprehensive Agrarian Reform ay naipamahagi na po iyong ibang mga lugar, sa Mindanao kaya nga medyo nagkaroon ng gulo doon. Pero ang mahalaga ho dito ay mayroon ho tayong Pangulo na malakas ang political will, Nancy.

Isama na rin natin dito iyong mga executive orders – na kung saan noong mga nakaraang administrasyon ay inupuan po – itong Freedom of Information. Matagal ho itong ipinaglalaban ng mga congressmen at mga senador sa Kongreso, nguni’t hindi po pumapasa. So mahigit tatlumpung taon na po itong nakabinbin diyan sa Lower House. Pero ang ating Pangulo, wala pa hong isang buwan, ay pinirmahan niya po ang Executive Order para sa Freedom of Information. At para sa kapakanan ng ating mga kababayan na hindi po masyadong maintindihan itong Freedom of Information, ito po iyong Executive Order na nagpapalakas doon sa tinatawag na ‘right to information’ na nakasaad po sa ating Saligang Batas. Ngayon, ang ginagawa po nito ay binubuksan niya po ang buong gobyerno natin, executive department, sa buong publiko; lahat ng impormasyon ninyo, as long as hindi po ito makakasira sa ating national security ay puwede pong malaman ng taumbayan kung ano po iyong impormasyon. Halimbawa, saan napunta ang isang budget para sa Project XYZ sa isang Barangay Abad Santos halimbawa, na limang milyong piso; papaano ginasta. Eh kahit sinong Juan/Maria at Pedro ay puwede na pong malaman kung saan nga napunta at paano ginasta.

Kaya nga nalaman ng ating mga kababayan kung magkano iyong ginasta ng ating Executive department sa biyahe ng ating Pangulo. Na mayroon ngang ilang mga pahayagan at isang online na puro negative po iyong balita na sinabi na P380 million ang ginastos ng ating Pangulo sa kaniyang mga biyahe, at si Presidente Duterte ang most travelled president in his first year. Eh totoo naman iyon: the President is the most travelled in his first year. Mahigit 21 na biyahe po abroad ang biniyahe ni Pangulo Duterte. At nakalagay doon na gumasta ng P380 million, totoo po iyan. At iyan ay inilabas, nailabas po iyan dahil sa Freedom of Information dahil transparent po ang gobyerno; wala ho tayong tinatago.

Ang hindi ho nila sinulat doon sa online na pahayagan na iyon ay kung ano po iyong balik. Sa P380 million na ginastos po ng pamahalaan sa biyahe ni Presidente, ang balik po dito ay $35 billion, okay. So sa isang piso na ginasta ng gobyerno, isanlibong piso ang balik. Kung ikaw ay si Henry Sy, kung ikaw ay si Gokongwei, kung ikaw po at si Ayala o si Manny Pangilinan, kung mayroon kang isang presidente ng kumpaniya mo na nakapag-uwi ng isanlibong piso sa bawat piso na ginasta eh siguro magtatambling ka na sa tuwa. I’m just giving you an example, Nancy, na ito po iyong Freedom of Information.

Ngayon, ikaw, mamamahayag ka, you are a broadcaster. Ang Pilipinas po ay kilala bilang isa sa pinakadelikadong lugar para sa mga broadcaster, sa mga mamamahayag. Ito po ay nasa, I think, Amnesty International ba iyon o Reporters Without Borders? May mga nagsabi nito eh sa United Nations. Pero noong naging Pangulo po si Presidente Duterte, pinirmahan niya iyong Administrative Order #1, hindi two, three, four, five, six; number one ho, pinirmahan niya, creating the Presidential Task Force on Media Security dahil ang ating Pangulo ay naniniwala sa mga nakasaad doon sa Konstitusyon natin na freedom of the press, freedom of expression at iyong freedom of speech. Ang ating Pangulo ay naniniwala po sa ating press, ating media kaya gusto niya pong protektahan ang ating press at media.

At sa awa ng Diyos, base sa huling ulat ng Reporters Without Borders ay bumagsak na po iyong rating natin, bumaba na po tayo doon sa rating na pinakadelikadong bansa sa buong mundo para sa mga journalist.

Q: Napakaganda po nito, Sec.

SEC. ANDANAR: Oo, nandiyan pa, Nancy—alam mo, kaya sabi ko nga, one year feels like three years. Iyong Executive Order banning firecrackers, iyong indiscriminate use of pyrotechnics. Kayo po ay makakaasa mga kababayan na kapag ito po ay naipatupad na nang wasto, ngayon bagong taon ay buo na po ang mga daliri ng ating mga kababayan. Tapos hindi po kayo magkakaroon ng problema, iyong mga hikain, hindi na po hihikain dahil sa usok ng paputok. Pero magkakaroon po ng isang common display area kung saan ang munisipyo, sasabihin, ‘dito kayo magpaputok, dito lahat, ito iyong firecracker display.’

Iyong paninigarilyo ho, Executive Order banning public smoking or smoking in public. Ayun so … at marami pang ibang mga executive order na ginawa ang ating Pangulo para sa ikabubuti po at ikagaganda ng ating bansa. And it takes so much political will to do this.

Alam mo, Nancy, alam mo kung ilang aktibidades ang pinuntahan ng ating Pangulo sa loob ng isang taon? More than 1,370 ang pinuntahan ng ating Pangulo ngayong taon na ito. Let me just get the … I have the data here with me kung ilan iyong pinuntahan. Okay, ito—sorry, 1,344 events ang pinuntahan ni Presidente as of yesterday, from June [2016] to June 2017. Ngayon, kapag ito po ay dinivide mo sa 365 days eh nag-a-average ng mga 3.6 or 3.5 activities per day. Alam mo ba kung ilang activities ang pinuntahan nung nakaraang administrasyon nung unang taon? 783 sa isang taon.

So makikita mo talaga dito na ang ating Pangulo ay very visible, napakasipag. Kanya minsan ay isinulat po sa mga pahayagan na nawawala si Presidente, etcetera at sinasabi na bakit eh hindi pumunta doon sa Independence Day at bakit daw ay limang araw nawala. Alam n’yo po mga kababayan, si Pangulong Duterte ay hindi po Superman, hindi ho siya robot, hindi ho siya bionic o 6 million dollar man; siya ho ay tao lamang at napapagod din.

Alam n’yo po mga kababayan ang isang ordinaryong mamamayan ay merong 116 rest o pahinga na araw o rest days – 116 sa 365 days. Si Presidente Duterte po ang kanyang pahinga ay 76 days lang po. Kumpara doon sa sa 116 na puwede siyang magpahinga kung gustuhin niya. Kanya siguro intindihin natin na iyong ating Pangulo ay kailangan ding magpahinga at kailangan niya ring maging malusog para suungin itong napakaraming problema ng ating bansa na naiwan po, na minana lang po natin.

Meron pa pong limang taon ang ating Pangulo at ang aking hinihingi po sa inyo ay ang inyong panalangin na bigyan ng Panginoon ang ating Pangulo ng magandang pangangatawan para magawa niya po lahat ng kanyang mga gustong gawin para sa tunay na pagbabago ng ating bansa. And gusto ko rin pong hingin ang inyong panalangin para sa mga kababayan natin sa Marawi, para makauwi na ho iyong mga kapatid nating Maranao sa kani-kanilang mga lugar at masimulan na iyong rebuilding process at masimulan na po iyong rehabilitation. Dahil ito lang naman po ang gusto natin. Ang gusto natin ay maging mapayapa na ang ating bansa, ang ating Mindanao.

So, manalangin po tayo na gabayan po iyong ating mga kababayan doon sa Marawi at bigyan po sila ng lakas na ituloy po iyong kanilang pakikipaglaban dito sa mga Maute, sa mga ISIS na ito. At sana matapos na ho ito sa mas lalong madaling panahon para makauwi na rin ang ating mga sundalo sa kani-kanilang mga pamilya. Wala namang may gusto ng giyera. Sabi nga ni Presidente, he is hurting pag naiisip niya ito. Ang ating Pangulo po ay isang Maranao gaya po ng inyong lingkod, lima po kaming Maranao diyan sa Gabinete. Si Presidente, iyong number one, tapos nandiyan si Secretary Mamao, nandiyan si Secretary Mamudiong, si Secretary Alonto at ang inyong lingkod po ay dugong Maranao din po. So hindi po maganda iyong nangyari, meron po kaming mga kamag-anak doon, meron po kaming mga kadugo doon na nagdurusa din po dahil sa nangyaring pag-atake nitong Maute-ISIS. Itong kanilang ideolohiya…ideology na wala pong kalalagyan sa ating lipunan na.

Q: Sabi ko nga napakaiksing panahon lang po ang dami na pong nung accomplishment ng ating Pangulo, mahal na Secretary.

SEC. ANDANAR: Opo. Maraming salamat sa suporta po na inyong binibigay sa ating mahal na Pangulo at sana patuloy n’yo pong suportahan si Presidente Duterte. Marami pa po tayong mga proyekto na gustong gawin, tapusin. Ang ating bansa ho ay isa na ho sa pinakamabilis na ekonomiya, fast growing economy in the world. Ang sabi po ng mga ekonomiya posibleng umabot ng 7-7.2 sa Gross Domestic Product o GDP. At kakaunti na lang po ay tayo na ang magiging tiger economy. Ang pangako po ng Pangulo natin na maibalik ang law and order sa ating bansa, nandiyan na po, lumalakas na po ang ating mga institusyon. Ang pangako ng ating Pangulo na merong peace and order, nandiyan din po. At ang pangako ng ating Pangulo na ibsan o bawasan ang kahirapan sa ating bansa, na ibaba from 24 to 14% ang ating poverty rate.

Mamayang alas-siyete ng gabi, puwede n’yo pong panuorin ang opisyal na programa ng ating pamahalaan, na maipakita po sa inyong lahat ang mga naging accomplishments ni Pangulong Duterte sa kanyang unang taong anibersaryo bilang Pangulo. Alas-siyete po ng gabi “#change365 a comfortable life for all.” Panuorin nyo po sa PTV ng alas-siyete ng gabi. Naka-simulcast po iyan sa Radyo Pilipinas, mapapanuod n’yo po sa lahat ng facebook pages ng Philippine News Agency, Philippine Information Agency at dito po sa Presidential Communications Facebook page. Suportahan po natin ang ating government media, lumalakas na po siya, maganda na po siya at marami po tayong plano na para umasenso po iyong ating government media, dahil matagal na pong napabayaan itong Radyo Pilipinas.

Q: Magandang balita po iyan, sir. Talagang natutuwa kami, there’s hope kay Pangulong Duterte. Sa inyo po sir, sa pamunuan po ninyo sa PCOO. Natutuwa kami, feel na feel po namin iyon.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Nancy. Ito naman ay ginagawa natin para sa taumbayan. Para hindi po masayang iyong kanilang buwis na binabayad, dahil parte po ng buwis na iyon ay dito po napupunta sa atin, sa Radyo Pilipinas. Pero balang araw ay mapapalitan na itong dial na console mo, bago. Pero ako ay natutuwa dahil sa kabila po ng ating low technology dito sa Radyo Pilipinas eh pagdating naman sa inyong dedikasyon ay hindi po matatawaran. Talagang nandiyan po para makapanilbihan sa ating taumbayan dito sa Legazpi, dito po sa Albay.

Kanya magandang umaga po sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagsubaybay sa palatuntunang ito. Salamat, Nancy, sa pagkakataong ito at nais ko lang po kayong batiin sa inyong lenguwahe, Dios mabalos mga manoy, mga manay, mga tugang sa Legazpi.

Q: Sir, maraming salamat for gracing our office, for coming into my office. Nakita n’yo po, sir, talagang sabi nga namin, pagdating nyo dito nila Deputy Director, kayo po sa pamunuan po ninyo, sir, nandiyan po iyong pag-asa namin sa ilalim ni President Duterte. Alam n’yo po dito sa Bicol ito po iyong Regional Center ng Legazpi, 90% of the regional offices naka-base po dito. That’s why we need a stronger force of PCOO, information agency of the government, sir.

SEC. ANDANAR: Well, Nancy, it is my honor to be here. It is my privilege to here and every time that I visit a provincial radio station ng Radyo Pilipinas ay nabubuhay po ang aking dugo because ako po ay first and foremost a radio broadcaster. Salamat po.

Q: Sir, thank you, god bless, more power, god bless the PCOO and the President.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po at magandang umaga sa lahat ng nakikinig, sa ating Regional Director ng PIA, ang ating head po ng PNA, at lahat ng kasamahan ko dito, government employees and of course mga kababayan natin dito sa Legazpi. Dios mabalos. Thank you.

##

Source: NIB Transcription

Q: