January 28, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue |
28 Jan 2016 |
ALAN: Dito po sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado na may kaugnayan pa din doon sa Mamasapano incident eh mukhang patuloy pa rin po ang turuan at sisihan doon sa naganap na pangyayari. Ano hong reaksyon ng Malacañang, Sec. Sonny, dito sa mga kaganapang ito, Sec?
SEC. COLOMA: Lampas pitong oras iyong ginawang pagdinig, Alan, at ako naging saksi doon dahil isa ako sa mga naimbitahan. ALAN: Sec, sa ibang usapin po. Mayroon pong inilabas ang Transparency International, iyon pong kanilang Corruption Perception Index o CPI para sa taong 2015 at sinasabi po dito na iyong Pilipinas dati ay nasa 85th naging number 95th daw po ngayon sa ratings, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumaba iyong rating natin at sa mas malapit na pagsusuri lumalabas na marami din namang mga tabla na score kaya hindi naman din ganoon kasama iyong pagbaba ng ating rating kung tutukuyin iyong mga pag-tabla ng mga ranking sa mga countries. ALAN: Sec, dito naman po sa pagdalaw ni Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko dito sa Pilipinas. We understand that this is very significant considering kasabay nito iyong paggunita rin ng ika-animnapong taong anibersaryo ng diplomatic relations sa pagitan po ng Pilipinas at ng Japan. Ano pong mga updates din dito po sa mga pagpupulong nina Pangulong Noy at Emperor Akihito, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Isang mahalagang aspeto ng pagdalaw ni Emperor Akihito at Empress Michiko ay iyong pagpapatibay sa people to people relations ng mga mamamayan ng bansang Japan at ng ating bansa, Alan. Ang bansang Japan ay tumatayo ngayon bilang isang strategic partner ng Pilipinas at konkreto iyong manipestasyon ng kanilang pakikipagkaibigan sa atin sa pamamagitan ng sila ang pinakamalaking Official Development Assistance benefactor natin. At sa maraming aspeto ng ating ekonomiya sila ay tumutulong sa pag unlad ng ating bansa. At iyon ngang mismong Emperor at Empress ay simbolo ng matibay ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan. ALAN: Opo. Well, Secretary Coloma, sir, muli salamat po ng marami for the updates from the Palace, sir. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan. |
SOURCE: NIB-Transcription |