INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue
31 Jan 2016
JAPANESE IMPERIAL COUPLE’S VISIT

Allan: Sec, natapos na po officially ‘yung state visit ng Japanese royal couple dito sa ating bansa, and we understand that this is very significant for both countries. Ano po ‘yung mga gains, Sec. Sonny, ng naging pagbisita dito sa bansa ng Japanese royal couple, sir?

SEC. COLOMA: Tutugon na lang ako sa wikang Ingles, Allan.

Allan: Opo.

SEC. COLOMA: The recently concluded state visit of Their Majesties, the Emperor and Empress of Japan, has further strengthened the enduring ties of friendship and cooperation between the Japanese and Filipino peoples. We thank Their Majesties for their visit, which highlights the 60th anniversary of the normalization of diplomatic relations between the two countries. Their Majesties personify their sterling qualities of magnanimity and heartfelt empathy that have touched and warmed the hearts of our people.

‘Yon ang ating statement hinggil diyan, Allan.

BANGSAMORO BASIC LAW

Allan: ‘Yon, opo. Sec, sa ibang usapin naman po. Mayroon pong panawagan ang Palasyo—galing po sa inyo mismo ‘yung statement, ano—para sa mga BBL stakeholders. Sabi ninyo ‘to keep the wheels of the peace process running.’ Ito po ay kung sakaling hindi man po makaabot bago mag-adjourn ang ating Kongreso itong pagpasa ng BBL. Ano po bang mga peace alternatives ang nakahanay o pinag-iisipan ngayon ng Palasyo, kung sakali po na umabot doon sa punto na ‘yon na hindi makahabol ang approval ng BBL, gaya po ng naunang binanggit ni Senate President Franklin Drilon, sir?

SEC. COLOMA: Through Executive Secretary (Paquito) Ochoa, the President has directed the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) to firm up in consultation with stakeholders an action plan for promoting the peace process in the transition period during the remainder of the current administration’s term and up to the assumption of the next administration.

Mayroon akong nakuhang message from Secretary Ging Deles and if I may quote, Allan, ito ang pahayag ni Secretary Deles para sa ating briefing ngayong umaga: “We will still need to do consultations including and especially with the MILF, but measures will include strengthening existing peace bodies and mechanisms to include the Bangsamoro Transition Commission, ceasefire and other joint security mechanisms, joint bodies for socioeconomic interventions.

We would want to operationalize the recommendations of the transitional justice and reconciliation commission regarding the healing of the wounds of war, and moving towards sharpened interfaith and multicultural dialogue and cooperation, and very important, undertaking the necessary groundwork to ensure the success of the legal political track in the next administration. We need to do all that is possible to ensure the full implementation of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro beyond this administration.”

So ‘yan ang dagdag na pahayag mula kay Secretary Deles na naaayon doon sa kautusan ni Pangulo na ipinahatid sa pamamagitan ni Executive Secretary Ochoa na ipagpatuloy ng OPAPP ‘yung konsultasyon at pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders, at ‘yung masigasig na pagpapatupad ng mga aksyon na patuloy pang magtataguyod sa prosesong pangkapayapaan, Allan.

COMELEC GUN BAN

Allan: Opo. Sa isa pa pong usapin, Secretary Coloma, inamyendahan po ng Commission on Elections (COMELEC) ‘yung probisyon ng policy na may kaugnayan po sa exemption sa gun ban. So, in effect, ito pong mga incumbent lawmakers natin ay exempted sa gun ban. Any reaction kaugnay po nito, Sec. Sonny, sir?

SEC. COLOMA: Tutulong ang Philippine National Police bilang deputized agency ng COMELEC sa pagpapatupad ng inamyendahang patakaran hinggil sa gun ban. Handa ang pamahalaan na gawin ang lahat ng nararapat at naaayon sa patakaran ng COMELEC na siyang may pangunahing responsibilidad sa pagtiyak ng pagkakaroon ng maayos at tapat na pambansang halalan sa Mayo.

QATAR JOB POLICY

Allan: Opo. Secretary, dito naman po sa statement ng Department of Labor and Employment, sabi nila mayroon daw po kasing bagong job policies na equivalent to system on educational qualification and work experience diyan sa Qatar at ito ay posibleng makaapekto sa aabot sa 12,000 OFWs (overseas Filipino workers) na kasalukuyang naroon. Ano po ‘yung mga measures na isinasagawa ng pamahalaan para kung posible pong maiwasan itong ganitong pangyayari, Sec. Sonny, sir?

SEC. COLOMA: Isinangguni po natin ang katanungang ‘yan kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz at ayon po kay Secretary Baldoz ay nakatakdang makipagpulong sa Minister of Education ng Qatar at sa Qatar Supreme Education Council ang ating mga senior official kabilang na si CHED Chairperson Secretary Patricia Licuanan at ang acting Chairperson ng Professional Regulation Commission Angeline Chua Chiaco hinggil sa usaping ito upang maihain sa mga kinatawan ng Qatar ang posisyon ng ating pamahalaan na nagbibigay suporta sa ating mga overseas Filipino workers. Katulad ng iyong nabanggit, may bagong patakaran ang Qatar na nagtatadhana na kailangan ‘yung 12-year basic education program bilang katumbas ng high school diploma. ‘Yung pinanggalingan nating sitwasyon bago sa pagpapatupad ng K-to-12 ay isang basic education system na mayroon lamang 10 taon, Allan.

Ganunpaman, nagpahayag ng kumpiyansa si Secretary Baldoz na ang ating mga overseas Filipino workers, partikular na ang mga inhinyero at arkitekto ay hindi naman seryosong maaapektuhan o ma-di-displace ng bagong patakaran dahil kung papansinsin natin, nagkaroon ng pagtaas pa sa pangangailangan ng Qatar para sa serbisyo ng ating mga manggagawa. Mula sa bilang na 85,000 noong 2014 ito ay tumaas na sa mahigit 104,000 in 2015, at hanggang sa kasalukuyan, ang ating Department of Labor and Employment ay hindi pa nakakatanggap ng ulat hinggil sa displacement ng ating mga manggagawa dahil sa bagong patakaran nito. Kaya patuloy na tinututukan ng DOLE ang sitwasyon, Allan, at makatitiyak ang ating mga kababayan na hindi lamang sa Qatar kung hindi sa iba pang lugar na patuloy na naghahanda at naglalatag ang ating pamahalaan sa pamamagitan ng DOLE ng mga kaukulang hakbang para tiyakin ‘yung kanilang kapakanan.

Allan: Opo. Naisip ko tuloy, Sec. Sonny, na i-relate ito—forward looking—doon po sa kasalukuyan nang ipinatutupad itong K-to-12 program natin sa basic education. Dahil base nga po doon sa mga report ay tayo na lang sa Pilipinas, kumbaga, ang may 10 na basic education kung ikukumpara sa mga neighbor natin dito sa Southeast Asia kaya parang ‘yung iba ay sinasabing talagang kailangan ng additional na two years para sa basic education dito sa atin sa Pilipinas, Sec, ‘di po ba?

SEC. COLOMA: Kaya nga masigasig ang ating pamahalaan sa pagpapatupad ng K-to-12 program, Allan, ay upang maipantay ang ating mga pamantayan o standard at ang ating mga kuwalipikasyon doon sa pandaigdigang pamantayan. Kilalanin natin na tayo ay kumikilos sa isang global economy at kailangang umayon ‘yung ating mga patakaran at pamantayan doon sa ipinaiiral sa ibang bansa para manatili tayong maging aktibong kalahok sa global economy.

Allan: Opo. Well, Secretary Coloma, muli salamat po nang marami for the updates from the Palace, sir.

SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Allan.

SOURCE: NIB-Transcription