January 24, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Anchored by Rey Sampang |
24 Jan 2016 |
OPENING STATEMENT
Commemorating the 83rd Birth Anniversary of President Corazon Aquino The Filipino nation pays homage today to the memory of President Corazon C. Aquino on the occasion of her 83rd birth anniversary. President Aquino took on the leadership of the movement to restore democracy after the assassination of Senator Benigno S. Aquino, Jr. in 1983 and became president in the aftermath of the triumph of the EDSA People Power revolution following the failed snap elections in February 1986. As President, she moved decisively to restore and rebuild the democratic institutions that had been dismantled during the regime of the dictatorship since the imposition of martial rule in September 1972. Her steadfast dedication and commitment to democracy was highlighted by the conduct of credible elections and the peaceful handover of power to a new president in June 1992. State Visit of Emperor Akihito and Empress Michiko Next Week President Aquino will lead the Filipino government and people in welcoming Their Majesties Emperor Akihito and Empress Michiko of Japan as they commence their visit to the Philippines on Tuesday, 26 January. The visit of Their Majesties is significant as this year, 2016, is the 60th anniversary of the normalization of diplomatic relations between Japan and the Philippines. President Aquino has acknowledged that in Japan and its people “we have found steadfast partners and friends in the truest sense of the word” as concretely manifested by its being the largest contributor of official development assistance (ODA) to the Philippines. Japan is also one of the leading international advocates of the peace process in Mindanao. Moreover, Japan has provided significant assistance to the Philippines in terms of improving urban transportation and in providing relief to calamity victims. On a personal note, the President recalls that when he accompanied his mother, then President Aquino, during her visit to Japan in 1986, Emperor Akihito’s father, the late Emperor Showa, even conversed with him and advised him to take care of his parents. He notes that Japan was one of the countries that provided robust support to the Philippines’ newly reclaimed democracy 30 years ago. INTERNATIONAL EUCHARISTIC CONGRESS Rey: Sec, ang unang katanungan po ay kinukumusta lang po ‘yung preparasyon para sa 51st International Eucharistic Congress na gaganapin sa Cebu. Ito po ay matapos ang pahayag ng Vatican na kuntento sila sa inilatag na seguridad sa naturang pagtitipon, Sec. SEC. COLOMA: Katulad ng isinagawa natin noong pagdalaw ng Mahal na Santo Papa, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga tagapamahala ng International Eucharistic Congress upang tiyakin ang seguridad at ang maayos na kaganapan nito. Rey: Well, Sec, susog lang po doon sa unang katanungan kung inyo pong mamarapatin, sir. SEC. COLOMA: Ano ang katanungan? Rey: ‘Yon pong ano, sir, napakaraming delegado po ang darating at mula sa iba’t ibang bansa na sinasabi napakalaki daw pong kontribusyon din ‘yan sa tourism industry sa Pilipinas. Ano po ang masasabi niyo doon, Sec? SEC. COLOMA: Well, mahalaga ‘yung sustansya nitong International Eucharistic Congress, Rey, dahil ito ay isang major event ng Simbahang Katolika at tulad ng binanggit mo marami tayong bisita mula sa ibang bansa na tiyak na makikita ang kaayusan ng mga paghahanda at mararamdaman din ‘yung maalab na pagtanggap sa kanila ng ating mga kababayan na siyang hallmark o palatandaan ng Filipino hospitality. Kaya mainam na pagkakataon din ito para ipadama ng ating mga kababayan ‘yung ating kabutihan bilang isang bansang nakikipagkaibigan sa mga dumadalaw sa atin at nagbibigay sa kanila ng maayos na pagtanggap. ALLEGED MAMASAPANO COVER-UP Rey: Opo, maraming salamat po, Sec. Another question, Sec. Ito raw pong reaksyon ng Palasyo sa naging pahayag ni retired Chief Superintendent Diosdado Valeroso. Mayroon daw po siyang katunayaan o proof ng isang cover-up sa Mamasapano encounter, Secretary. SEC. COLOMA: Pinakamainam na hintayin na lamang natin ‘yung pagdaraos ng muling pagbubukas ng pagdinig sa Senado. Sa ating pananaw ‘yan ang mainam na forum kung saan maaaring maghain ng ano mang bagong kaalaman o ebidensya na makakatulong sa pagtuklas ng katotohanan hinggil sa mga kaganapan sa Mamasapano, Rey. YOUTH GROUP IN SPRATLYS Rey: Another—last question for today galing po sa ating Malacañang Press Corps. Reaction daw po ng gobyerno dito sa naging pahayag ng China na nagbababala sa mga Filipino protester laban sa pagsasagawa ulit ng trip sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea. Ni-re-reiterate daw po kasi ng China ‘yung kanilang indisputable sovereignty sa kabuuan ng Spratlys, Secretary. SEC. COLOMA: From the outset and irrespective of China’s pronouncements, the government through the AFP (Armed Forces of the Philippines) has engaged this Philippine youth group in dialogue on their plan to visit Pag-asa Island. According to the Armed Forces of the Philippines, continuing dialogue is being held with this group so that its members may duly consider the caution issued by authorities on the risks of traveling in that area, and to propose to them alternative methods of pursuing their advocacy. MEMORIES WITH CORY Rey: Sec, since ginugunita po natin ‘yung pagpanaw ng ating dating Pangulong Corazon Aquino, sir, mayroon ba kayong vivid memories ni dating Pangulong Corazon Aquino na na-experience niyo po during her time na nakasalamuha po niya kayo, Secretary? SEC. COLOMA: Itinuturing kong malaking karangalan na magkaroon ng pagkakataong makapaglingkod noong administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino. Sa loob ng maikling panahon, ako ay nagsilbi bilang pinuno ng Presidential Management Staff at Cabinet Secretary, at dahil doon, Rey, ay nagkaroon din ako ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa kanya araw-araw at makita ‘yung kanyang mga katangian bilang isang administrator at chief executive. At masasabi kong siya ay isang epektibong leader na mahinahon at malinaw sa pagbibigay ng mga direksyon at marami akong natutunan na mahalagang aral dahil sa ipinamahagi niyang kaalaman at magandang ehemplo bilang isang chief executive. Kaya’t ‘yung alaala na iniwan niya sa akin ay nananatiling nakatatak, Rey, at palagay ko marami pa tayong mga kasamahan na nagsilbi rin na kasama niya ang mayroong ganyang pananaw. ASSISTANCE RENDERED TO SAF 44 FAMILIES Rey: Maraming salamat po, Secretary, sa mga pahayag po ninyo at kasagutan sa mga katanungan mula sa ating Malacañang Press Corps not unless mayroon pa po kayong mga iba pang nais na iparating na mensahe sa atin pong mga tagapakinig, Secretary? SEC. COLOMA: Mayroon akong namonitor kanina sa media monitoring ng ating Philippine Information Agency na umano’y pahayag ng isang kamag-anak ng mga kinikilala nating SAF (Special Action Force) troopers. Kaya siguro ay mainam na tukuyin muli at magbigay ng update tungkol sa tulong na naihatid na ng pamahalaan to the families of the SAF 44 troopers, Rey, so magbibigay lang ako ng ilang highlights hinggil dito. Ito po ay ayon sa pinakahuling ulat ng Presidential Management Staff. The total amount of assistance to SAF 44 families is 188,338,464.99—may point-ninety-nine pa—pesos at ang breakdown nito ay sa tatlong bahagi: unang-una ay government assistance; pangalawa ay ‘yung monthly pension na tinatanggap ng pamilya; at pangatlo ‘yung donasyon na ipinahatid sa kanila sa pamamagitan ng PNP (Philippine National Police). So doon sa total amount na P188.3-million, Rey, ang government assistance ay 151,283,115.49 pesos at ito ay binubuo ‘nung mandatory lump sum benefits at iba pang assistance na ni-request ng kanilang pamilya. Ito ay mayroong range; nagkakaiba ito, Rey, dahil doon sa tenure or ‘yung dami ng taon ng pagsisilbi ‘nung mga beneficiaries. At bukod dito ay nagbigay din ang PNP at NAPOLCOM (National Police Commission) ng monthly pension—monthly ito, ano—so bukod doon sa lump sum o ‘yung buong amount na naibigay consisting of P151-million na naibigay na, katulad ng aking una nang naipaliwanag, mayroong monthly pension simula April 2015 to January 2016 at ito ay ipagpapatuloy pa sa mga susunod na buwan at ang total ng monthly pension na naipamahagi na ay 10,180,349.50 pesos. ‘Yung sa ikatlo namang kategorya na donasyon na tinanggap mula sa Senado, Camara de Representantes at ‘yung LGU (local government unit) ng Dasmariñas, Cavite ang total nito, Rey, ay 26,875,000 pesos. So ‘yon ‘yung breakdown, Rey. Rey: Opo. So ‘yun pong bilang ng mga figures po na ‘yan, Secretary, lahat pong ‘yan ay naipamahagi na sa mga sabihin nating survivors o ‘yung mga naiwanan ‘nung ating mga SAF 44. Taliwas po sa mga nagiging akusasyon o pahayag ‘nung iba na wala silang natatanggap o kulang ‘yung kanilang natatanggap mula doon sa mga naipangakong ibibigay sa kanila ng pamahalaan? SEC. COLOMA: Ang pangkaraniwan na sakop ng government assistance ayon sa batas, Rey, ay ‘yung immediate family members ‘nung mga killed in action personnel. Ibig sabihin natin doon sa immediate family members ay spouses, parents or children. Ngunit sa partikular na tinutukoy natin upon the request of the families, ‘nung mga naiwan, nagbigay din tayo ng tulong doon sa umaabot sa 261 extended family members. Ang ibig sabihin kasama ‘yung pinsan, kapatid, in-laws at ito ay ipinamahagi ng iba’t ibang government agencies, Rey. So hindi tayo nag-confine lamang doon sa immediate family na siyang tinatadhana ng batas dahil nga sa pagnanais na makapagbigay ng tulong sa mga yumaong SAF troopers, pati ‘yung extended family members nila ay binigyan natin ng assistance at ito ay sa mga aspeto ng livelihood, housing, education at iba pang related assistance. Rey: Opo. Sec, will you give us the permission to ulit-ulitin po namin ‘yung mga naipamahagi at least ‘yun pong mga detailed figures ng mga naipamahagi na sa mga pamilya at extended families ng ating mga miyembro ng SAF 44 para po mabigyan ng impormasyon na rin po ‘yung ating listening public. SEC. COLOMA: Well, para sa kaalaman ng madla ay bukas at hayag naman ang ating mga datos para maunawaan nila na mula pa noong simula ng ating tinutukoy na usapin ay talagang sinikap ng pamahalaan na maihatid sa mga pamilya ‘yung kinakailangang tulong at ayuda, Rey. Rey: Opo. Well, maraming-maraming salamat, Sec, not unless mayroon pa ho kayong ibang nais na mensaheng iparating sa ating mga kababayan po. SEC. COLOMA: Wala na sa ngayon. ‘Yan na lamang ang aking… Hindi, teka, dadagdagan na lang natin para mas maliwanag. ‘Yung kanina na breakdown natin, kasi nga sinabi natin tatlong main components ‘yan: ‘yung national government assistance na ang total P151,283,000 at ‘yung monthly pension na na-i-release na na ang total ay P10,180,000 from April 2015 to January 2016— ngunit continuing benefit pa rin ito, Rey, dahil monthly pension nga—at ‘yung ikatlong kategorya donations coursed through PNP, ‘yung galing sa Senado, House of Representatives, LGU-Dasmariñas at PNP Special Financial Assistance Fund. Ang total po ‘nung sa national government assistance ay P151.283-million, ‘yung sa monthly pension ay P10.180-million, ‘yung donations ay P26.875-million. Ngayon, ibibigay ko lang ‘yung breakdown ‘nung national government assistance na P151.283-million. Ang pinakamalaking bahagi nito ay ‘yung lump sum benefits na due to them from NAPOLCOM and PNP. Ang total ‘non ay P68,338,262. Sumunod doon ay other assistance, ang kategorya dito… Ito, ano, sa livelihood ay P15,746,668; housing P60,800,000; education P48,578,184; at other forms of assistance P1,820,000 kaya ang total ay P151,283,115. So bukod doon sa mga lump sum benefits ay malaki din ‘yung for education at ‘yung livelihood at ‘yung housing, Rey. So sana maunawaan ng ating mga mamamayan ‘yung lahat ng mahalagang elemento ng tulong na ipinamahagi at inihatid sa kanilang mga pamilya. Rey: Opo. Well, okay. Secretary, maraming salamat po sa oras na ibinigay niyo po sa amin dito sa Radyo ng Bayan. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga sa’yo, Rey. |
SOURCE: NIB-Transcription |