Photos


Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng Sumitomo Group sa huling araw ng kanyang opisyal na pagbisita sa Japan. Tinalakay sa pagtitipon ang pagbuo ng green finance ecosystem sa Pilipinas, kabilang ang tungkulin ng gobyerno, mga pinansyal na institusyon, at iba pang kaugnay na kinatawan. Ito ay bahagi ng dedikasyon ng administrasyon na siguruhin ang sustainability ng pang-ekonomiyang paglago ng Pilipinas.
President Ferdinand R. Marcos Jr. arrived back home on Sunday evening after a “fruitful” working trip to Japan, sealing $13 billion worth of agreements set to yield thousands of jobs for Filipinos.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Sunday praised overseas Filipino workers (OFWs) in Japan for their hard work, diligence and for putting the Philippine image in the global spotlight.
Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng Toyota Motors Corporation na muling ibalik ang Tamaraw model sa merkado ng bansa. Ibinahagi din ng Pangulo na ang Tamaraw ay isa sa pinakakilalang modelo ng sasakyan sa Pilipinas. Nagpahayag naman ng suporta ang Toyota sa mga plano ng administrasyon sa pagpapaluwag ng pagnenegosyo para sa mga kumpanyang nais magnegosyo sa bansa.
Sa miting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng mga opisyal ng Marubeni Corporation, inihayag ng kumpanya na patuloy ang pagsuporta nito sa layunin ng pamahalaan sa renewable energy, pagbibigay ng malinis na tubig sa mga komunidad, at transportasyon.
Sa hapunan na inorganisa ng mga Japanese financial groups para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at delegasyon ng Pilipinas, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang tiwala sa mga bagong proyektong pagtutulungan ng Pilipinas at Japan sa iba’t ibang sektor. Ipinagmalaki ni PBBM ang ekonomiya ng bansa na nangunguna sa rehiyon ng Asia-Pacific. Umaasa rin siya sa mga proyektong masisimulan mula sa mga pagpupulong, kabilang ang paglilinang sa larangan ng animation at game development kung saan pinakakilala ang Japan.
Sa ginanap na Philippine Business Opportunities Forum sa Tokyo, Japan ngayong ika-10 ng Pebrero, inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga negosyanteng Hapon ang kakayahan ng Pilipinas sa pakikipagnegosyo. Inihayag ni PBBM na ang pagkakaroon ng matatag na ekonomiya, pinadaling proseso ng pamumuhunan, at pagtatayo ng imprastruktura ang mga pangunahing dahilan para maging bukas ang bansa sa maraming oportunidad. Pinasalamatan din ni PBBM ang pakikipagtulungan ng Japan para maisakatuparan ang mga malalaking proyekto ng bansa sa iba’t ibang sektor tulad ng transportasyon.
Nagkaroon ng pulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tokyo Gas Co. Ltd. na pinangunahan ni CEO Takashi Uchida kung saan pinasalamatan ng Pangulo ang investment nitong liquefied natural gas (LNG) na makakadagdag sa pangangailangan ng bansa sa enerhiya. Inilahad din ni PBBM ang plano ng kanyang administrasyon na mas palawakin pa ang paggamit ng renewable energy sa bansa.
Sa pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japan International Cooperation Agency (JICA) President Dr. Tanaka Akihiko nitong Biyernes, siniguro ng JICA na patuloy nitong susuportahan ang Pilipinas sa mga proyekto nitong nakapokus sa pagpapaunlad ng bansa. Ang JICA ay ang pinakamalaking bilateral aid agency sa mundo at isa din sa nangungunang partner ng Pilipinas pagdating sa socioeconomic development.