Interview with PCO Secretary Martin Andanar
PTV-4/RADYOBISYON by Aljo Bendijo and Czarinah Lusuegro
21 February  2017/6:05-6:15 A.M.
SEC. ANDANAR:                              Ang sa akin lang naman at ang sinabi ko lang naman ay merong diumano’y offer na ganoong halaga at wala naman tayong binanggit na reporter na tumanggap. In fact, sabi ko nga ay wala nga akong natanggap na report na may tumanggap. Iyon lang naman. So that issue has been settled and I already answered it yesterday.

BENDIJO:                                             So, there was an offer, there was an attempt, pero wala pong naibigay, klaruhin po natin, Sec?

SEC. ANDANAR:                              Oo. It was a report na diumano’y may offer na iikot na ganyang halaga at iyong report naman ay wala namang nagsabi na may tumanggap. At nais ko lang sabihin, Aljo, na I respect my former colleagues in the media. Kaya nga hindi tayo ano eh—talagang siniguro natin doon sa ating source kung meron bang tumanggap.

BENDIJO:                                             Iyong offer ba, Sec., nanggaling sa opposition talaga, iyong offer?

SEC. ANDANAR:                              Mahirap kasing sabihin, kasi alam mo naman dito sa atin kapag sinabi mong oposisyon ay iyon na mismo iyong tumitira, pero hindi. We cannot say who offered it. But what can I say is obviously it’s from somebody who opposes the President.

LUSUEGRO:                                       Secretary, hinihimok ngayon ng NUJP itong Senate beat reporters na kasuhan kayo dahil sa inyo pong ginawa. Dahil medyo nalagay daw sa alanganin iyong kanilang buhay na malamang may ganitong panlalagay sa media, so maaring iyong buhay nila ay maging 50-50 kumbaga. Ano po iyong reaksyon ninyo doon, sir?

SEC. ANDANAR:                              Ang NUJP naman they have their right to express their own opinion. But again, gusto ko lang sabihin sa NUJP ay siguro to go through the transcript nung sinabi ko and nowhere in that conversation was a journalist mentioned and there is no way and no part of that conversation also expressly said that there was a journalist who accepted money.

BENDIJO:                                             Sec. gaano ba kalawak talaga itong demolition job na ginagawa ngayon. Dahil itong timing ng pag-recant ni SPO3 Arthur Lascañas ay nataon naman dito sa anytime maglalabas po ng warrant of arrest ang korte dito po kay Secretary De Lima.

SEC. ANDANAR:                              Alam mo naman, Aljo, it doesn’t take a rocket scientist to read what’s been transpiring the last two weeks na sunud-sunod itong mga ginagawa ng mga elemento ng lipunan na ayaw sundin ang Pangulo. At puno at dulo nito ay para sa massive protest sa February 25. So, iyon ang nakikita namin, sa nababasa namin, at actions speaks louder than words. Tuloy-tuloy mula doon sa pagbubukas muli ni Senator Trillanes nung bank account, tapos ito naman si SPO3. So meron pang mga ano, iyong mga rally nung nakaraang linggo. Tuloy-tuloy ito. At we will see sa Feb. 25 kung magtagumpay sila.

BENDIJO:                                             Hindi po natitinag ang ating Pangulo? Nakausap n’yo po ba si Pangulong Duterte, Sec., sa mga nangyayaring itong paninira sa kanya?

SEC. ANDANAR:                              Salamat sa tanong Aljo. Pero kagabi kasi nagkaroon kami ng NEDA meeting, natapos na ng late alas-nuwebe na ata o 9:30. Tapos prior to that nagkaroon kami ng meeting with US-Philippine Society, suportadong-suportado ang ating Pangulo. Hindi naman napag-usapan itong mga ito, itong mga ganitong isyu. Business as usual, trabaho lang ang ating Pangulo ngayon, Aljo.

LUSUEGRO:                                       Secretary, going back doon sa 1,000 dollars na isyu. Sabi ni Trillanes, na siyang nagsagawa ng press conference kahapon, ang sinabi n’yo daw ay isang distraction o diversion doon sa inihayag nitong is SPO3 Lascañas. Ano po iyong masasabi ninyo doon, sir?

SEC. ANDANAR:                              Again, the Senator is entitled to his opinion, the same way that we are entitled to our own opinion. I respect the opinion of the senator.

BENDIJO:                                             So, kaisa po tayo, Sec., to preserve. Ito talaga, ito iyong nais nating mangyari. We have to preserve the integrity ng atin pong propesyon and kaisa po kayo diyan, Sec?

SEC. ANDANAR:                              Opo, iyon naman ang ating naging statement after na naging malaking balita iyong sinabi ko. We just have to preserve the integrity, again ang aking naging statement that was to underline the monies that are allegedly going around just to support the eventual massive protest this Feb. 25. It was not to say that journalists received money, hindi po ganoon iyon, hindi po ganoon. Klaro naman doon sa aking statement.

BENDIJO:                                             Malinaw naman po. Nakalagay po doon – sa mga hindi po nakabasa na pinalabas n’yo po sa social media, Sec., ‘no – na may offer, na may attempt, walang tumanggap at hindi po kayo nagbigay ng pangalan, hindi po  ba?

SEC. ANDANAR:                              Opo.

BENDIJO:                                             Malinaw po iyon.

SEC. ANDANAR:                              Oo, malinaw, wala naman talaga akong natanggap na… nakita na pangalan na sinabi sa akin ng aking source. Why invent kung wala naman talaga. Kung meron naman, kung meron—halimbawa kung eh meron, why should I hide it kung meron at may ebidensya, wala naman tayong tinatago. This government has always been for transparency.

BENDIJO:                                             Iyon at least malinawan na iyong NUJP. Kasi sinasabi ng NUJP thru Ryan Rosauro, the Secretary should present credible proof to back your claims Secretary. Pero sinasabi mo, malinaw dito merong nag-offer, merong attempt pero walang nakatanggap at hindi po kayo—totoo po iyan hindi po kayo nagbanggit ng pangalan ni isang reporter.

SEC. ANDANAR:                          Opo. So ganoon lang, siguro mataas talaga iyong emotion ng mga kasamahan natin. It’s understandable that magkaroon ng mga ganoong reaksiyon, or knee jerk reaction na hindi binabasa iyong buong transcripts. It’s just normal, it happens all the time.

BENDIJO:                                             Naglabas na po ng reaksiyon si Senator Gordon, baka hindi niya po bubuksan uli ang investigation. It is because of parang hindi talaga nagsasabi ng totoo itong si—biglang nag-recant, parang perjury po ang kaso ni Lascañas nito, Sec. Reaksiyon n’yo po?

SEC. ANDANAR:                              Alam naman natin na the good Senator Dick Gordon has always been very fair, circumspect in everything that he does. Mula pa doon sa Subic, naging Tourism Secretary, naging Senador, at ngayon nga ay Senador muli. At ang akin lamang po ay the good Senator has always been consistent, objective sa lahat ng ginagawa niya.

BENDIJO:                                             Bilang panghuli na lang, Sec. Mensahe n’yo po sa mga tagapakinig, tagapanuod sa araw na ito, sa umangang ito, Secretary?

(coverage cut)

                                                                  Maayong buntag, Sec. Iyong mensahe n’yo po sa mga tagapakinig, tagapanuod ngayong araw na ito, ngayong umagang ito, Sec?

SEC. ANDANAR:                              Maraming salamat, Aljo at Czarina. Nais nating makiramay doon sa mga pamilya ng mga estudyanteng nasawi at handa po tayong tumulong sa mga nasaktan. Marapat lamang na suspindihin at siyasatin ang mga bus ng Coach Bus Tours upang tiyaking ligtas sila para pagbiyahe. At dapat ay kumilos ang DPWH kung may kailangang mga karatula, pagbabago sa daan upang maiwasan ang sakuna. Gayundin din po agad na dapat imbestigahan ng PNP ang aksidente upang mapanagot po ang mga may sala. Ito po ay kaugnay, Aljo, sa 14 na estudyanteng namatay diyan sa Tanay.

BENDIJO:                                             Thank you po, Secretary. Maayong buntag, sir.

SEC. ANDANAR:                              Good morning.

##

source:  Transcription NIB