Interview with Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Mercado
All Ready / DWFM / 7:32 – 7:39 A.M.
22 June 2017

ORLY:                                                  Kasi pag-uusapan natin iyong Executive Order No. 28. Drawn ba from the experience of Davao ito?

SEC. ANDANAR:                            Sa Davao kasi, Ka Orly, walang ano eh…hindi katulad ng mga na-experience natin dito sa Maynila na mausok kapag New Year; tapos doon sa Maynila nagka-countdown na at the same time mga reporter, tayo sa media, ay nagka-countdown din doon sa PGH.

ORLY:                                                  Oo. At saka counting the fingers also ng mga…yung mga daliri—

SEC. ANDANAR:                            Oo, naalala ko iyon ang first assignmenmt ko noong reporter ako eh, nandoon sa PGH binibilang kung ilan yung pumapasok at nagpapagamot ng mga daliri at tinitignan kung kumpleto pa; while at the same time meron din doon sa Mary Johnston at tinitignan kung sino ang unang manganganak.

ORLY:                                                  Pero ngayon magbabago na ngayon iyan because of this Executive Order.

SEC. ANDANAR:                            Oo, because of the Executive Order No. 28 na iregulate na nga itong mga pyrotechnic devices sapagkat marami din po sa mga paputok iyong sobra na, delikado na talaga and ang sinasabi lang po nito, iyong Executive Order No. 28, ay hindi naman iyong totally ban yung fireworks or pyrotechnics. Magkakaroon po ng isang common display area.

ORLY:                                                  Ayun, may lugar.

SEC. ANDANAR:                            May lugar po at mayroon ding mga kumpanya, mayroon ding mga tao na bibigyan ng accreditation ng PNP at magbibigay din ang local government units ng permit kapag mayroong okasyon na kailangan ang firecrackers.

ORLY:                                                  Or whatever.

SEC. ANDANAR:                            Oo, whatever. Humingi lang kayo ng permit sa local governments ninyo and then siguraduhin ninyo lang yung magma-manage ng paputok ay registered sa Philippine National Police at iyong mga paputok ay hindi iyong sobra ang lakas.

ORLY:                                                  Oo.

SEC. ANDANAR:                            Kasi mayroong mga ‘Goodbye Philippines’ na talagang goodbye ka eh. [laughs]

ORLY:                                                  Parang mortar na iyong…talagang grabe. And iyun bang problema din nito is that iyung mga sunog na nangyayari pagka nagkakaroon, sa New Year din talagang kalaban natin nung araw iyung mga sunog eh.

SEC. ANDANAR:                            Oo. Nung araw lalo na iyong mga nipa hut pa iyong mga bahay, di ba? Well, sa mga lugar po na light material ang gamit eh very combustible ganitong klaseng disgrasya. Kanya very timely iyong pagpirma ni Presidente. Kung maalala ninyo po last year ay sinabi po ni Presidente na hindi niya pipirmahan kasi nakapag-invest na iyong mga negosyante.               

ORLY:                                                  Aah yeah, I remember.

SEC. ANDANAR:                            Eto na iyon. So don’t worry kasi hindi naman talagang inaalis, in fact it gives the local government units also an opportunity to organize a fireworks display on the New Year and then kung ano man iyong okasyon. And ito kasi organized, Ka Orly. Usually mas maganda talaga iyong fireworks display kapag professionals iyong nag-organize nito, iyong mga nagpa-plantsa, nag order ng mga paputok anong klaseng mga pasabog, mga lilipad. Mas maganda pag organized eh. Siguro napanood ninyo din doon sa MOA, iyong competition diyan.

ORLY:                                                  Pero sa isang banda, importante din na ma-control kung saan ginagawa ito. Kasi ang problema dito is that iyong mga pagawaan nito minsan eh nasa civilian populated areas. Eh magkaroon ka ng aksidente diyan talagang delikado iyan.

SEC. ANDANAR:                            Oo, diyan sa Bulacan di ba madalas iyong magkaroon ng sunog, sasabog iyong pabrika. This is also a call to professionalize—

ORLY:                                                  Yeah.

SEC. ANDANAR:                            So ito rin ang magiging epekto nito sapagkat ang PNP na ang magre-register eh, hindi na iyon puwede. So, you will be forced to professionalize if you want to survive in this industry. Now, kung gusto mo talaga, halimbawa ikaw ay mamayan at gusto mo talaga ng katakot-takot na fireworks display, then you talk to your local government unit. Talk to your mayor, barangay, ‘well, gusto namin iyong maganda talaga.’ It’s your right din na ito yung gusto natin. Pero maganda nito siguradong kumpleto daliri mo pagkatapos ng putukan.

ORLY:                                                  Pag-usapan natin of course yung lagi nating problema, iyong nagpapaputok ng baril.

SEC. ANDANAR:                            Iyon. Tama ka, Ka Orly, kasi siyempre pag kontrolado mo iyong sitwasyon, iyong area kung saan puwedeng magpaputok, alam mo na kung saan nanggagaling. Kung may biglang pumutok doon sa kabilang kalye…baka baril na iyon. So madaling mahuli, mas madaling hulihin iyong tao. Pero siguraduhin ninyo lang na wala talagang paputok na makalusot na…iyong Goodbye Philippines.

ORLY:                                                  Sige Martin, thank you very much for answering our call early in the moning.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kayo Ka Orly.

# # # # # #

source: Transcription NIB