Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
By Orly Trinidad, Natural-DZBB
10 January  2017 (6:08 – 6:23 A.M.)

Q:                                                           Secretary Martin Andanar, magandang gabi po sa inyo.

SEC. ANDANAR:                            Magandang gabi Orly at Guwapo.

Q:                                                           May tampo si Fernan sa’yo. ‘Pag seksi raw pumupunta ka, ‘pag siya ayaw mo.

SEC. ANDANAR:                            Ay hindi, pupuntahan ko iyan. Pero ‘pag ano na…

Q:                                                           Hintayin mo siya, darating siya dito alas onse ng gabi. Secretary, paglilinaw lang. Pinag-usapan kasi namin ni Kaka iyong tungkol sa LeniLeaks. Papaano ba umusbong ito? Ito po ba’y natisod ng mga taga-Malacañang o anong sangay ng gobyerno? Papaano ho ba lumutang itong LeniLeaks na ito?

SEC. ANDANAR:                            Hindi, ito namang LeniLeaks ay galing ito sa mga bloggers nga na naging viral, so inaksiyunan natin dahil sa dami po ng mga nakasubaybay dito na mga netizens.

Q:                                                           Mga netizen na nakakabasa noong mga blog, mga reaksiyon. Hello, sir…

SEC. ANDANAR:                            (Unclear) kahapon doon sa cabinet meeting nagkaroon ng pull aside, meaning nag-usap ako, si Pangulong Duterte, si Jun Esperon. At ang pinakabagong mag-i-investigate nito ay si Secretary Rudy Salalima dahil siya ang mayroong online forensic expert.

Q:                                                           Iyong information and Communications Technology Secretary. Oho.

SEC. ANDANAR:                            Oho. Eh sabi ko naman, narito pa ang Pangulo. Tanong ko, “Mr. President, anong reaksiyon mo dito sa LeniLeaks? Anong gusto mong sabihin?” Tapos sabi niya sa akin, “Sabihin mo sa media, na ito ang iparating nila sa mga nagpaplanong pabagsakin ako.” Sabi niya, “I wish them all the luck.”

Q:                                                           I wish them all the luck.

SEC. ANDANAR:                            Oo, sabay tawa si Presidente, tawa siya. And then pagkatapos noon, pinag-usapan namin kung ano iyong nasa dokumento, etc., at sabay sabi ni Presidente na, “Alam mo, ang (unclear) sa mga—oh iyan, ‘pagkat hindi naman humaharap dito sa Pilipinas, nasa abroad, etc.” And then sabi ni Secretary Salalima na kaniya nang iimbestigahan kasi nga kailangan nating ma-verify iyong documents kung totoo ba ito o pawang kasinungalingan. Ganoong lang naman iyon, although some people in the cabinet wala naman silang pakialam kasi 83% ang mga sumusuporta sa publiko, 8 out of 10. Pero para naman sa ibang mga member tulad ko, Esperon, Rudy Salalima, we believe na kung mayroon namang mga ganitong klaseng… sa umaga, mayroong mga report na gustong patalsikin ang Pangulo sa pamamagitan ng ouster, ay hindi naman namin puwedeng pabayaan na lang nang ganito. Kasi, kami ay mananagot sa taong-bayan na nagluklok kay Pangulo sa puwesto.

Q:                                                           Baka sabihin na tutulog-tulog kasi sa pansitan iyong mga nasa… iyong mga ganoong ano?

SEC. ANDANAR:                            Oo. Siyempre, hindi naman kaya ng konsensya namin iyon dahil ang trabaho po namin ay number one, to be alter-ego of the President, and number two is also to protect the President kasi siya po iyong principal namin, si Pangulong Duterte. But in any case, na ang mahalaga ngayon ay umuusad na po iyong imbestigasyon, na kay Secretary Rudy Salalima na, he will find out iyong veracity. But you know, kung kayo po nagtataka Orly at Fernan, wala pang nagde-deny sa kanila ha, na sila nga ay kasama doon sa LeniLeaks na document, walang nagde-deny.

Q:                                                           Si Vice President Leni Robredo, nagsalita siya na wala daw siyang kinalaman.

Q:                                                           Wala naman yata siya talaga doon eh. Hindi siya kasama doon ‘di ba?

SEC. ANDANAR:                            Pero wala naman nagsasabi na kasama siya eh.

Q:                                                           Narinig ko iyong interview sa iyo ni Nimfa, nilinaw mo, mayroon doon nagtatrabaho sa Office of the Vice President. Tapos tinanong ka ni Nimfa, ang Vice President ba kasama. Sabi mo, hindi ‘di ba, hindi kasama.

SEC. ANDANAR:                            Oo, tama ka Orly. Wala namang nagsabi na kasama si Vice President doon, even doon sa pinagbasehan namin na blogger report, ay hindi naman namin—hindi ko naman narinig na sinabi na kasama si Vice President, pero sila nagsabi na kasama iyong Office of the Vice President—

Q:                                                           Isang staff.

                                                                Isang staff. Wala naman talaga iyong email ni Vice President, at wala naman siya doon sa conversation, doon sa may thread na… iyong thread na nakita nila, na di-nownload nila. So iyong sa akin lang, ay kailangan nating malaman kung talagang totoo iyong dokumento at kung sino iyong mga nasa likod nito para malaman din ng publiko. Kasi the public also has the right to know. Hindi naman puwede na manghila sila ng mga tao sa… manggugulo lang, eh tapos, kung halimbawang guilty, they can just go scot free. Of course, kung mayroon silang pananagutan sa batas, kailangan talagang harapin nila. Mayroon kasing consequence eh, ang ginagawa ng bawat tao. Hindi naman porke’t walang katorya-torya o walang chance na—

Q:                                                           O binabanggit nila, part of the freedom that is protected by the Constitution.

SEC. ANDANAR:                            Ah, well, siguro, kung sa palagay nila ay karapatan ng isang tao na pabagsakin ang isang gobyerno, eh sa palagay din naman namin na karapatan din namin na protektahan ang Presidente. At sa paningin naman namin, hindi naman namin sinasabi, hindi ko naman sinasabi kay—sa mga oposisyon na tigilan nila pagsasalita nila, freedom of expression. They can express whatever they want, at sabi nga ni Presidente, puwede silang mag-rally diyan sa EDSA as long as they want, and as long as hindi lang maapektuhan iyong mga, sa motorista. Hindi naman natin kini-curtail. Iyong sa atin lang, kapag mayroon na kasing nakalagay doon na, this is a condition na puwedeng patalsikin ang Pangulo, to remove from office, ibang usapan na iyon. Ibig sabihin iniisip mo pa lang na ire-remove mo si Presidente sa opisina. Oh, eh… I don’t know how they will explain that.

Q:                                                           Alright. Secretary ito, kasi ang impression sa akin, the way you said it last Sunday, ipapaimbestigahan ito para once and for all eh malaman iyong katotohanan based doon sa impression din noong mga nakikita doon sa blog. Tama ba iyon, Secretary? But kayo, wala kayong ini-insinuate na mayroon talagang literal na nagpaplano, na talagang may plano, kundi malaman iyong kung ano iyong nilalaman noon, saan ba tumatakbo iyon. Kasi personally, hindi rin tayo sigurado kung ano iyong discussion doon sa blog.

SEC. ANDANAR:                            Oo, tama ka Orly. Alam mo sa Amerika, iyong mga ganitong klaseng plano, iyong mga threat sa president…

Q:                                                           Ay naku, mahigpit ang ano doon, homeland security.

SEC. ANDANAR:                            Saka iyong ano, iyong Secret Service mismo. Kung ang isang threat lang na against the President of the United States, eh talagang kukuwestiyunin ka nila. And tayo din naman sa Pilipinas, that’s how we should also treat the President and—at iyong depensa po sa Presidente natin ay kailangan napakahigpit po. Talaga namang kailangan bantayan po natin ang ating Pangulo because he is the Commander-In-Chief and the father of the land, hindi iyong puwedeng sabihin nila, “Eh kasi wala naman kaming pag-asa, freedom of speech, freedom of expression.” Totoo naman, hindi naman kayo tinatanggalan ng freedom of speech/freedom of expression… karapatan. Puwede kayong magsisisigaw diyan, but once you start shouting ouster, remove the President, at alam naman natin na mayroon kayong kakayanan, then mayroon kayong mga personalidad and you’ve been so noisy, we will have to do some investigation, at aalamin natin kung talagang… ano ba talagang gusto mo sa buhay mo. 

Q:                                                           May kopya na ho noong exchanges ng blogs si Secretary Salalima? Kumpleto na ho ba siya o mayroon pa ho siyang planong ipatawag? May ganoong bang mangyayari?

SEC. ANDANAR:                            Mayroon na po siyang kopya, and ang masaklap dito Orly ay marami pang gustong—mayroon pang mga ibang ebidensiya na gustong lumapit at ibigay iyong ebidensiya. So you know, sayang nga, gusto ko na once and for all tapusin na ito dahil—

Q:                                                           Oo, mas maraming trabaho.

Q:                                                           Iyon yata talaga gusto ni Secretary Andanar eh. Dapat ba talaga na pagtuunan ng pansin iyong mga ganito na—hindi ba makakaapekto sa ating ekonomiya na may nagbabantang magpatalsik sa Pangulo?

SEC. ANDANAR:                            Ay ang sinabi po Senador Dick Gordon, itong mga ganitong klaseng banta sa termino ng Pangulo na ouster ay hindi… this will not sit well with the investors. Kasi ibig sabihin pala ay medyo shaky ang liderato kasi mayroong gustong mag-coup ‘d etat, gustong mag-ouster movement kumbaga.

Q:                                                           Pero sa akin kasi, total tatlo-tatlo naman tayong nag-uusap Kaka, walang ibang nakakarinig ano, tayo lang naman ni Secretary Martin ang nag-uusap dito. Iyong sa totoo lang eh, ‘ala namang kuwenta ‘to eh, kaya lang mayroon talagang na-involve na doon sa tanggapan ng Office of the Vice President. Iba naman siguro—_19:18__ ko lang iyon. Tingin ko lang iyon, Secretary. Ano sa tingin mo, total tatlo lang naman tayong nag-uusap.

SEC. ANDANAR:                            Hindi, totoo naman. Eh alam mo wala namang ka… sino ba namang—

Q:                                                           Walang katorya-torya iyong mga unang sinabi eh. Iyon nga lang, mayroong… uy, taga-Office of the Vice President ‘to ha. Iyon ang ika nga eh medyo nagpataas ng kilay ng iba.

SEC. ANDANAR:                            Oo, saka iyong of course, mayroong mga personalidad na nasa gobyerno pa ‘di umano. We are checking that facts ‘no, kung nasa gobyerno ho ba talaga si Mely Nicolas, at number two, kung siya ba talaga ang tao na iyon, iyong nasa… At the fact is, they are not denying. Wala naman… they should come out in the open and deny na sila iyon, number one. Number two, kung mayroon talagang tao sa Office of the Vice President na involved dito, he should come out in the open and deny and/or maybe the Office of the Vice President should come out and say, “This is not him. Wala kaming tao dito. We completely deny.” Walang nagde-deny eh. Only Vice President Leni Robredo denied, which in the first place, hindi naman siya kasama talaga. Hindi naman siya, so the public needs to know because the public elected the President, and sila ang may interes dito, they have the stake in this government. Eh kasi nga, kung hindi nila malaman, at sasabihin nila, like what you said Orly, sabihin na inupuan lang ng mga gabinete, wala silang pakialam eh. So—

Q:                                                           Oo, kasi nai-imagine ko malamang maraming… ilang araw nang may tumatawag sa iyo ‘no at pinag-re-react ka tungkol doon.

SEC. ANDANAR:                            Oo. The fact na nagre-react kayo Orly, and the fact na nagre-react iyong mga TV stations, ibig sabihin iyong taong-bayan ay gustong malaman ang punu’t dulo nito, iyon lang naman iyon. At sawa na rin iyong mga taong-bayan sa mga ganitong klaseng tao na… magugulo, mag-i-incite ng rebellion, etc. Sawa na rin iyong tao eh. Eh konting ano lang utot lang, rebellion na agad, alam mo iyong ganoong. So, it’s really frustrating, but then again, of course mayroong mga tao talaga sa bayan natin na siguro they were born to hate the world. Ganoong siguro, at siguro kung mayroong mga tao diyan sa ano, mga Pilipino na umasenso lang sa ibang bansa, eh ang akala nila eh maliit na tayong mga Pilipino na naiwan dito sa Pilipinas. Siguro iyon ang iba, tingin nila sa atin ay talagang maliliit lang at kayang-kaya nila tayong – parang chess ba, paikutin na sila’y naglalaro ng chess at tayo dito. So hindi naman puwedeng ganoong, hindi naman tayo magpapatalo.

Q:                                                           Alright. Well, nagpapasalamat kami ni Fernan sa iyo again Secretary, at sana naman sa susunod na pag-uusap natin mas… ‘di ba… exciting na pag-usapan, about economy ‘di ba, about tourism. Iyon ang magandang…

Q:                                                           About Miss Universe, iyong mga (unclear),‘di ba?

Q:                                                           Naggagandahang dilag na kandidato sa Miss Universe. Tayo na lang ang mag-usap. Huwag mo nang isama si—‘di ba, Sec.? O gusto mong sumali?

SEC. ANDANAR:                                        Naku, sa 17 in-invite ako sa Cebu para manood ng Miss Universe.

Q:                                                           Oy, swimsuit competition, Secretary, doon gagawin.

SEC. ANDANAR:                            Swimsuit nga eh. Eh mayroon akong dalawang tiket dito na __, eh baka gusto ninyong manood ng swimsuit competition?

Q:                                                           Puwede bang magdala ng video?

SEC. ANDANAR:                            Ha? Hindi… lahat puwede ninyong dalhin.

Q:                                                           Ah, ganoon ba.

SEC. ANDANAR:                            Ito iyong… front seat kayong dalawa ni Guwapo. Pero ang kondisyon ganito, dapat habang nanonood kayo ng swimsuit competition—

Q:                                                           Secretary Andanar, alam ko na iyang punch line ha. O sige, habang nanonood ng swimsuit, ano?

SEC. ANDANAR:                            Eh kailangan naka-swimsuit din kayong dalawa.

Q:                                                           Sabi ko na nga ba eh (laughs).

Q:                                                           Ako, wala akong kahilig-hilig manood ng mga ganiyan, mga…

SEC. ANDANAR:                            (Laughs) Eh alam mo, nakita ko iyong katawan ni Fernan Gulapa eh…

Q:                                                           Larawan ng kawalang-malay.

SEC. ANDANAR:                            Pang-Mr. Philippines iyan eh.

Q:                                                           Secretary, maraming salamat muli and good luck. At sa uulitin po sir.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kayo. Next time pupunta ako ng studio, diyan tayo mag-usap dahil…

Q:                                                           Oo, si Fernan nagtatampo ‘pag sexy raw pumupunta ka. ‘Pag siya na ano, hindi ka pumupunta.

SEC. ANDANAR:                            Sige pupunta ako diyan, promise. Ano naman ‘tong programa mo, Monday to Friday naman ito eh.

Q:                                                           Secretary, thank you po sa inyo ha. Magandang gabi po. Good luck.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kayong dalawa.

Q:                                                           Si Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar.

###

source:  Transcription NIB